Bag ni Hamster

on

jason and bagNauuso ang pagbubuyangyang ng laman
ng mga bag.


Dahil sa tinag ako
ni machong
butiki
nung
last last time pa,
nagawa ko
na rin sa wakas.


Busy busy-han kasi ang hamster.


Kaya eto na…



Ayan ang karga ko araw araw
Ayan ang karga ko araw araw


1. Office ID. ID sa Office?

2. ATM Card. Minsan kinakalat ko to sa kailaliman ng bag ko para di ako maakit na magwithdraw.

3. MP5. Kinaadikan ko ngayong laruin ang Harvest Moon. Ginagamit ko ito sa pagkuha ng pictures, pakikinig ng music, panonod g videos at paggawa ng video scandals. Paghawak ko tong mp5 ko di ako naboboring.

4. Sweater. Maginaw kasi sa Opisina, lalo na sa department namin kasi maraming SERVER PC’s, na walang patayan magdamag. Kaya todo ang aircon.

5. Pera. Sa bag ko nilalagay ang pera. Nakakalat sa loob para di ako madalian sa paggastos. Meron din akong nakakalata na pera sa lahat ng bulsa ko.

6. Cellphone. </strong>Philips S660 ang cellphone ko. Bale kasama sya tatlong Cellphone na naka-line sa SUN. Promo yan 3 Cellphones na naka-line tapos 999pesos lang per month. San ka pa.

7. Ballpen. FRIENDSTER ballpen yan na bigay ng kapatid ko. Nagpopromote sa school nila kasi talo na sila ng Facebook. (Sa pananaw ko lang a)

8. Body Spray. EDGE, Body Hype ang tatak nya. Nadampot ko lang sa SM yan. Pero mabango sya. Kelangan di amoy mapanghi ang hamster.

9. Panyo. Marami akong panyo sa bag. Meron pa kong dalawang panyo sa magkabilang bulsa. Ewan ko ba bat marami ako sa bag. Yung iba di ko lang naaalis. Malinis lahat yan paramis.

10. CD’s.Mga installers. Meron sa pang Windows 98, XP, Video CArds, MS Office…

11. Steno Notebook. Dyan nakasulat ang mga notes ko sa trabaho. Para di ako matameme pag nag duty ako.

12. Kama ko. Bagong laba sya. thank you mommy.
13. Unan ko Napakalambot nya.
14. Second floor ng kama. Triple Deck ang kama.

Hanggang sa muli Paalam!!
😀

124 Comments Add yours

  1. TSI ay nagsasabing:

    Ang laki ng baon lol wait andami cosmetics at may condom na kasama di lang halata oh nasa may panyo. ^_^

    1. Mr. Nonsense ay nagsasabing:

      susma…aanhin nya naman yung condom?
      anyway, marami naman syang panyo…

    2. jason ay nagsasabing:

      hahahaha wala namang cosmetics at condom!!!!!

  2. senyor ay nagsasabing:

    chiiiiz una ba kong nag comment?

    1. jason ay nagsasabing:

      hinde third ahahha

      nice try!

  3. Mr. Nonsense ay nagsasabing:

    so saan yung dinamita at satelayt fon para ke osama?

    1. jason ay nagsasabing:

      hala! syempre tap secret no!!

      bat ko pipiktyuran ahehe

  4. bernardumali ay nagsasabing:

    wow daming panyo. tissue na lang para tipid sa sabon.

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha ayoko sa tissue.. dumidikit sa katawan..
      minsan nga pagtingin ko sa salamin may nakaditkit sa nguso ko mga himulmol ng tissue nakakahiya

  5. yhen ay nagsasabing:

    aha yan pix mo sa FB ah… hehehe

    at andaming panyo ha…

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahah pic ko ba yan sa FB??

      marami pa ko d2 ngayong panyo

      1. yhen ay nagsasabing:

        bkit? aanhin mo ang madaming panyo? hehe

  6. anakngpating ay nagsasabing:

    wat the..hamster pati kama mo kasama sa bag mo..haha..jokeness..
    ehhe..

    1. jason ay nagsasabing:

      hinde! kasama lang sya sa picture!

  7. Mon ay nagsasabing:

    wow andaming panyo!! penge isa dude,. hehe
    teka naalala ko tuloy natag din pala ako ni Ms. Winkie. peru konti lang laman ng bag ko eh. ano lang. hmmm.. teka, sa post ko na lang. hehe

    1. jason ay nagsasabing:

      heheh sige pag punta mo d2.. kapalit ng dried mangoes

      😀
      gawin mo na tong post na to!

