Naranasan mo na bang mamili?
Pamilya o Pag-ibig?
Kaibigan o Trabaho?
Sarili o iba?

Kahapon lang ay dumulog sa kin ang isang matalik na kaibigan. Habang naglalaro ako ng Plants VS Zombies ay nag-PM sya sa Yahoo mail ko.

"Ang litung-lito at balisang si Pepa"

“Je, pwede ka bang makausap ng matino ngayon?”

Nangangamoy problema to….

Eto ang sitwasyon. Itatago ko na lang sya sa pangalang Pepa. Naterminate ang Supervisor ni Pepa na itatago ko sa pangalang Koko. Si Koko an dahilan kung bakit naabot ni Pepa ang kanyang posisyon sa kumpanya. Marami raw kasing issue sa kumpanya na hindi kaaya-aya at talagang madugas tulad na lang ng late pasweldo at kaltas sa oras ng bilangan sa timecard, atbp…

Naging magkabatak ang dalawa, naging matalik na magkaibigan. Sa di inaasahang pangyayari ay na terminate si Koko. Wala man lang dahilan ang kumpanya, walang letter, walang binigay na palugit na mga araw para magtagal. Ngayon ay magfifile sya ng affidavit at isusulong nya laban sa kumpanya. Nangangalap sya ng pirma ng mga ex-co workers.. Nalilito ngayon si Pepa kng pipirma sya para matulungan si Koko.

Anong mangyayari kay Pepa kung sakaling pumirma sya at makiisa sya sa i-fifile na affidavit laban sa kumpanya. Si Pepa pa naman ngayon ang breadwinner ng kanyang pamilya. Siguradong terminate sya nyan. Kung hindi sya makiisa, siguradong magtatampo sa kanya ang kanyang matalik na kaibigan at pinagkakautangan ng loob na si Koko. Litung-lito sya.

Tinuro ko sa kanya ang Priority Pyramid ni Jasonhamster.

Halimbawa ng Priority Pyramid ni jasonhamster

Halimbawa ng Priority Pyramid ni jasonhamster

“Halimbawa lang yan , at ayon sa paniniwala ng isang indibidwal. Maaari mong pagpalit palitin ang pwesto o magdagdag.”

Ang pinakataas na palapag ng pyramid ay ang pinaka o first priority,
at sunod sunod na pababa.
Hindi pwedeng dalawa ang priority sa isang palapag.

Asahan mo na kapag nasa oras ka na ng pamimili,
siguradong merong matutuwa at masasaktan.
Hindi pwedeng dalawa, hindi pwedeng BOTH, dapat Isa lang.

Ang pyramid na yan ay nagsisilbing gabay
para sa mga taong nahihirapan
sa pamimili o sa kung ano ang uunahin.

Narealized ni Pepa na kelangan nya ang trabaho nya, kahit magtampo pa sa kanya si Koko.
Ang problema na alng ni Pepa ngayon ay kung paano nya sasabhin ito kay Koko at sa kung anong pinakamabisang paraan.

O mga bata, may natutunan ba ko kay Ginoong Jasonhamster.
Hanggang sa muli!!!

About jason

walang clue. nak ng

56 responses »

  1. bhiegotz ay nagsabing:

    oh hindi na pala nangangawit kamay mo ah.. nakapag-drawing ka na.. hehe..
    para sakin mas una ang animals kesa neighbors.. bwisit mga kapitbahay.. haha..🙂

  2. jason ay nagsabing:

    di na masyado..
    pianhilot ko na..

    heheh bwisit mga kapitbahay mo?? hehe

  3. bhiegotz ay nagsabing:

    UI.. napagulong ka pala sa site ko.. di ko napanchin.. hehe..🙂
    BOINK!

  4. flamindevil ay nagsabing:

    may point ka dyan..hmmm

    ganda ng sulat mo ha…hehe

  5. orphicpixel ay nagsabing:

    kung minsan mahirap magsabi ng kung ano ang priority sa buhay, sabi mo nga may mga masasaktan, ang di ko lang magets minsan bat kelangan silang masaktan kung di sila ang pinaka priority mo, hello buhay ko to ano…

  6. tagamasid ay nagsabing:

    Kung kaibigan taalga ni Pepa si Koko ay dapat maintindihan ni Koko ang prioridad ni Pepa, iyan ang tunay na kaibigan. Saka nasabi mo sa kwento mo na mga ex-worker lang naman ang pinapapirma.
    Sabihan mo nalang si Pepa na tumulong siya sa hindi direkta na paraan kay koko, pwede naman iyon. Kapag kasi nadamay pa siya sa ngayong maselan ang pangyayari ay baka tuluyan ng mawalan ng link si Koko sa kumpanya, si Pepa ang maigging bubwit sa kumpanya para malaman ni Koko ang kalagayan o aksyon ng sinampa niyang reklamo.
    Tandaan mahal ka lang ng kumpanya kapag may ibibigay ka pa sa kanila, kapag hindi ka na nila kailangan ay paalam na ang kahahantungan mo.

