mmorpg                

 Bale para sa mga Online players lang tong blog na to 
    pero okay lang din sa mga hindi. Isipin mo na lang isa
ka dyan sa nag-eespadahan ng laser. Astig diba. Sa Games
mo nga lang magagawa yan. Kaya laro na tayo.

 

 

 

 

 

ragnarokUna kong nasubukan ang pinakausong Online Game
ang pauso ng Level up games na Ragnarok Online. Ito ung nagkaroon pa ng tv series sa channel 2 na patok sa mga bata. Syempre patok sa kin. utu-uto ako e

Para makalaro ka ng Ragnarok, kelangan mo ng isang paso ng ginto o kaya naman e ung magic wallet ng kamikazee. Kinailangan kong magrent ng pc sa halagang bente pesos per oras at level up games card para malaro ang ragnarok. di ko na matandaan kung magkano ung card..
50pesos ata 3 hours of game play(paki correct na lang kung mali) at umaabot ng mahigit 100 piso ang paglalaro (pakicompute na lang. ang daming numbers eh)

Ayun kapalit naman nito ay isang dosenang kasiyahan, limot sa problema at pagtakas na rin sa mga responsibilidad. (Kesa naman mag alak, yosi, drugs, pumatay ng tao)
Yan ang mga naisip kong dahilan para pakalmahin ang sarili sa pagwaldas ng pera.

Ayun ibabalik ko na sa Ragnarok. Umabot ako ng level 32 at sa kasawiang palad eh na istuck na ko sa mga higanteng ipis at surot at di ko na alam kung saan next na pupuntahan. Ang kinahinatnan… Nagsawa ako at nilaro ang labi na parang buang, sayang ang pera na dapat ay ibinili ko na lang ng isang sakong gummi bears at glow worms.
Pero di pa dyan nagtatapos ang aking pagnanasang maglaro ng online games…

dotaIsisingit ko lang ngayon ang isang laro na tiyak na sumuot na sa kaluluwa ko,
ang DOTA.Bale LAN game siya(local area network game, lan cable lang kelangan para makalaro mo ibang tao sa pc shop). pero pede din online, kalaban mo mga taga ibang bansa o dito lang sa pinas.
Meaning of DOTA- Defense of the Ancients
Other meanings:
1. Karibal ng mga babae sa boypren nila
2. Kinaiinisan ng project leaders
3. Nakakasira sa pag aaral
4. Substitution for breakfast, lunch, meryenda and dinner

Hindi naman sya nakaka adik. Masaya lang talaga. Marami kang matututunan at maiuugnay pa sa pang araw araw na buhay. At take note: pati sa love life. mai aaply to. (upcoming blog)
Marami kang magiging kaibigan pag nagdota ka. Dyan mamumuo ang isang nana na pag pinutok ay may dalang kaligayahan. (Ang lalim)
Sigawan sa computer shop, dirty talk, murahan, ayan ang uso sa mga computer shop. Pero di ako ganun. Bulong-bulong lang as usual… Sabi nga ng teacher namin sa Rizal, Mas malakas ang bulong sa sigaw.
Una kala ko ako lang marunong mag dota, un pala marunong din ang isa kong kaibigan na itatago natin sa pangalang Kevin. Ayun, laro dito, laro doon hanggang sa medyo nabored at naghanap ng mga kalaro. At ayun na nga, nahumaling na rin ang iba kong kaibigan na itatago na lang natin sa pangalang denis, marvin at benjie.
Mas marami, mas enjoy kahit may naiiinis na iba dyan (message: kilabutan ka naman kahit papano)
Ito ang itinuturong dahilan ng isa dyan..(di ko na itutuloy dahil may magrereact na..)

Medyo hinahanap hanap ko parin ang On line games na kung saan pede kang maglevel up, lumakas, pumatay ng halimaw(kamukha ng kaaway mo) at mag palakas ng magpalakas para maging NO.1(Na hindi pedeng gawin sa totoong buhay.)

flyffNext stop. ang larong FLYFF
FLYFF- Fly for Fun
Dito masmasaya, nakakalipad ka na dito(kaya nga FLYFF). Mas nasiyahan ako d2 kaysa sa ragnarok. Ito ay play for free. Renta lang sa PC shop ang kelangan. Minsan nagtitiis na lang ako dahil maraming usyosong bata sa likod ko. Yung tipong mababaho(oooppps wag maoffend) tapos ung dinadaldal ako. Ayoko nun.

