Maraming paraan para
makagawa ng bula.
Kapag may bula
parang ang saya.
Ang sarap makita
ang sarap madama.
kaso may problema
mawawala ito mamaya.

Busy si jasonhamster sa opisina mula Linggo hanggang Biyernes.
Pagdating ng Sabado knocked Out sya kaya
para hindi ma knocked Out, eto ang listahan ng
kanyang mga akitibidad sa bawat sabado na dumadating.

1. Gumigising ako ng tulad sa isang normal na binatilyo binata – 9:00 A.M. at para sa akin, over sleeping na yon.

2. Humarap sa laptop at mag check ng mga updates sa aking kahamsteran sa blog at makipag usap sa chat.

3. Nagluluto ako pero hanggang itlog, hotdog, corned beef, instant noodles, hanggang don lang kaya ko sorry naman.

4. Tumutulong ako sa pagsasampay ng mga nilabhang damit.

5. Ito lang ang araw na nakakapag siyesta ako. (yung natutulog sa tanghali o hapon)

6. Madalas akong magbababad sa harap ng aking mini hand held game at naglalaro ng Pokemon.

7. Kumakanta ako sa ng malakas(dinig sa kapitbahay) – mga kanta ni Bon Jovi, Air Supply, Aerosmith, Bread, at kapag medyo tinopak topak – mga kanta ni Michael Jackson.

8. Itong araw lang ng Sabado ko lang naisisingit sa skedyul ko ang mga outdoor plans ko tulad ng pag punta sa Mall kasama sila mommy at daddy, Ang pakikpagkita sa aking mga ex-kaibigan, at pagkakataon ko ring makilala ang mga ka blogs ko ng personal.

9. Nakakapanood ako ng Talentadong Pinoy sa gabi.

10. Ang paborito kong ginagawa ay ang kumain. ng kumain. ng kumain. Na hindi ko nagagawa sa mga normal na araw dahil ako ay may pagka-anorexic. (HAH?? ANO DAW???)

P.S.

Salamat nga pala sa paggawa ng header.
Pero yung header ko pa rin gagamitin ko. heheheh🙂
Salamat!!! Eto yung header o pinost ko pa para sayo!!!
Header

About jason

walang clue. nak ng

127 responses »

  1. Kris ay nagsabing:

    ambait mo namang bata. tumutulong ka sa pagsasampay ng basang damit. haha.

  2. Mars ay nagsabing:

    ows hindi nga, ginagawa mo yan

  3. Mon ay nagsabing:

    pag-bored ako kumakanta din ako ng mga alternative rock!! yung malakas talaga todo-bigay! haha

    astig ng header, sino may gawa nyan?

  4. TSI ay nagsabing:

    puro kasinungalingan, patawarin! LOL

  5. bernardumali ay nagsabing:

    ganda naman ng header. sipag ah nagsasampay hehehe

  6. anakngpating ay nagsabing:

    naks naman kain ng kain di naman nataba haha..

    hmm alas nuebe gising ka na..alas dyes ang usapaan haha..

    shhhhhhhh…ang ingay ko hehe..

  7. .poOt! ay nagsabing:

    ako naman ‘pag sabado at linggo kapag alang duty eh natutulog maghapon…

    …pero ‘pag tinamad akong matulog eh pumupunta ako sa i-cafe malapit sa dorm para humithit sa ‘chillspot’ ko…

    …pero ‘pag tinamad akong mag-blog eh pumupunta na alng ako sa mall para mag-window shopping ng mga kung ano-ano…

    …pag tinamad akong mag-window shopping eh naglalaba na alng ako, tapos naglilinis ng kwarto tapos nagluluto ng itlog, tapos nag-totoingsts (???) at kung ano pang ginagawa ko…

    tamad pa ako nun. oh, sinong uubra?

  8. .poOt! ay nagsabing:

    by the way, sinong gumawa ng header mo? cool!

  9. livingstain ay nagsabing:

    ang ganda ng header sino gumawa non…

  10. Ax ay nagsabing:

    ang bula ba na sinasabi mo ay may kinalaman sa bulang napag-usapan natin kagabi? bazooka, vfresh, at icool.

    oo nga naman. mawawala din yun maya maya. kailangan mo ulit ng bebelgam para makagawa ng bula.

    o baka ako naman ang nag-iisip ng iba? hehe. ayos yung header. hehe. pero mukhang may keepsake value yung original mong header. keepsake para sa sarili mo?! hehe.

