Sumakay ako ng Jeep kanina na may karatulang:
QUIAPO, SM, CITYHALL, TAFT, WELCOME…

Nung nasa Pure Gold QI na ako, may pumarang ale (50 -59 yrs old) sa entrance ng jeep.
Ale: “Baclaran ba to?”

Sinabi ng isang pasahero na Ale sakay po kayo dito at baba kayo ng Taft. May sakayan po papuntang Baclaran. Sa Maynila pa po kasi yun”

Ale: “Ah kasi eto Quezon City pa lang.🙂 ”

Umupo ang Ale 3 seats away sakin. Buti lang di kami magkatabi kasi naka pink din ako. Magkataon loveteam ang labas namin, Dingdong at Marian.

Bigla na lang nagsalita si Ale. Madaldal si Aleng naka-pink. Kinuwento nya na lagi syang nawawalan ng gamit. Ang kausap nya ay halos kalahating portion ng jeep.

Ikinuwento nya: “Nung lunes nawalan ako ng tsinelas. Hahahah. Nung Martes hikaw naman nawala ko. hahahahah. Tapos nawala yung panlinis ko ng tenga. hahahah (Tumatawa sya habang nagkwekwento.)

Nangangaral na sya. Hindi sya inapansin ng iba ngunit meron ding ilan na nakikinig. Isa na ako dun. Nakakaantok kasi ang byahe.

Di ko pinapansin. Pero maya-maya nag iba ang topic nya. Napunta sa kabataan.

Sakin na nakatingin si Ale.

Ale: “Kayong mga kabataan, bumalik na lang kayo sa probinsya, baka masayang lang kayo dito sa Maynila. Wag na wag nyong ibebenta ang mga lupa nyo sa probinsya kahit isang hectare lang. Para makapunta kayo ng Maynila, ibebenta nyo lupa nyo. Wag ganun. Tapos magfafailure lang kayo sa Maynila. Wala na kayong babalikan.”

Habang nagkukuwento si ale ay tawa sya ng tawa lalo na kapag ang kwento nya tungkol sa inulam nyang bisugo at tuyo na nagmahal na raw. Yung bisugo daw ang hirap kainin. Humirit ang katapat kong Estudyante. “Baka ho buhay pa!” LOL

Bigla na lang akong napangiti at natawa ng hampasin ni Ale ang hita ng katabi nyang babae. Yung tipong hampas kapag nagagalak ang isang tao. Parang close sila.

Masasabi kong medyo kakaiba si Ale dahil nga sa ikinikilos nya, pero sigurado kong nasa matino syang pag-iisip. Naaabot naman nya ng tama ang bayad sa jeep, Hindi sya nananakit. Baka sadyang “Friendly” ng siya at napakarami nyang experience na gustong ishare.

Ale: “Dito sa jeep ang daming holdaper. Buti sa mga bahay nyo wala.”

Marami akong natutunan kay Aleng naka-Pink.

Paglampas namin sa Quiapo Church ay tumahimik na sya. Napagod ata sa kakakwento. Nung bumaba ang isang babae ay tumawa sya sabay sabi ng “AMEN”.

About jason

walang clue. nak ng

15 responses »

  1. anakngpating ay nagsabing:

    hehe ..
    ang kulet naman..
    pero nawiwili din ako sa mga ganyang pala kwento basta ayoko lang ng lasing na lalaking madaldal nababadtrip ako hehe

  2. Otakore Literantadodist ay nagsabing:

    Bibo naman yang si Aleng Pinky na yan, very talkative. Kung ako rin kausap niya sasakyan ko yung mga kwento niya ng maraming kalokohang hatid.

  3. jason ay nagsabing:

    naranasan ko na yan may lasing na katabi. natutulog sya bumabagsak pa sa balikat ko sarap sikuhin hahah

    Sana makasabay ko si Ateng naka pink uli para magkaroon na naman ako ng mga kalinangan sa Pag iisip.

  4. pau ay nagsabing:

    lol ayos! another blogger from vanier!!🙂 Dati nagboblog ako ng matino. Kaso wala na’kong time kya ngtumblr nalang ako. Link ex?😉

  5. jason ay nagsabing:

    sure! LINK EXHANGE

    thanks Pau. teka nakita ko yang mushroom mo sa facebook tama??

  6. empress ay nagsabing:

    naaliw ako sa kwento pero may point ang mga sinasabi nya ha…

  7. hitokirihoshi ay nagsabing:

    so ang pagsusuot ng pink ay nakapagpabuhay sa biyahe?

    tama naman si ale at nakakaaliw siya ever. kaya pala laging matamlay at aantok-antok ako sa biyahe lagi kasi ako naka-blue at black. hahahaha

  8. sassyassassin ay nagsabing:

    siguro masscom ang kinuha ni ate before kaya lang mejo nagkaroon sila ng rivalry ni Jessica Soho, kaya ayun, pinili na lang niya ang payak na pamumuhay. \m/

  9. scias23 ay nagsabing:

    HAHA ADIK

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s