Gusto ko akin lang ang mundo ko kapag naglalaro ako ng On line Game.

Itong On-Line Games kasi na katulad ng Flyff at Ragnarok, di mo kelangang magdrag ng kaibigan o kakilala para magsimula ng laro. Mag-isa lang pwede na. Sabi nga ng isa kong kaibigan. “All by myself” daw ang tawag dun(Pero bastos yun alam ko). Ang kalaro mo eh yung mga nasa ibang bahay na naka online din. Masmasaya. Ang dami, ang gulo, libre makipagkaibigan at makipag away dahil di ko naman sila nakikita. Ang saya!!!!

Umabot ako ng level 69 sa flyff nang mapansin kong nahihirapan na ko. Hindi sa pinansyal, ito ay dahil mabagal ng maglevel up. Naiinip na ko.. Kaya, huminto na ko sa pag oonline Game.

Joke lang!!!!!

angelsSinubukan ko ang isang on line game na kung tawagin ay Angel’s Online. Ayun. swak sa personalidad ko ung title. Pero mas okey sana kung may Devil’s Online din. Gagawa ka ng character mo na malamang angel. Magsisimula kayo sa isang malaking academy, pipili ka ng position at mga kakayahan. Magpapalakas ka, magluluto, maghahabi ng armor, magpapanday ng mga armas. Mga kalaban mo ay mga halaman, mga elemento at meron ka ring pet na elemento. At ayun. blah blah blah blah…… nagsawa rin

perfect-world1Next stop- Perfect world. Nadismaya ako, ang hirap laruin. Hahanapin mo sa laro ang salitang Perfect. Pipili ka kung warrior ka na may ulong tigre o panda, may fairy na nag-aaruga ng mga halimaw, may tao rin naman. Naglaro ako about 4 weeks. Di ko nahanap si Perfect. Sa title lang pala yun. Ang hirap talaga. Yung mga kalaban parang BOSS type. AAng hahaba ng buhay at ang lalakas bumawas. Pano yung mga totoong boss pag nakjasagupa mo? Balik balik ako sa DOTA dahil ito ang ugat ng buhay ng isang estudyante. Walang kokontra.

tantraAyun, di pa ko nagsawa at tumigil, sinubukan ko ang napakabago, usung-uso at patok na patok na On line Game nung mga nakaraang dekada, ang Tantra. Ayun, nag enjoy ako. Madali lang kasing pumatay ng halimaw, mga 2-5 hits K.O. na. Pwede na ring praktisan para sa mga kaaway ko at sa sumasalungat sa kin, ung bumabangga sa kin.(Humanda na kayo). Nasiyahan naman ako, pero na istuck na naman ako na parang laboratory mouse sa mini maze. Ayun. Stop!

Nasubukan ko ring maglaro ng mga sumusunod: Counter Strike, Half Life(tinigil ko kasi nung nahampas ko ng tubo yung frat kong kaklase, tiningnan ako ng masama), Red Alert(PS and PC version), Audition(Para pala kong tanga nung naglalaro ako nito, may nakatingin….), nilaro ko rin yung O2jam na kala ko dati Auto Jam(Na istuck na ko sa level 28, di ko matapos ung mission na level12 difficulty- Pakitulungan naman ako please!!!!)

Dota again, DOta forever na siguro. Yung iba nayayamot sa mga nagdodota. Eh bat kaming nagdodota? Nayayamot ba kami sa mga nagdudrugs? sa mga nagsusugal? sa nagingidnap? Sa mga naglalaseng? Sa Sumasagot sa magulang?
Kung baga kanya-kanyang trip yan. Walang sumbatan na ganito ang gawin mo, ganyan kasi… blah blah blah.

Kaya nag O-Online/Offline Games ang isang tao ay dahil gusto niyang sumaya, magkaroon ng katuparan ang mga pangarap na kailanma’y di nya magagawa sa totoong buhay. Sariling mundo(Hindi lang baliw ang meron nito or baliw nga talaga ako) at bisyo na tiyak mas mabuti kesa mag Shabu, mag asawa ng maaga, magbenta ng ari arian para may maitaya.