  8. dhyoy ay nagsasabing:

    akalain mo may kama at unan sa bag hehehe… korni ko!

    ang daming panyo… labhan mo naman yan hahaha…. like ko yang mp5 😉

    1. jason ay nagsasabing:

      hehhehehe 😀

      malinis naman mga panyo ko!!!!

      nakakatuwa talaga yung mp5 ko!

  9. shynyrd ay nagsasabing:

    12. Kama ko. Bagong laba sya. thank you mommy.
    13. Unan ko Napakalambot nya.
    14. Second floor ng kama. Triple Deck ang kama.

    ayos, buti nagkasya sa bag mo to?

    hahaha

  10. arsean ay nagsasabing:

    nagkakasya lahat sa bag mo lahat yan???ahehehe

    at may unan at kumot pang kasama…sideline mo ata ang pgbebenta ng panyo ah…wahahah

    1. jason ay nagsasabing:

      pede na nga ko magbenta..

      actually marami na kong nabigyan ng panyo

      😀

      1. arsean ay nagsasabing:

        bkit?? madami ka na bang pinaiyak…awts

        ung pala ang purpose ng madaming panyo sa bag…toinkz

  11. otep ay nagsasabing:

    suggestion, dapat naka paint din yung laman ng bag mo.! Nyahahahahaha 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      ayoko nga matrabaho dami laman ng bag ko! hahaha

      😀

  12. otep ay nagsasabing:

    tanong: bakit hindi nababawasan yung tubig sa alaga mong hamster?

    1. jason ay nagsasabing:

      kasi na ka register ung hamster ko sa unli

      nyek

  13. azul ay nagsasabing:

    walang ref?
    at lahat ng gamit mo nakakalat lang sa loob ng bag mo?ayus dapat pala piniktyuran mo din yung bag mo habang nasa loob pa mga gamit mo..

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha nakakahiya
      riot ang itsura nya sa loob… saksak lang ako at hugot

  14. koinkoink ay nagsasabing:

    parehas tayo ng panyo. yung blue

    1. jason ay nagsasabing:

      oh patingin nga!
      baka akin din yan!

      LOL

      1. koinkoink ay nagsasabing:

        sige wait popost ko.

        1. jason ay nagsasabing:

          koinkoink anong link ng site mo para mabisita ko!

  15. p0kw4ng ay nagsasabing:

    isang panyo para sa pawis sa mukha…
    isang panyo para sa pawis sa batok…

    isang panyo para sa kamay…
    isang panyo para sa katawan..

    isang panyo para sa sipon sa ilong…
    isang panyo para sa sipon sa burat,hihihi

    1. jason ay nagsasabing:

      HAHAHAHAHAHA

      napatumbling ako sa katatawa ate pokwang dabest

  16. shynyrd ay nagsasabing:

    @pokw4ng

    hahahaha… kailangan talaga may ganun?

    1. jason ay nagsasabing:

      may ganon nga talaga!

  17. aksoriyalmo ay nagsasabing:

    go friendster. go friendster!

    at may nakalimutan kang CD.. yung..

    wala. naalala ko lang yung chat natin kagabi. napavisit din ako sa site na yown! yay. pero maaga ako natulog. promise. pagka sign out ko natulog na ako. hehe.

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha sabi na eh
      di ka pa natulog kagabi!!

      binisita mo pa ung site na sinabi ko

      AHOHOHO

      1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

        uy, di makarelate yung ibang readers. sabihin mo naman kung anong site yown! haha.

  18. flamindevil ay nagsasabing:

    daming panyo..yun lang!

    nadisappoint ako,kala ko porn yung mga cd..tsktsk.sayang hiramin ko pa naman.toinks

    1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

      kimi dora ata yown. yay.

    2. jason ay nagsasabing:

      sige kaso ung
      cd ko na “Bigasan” di na naibalik ng klasmeyt ko nung college

      LOL

  19. joan ay nagsasabing:

    ..aysuws! ahhhhhmmm yung kama, unan at triple deck? nakamaleta yun. hahah!!!! ayus ang pera, nakakalat sa bag parang ako lang. hehe.
    ..magpabayad ka sa sun. pera din yun. libre advertisement. haha! :p

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaha

      onga inadvertise ko ang sun sana mabasa nila to!
      maambunan naman ako kahit kaunting signal

      AWTS

  20. boypulubi ay nagsasabing:

    Ayos yang mp5 mo. Kung nagsawa ka na, ibigay mo na lang sa akin. Nakalimutan mo yatang ilagay ang kulambo para kumpleto.

