Paki-click ito para sa Part 1 & 2

Masaya ng namumuhay si Mais
kasama ang kanyang pamilya
sa Maisan.
Pumunta sila sa
burol para magpiknik.

Bawat araw ay ginugugol nila
para mag-bonding.
Ang mais mais naman…



nagpipicnic sa burol ang pamilyang mais


Mais: Wow mommy ang sarap talaga nitong Bigote ng Hipon Barbecue the best!!!
Nanay Mais: Talaga anak? Marami pa nyan sa bahay. Sige pakabusog ka.
Tatay Mais: Pero mas masarap talaga tong Paru-parong Giniling, san ka pa ang bango bango.

May nakitang di kanais-nais ang dalawang mais na ito


Mais Citizen 1: Halaaaaaaaaa!!! Ano yan!!!!!
Mais Citizen 2: HA-Ha-Ha
Mais Citizen 1: Walang nakakatawa adik ka!!!! wahhh!!
Mais Citizen 2: Ha- HALIMAW!! Takte may halimaw!!!!

Umaatake ang Higanteng Suso


May halimaw na sumalakay sa Maisan. Isa-isa nitong kinakain ang
mga mais na kanyang madaanan. Hindi matukoy kung
saan nanggaling ang halimaw na ito.

Kinakabahan ang mga magulang ni Mais sa binabalak ng kanilang anak.


Nanay Mais: darling tignan mo ang Maisan dali!!! Nababawasan!!!
At teka!!!
Tatay Mais: Watda!! OO nga! At sa dulo! May… may.. Halimaw!!!
Mais: Tay, Nay, wag kayong mag-alala, ako po bahala. Dito lang po kayo.

Ako ang harapin mo Higanteng Suso!!!


Mais: Ako ang Harapin mo Halimaw!!!
Halimaw: Mais!!! Mais!!! Mais!!!
Mais: “Bakit mo kinakain ang mga Mais!! inubos mo ang lahi namin!!!”
Halimaw: “Mais!! Mais!!! Mais!!!
Mais: “Marami kaming Bigote ng Hipon sa bahay, baka gusto mo non!!!”
Halimaw: “Mais!!! Mais!!! Mais!!!

Talagang mais lang ang tanging kinakain ng halimaw.

Mais: “Hindi to maaari!!!…….. Mais Machine Gun!!!!”

Ahahay hindi natalab ang machine gun kO!!

Mukhang hindi tinablan ang halimaw.
Mais: “Matibay ka!! Eto sayo!!! Dahon Whip!!!!”

Hindi pa rin tumalab ang mga dahon ni Mais nakopo!!!!

Mais: “Eto pa!!! Mais Machine Gun!!!!”
Pero kinain lang ng Halimaw ang mga mais na tinira ni mais.

Nako kinain na ang machine gun. wahh epek nakopo.



Dahil nainis si Halimaw kay mais, imbes na kainin sya…
ay hinawi sya ng mabilis ng mabilis, sa sobrang bilis, nagising na lang si mais na nasa gubat na sya.

napadpad na sa gubat si mais. pag dilat nya...


Pitcher Plant: “Anong maipaglilingkod ko sayo kaibigang mais? ikaw ba ay nauuhaw? Dali, pumasok ka sakin at may maiinom ka dito.”

si Pitcher Plant ay gustong akitin si Mais na uminom ng kanyang lason


Mais: “Hindi ako nauuhaw. May halimaw sa bayan namin. Tulungan mo
ako. Kumakain sya ng mais. Inuubos nya kami.”

Pitcher Plant: “Ganun ba? kawawa ka naman pala. Balak pa naman sana
kitang biktimahin at painumin ng lason mula sa aking katawan.
O sige, kumuha ka ng lason ko at ipainom mo sa kanya.”

Mais: “Salamat na lang. Pero hindi nya iinumin yang lason mo. Mais
lang talaga ang kinakain nya.”

Pitcher Plant: “Kung ganon, wala na kong magagawa. Humayo ka na
at ipagdarasal ko na lang ang kaligtasan ng angkan ng mga mais.



