creepyOo nga pala. Pahabol para sa
November Fever. Magpapahinga
muna si Kuya Hamster nyo.
Pero di naman mapapabayaan
tong bahay-bahayan ko.
Ipapaubaya ko muna ito kay Hey.
Isa siyang Psychic, tamang-tama,
Nasa kasagsagan pa ng Holloween.


Si Hey ay totoo, walang halong biro. Siya ay buhay at may sariling isip. Higit sa lahat, siya ay may kapangyarihan.

Dahil nga Todos Lo Santos, siya ay nag-offer ng libreng konsultasyon. Mga katanungan, mga paranormal experiences, o maaari rin nyang makausap ang inyong mga namayapang kamag-anak. (Bahala na kayo kung itutuloy nyo, o kaya ng puso nyo.)

Maaarinyo rin syang tanungin ukol sa mga kahindik-hindik nyong karanasan.

Babalik ako sa susunod na Post.
Paalam mga bata. Eto na si Hey…

P.S.

Huwag umasang maging kaibigan ninyo si Hey. Ako na ang nagsasabi sa inyo.

About jason

walang clue. nak ng

240 responses »

  1. flamindevil ay nagsabing:

    hey, anung pinakamagandang movie for the halloween?

    hey, bakit hindi ako nag-enjoy sa ‘paranormal experience?’

    • Hey ay nagsabing:

      Una, ang pinakamainam na movie ngayong holloween ay…
      ang mga subok na nakakatakot na Japanese Classic Horror Movies. Nandun kasi ang mala-realistic na concept ng isang Horror Film. Ang pleasant setting, hindi crowded ang characters, surprising ang mga attack.

      Pangalawa, Yung sa Paranormal Activity yun iho. Nanood ka ba talaga? Hindi ka natakot kasi:

      maaaring hindi ka naniniwala sa ganon, o kaya naman
      inaantok ka na nung pinanood mo yun.

  2. davin ay nagsabing:

    my multo ba d2?

  3. timangkey ay nagsabing:

    Hey, Hey!

    how many fingers am i holding up? =)

  4. taribong ay nagsabing:

    Hey, wala bang message galing kay Ka Omeng?

    • Hey ay nagsabing:

      Meron Taribong. Meron.

      “Bakit mo ko hinahanap. Ako na alng ang mag-iintay sa yo. Sinunod mo ba ang kursong gusto ko para sayo?”

      • taribong ay nagsabing:

        Hindi ako natuloy, Ka Omeng eh. Huwag na nating pag-usapan yun. Ang importante nasa mabuti kang kalagayan. Kumusta ka na? Nasa mabuti ka nga bang kalagayan??

        Ipagpapaalam ko lang sana kung puwede kong ituloy na ilathala sa aking blog ang naumpisahan ko tungkol sa iyo. Puwede ba? Kaya lang baka sa susunod na linggo pa iyon matatapos. Titignan ko pa kung maisisingit kapag wala ang boss, katulad ngayon hehehehehhe

        Tsaka, huwag mo muna ako hintayin. makikipaglaro muna ako kina jason at padz. Si Hey na lang muna ang hintayin mo, ha?

        Ingat ka diyan, ha? Huwag ka makulit diyan…

        • Hey ay nagsabing:

          “Lubha akong natutuwa sayo. Kahit ngayon ay naalala mo pa rin ako. hayaan mo at pag minsang payagan akong dumalaw, ikaw ang una kong dadalawin. Mas ikagagalak ko kung sasama ka na sa akin. Huwag mo nang idamay si Hey, nagpapasalamat nga ko sa kanya iho.”

          • taribong ay nagsabing:

            Ambait niyo naman. Kanino po kayo nagpapaalam pa bago dumalaw? Sino po ang kailangang pumayag?

