DETECTIVE detectiveSa dami- dami ng pwedeng maging trabaho, ako ay isang detective. Hindi naman sa pagmamalaki eh marami na kong na resolbang kaso. Nakatira ako sa isang apartment, dalawang buwan na akong walang tawag mula sa mga kliyente ko. Nauubos na ang supply at demand ng frigider ko. Ano bang gagawin ko?

Sa paglalakad ko eh nakasalubong ko ang kapitbahay kong si Aling Rosita. Niyaya nya ko sa isang salu-salo bukas ng gabi dahil sa napromote daw ang asawa nya.

(Ayos makakalikom ako ng kliyente sa party na yun.)

Pagkauwi ko sa bahay ay excited na kaagad ako para bukas. Dahil sa excitement ko, ngayon na pala yung bukas na iyon at gabi na pala.

DETECTIVE apartment
Agad akong winelcome ni Aling Rosita at nakipag chat sa mga bisita sa sala. Ipinagmayabang ko kaagad na detektib ako. (Namangha sila na parang mga sanggol na nakanganga.)

Nandun ang asawa nyang si Mang Berto, at may dalawang anak sila. Nandun din ang isa pang ka-apartment na mag-asawang Bebong at Bebang, parehong senior citizen(tulo laway), meron ding tatlong salesman mula sa computer company, at nandun din ang ate ni Mang Berto na si Aling Pepay(hipag ni Aling Rosita).

Naalingat ako saglit at napatingin sa kusina. Namataan kong pinipilit ni Aling Pepay(kapatid nga ni Mang Berto) na kunin ang sopas sa katulong para siya na raw ang maghain. Medyo nagtatalo pa nga. E kung mapaso sila?

DETECTIVE soup
Inabot na ni Aling Pepay ang unang sabaw kay Mang berto, tapos sa mga susunod pang mga bisita. maya-maya eh may kakaibang naramdaman si Mang Berto.

Inubo at nasinok at dumighay………

“Ang alat” daw. Iyan ang huling salitang lumabas sa bibig sa asawa ni Aling Rosita.

Nalaglag ito sa upuan at parang naghahabol ng hininga at nadedbol na. Takbo kaagad ang mga anak na parehong toddlers pa. At sumunod na si Aling Rosita-ang bilis at lakas ng hagulgol. kawawa naman si Mang Berto. Napromote na nga, nadedbol naman.

Habang lahat ay takot na takot at baka nga naman kaming lahat ang sumunod, dahil suspetsa ko eh nasa sopas ang lason, buti na lang nakakapitong higop pa lang ako ng sabaw.

Sinabi kong wala munang aalis. Tulad ng nabanggit ko kanina akoy isang detektib. Sinabi kong lahat tayo dito ay maaaring suspek… Kahit na may suspetsa talaga ako na si Pepay ang salarin.

DETECTIVE laptop
Biglang humirit si Salesman1.
“Buti nga. di nya naman kasi binayaran yung laptop na naclaim nya last month pa. Tayong tatlo pa nag abono.”

Bigla naman siyang sinutsutan ni Salesman2.
“Ano ka ba? Baka marinig ka nila, pagbintangan ka pa. Wag ka na ngang maingay. labas dito ang isyu na yan. ”

Si Salesman3 naman ay nanginginig at takot na tinanong kung may ginawa ba yung mga kasama niya….

Akala ko isa lang suspek ko.

Ikinuwento sa kin ni Salesman3 ang buong detalye na down payment lang ang binayaran ni Mang Berto sa pag avail ng laptop, at nagmakaawa sa kanila na tatapusin ang bayad sa isang linggo. Pero hindi nya ito nabayaran. tatanggalin sila ng kumpanya kung di mababayaran ang laptop, kaya silang tatlo ang nag abono dito…. Kaya nila pinatay si Mang Berto ay dahil kaya ayaw notong magbayad at malapit na silang mabankrupt?

Hay… Isa na namang kaso…
DETECTIVE apartment2
Aas-diyes na ng gabi, kaya pinauwi ko na sila lahat at itutuloy na lang bukas ang pagiimbestiga.

Inirekomenda ko kay Aling rosita na wag na munang ipatawag ang mga pulis, at sumang-ayon naman siya, ayaw niyang ma- media to, tumawag na lang ako ng mga kilalang taga-autopsy.