  11. blurosebluguy ay nagsabing:

    bula ka ng bula dyan …hahahahha…ei! sipag mo ala dude…at saka di ka busy pag saturday! hahahahah musta naman dyan?

  12. machongbutiki ay nagsabing:

    ows tlga?
    ang daming alam.
    yan ba tlga gingawa mo?
    ehehhee
    ang adik mo!
    di ko pa rin makalimutan ang gnawa mo
    sakin nong sabado ng gabi…
    adik ka!
    adik!
    adik!
    adik!
    pero sige
    minsan subukan
    ko kung gaano katotoo ang no. 10…
    hehehehe.

    ayan inalis ko na ang seguridad sa aking blog site.

    hoy. wag mong isisiwalat ang sekreto ng butiki. ok???

  13. cruxrifter ay nagsabing:

    SAndali.. anu ang connection ng bula sa mga ginagawa mo sa sabado? nalito ako dun ah. HAHAHA!

    wow parang kilala ko ata sino gumawa ng header mo. hihi

  14. dhyoy ay nagsabing:

    maniwala ako jan…. (evilsmirk)

  15. otep ay nagsabing:

    oo homeactivities talaga kung home activities no?

    galing

    di talaga nawawala ang laptop.

    teka sino gumawa ng header mo?

    ganda ha.. pero mas magaling ako toinks. (wala nga akong header e hehehehhe)

    Paging header maker: gawan mo din ako (toinks)

    oi peace! peace baka sabihin nakikipag away ako..

    pangit daw kasi header mo kaya palitan mo na. parang may pagka crab menatility kasi Nyahahahaha

    peace din sayo..🙂

    anong meron sa bula?

    dahil ba tumutulong ka sa pagsasambay?

    e hindi ka naman naglaba? nagsambay ka lang Nyahahaahah🙂

    At talagang kasama sa dayoff mo ang pakikipag EB Nyahahaha🙂

    hulols ka.😀

  16. aga ay nagsabing:

    keep it up parekoy!
    achut

  17. tuutuukii ay nagsabing:

    bakit yata parang pamilyar na sa akin ung header mo..

    parang naligaw na ako sa mansyon ng gumawa niyan eh!

  18. tuutuukii ay nagsabing:

    pero gusto ko ung parte ng kumain ng kumain ng kumain…
    hehehe gawain ko un eh!

    pati na rin ang matulog ng matulog ng matulog…

    un nga lang parang hindi halata kasi palaging magpang abot kami ni Kuya slash Crush Jason sa feysbuk…

  19. kikayness/rhona ay nagsabing:

    naks naman! ke sipag naman ng batang ire nyahahaha

  20. jason ay nagsabing:

    bwahahahah (evil laugh)

  21. azul ay nagsabing:

    gusto ko din magpagawa ng header..libre ba yon?ahaha ahmmmm bday ko nung sabado sana sinama mo jan yung pagbati mo sa akin para makapagpasaya ka din ng ibang tao..nyahaha

  22. TSI ay nagsabing:

    bespren hams salamat sa’yo..

    mamaya ipa-flying kiss ka ni – – – -n …ayt!?

    yun na! sige na magtrabaho ka!

  23. livingstain ay nagsabing:

    lagyan mo ng bula para madulas… nyahahaha

  24. darwin^^ ay nagsabing:

    san po inedit ung header na yun?

  25. Maldito ay nagsabing:

    ako napakarami kong ginawa noong nakaraang week..

    sa sobrang dami, halos wala akong ginawa..ha ha ha..ano daw?

  26. machongbutiki ay nagsabing:

    yeah,
    watever!
    walang bistuhan!
    pinahirapan mo kong
    magpaliwanag!

    waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh……………………….

    im dead!!!!

  27. hitokirihoshi_kawaii ay nagsabing:

    wawa naman si tito napaka-hectic lagi ng sched. buhehehe

    ganyan talaga ang buhay ng mga nagbibinatilyo este nagbibinatang hamster at nagkukuning na bagong Rizal (jokeness!)

    mabuhay sa iyo diyan at uminom ng vitamins! buhehehe

  28. naglalambingnacute ay nagsabing:

    hmmm pagkabait bait naman na bata nere!

    sana kapatid nalang kita para may tagasampay din ako! toinks!

    ipagpatuloy mo yan mag iimprove ka pa hehe..

    napadaan lang po!😉

  29. bipolarsisa ay nagsabing:

    pasira talaga ang trabaho sa normal na buhay ng mga tao. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s