Corned Beef wala namang mais.

hahha “corny”. get it get it?


Tanungin mo daddy ko kung ano peborit kong ulam… Steak Corned Beef syempre!!!

Naaalala ko pa dati. Totoo to. Nung 2nd Year highschool ako, may classmate ako na tuwing lunch break eh, corned beef ang ulam. Araw-araw walang mintis..

Nakakaramdam ako ng gutom at pagkainggit. Na ngayon ko lang napagtanto na di pala ako dapat mainggit. Naalala ko kasi na araw-araw habang natatakam ako sa corned beef ni classmate ay masasarap pala ulam ko. May Chicken Curry na maraming sabaw, Pork/Chicken adobo, Igadu (tama ba spelling?) na parang adobo ngunit may atay. Atay na kailanman ay di ko naibigan ang lasa, Meat loaf, Mechado, Afritada at iba pang lutong bahay ni mommy.

Pag cornedbeef ang ulam sasabihin ng daddy ko,
“Corned beef ulam natin mamaya. Marami na naman makakain mo..”

May scavenger nga rin pala sa amin na nagigising at nanginginig ang laman tuwing lunch break. Classmate ko sya nung 1st year at 3nd year highschool. Mataba sya. Medyo singkit. Maglalabas ng portable na tinidor (kahit wala syang baon may tinidor sya sa bag). Iisa-isahin nya ang mga may baon at sasabihin sa palakaibigan na voice over na parang sa telenovela…
“Wow ang sarap naman nyan!!”

sabay tusok at subo at nguya, at may follow up pa na…

“Sino nagluto mommy mo?”

Kung “finger ulam” (hotdog, spam, lumpia, chicken nugget) ang baon mo ay mababawasan ito ng isa automatically. Pag medyo may kasabawan eh magkakainstant rice with toppings ang pagkain ni ulam monster. Kanin? Hihingi rin sya ng kaunti sa ilan-ilan. kailan man ay walang pumalag dahil baka maglabas ng super powers ang naturang nilalang.

Peborit ko sa lahat ng brand ng corned beef ay ang Argentina. Ewan parang hinahanap-hanap ko ang lasa nun. Pero ayaw ito ng mommy ko. Mas preferred nya daw ang Pure Foods. Siguro ngayon pag nagkita kami ni ulam monster ay yayayain ko pa syang kumain sa labas kasi may trabaho na ko eh.. hahaha yabang ko.

Asa ako.

About jason

walang clue. nak ng

9 responses »

  1. Maldito ay nagsabing:

    peyborit ko nuung hayskul na ulaw is tocino..wlaa lang..adik ako nun..
    pero kahit sa ibang lugar na ako ngaun…tocino iloilo parin ang love ko..
    ahehhee..

  2. anakngpating ay nagsabing:

    sarap nga naman ang corned beef kapag ibabaon mo lalo na medjo mamntika,tapos may sahog pa syang patatas ..
    nagbabaon din ako ng ganito nung elem.hehe..
    ngayon lang nabisita ulit dito ah..

  3. jason ay nagsabing:

    hahaha ngayon ko nga rin languli nabugsan tong blog ko muntik ng amagin

  4. barrycyrus ay nagsabing:

    corned beef has been a nice, err, baon haha.

    a corned beef in a hot pandesal in bread bag costs a purple bill. blech,.

  5. shea ay nagsabing:

    tara kain tayo sa labas…
    makapag tayo nga ng corned beef houz…
    tipong pati ice cream lasang corned beef

  6. deejay ay nagsabing:

    maygas! me post din ako dati tungkol sa kornbip! pero nauna itong post mo. waaah! pinipilit kong maalala kung nabasa ko na ba tong jowk na to before kaya tumatak saken pero parang hindi naman.😛

    heniway, great blog, jason! isobrang nakakaaliw, esp. your paint illustrations. *thumbs up* nadd na kita btw, tnx tnx nasa blogroll mo na pala ako. hehehe. see ya around!😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s