            Dalawin po niyo muna si Tiyang Eli hehehehe

            Sasama ako sa inyo kapag kasama ko sina jason at padz, para mas masaya. Isasama rin namin si Hey para mas lalong masaya. Ayos ba? tutal kapalagayang loob niyo na rin siya heehehe

            Teka, hindi kaya magagalit si padz dahil kausap ko kayo?

            • Hey ay nagsabing:

              Hindi magagalit si Padre. Sya ay maunawain.
              wag kang mag-alala iho, di mo alam kung gano mo napasaya si Ka Omeng mo.
              Makapaglalakbay na sya ng matiwasay.

  5. Aling Baby ay nagsabing:

    hay Hey…mukhang malaki ang binayad sau ni hamster para i-take over mo ang blog niya hehe..
    πŸ™‚

  6. otep ay nagsabing:

    Mr. Hey.. kung si Sadako ay nagpapatigil ng puso… may ghost character din bang nagpapatibok ng puso? i mean hindi yung tibok na kinakabahan ha..

    sa kabilang banda, puwede din mang umibig sa mumo? para kakaiba naman. hehehe

  7. J.Kulisap ay nagsabing:

    Hey, natutulog ka rin ba?

    Hey anong paborito mong ulam?

    Hey, bakit Pinoy ako?

    Hey, minsan ba masarap mag-isip kung wala kang isip?

    • Hey ay nagsabing:

      Hindi ako ang topic dito J. Kulisap.

      Wala akong nakikitang paranormal sa iyong mga katanungan. Maaari kang bumalik kapag may naihanda ka na.

      Sige sasagutin ko ang isa.
      Ikaw ay pinoy dahil sa ikaw ay may mga magulang na Pilipino at dito ka rin sa Pilipinas ipinanganak. May purpose ang pagiging pinoy mo at makabayan mo iho.

    • J.Kulisap ay nagsabing:

      Ganun po ba?
      Pasensya pasensya-adik adik lamang.

      Kung gayon po pwede po bang makausap si Jose. Rizal po?

      Pakisabi po sa kaniya kung sino po ang pwede nating iboto sa Mayo 2010.

      Salamat po Hey…lo…hey lo..lo lo lo.

      • Hey ay nagsabing:

        Patawad Kulisap. Ngunit mga kamag-anak nyo lang ang kaya kong kausapin. Pero susubukan ko para mapagbigyan ang iyong kahilingan.

        Eto na…

        “Sapagkat kayong mga nabubuhay sa inyong henerasyon ay….”

        Teka chappy, subukan ko ulit….

        “Maging sinuman ang inyong maibigang iboto… di malayong kapag sya na ay nakaupo, sya ay pababagsakin nyo rin…. ”

        Pinagpawisan ako dun Kulisap..

        Ano ang Hey lo Hey lo? Jai Ho ba yun?

  8. lhen ay nagsabing:

    ei!! hey!!! ask ko lang tingin mo ba kaya napaginipan ko ang xbf ko na nakayakap sa akin at ramdam na ramdam ko talga xa na parang totoo… it was month of september tapos nalaman ko nalang na namatay sya through internet pa sa fs nya “mga comment sa kanya na R.I.P” nitong october 23 ko lang nalaman na yumao na siya…. sept.6 namatay sya ndi pa ako nag bibirthday(sept.8) ng mapaginipan ko sya na nakaakap sa akin habang natutulog….

    tingin mo sya nga yun?… tska yung mga paru paru laging umaaligid sa akin lalo na sa loob ng kwarto….

    nakapost sya sa blogs ko buong kwento

    http://lhen8.wordpress.com/

    he’s my xbf for 4yrs…. 2002 nang maghiwalay kami… tapos now ko lang sya naramdaman sa panaginip pa…
    ano kya ang gusto nya iparating?…nararamdaman mo kaya ang “paramdam” nyang yun?…

    • Hey ay nagsabing:

      Binibining Lhen, di ko alam kung anong mararamdaman mo kung sabihin kong sya nga ayun.

