I click ito para sa Part 1 ni Mais
Eto na ang part 2…

Pagkakita ni Carrot sa pag-iyak ni Mais,
Agad- agad na syang umalis at di na ito
ginambala pa. Nalungkot din si Carrot
kaya minabuti na lang nya na manahimik.
Nadepressed din sya. Ano nga ba kasing
problema ni Mais…
Yan ang tanong nya sa sarili.


nag-iimpake si mais

nag-iimpake si mais



Lumabas sya ng kanyang bahay at tuluyan ng aalis.

Lumabas sya ng kanyang bahay at tuluyan ng aalis.


Ayoko na dito sa Gulay Village. Nahihirapan na ako.
Sa kanyang paglalakad…

Ay Kalabaw!!! Ano to!!!

Ay Kalabaw!!! Ano to!!!


Nalaglag niya ang bagahe sa kanyang nakita.

Sinalubong sya ng isang sorpresa mula kay Carrot

Sinalubong sya ng isang sorpresa mula kay Carrot


Carrot: “Mais! Nandito kami oh ano bang iniisip mo!!!”

Bawang: “Wala ka bang pakiramdam? Nandito nga kami pwede mo kaming sabihan
ng problema mo. ”

2 Patatas: “Para saan ba kami mais dekorasyon lang?”

Mais: “Pano kasi.. Mahirap. Komplikado. Wala ni isa sa inyo ang makakatulong sakin
Kundi ang sarili ko. Mahirap. Kaya ko naman to wag kayong mag-alala sa akin.”

Carrot: “Madaya ka Mais. Ayaw mo kaming isama. Sigurado ka bang kaya mo yang
dinadala mo? Kami nahihirapan sa yo eh. Ano pa silbi namin? Kahit papaano naman
makabawi kami sayo. Ano ba! Mais!!”

Hindi pinansin ni Mais ang pagmamakaawa ng mga gulay.

Lumapit si Mais sa mga patatas…
patatas
“Mga patatas ko, wag kayong masayadong maggagala malapit sa hot springs. delikado dun. Mailalaga kayo ng di oras. Magpapakabait kayo ha.”

Lumapit si Mais kay Buko.
buko
“Buko, makakahanap ka rin ng bagay sa yo. Isa ring Buko. Tandaan mo na ang pwede mong makatulyan ay isa ring Buko. Maghanap ka ng mapapang-asawa mo at sana ay mag-kaanak kayo. ”

Buko: “Mais naman! Iiwanan mo na talaga ako?”

Lumapit si Mais kay Bawang.
bawang
“Bawang. Tandaan mo na sa buhay kelangang maging masayahin ka. OO tanggapin na natin na bespren mo si sibuyas at sa tuwing masusugatan sya ay maluluha ka at malulungkot. Parte ng paglaki ang pagiging malungkutin. Ngunit wag masyadong maging emosyonal sa lahat ng bagay. Matuto kang tumingin sa positibong aspeto ng lahat.”

Lumapit si Mais kay Pepino.

pepino
“Pepino. Magsama na kayo ni Pepina. Walang magandang maidudulot kung magsasama kayo ni Pechay. Alam mo yan. Maraming consequences. Hindi talaga bagay ang isang Pepino at isang Pechay. Sana maunawaan mo ang inyong sitwasyon. Sinasabi ko ito sa yo dahil anumang oras ay magpapakita sa iyo muli si Pechay.”

At huli si Carrot
carrot
“Carrot. Maraming salamat. O paano, salamat at tinipon mo sila dito. Kung di mo nagawa to baka nawala na lang ako dito sa Gulay Village na parang bula. Salamat sayo kaibigan.”

Carrot: “Madaya ka pa rin Mais. Madaya ka. ”

Mais: “Pero Carrot ito ang nararapat. Hindi ko kaya ang buhay dito sa Gulay Village. Tama na na na-experience ko ang buhay dito. ”

Akala ko dito ang buhay ko.
Akala ko sapat na ang maging popular
Akala ko walang problema dito
Akala ko masaya ang nagpapasaya
Akala ko kaya ko lahat.
Paalam. Paalam. Paalam.

