Malamang sa malamang, eh nakasakay ka na ng jeep.

May iba’t ibang  uri ng jeep. May makukulay, may mukhang kalawang, may kabayong figurine, torotot, family picture. Parang yung driver nito, iba-iba rin.

Unahin natin ang mga “GQ” o Good Qualities ng mga drivers.
P.S. Kaunti lang ang ganitong  jeepney drivers.

1. immediate ang pagsusukli, at TAMA  ang sukli. O kung wala pang barya ay sasabihan ka ng:
– “Teka lang po yung sukli ha.

– “Wait lang po”
(sosyal yung driver.)

2. magalang, napupuno ng po at opo ang dialogue nya sa mga middle age at sa oldies.
– “Saan po bababa?”
– “Ito pong beinte saan po galing”,
– “Ilan po ito, Saan po?”

Narito naman ang mga di gaanong GQ.. pwede ring BQ’s o Bad Qualities.

1. Barumbado magmaneho. Yung tipong nangangarera sa kapwa jeep driver. Yung jeep ay parang lumilipad na dahil sa bilis at mararamdaman na parang nasa roller coaster ka. Minsan naranasan ko to gusto ko pang magbigay ng “ride fee” kasi nag-enjoy ako. Pero yung isang ale sabi sa driver- “Manong di na nakakatuwa ah”

2. Swapang sa pasahero. Wala ng masyadong description, basta “SWAPANG” Sila yung kahit mga laseng na tambay o natutulog sa kalye ay yayayaing sumakay.
-“Sakay na kayo, Cubao!!” (Papara naman kasi ang mga sasakay, ba’t kelangan pang pilitin at hihinto pa ang jeep sa tapat nito, hussle sa mga nakasakay.)
-“Pasok, pasok sa kaliwa apat pa.” (Kahit meron ng mga nakaupo na 1/4 lang ang pwet na nakasayad)
-“Sukli o,  pakisuyo” (Kulang ng piso o higit pa ang sukli. Ibibigay lang ng tama ang sukli kapag umangal ang pasahero.)
-“Bawal pong bumaba dito itatabi ko lang.” (Pero kapag magsasakay ng pasahero kahit sa gitna ng kalsada hihinto yan.)
Pinaka-ayaw ko sa mga swapang na driver ay yung sa kanto ng intersection hihinto ng 5-10 minutes para magtawag ng pasahero. Heavy Traffic to sobra

3. Eto ang malupet. Matinik sa pamasahe at nang-gugulang pa. Kababayad lang ng pasahero at hihirit ang driver.
“Estudyante tong beinte? Nasaan ID nyo?” (Kahit naka uniform ang bata.)
” Kulang po ito ng dalawampiso.” (Ipapaliwanag ng lolang mabagal magsalita na senior sya.)

4. Lipat bahay version sa Jeep.
“Lipat na lang po kayo sa kabilang jeep” (Ibibigay ang minimum pamasahe sa pasahero para lumipat sa kabilang jeep).
Ewan ko kung ano rason nila. Maaaring na e-LBM, may binyag, kumpil, pero hussle sa pasahero at di makatarungan.

5. Medyo Bastos na Driver
“P*ta naman o… Trapik ang P*tang In*” (Mga driver na namumutawi ng bad words ang lenggwahe.)
– “Kapit lang po sa matigas, aandar na.” (Eto green joke lang ang tingin ko dito. Yung kaklasa kong babae tawa ng tawa dito. Bakit kaya?”)

Merong mga drivers ang may kombinasyon ng mga nabanggit na GQ’s at BQ’s. Ba’t jeepney drivers lang? Kasi sa jeep ako madalas sumakay. Pero applicable din naman yang mga yan sa tricyle, bus, taxi, barko, eroplano at kalesa.

Pasintabi po sa mga Pampasaherong Drivers.  Ang mga nakatala sa itaas ay pawang mga naranasan ko na at malamang ay naranasan na rin ng iba. Peace Yo!

About jason

walang clue. nak ng

9 responses »

  1. anakngpating ay nagsabing:

    yah worth it hehe…
    ranas na ranas na talaga to ng lahat hehe,,,

  2. gudang ay nagsabing:

    angas.. nakakarelate ako.. hahaa..😀 jeeeppp ohh nooo! ;p ahahaha.. salamat pala sa pagdaan sa aking kulungan.. ahaha😀

  3. Otakore Literantadodist ay nagsabing:

    Tamang-tama at nabasa ko ngayon ang entry-post mo na ito. Whatta COINCIDENCE. Buti ngayon ako nag-kumento, nung isang araw pa dapat ako mag-kukumento eh, tamang-tama may nangyaring scenario kanina pagsakay ko.

    Kanina lamang sa pagpasok ko sa aking Yunibersidad, yung Jeepney na sinasakyan ko way to Taft Avenue, pinalipat kami sa kabilang Jeep, sa kabila na marami-rami kaming pasahero niya. Nakalipat na kami sa Jeep na pinag-rekomenda niya, at eto, related dun sa no.4 ng “GQ and BQ sa Jeepney” mo, dahil sa malaki tenga ko, narinig at nakita ko ang pangyayari:

    Tsuper na pinaglipatan ko: ” . . bakit, garahe ka na?”
    Tsuper na nagreko sa nilipatan ko, lakas ng bulong niya: ” . . tsikit tiyan ko (with kunot na mukha)”
    Tsuper na pinaglipatan ko: (natutuwa, dami kasing pera dahil sa paglipat namin sa jeep niya)

    —————————

    Pero minsan, kaya sila nagpapalipat sa ibang jeep, eh, sanhi ng kaunti lang ang pasahero, then babalik sila sa terminal para humakot na naman ng pumipilang sasakay. Minsan nga, ako lang ang pasahero nung jeep, nako-conscious ako sa driver, minsan lang iyon tuwing umaga, pag-late ako – nararanasan ko minsan talaga. Naaawa ako sa tsuper pag ganon.

    • jasonhamster ay nagsabing:

      OTAKORE ang dami talaga pede mangyari sa loob ng jeep. Ako madalas maiwan sa jeep mag isa kasi laging dulo-dulo destinasyon ko. expected ko na na papalipatin ako, o di kaya e papababain pag walang paglilipatan.

  4. adaengkantada ay nagsabing:

    tama, ganito ang kadalasan.

    pero kakaiba ang mga jeep na byaheng cogeo, basta pa-marikina, napansin niyo? sumakay kang maayos at malusog, bababa kang bingi, sabog ang buhok at may sakit sa puso! putek!

    • jasonhamster ay nagsabing:

      ADAENGKANTADA oo pag pauwi ako galing sa sintang paaralan. tawag pa namin sa mga jeep na yun – “patok”. yung gumegewang-gewang sa bilis, 5 minutes kayong mag-uusap ng driver pag magbabayad ng pamasahe-(Saan to?? ha??? ano??? saan??? ha???) akas kasi ng sounds.

  5. joyce agojo ay nagsabing:

    wow, ngayon ko lang naopen blog ko, bc sa pagbabasa nito.ahehe,,thnx sa comment

  6. […] smoke belcher vehicles. Yes, you need not be a traffic enforcer to report […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s