Sabado ng ala- sais ng hapon.
September 26, 2009 ang date.
Madami ang ulan at baha.
Nasa Manila Bulletin ako nun
at binalak na umuwi.
Ang resulta – trahedya.

Nilakad ko ang hanggang sakong na baha sa kahabaan ng Intramuros sidewalk. Good. Not bad. Nakarating ako sa kalsada. Tatawid sana ko sa UnderPass papuntang Cityhall pero ang underpass ay puno ng tubig baha. Ang baha pala ay hanggang hita na. Naglakad ako para tumawid sa kalsada.

Nagpray ako.

Sa di inaasahang pagkakataon, natapilok ako at lumubog ang kalahating katawan ko, kasama ang bag at CELLPHONE!
Paano ko kokontakin si mommy? ang kuya ko? Pano ko ipapaalam na mahirap ng umuwi at kung babalik ako sa opis, maninigas ako sa ginaw dahil basam-basa ako at aircon pa.

Nagpray ako.

Tinahak ko ang baha at sinundan ko ang mga estudyante at workers. Pupunta sana ko sa LRT sa SM Manila kaso IMPASSABLE ang hanggnag bewang na baha at walang taong dumadaan dun.

Umabot ako ng Lawton, tapos Jones Bridge, tapos Ongpin, tapos Recto. Ayos pero… sarado ang Recto Terminal Station.

Paano ko uuwi? Sira pa cellphone ko. Wala ng jeep, wala pang LRT? May nadaanan ako. Wise Hotel. Pumasok ako at nagpareserve. Nung malapit ng tawagin yung number ko, nagbrown out bigla. Cannot process na daw sila pag walang kuryente.

Nagpray ako.

Naglakas loob na kong makisaksak ng SIMcard baka sakaling gumagana pa. Gumana naman. Salamat kay “Ate” pero, ang mga kontaks ko pala ay nasa phone nakasave.

Nakitawag ako sa telepono pero unavailable ang telepono sa bahay. Wala ko makontak na kahit sino.

Lumabas ako ng Wise Hotel at binaybay ang bahang abot hita. Dahil sa brown-out, madilim ang buong kalsada. Nakahanap ako ng 5 hotels pero punuan na ang overnight stays. 3 – 5 hours na lang ang available at malamang hindi convinient yun kasi pagkatapos ng stay ko dun malamang baha pa din. Kaya binaybay ko ulit ang baha.

Nagpray ako.

Lahat ng karinderyang nadaaanan ko ay nakikitawag ako pero di pa rin ako makakontak sa bahay at ang iba ay walang dial tone.

Tuloy pa rin ako sa pagbaybay ng baha, bale sinimulan ko ang expedition nung 6PM, Ngayon ay 9:30PM na. Mag-aapat na oras na kong namomroblema:
1. paano ko uuwi
2. gutom na gutom na ko
3. paano ko ipapaalam ang kalagayan ko sa kanila
4. magkaka leptospirosos kaya ako
5. basa ang bag ko, cellphone kong sira
6. pagod na ko

Nagpray ako.

Sa pagtatanung-tanong ko sa mga tao kung pano makakauwi, itinuro sakin na may LRT Station ng Doroteo Jose na malapit sa Recto Station.

Nakasakay naman ako. Nakaupo ako sa upuan ng LRT Train at nakatulala. Nagahahabol ng hininga. Pagyuko ko, nagsimula ng tumulo, at umagos ang luha ko. Di ko namalayan, umiiyak na pala ang hamster. Ang isang katerbang panyo ko nasa loob ng bag at basam basa. Kaya para kong pusa na punas ng punas ng mata habang nakayuko. Alam ko pinagtitinginan ako ng ga pasahero pero ayaw pa ring tumigil ang luha ko…

Hanggang sa nakauwi naman ako sa bahay ng 10:30PM.

Nagpray ako.
at nagpasalamat kay Papa God.

Alam kong pinapakinggan ako ni Papa God at di nya ko iniwan.
Kailangan lang ng FAITH at PATIENCE.

Nung napanood ko sa TV ang mga sinapit ng mga taga Marikina, Cainta at iba pa, Sobrang wala lang pala ng nangyari sakin kumpara sa mga sinapit nila.

Nagpray ako.

About jason

walang clue. nak ng

237 responses »

  1. eli ay nagsabing:

    wow..kakaiba ang experience mo jason. iba talaga ang nagagawa ng Prayer!

    ako nun, nanonood lang ng tv at kitangkita ko talaga yong lalim ng tubig. updated din ako sa mga pangyayari kase madami akong Frends sa FB na maya’t maya nag-a-update ng status nila. isa ka dun. nakita ko status mo sa FB. sabi mo (yata). NAKAUWI NA AKO!.

    salamat kay papa God. dahil ligtas ka

  2. eli ay nagsabing:

    2nd base! haha may after shock pa!