Tuluyan ng naiyak ang mga gulay. Umagos ng luha

Tuluyan ng naiyak ang mga gulay. Umagos ng luha


At ayan na nga at umalis na si Mais. Iniwan na ang Gulay Village.
Naglakbay sya, naglakad, nagtumbling, nadapa, nasugatan, bumangon, at lumipas ang mga araw….

Tanaw na ni Mais ang kanyang tunay na tahanan

Tanaw na ni Mais ang kanyang tunay na tahanan


Umakyat ng bundok si Mais at sa kabilang banada nito, ay nakita nya ang pinanggalingan nyang
paraiso. Npa buntong hininga sya..

Ang muling pagtatagpo ng Mais Family...

Ang muling pagtatagpo ng Mais Family...

Daddy Mais: “O anak! Bat napasyal ka dito.?”
Mommy Mais: “Kamusta anak Namiss ka namin.”

Mais: “Am, mommy daddy, di po ako napasyal dito.
Nagbalik na po ako.”

“AM, mommy daddy, pede pong
..

….
payakap?”

About jason

walang clue. nak ng

227 responses »

  1. aba, pambihira! first time ko makabase dito!

  2. ayan, first base, second base at third base na ako! grandslam na yan!

  3. arsean ay nagsabing:

    4th base naman akow…hahah

  4. arsean ay nagsabing:

    how sweet naman ni mais….

  5. pinkdiaries ay nagsabing:

    pagtapos ni petchay may istoyra din si mais! ayus ah?! hehehe…

  6. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    u made me hungry for popcorn!

  7. anakngpating ay nagsabing:

    5th base naman ako hehe..

  8. anakngpating ay nagsabing:

    may pag kakahawig ito sa mga nangyari nitong mga nakaraan ah hehe..
    at sa taong nakausap ko pareho kagabi hehe..
    2 tao na importante sakin..
    2 tao na sobrang pinag kakatiwalaan ko..
    2 tao na nung hindi ko kinaya sinuportahan pa rin ako..
    2 tao na nag papasaya sa gabing wala akong makausap..
    2 tao na naintidihan kung ano at meron ako..
    2 tao na sobrang kulet..
    2 tao na may time na ngiging emo..
    2 tao na moody din katulad ko..
    2 tao na parang ang tagal ko ng kaibigan..
    kilala nyo kung sino kayo..
    basta sabi ko nga kagabi..
    andito lang ako haha..
    pinilit kong ipakita ang presence ko kagabi..
    napasaya ko sana kayo sa isang yakap na binigay ko hehe..
    di ba jason..

  9. TSI ay nagsabing:

    May ihahalintulad ‘to sa isang pangyayari kelan lang ah hmmm tama ba? Ming boggling hams..^_^

  10. boypulubi ay nagsabing:

    Ito pala ang iyong patalastas na aabangan. Base sa ibang komento, totoo ba na kahalintulad ito sa tunay na pangyayari?

    Pero masustansiyang kainin ang mga gulay na iyong iniwanπŸ™‚

  11. livingstain ay nagsabing:

    hang kulit mo kasi e… sinabi ko na kasi sayo wag ka na umalis… wag ka ng mag sara ng blog mo… whahahaha binisto…

    tama yan talaga ang istorya ng maisan ni jason… whahahaha….

  12. livingstain ay nagsabing:

    hahaha binusog ko yung hamster mo, mamamatay na yan… blehhhh…

  13. joan ay nagsabing:

    ..teka. babasahin ko yan pramis. may lakad lang. ahmf.😦

  14. Mon ay nagsabing:

    ganda ng storya parekoy. medyo mamais nga talga hehe.. peru ayos. may kurot sa… singit este puso. hehe

  15. Ax ay nagsabing:

    alam mo hinahanda ko yung sarili ko kase akala ko joke to eh. ayos. kudos sa nag-iisang Jason.. kaso wala pa rin si kamatis. kawawa naman si kamatis, gusto na niya mag artista kaso hindi mo pa rin binibigyan ng break.

    sobrang talent na yang pinapakita mo. baka awayin ka na ni carlo j. caparas at baka akalain niya kukuhain mo na ang trono niya.

  16. dhyoy ay nagsabing:

    May nakausap ako nung isang araw sabi niya ok na siya kasi sabi niya lilipas din naman yun. Pero parang hindi pa siya Ok. Nakakalungkot kasi akala ko OK na.

