Ewan.

Nabago ba ng pag-oopisina mo ang buhay mo?
Sa papaanong paraan? Asa naman ako na walang pagbabago
sa kin mula ng mag kolboy trabaho ako.

Ewan.

Pasok sa office ng 2PM to 11PM!!!
->Lunes
->Martes
->Wednesday
->Huwebes
->Biyernes

DAY OFF!!!
->Sabado

1. Mommy at Daddy. Parehas silang pumapasok sa office ng 7AM… Ako naman natutulog sa folding bed na itinabi ko sa kama nila. Gigisigin nila ko ng 6 para palipatin sa kama nila at ililigpit din nila ang nasabing folding bed. Yun lang ang intyeraksyon namin, at kaunting kamustahan habang half-dead half-slept ako. Pag-gising ko ng 8AM ay wala na sila…. 12:00 A.M. o madaling araw ang uwi ko. Tulog na silang dalawa at ilalatag ko na ang mahiwagang folding bed sa tabi nila. Bat nga ba dito ko natutulog hindi sa kwarto naming magkakapatid sa kabila?

2. Kasi gising sila pareho. Isa naglalap-top at isa nanood ng tv. Malamang sa malamang di ako makakatulog dun. Nakakausap ko lang sila habang nagbibihis ako, at nagpapahangin sa electric fan. Dun ko rin inaabot sa kanila ang aking mga pasalubong na kadalasan ay Tig-isa silang chichirya, chips delight, at kung ano ano pa.

3. Sabado ang free day, pero sumasama pa rin ako kela mommy at daddy sa SM para mamasyal at mag grocery. Hindi kasi nila mayaya yung dalawa kong utol. Yung panganay, malaki na. Yung bunso naman, (Malaki rin kasi sya pinakamatangkad) subsob sa pag-aaral dahil sa UP sya. Kaya ako ay isang Papa’s at Mama’s boy. Minsan naman sa Sabado rin umaalis kami ng aking barkada at nag bobowling sa megamall. Minsan lang mangyari..

4. Ano bang nirereklamo ko? GIMIK!!!! wala akong panahong gumimik. Kulang sa oras. 2PM nga pasok ko eh anong gimik magagawa ko sa tanghaling tapat? Ngayong 20 years old na ko dapat eh nakakaranas na ko ng gimikan tulad ng videoke-han, bar hopping, time zone-ing, billards, bowling, pakonti-konting inuman. Ang hirap pagkasyahin ng mga yan sa isang araw.

4. Gelpren. (Girlfriend sa ingles) 2 years na kong walang gelpren. Oo. 2 years. Singol ako, di ko alam kung masaya nga o medyo medyo lang. Hanggang ngayon e puro sa friendster at YM lang ang ka -MU-han ko. (Mutual Understanding) Sa office naman tingin sa kin.. Bata!!!
Sabi nga nung isang taga HR sa ka-department ko, “Bata ba yan eh makakagawa na ng bata yan eh”.

5. Hindi lang naman Gimik ang hindi ko nagagawa. Hindi na ko nakakapagsimba. Malapit lang naman Quiapo Church sa pinagtatrabahuhan ko. Kaya pag nasa jeep ako, katakut takot na sign of the cross, pabulong na pakikipag-usap kay jesus at sign of the cross ang ginagawa ko pag nadadaanan ang Christ the King Church, at Quiapo Church. Pero nung holy week di ako pumalya na mag visita iglesia sa not one, not three, PITONG simbahan sa isang araw. Sobrang sorry ang ginawa ko at pagdarasal kay lord Jesus.

6. Nakaisip ako ng dalawang solusyon. Una ay lumipat ng trabaho. Yung tipong normal ang office hours. Mas maganda nga kung free lancer. Ikalawa, pwede akong manatili sa ganito pero gagawa ako ng time-table. Pero nakakatamad.

7. Anak ng Pucha di naman kasali to sa buhay ko. Bigla na lang akong kiniliti habang naglalakad pauwi kasama ang mga opismates ko. Malapit ako sa pader ng intamuros ng lumipad at gumapang mula siko hanggang daliri yung ipis. Para akong batang nangingilo at parang pusang nabasa na medyo nanginginig. Tawa lang ng tawa mga kasama ko di man lang nila ko ipinaghiganti.

About jason

walang clue. nak ng

10 responses »

  1. anakngpating ay nagsabing:

    hehe night life isa din to sa di ko na magawa 10 2 10 ang pasok sa kutaan, itinutulog na lang ang natitirang oras..
    4 times a month ako kung umuwi ng bahay,para maka bonding ang pamilya at ang ibang tropa..medjo bitin pa din hehe,..:)
    ipis ang baho ng amoy..un lang nhehe//

  2. jason ay nagsabing:

    …. ang lungkot nga no pag bitin ang oras para sa pamilya

  3. simplefula09 ay nagsabing:

    uo nga….nkakamiz na din gumimik ksama mga fwenship….

    buti nalang anjan ang mga mahiwagang folding bed mo….hehe

    hehe umeksena pa tlga yung ipis na yan….

  4. Patty ay nagsabing:

    tanginang yan! ngayon ko lang nabasa tong blog mo, Son. Tawa kami ng tawa ni Marah sa office. hahahaha. Galing mo bata!

  5. ate nahleen ay nagsabing:

    ahahahaha :)) takot din ako s ipis! eeewww kadiri talaga sila

  6. jenny ay nagsabing:

    hey nakakarelate ako sa #1 mo.. gnyn din ako..

  7. shea ay nagsabing:

    tara labas tayo… hehehe

  8. shea ay nagsabing:

    sagot mo nga lang….

  9. Ivy ay nagsabing:

    Hmmm, being half pinoy, is nice. .but EVERY pinoy treats me different. . :((( in negative way mostly. . Just dont feel like? a pinoy. . :(….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s