  3. Maldito ay nagsabing:

    buti nalang nakauwi ka ng mabuti jason.dami pa tayung mga frends dito na hindi ko makontak..takte.

  4. pinkdiaries ay nagsabing:

    hay, sobra naman ng experience mu, buti nalang at mahaba nga pasensya mu, saka wala din namang maidudulot ang init na ulo. Pray lang talaga ang dapatπŸ™‚

    nakakalungkot ang nangyari noh?! kaya nga PRAY nalang talaga tayu dahil sya lang talaga nakakaalam sa lahat!

    good you are safe also! ingats!

  5. otep ay nagsabing:

    aw. saklap ng nangyari sayo.

    pati ako napapaiyak.

    pero gaya nga ng sabi mo masuwerte pa rin dahil kumpara sa iba mas malala yung nangyari sa kanila.

    loves ka talaga ni God kasi goodboy ka di tulad ko lols.

    pero kung iisipin nga naman, binagyo din ako naglimas, nabasa ang higaan, nawalan ng kuryente, walang makain dahil walang mabilhan, puro reklamo ang inabot ko sa bagyo pero hindi ko naisip na maswerte pala ako dahil nasa bahay lang ako habang hinihintay na makalayo ang bagyo.

    haaaaaaayy..

    salamat talaga

    • jason ay nagsabing:

      aw..

      kawawa ka rin pala at naapektuhan din ng bagyong Ondoy..

      alam ko makakabangon tayo mula sa bangungot nitong bagyo..

      Kelangan lang talaga nating i-embrace pa si God..

      Good or Bad mahal Nya tayo ok?

      salamat

      • otep ay nagsabing:

        hohonga.

        group hug* with God. hhehehheπŸ™‚

        pero lam mo literal akong bumangon noong bumabaha na sa kuwarto ko mula sa bubong hehehehe, napatayo ako kasi nabasa kama ko.

        ayun parang may waterfalls, kulubot na nga kisame ko. hehehe

        • Ax ay nagsabing:

          Otep, after nung bagyo, natawa ako nung ang kinakain mong dinner ay puro stick-o. ako nga di pa kumakain nung time na yun eh.

          Okay. Nagpost ka rin ng comment.

          • otep ay nagsabing:

            naubos ko yung 500 pesos ko sa grocery. budget ko yun for 3 days..

            yung stik-o kasi na malaki nasa 40 pesos yung isang bote.. yung malaki yung kinuha ko 94 pala yun.

            hehehehe

            tapos bumili din ako nga gardenia na maliit kala ko nasa 30+ yun pala 65 yun.. hindi kasi ako tumitingin sa price tag.. ayun yung kinain ko noong bumabagyo heheehπŸ™‚

  6. TSI ay nagsabing:

    Siya lang naman talaga ang makakatulong sa tin eh, kaya tibayan ang pananampalataya, malakas ang loob at di panghihinaan, be thankful.

    Sa mga apektado, let’s be all praying na lang na makabangon silang muli.

    Be safe hams.πŸ™‚

  7. lovely ay nagsabing:

    kinamusta pa kita nung isang araw ah akala ko ok ka walang nangyari sayo..kaya pala nung tinxt kita ng monday walang reply galing sayo..ok pa ba ang sim mo?
    glad to know na ok kang nakauwi..buti’t may lrt pa nun..
    kami sa bahay ok na naman..may mga needs lang na kailangan..kaya ko pa naman..salamat din sknya at di pinabayaan ang pamilya ko, at di kami umabot ng bubong..
    sobrang thankful talaga tayong di nya tayo pinabayan ,..
    kip safe always..hugs..

  8. naglalambingnacute ay nagsabing:

    hugs jason!

    amen!

    tama yun.. sya una natin tatawagin…

    at masaya ako dahil okey ka..
    Hindi rin madali yun pinag daanan mo ha… kaya dapat talaga ipag pray na thankfu ka l sa pag gagabay nya sayo at naka uwi ka ng safe…πŸ˜‰

    hugs uli!

    • jason ay nagsabing:

      OPO!!!

      hi ate lambing

      salamat sa hug.. it really eases the burden lalo na pag may yumayakap sayo diba!
      πŸ˜€

      thanks talaga kay Papa God. Basta alam ko, hindi tayo pababayaan. Bababa at bababa sya para iligtas tayo isa isa.

  9. forbiddenlei ay nagsabing:

    aw ang lupet ng ekspiryens kuya hamster? ok knb? just charge it to experience ika nga.
    kmusta kau? dba kayo binaha sa bahay?