  17. dhyoy ay nagsabing:

    “Happiness is a perfume you cannot pour on others without getting some on yourself.”

  18. Patola ay nagsabing:

    minsan kelangan mo sabihin na hindi ok ka lang kahit hindi… hindi dahil sa plastik ka kundi dahil sa hinihingi ng panahon na kelangan mong mag kunwari.. naks!!!

    sabi ko naman sayo, iekstra mo ako sa story mo… hehehe

  19. xOxllangelicOotsllxOx ay nagsabing:

    Salamat sa story ni Mais, ipinaalala nito sa akin na ang buhay magpapatuloy parin kahit anong mangyari sa akin at maikli lang ito, kea walang dahilan para maging malungkot palagi.

    “Tandaan mo na sa buhay kelangang maging masayahin ka.Parte ng paglaki ang pagiging malungkutin. Ngunit wag masyadong maging emosyonal sa lahat ng bagay. Matuto kang tumingin sa positibong aspeto ng lahat.” … iLAbit! ^^

  20. azul ay nagsabing:

    aw!nakakatats naman..family reunion pala ito..

  21. .poOt! ay nagsabing:

    hah. mukhang heavy drama ‘to. sana maging pelikula ito. lol. tiyak ay…

    lalangawin to sa takilya. hehe. lol. PEACE hamster. PEACE!

  22. tsenn` ay nagsabing:

    nakakasad..😦
    may part three pa ba?? hmm para happy ending??

    lalu akong napapahanga sa mga artworks mo kuya hamster!
    sabi sayo gumawa ka na ng libro e,
    suki mo koπŸ™‚

    pero may napansin ako
    ..
    ..
    copy-paste un greens ng puno??
    wahaha wululung
    napansin lang po ^_^

    maulang gabi kuya hamster!πŸ˜€

    • jason ay nagsabing:

      salamat chenn sa lagi mong pagsuporta sakin
      at sa pagkukulitan natin.
      natutuwa talaga ako.πŸ˜€

      thanks

      hahaha

      oo copy paste yun kasi.. amm..
      pareho sila ng uri! LOL palusot hahhaha

      gandang gabi dito mahina na ulan
      πŸ˜€

      • tsenn` ay nagsabing:

        natutuwa rin ako pg nkakausap kita
        ay nkakapalitan ng comment
        pala kuya ^_^

        KUYA HAMSTER! <–exaj haha
        inadd kita sa ym ah,
        hmm nrmdman mo kaya..

        woot
        magandanag araw ng huwebes!
        wala na nman akong pasok
        hahaha apir!πŸ˜€

  23. joan ay nagsabing:

    ..oha! nabasa ko na. :p

    ..eto talagang si mais mag eemo nalang pumunta pa sa gulayan. pwede naman sa maisan lang.wahaha! :p

    ..lesson : hindi lahat ng bagay na gusto mong manatiling iyo ay hindi maaaring sayo nalang yun habambuhay. (ano daw?) haha!

    : nakakapaglakad pala ang mais.

    ..apir tayo hamster! galing galing! ohahahaha! :p

  24. p0kw4ng ay nagsabing:

    sana naman eh wala ng part three para sa pagkamiss ni mais sa mga gulay at ang muling pag alis ng prodigal mais….hirap na kasi akong mag isip kung ano ba talagang recipe ito??

    hihihihi

  25. Nortehanon ay nagsabing:

    at talagang may part 2 pa ha.

    naaliw ako kay mais kasi mabait siya, nung maglayas ay may dala-dala pang BibleπŸ˜‰

  26. Ahrel Jhay ay nagsabing:

    ang ganda naman.

    sana matutu rin me like u.

  27. jason ay nagsabing:

    tama yan ms. sows!

    hahahahahah sows pa hehehe

    kamusta?

  28. shynyrd ay nagsabing:

    hmmm… parang ang heavy nito.. may something..

    ui, balik ako in 1 week.. hehehe

  29. jason ay nagsabing:

    hahaha ang kulet…

    tru to life story nga ba to?

    hmmm

    at isa pang hmmmmmmmmm..

    heheheheh

  30. Allen ay nagsabing:

    Grabe. naiiyak ako. Ang ganda ng storya ni MaisπŸ˜₯

    What a very nice fable. haha. Naaliw ako bigla.πŸ˜€

  31. bonistation ay nagsabing:

    ang gaganda nga mga aral… lalo ung sinabi nya kay bawang…
    pero jason.! may ibig sabihin ba ang kwento na to sayo? iiwan monaba ang blogging!? iiwan mo na kami!? =(

  32. Winkie ay nagsabing:

    carrots at mais… peborit ko yan! steamed corn and carrots! hehehe!