      Ginagawa nya ang lahat para maramdaman mo sya. Dahil nung panahong babawian na sya ng buhay, isa ka sa mga huling nasa isip nya. Kaya lang, wala ka sa tabi nya.

      Gumagawa sya ng paraan hanggang ngayon para lang madama mo ang presence nya.

      Hanggang hindi mo sya pinapakawalan, hindi rin nya magagawang iwanan ka.

      • lhen ay nagsabing:

        matagal ko na siyang pinakawalan hey… after 6yrs nabulabog nanaman ang buhay ko sa kakaisip sa kanya ….mgmula ng mamatay siya………….

        dinadivert ko na sa iba para mapakawalan ko na siya where in matagal ko na rin siyang pinakawalan hey…. imagine 2003 ng maghiwalay kami then 2009 bumalik uli sya …patay na nga lang…

  9. blurosebluguy ay nagsabing:

    bakit nagsusulputan lang ang multo pag gabi….at bihira lang sa umaga..?

    • Hey ay nagsabing:

      Ginoo, ayan ay nakasanayan lang at paniniwala na naipasa mula pa sa panahon nila kopongkopong.

      Masmadali kasing gawing katatakutan ang mga multo lalo na pag madilim o gabi. Pero marami rin sa umaga. Sa pagitan ng alas singko ng umaga hanggang alas otso. Kadalasan ito ay sa kwarto, sa harapan ng mga salamin, sa terrace o sa veranda.

  10. TSI ay nagsabing:

    Hi Hey.

    Dahil sa Paranormal Activity, hindi na ko makatulog sa may edge ng bed ko baka hilahin nung ghost ang mga paa ko hehe.

    • Ax ay nagsabing:

      Oist Tsi, ako nga tong di mo pinatulog.. Sabi ko naman sa’yo yung trailer lang ang napanood ko pero knwento mo pa rin sa akin! Waah!

      Okay, balik tayo sa usapan na roommate! Yay.

      • Hey ay nagsabing:

        Tsi, mainam na ikaw ay natakot sa napanood mong pelikula. Dinownload mo yan tama?
        Ipinapahiwatig nito na malawak ang iyong imahinasyon at bukas ang pag-iisip mo sa lahat ng bagay. Nanunumbalik din ang iyong pagkabata, na mainam na mainam para ikaw ay manatiling maaliwalas. Dinodownload pa ni kaibigang Jason yun. Bat ang tagal daw!!! Tsk.

        Ax, trailer pa lang natakot ka na? Parehas kayo ni Jason. Mga duwag, pelikula lang yun.

      • TSI ay nagsabing:

        room meyt ka jan! lolol

  11. machongbutiki ay nagsabing:

    hey hey hey hey sau…
    may pangil ba tlaga ang tiyanak? bakit hindi na lang baby food ang kainin nila? carnibore ba tlga sila? hindi ba sila nabubulunan kapag kinakain nila yung mga tendons? tpos hindi ba sila naeempatsyo?

    • Hey ay nagsabing:

      May pangil ang mga tiyanaks. Pwedeng baby food, kaso walang may lakas ng loob na pakainin sila nito. Kung mangyari man ito, baka matigilan na sila sa pagkain ng mga laman loon ng mga tao. Ang pinakamabisang pangontra sa kanila ay ang pagsigaw, pagalitan, at takutin ng pamalo/sinturon.

      Hindi na sila mabubulunan sa pagkain ng mga sinasabi mong aparato ng katawan ng tao dahil sila ay mga espesyal na nilalang.

      Nakakakilabot. Tama na. Aayawan mong ituloy ang kwento ko.

  12. machongbutiki ay nagsabing:

    hey,
    lasang kape ba tlga ang kulangot?

  13. davin ay nagsabing:

    meron bang umaali-aligid na mumu s manila bulletin? e sa server room kaya? bkit kaya lahat ng server room cnasabing my mumu, mahilig b cla s malalamig na lugar? sa baguio din kc madami daw ghost..

