skel1Takot ka ba sa multo? sa hindi nakikita o sa mga extra-ordinaryong bagay o pangyayari?
Marahil ikaw ay may naranasanan na o nasaksihan sa mga sumusunod.
Paalala: Batay ang mga sumusunod sa mga nakwento sa akin, nabasa, napag-aralan o di kaya’y….

naranasan

 

1. Mghostulto/espiritu –

          Eto ang number 1 sa takutan, effective lalo na sa mga bata. Pero may mga matatanda rin na takot      dito    dahil sa naka-experience nito.  Saan ba galing ang mga kaluluwang ito? Syempre sa mga namayapa. Pero bat sila naririto pa? Dahil sila ay na-rape ng hapon, nasagasaan, ninakawan ng alahas sa loob ng ataul, lahat sila ay naghahanap ng hustisya. Naghahanap ng katarungan kaya nagpaparamdam. Uso ngayon ang mga abandonadong buildings, mga ospital, mga eskwelahan.  
          POWERS: Magpagalaw ng mga kagamitan, mangalabit, at higit sa lahat- sumapi sa mga babae (only)
          ADVICE: Kausapin ng mahinahon, wag matakot at ipangako na ipagdarasal mo siya.

200px-manananggal_of_philippine_mythology_commons2. Manananggal-

          Ang mga manananggal o viscera sucker sa ingles ay mga nilalang na magagandang babae sa umaga. Pagsapit ng gabi ay mahahati ang katawan sa bewang, at lilipad ang upper part. Siyempre tutubuan ng pakpak. (Ganun ba kabigat ang lower body part para iwanan sa lupa?) Gagala sila sa gabi at maghahanap ng buntis. Sa kisame sila magpaparking. Itatapat ang bunganga o kung anu mang nakakadiring bagay sa  pwesto ng nakahigang buntis (di pwede dumapa). Dahan-dahang bababa ang mahabang dila at hihigupin ang baby sa sinapupunan ng ina. 
          POWERS: Manipsip ng baby mula sa tiyan ng buntis, Mangidnap ng mga nasa kalsada at dadalhin sa lungga.
          ADVICE : Takot sila sa bawang, sa itak at sa Bible Study. Kung mahaba nag oras, hanapin ang lower body part niya at sabuyan ng asin, suka, toyo, paminta. Huwag titikman.

3. Tikbalang-horse

          Kalahating tao, kalahating kabayo. Nakakatakot ito kasi nakatayong kabayo at malaki sa normal na pekeng import ng PBA. Madalas makita ito sa bakuran, sa sapa, sa batis na naliligo. May nagsasabing papakasalan nito ang magandang babae sa inyong bahay at sa kasal ay aabay ang buong pamilya nito. Nakakakilabot isipin. 
          POWERS: Malakas manipa, Boses pa lang nakakakilabot na.
          ADVICE : Maaari mo syang mapaamo o ma-“tame” na parang guinea pig. Igapos sya ng espesyal na tali mula sa mga eksperto. Hintaying makapiglas at ma-rerealize nya na ikaw na ang amo nya dahil natalo mo sya. Asa ka na magagawa mo yun

cyclops4. Kapre-

          Ang kapre ay maitim, malaki at parang lasenggerong tambay sa ibabaw ng puno. Kadalasan sila ay may tabako at humihithit na parang si “Yosi Kadiri”. Isang kumpas ng kamay nito ay lilipad ka na sa kabilang subdivision. Madalas silang nakatira sa mga matitikas na puno ng acacia, mangga, balete, at iba pa.
         POWERS: Martial Arts na napakalakas ng pwersa, Tambutsong bunganga, Bad Breath Attack
         ADVICE : Magtanim lang ng mga kawayan, puno ng saging, mga bonsai sa bakuran. Di nila kayang tumira dun. Pwede mo rin syang igapos ng kahit anong lubid. Paggising mo sa umaga, mawawala na siya, at ang lubid ay nasa lupa na. Maghukay sa spot na to at makukuha mo ang magic wallet na hindi nauubusan ng laman. Asa ka uli na magagawa mo to sa kanya.

5. Bangufat1ngot

          Ito a kadalasang nararanasan natin. Sa kalagitnaan ng pagtulog natin ay magigising tayo ng nakapikit, hindi makadilat, humahabol ng hininga, at hindi maigalaw ang katawan. Tayo ay nasa ilalim ni Bangungot. Oo, literal na nasa ilalim nya tayo. Nakadagan sa likod o sa tyan natin ang pangit, mataba at kasuklam-suklam na nilalang. Nakadagan sya at parang nagpapabigat pa ang pangit na impakto na…. tama na baka dalawin nya ko mamayang gabi.
         POWERS: Sumo-wrestling technique, Dagan, Extreme Headlock
         PAYO : Kapag nangyari sayo ang pang-aatake ni bangungot, unang igalaw ang mga paa, ipadyak na parang nagswiswinmming. At magdasal, isigaw ng isigaw ang pangalan ng Diyos mo.

