Ano ba tong kanang kamay ko.
sobrang nangangawit. hindi nako makapindot.
hindi na ko makagamit ng mouse ng maayos.

Buong magdamag na kasi akong nagcocomputer.
Buong araw sa trabaho, 6 days a week nasa harap ako ng computer at pumipindot ng mouse kong itim.

pag kauwi sa bahay mag cocomputer na
naman ako at pagkagising sa umaga bago pumasok
magcocomputer na naman ako.

pindot dito pindot duon. di ko na nga magamit tong daliri ko
sa pampersonal na bagay tulad ng pangkamot sa likod,
pagpindot ng digits sa microwave, pang text,
pantanggal ng booger sa ilong (pangunglangot),
paglalamas ng mapuputi at naglalagkitang kaning-lamig para mai-sangag(fried rice)
at iba pa…

pwede bang mag pa-spa pero kamay lang?

pag nagpahilot ba ko ng daliri
sa mga tatang o manang maslalo
pa bang sasakit ito?

pede ko ba syang ibabad sa tubig na mainit o sa malamig?

ano bang dapat gawin para makapagrelax naman itong kanang kamay ko…

di tuloy ako makapag drawing para sa blog na to. heheh

About jason

walang clue. nak ng

27 responses »

  1. Philmor ay nagsabing:

    ay pareng jason sakit na ‘yan kailangan mo ng magpadoktor. ‘dko lam ang term na ‘yan pero dapat ooperahan daw yan e…

  2. blurosebluguy ay nagsabing:

    hala pareng jason….ibig sabihin pahinga ka muna….mamasyal ka kaya sa disneyland..heheheheheh

  3. orphicpixel ay nagsabing:

    same here men, parehas lang tayo ng mga nararamdaman, buti nga sayo daliri lang e, ako from daliri to braso, CTS na yan, try to put a wrist band pag matulog

  4. hitokirihoshi ay nagsabing:

    hmmm try mo bumili ng stress balls. yung enough sa size ng kamao mo. nakaka-exercise na rin siya ng palm and fingers. masyado lang siguro na-over siguro ang pagpipin-dot mo.

    wag mo ring babasahin ang kamay mo after mag-computer or wag din yung may gagawin kang mabigat (gaya ng paglababa) tapos magko-computer ka ng matagal. hindi ko alam kung gaano ka- effective sa iba. pero ginagawa ko yan. nung minsang maglaba ako at nag-computer three days pa akong nilgnat. at ang sakit-sakit ng pulso at palad ko.

  5. flamindevil ay nagsabing:

    pa hand massage ka parekoy..

    salamat sa pag spam ng comment..

    mukhang panalo ka na..sayo na ang tisyert ni otep!hahahaha

  6. tuutuukii ay nagsabing:

    hahaha…
    naunang sumuka ang daliri Kuya ah..😀

    pahinga lang po iyan…
    para pwede na ulit sumulong sa laban..😛

  7. Rowjie ay nagsabing:

    yup. meron naman yatang hand spa. hehe. saan ka ba nagwowork?

  8. roWEna ay nagsabing:

    check this out! oha! ang cute hahahahahekhek mga hamham!😀

  9. anakngpating ay nagsabing:

    parang pareho tayo ng sakit buti ka nga kahit pano 6 days a week lang ako 24/7 hehe joke..10 2 10 every day hehe..san ka pa hehe..alam mo kung anong mgandang relaks na hindi ka gagastos ikaw ang mag hilot sa sarili mong kamay hehe..lalo na ung gitnang palad at ung dulo ng mga daliri mo hehe..yan kasi ang turo ng lola ko hehe.
    napadaan lang galing sa 2 days off hehe

  10. bernardumali ay nagsabing:

    hmmm, record mo na lang gusto mong sabihin, save mo then upload it here or next time video naman – vlog😉

  11. simplefula09 ay nagsabing:

    hehe,,bili ka na lng…efficascent yung strong ok yun hehe
    o kaya pahilot,,,,,,it takes time din pwa gumaling😛

  12. Aling Baby ay nagsabing:

    lols!

    i feel for you, jason.

    parang kailangan mo na munang i-bakasyon sa computer ang daliri mo lalo na pag nasa bahay ka na (which u can never do, pustahan. hehe…). magpa-finger spa ka na lang para ma-relaks ka na rin.🙂

  13. livingstain ay nagsabing:

    naku ipahinga mo lang ng sandali, tapos lagyan mo ng lotion para mawala ang stress… ibabad mo sin sa maligamgam na tubig na may asin…

    • jason ay nagsabing:

      sige gagawin ko to.. over the counter lang kasi.
      sasamahan ko na rin ng bawang luya at toyo.. heheh joke lang

      siguro pedeng imasahe yung asin para pampagaan ng muscle??

  14. Ax ay nagsabing:

    hm, pahinga mo kahit sandali lang. actually ganyan din ang problema ko. parang daliri ko lang ang nag e exercise. pag nasa work ako, di ako nag wo work para makapag rest ang daliri ko! wehehe.

  15. jason ay nagsabing:

    yes ma’am!!!!!

  16. sandi ay nagsabing:

    pahinga lang ang katapat nyang daliring pagod😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s