    • Hey ay nagsabing:

      Merong isang pangyayaring naganap sa isang department. May empleyado kasing nilooban sa kanyang kotse malapit sa intramuros. Binugbog, ninakawan at pinatay.. Maya maya sa isang printer ay kusang nagprint, ang nilabas na coupon bond ay may pangalan nung empleyado.

      May mga yapak ding maririnig sa 3rd floor nito sa pagitan ng alas nuebe hanggang alas onse ng gabi sa lobby sa second floor.

      Sa server room kasi sobrang lamig, maraming pasikot sikot. Pero hindi naman sa server room lang. Nagkataon lang na marami ng nakaexperience ng paranormal activities sa server room.

      Sa Bagiuo, nagkataon lang na malamig. Marami ng namatay sa bangin, mga taong lulan ng bus. Marami na sila..

      At.. sa mga hotel, may mga namatay na dahil sa sobrang ginaw. Mga lolo at lola sila…

  14. Ax ay nagsabing:

    Oist, Hey.. may tanong lang ako.. Kilala mo si Haha at si Hehe di ba? Ayun lang.. Ayokong tumawa.. Para akong ungas.

    At ayokong tawagin si Haha.

  15. fjordz ay nagsabing:

    hey, nakakatakot ba ang patient x? sulit ba yun pag pinanuod namin?

    hey, bakit uso ang mga katatakutan pag november? I mean, kung sakaling minove ni PGMA ang undas ng April, sa April na rin ba sila lalabas? anong basehan ng november para maging undas?

    • Hey ay nagsabing:

      Nakakatakot ang Patient X kung mag papay attention ka sa story at hindi kay Christine Reyes. May mga oras na magugulat kayo at mapapasigaw.

      Sulit naman sya.

      Sa November kasi ang Araw ng mga Patay, tamang tama ang ambience. Example nito ang holloween specials ng Magandang Gabi Bayan at Mel and Joey.

      All Saints’ at All Souls’ day kasi ang November kaya wala kang magagawa. Kung ililipat ng April ang Holiday, Magmigrate ka na lang sa Cuba. Ewan ko sayo magulo kang magtanong.

  16. Sows ay nagsabing:

    hmm, hey..

    may soul ba ang mga animals lyk dis hamster on the sidebar?

    mjo creepy kc pg hnd ko xa pinapakaen nakatitig xa sken..

    • Hey ay nagsabing:

      Lahat ng hayop ay tulad ng tao na may Souls.
      Lahat ng organisms ay may souls mula sa planktons hanggang sa Blue whales.

      Yang hamster sa side bar, maniniwala ko ba kung sabihin kong yan ang actual na alaga ni Jason?

      • sows ay nagsabing:

        ah gnon pl..so bket puro tao lang ang multo na pinapakita ng media saten? prang wla pang proof ng existence (kung meron)ng souls eh..may sense ba tong cnsb ko? hehe

        tlg so my hamster pet din pla c hamster? hnd b xa nguguluhan minsan kung sino ang pet at sino ang amo?
        πŸ˜†

        • Hey ay nagsabing:

          Meron na ri Sows. Nakita mo na ba o narinig ang mga kwento tungkol sa mga plitrato ng mga FX na may extrang baboy sa back seat, mga kabayo, mga pusa? diba.

          • sows ay nagsabing:

            speaking of which, alm mo ba, hey na ung location ng fx ay tumambay dw sa boarding house ng former clasm8 ko? sinilip nia raw isang gabi kc nga ang tagal na dw nakatengga sa tapat nila, anong nkta nila? baboy ramo! kung 22o nga, katakot!

            naks lumelebel na tong c hey ah! dhil jan, sing w/me:

            “i sed hey, hey, heyah
            i love u w/ d morning sun!
            hey, heyah, i love u w/ d morning sa hahan…
            turut tooot turururut..tururut tururut!”