Mais: “…”

Nagulat si Pitcher Plant sa ginawa ni Mais.

gumamit ng bendy straw si mais para uminom kay Pitcher Plant

Kumuha ng Straw si Mais at dali-daliang humigop ng lason mula
kay Pitcher Plant.
Pitcher Plant: “Anong ginagawa mo?? bakit mo ginagawa yan!!!”
Tuloy tuloy pa rin sa paghigop ng lason si Mais.

Dali-daliang tumakbo si mais papunta sa bayan nila, kahit na
sobrang sakit na ng katawan nya dahil sa lason.

Kumakalat na ang lason, pero sige pa rin sya sa pagbalik sa Maisan


Mais: “Ha.. halim..w, hara….p…in mo.. ko….”

Halimaw: “Mais!!! Mais!!! Mais!!!
Nanghihina na si Mais. Kumalat na sa katawan nya ang lason.

Mais: “Ano…ng hini…hin..ta…..y m……o.

Ang muling paghaharap ni Mais at ni Suso



Dali daliang kinain ng halimaw si Mais…
Munch
Munch
Munch

at isa pang munch..

Pagkatapos ng lima, sampung sigundo, bumagsak ang katawan ng
halimaw at ito ay namatay.

Bumagsak ang halimaw, ngunit si mais...


Nanay Mais: “Anong ingay iyon? Nagkakagulo ata sila dun sa Maisan.
Tignan mo!! Hinahatak na ang halimaw. Patay na ang Halimaw!!

Tatay Mais: ” Halika, puntahan natin si Mais. Siguro sya ang nakatalo sa
halimaw. Dalian mo darling, i congratulate natin si Mais.”

Mula sa burol ay tanaw nila Nanay at Tatay Mais ang pagbagsak ng Halimaw. Pero di nila alam, ang anak nilang si Mais...

Ang Kandila
Oras na para sindihan Ang Kandila.

Paalam kay Mais...

About jason

walang clue. nak ng

253 responses »

  1. machongbutiki ay nagsabing:

    hampugi. pa base nga!!1

  2. Mars ay nagsabing:

    nakakaiyak naman ang iyong kwento

  3. machongbutiki ay nagsabing:

    takte sobrang ganda ng mga drawings!

  4. machongbutiki ay nagsabing:

    waaaahhh. how sad….

  5. machongbutiki ay nagsabing:

    giniling na paro paro pa. hahah.

  6. taribong ay nagsabing:

    Base na din hehehehe

    • taribong ay nagsabing:

      Huhuhu nailaan pala kay Mais ang kandila huhuhu

      (Ang galing-galing naman!!!!! Ang ganda ng drawings…. Congratulations, jasonhamster. Pinabilib mo ulit ako!!!!!
      Gusto ko rin ng Mais machine gun at Dahon Whip hehehe)

      • jason ay nagsabing:

        aw. kuya taribong.

        opo para sa kanya ang kandila.

        dahon whip.

        meron pa sana syang Limit Break eh. kaso di na nabigyan ng chance. mala- omni slash o lionheart. hehe

        wow salamat nagustuhan mo gawa ko kuya taribong!!

  7. jongskie721 ay nagsabing:

    ang cute tong mais.hehehe

  8. Sows ay nagsabing:

    sacrifice for the common good..aw.

    gandang kwento, kakalungkot na ending..

    πŸ˜‰

  9. scofieldjr ay nagsabing:

    ang ganda namn ng mga drawings, ikaw ba ang me gawa nyan…nice story too….

    meri krismas

  10. azul ay nagsabing:

    nyahaha ang kulet…si mais pa din ang bida..sayang lang wala na cia..

    hmmm
    padaan jason…

    adbans meri xmas

  11. J.Kulisap ay nagsabing:

    Buwis-buhay ang drama ng mais.

    Sinong mapagkalinga at dalisay na puso pa ang kayang gumawa nito para sa nakararami.

    Ang dambuhalang suso ay representasyon ng mga gahiganteng problemang kinakaharap natin na dapat hinaharap ng may tapang kahit na pinanghihinaan pa tayo ng loob.