  10. livingstain ay nagsabing:

    thats good. mainam at buhay ka pa… halika mag pray tayo… pero habulin mo muna ko…

    aaaawww….

  11. lhen ay nagsabing:

    ahhhhh kawawa naman ang bro.hamster namin….
    naranasan ko rin yan dude.., diyan din sa manila nuon at sa regalado na hanggang beywang ang baha…buti ka nga naka uwi ng 10:30?..
    samantala ako nuon galing trabaho 1am na nakauwi dahil sa lintik na baha….

    ganyan talga kumilos si mader nature… pero the best ka my dear at nagpray kay papa god at hindi ka naman niya binigo…kase nakita niya na umiiyak ka na eh …kakatuwa ka naman para kang batang paslit na nawawalan ng nanay…. πŸ™‚

    pero alam ko matapang ang bro.hamster namin… palaban kaya nga bibili ako ng ticket mo… kelan ba ang laban niyo?…

    http://www.friendster.com/photos/73468782/2/857966931

    • jason ay nagsabing:

      OPO ate lhen

      kaya pray ako ng pray at pasalamat ng pasalamat kay Papa God kasi

      alam ko may plan sya sakin
      πŸ˜€

      at di ko sinapit ang sinapit ng mga mas kawawa at mas naghihirap nating kababayan..

      gusto ko silang tulungan.
      pinagpray ko na sila.

      kaya blessed pa rin talaga
      πŸ˜€

      hi ate lhen!

      • naalala ko tuloy ung parish priest naming holy old priest. fr. bert name niya. na-feature siya sa reader’s digest.

        ang tindi ng kwento niya! kasama niya pari noon para pumunta sa isang isla ng sarangani province (bandang gensan at davao del sur).. di pa pari si fr. bert noon. sa laot inabot sila ng bagyo at tumaob yong bangka na sinakyan nila. namatay ang makina, nasira ung boat nila…nakasakay na lang siya sa isang troso.

        one month siya sa dagat. akala ng marami patay na siya. sa dagat nagtaka siya kung bakit may mga crabs na pumunta sa troso at un ang kanyang kinakain. may dumating pa nga na isang malaking pawikan. kinain din niya. sabi niya during the night, napakalungkot kasi naramdaman niya na very alone siya kaya nagdasal talaga siya ng todo.

        sabi niya, lord kung may mission pa ako, save me…

        after a month, narescue siya ng isang chinese vessel, malapit na siya sa bandang papua new guinea.

        sa tindi ng pasalamat niya sa Dios, pumasok siya sa seminaryo at naging pari. and during talks about love of God, un ang lagi niyang kinukwento.

        • lhen ay nagsabing:

          ganun talaga padz pag may mga miracle na nangyayari naiisip ng tao na ibalik nya ang buhay sa diyos bilang pasasalamat sa pananatili nya sa earth…. πŸ™‚

          isa lang masasabi kay fr.bert…. CAST AWAY!!!.. πŸ™‚
          Wala rin ba siyang wilson(ung buko) na naging kaibigan dun sa dagat?parang si chuck noland (tom hunks)πŸ™‚

          pero inperness padz kakabilib ang story ni fr.bert…pang MMK………

  12. J.Kulisap ay nagsabing:

    Maligayang pagbabalik.

    Hagdan yan papunta pa sa mas malalim na kahulugan ng buhay.

  13. darwin^^ ay nagsabing:

    wala nang mas makapangyarihan pa kay Papa God!πŸ™‚

  14. coolwaterworks ay nagsabing:

    Jason,

    Nagnanakaw lang ng bloghop… Ikaw pa lang yata ang nadalaw ko in the last few days… Good to know na okay ka based sa response mo sa FB… Buti naman at halos lahat ng mga kabagang ko ay okay, although meron pa ring di nagrereply sa email ko…

    Good to know bata, na in the face of this calamity, you have not forgotten to call on Divine Providence… Lahat naman yata tumawag sa Kanya… Kaya lang, bawat tao ay may takdang panahon sa ilalim ng araw (Ecc 3:1-11, Psalm 139:16), maski na ang kamatayan…

    Kaya tayong mga naiwan dito, ipagdasal natin ang kapayapaan ng mga nasawi, ang agad na pagbangon ng mga naiwan at nasalanta…

    Only God can make good things come out of all the suffering, pain and tragedy. And good things did happen… The reason why this tragedy happened is maybe beyond this life… All the more that we should live our lives fully each day…

    Ingat lagi!