            πŸ˜†

  17. ba-bye kay brother hamster…punta na ako ng basilan….

    hello hey!

    ano mangyayari sa akin sa basilan? hulaan mo ano ang sasakyan ko papunta doon…

  18. livingstain ay nagsabing:

    at meganon pa… ok yan ha…

  19. taribong ay nagsabing:

    Hey, na-post ko na yung tungkol kay Ka Omeng…

  20. lhen ay nagsabing:

    hey bakit hanggang sa nanay ko nagpakita siya sa panaginip?…sobrang haba ng panaginip nya sa xbf ko na halos nakakwentuhan nya na ndi naman bumubuka ang mga bibig dw nila…..

    “ndi ko nga alam bakit namatay ako?..ndi pa dapat eh” linya dw yan ng xko
    “nanay!!!nanay!!!”titawag ang nanay ko habang nagllakad dw sya sa panaginip nya at nakita nya ang xbf kong yon na nakahiga sa isang simento na tabi ng punong kahoy na walang dahon at mga bunga…
    “nay, pakibigay naman itong cellnumber ko kay lhen” isang papel ang inabot sa nanay ko…”eto po sa inyo nay” isang pouch na pula ang inabot dw sa nanay ko …madaling arw nyng napaginipan na nagising siya around 2am tapos natulog uli sya…. may continuation ang panaginip ni nanay na kala nya gising na siya pero tulog pa rin pala siya at ang pinilit na hinahabol na salita sa nanay ko ay “nay!!! wag mong kalimutan ibigay kay lhen ang cell number ko ha”…. “paki gising si lhen oh para sabihin sa kanya na nag usap tayo….” inisip ng nanany ko dw na patay na siya eh…pano magkakacellphone siya …..

    bakit up to now nagPAPARAMDAM pa rin siya at ndi na sa akin sa nanay ko na ang pilit sya nagpaparamdam?….. matagal na hey na naging kami bakit ganun pati nanay ko nagparamdam siya sa panaginip?……..

    • Hey ay nagsabing:

      Sya mismo ay hindi pa nakakamove on.

      si ex mo ay hindi pa rin kuntento sa kasiyahan mo ngayon. Basta paliwanagan mo sya.
      Pouch na pula – (patuloy pa rin syang magpaparamdam sa inyo)

      Close sya sa mommy mo? Pati sa momy mo ay nagpaparamdam sya para hindi mo isipin na mag-isa ka lang at walang naniniwala sayo.

      Kausap-kausapin mo sya gabi-gabi. MAg-isa ka lang dapat. Mas mainam kung nakaharap ka sa salamin na medyo malapad.

      • lhen ay nagsabing:

        hey may ginawa akong you tube sa kanya siguro naman magugustuhan nya yang ginawa kong effort sa kanya…

        sa tagal na tiniis ko sya na ndi makipag kita at makausap simula ng maghiwalay kami…. siguro namn magiging masaya na siya sa ginawa kong ito..

        • lhen ay nagsabing:

          haharap ako sa salamin?πŸ™‚ hala hey katakot naman yang pinapagawa mo mmya biglang nasa likod ko na siya….πŸ™‚

          pero bakit pilit nyang ipinabibigay ang cellnumber nya sa nanay ko…samantalang patay na siya as if naman na matawagan o matxt ko sya…. matapos mapaginipan ng nanay ko yun…natulog uli sya at akala nya nagising na siya at nagluluto dw sya sa kusina…nang biglang lumitaw nanaman dw xko …at pilit inuulit ulit yung sinasabi na “nay, wag mong kalimutan ibigay kay len yung cellnumber ko ha”

          • lhen ay nagsabing:

            alam mo ba napaginipan ng nanay ko ang xko ng matapos ko yang you tube na yan….

            • Hey ay nagsabing:

              ang paulit-ulit nyang pagbigay ng cel number ay nangangahulugang wag mo daw syang kalimutan. Palagi mo raw syang kakausapin..

