sportsLahat tayo ay may paboritong sports.
Iba’t iba.

Depende sa nakasanayan, o sa environment.

Noong bata ka pa, ano ba ang pinakauna mong nalaro?

Pinilit ka bang laruin to o kusa lang na naibigan mo?

Para saan ba ang sports? Libangan, past time, exercise, practicum?

May mga sports na safe at unsafe.
Dahil dito tumutuloy ang tao either sa
Ospital o sa heaven.

 

 

Ang mga nalaro ko na ay ang mga sumusunod:

 

Simulan natin sa

basket-ballBasketball.

Laro ito ng mga barako. Pero meron na ring mga babae. WNBA. Meron din namang pa-liga para sa mga alam nyo na.
Madali lang itong laruin. tig 5 players ang dalawang team. Magshoot ng mag shoot ng bola sa basket
para maka-iskor ng 1 to 3 points each depende sa tira. (Di ko na eexplain yung rules. mahaba.)
Nagsimula akong makahawak ng bola ng basketball noong ako’y 5 years old. Naglalaro kami ng shoot-shootan sa may
court sa village. Hanggang sa may mga siga na nag-aangkin ng court. Nahinto ang paglalaro ko ng basketball. Pero di ako sumuko. Meron sa school malamang. Mula Kinder hanggang grade 6, walang court ang school namin. May bola nga, anong gagawin ko dun, dribble buong p.e. period. Hanggang sa nag highschool ako. Ayun may court na nga. Paborito ng marami ito. hindi naman ako makasali, nahihiya akong sabihan ng bobo naman nito di marunong. Kaya naghanap na lang ako ng ibang laro. Hindi rin masyadong safe ang larong ito. May nagkaka sprain, bone fracture, away patungong basag-ulo, at naalala ko yung nangyari kay Caidic ng San Miguel. (Di ko na kukwento.. medyo disturbing)

 

volleyballVolley Ball

Hindi ito ang nahanap kong laro. Ito ang humanap sakin dahil lumipad papunta sa ulo ko ang bola nito. Parang bayolenteng kanyon sa corregidor yung bola. Pero sa di maipaliwanag na pangyayari ay nag ala-spiderman ako.
“Spider sense” Pagyuko ko ng mabilis, swak sa bungo ng barkada ko yung bola. Kaya takot ako sa bola ng volley ball.
Minsaan nga noong highschool intramurals, nagmarunong ang adviser namin. Nagset ng players sa iba-ibang laro.
Malas. Naipasok ako sa volleyball. Anong alam ko? Paikot pala ang service. Isahan na magseservice sa team. Kaya noong ako na, nakaabang na sa langit ang mata ng mga kalaban. Pag serve ko, pAK! Naitama ko sa tyan ng mataba kong co-player(na 4 feet lang ang layo, northeast mula sakin)Walang tumawa. Kinabahan ata sila sa ginawa ko, kung seryoso ba ko o seryoso naman talaga.

 

chessChess

May 32 ppiyesa sa chess. Tig-16 ang dalawang players. 8 ang Pawn(Mga maliit na piyesa na parang walang kwenta tignan),2 ang rook/castle na pahalang at pababa ang galaw, 2 ang knight/kabayo na pa-L ang tira(sino kaya umimbento ng pa-L na move), 2 ang bishop na padioagonal ang galaw, 1 hari na dapat protektahan at 1 reyna na napakalakas ng kapangyarihan. Hindi mawawala ang sangkaterbang usyoso at tambay. Eto ang kauna-unahan kong nalarong sport dahil eto ay indoor, pwedeng laruin kahit saan, may miniature version din para kasya sa bulsa. Tagisan ng talino ang larong ito at palakihan ng kalyo sa pwet. Chess club ang napili kong club sa highschool. Masaya naman pero boring talaga. (Masayang boring) Masaya kasi di ka mapapagod tulad ng swimming, track and field, running etc. Minsan ay nanalo ako sa pinakamagaling naming player sa club. Kulang kasi ang piyesa ko -yung queen, kaya pinalitan ng AA battery, nalito yung kalaban.

 

soccerSoccer

Ito ang maituturing kong pinaka-dugyot na sports. Pagkatapos mong maglaro nito ay uuwi kang may putik ang sapatos, medyas, damit shorts, brief at pati esophagus. Sipaan lang ang pwedeng gawin. Agawan ng bola gamit ang paa (pede rin ang ulo at dibdib.) 12 players sa 2 team ang laro. Mat tig-isang goal keeper na syang hadlang para hindi ma-ishoot ang bola sa ring. Natatapos ang laro na may kinahinatnang 1 hanggang 4 na score sa winning team. bago ka makarating sa magkabilang ring ay makakapag basa ka na ng nobela ni Shakespeare. Ang laki ng soccer field!!! Paborito rin ang field ng soccer na takbuhan ng mga napaparusahan ng teachers at C.A.T officers.