    • jason ay nagsabing:

      salamat sa liham kuya cool.

      nakakka refrresh naman tong message mo.

      at nakaka uplift ng soul. totoo..

      sige po kuya babassahin ko mamaya sa bahay yang passage na sinulat mo!

      thankful talaga ko.. sobra sobra
      πŸ˜€

  15. ACEBOMB ay nagsabing:

    nakakaelib naman tong batang ‘to…

  16. kaye ay nagsabing:

    maswerte ka pa rin talaga at nakauwi ka… marami sa iba hindi nakauwi. pero nakakaiyak nga kung feeling lost ka sa labas. malamang ganyan din ako, naiiyak na di maintindihan lalot basang basa sa ulan (teka parang kanta ata yun ng aegis ah.)

    kelangan natin paghandaan ang kasunod ni ondoy na si pepeng. mas malakas daw eh.😦

  17. Ax ay nagsabing:

    Napaligo rin ako sa ulan.. kase mga boarders namin binaha. Sinigawan pa ako one time nung pumasok ako sa boarding house.

    Bakit?

    Akala nila magnanakaw ako?!

    Hindi.

    Umuusok ang switch ng ilaw. Nagpanic sila. Nagsilabasan ng bahay. Lumusong ako sa tubig. Ang di ko alam, may kuryente na palang dumadaloy! Ayun.

    Pero hindi nakukuryente ang mga jumper di ba? Yehey.

  18. Ax ay nagsabing:

    Minemental telepathy kita ngayon.

    Hm, paano ko ba sisimulan. Okay. Ganito na lang. Baka di matuloy.

  19. blurosebluguy ay nagsabing:

    hayssss…at nakalutang din sa wakas ang hamster…salamat kapati
    at nakabalik kang matiwasay sa inyong bahay…kaya pala lalong bumaha kasi umiyak ka pa…jok lang!

    …hapi naman ako at kahit papano ligtas lahat ang frens ko dito…medyo ang iba nga lang biktima ng kalamidad…

    …babangon din tayo…katulad ng saranggola ni bernard…lilipad muli…
    …maligayang pagbabalik sa ere kapatid…group hug….aysus nauuso na rin pala ito….
    ..pati si Bro nakiki-group hug din….

  20. CatchyEnough ay nagsabing:

    grabe naman yun..Dapat talaga mahaba pasensya mo sa mga oras na ganyan..tsk tsk tsk…hindi sken pwede yan..hehe..

  21. Allen ay nagsabing:

    ito din ang isang dahilan kung bakit hindi ko tinangkang suungin ang baha. dahil naaawa ako sa black/white kong cellphone. kapag nasira yun, pano nalang ako dba? haha. ang ginawa ko, binalot ko nalang ng panyo.

    nilakad mo from city hall to recto? ganu kataas ang baha? buti di ka nalunod.

    tsaka, di ko maimagine yung baha sa recto. i mean, yun na yata ang pinakaduming kalyeng nakita ko. sus ginoo.

    oo nga. pasalamat tayo yun lang inabot natin. thank God.

    • jason ay nagsabing:

      haaah mataas ang baha..

      hanggang bewang siguro kung di ako titingkayad.

      aw…

      oo madumi baha ang daming lumulutang na plastic, goma, plastic, basura, plastic, rubber, iba iba.

      mapanghi pa

      • Allen ay nagsabing:

        napanood mo na ba yung video nun sa facebook? yung nagsswimming competition yung mga bata sa recto? haha! sick!

        buti di tayo nagka-leptospyrosis (not sure with the sfelling)

  22. rllqph ay nagsabing:

    wahhhhhhhhhhhh!

    di ko akalaing napaiyak ka hamster…………

    *akbay* ako nga rin……… sekret lang natin ah.

    cheer up!

  23. bernardumali ay nagsabing:

    ay wawa naman ang hamster. sabi sa yo delikado na umuwi. anyway, salamat na rin at ligtas tayo. ingat!

  24. .poOt! ay nagsabing:

    hay hamster! *sabay kaway at sayaw sa saliw ng insomnia*

    huwelkam back.

    matagal-tagal kang nawala ah.

    yung nangyari sa’yo ay nagpatunay lang na “NOTHING is impossible with GOD”. dahil sa kaka-pray mo ay hindi ka iniwan ni Bro.

    btw, umiiyak pala ang hamster? o ikaw lang? kakaiba ka talaga. LOL.

    kendeng ka sa bahay ko. weh.

  25. rico ay nagsabing:

    congrats nakauwi ka na.hehehe..auz lang un sinusubok lng ang hamster

  26. machongbutiki ay nagsabing:

    wow.
    naks,
    lab na lab ka tlga ni Papa God.
    astig.
    nakaktuwa namn ang faith mo!!!
    apir!

  27. machongbutiki ay nagsabing:

    ang dami na agad comment o?
    galing..