              Mukang malakas talaga ang connection nya sa inyo hanggang ngayon. hayaan mo yun Bb. Lhen, sa panagini lang naman, at hindi sya nangagambala sa inyo physically.

              papanoorin ko muna yung video baka makahanap pa ko ng clues.

              • lhen ay nagsabing:

                sige watch mo yang video ng gig nila m sure he gonna like it.. πŸ™‚

                eto pa ang live gig nila

                • lhen ay nagsabing:

                  siya yung nag ddrums … now ko lang nakita tong gig nila….

                  grabeh ndi ko akalain na ganito na ka tindi ang music nya…
                  kasama ko sya sa prayer meeting nuon …sya ang nag turo sa choir
                  pero ngayon ang laki ng pinagbago ng tunog ng drums nya…
                  keyboard, bass at lead guitar ang hawak nya nuon bihira lang ang drums…pero ngayon wla akong masabi sa music nya…maingay na ….

                  pero ang erpat ko nagustuhan ang music nya …. πŸ™‚ nang marinig ito …

  21. ODDBLOOD ay nagsabing:

    ano’ng uri ka ba ng nilalang, Hey? isa ka bang pokemon? psychic type? pero hindi eh..kamukha mo si TangelaπŸ˜„ haha..

  22. Ax ay nagsabing:

    Punta pala ako sa ating alma mater.. Kukuhain ko yearbook ko.

  23. taribong ay nagsabing:

    Hey, bakit nagbago ka ng itsura? may sumanib ba sa iyo?

  24. yhen ay nagsabing:

    hello hey,

    maari ko bang malaman kung kelan babalik si hamster?

    babae ka ba o lalaki ka?

    mahilig ka ba sa rice?

    heyheyhey! hug naman jan!

  25. Allen ay nagsabing:

    hey Hey!

    ano’ng meron at magpapahinga ka Jason? napagod ka kakatakbo sa hamster wheel? hahaha!

    o baka sasali ka sa G-Force? =))

  26. eli ay nagsabing:

    hello, nandyan po ba si hey?
    ano ba ang nangyari sa hamster?

  27. Bryan Karl ay nagsabing:

    Hey! Hey! Heypibertdey! lol

  28. night crawler ay nagsabing:

    hey! amerikano ka ba? kasi pag pinoy ka, dapat “hoy” hindi ba? haha

  29. hitokirihoshi ay nagsabing:

    ola hey!

    ni hao ma?

    pakisabi na lang kay tito jason na mabuhay at happy hallowwen. heheh

  30. .poOt! ay nagsabing:

    haha. // ang kyut kyut naman ni hey. [pabulong: mas kyut pa sa mapanghing si hamster].

    hey, may tanong ako: “lapitin ba ng multo ang mga taong mga di naniniwala sa multo? i mean, yung mga naniniwala sa multo, yun ba ang mga hindi pinapakitaan?” pakisagot ah hamster… ah este hey.

    panigurado, tulad ni hamster, papatok din si hey sa blogosphere. naks naman! nagpasipsip agad. hehe.

    • Hey ay nagsabing:

      Huwag ka maingay, nandyan lang si Jason, ako ang mapuputukan nun.

      Walang katotohanan na may basehan pa kung naniniwala ko o hindi sa multo. Maslapitin ang taong bukas ang pag-iisp o third-eye, dahil alam ng mga kaluluwa na sila ang dapat lapitan. Sila kasi ang makakatulong sa kanila. Kaso, karamihan sa kanila ay matatakutin kaya lalong matutuwa ang ibang mapaglarong kaluluwang ligaw…

      Iba-iba rin naman kasi ang mga kaluluwa, walang pagkakapareho, kung baga sa ingles – unique. kaya hindi mo sila magegeneralized kung maslalapit sila sa mga naniniwala at sa hinde.

      Salamat sa papuri mo, papatok? Kokonsulta muna ko kay Hamster.