Blog lang po ito walang Personalan.
Sana ay naka pulot kayo ng aral kung hindi man, basahin uli ng limang beses from the start.

Enjoy Life. Isang beses ka lang mabubuhay(ako maraming beses)
Ika nga ng isang batikang estudyante, “di bale ng tulog, di naman pagod”.

About jason

walang clue. nak ng

4 responses »

  1. Otakore Literantodist ay nagsabing:

    Kina-adikan ko yang Ragnarok dati, that was the first online game that i’ve played on my SUPER 56kbps DIAL-UP PC (gastos-list: 100php. for ISP card, 100php. for 7 days play-card for RO), since 2000 – 2004.

    Yang DOTA na yan, kelan ko lang nilaro iyan, pero di ako ma-te-tempt ma-adik, mas pipiliin ko pa mag-laro (sa aking isipan) ng Java Programming at PHP and MySQL. Teka, may Rizal subject ka? Saan ka ba nag-aaral? Abolish na yang subject na yan di ba?

    Yung FLYFF nilaro ko rin yan, kasagsagan ng panahon kung kelan pinapagalitan na ako ng parents ko dahil di ako nag-aaral, iniwan ko yung character ko sa Flyff hanggang level 3 lang, then farewell na.

    Lastly, yang Perfect World, di ko pa nalalaro, since nabasa ko article mo about it, di ko na lalaruin.

    Currently, naglalaro ako ng Special Force Online, Fiesta Online (nilalaro ko lang to dahil sa cross-promotion nila), Atlantica Online (international, pero medyo napapabayaan ko na)

    Recently, ti-try ko laruin yung EVE Online, maganda raw kasi, sabi kasi, kahanay raw ng WOW yun pagdating sa kasikatan at ka-sosi-han, pero nung nilaro ko na, di ko mahanap yung excitement kung bakit maganda ito, walang kwenta, paikot-ikot ka lang sa outerspace at very lame.

    Grand Chase rin ti-try ko, beta-tester lang ako, pero iniwan ko rin.

    Actually ngayon naghahanap ako magandang MMORPG na kapara-bagang Ragnarok yung style, yung tipong malufet yung classes of character. Mayroon ka bang ma-i-sa-suggest maliban sa pin-post mo?

  2. jasonhamster ay nagsabing:

    Otakore, may Rizal kami sa PUP, 4th year subj.

    Bale recently ang nilalaro ko e yung CABAL online. di sya katagalan maglevel up na ma-iistock sa level 50’s or 70’s.

    maganda rin ang graphics, makikitaan mo ng blurring effects ang mga skills (parang pag mainit ang panahon makikita mong umaalon yung hangin)
    pero beware lang sa mga players na alam mo na… yung tipong bastos ang bunganga, mapanggulo, mapang mataas,na visible naman ata sa lahat ng on line games dito sa pinas

    Natawa ko dun sa flyff mo na naiwan sa level 3. haha

  3. Computer Shop ay nagsabing:

    Thank you for your post

  4. stormy ay nagsabing:

    wow^^ mahilig ka pala sa OL games.. kasalukuyan ako ngayong naglalaro at tinamad lang kaya napadaan ako sayo..at napansin ko tong post mo.. na-aadik ako sa MU season 4 kaya di pa ko nagbablog at nagrereply sa mga comments..hahah

    hindi ko nalaro yung angel’s online, tantra, flyff and ragna.. ewan ko kung bakit..

    pero yung perfect world nalaro ko isang araw lang ata.. hindi ko na kasi maalala yung password ko..hahah
    na-try ko rin ang dota, dekaron, oversoul, fiesta at rohan.. mas tumagal ako sa rohan pero napabayaan ko rin..tapos ngayon yung season 4 ng MU..ayun! hanoba yan? napa-kwento ko.. tsk!

    bat ganun.. pareho na tayo ng birthmonth pati OL games mahilig ka din.. naks naman:)

    pakiss nga..hahah
    ingat lage..
    geh po laro muna ko^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s