  33. row3na ay nagsabing:

    ang ganda ng kwento mo ngayon ah…

    parang may gusto kang patamaan..

    hahaha joke lang peace..yung pictures!!! nasan na!?!

  34. jason ay nagsabing:

    am… sinong mais?

    Hohoho

  35. jason ay nagsabing:

    pssst din makiki hingi na lang ako sa kanya

  36. Walongbote ay nagsabing:

    uTarages yan! Hanep ang to be c0ntinueD hamster. Natawa me sa pagpapaALam ni mais nakakatawa, imbes madrama.. Db pwdE magasawa c buko ng mangga? Talagang buKO lang..

  37. Walongbote ay nagsabing:

    Gnun. Kung bAga langit ay langit, lupa at lupa lang? Db totoO ang love doesnt matTer..

  38. ahkong ay nagsabing:

    ayan nakadalaw din sa wakas…..ahihihihihi
    (whew…nahihirapan pa rin akong makapagl log-on…)

    ganada ng story, saka yung part 1 ayus na ayus itong panghwento sa mga kids.

    congrats, hampster….

    (naalala ko tuloy si captain cornik saka si boy bawang….LOLs)

  39. row3na ay nagsabing:

    pinaghirapan mo talaga ang mga drawing mo dito ah..^_^

    hahahaha
    parang kakaiba shape ni mais dun sa itaas.. parang pyramid hahahaha

  40. ELIment ay nagsabing:

    bilib na talaga ako sa iyo jason. ang galing ng imagination mo sa pagkwento at sinamahan pa ng mga nakakatuwa at cute na mspaint artworks mo. ipagpatuloy mo ito..malay mo maging national artist for MSPaint ka pagdating ng araw. nyahaha.

    naisip ko rin, hindi kaya epekto lang ng madalas na pagtatanim sa farmville kwentong ito? haha…

  41. row3na ay nagsabing:

    :)) national artist daw..hahahaha

  42. naglalambingnacute ay nagsabing:

    mais!! este hamster ! hihi

    ang ganda ng kwento..

    bakit ba habang binabasa ko ito parang

    ikaw ang naiisip ko ?

    hugs!!

    galing galing ng story very entertaining

    na eentertain mo ng young at heart na tulad ko lols

  43. yhen ay nagsabing:

    padaan daan lang… nakikibalita… hehehe!

    yngat lagi!

  44. blu.sparks ay nagsabing:

    star na star na talaga si mais.
    ang galing na naman ni pareng jason.
    palakpakan!

  45. coolwaterworks ay nagsabing:

    Well, what can I say? I am impressed Jason…

    Mas gusto ko ang kwento ni Mais kaysa kay Pepino at Pechay…πŸ™‚

    Keep the artistic juices flowing bata!
    πŸ™‚

  46. Maldito ay nagsabing:

    at sa gabi ng pagsalo salo ng pamilyang mais, sila ay hinarvest at ginawang corn kernel ng KFC…yum yuM!ha ha ha

  47. topexpress ay nagsabing:

    ay yumyum naman ang conr kernel ng KFC. Nakaka-aliw tlga ang blog na ito. isa pa ako sa mahilig sa mais. pero hmmmm… mais = jason? ano nga ba ang kinalaman ng kwento ng mais sa iyo ha jason?

    hmmmm… sige di ko nlng iisipin masyado un, pero sasalia ko sa campaign brigade para isulong ag=ng pagiging nationalk artist mo gamit nag mspaint. ahahahahahaah

    apir!

  48. arsean ay nagsabing:

    padaan jason..

    nakakagutom talga si mais…hahaha

  49. jason ay nagsabing:

    GANUN??

    depende kasi….

    pano kung ayaw na talaga ni mais?