  28. dencios ay nagsabing:

    alam mo kuya hamster minsan si God talaga e masyado tayong chinachallenge hano? sigurado tuwang tuwa siya kasi NALAMPASAN MO..

    doble ingat nextime ha?

  29. Junice Lopez ay nagsabing:

    grabe jason!!! talagang sumugod ka sa baha at ulan! lakas kaya ng ulan non… ako nga nag-stay na sa ofis kasi la na masakyan talaga.. kinabukasan naman pag-uwi ko ng maaga.. di pa din pala humupa ang baha! gang inabot na ng lacson kung saan ang daan ko tuwing uuwi ako galing work kaso antaas ng baha don kaya di ako bumaba.. gang umabot ng recto.. dun bumaba nako.. una gang binti lang.. habang binabaybay ko pa ang recto.. gang hita na.. buti nga gang hita na lang.. nag-tetxt din ako non sa mama ko kaso la sila natatanggap kasi sira ang network nila.. haiz.. ayun gang no choice nako para lang makauwi lumusong na din ako sa baha…

    thank God at safe pa rin tayo..

  30. p0kw4ng ay nagsabing:

    aww buti nakauwi ka ng safe pa din…hayaan mo isang pagsubok lang yan para daw next time alam mo na ang gagawin mo sa mga ganyang pangyayari…

    ingats

  31. Mars / Kulot ay nagsabing:

    you are badly affected too by ondoy? good that everything is fine now

    • jason ay nagsabing:

      ako lang badly affectd.. buti na lang yung family ko at bahay ko
      hindi affected…

      thanks. salamat sa concern kuya MArs.!
      sana okey ka lang din at ang iyong family dyan sa Sudan

  32. stormy ay nagsabing:

    JASON..

    cry baby..hihih jowk lang:)

    kung nakita kita sa lrt.. sarap mo siguro picturan..hahah jowk lang uli:)

    kahit binaha kami, at least nasa bahay ako nun.. laking pasasalamat ko pa nga yun e.. dami ko kasi classmates stranded sa skul..

    ayun! thank you lord.. wag na iyak a:)

  33. Jorge ay nagsabing:

    naku, ako man din siguro maiiyak sa ganyang situation (iyakin kasi ako eh, hehehe), alam ko ang ganyang pakiramdam, helpless in time of distress..

    buti at nagppray ka, nde ka talga pababayaan ni Lord. Pero when u think about it, maswerte ka parin talga sa ibang tao lalo na dun sa mga lumubog ang mga bahay at nasira ang mga ari arian, thank God you are safe..

    pray lagi. Godbless!

  34. aksoriyalmo ay nagsabing:

    ang alam ko hindi matutuloy eh. yun ang alam ko. yay. hehe.

  35. hitokirihoshi ay nagsabing:

    paran naiiyak na rin ako sa ah… mabuti na lang talaga Tito faithful ka at mabait talaga si God. kailangan mo nga lang sigurong bumabay ng matagal para mahanap ang tama at safe na daan pauwi.

    sana ay okay ka na ngayon at walang sakit. yes kawawa nga iyong mga taga-Marikina. hayyy

  36. Dick ay nagsabing:

    loser na naman ako sa base-base na yan.. huhu..😦
    pero kakalungkot talaga nangyari kuya jason.. nakitira ako sa marikina pero maswerte kami at hindi kami inabutan ng tubig baha, elevated kasi ang ateneo housing ng barangka, so while the rest of marikina was already sinking into the depths of the murky waters, we were safe at home thinking where we could find electricity, and internet connection. but of course that was just the least of our concerns. since wla naman talaga kaming mahahanap na kuryente at net, naghanap na lang kami ng damit na maaring ipamahagi sa mga nasalanta ng bagyo’t baha, malapit lang kami sa barangka elementary school kung saan nag-evacuate ung karamihan sa mga taga marikina so dun kami namigay ng mga damit at pagkain. nagluto ng goto ung landlady ko para mabigyan namin ng pantawid gutom ung mga evacuees. at nung linggo, pumunta kami ng ateneo para tumulong sa relief operations dun. nakakalungkot dahil maraming naapektuhan sa sakunang ito, pero nakakataba din naman ng puso na marami rin ang handang tumulong sa kanila. marami kaming na-pack na mga relief goods at patuloy ang pagdating ng mga donations. i hope makarating ito sa mga lubos na nangangailangan. ingat lagi.

    nagpaparamdam muli,
    Dick

    ps. namiss ko na ang pagcocomment sa mga blogs ninyong lahat, extend my regards to everyone. at kung may oras kayo, dalawin niyo rin ako sa blog-bahay ko. magkantahan tayo..πŸ˜›

