Etong blog na ito ay a must read ng kahit sino.

May mga bagay na hindi maipaliwanag at hanapan ng rason.
Di ka makakatakas sa katotohanan.
Di ka makakaalis ng walang natututunan…

kaya hangga’t wala kang ibang ginagawa eh basahin mo na to. oke??

– Babae lang ang may karapatang magsabe ng panget sa lalake. Kapag lalake kasi ang bumanat ng panget sa babae, offensive na yun.

– Ang babae ay pwedeng mag astang lalake pero ang lalake ay di pwede mag-astang babae. Delikado iyon.

– Ayaw mong mapapag-usapan ka pero masaya kang pag-usapan ang iba.

– D’best ang pag-aalaga ng stuffed toy kesa sa totoong hayop at sa mga tao lalo na kung asal hayop.

– It is better to give than to receive. Kalokohan. Pumili ka: Give 1 million o receive 1 million?

– Lahat ng bawal ay masarap, ngunit lahat ng bawal ay hindi masama.

– May mga taong malakas manlait o pumuna pero takot naman kung sila ang magaganon.

– Hindi nakakapaos o nakakapangit ng boses ang malamig na tubig o ice cream

– Mahihirapan kang matulog sa gabi kapag natulog ka sa tanghali, sa hapon o anumang oras sa araw na yun.

– Ang mga batang maiiingay na naglalaro sa tapat ng bahay nyo ay sadyang pinaalis mula sa kanila dahil mismong mga magulang nila ay naiingayan sa kanila kaya itinataboy sa ibang tapat ng bahay.

– Masarap gumastos ng pera lalo na kung hindi sayo galing.

– Am ang tawag sa tubig mula sa malapit ng matapos na sinaing.Pinapainom ito sayo ng bata ka pa.

– Gulay ang pinaka kalaban ng mga intestines mo dahil hirap sila sa pagtunaw ng mga ito. Mga vegetarian dyan…

– Karamihan sa mga successful ngayon yung mga undergraduates, kesa sa may mga 20-year courses o higit pa

– Ina add mo lahat ng makitang tao sa frendster, mga crush mo, featured friends ng friends mo, yung may utang sayo, etc. Parang may karera sa paramihan ng frends. Sa multiply, yung kakilala mo lang talaga ang ina add mo.

– Okay lang ang pagseselos sa isang relasyon. Matakot ka sa kapag hindi nagseselos ang partner mo.

– Nakakataba ang pagpupuyat, Nakakapayat ang pag-iisip.

– Nakakatalino at nakakahasa ng isip ang paglalaro ng computer games.

– Nakakabobo ang walang pinagkaka abalahan, yung walang ginagawa.

– Wala na tayong magagawa sa Global Warming. Subukan mo man may gawin, tumutulong o nakikiisa ba sa yo ang    natitirang 82% na populasyon sa Pilipinas, sa Mundo?

– Ang pre-marital sex ay masama. Ang mga gumagawa nito ay mga hayok, manyak,  nakakapagyayabang lang sa mga taong di pa na kaka experience nito. Ang bunga sa kanya, matinding delubyo, sakit, dosenang anak, kahirapan, at pasan mo ang daigdig.

– Masmasakit maiiwanan ng mahal mo kaya kung wala na kayong pag-asang magtagal, ikaw na ang ma-una. Less the pain.

– Masmalakas mag konsumo ng kuryente ang T.V. kesa sa Computer.

– Karamihan sa tao ay madalas mag -“Ha??” kapag tinatanong, kahit narinig naman ang sinabi mo. Ha?

– Kapag umikot ka pakanan ng limang beses, mahihilo ka. Bawiin ito ng pag-ikot pakaliwa ng limang beses.

– Huwag piliting makipagdebate sa magulang. Hindi ka mananalo kailanman.

– Maglagay ng malaking salamin sa may dining room para makita mo hitusra mo, para mabantayan ang pagtaba o pagpayat. Conciousness.

– Hinahatak ng pusa ang mga table matress, pampainit naman ng katawan nila ang mga TV.