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahah wala akong kulambo sayang. 😀

      yung mp5 papahiram ko na lang sayo. bawal ipamigay no!
      😀

  21. tsenn` ay nagsasabing:

    hala,
    sabi iddrowing gamit mspaint 😐

    1. jason ay nagsasabing:

      sorry naman.. hahaha
      wala akong time kaninang mag paint 😀

      hehehe
      baka magprotesta mga gamit ko sakin
      pag dinorowing ko sila

      1. tsenn` ay nagsasabing:

        nyahaha
        cge pinapatawad na kita kuya ham *tap tap*

        nakakatuwa un panyo
        ay mga panyo pala
        sana nilalabhan mo po ehehe

        1. jason ay nagsasabing:

          nilalabahan ko yan no!

          😀

          1. tsenn` ay nagsasabing:

            asus
            c mama mo naglalaba eh
            hahaha =))

  22. Patola ay nagsasabing:

    agree ako kay sis tsenn.. dapat drawing din eh.. hahahahaha… pano nga pala napunta yung kama tz pillow sa bag mo? nagkasya? hehehehe… 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaha yung last three items extra lang sa picture…
      ma-eksena lang

  23. jason ay nagsasabing:

    adik! saang parte
    haha

  24. Bryan Karl ay nagsasabing:

    Hahahaha ang dami namang laman. OK yung mp5 ah!

    1. jason ay nagsasabing:

      oo okay na okay talaga!
      hehe

  25. Nikko ay nagsasabing:

    ang daming panyo..
    ako kahit ni isa wala.. 🙂

    pahingi na lang, kahit isa
    ung panyong para sa ….. *tantananan tanan.. *
    hahaha wag mag isip basta panyong para sa pawis.. 😀

    yay~ pareho tayo Kuya kasi ung pera ko puro coins kahit saang parte ng bag lang nakalagay kapag dumami na, ung ang nagpabigat ng bag ko.. 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      para saan ang panyo tuki?
      hehehe

      oo ganun talaga dapat marami barya para maganda ang pagpasok ng swerte!

  26. stormy ay nagsasabing:

    para kang nagbebenta ng panyo tsaka cd..heheh

    ang kalat siguro ng bAg m0.. sobra:p

    1. jason ay nagsasabing:

      hoohoho

      disaster nga bag ko kelangan ata ng dispenser!

  27. Junice Lopez ay nagsasabing:

    ayos jason! dami mu panyo ah!

    hehe in fairness dami din laman ng bag mo! hehe..

    1. jason ay nagsasabing:

      oo nga!

      at pareho tayo amrami laman bag
      kaso malalaki sakin

      1. Junice Lopez ay nagsasabing:

        oo nga parang maglalayas ka lang eh! hehehe

        😉

  28. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    kasama tlaga sa listahan ang kama, kama at second floor ng kama 9 lahat yun ibina-bag mo rin tio jason?!) hehehe

    naks mapera pala at mapanyo si tito. pahngi ng pera ipapakilala kita kay ate vi. hehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      haaha
      mapera? sana nga!!!!

      oo inspired kay ate v maaming panyo!
      pareho kami parehong pasmado lol

  29. simplefula09 ay nagsasabing:

    penge me ng panyo hehe,,,,,

    naubos na panyo ko lagi kc nawawala hehe

    1. jason ay nagsasabing:

      sige fula papa LBC KO pa para sayo!!

      hi!!!

  30. bonistation ay nagsasabing:

    hang daming pesos!! hehe astig ng laman ng bag mekasamang tripledeck ahuuuu!! ahuuuuu!

    IT talaga me jacket eh sanay sa malamigang kundisyon ng server! sabi nga HINDI ANG SERVER ang mag aadjust sayu IKAW ang mag adjust sa lamig haha! awwww! pinaka astig ung MANILA BULLETIN ID. press na press ang dating pedeng ipang front sa mvga pulis! PRESS TO!! press! haha.

    nalate ako sa posting! BASE!! pang 31 ako haha atleast me 1 sa dulo! yahuuuu!

    BOOM!!!