    Maaring magkulang ang pagtingin natin sa ating mga kakayahan pero bayaning maituturing sa mas mahina pa ang loob sa atin.

    Mais, sinisindihan ko na ang kandila.

    Maligayang Pasko sa may ari ng sayt na ito. Jason Utoy.

  12. jason ay nagsabing:

    waw napakalalim ng interpretasyon mo G. Kulisap.

    nakakatuwa naman at pwede rin pa lang paghugutan ng
    kabuluhan ang aking mga akda salamat sayo!!!

    maligayang pasko din!!!

    hohohoho

    santa clause is coming to town!!!

    • J.Kulisap ay nagsabing:

      Para kay J.Kulisap, ang isang sulatin payak man o pinadudugo ang aking ilong sa kalaliman at gamit na wika ay isang sining kung aking ituring. Pinapalagay kong ito ay isang sining ng sumulat, anumang hatid na pagkakaintindi ng mga mambabasa kaya nararapat lamang na tugunan ng tamang titik.

      Para sa akin lamang naman ‘yon dahil ako ay alipin ng mga titik.

  13. bernardumali ay nagsabing:

    kaiyak naman. may suicidal tendency pala ang bidang mais mo hu hu hu.

  14. yhen ay nagsabing:

    ah yun pala yun… hehehe

    akala ko naging ibat ibang flavor ng mais si mais… ehhe…

    magsakripisyo daw ba ng di sinasadya? hehe…

    gandang araw hamster…

  15. taga-bundok ay nagsabing:

    Hamstermdam! Amishu ah… Saan ka ba nagsusuot?! Basa mode muna…πŸ™‚

    • jason ay nagsabing:

      Hamsterdam ka dyan. hahahaha kamusta mishu din ahahhaah

      gumaganon pa kuya tagabundok heheheh

      sige basa mode! timer starts now!!!

      • taga-bundok ay nagsabing:

        haha! ambagal ko magbasa noh… kasi naman binalikan ko pa parts 1 and 2 ng buhay ni mais. hehe…

        eto palang si mais ay isang payaso… isang anak na nagbalik sa pamilya… isang malinamnam na mais, este mabait.

        isinakripisyo ang buhay para sa maisan. ay teka, bat may butter si mais sa gamit? yun ba ang suntan lotion niya? hehe…

        seryoso na nga… “wala ng hihigit pa kundi ialay ang buhay sa dakilang bayan.” ang bayan ng mais nailigtas sa gahiganteng suso. ibinuwis ang buhay upang mailigtas ang mga kapwa mais. uminom ng lason upang ihandog ang katawan sa matakaw at buwakaw na halimaw.

        sino kaya sa ating mga Pilipino ang may katangian tulad ni Mais (+)? Handang mag-alay ng buhay (buong buhay, adhikaing magbago at magsilbi) para sa kapakanan ng Inang bayan… handang harapin ang mga halimaw sa kongreso, senado at palasyo. sino ang handang uminom ng lason ng kalaban upang magapi lamang ang kasamaan, ang katakawan sa salapi at katakawan sa pang-aapi sa kapwa? marami pa ang higanteng halimaw sa paligid…

        • jason ay nagsabing:

          wow. hehehe inantay ko nga ung pagtapos mong magbasa eh nakatulog na ko ahahha joke lang.

          nakakatats naman binalikan mo pa ang part 1 and part 2. hehe salamat!!!

          mahirap ng maghanap ng katulad ni maisa ngayon no?

          marami pa ang mga higanteng halimaw. ang bilis nilang dumami… pano natin sila susugpuin?

          Magandang umaga kuya taga bundok!

      • taga-bundok ay nagsabing:

        wahahaha!!! ngayon ko lang napansin… puede pa lang pakainin ang alaga mo…. wala lang. natuwa lang. sorry naman. walang muwang ang taga-bundok. bwhaha!

  16. awwwww…

    “there is no greater love than to lay down your life for your friends…”

    nasa text base ko ito….