  31. arsean ay nagsabing:

    hello hey…muzta ka naman???

    pakisabi kay jason bulilit

    ay wag syang mapikon…side comment lang…wehehehe toinkz

    peace out!!!!wahahaha

  32. Nortehanon ay nagsabing:

    Hey, para kay jason itong tanong ko na ito ha, at wala itong kinalaman sa paranormal experiences hehehe. Jason, parang nabanggit mo dati na nasa Bulletin ka. You ean, doon ka nagwo-work? If so, kilalal mo ba ang isang reporter dun? Si Ate Shanee Mamanglu. Nagbabakasakali lang hehehe. Thanks.

    • Hey ay nagsabing:

      Ok Bb. Nortehanon na may kyut na asong gravatar. Eto po si Jason katabi ko sya ngayon…

      Ms. N, tatanong ko po mamaya sa may Editorial Section. Kaano ano mo po sya? hehe

      Happy anniversary ulit Ms. N!!!!

  33. lovely ay nagsabing:

    wow sino si hey hehe..
    pakilala mo nga sya ng personal sakin hehe..

    hi hey hehe..

  34. taga-bundok ay nagsabing:

    wahahaha! Hey you… i think i know you Hey. wala lang… haha. kakatuwa naman. yung itsura mo parang tandang na nagpakulay nang palong. hehe… ikumusta mo ako kay Hamster ah. paki-kiliti na rin siya… haha!

  35. p0kw4ng ay nagsabing:

    di muna ako magcocomment ha at matatakutin ako..ahahaha

  36. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    may pag-asa ba sa babae si ax?

  37. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    sa kabayo?

  38. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    taga planet earth ba ang makakatuluyan ni ax?

  39. kaye ay nagsabing:

    e nagtatanong ang husband ko. totoo daw ba na kapag nanggaling ka daw sa sementeryo, paguwi mo, may sumasama ding mga spirits? bakit daw kaya ganun?πŸ™‚

    • Hey ay nagsabing:

      Bb. Kaye, ang inyong asawa po ay nagkakamali.
      Ang sementeryo ay hindi pinamumugaran ng spirits. Sa katunayan nga, ayaw nila doon.

      Kaya sabihin mo sa kanya wag mag-alala.
      Ok ba yun?

      Ang mga spirits ay kalimitan nasa ospital, karamihan ay nasa E.R. at Operating Rooms.

      • kaye ay nagsabing:

        lagot. yung sister-in-law ko pa naman e Emergency doctor. siguro marami rin siyang kasamang spirits dun.

        e teka, bakit ayaw nila sa sementeryo? naimagine ko pa naman na nagpaparty sila dun.

        • Hey ay nagsabing:

          Opo meron dun, minsan pa nga yung mga nakakakita talaga, nilalapitan ng mga yun tapos kinakausap sila. Dun kasi fresh pa lang ang pagpanaw.

          Ang mga spirits ay takot sa sementeryo dahil iisipin nilang ang sementeryo ay lugar kung saan sila tuluyang mawawala o daan para sila ay manahimik. At ayaw nilang puntahan ang mga decayed bodies nila inside their tomb.

          Bakit alam ko to?
          (insert x-files music here)

  40. stormy ay nagsabing:

    hey, nice to meet you:)

    diba mas okay kung hindi mo i-lelet go yung mahal mong namayapa na? hindi man sya maka-alis dito sa lupa at least magkasama kayo diba..anjan pa rin sya..

  41. tsenn` ay nagsabing:

    hi Hey! paranormal entity ka ba??
    hmm pakikwento naman ang katotohanan sa likod ng mga orbs. asap! joke :p may nakita kasi ako sa pics namin nun sa baguio. yeee.

    • Hey ay nagsabing:

      Ang mga orbs ay mga caught spirits na kadalasang nakukuha sa camera. Don’t worry Tsenn, hindi sila harmful entities.

      Ang ibang orb naman ay minsan hindi naman talaga orb, light exposure lang sa mga flash/ligtings sa paligid ng kodakan sessions.

