love letter
Nagkataong walang bubong ang backride ng tricycol na sinakyan ko pauwi kahapon kaya tumingala ako sa langit at biglang naisip ang aking nakaraan. Ang nakaraan sa aking pagiging batam-batang greydskul. “Goodmorning Ms. Teacher”

Nandito ang ilan sa mga pinaka-memorabolest kong past estudyante life sa gradeschool

1. Una kong naging crush ay isang maliit, matalino at cute na cute kong classmate. Itago natin sya sa pangalang claudine. Naaalala ko ang love letter na ipinaabot ko pa sa isa kong klassmate. sabi ko anonymous letter per nilagyan nya ng “hangman” na clue.
Clue: _ _ _ O _
bisto…

2. Mula umpisa kong nag-aaral sa school hanggang gumraduate ng grade six- ang baon ko araw-araw ay sandwich at juice/mineral water. Walang Palya.

Mongol Pencil at Saksakan ng Appliances

Mongol Pencil at Saksakan ng Appliances

3. Pinakamasama kong nagawa ay yung nanaksak ako ng lapis. di ko na sasabihin kung saan baka mabasa ng taga mtrcb(medyo brutal kasi). Ang parusa ko – hinatak mula paa hanggang ulo ang aing patilya.

4. Nung grade 2 ako nangyari ang pasabog experience ko sa electric outlet na ginawa kong parang slot machince sa casino. 50cents na may agila ang hinulog ko.

5. Naranasan kong magrecite ng rosary kasama ng mga piling classmate dahil bumagsak kami sa quiz tungkol sa mga gawaing bahay – H.E.L.E. yung subject

6. Naging class president ako nung grade 4 kaya lalong gumulo ang klase. Kasi di ko kaya i-handle. Isda ko sa tatlong pinakamaliit, at mukha pa kong tupa nun kaya walang natatakot.

7. Umabot ako ng Top 2 dahil nagkabulutong ang top 3 namin. Ibig sabihin.. ah… top 4 ako dapat. Hindi pa nagkabulutong yung top 1… Sana 3 reward kong family computer.

8. Pinaka nainis ako nung dinalhan ako ng tita ko ng MCDO sa fieldtrip namin sa shangrila plaza. Inabot na sa teacher ko. Pag tapos ng field trip nung hinanap ko, nakain na nun co-teacher niya. Bwiset

9. Naalala kong ako pinakamabilis magsulat ng notes mula sa blackboard kaya inuto ako nung mga kaklase ko na isulat ko sila pagkatapos ko. “Ang galing talaga ni Jason, ang bilis magsulat O tignan nyo”

10. Ang pinaka last kong performance o field demo ay yung may lagnat ako. Pinilit kong makapunta dahil mawawalan ng partner si claudine. Kahit may lagnat-laki ako ay nakapag waltz, swing at mambo no. 5 rin kami. Pagsakay ko sa kotse pauwi, tumba kagad ako sa upuan.

Alam ko marami pa dapat yan eh. pero yan lang pinaka naaalala ko ng may 100% accuracy.

Para sa mga nag-aaral pa lang ngayon, good luck sa pagpasok.
Wag magbulakbol….Minsan lang (>.<). Wag masyadong serious. Pagsabayin ang pag-aaral at pag-eenjoy. Minsan ka lang magiging estudyante at iyan ang huhulma ng iyong kinabukasan

Para sa mga tapos na sa pag-aaral, good luck sa pagtatarabaho.
Magsipag tayo, iwasang malate at umabsent. Gamitin ng wasto ang mga LEAVE

Sarap maging estudyante lalo na pag first day ng pasok. Bago bag, lapis, pambura, polo, mukha, hairstyle, pati buhay.
blackboard
Ngayong nagtatarbaho na ko, di ko na masasabi ang “Goodbye and thank you Ms. Teacher”

About jason

walang clue. nak ng

42 responses »

  1. livingstain ay nagsabing:

    base ba ako?

    nasan na si claudine ngayon? ang sarap isipin ng kabataan, try ko nga mamayang gawing jukbox ung saksakan samen… whahaha…

    tingin mo pag naging presidente ka ulit gugulo ang pinamumunuan mo?

  2. hitokirihoshi ay nagsabing:

    wahahaha… ang tawag ko sa number two ay estudynate meal. so kapag sinabi ko yang katagang ‘yan -ibig sabihin naka fruit juice ako at biscuit o sandwich. hehee

    wahaha in fairness ang makulay ang buhay ni tito jason nung nasa mababang paaralan pa siya. hehehe

  3. simplefula09 ay nagsabing:

    *meron din aq sinaksak ng pencil nung elem,,,,,hehe sumbongero kasi yung classm8 q na yun* kaya ayun namaga en nsugat yung kamay nya,,,haha

    miss mo si claudine?? ayiiiii,,,,,

    #4,,buti di ka na kickout,,hehe

    “Pagsabayin ang pag-aaral at pag-eenjoy” love it

  4. Mon ay nagsabing:

    alam mo bro, wag ka magagalit ha. gelpren ko na ngayon si Claudine. palagi ka nga nyang nakukwento sakin eh. ang baduy daw ng lab letter mo nun. sa bagay bata pa naman tayo nun. nga pala, ako yung sinaksak mo ng lapis hehe
    – Raymart
    πŸ˜€

  5. tagamasid ay nagsabing:

    hehehe ayos itong post mo ah, napaisip din tuloy ako noong elementary days ko. Ang pinaka ayaw ko pa naman na ginawa sa akin e yung paglinisin ako ng kubeta ng teacher namin dahil sa ingay ko.
    Nasaksak din ako ng lapis ng kaklase ko na tinutukso kong bakla ayun duguan ang inabot ko simula noon takot na ako sa kanya hehe.