  17. brother hamster, may favorite kwento ako mula sa nanay ko noong maliit pa ako. pwede ba gawan mo ng illustration?

    ang title ay “si maria at ang kanyang alagang igat”

  18. Prinsesa ng Drama ay nagsabing:

    sad naman nitong kwento mo jason!😦

    musta ka na? merry xmas!πŸ˜‰

  19. taympers ay nagsabing:

    ang lungkot ng ending pare. pero lesson learned… bawal mag piknik ang mga mais. hehehe

  20. aksoriyalmo ay nagsabing:

    daming mais niyan..

    at may pitcher plant pa.

    parang plants and zombies lang. inspired by p&z?

  21. lababo ay nagsabing:

    ang lungkot naman pre. >_<

  22. jason ay nagsabing:

    di ko nga alam kung kelan. excited na nga ko. di pa ko nakakatikim nun hahahahaha

    sanba si ate kaye

  23. lababo ay nagsabing:

    this wednesday? sige, kayo kayo muna. wahahaha. Pass muna ako. Puno pa ang sched ko this december eh. hektik! (parang artista). Next year pwede na ko. txt txt na lang.

  24. bongkito ay nagsabing:

    hi jason! ang lungkot naman ng kinahinatnan ni mais. pero hanga ako sa ginawa nya. ikanga ni fads, no greater sacrifice compares with one giving his life for the greater good. nice story!

    DQ ba? hmmm… sige ask ko ate kaye nyo. kaso may sakit pa sya she couldnt go to work becuz of her slipped disc. paggaling nya sige set na natin.πŸ˜€

    hi lababs! *kawaying*

  25. rhedzyie ay nagsabing:

    naiyak ako…

    namatay ba si mais?…

    nakow can’t wait to read the part four…

    sana maging bampira narin si mais…

    or werewolf ( andami nga nyang abs eh buong ulo )

  26. davin ay nagsabing:

    waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh! bakit mo pinatay c mais?
    Bat di mo pinagamit kay mais un butter? Dapat tinawag mo c Cherry Bomb para sabog agad un giant suso! An dami daming tropa ni mais walang bumak-ap.😦

    • jason ay nagsabing:

      hala!!!

      sorry naman.. teka.

      yung mga tropa ni mais nasa Gulay village. di nila alam nangyayare dun

      tapos yung ibang mais naman, mga duwag.
      ayaw sya tulungan, ayaw umisip ng paraan.

  27. kaye ay nagsabing:

    ang layo ko na tuloy… di kasi pumasok yung comment ko kagabi… naunahang madisconnect ng globe. boohooo…

    anyway, ang sabi ko, parang religious naman ang dating ng sacrifice para saken… sacrifice ni Lord, at ang panahon ng kanyang pagsilang ay magandang paalala sa ating lahat na malaking sakripisyo din ang ginawa Niya para sa atin kahit di naman tayo karapat-dapat.

    Merry Christmas and happy new year, kapatid na julio hamster.πŸ™‚

  28. dhyoy ay nagsabing:

    😦 patay na ba si mais?

  29. ana_banana ay nagsabing:

    Kawawang mais ): pero maituturing nga syang isang bayani dahil sinacrifice nya ang buhay nya para sa kaligtasan ng nakararaming mais.

    Para sya yung ordinary citizen na nagligtas ng mga tao noong kasagsagan ng bagyong Ondoy… pero hindi nya nailigtas sarili nya… so sad!

  30. tsenn` ay nagsabing:

    kuya julio! magandang haponπŸ™‚

    nalungkot ako. waah bakit si mais pa!😦 di ako makamove on sa paglisan ni mais kaya babatiin ko na lang ang illustrations..

    tulad ng dati, ipinamalas mo na naman ang iyong aking talento sa mspaint, aking kambal. (naks parang talent show lang haha) kaya ka siguro pasmado hane? tsktsk. ngayon ko lang nalaman na may special powers pala si mais! asteeeg! pero mas asteeeg ang cameo role ni bendy straw. wahaha aliwπŸ™‚

    panu yan wala na si mais? magrereencarnate ba sya para sa Si Mais Part 4?

  31. lovely ay nagsabing:

    sinisindihan ko ang isang kandila para kay mais..
    isa syang bayani..
    ipaglaban ang kanyang hustisya..