6. Tiyanakevil_baby

          Demon babies kung tawagin sa ingles. Sila yung mga baby na kadalasang inabort ng mga walang kwentang magulang. Di naman kasi nila kasalanan na ipanganak sila ng mga student mothers, at iba pang nanay na tingin sa pag-aabort ay solusyon sa buhay. Pinakasikat na tuyanak ay ang anak ni Janice. Malakas silang umatake. Aatake sa leeg at lalaplapin ang mga lamang-loob mo.
          POWERS: Mabilis silang sumugod. Nangangagat at nangangain ng laman. Kahit baby sila eh malakas sila.
         ADVICE: Takot ang mga tiyanak sa Nagagalit na nanay o tatay, sa sinturon. Sigawan lang ito na: “papaluin kita!!” Wag lang dudugtungan ng- ” hayop kang demonyo ka”. Lalong magagalit.

dwarf7. Dwende

          Sila yung nasa Snow white. Merong white at black dwarf. Ang puti ay kategorya para sa mga mababait at mapagbantay na dwende. Ang itim ay sa mga masasama at mapglarong klase. Sila ay malilit na mama. Sinasabing sa mushroom sila nakatira. Pero ang karamihan sa kanila ay borders ng bahay nyo.
          POWERS: Nagpaparamdam sila sa paggalaw ng mga bookshelves, sapatos, pinggan, at nagnanakaw ng mga alahas o makikinang na bagay.
         ADVICE: Kapag may mga dwende sa bahay, ipa fengshui kagad. Maghain ng plato na may mga pagkain sa gitna ng bahay sa sahig. Paalisin muna ang mga pesteng ipis at daga para walang kaagaw ang mga dwende.

Yung iba saka ko  na idaragdag. Hahanapin ko pa sila mamayang madaling-araw. Aowoooo

About jason

walang clue. nak ng

11 responses »

  1. Otakore Literantadodist ay nagsabing:

    Sana sa Araw ng Patay mo ito bin-blog, hindi kung kelan malapit ng sumapit ang Mahal na Araw, hahaha, anyways, pede na rin.

    Tungkol sa multo mo: Pansin ko rin, kadalasan sumasapi sila sa mga babae, bakit kaya?

    Tungkol sa Manananggal mo: Hahaha, tama yun huwag titikman, kulang pa sa rekado yung ilalagay sa lower body niya e, dagdagan na rin ng gulay para healthy. Hahaha.

    Tungkol sa Tikbalang mo: At talaga namang aabay pa pati buong pamilya. Hahaha, natatawa talaga ako, hahaha (kulet rin ng piktyur).

    Tungkol sa Kapre mo: Marami nito sa labas sa amin, lagi ko nakikita. Yung mga lasenggero kasi sa ‘min dun sa labas, ‘di nila namamalayan sa sobrang kalasingan, kainuman na nila yung kapre. Ewan ko kung kapre yung nakikita ko, magkakamukha kasi sila e, mukang kapre, HAHAHA.

    Tungkol sa Bangungot mo: Hahaha, kulet na naman piktyur na nilagay mo, hahaha. Isa palang nilalang si Bangungot, akala ko literally, “masamang panaginip” (nightmare) iyon?

    Tungkol sa Tiyanak mo: Pinunto mo pa’ng “student mothers” hahaha, realistic ka talaga, kewl. Hahaha, ok yung advice mo d’yan ah. Dagdag mo na rin “Kuchi, kuchi, Dodo na baby . . .”, hahaha.

    Tungkol sa Dwende mo: Kamukha ni Hagrid (ng Harry Potter) yung nasa piktyur, hahaha.

    Multohan lang ang naranasan ko sa mga nabanggit mo, yung ibang extra-ordinaryong naranasan ko e, e yung makasalimuha ako sa mga mutants (di ako racist ah).

    Aabangan ko pa mga updates sa blog mo. Kewl.

  2. lovely ay nagsabing:

    teka araw ba ng patay ngayon at ..
    pang mumu yang entry mo ehee..

  3. lovely ay nagsabing:

    toinx ang tagal na pala nito haha..
    2009 na pa last march buti na lang nitinganan ko ung date haha..

  4. tsiremo ay nagsabing:

    Hahaha natatawa ako sa mga in-upload mong images lalo na yung mga animated..now ko lang nalaman ang english term for manananggal and may similarity po ba sya sa “tiktik?”

    Ako takot lang pag nagla laptop mag-isa dito haha..

  5. lababo ay nagsabing:

    Tama bang imbes na maka-relate ako sa bangungot eh natawa ako sa manic na pangingisay ni Chuchay? Dun lang ako nakarelate eh, at kung ganyan kalaki ang succubus ko, ojuskupo. Hahaha

    Duwende, meron na rin ata akong experience dun. Pero nung nagkaisip nko, nawala na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s