  7. anakngpating ay nagsabing:

    hmmm im back hehe..
    ang galing mo naman hehe..
    isa lang talaga pwedeng piliin hehe..
    cge na nga isa na lang
    sana nilagay mo pag-ibig hehe ng may napili naman ako nyahaha..
    jokeness

    • jason ay nagsabing:

      hahaha sige lovely..

      next time
      pag may dumulog sa kin na
      may problema sa pag-ibig..

      yung pyramid ko sa taas
      ano..,

      priority sa lving things na nasa paligid nya. heheheh

  8. hitokirihoshi ay nagsabing:

    opo tito jason may natutuhan ako. ang paggawa ng priority pyramid. hehehe

    hirap nga ng problema niya pero sa tingin ko kung broadminded si koko eh maiitindihan din niya ang stand ni pepa. tamang communication lang siguro mula kay pepa. explain yung side niya kay koko.

    pero gawin niya kung alin sa kanya ang nararapat. isa pa hindi naman si pepa ang kaaway ni koko kundi yung kumpanya. kaya hindi siya pwedeng idamay.

  9. .poOt! ay nagsabing:

    mahirap nga yan… i think kung kakausapin niya si koko ay baka maintindihan siya nito. and kung tunay ngang kaibigan si koko eh iintindihin niya si pepa anuman ang mangyari. diba? that’s what friends are for.

    btw, kung gagawa ako ng sarili kong ‘priority pyramid’, family ang uunahin ko. maniwala man kayo o sa hindi.

    ingat! bisita ka naman sa munting tirahan ko… hehe

  10. kiko ay nagsabing:

    hmmm… makikisawsaw na ko… kung ako, lalasunin ko na lng un baliw na nagtanggal. nangyari na sakin un nangyari kay pepa. mega walk out ako sa trabaho. niha niho alang pasabi. basta exit with matching slam the door na dahan dahang sumara…

    pero mas masaya kung may trabaho ka. anyway, di naman kelangan mandamay si koko ng ibang tao sa apila. kaya nyang lakaring magisa ang reklamo kung gusto nya. witness lang ang kailangan bakit kelangangang magreklamo ang buong taung bayan?

    • jason ay nagsabing:

      ahaha

      ayos a, tama lasunin.. hindi man lang daw sya binigyan ng magandang dahilan…

      siguro paRA masugpo na nila ang
      masamang pamamalakad ng kumpanya? siguro..

  11. simplefula09 ay nagsabing:

    hmmmm..mejo mahirap nga yun….
    pero kung ako tatanungin,,,
    -hindi ako pipirma,,,cguro nmn maiintndhan nya na mahalaga sa akin ang trabaho ko,,,and ipapaliwanag ko sa kanya ng maigi

    malaki din maitututlong ng pyramid ,,,,nice ganda :p

    • jason ay nagsabing:

      hey simplefula salamat sa iyong opinyon at napadaan ka rito

      ko rin, sinabi ko rin sa kanya na mahalaga ang trabaho lalo na at

      mahirap maghanap ngayon at kelangan nya ng trabaho..

      bisita ka ulit

  12. skyllo ay nagsabing:

    patago na lang na tumulong si pepa kay koko katulad ng nasabi ni tagamasid pero siyempe yung pagtulong na iyon, hindi naman sana ilegal o nakasisira ng pagtitiwala ng kumpanya, yung tama lang. mas mainam yun kaysa magrebolusyon siya o ano. mapapalaki pa ang gulo

  13. livingstain ay nagsabing:

    may bago na akong entry… wag puro jan… huy…

  14. dhyoy ay nagsabing:

    haizzz… ang hiraf talagang mamili… sa pagpili nga lang ng shampoo nahihirapan ako weh…sa mga ganyang usapin pa…

    dapat ang pipiliin mo ay yung alam mong mahalaga at importante sayo,siguro naman kung ano man piliin mo sana maging masaya na lang yung mga taong nakapalibot sa iyo…

    Ipaliwanag lang niya, im sure maiintindihan siya non.

  15. livingstain ay nagsabing:

    ang hirap mamili, pero kung ikaw ang mamimili piliin mo kung ano ang talagang magpapaligaya sayo, hindi pweding both, hindi pweding twice, isa lang dapat. kapag nakapamili ka na, limutin mo na ang hindi mo napili sapagkat magdudulot ito ng sobrang sakit kapag nalaman mong mali ang iyong napili… matapos magdisisyon, pagbutihin at ibigay ang lahat para maging ayos ang napili mong bagay… at gugulin ang lahat para sa iyong ikasasaya…

    ano ba yan puro pili ang salita…

    sentence for the day… “si jason ay parang hamster…. makulit…” whahaha…

  16. Philmor ay nagsabing:

    Kung ako sa kanya di ako pipirma? Bakit may nakalaan bang trabaho si Koko para sa kanya kapag natanggal siya? Nandadamay lang si Koko sa problema niya. Sariling kapakanan niya lang iniisip niya. Kung naging matino sana ang pamamalakad niya di na sana hahantong sa ganung sitwasyon.