  50. tsenn` ay nagsabing:

    padoodle dito
    hahaha
    magandang hapon kuya hamster! ^_^

  51. Mars ay nagsabing:

    ilaga na lang kaya natin ang mais na yan

  52. bipolarsisa ay nagsabing:

    waha. JASON, iiyak muna ako. ito ang post mo na pinakagusto ko. *hikbi.*

    bago ako magbloghop sabi ko, ‘panigurado, makakalimutan ko mga prob ko.’ pero ngayon, iyak lang ako ng iyak. kanina, kay Kuya N. ngayon, dito naman. ipipiprint ko to ah? o kaya bigyan mo ako kopya, yung may pirma. hehe. para may citation.

    hindi ako mafeeling no pero nakita ko talaga yung sarili ko sa kwentong ‘to. swak na swak. baka naman magkapitbahay tayo? nyaha.

    wait, nag-iisip ako. hindi ko alam ang tamang salita, o kung may tamang salita. basta.

  53. bipolarsisa ay nagsabing:

    ngek. wala ka naman dapat ipagpasalamat. o seryoso ako ah? padalhan mo ako ng kopya nyan. pati yung illustration ah.πŸ˜‰

  54. bipolarsisa ay nagsabing:

    β€œAm, mommy daddy, di po ako napasyal dito.
    Nagbalik na po ako.”

    β€œAM, mommy daddy, pede pong
    ..
    …
    ….
    payakap?”

    -napamura talaga ako dito. waha.

  55. senyor ay nagsabing:

    chiiiz sana makagawa ka ng isang aklat na maglalaman ng maiikling kwento tungkol kay mais, interesting diba? ano ang working title ng book? “Ang Kapalaran Ni Mais” oks ba?

  56. tsenn` ay nagsabing:

    salamat kuya hamsterπŸ™‚

    oh alam na kung bakit,
    hehe, amen na lngπŸ˜€
    apir! ^_^

  57. rico ay nagsabing:

    base heheheh..nangangarap lng na mauna…wala na ko laptop..bdtrip..wala na internet connection…hahay…alam mo na un..hahay talaga…sana maging ok na si mais..

  58. rico ay nagsabing:

    sna ok nlng lahat…….ng mga gulay at prutas hahaha..adik tlg…nakakadik ng cornchips lol…gusto mo ng mais???

    senxa na naadik ako…

  59. Patricio ay nagsabing:

    Binalikan ko pa yung part 1 neto! Nice one! kakaibang way ng pagkwento! Pagpatuloy mo dude! The best!

  60. flamindevil ay nagsabing:

    ‘AM, mommy daddy, pede pong
    ..
    …
    ….
    payakap?”

    -awwww.masyado naman pa sweet tong si mais.hehe

    so ibig bang sabihin nyan bubs there’s really no place like home talaga?

  61. deejay ay nagsabing:

    ang emo ni mais!

    ang sarap…

    …i-hug.
    πŸ˜›πŸ˜›πŸ˜›

    wawa naman si kerot, nasaktan sha talaga. pero hula ko sa pag-alis ni mais ay may mamumuong relasyon naman sa kanila ni pepino.πŸ˜›

    as for the prodigal mais, he’s back where he belongs. we should be happy for him.πŸ˜€

  62. stormy ay nagsabing:

    hi jayson..wait lang basa muna ko part 1..heheh

    • stormy ay nagsabing:

      hhhmmm.. una: galing mo talaga mag-drawing^^

      at pangalawa: buti nakasama ni mais ang family nya, akala ko magiging mag-isa lang sya:)

      next time gawa ka kwento about sa sirena..heheh
      may drawing din a.. hahaha demanding..

      happy saturday din po:)

  63. boypulubi ay nagsabing:

    Musta na ang mais parekoy?

  64. Prinsesa ng Drama ay nagsabing:

    Salamat sa pagbisita sa bahay ko!πŸ˜€

    Hang cute naman ni Mais!πŸ™‚

    Ingat lagi.πŸ˜€

  65. Junice Lopez ay nagsabing:

    ayos talaga si mais! ginagawa nya yung mga dapat nyang gawin. hindi sya nag-alinlangan.! may paninindigan si mais!

  66. yhen ay nagsabing:

    haba na uli ng thread na ito.. hehe…

    yngat jason…πŸ˜‰

  67. Ax ay nagsabing:

    binigyan ka ba ng mission?.. er, kung hindi mo alam yung pinagsasabi ko, oks lang. hehe.

