Ni minsan ba e naisip mo magkaroon ng super powers??

Harry Potter (teka.. Superhero ba si harry?)

Harry Potter (teka.. Superhero ba si harry?)

Para magligtas o para astig o para sikat ka?
Sigurado nung bata ka pa eh gusto mong maging
si batman, wonderman, wonderbra, darna/narda,
spiderman, superfriends, etc.
Ngayon ang masuwerteng araw mo!!!!
Pumili ka ng isa lang. Warning: Parental Guidance is adviced
and recommended.

 

1. INVISI-BOY / INVISI-GALinvisible
Description: Malaya kang mag gala sa mga lugar na gusto mong puntahan nang hindi nakikita. Halimbawa sa C.R. ng opposite gender. San ka pa, pwede ka ng mangodigo. Pwede ka ring mang ispiya sa mga tao. Malalaman mo na ang mga nambabakstab sayo. Pwede kang mang trip. Pero ang pinakaimportante e pag sugpo ng krimen. Paano?? Ikaw na bahala.Hindi porket imbisibol ka eh imbisibol na rin utak mo.

What to do: Paghaluin at dikdikin ang sabong panlaba(bleaching dapat), baking soda, at hilaw na mangge at ipahid sa buong katawan at pag wala pang bisa within 10 mins., inumin ang natitirang solution. Sigurado, imbisibol ka na forever.

2. STAR FLAMEfire
Description: Pwede mong paapuyin ang kamay mo. Para san? Para astig! Lahat ng lalapit sayo, mapaholdaper man o rapist, safe ka! Isang kumpas at isang bayo, fried chicken na ang masasamang loob.

What to do: Pumili ng gaas maliban sa caltex at shell. Mahal kasi. Bumili ng isang supot ng gaas sa suking tindahan. Ihanda ang isang mini planggana,ibabad ang kamay pero siguraduhing knuckles lang nakababad. Isang kamay muna ang gamitin para pag nagkamali. may isa ka pang kamy na matitira. Kumuha ng pandindi. Dapat small fire lang at itapat sa kamay. Iwasang apuyan ang buhok. hindi healthy. tada!!!!!

 

3. CAPTAIN SEED
captainDescription: Ang superhero na kinatatakutan ng mga magsasaka at higanteng negosyante, pero siguradong sagot sa kahirapan. Isang subo ng buto ng kahit anong prutas sabay lunok. At kapag inire mo sya sa banyo, magigigng prutas kaagad. Isa kang Seed- Fruit Processor. Pwede ng ihanda sa hapag kainan ng mahihirap! Ire lang ng ire at may pagkain na ang buong Pilipinas for the whole century.Ang pinaka-angkop na prutas ay ang ubas. Magiging kamukha mo yung nasa picture na ito.
What to do: Masakrepisyo ang proseso. Umupo sa tronong puti sa inyong banyo. Kumain ka ng 5 butong pakwan na captain Sid. At tumakbo sa banyo. Ihanda ang sarili sa pag-ire ng 5 pakwan.

4. SUPER YOSI
breathDescription: Nagyoyosi ka ba o nagbabalak magyosi? Marami ng naglilipanang masasamang tao. Pero di mo alam kung sino. Paano?? Isang malalalim na inhale, ibuka ng maigi ang bunganga sabay mag buntong hininga. Para masmalakas eh isang malakas na buga ang gawin. Ang mga taong makalalanghap nito ay kusang susuko sa Diyos at magpapari. Kahit nagpaplano pa lang sila ng masama eh tatablan sila ng mala-nyebeng usok sa bunganga mo. Whattamouth sabi nga sa isang commercial. Epektibo rin para sugpuin ang mga sanggol ng kadiliman.

What to do: Bumili o manghingi ng sandamakmak na yosi. Kailangan Marlboro. Pagsapit ng 12:00 midnight, simulang hitihitin ang limang yosi. Gawin sa bawat 10minutes. Gawin hanggang 2:00 midnight. Pagkatapos ay pakuluan ang mga natirang upos at i-ref. Haluan ng bawang at sibuyas pampalakas ng aroma. Ipalaman sa tinapay na parang buy-one- take-one na hamburger. Habang inuubo at nabubulunan ay sumigaw ng Super Yosi!!!! ng paulit ulit hanggang magtransform ka.

5. MR./MS. ALIVE-ALIVE
zombieDescription: Nagaroon ng krimen at sakuna. Pero dahil wala kang powers ay namatay silang lahat. Pero may magagawa ka pa. Sa isang iglap eh magbabago ang lahat. Sa pamamagitan ng pagsasakrepisyo ng daliri ay maibabalik ang buhay ng isang tao. Tumpak!!! sampung mga daliri ay buhay na ang sampung tao!! kaliwa at kanan mong kidney para mabuhay ang iyong namayapang lolo at lola. Sa isang kuko ay buhay na si muning at patayin mo uli dahil siraniko ng appliances. Buhayin mo uli, buhay lang ng buhay hanggang maubos ang parte ng katawan mo.

What to do: Bawal ito sa may sakit sa puso at dun sa mga sosyal na mayheart attack. Pumunta sa isang abandonadang Building at maghanap ng CR. Humarap sa salamin at magsuklay ng 100 beses. Gupitin ng unti-unti ang sinuklay mong buhok habang kumakanta ng Crazy for you. Repeat refrain and then fade.

6. WONDER HIPON
shrimp_orginal1Description: Akala mo e napakanormal ng ating mundo, pero ano ba ang nangyayari sa ilalim ng dagat? Ikaw ang napili para ibalik sa kaayusan ang undersea world. Ikaw ang magliligtas sa mga tahong na hindi maibuka ang mga sarili. Sa mga pateng na pinagsasamantalahan ng mga balyena. Ikaw ang lulutas ng problema ng mga nirereglang calamares.

What to do: Kumuha ng fish bowl. Punuin ng tubig pero kalahati lang. Maglagay ng 13 na gold fish, 13 na sea weeds at 13 na fish pellets. Ibalanse sa ulo habang nagsasayaw ng SexBomb dance hit at nanonood ng Telenovela. Maya-maya ay unti-unti ka ng magigig Wonder Hipon. Maililigtas mo na sila!!!

About jason

walang clue. nak ng

5 responses »

  1. Regie Asiatico ay nagsabing:

    Sayang wala yung gusto kong maging… Wala ba yung lumilipad na Super Hero??? Matagal ko na kasing pangarap na makita ang tuktok ng Mount Everest…

  2. jasonhamster ay nagsabing:

    sige magdadagdag ako ng iba pang listahan.

    mabuti may nagbasa na ng blog ko. hahaha tnx

  3. hitokirihoshi ay nagsabing:

    ako… siempre gusto ko makalipad, may telekinesis, makapag-teleport chines-chienes… pero mas na-amaze ako sa power ni Piper sa Charmed – power to freeze ( napapahinto nya lahat ng walang yelo at siya lang ang may control kung sino ang pwedeng gumalaw) then na-develop din niya ang cell manipulation(ata ang tawag dun). yung power na yun pwedeng pasabugin ang kalaban…

    hehehe

  4. tsenn` ay nagsabing:

    naisip kong gusto kong maging mentalist, un nababasa ang isip ng ibang tao. pero naisip ko rin na baka lalu akong maparanoid hahaha

    dun na lang ako sa imbisibol. ayokong magligtas ng calamares at tahong :]

  5. agors ay nagsabing:

    very simple,… when your adding a blog post, how do you upload a video😀

    ________________
    unlock iphone 3g

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s