  6. pattystar ay nagsabing:

    Hindi ko alam Hamster na may tendency ka pala na maging kriminal. Hahaha! By the way, hindi mo sinabi kung ano ang naging reaction ni Claudine dun sa “love letter” mo.

    Nakakainis nga yung mga teachers na kumakain ng mga pagkain ng mga estudyante nila. Halatang halata na maliit lang sweldo ng mga yun. Kaya nga pag field trip namin nung elementary, pag tinanong ako ng adviser ko kung ano ang pinabaon sakin ni mama, sinasabi kong kinain ko na. Kaya hindi ako naging favorite ng mga advisers ko sa elementary. Garapal ever!

  7. anakngpating ay nagsabing:

    wah i miss school days hehe..gusto ko bumalik sa pag kabata hehe..
    bata pa naman ako until now hehe..:)

  8. Philmor ay nagsabing:

    buti nga sa’yo pencil e sa akin ballpen talaga.. nagsaksakan kami ng klasmeyt ko.. kaya heto may peklat pa rin ako sa braso..πŸ˜†

  9. .poOt! ay nagsabing:

    ganda ng post! hehe. naka-relate ako dun.

    hmmm… first ‘kras’ ko nung elementay eh kaibigan ko pa rin hanggang ngayon kaya lang hindi na kami ganun kadalas magkita. ang masama pa dun eh may boypren na siya. (naiiyak na tuloy ako. lol)

  10. dhyoy ay nagsabing:

    haizzz ketakaw naman nung co-teacher na iyon… bakit niya kinain di naman kanya… ahaha…

    korak minsan ka lang maging studyante… namnamin mo na dahil hahanap-hanapin mo iyan.
    πŸ˜‰

  11. jhunice ay nagsabing:

    wow kuya… di ka naman pala pilyo nung kabataan mo.. hehe..

    niweiz tama ka kuya masarap nga mag-aral^^, kakamiss hehe..

    aw! tinamaan ako dun sa sinabi mo “iwasang umabsent” hehe nag-absent ako ngayon anlakas kasi ng ulan dito samin.. baha pa. hehehe ok lang ba yun?

    links na tayo kuya huh^^,

  12. trekker ay nagsabing:

    d naman masyadong masaya ang elem days ko eh..
    pero may classmate din akong claudine noon..at crush ko din..hehe

    napadaan lng po..balik ako dito nxt time

  13. blurosebluguy ay nagsabing:

    whhhhheeeee! sarap alalahanin ang nakaraan di ba….kumusta naman si claudine…

  14. jason ay nagsabing:

    Ang kukulit nyong lahat pinapatawa nyo ko dito sa office. Muka na kong tanga tumatawa mag-isa sa mga comments nyo

    (LIVINGSTAIN)hindi na gugulo. iba na ko ngayon. mabangis na. awoo

    (HITOKIRIHOSHI)pero masasabi kong laki ng naipon namin sa prosesong sandwich at juice sa 6 years

    (SIMPLEFULA)hehe grade 2 pa ko nung pumutok outlet. pinainom ako ng tubig ni ma’am baka raw kasi ninerbyos ako

    (MON)kala ko seryoso si mon..si reymart santiago pala yun .

    (TAGAMASID)Ayan hahaha nagkamali ka ng inasar mo. Nakakasindak ba sya? hahaha

    (PATTYSTAR)Kriminal hahahah. reaksyon ni claudine? natameme. natahimik sya.

    (ANAKNGPATING)parehas lang tayo heheheh syempre may experiences ka rin nung Gradeschool ka na memorable

    (PHILMOR)wahh ballpen magkakapeklat ka nga nyan. bbuti hindi natetano sa ink

    (POOT!)heheeh ayan naalala mo pa tuloy ang iyong long time crush na may bago ng mahal…

    (DHYOY)hahantingin ko yang teacher na yan… Oo nga ngayon nga hinahanap-hanap kong bumalik sa school..

    (JHUNICE)na link na kita! di naman ako pilyo.. kunti lang haha

    (TREKKER)baka naman magkaklase tayo? o magkabatch-panghapon ako pang umaga ka.. hahhaha

    (BLUEROSEGUY)di ko na alam.. wala na akming balita sa isat isa.

  15. livingstain ay nagsabing:

    alam mo ung hamster na lumulundag lundag na yan sa sidebar mo, marami akong ganyang postcard nung high school ako, madami yun e, iba ibang kulay, hinahanap ko yun dati sabi ni mama sinunog na daw nya… hahaha….