    1. jason ay nagsasabing:

      nakana! nakakarelate ang isa pang I.T. hehehe

      oo ung ID namin pede raw gamitin sa kalsada. para mag bak op ang mga nanghuhuli

      haaha
      lalo na mga nangongotong!!!

      naks pang 31 ka!!!

      1. boypulubi ay nagsasabing:

        pwede bang kopyahinang iyong id? ng magamit din sa mga pulis.

        biro lamang.

  31. Roger ay nagsasabing:

    kailangan pa talagang isama yung kama?? hahaha.

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha oo eh naextra sya. sayang exposure!

  32. eli ay nagsasabing:

    hindi mo ba sinasama sa opisina yong alaga mong hamster? wahaha!

  33. livingstain ay nagsasabing:

    whahaha, andaming panya, nakalimutan mo yung payong, nasan,..,.. hahahaha

  34. topexpress ay nagsasabing:

    Una kong reaction nung nakita ko laman, “putek, ang hamster pla IT sa Manila Bulletin” ASTEGG!!!! ahooooo ahooooo ahooooo

    sumunod na ang panyo, eh bakit ba kadameng panyo? dame ba napapaiyak…. wag naman masyado mang wawarak ng….. puso ng babae ok. hinay hinay lang.

    aahahah, eh anong yung mga cds? naks! dami naman peya! penge peyaaaa?!!!

  35. Ampness! ay nagsasabing:

    “Yung iba di ko lang naaalis. Malinis lahat yan paramis.” -Sure ka kuya Jason? Hmm..

    Dami pera oh, penge naman.

  36. pinkdiaries ay nagsasabing:

    aya, nag post nadin sya..

    psstt, diba laman ng bag? eh bakit may unan at kama pa?!

    haha.. dami din laman ng bag ahh..

    penge nga din ako hundreds.. hehehe..

  37. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Akala ko ba laman ng bag ang tag na ito? Bakit napasama ang kama, unan at second floor ng kama? Hehehehe…

    Kadami namang panyo… 🙂 Pero okay yan, panglinis sa kalat just in case… Ang hamster kasi hindi naturally potty-trained, minsan kung saan saan nagkakalat… bwahahaha!!! Joke lang Jason…

  38. Rommel ay nagsasabing:

    Lol. Haha. Ganda ganda ng kama at ng mga nakalagay sa bag 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      ganun maganda ba??

      hehehe di aki aware

      LOL

      😀 tnx sa pagdalaw inghinyero

  39. anakngpating ay nagsasabing:

    ano ginamit mong pang picture hehe..

  40. naughtyconfessions ay nagsasabing:

    hi… can you be my visitor #1?
    thanks

    1. jason ay nagsasabing:

      hala wala kang iniwang link…

      😀

  41. naglalambingnacute ay nagsasabing:

    hamster pahingi naman ng panyo hihi 😉

    saka isang cellphone hahaa

    sun ka din?? apir!!

    bakit asan naba yung ref at washing machine?? hehe

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaha ikaw talaga lambing 😀

      waw sun text text tayo ano number mo ?

      😀

  42. naughtyconfessions ay nagsasabing:

    naughtyconfessions.wordpress.com

    thanks…

    1. jason ay nagsasabing:

      no prob…. aadd kita ha

  43. tsenn` ay nagsasabing:

    napaisip lang ako
    halos kasingheighttanda ko lang ikaw kuya ham
    pero ikaw ngwowork na,
    ako batang eskwelahan pa rin..
    nyaaa..
    magara..
    ..
    ..
    may naririnig ako..
    ..
    ..
    *quit school quit school*
    ..
    ..
    nyaa
    imposible!
    hahaha!

    magandang gabi kuya hamster 🙂
    penge namang thesis title ^_^

    1. Walongbote ay nagsasabing:

      21 xa tseNn. So kaedad ka pala namin..

      1. tsenn` ay nagsasabing:

        halos..
        20 pa lang po ako ate hehe 🙂

        1. jason ay nagsasabing:

          heheheh gumaganyan ka pa tsenn nakakatuwa naman hehehe
          kulet mo..

          teka thesis san ba? anong subject>
          hehheh

          halos mag kakasing edad tayong mga bloggers ano>

          1. tsenn` ay nagsasabing:

            uu nga kuya hamster
            nakakatuwa times 85!
            hahaha XD

            un thesis..
            ahmm anu sa ahmm
            nyaa nahihirpan ako iexplain hahaha
            pagdasal mo nlng ako kuya ;D

  44. blu.sparks ay nagsasabing:

    may fetish sa panyo.
    hekhek

    ginagamit ba lahat yan?
    ayos ah.
    🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      fetish talaga! hahah

      ginagamit ko lahat. meron sa iba ibang parte, hanapin mo comment ni ate pokwang ahahah

  45. batangmangyan ay nagsasabing:

    nakisilip lang sa bag, haha. daan ka din silip ka sa bag ko. bago lang ako dito.

