Nanggagaling ako sa SM Megamall.

Nakabonding ko uli ang aking ex-classmates / besprens / tropa.

Nilibre kami ni Jhack. Kasi bertdey nya. Nakalimutan ko na pangalan nung resto sa food court.
Basta alam ko anak yun ng Tokyo tokyo. Pagkatapos kumain dun na may unlimited rice ay nagyaya ako kaagad ng suntukan sa tyan. jok lang

Pagkatapos nun ay nag worlds of fun kami. Sabi ko sa kahera: “11 tokens po.”
Nakita ko kasi sa banner nila na 11 tokens = 50 pesos.
Pero kulang sukli nya. Sabi ko……. Pero inunhanan nya ko ng “SIr tapos na po Promo namin”
WTF!!?? wala namang nakalagay na end period at bat di nila inalis yung banner???

Yung 10 tokens ginamit namin para mag video-oke. Kinanta ko ang pamatay kong Bon Jovi’s Livin’ on a Prayer na muntik ng ikapatid ng litid at ugat ko. Kinanta naman nila ang Breathe ni Michelle Brunch, Kantang di ko alam ang title ni Fra Lippo Lippi, kanta ni Ashley Simpson na di ko rin alam ang title, at iba pa. Ending song namin ay Affirmation by Savage Garden pero pasahan kami ng mic bawat dalawang linya. Cool at astig ang saya!

Pagkatapos nun ay nanlibre uli si Jhack. Tamang tama pagkatapos ng matinding kantahan. Ice Cream SUndae mula kay pareng Ronald Mc Donald. ANg sarap sa lalamunan.

Naglibot libot kami. Balak kong mag-ice skating. Kaso…. nakatsinelas ang dalawa kong kasama. Asan ang medyas?? At sabi nung nasa kahera, masmura daw kung may advantage card. EH meron pa naman mommy ko nun. Kaya next time na lang. Pinagmasdan na lang namin ang mga nag sskating. May dadapa, may papansin na paikot ikot sabay tingin sa mga tao sa labas ng glass, may nadadapa, may hawak hawak ang kamay na parang rally sa edsa, at may mga superb na naka pang-skating costume pa.

Napadaan din kami sa Pet Shop. Balak kong bilhin ang lahat ng nakita ko pero di ko binili. Hindi sa wala akong pera, kundi sa wala akong lalagyan. May rabbit, dagang costa, hamster, guinea pig (na gusto kong bilhin kaso ayaw nila ng hayop sa bahay namin.), aso, pusa, isda at ang pinaka nakatawag pansin sa akin ay ang hedgehog(kalahi ni Sonic sa cartoons) Next time babalik ako na may bitbit na bowl para sa mga isda na tig-15 hanggang 100 pesos each.

Next Stop ay sa Blue Magic. Pinapili namin ni Rowena si Jhack ng kahit ano basta worth 200pesos. Yun ang gift namin sa kanya. Pinagtuturo nya yung mga higanteng stuff toy na pangit naman(400 to 1000pesos kasi lols). Sa huli, isang unan na kulay blue ang napili nya. Bumili naman si Rowena ng Tae Toy para ibigay daw sa BF nya. Ang sweet naman.

Nanlibre ako ng malalaking Cotton Candy. Tigi tigisa kami. Di namin maubos

Dumeretso kami sa Toy kingdom section. Nilibot namin mulas sa Toy Zoo, sa mga Action Figures, PSP section(Ang pinapangarap kong PSP na 11,000pesos ang presyo), at iba pa. Habang palabas kami ng toy kingdom section, may nakita kaming lalaki. Naka kulay itim ang damit, ang buhok ay nakatakip sa mata at may patayo tayong buhok malapit sa tuktok ng ulo. Confirmed. Emo!!!!. Maya-maya nag sidatingan ang mga kalahi nyang emo. Tawag pa nga namin sa kanya hamster. lols.

Nung bumalik kami sa skating rink, WTF!!! Ang daming EMo sa gilid na nakaupo. Sa kanan naman, sa may food court, WTF ulit!!!! dalawang grupo ng mga emo, mga babae at lalaki. ALam ko minsan sa megamall may mga Anime COsplay Convention. Meron na rin palang EMo convention. Ewan. Di naman ako galit sa emo. Pero nakakaramdam ako ng maitim at malungkot na AURA kapag may nakikita akong ganun. Lalo na ang dami. Meron sa UG, LG, 2nd floor, 3rd floor, nagkalat sila sa SM megamall kanina. ANo bang meron? Invasion ata…

ANg sarap mamasyal at gumala lalo na kung “ONE DAY” lang ang day-off mo sa trabaho. Ang sarap lalo na kasama mo mga kaibigan mo. Kelan kaya ako gagala kasama naman ang aking magiging gelpren??

……

About jason

walang clue. nak ng

11 responses »

  1. simplefula09 ay nagsabing:

    ahay,,,,namiz ko 2loy mga fwendship q…..

    sarap magbonding hanu..hehe mas marami mas masaya….

  2. jason ay nagsabing:

    syempre naman!!

  3. joyo ay nagsabing:

    haizzz… nakakainggit naman…

  4. coolwaterworks ay nagsabing:

    napadaan lang…

    grabe sa detalye ah, pwedeng pwede maging storyrteller…😀
    kakamiss magvideoke… buti naman clean fun ang bonding time nyo…

    pareho tayo, naapektuhan ang mood ko kung maraming akong nakikitang emo pips…

    dadaan uli….

  5. ate nahleen ay nagsabing:

    hi jason, nkakaaliw ang kwento mo🙂 masaya talaga gumala kasama ang mga kaibigan, sa kwento mo nga e..parang nakalibot na rin akosa megamall kasama nio :))

  6. kheed ay nagsabing:

    namiss ko din mga classmates ko nung hi-skul. sana magkaroon din kami ng pagkakataong magkasama at makapag kulitan

  7. anakngpating ay nagsabing:

    wow ha bat di mo ko sinama hehe..:)

  8. livingstain ay nagsabing:

    san ka ba nagwowork, inadd kita sa ym wala ka naman… anak ng foodchain talaga… laos na kasi ung pusang gala, masyado ko na yung napagsamantalahan kaya foodchain naman ang gamit ko… whahaha

  9. shea ay nagsabing:

    tara gala tayo future bf ni joyce.. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s