    • Dick ay nagsabing:

      mala epiko pala comment ko. yan ang tinatawag na tigang… (in a wholesome way) coming from someone whose name is Dick… Wahaha..

      btw, nagpray din ako jason.πŸ™‚

      • jason ay nagsabing:

        hi dick…

        nakakatuwa naman comment mo.. kkahit mala nobela ay punung puno ng aral at kaisipan..

        ang bait mo talaga.. salamat sayo at isa ka sa mga mabubuting tao na nagdonate sa mga nasalanta…

        sana safe tayo lagi

        lalo na may susunod pa na bagyo,,,,,

        regards din

  37. joycee ay nagsabing:

    Prayer still works! Glad to know you’re safe pare.

    May padating pa daw na super typhoon, ingat ingats! God bless!

  38. sows ay nagsabing:

    nkkbilib…galeng

    kuya hamster…galeng mo..pray lng tlg katapat nyan…

    be safe…^,^

  39. yhen ay nagsabing:

    hamster…

    butit ok ka lang…

    magdasal lang lagi…

    sa mga panahong ganito kay Lord lang tayo pwedeng tumakbo…
    πŸ˜‰ Im praying for everyone’s safety! GodBless!

  40. arsean ay nagsabing:

    kumusta ka nman na ngaun???

    grabeh nga talga ung nangyaring calamity na toh dulot ni Ondoy…haissst…

    thanks kay Bro at nakauwi ka ng ligtas…sana ndi maxado makaapekto ang panibagong bagyo dumating…

    Ingats tayo lagi…God Bless!!!

  41. i felt that something must have happened to you my dear Brother Hamster! Kay Ax ko nalaman…

    Thank God you are okay na. Maraming salamat sa Diyos that you and your family are safe.

    ang layo ng nilakad mo…

  42. Its 4 pm na here. I still have mass at 4:30 pm…i will be back tonight..i still have more to say…

    I will pray for you and the victims…

  43. oohtootinkid ay nagsabing:

    aluπŸ˜€ i’m new hereπŸ˜€ pa comment, ok lang?:D wala lang, i found your experience…uh..di ko ma xplain e..nakakatakot? nung time kasi na yan nawawala yung pinsan ko sa espana and ndi ko lam kung natabunan na yung nanay ko sa bahay namin, although i was safe inside our school i was still worried shitless.kaya isang malaking *clap clap* kai Lord kase nde nia tayo pinabayaan *cheers* ;]

  44. boypulubi ay nagsabing:

    Ang dami mong mga “obstacles” na dinaanan. Pero sa kabila ng lahat nandito ka pa rin. Kaya dapat magsaya. Yehey.

    Ingat na lamang ulit sa lahat. Sana’y kumalma ang bagyong padaan.

  45. Walongbote ay nagsabing:

    Aaai.. Hamster, power hugz 4 u! Grabe sinapit mo, ang saklap.. Atliz buhay ka. Un lng un. Mwax.

  46. blu.sparks ay nagsabing:

    buti at ok ka jason..
    sana wag na maulit ang tragedy na yun..
    nakakalungkot kasi.
    kahit sa tv lang ako nakikibalita eh naiiyak pa rin..
    be strong at keep safe lage.

  47. Bryan Karl ay nagsabing:

    Buti naman nakauwi kang safe. Tsk2. delikado talaga no…

  48. Hmmmm….

    Ma-group hug nga kayong lahat dito…

    GROUP HUG!

  49. Doc Broks ay nagsabing:

    two tablets of doxycycline 100mg is prophylactic for leptospirosis.
    “burns” in the stomach, though…

  50. Miel ay nagsabing:

    keep a prayerful life in times of joy and trials ^___^ God bless!

  51. shynyrd ay nagsabing:

    aw umiiyak pala ang hamster.. power hug kita…

    it’s okay…God is always with you…

  52. shynyrd ay nagsabing:

    di ko alam eh, sana pinatulog kita sa dorm, though maglalakad ka rin sa baha. atleast naka uwi ka…

  53. tsenn' ay nagsabing:

    gudmorning kuya julio!
    babalik ako later.. hihi tcπŸ˜‰

  54. tsenn` ay nagsabing:

    i’m back! heheπŸ™‚

    binasa ko ulit ang “tragedy documentation” na ‘to kahit nkwento mo na saken sa ym. at nalungkot ulit ako sa parte ng pag-iyak sa lrt. haaay😐
    kawawang kuya julio.

    pero walang wala ang pagiging kawawa mo sa pagiging blessed mo. astig kaya ng Savior natin! ^_^ hehe

    kaya laging tandaan ang moral lesson:
    mag-ingat sa gutter ^^

    happy lunch kuya *hugs*

  55. jex ay nagsabing:

    jason hamster isa ka pong survivor!