  68. Ampness! ay nagsabing:

    Wee.. Na-miss pala ni mais ang family nya. Mahirap talagang mapalayo sa mga minamahal eh noh? Hehe

  69. lipadlaya ay nagsabing:

    totoo ba ang balitang magsasara ka ng blog???

    the Buzzzz…

  70. kung di ka pupunta sa christ the king seminary ngayong september 6 sunday, 8 ng umaga para sa invitational search-in, ito ang mangyayari sa yo:

    http://www.friendster.com/photos/10214725/2/283415409

    hehehe joke lang.

  71. rico ay nagsabing:

    gnda na ng banner ah…hehehe..aprub!!! gling gling mo boss.

  72. Ax ay nagsabing:

    ayun lang! bago ang header! nagustuhan ko. ang pader, ang pagkakatindig mo. ang damit mo. ang mga lumot.

    sino ba talaga ang isang jason hamster?

    kaya ko bang sagutin yan?

  73. Lester ay nagsabing:

    Hi Kuya Jayson ang ganda ng drawing ng mais
    bakit ka hamster? di ba uri ng guinea pig
    add mo ko sa Friendster.

  74. Lester ay nagsabing:

    Si Ate Len-Len ko hindi ako pinapasok kase may sipon ako atska ubo

  75. rico ay nagsabing:

    oo nman ngustuhan ko…pasama nalang sa blog awards…pipilitin ko paring magblog pero bka one of these days hiatus muna ko..lilipat n pla ako bhay next week… ingat bro

  76. tophz ay nagsabing:

    naks jayson….my kapupulutan ng aral….nice story for the people who are not knowing themselves.

  77. blakenwayt ay nagsabing:

    asust ang cheesy sa last oh! hahaha!
    parang nagbabalik lang eh
    the prodigal son?
    yahooo!

    eh kasi naman bat naman daw siya napunta sa gulayan village?

  78. Ravy ay nagsabing:

    ‘OO tanggapin na natin na bespren mo si sibuyas at sa tuwing masusugatan sya ay maluluha ka at malulungkot. Parte ng paglaki ang pagiging malungkutin.’ -tinamaan ako dito ah?..,

    haiz… totoo nga… parte nga yun ng buhay… ang umiyak para sa mga taong mahal natin…,

    natuwa naman ako sa ending ng storya….,

    sa bandang huli… pamilya pa rin ang kanyang binalikan…

  79. Happy Pig ay nagsabing:

    wow.. puno ng aral ang mga blog mo..

  80. kapatid ni geylii ay nagsabing:

    serious mode: this is the best so far.

    totoo ang sabi ng mga gulay, madaya nga si mais. gusto nya sya lang ang nagbibigay at nagpapasaya sa iba. hindi nya hinahayaang makabawi yung ibang gulay sa kanya. ayaw nyang iparamdam sa kanya na importante sya.

    sino kaya ang madamot ngayon? si mais ba na mas gusto lang magbigay at ayaw tumanggap (parang gusto nya yung blessings sa kanya lang) or yung ibang gulay na napasaya ni mais at handang magbalik ng saya sa kanya?

    minsan ganon din tayong mga tao ehhh…

    *reflect*

    • geylii ay nagsabing:

      babasahin ko muna un part1 , pero naaalala ko yang comment mo na yan, yan ba un sinabi mo sa akin nun nagusap tayo nun ? haha😑

      • geylii ay nagsabing:

        naaalala ko un palagi kong sinasabi: “smiling has always been easier than explaining why i am sad” wala naman kasi talagang makakaramdam at makakaintindi ng tunay mong nararamdaman kahit pa sabihin mo un sa kanila, ikaw at si Lord lang. kay mais ako. hahaπŸ˜€

  81. virtualanimosity ay nagsabing:

    nung sinabi ko sa’yu yun, hindi ko pa nababasa to. sabi ko nga sa’yu first time ko magpunta dito. i make sure kasi when i bloghop, i read everything. unfair kasi sa author kung hindi mo sya kikilalanin at hindi mo ia-appreciate ang obra nya diba?πŸ˜‰

  82. dexter mostiero ay nagsabing:

    …ikw ang mgging inspirasyon
    n ng lahat ng gulay….sana lhat ng gulay maging katulad mo hehehehe….slmat sa mgndng kewnto….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s