      Patingin ng pics nyo sa Baguio. Si Jason ay may ganoon ding picture sa Laguna, tatlong shots ng camera na pareparehong lugar, yung pangalawang kuha, may orb.

      Teka, paranormal entity ba ako? Itatanong ko pa kay Jason.

      • tsenn` ay nagsabing:

        waw asap nga. aylabitπŸ™‚
        naku wa kwents din kung ipapakita ko ung pix sa baguio, hindi naman kasi ako kasali sa picture, ako ung kumuha. haha. patingin na lang ng pic ni kuya julio (jason)
        asap ulet! haha :p

        teka, kung walang flash, posible bang magkaorbs pa rin??

  42. brVince ay nagsabing:

    Sinong Hey?

    hahahah!

    Jason, thanks sa comment. I’m sure naman na binabasa nila dahil “required” hahahah! Pambihirang teacher, ano?

    Binabasa nila dahil gusto nila malaman tunay kung edad. Di nila nage-gets daw.

  43. barrycyrus ay nagsabing:

    Im confused with the Hey thing haha

  44. .poOt! ay nagsabing:

    aariba ulit ako…

    may tanong kasi ako…

    ano ang gagawin ko ‘pag nalaman kong in love sakin ang isa sa mga closest buddies ko? how will i handle the situation?

    • Hey ay nagsabing:

      depende rin sayo. Kung may karas ka sa kanya, edi ligawan mo.
      Pero isipin mo to:

      “anong mangyayare pag naging kami? Dalawa lang yan. Masira ang friendship, o maging lovers kayo.”

      nasa mga kamay mo ang sagot sa tanong mo. Walang kinalaman ang mga kaluluwa sa iyong problemang pampuso.

      basta wag kang maiilang sa kanya, gawin pa rin ang dating routines. Wag ipadadama na flattered ka.

  45. Good morning! Umagang kay ganda Brother Hamster!

  46. eli ay nagsabing:

    hey..hey..hey..

  47. arsean ay nagsabing:

    Anyong Haseyo!!!

    Good Morning Bulilit at Hey… Have a great a great day ahead!!!

    Cheers!!

  48. Ax ay nagsabing:

    Huwow.. Sobrang nakakapagod. Pumasok ako sa opis kahapon ng 2pm to 10 pm. Dumating sa bahay. ng 11 pm. Kumain, nag-internet, nag-ayos ng dapat ayusin at natulog ng 1.30 am. Gumising ng 4am para pumasok ulit sa opis.

    Whew. Buhay pa pala ako.

    At natawa ako. “Itinatago nga ni Ax..” Haha.

    • jason ay nagsabing:

      KAwawa ka naman. magpahinga ka naman oi!!
      Workaholic ka ba o kaadikan lang ang binigay na sked sayo?

      Teka nag internet ka na rin pala di mo nabasa mail ko?

      Anong itinatagO? hehe

  49. J.Kulisap ay nagsabing:

    hey wala pa po bang bagong topic si Kuya JasonHamster po namin?

  50. arsean ay nagsabing:

    Hey may tanong ako…gano kalakas ang lindol na mangyayari kapag tumalon si Bro. Hamster…???

    hahaha…

  51. eli ay nagsabing:

    kaya bang hulaan ni hey ang aking future? heyheyhey..

  52. taribong ay nagsabing:

    Ang galing-galing mo talaga Hey. May natulongan ka doon sa kabilang blog-hay. Gusto ko yung mga advices mo dun hehehehe.

    Akalain mo gusto kang puntahan. AStig talaga hehehehe.

    Ibang klase talaga ang iyong talento hehehehehe Kumusta ang pokeball?

  53. bongkito ay nagsabing:

    yelow hey! so di tlaga namamalagi ang mga espiritu sa sementeryo? san talaga sila madalas mamalagi maliban sa ospital? at saka totoo bang may mga ibang maiitim na espiritu na nag-aabang ng mga bagong kamamatay lang at pipilitin nila itong kunin para sa kabila pakinabang?!?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s