    Kung naging maayos naman pamamalakad niya at bigla na lang siyang tinanggal I’m sure maraming pipirma dahil malaki naman ang laban nila kung ganun. Pero kung valid ang pagkakatanggal niya aba e wag siyang pumirma.

  17. Otakore Literantadodist ay nagsabing:

    “Je, pwede ka bang makausap ng matino ngayon?”

    – LOL. May ganon? Talagang kailangan pala may ganyang linya para makausap ka ng matino. Hehehe.

    Teka dapat alam ni Koko ang etiquette sa kompanya nila, at hindi basta-basta napapatalsik sa posisyon ang isang empleyado dahil sa etiquette na yun. Marahil may malalim na isyu between Koko and his company. Alamin muna ni Pepa kung ano ang dahilan kasi hindi pwedeng walang dahilan.

    *Ehem *ehem. Parang may naaalala akong TV Commercial (habang pinagmamasdan yung pyramid drawing moh) . . . siguro laking Lactum ka at panatag ang iyong Mama sa’yo at nagawa mo ang prinsipyong yan.

    • jason ay nagsabing:

      wala kasing matinong napupuntahan pag kausap ako ng normal.. ibig sabhin hindi ako normal kapag seryoso. hahaha

      laking Nido ako hindi lactum.

      ang kulet ng buhok mo sa ilong Otakore!!!!
      hahahahahhaa

  18. jhunice ay nagsabing:

    Kulet po ng pagkakasulat.. aparang “abangan ang sususnod na kabanata”… hehehe..

    ayun.. naku ang hirap naman mamili pag ganyan. pero tama ka po kuya dapat alam nya kung ano priority nya. mahirap kung mahirap pero kailangan talagang mamili..

  19. jason ay nagsabing:

    oo may point talaga sa buhay na haharap ka sa isang matinding pilian portion.

  20. TSI ay nagsabing:

    ganda ng pyramid ah, detailed hahaha!

  21. Mon ay nagsabing:

    oi ayos tung pyaramid na to ah! magaya nga hehe!
    tama lang yung decision ni Pepa, mahirap na baka sya naman ang mawalan ng trabaho. mahirap kaya maghanap ng trabaho sa panahon ngayon!

    *thumbs up!*

  22. lautootx ay nagsabing:

    muahahaa! .. ang galing ni kuya jason! .. problema ko yan ngaun .. haha! *pakpakan* este *palakpakan*🙂

  23. anakngpating ay nagsabing:

    wah natakot naman ako dun sa hamster ang laki laki hehe..

  24. ELIment ay nagsabing:

    aba, belib na talaga ako sa ‘yo jason at may priority pyramid ka pa ngayon ha. salimi mo bang formula yan? galing ah.

    di nagreresigter ang url k kpag nakalog-in ako at pumunta sa ibang wordpress kaya ito ang link ko. http://blographics.wordpress.com hehe

  25. jason ay nagsabing:

    heheehhe
    tlagang nilagay mo yung link mo..

    nasa blogroll naman kita pero yung ibang makakita sa pangalan mo di ka makiklick.

  26. foobarph ay nagsabing:

    dapat siguro gumawa din ako nyan, hahaah!

  27. yhen ay nagsabing:

    wow ang lalim naman pero ang astig ng presentation… hehe…

  28. darwin^^ ay nagsabing:

    new visitor ako ng blog mo. ang cute!🙂

  29. bernardumali ay nagsabing:

    hehehe ganda ng pyramid. kung may magandang educ background at work experience ang kaibigan mo, better na pumirma siya at sumali, pagkatapos na gawin yun kay koko, malamang siya ang kasunod o marami pa. hindi siya dapat natatakot mawalan ng trabaho sa isang opisina na hindi marunong mangalaga sa kapakanan ng mga empleyado niya. hala para na akong aktibista lol.

  30. jason ay nagsabing:

    hehehe pag malaki po yung nasa taas tutumba yung pyramid ko!!
    magiging historical na sya.. heheh

    salamat po sa pagpuna at pagbisita!!!!

    aadd kita sa blog roll ko

    “the lady in gren ruffles” (mukhang sosyal)🙂

  31. jason ay nagsabing:

    hahahahahh di ka taong grasa..

    shushal ka hahahha

  32. bipolarsisa ay nagsabing:

    animal muna bago ang self! haha. joke lang. depende nga yan sa priority ng isang indibidwal..

  33. Janna ay nagsabing:

    Please check my new website out ‘Pinoys Got Talent UK’.. . It’s dedicated to showcasing and promoting Filipino talent in the UK.. . Please note, the website is in its? very early stages of development (only created from scratch last night). . . Expect to see many changes, content, and improvements soon.. . Please type the following into your web browser after wix ‘dot’ com. . /mattgez/PGTUK. . If you know anyone from YouTube etc who you believe should be featured then get in touch.. . Thanks,. M@….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s