    1. jason ay nagsasabing:

      sige nasilip ko na rin bag mo at na add na kita!

  46. Walongbote ay nagsasabing:

    Nga naman,kailangan mo talaga ng pabango,hamster ka eh. Hehe.. Talaga may cd ka ng mga installer parati? Astig naman.. Ako din may yah0o na ballpen, pinamigay. Lugi din kaya cla? Hehe..

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahahahah oo para mabango

      😀

      heheheh

      ang yahoo baka lugi sa google?? di naman siguro heheh

  47. kikayness/ rhona ay nagsasabing:

    naks naman! Manila Bulletin ka pala….pag naligaw ako sa intramuros libre mo ako ng lunch ha?

    1. jason ay nagsasabing:

      oo ba!! basta sabihin mo lang sa gwardya si hamster

      LOL

      hahahahhaa

      daan ka minsan

  48. lautootx ay nagsasabing:

    bkt di mo snabi tatak ng bag mo kuya hamsteR? ahahah!

    1. jason ay nagsasabing:

      Prescripto! hehehehe
      😀

  49. .poOt! ay nagsasabing:

    hahaha. ang atm card at pera dapat nasa wallet. para hindi magulo tingnan.

    at ang nakakatuwa eh pareho pa tayo, marami rin akong panyo at towels sa bag. ewan ko kung bakit.

    1. jason ay nagsasabing:

      oo nga bat nga ba tayo maraming ganyan>

      pamunas ng

  50. taympers ay nagsasabing:

    bakit walang pack ng condoms? hehe…

    1. jason ay nagsasabing:

      nasa wallet yun no ka ba

      haha biro lang

  51. ELIment ay nagsasabing:

    Jason, anung site b ung pinaguusapan nyo ni ax? Bulong m skin dali!
    Manila bulletin ka pla ha.alm mu nung una nag i2pon ako mga cartoons na gawa ko kc pangarap ko mgkaroon ng series sa dyaryo ung parang pugad baboy.hehe pero ngaun la na.tinigil ko na.
    Ang saya ng mp5 mo.pahiram

    1. jason ay nagsasabing:

      site hahaha ehha sekret!! sige bulong ko sa YM kuya eli

      sayang naman bat mo tinigil kwento ba yun ni Busyok??

      hehehe sige pagnagkita tayo peram ko mp5 ko hehe

  52. empress ay nagsasabing:

    hindi naman ata bag yan eh …. bayong hahaha

    1. jason ay nagsasabing:

      BAG yan !!

      body bag!

      hehee

  53. machongbutiki ay nagsasabing:

    o?
    ano ngaun!
    wahahah.
    apir!
    maraming salamat sa pag tugon!
    astig ka.
    kahit late na.

    1. jason ay nagsasabing:

      OO naman syempre
      tayo nagpasimuno ng tag na yan maari bang di ako gumawa?
      LOL

      1. machongbutiki ay nagsasabing:

        oo apir!
        maraming salamat pare!

        1. jason ay nagsasabing:

          maraming salamat din!

  54. Allen ay nagsasabing:

    Nice. akin na lang yung pera. haha.

    1. jason ay nagsasabing:

      di pede nagastos ko na allen
      hahaa

      1. Allen ay nagsasabing:

        kanina ko pa nga tinititigan e. binibilang ko kung magkano. haha. naduduling ako kung ilang bente meron yan. ahahaha.

        1. jason ay nagsasabing:

          hahahaha kulet mo ah!!

          isang bente lang yun tapos may isang daan pa sa ilalim

          1. Allen ay nagsasabing:

            so mga 427 lahat yan. nyahahahahahaha. teka, nagmumukha yata akong pera. haha.

  55. Friendster is for everyone…lahat add…

    Facebook is more private kaya more intimate friends ang nandoon…kilala ko lahat ang nasa aking facebook…

  56. deejay ay nagsasabing:

    may sipon yung isang panyo. di yan mapapalampas ng eagle eyes ko. aminin mo jason. ahehehe. 😛

Mag-iwan ng tugon sa otep Pindutin ito para bawiin ang tugon.