– Hindi pwedeng kumanta habang nag-fuflute.

– Hindi nakokontento ang isang tao kung ano ang meron sya ngayon.

– Ang kamatis ay prutas.

– May buto ang lahat ng saging.

– Gusto ng lahat ng tao na na-faflatter palagi. Yun ang kumukumpleto ng araw nya.

– Hindi pedeng magholding hands ang mga boys kahit magbestfrends pa sila. Girls lang ang may karapatan.

– Ang joke na “tinitigyawat ka ba sa mane” ay di pede i joke sa girls. Angkop lang na gamitin ang joke na ito para sa mga bagong panganak na six months old pababa.

– Ang taong mahilig magdownload sa Internet ng kung anu-ano ay habambuhay ng hindi mauubusan ng idodownload.

– Inamin na ng mga taga SUN na hindi maganda ang signal nila, Tinanong ko: Okey naman ba signal ng SUN? sabi nila: “We’re improving sir!”

– Masarap ang hipon kapag malinis at mabango.

– Kapag may naglabas ng cellphone sa LRT, Mall, restaurant, Jeep, etc, bumilang ka ng 1 to 10…. Meron pang ibang taong maglalabas din ng cellphone.

– Wala kang makikitang magandang rason, na pabor sa buhay mo kapag bumili ka ng Original na CD 450Pesos pataas., na mabibli mo sana sa halagang 15pesos lang sa…

– Nakarating ka na dito. Salamat sa time.  Ang dami mo na nabasa, may natutunan ka na ba?

– Ang taong bagong salta satrabaho ay may pinag-iipunan kaagad na gadget.

– Ang blog ay libeng pamamahayag, walang kalaban, malaya.

Nag iisip pa ko kung itutuloy ko ang paggawa ng listahan.. nasa readers o nasa sainyo kung gusto nyo pa o ayaw nyo na. Kayo ang boss ng blog na ito.

Kung may comments sa mga naturang facts and tips, magcomment ka lang. Bukas ang aking tanggapan. Pede rin kayo mag bigay ng ideya at palaganap natin sa buong Europa.

About jason

walang clue. nak ng

6 responses »

  1. hitokirihoshi ay nagsabing:

    mahaba ang listahan mo… pero binasa ko talaga.. hehehe…

    -tumpak sa friendster na mas maraming in-add pero pwede rin naman actually sa multiply… maikaka-categorize mo pa sila as online buddy

    -hindi ako nananiwalang nakakataba ang pagpupuyat, kundi nakaka-anemic at nakaka-obese .. tsk tsk tsk… ikaw ba naman manghina, ipapakain sa iyo kung anu-ano para tumaba ka este lumakas ka

    -may salamin din kami sa dining room… pagkain ko ng breakfast– naiisip ko mataba ka na nga , ang gulo pa mg buhok mo..hehe

    -nakakita ako ng dalawang mama (malalaki pa ang tyan) na magkahawak kamay habang nag-uusap. wala akong makapang malisya sa kanila, ako lang ang nag-iisip. hehehe… wala pa yun sa nakasalubong ko na nagsabi “pare ang tagal mong nawala, i miss you.” yakapan pa sila… wahhh di ko alam kong mai-scandal ako pero alam kong ok lang yun… parang ka -level lang ng mga aso sa kalye na nagka-kast… harutan (censored).

    -pero yung sa vegetarian- natamaan ako poink -tagush, tagush, tagush

  2. jasonhamster ay nagsabing:

    HITOKIRIHOSHI hala… heheheh ang dami mong nakikita sa kalye, ma-scandal hahahah..

  3. lautootx ay nagsabing:

    true yung mga boy-girl comparisons..😀

  4. aksoriyalmo ay nagsabing:

    yo. una ko tong nabasa sa isa mong blog. weird. di ko to nabasa dito.

  5. […] something intangible and made holy by our very belief in it. Accept and forgive human flaws. Live it as it is. Enjoy it every second of […]

  6. J.Kulisap ay nagsabing:

    Hmmm..malikot din pala si Utoy Dagang Kosta.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s