Kinaumagahan, medyo maganda ang gising ko dahil may trabaho na uli ako. Yes!..

Pumunta kaagad ako sa unit ni Aling Rosing. Nadatnan kong nag-uusap sila ng kapatid nya. Umupo ako at nakipag usisaan sa kanila.

Napagalaman kong malapit ng matigok ang tatay nila Mang Berto at Aling Pepay, at may malaking lupaing ipamamana.

Sabi ni Pepay hindi nya kelangang patayin si Mang Berto para masolo ang mana(OWS)

Bigla kong isiningit ang sopas.
Ang sopas na nakitan kong inaaagaw nya sa katulong.
Di sya makasalita. Feeling nya kasi guilty sya.

“Nasan po yung katulong nyo??”

Ayun at pinuntahan ni Aling Rosing sa maid’s quarters.

DETECTIVE bolo
Nakahilata at may saksak ng jungle bolo sa pagitan ng dibdib. Isang trahedya nanaman. Kawawa naman ang katulong. Dedbol. Part 2 ng masaker kagabi.

Nakita kong nagtatakbuhan ang magkapatid na bata malapit sa kusina na katabi ng Maid’s quarter. Naglalaro sila ng detektib detektiban. (Na inspire ata sa kin)

DETECTIVE id
Pero teka, May ID na suot ang batang lalaki, Nang tinignan ko eh ID yun ni Salesman 3. Ano!!! Naguguluhan na ko.

Pinatawag ko kagad ang late na mga salesman.

Bakit kaya pinatay ang katulong? Sino ang pumatay dito sa katulong?

Maya-maya ay dumating ang mag-asawang senior citizen na sila Lolo Bebong at lola Bebang.

Ba’t pumunta patong mga oldies na to? Walang kaduda dudang inosente tong mga to.

Maya maya pay dumating na ang mga salesman. Sabay sabay na parang prosisyon. Bigla ng nagsimula ang ikalawang diskusyon. Di pa tapos ang kaso ni Mang Berto ay….

About jason

walang clue. nak ng

111 responses »

  1. TSI ay nagsabing:

    Pa-kendeng muna..haha!

  2. TSI ay nagsabing:

    Bitin. Ano yun haha teka ulit-ulit nahabaan ako eh..

    • jason ay nagsabing:

      hala
      nakasamarrize na nga yan
      hahahah

      • nikko rein ay nagsabing:

        bitin ako asan na ang kasunod…
        para naman sabay nating ma solve to…
        hahaha…

        napaisip ako dun ah…
        tiyak naman si Kuya slash crush Jason lang ang pumatay kay Mang Berto eh… hahahhaπŸ™‚

        siya ang may pakana ng lahat…πŸ™‚

        *nakisingit lang ng usapan*

  3. kikayness/rhona ay nagsabing:

    arrrggghhhhh…tuloy mo na yung kwento

  4. Junice Lopez ay nagsabing:

    hahaha nakakabitin!!!

  5. anakngpating ay nagsabing:

    ano ba yan..

    ang panget ng kwento haha..halata namang ung asawa nya ang lumason dun sa aswa nya eh hehe..

    nakealam daw ba haha..

  6. flamindevil ay nagsabing:

    base muna ko.

    pa base lang..yipeee

  7. flamindevil ay nagsabing:

    nabasa ko na sa pocketbook yan at kilala ko ang pumatay!ikaw. may schizophrenia ang detektib di ba?

  8. jason ay nagsabing:

    hahahahah
    pocketbook ka dyan.

    at ano ang shishiperophobia!

    dami mo alam.
    hehehe
    di pa nga tapos kwento ginagawan mo ng ending.

    oi awatin mo si lingling nang aaway!

  9. Ampness! ay nagsabing:

    Naks. Ala-detective conan na si kuya Jason. Haha

  10. machongbutiki ay nagsabing:

    oo nga..
    kelan kaya ipopost ung kasunod?
    exciting ah..
    hehehe

  11. joan ay nagsabing:

    ..wahaha!! takte bitin. ahhhhhhhm kala ko may pahula epek nanaman sa huli. kala ko magiging mga detektib din ang komentors. may idea na ko sa kaso. wahahahah!!πŸ˜‰

  12. Mon ay nagsabing:

    hehe. parang detektib Conan lang ah! nice..

    Hula ko yung Aling Pepay ang pumatay. pwede ding yung salesman1. antayin namin ang part2. hmm.. k.