    ‘ndi ko iniisip na minamalas na ko lagi rin ako nagpra-pray parang ikawπŸ˜€

  56. Survivor akO!
    πŸ˜€

    kamusta jex

  57. kaisuke ay nagsabing:

    napadaan lang.. buti naman you’re safe, hirap talaga pag may mga kalamidad na ganyan..

  58. flamindevil ay nagsabing:

    sobrang late na to pero buti naman at ok ka.

    hope ok din ang family mo.

    sinama ko lahat ng blogger friends ko sa prayer ko nung time na bumabagyo sa pinas.kasama ka dun. :p

  59. Walongbote ay nagsabing:

    tol follow me on twitter. http://Twitter.com/superjeniffer08 kamsamhanida!

  60. brVince ay nagsabing:

    MAY AWA ANG DIOS… PALAGI…

  61. Admin ay nagsabing:

    Sya nga pala, ingat lagi… never be at the wrong place at a wrong time…

  62. dlysen ay nagsabing:

    Napaka madasaling mo palang tao. at dahil dyan eh ligtas ka at palaging na ulit masaya.

    • jason ay nagsabing:

      Opo… thankful saken may nag guide saken na maging malapit kay God at yun ang tunay na nagligtas saken. Ang power of prayer and love of God..
      naks……

      oo masaya na ko palagi! sana ikaw den!

  63. idigeo ay nagsabing:

    Isa kang henyo sa pagkukuwento. Ang galing!

  64. joan ay nagsabing:

    ..late nanaman ako. ahmpft.
    ..mabuti naman at nasa maayos na lagay na ngayon ang hamster, parang maiiyak din ako nung mabasa ko na umiyak ka sa LRT😦
    ..pero okay na! thanks talga kay papa God!
    ..sana sa ibang nasalanta makarecover sana sila ng mabilis. haiz.
    ..keepsafe lagi hamster!

  65. Winkie ay nagsabing:

    pasilip lang… di ko pa muna binasa lahat. pero ang dami kong naaninagang na nagPRAY ka. yun pa lang nbasa ko eh napasmile na ako. let’s thank God we and our families are safe now.

    oist, bumalik ka sa bahay namin… maglalampaso ka pa! hahahaha!

  66. hitokirihoshi ay nagsabing:

    wahhh tito naalala talaga kita noong naglalakad at natatatrapik ako noong friday. salamat din sa prayer!

  67. brother hamster, kaano-ano mo itong si doc broks? de guzman din pala surname niya…

  68. taga-bundok ay nagsabing:

    Praise God!πŸ™‚

    nakaka-uplift naman magbasa dito. sana maka-ahon lahat ng nasalanta, kasama na yung pamilya ko.

    kumusta naman ang lahat?!πŸ™‚

  69. rllqph ay nagsabing:

    o eto, para matuwa ka, lagay mo sa sidebar mo. (sana pwede, kasi disabled ata pag complicated html codes pag wordpress hosted ang site eh)

    http://abowman.com/google-modules/hamster/

  70. redfieryheart ay nagsabing:

    wahhhh ang hamster umiyak huhuhu… sino ba naman di maaapektuhan sa sinapit mo buti at di ka sumuko kahit pa tulo uhog mo. Isang karanasang hindi mo na malilimutan at naibahagi mo pa. Hala tahan na bunso.

  71. barrycyrus ay nagsabing:

    puro prayers! haha

  72. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    siguro nga anak kita talaga…dahil pareho tayong iyakin😦
    mag-pray tayo

  73. Joyo ay nagsabing:

    yan ang sinasabi ko… kapag malapit kay Papa God di pinapabayaanπŸ™‚
    *hugs*

  74. lhen ay nagsabing:

    pa tmbling muna sa bro.hamster!!!πŸ™‚ good mwning … πŸ™‚

  75. taympers ay nagsabing:

    tumbling muna ako. hahaha

  76. arsean ay nagsabing:

    papasyal muna hamster…

  77. deejay ay nagsabing:

    aw, wawa naman. *hugs* iba’t ibang uri ng swerte’t kamalasan talaga ang naganap noong sabadong yon. tsk!

    tagal mo ring nawala jason, but glad you’re doing okay.πŸ˜€

  78. ACEBOMB ay nagsabing:

    ANG LAYO NG NILAKAD MO DUDE. PARA KANG NAGLIBOT SA GREAT WALL OF CHINA HEHEHE..ANYWAY, LAKAS MO KAY BRO. BUTI KA PA, ILANG BESES KA NAGPRAY. KUNG IBANG TAO SIGURO, MURA NG MURA HABANG TUMATAWID SA BAHA.