  16. jason ay nagsabing:

    (LIVINGSTAIN)
    si hamtaro yang lumulundag na yan.
    HAH bat naman sinunog ng mama mo?? sayang.

  17. livingstain ay nagsabing:

    nagliligpit daw kasi sya ng mga gamit sa kwarto ko e mukang hindi naman daw kapaki pakinabang kaya sinunog na nya, ayon ang pamilya ni hamtaro na dati ay gumugulong gulong lang, ngayon naging abo na… whahaha…

  18. tuutuukii ay nagsabing:

    ang galing ng mga trip nung elem ah..
    naalala ko tuloy ung mga kalokohan ko dati..πŸ˜€

    habang naglalakad pauwi kasama ang mga kapitbahay namin..
    minsan kasi awayan kami..πŸ˜›

  19. kengkay ay nagsabing:

    nakipag reunion ka na ba sa mga klasmayt mo? kami dahil sa internet e nagkita kita ulit apter almost 20 years, arggh! mabuti na lang kyut pa rin kami, sabi namin, hahah

    • jason ay nagsabing:

      (KENGKAY)
      waw naman nay kengkay.. nakakapgreyunyon pa kayo.. eh yung mga klasmeyt ko dati di ko na mahagilap.
      satingin mo po pede ipanawagan d2 yun “ang mga nawawalang kaklase ni jason”
      pwede….

  20. ELIment ay nagsabing:

    may naalala ako sa title..akala ko kase may quiz! hehe

    napapanahon ang post na ito ay.pasukan nanaman kase. at nag top 2 ka pa! magaling na bataπŸ™‚

  21. jhunice ay nagsabing:

    nyahaha.. ang kuletz ni kuya..

  22. Philmor ay nagsabing:

    ‘yong pagsusulat sa blackboard pareho tayo.. ako yong ginagawang secretary ng titser ko dati nung elementarya…πŸ˜† at ang arte pa niya gusto niya nasa ilalim ako ng mesa nya para patayin ang lamok.. nilalamok kasi siya e… πŸ˜‰

  23. Philmor ay nagsabing:

    totoo yan pareng jason and I was really disappointed kasi akala ko sa kapapatay ko ng lamok sa ilalim ng mesa niya magiging first honor ako yon pla hindi. maputi din naman ang legs niya e.. πŸ˜‰

  24. Ax ay nagsabing:

    hehe! meron din akong kakilala na nanaksak ng lapis. huh, ikaw ba yun? hehe. hindi naman siguro! elementary days din yun. nagalit talaga siya kaya siya nanaksak!

    actually binalaan niya muna yung sasaksakin niya. sabi niya “pag di ka tumigil sasaksakin kita.” hehe.

  25. Ax ay nagsabing:

    wordpress ka naman, pero bakit walang reply button yung comment section? makikita yun sa settings > discussin > (check mo yung:) Enable threaded (nested) comments.

    voila! pwede na magreply sa comments!

  26. ron ay nagsabing:

    naalala ko tuloy ang love life ko nung elementary ako hahaha! kamusta naman yung sinaksak mo? buti hindi ka nakulong sa juvie! ahehe!

    had fun reading this!

  27. flamindevil ay nagsabing:

    ****Pinaka nainis ako nung dinalhan ako ng tita ko ng MCDO sa fieldtrip namin sa shangrila plaza. Inabot na sa teacher ko. Pag tapos ng field trip nung hinanap ko, nakain na nun co-teacher niya. Bwiset

    -haha.tnt naman ako rito pareng jason.langyang titser yan.pati mcdo ng student pinatos.

    btw,nawiwili kang mag drawing ha.sige lang. :p

  28. jason ay nagsabing:

    heheehe magkakagallery na nga ko sa mga drawing ko.

  29. foobarph ay nagsabing:

    haha! kewl to ah, makagawa nga rin, copycat mode ako, lolz!

  30. rinaldetadase ay nagsabing:

    haha naalala ko ung naging kaklase ko sa ibang section..
    galing kaming section 1 noon. lagi kami pinapagalitan kaya pinapalipat kami ng teacher namin sa last section kahit ilang araw lang..

    dun ko nakilala si martinez(d ko na maalala ang first name). tinanong ko lang kung ibon ba ung apelyedo nya. wow!! ang sagot nya isang tuldok sa hita ko habang nagsusulat kami. masakit pa lang matuldukan sa hita..

    OK din ung mga art mo!! ayus…

  31. hehe in fairness, best buy. favorite ko yan na bilhin sa national bookstore. funny, ung classmate ko sa grade one, nanligaw sa akin noon, di ko pa alam ano ibig sabihin ng i love you noon. hay, those were the days…

  32. jason ay nagsabing:

    oi shynyrd hindi ako stalker.. LOL
    nabasa ko yun sa blogbahay ni lady rufles.. hahaha

  33. sandi ay nagsabing:

    haha.. okey sa mga karansan ah!

    grabe naman, bakit naman nya kinain ‘yong mc do e para sayo ‘yon.

    kamusta naman si clauidine ngayon..may raymart na ba siya?πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s