  13. ShatterShards ay nagsabing:

    Sandali, di ba dapat, everyone is guilty unless proven innocent, e bakit yung detective, nagpasiya na agad na walang sala yung dalawang matanda?

  14. bonistation ay nagsabing:

    ano ang kadugtong??! bitin ah amp!

  15. bernardumali ay nagsabing:

    ngayon lang ako nagkaroon ng oras basahin ito kaso bitn pala kainis. tsk tsk tsk

  16. nikko rein ay nagsabing:

    ang daming nabitin sa pabitin Kuya Jason…

    karugtong naaaa…

    ang karugtong ilabas… hahahha

    demanding ng datingggg….

    eechos…
    minsan na nga lang ako maligaw, bitin pa mabasa ko…πŸ™‚πŸ™‚πŸ™‚

  17. fula ay nagsabing:

    ooopsss base ako,,,,hihi

    nkakabitin,,,,,,,

    bipbip ka ulit sa fb pag nagupdate na yun detective conan ^.^

    *wat pala yun laro ng mga pet natin sa petso? hehe

    ay pwang mga bata…….hehe

  18. arsean24 ay nagsabing:

    ay nakakabitin naman…kakaexcite!! sno ang tunay na kriminal…?? yhay.. hmmmm. ano kadugtong…??

  19. Mars ay nagsabing:

    saka ko lang basahin yan pag kumpleto na

  20. naglalambingnacute ay nagsabing:

    padaan muna di ko pa tapos basahin

    dito pa sir ko haha

  21. livingstain ay nagsabing:

    ano ba naman yan naglalasunan ng asawa, marahas ka jason, bawal to sa bata edad 2 pababa… toinkz

  22. hmmmm…magandang hapon brother hamster! uumpisahan ko ring i-invite si brother otep na mag-search-in….

  23. dhyoy ay nagsabing:

    anong karumal dumal na kalokohan ang nagaganap dito?

  24. shynyrd ay nagsabing:

    AW nabasa ko na kanina pa.

    ayaw ko lang magcomment

    katabi ko bisor eh.. hahaha

  25. flamindevil ay nagsabing:

    pampadagdag lang ng comment buboy..haha

  26. shynyrd ay nagsabing:

    aw,,, bawiin ko na text ko sa knya ahehehe, para di mo na MAMISS..

  27. shynyrd ay nagsabing:

    ako ndi pa. pabalik balik eh..

  28. darwin^^ ay nagsabing:

    true to life ba to? hahaπŸ™‚

  29. .poOt! ay nagsabing:

    nakakatuwa niyong kwento.

    andaming twists parang detective conan. bravo!!!

    pero mukhang nabitin yata ako dun. hehe

    sundan mo na yung kwento. bilis!!!

  30. blu ay nagsabing:

    wui suspense.
    kelan ang part 2?

  31. chennn ay nagsabing:

    hasan na ung kasunod kuya hamster??
    nararamdaman kong may anomalya dito,
    ..
    ..
    isa itong scoop..
    ..
    ng hamster..
    ..
    ..
    ..
    ..
    ..
    sa huli..
    ..
    ..
    sasabihin mo samin
    ..
    ..
    ..
    ..
    “yari kayo!” *evil laugh*

    hahaha! utak kriminal eh hanoπŸ™‚

  32. Joyo ay nagsabing:

    pedeng sumali sa usapan niyo? sinong falakol yan… aber?

  33. coolwaterworks ay nagsabing:

    ang haba ah… at hindi pa tinapos…

  34. Ax ay nagsabing:

    quoted by you.

  35. Ax ay nagsabing:

    oist hams, hehe. pwede mo delete yung comment ko about spoiler! hehe.

  36. azul ay nagsabing:

    hmmmkei bitin..dapat pala di ko muna binasa…

  37. naglalambingnacute ay nagsabing:

    waaaa ang haba haba tapos bitin pa!!!!

  38. Patola ay nagsabing:

    basa basa poh ng part 1 ng kwento mo… interesting.. tantanananan… basahin ko naman yung part two… hehehe

  39. ELIment ay nagsabing:

    Haha.jason ganda ng kwento.buti nlang at may part 2 na nung mkita ko to (halatang late ako).sige lipat muna ako sa part 2!

  40. sandi ay nagsabing:

    ayun, eto pala umpisa ng istorya ni detektib..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s