  79. aksoriyalmo ay nagsabing:

    Jason! wala lang.. kinukuha ko lang links niyo! yawts.

  80. sHy ay nagsabing:

    Jason et al,

    Ang galing tlga magwork ni GOD dba? Kahit na may sakuna, paulit-ulit Nyang ipinapadama sa atin ang Kanyang mainit na pagmamahal.. at least nangangatog ka man sa ginaw dahil sa ulan at baha eh warm naman ang feeling na ipinagkakaloob Nya sa atin…

    Share ko rin sa inyo ang aking Ondoy’s story.. http://www.lagalagak0.multiply.com -> punta ka sa ‘Nang dumalaw si Ondoy’…. a story of how GOD continously shines His light amidst the darkness we are encountering. Indeed, GOD deserves our praises and thanksgivings not only during hard times but also everyday. =)

    I’m happy na nakauwi ka nang maayos. Pero adventure ang ginawa mo ha.. =)

    Keep up the faith and drop the fear! =)

    To GOD be the glory till eternity! =)

    • jason ay nagsabing:

      hi shea~~

      salamat kay God at protected nya ko..
      thanks ulit kay God dahil

      ikaw ay malapit din sa Kanya.

      • sHy ay nagsabing:

        Hi uli,

        Salamat tlga sa Kanya sa lahat-lahat. Having and doing blog posts is one way of thanking Him for every blessings I’m receiving. Kaya tlgang gusto ko rin ang mag-blog. Multiply palang account ko eh. La pa akong wordpress. Hehe!

        Lagi akong dumaraan sa bahay-sapot nyo nila Lovely, Ax, machong butiki (d pa ata sya nakakapag-update since eh) and others kahit d ako masyadong nagle-leave ng comment.. nagbabasa ako ng mga blog posts nyo..

        Share ko lang po: “at the end of the day , you either focus on what’s tearing you apart or what’s holding you together.”

        Thanks for reading my Ondoy’s story. =)

        To GOD be the glory till eternity! =)

  81. ACRYLQIUE ay nagsabing:

    See, you survive!

    hehe. At least di ka kagaya nung kakilala ko na nahulog sa manhole na di lang kalahati ng katawan nya ang lumubog. Pinagtinginan lang sya ng tao. Parang na-shock silang lahat. Parang di makapaniwala sa nangyari. pinagdasal na lang namin. Hayun, ok naman sya ngayon. May benda lang sa braso.πŸ™‚

    Dasal lang ng dasal.πŸ™‚

  82. J.Kulisap ay nagsabing:

    Hi Jason,

    Punta na tayo sa pagngit at muling pag-alimbuyog ng bagwis.

    Ibaon na natin sa panaginip si Ondoy at Pepeng..bawat patak ng ating buhay ngayon ay mahalaga.

    Bawat hakbang-isang pagkukuro ang aking natanto.

    Kailangan nating malasap ang buhay na ipinagkaloob.

    Sa mga kaibigan mo at sa mga mahal mo at lahat lahat na.

    Mag move-on at yakapin ang buhay na parang ito na ang iyong huling hininga.

  83. tsenn' ay nagsabing:

    hi kuya julio! how is you??
    salamat sa pagdaan, mabuti naman po ako.
    kinakaya pa ang bangis ng hell week @_@
    bumebreak time lang ako naun mula kay pareng vb mo.
    homaygash. sakit sa nunal @_@

    hi na rin ke kuya ax. di pa ko makabalik sa realm nia e.

    happy halloween! ^_____________^

  84. boypulubi ay nagsabing:

    Aba at si tsenn nakiki-happy halloween na. hehe. ang bilis.

    Musta na hamster? Sana ayos lang ang buhay buhay. Kung ako naman ang iyong tatanungin ay ayos din ako. hehe.

  85. ang aga naman nakiki-trick or treat ni tsenn, hehehe.

  86. sHy ay nagsabing:

    Hi uli,

    Salamat tlga sa Kanya sa lahat-lahat. Having and doing blog posts is one way of thanking Him for every blessings I’m receiving. Kaya tlgang gusto ko rin ang mag-blog. Multiply palang account ko eh. La pa akong wordpress. Hehe!

    Lagi akong dumaraan sa bahay-sapot nyo nila Lovely, Ax, machong butiki (d pa ata sya nakakapag-update since eh) and others kahit d ako masyadong nagle-leave ng comment.. nagbabasa ako ng mga blog posts nyo..

    Share ko lang po: β€œat the end of the day , you either focus on what’s tearing you apart or what’s holding you together.”

    Thanks for reading my Ondoy’s story. =)

    To GOD be the glory till eternity! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s