hamster1hamster3

nagsimula ito nung highschool ako… natural naghahanap ng kaibigan, eh napagtanto ko ng mga oras na yun na uncondtional love pala ang hinahanap ko, para sa hayop.(sana naging hayop na lang mga classmate ko…. nung highschool…. hindi yung ngayon.

Eh may mini zoo fair sa school. Ang galing. Nakakamangha. Ako lang yata ang highschool na naglilibot sa fair. Puro grade schools at prep ang nag sisight seeing sa mga cute na bugs bunny na malalaki(oo totoo malaki, doble sa normal size), may mga turtlets(miniature na pagong.) na bibilhin ko sana pero mahal, di kaya ng tastas kong bulsa. May mga love birds, pero di ko naman maalagaan ng maayos, di ko mahahawakan, di ko mahahalikan. Hanggang sa may nakita akong dalawang Prep.(hindi sila binili ko) Naglalaro sila ng bagong biling hamsters.(Tan tanananan tanan!!!!) Ayun 50 pesos ang isa, kaya nanlaki ang mata ko at naglaway. Bumili ako ng isa… Kulay brown siya, purong puro ang kulay nya, medyo mataba at medyo mabagal kumilos. Pinangalanan ko siyang brown. Dahil baby pa siya, Baby brown ang pinangalan ko.

Kinagabihan, naisip ko pag-uwi, saan ko siya ilalagay?? wala kaming kulungan. wala kaming hamster feeds. walang may gusto ng hayop msa bahay. walang…. tama na, eto na.
Nilagay ko siya sa Giordano hand bag. di sya makatakas. Kutkot dito kutkot diyan. Kutkutan kaming dalawa. Ang ulam naming gabi ay mechado. Palihim akong kumuha ng patatas at kuntng karne na syang pinakain kay brown. solve na sya. Naglaro laro, natulog, nagising, umihi, tumae, kumain uli, nag likot, nagkutkot, inamoy amoy ang kamay ko, natulog sa kamay ko, hinalikan ko sya, bah blah blah….

Kinabukasan aba’y nandyan pa rin ang mini zoo fair.. Makabili nga ng pagong na 130 pesos. Pero di ao nakabili, shortage pa rin ako. pamasahe lang kasi ang baon ko sa highschool, nagbabaon ako ng pack lunch at meiendia. Bumili na lang uli ako ng isa pang hamster. By the way si brown ay babae dahil wala siyang toooooot.. Ang bago kong bili na hamster ay lalaki naman,hindi gaanong mataba, mabilis kumilos at siya ay kulay brown na may halong white. para siyang foreigner sa kulay niya. Tinawag ko siyang Brown white.

Masaya na si brown dahil kasama na niya si brown white, ang bago niyang block mate, kaibigan at magiging kasintahan paglaki nila. Di nagtagal eh nagpabili ako ng kulungan at hamster feeds sa mommy at daddy ko.

Ang hamster nga pala ay may life span lang na 1 week kung walang kwentang tao ang mag-aalaga, 6 to 9 months ang normal pero ung sakin, hindi naman sa pagmamayabang eh…. di ko muna sasabihin, para suspense…. sa next blog na lang.

Nagkaroon na ko ng malaking interes sa hamster at ginawa ko na silang parte ng buhay ko. Ang hindi ko makuhang atensyon, pagmamahal sa ibang tao ay nakukuha ko ng doble sa mga alaga ko.

Kung ano ang ulam namin at meryenda, yun na rin ang pinapakain ko sa mga alaga ko. Ayun nabundat sila. lalong naging cute. heheheh ang hamster feeds na kulay brown o sun flowe seeds ang pagkain nila pero di ako sang-ayon. pinapawala lang nito ang amoy ng tae nila pero halata ko sa mga mata nila na hindi nila yun gusto at hindi nsila nabubusog. Tubig. yan ang kailangan. Iinumin lang nila, pero subukan mo silang paliguan, pupuntahan kita at sasapakin kita. Ayaw nilang buhusan ng tubig. Sila mismo ang dumidila sa sarili nila para maligo, nagkakamot ng ulo o nagkukuskos. un ang ginagawa nila. Pinapanood ko pa lang silang maligo sa aking kamay ay tuwang tuwa na ko, nakakarelax. (Try nyo rin.)

hamster41

Tignan mo siya… Anong masasabi mo??

 

 

Malalaki na sila brown at brown white. ginagawa na nila maya’t maya ang pagpaparami nila

About jason

walang clue. nak ng

10 responses »

  1. Regie Asiatico ay nagsabing:

    Wah!!! Natuwa naman ako sa blog mo… Wow ang mga hamster mo pala ang pumunan ng mga pangangailangang pisikal, mental, bayolohikal at espiritwal. Kuyuryus tuloy ako kung ilang taon na hamster mo??? Penge naman ako kahit na isang pares lang!!! Penge nadin ako ng tips end prektises para sa maayos na pagpaparami ng mga hamster. Ang galing din pala ni Brown at Brown Black kasi kahit na matanda na sila ay aktibo padin ang sex life nila… Paano ba yan babasahin ko naman yun isa mo pang blog… Yung superhero… Hanggang dito nalang…

  2. jasonhamster ay nagsabing:

    sayang regie, wala na kong hamsters ngayon. ayaw kasi nila sa bahay kasi mabalahibo daw kaya naipamigay ko na sa mga pinsan ko years ago… hehehehhe

  3. shynyrd ay nagsabing:

    parang gusto ko makita kung paano mag parami ang hamster..
    may anak na ba sila?
    penge naman ako…

  4. tsenn` ay nagsabing:

    unconditional love😐

  5. eunice ay nagsabing:

    ako bagong panagank hamster ko… 6 Lhat kinain ung daLAwa.. kaAsxar na 2Loy maG aLAga.. d ko aLam qnG panu maG paRami ksze kinakain nLa.. aszar ~!!!!

  6. eunice ay nagsabing:

    ako bagong panganak hamster ko… 6 Lhat kinain ung daLAwa.. kaAsxar na 2Loy maG aLAga.. d ko aLam qnG panu maG paRami ksze kinakain nLa.. aszar ~!!!!

  7. chengpyu ay nagsabing:

    alm nio vah dati may hamster ako babae at lalaki,,,kaso lagi inaaway ng ghurl ung boy ehh..di kc pumapalag ung boy kaya aun after 2 weeks namtay ung boy taz sumunod nman ung gurl..bwahahaha ang hirap mag alaga

  8. Carmela marie tomas ay nagsabing:

    Mag dadalawang buwan na kasi yung hamster ko . Hindi padin nanganganak . Bakit ganun ?

  9. ambermiles ay nagsabing:

    paano alagaan ung kapapanganak na hamster?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s