 

badmintonBadminton

Ito ay ang paboritong laro ng mga gustong magpapayat. Magpapatayan ang dalawang players sa pagsalo ng shuttle cock gamit ang kanilang badminton rackets. Parang tennis ito pero masmaliit ang court, at imbes na bola eh shuttlecock na mas magaan at malambot, parang balahibo ng manok. Ito ang pinaka memorable kong sport dahil minsan akong naisali bilang player ng section namin. First game ay na-love set kagad ako. Meaning- Zero ako at hindi man lamang nakapuntos.  I-binroadcast pa ng classmate ko ang resulta at buong pangyayari sa buong klase. Okay lang totoo naman. Pero di pa sya nakuntento, isinulat nya sa black board ang naglalakihang letters ng LOVE SET sa tapat ng pangalan ko at LOSE. Sh*t.

 

table-tennisTable Tennis

Ang table tennis ay mini-me version ng tennis/lawn tennis. Malamang sa mesa ang pinaka court nyo, pero di kayo dun nakatungtong. Maliit din ang table tennis racket at ang bola ay plastic na maliit na bilog.Masaya syang laruin pero nakakailang kapag doubles. Ang sikip ng lugar at agawan sa bola. Nakakrelax ang laro, pede kayong magpalitan ng talambuhay habang naglalaro. Ang ayaw ko lang sa laro na ito eh talsikin at talbugin ang bola. Nakakapagod habulin at hanapin ang bola kapag tumalsik sa malayo. Naiwala ako ang isang bola. Pinapalitan lang naman ng teacher ang nawala at walang sermon. Ang bait.

 

patintero3Patintero

Una kong nalaro ito noong mga 4 years old ako. Bale sa eskinita kami naglalaro. May isang taya na hinaharangan ang masikip na eskenita para di kami makadaan. Mga tatlong hakbang lang ang pagitan ng dalawang pader. Hindi pala ganun ang totoong patintero. Nag-imbento lang pala ang kalaro ko noon. Ang normal na patintero pala ay team play. May mga guhit sa sahig, maraming obstacles ang kailangng lampasan na may corresponding bantay. Kapag isa man sa team ang nahawakan ng bantay, 1 point nma kagad ang mga naging bantay. Kapag walang nataya at nakalusot lahat ng players ng kabilang team, 1 point naman sila. Nalaro ko tio noong college. Para kaming bumalik sa pagkabata. Hindi ko pinahalata na di ako marunong. Sumunod lang ako sa mga ginagawa nila. Lagi naman taya team ko, patalo kasi ako.

Ngayon gusto ko namang malaro ang mga sumusunod: Golf, Polo, Water Polo, Clay Shooting, Archery, Javelin Throw, Long Jump. Pakituruan naman ako ng mga nabanggit.

About jason

walang clue. nak ng

10 responses »

  1. Roberto Añonuevo ay nagsabing:

    Ang galing naman ng blog mo, pati epeks! Wow! Isang tagay sa iyo.

  2. jasonhamster ay nagsabing:

    woah akalain mo may nakabasa na ng blog ko. hahaha
    salamat pre

  3. jun 4 short..... junpio 4 long ay nagsabing:

    chuuuuuuuvaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaannnniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiissssssssssssssssssssss

  4. jayho ay nagsabing:

    chuuuuuuuvaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaannnniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiissssssssssssssssssssss

  5. junar ay nagsabing:

    eklavosh

  6. loraine ay nagsabing:

    ano ba ang patotot sa patintero??? plsz..help

  7. loraine ay nagsabing:

    pki comment na lang poh sa email quh butterfly_gokusen3@yahoo.com/ or lorainefampo_gokusen3@yahoo.com..salamat..ksi poh kailangan sa report quh…1st year poh aquh..sana matulungan nio quh…

    TANONG:
    anu poh ba ang patotot sa patintero????

    xalamat poh!!!!! god bless

  8. Hello, I’m searching google and found your blog nice post. Mabuhay Sikat ang Pinoy!

  9. sandina santos ay nagsabing:

    nice xa hehhee

  10. earl christan laid ay nagsabing:

    Ang saya nman basahin ang mga tungkol sa sports

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s