Ang ganda ng drawing ko (walang kokontra)

Ang ganda ng drawing ko (walang kokontra)

May dalawang malalaking aso. Tinahulan ako.
Tumakbo sila papunta sakin. Tumakbo din ako.

Hinabol nila ako.

Nadapa ako. Nung nasa sahig na ako ay huminto sila sa paghabol. Di ko alam kung naawa o kinabahan sa nagawa nila sa kin. May manong construction worker na malapit sa pinangyarihan ng “krimen”.

Manong: ” Bakit ka kasi tumakbo?”

Ako: “… …. ………..”

Simula noon ay nagkaroon na ko ng asodogophobia. (di ko alam tawag tinatamad akong mag research)

Kung nakagat siguro ako ng aso eh madadagdagan ako ng phobia. Ang pagligo. Pagnagka-rabies ka kasi, pag lumala, matatakot ka na ng maligo. Ablutophobia.

Aso, Ipis na lumilipad, Kamatayan, mamatayan, Mines View Park ng Baguio, dengue, multo, aswang, dwende, ghost stories—ilan lang yan sa mga phobia ko.

Napag-alaman ko na ang phobia ay nakukuha ng tao mula sa isang karanasan o “inborn”…

Maaari lang daw itong masugpo kapag hinarap natin ito. Halimbawa:

May phobia kang mamamatay. Teka, pano mo haharapin yang ganyang phobia?

May mga phobia na para sa akin ay weird o kagila-gilalas o kahindik-hindik. Weird. Strange. Odd.

eto ang listahan…. (Cynophobia pala fear of dogs/ rabies ngayon ko lang hinanap..)

Ereuthrophobia- Fear of blushing.

Geniophobia- Fear of chins. (Wag ka lalapit kay Ai-ai)

Dishabiliophobia- Fear of undressing in front of someone.

Epistaxiophobia- Fear of nosebleeds (uso to ngayon)

Eurotophobia- Fear of female genitalia. (lol)

Hagiophobia- Fear of saints or holy things. (satanista to.)

Plutophobia- Fear of wealth (asa ka na meron nito dito)

Thaasophobia- Fear of sitting.

Porphyrophobia- Fear of the color purple.

Ewan ko nga kung pano nila nabubuo yang mga yan. parang lokohan lang eh.

Kaya ngayon pag tinatahulan ako ng aso, naginginig ako, Dumidistansya ako ng ilang metro kapag may dadaanan akong aso. Kelangan ba magpakagat pa ko sa aso para mawala phobia ko??

About jason

walang clue. nak ng

6 responses »

  1. anakngpating ay nagsabing:

    try mo kaya mag pakagat hehe..baka sakali..
    uy ang kuhyut naman nung aso hehe..:)
    bisitahin mo kasi minsan kaw naman ng di amagain ang kuta mo hehe…
    busy kb o busybusyhan kaya di ka nabisita hehe

  2. jason ay nagsabing:

    ahahah busy lang sa trabaho. hahaha

    Ayoko nga magkarabies

  3. anakngpating ay nagsabing:

    hehe malamang pag nag krabies ka eh baka mabaliw ka hehe di mo pa mabisita tong kuta mo..:)

  4. Otakore Literantadodist ay nagsabing:

    Siguro kaya ‘di ka kinagat nung nadapa ka baka na-weirduhan sa’yo.

    Takot rin ako sa lumilipad na ipis, kaya may Blattodephobia (flying insect applied) ako, yung tipong dadapo sa mukha mo.

  5. jason ay nagsabing:

    HAHAHAH natawa ko dun sa huli mong sinabi

    Hahahahahahahahahahahahaha

  6. shea ay nagsabing:

    naku di ka pede dumikit sakin, may rabies ako eh.. gusto mo lawayan kita?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s