  32. tsiremo ay nagsabing:

    Munch, munch, munch!!! naku may Part 4!!! Baka busil na lang si mais hehe..yo jezon!

  33. livingstain ay nagsabing:

    oooohhhhhh napaka heroic naman ng ending…

  34. rowena ay nagsabing:

    aw…

    isang kandila para kay mais..

    wag kayong kakain ng suso baka may lason

    jOwk hehe

  35. kyut na rowena ay nagsabing:

    si sUsU hahaha

    halimaw na sUsU

    malaking sUsU

    hahaha LOL

  36. eda ay nagsabing:

    cute naman ng mga mais..
    ang galing.

  37. hitokirihoshi ay nagsabing:

    naks ang ganda naman ng kwentong kamaisan este kabayanihan nito.

    mabuhay Tio Jason!

  38. Junice Lopez ay nagsabing:

    anlungkot naman…

    pero nakakabilib talaga si mais!!

    pinakita nya ang kanyang katapangan!!

  39. Junice Lopez ay nagsabing:

    mapait man ang kinahantungan ni mais!

    Di pa din mapantayan ang pinakita nya para sa lahi nya!

  40. ricodebuco ay nagsabing:

    hay.. bat namatay si mais..maganda ung plot ng story sayang sad ending..dpt sana masaya kasi christmas na..hay..parang ampatuan massacre ang kuwento tuloy ..

    naiyak ang buco.

  41. jex009 ay nagsabing:

    anakngtipaklong si mais naglason para lang matalo si suso…

    MABUHAY SI MAIS!πŸ˜€

  42. pinkdiaries ay nagsabing:

    hello jason! tagal walang post ah?!πŸ™‚

    merry xmas!

  43. gudang ay nagsabing:

    grabe. super effort. hahah! hay kuya jason! naalala mo pa ko?! hahahaha! ge merry xmas!

    –gudang!

  44. p0kw4ng ay nagsabing:

    ang hero hero naman ni mais! kakaiyak!

    ano kaya ang lasa ng bigote ng hipon bbq..parang ang sarap,hihihi at ang higanteng suso..nawindang ako..kung walang petyurs eh parang higanteng boobs lang,hihihi

    hapi pasko jason!

    • jason ay nagsabing:

      hapi pasko dina te pokwang
      hahahaha

      buti may pictures diba hahaha

      kung nagkataon kumakalaban si mais ng dambuhalang ano.
      suso. ahaha

      suso – snail.
      suso – snail

      ahahahhaha

      merry xmas!!!!

  45. .poOt! ay nagsabing:

    ay another sad ending…

    pero ang ganda ng kwento.πŸ™‚

    MERRY CHRISTMAS pareng hamster.

  46. ... ay nagsabing:

    kuya jason… merry christmas po… sorry… sorry…

  47. Mon ay nagsabing:

    it’s like i’m watching/playing plants and zombies. hahah.. what a heroic act! hats off for Mais! ang galing. thumbs up to Jason Hamster for a great story and nice drawings! great job dude! ^^,

  48. It is Christmas in the heart that puts Christmas in the air.

    merry christmas brother hamster…

  49. asterisk ay nagsabing:

    first time ko dito.. i’ve linked your page.. cool.

  50. blakenwayt ay nagsabing:

    awww hero pala itong si mais!
    teka parang may kamukha yang si pitcher plant eh
    yung dun sa plants vs zombies
    hakhak!

    sad ng ending pero nagustuhan ko yung ending…
    hakhak!
    ang labo ba? basta!

  51. arsean24 ay nagsabing:

    weh nanakatats naman ang kabayanian ni Mais…mabuhay!!!!!!

    C pitcher Plant…Who’s that Pokemon???

    HAHAHAHA

  52. night crawler ay nagsabing:

    aba, at may kasunod na pala ang iyong compelling saga. hehe.can’t wait for the next installment(pelikula?) haha. merry christmas to you and your family. at sa lahat na rin ng nakakabasa nitoπŸ˜›

  53. aksoriyalmo ay nagsabing:

    oh, nasan na ang soundblog? hehe.

  54. batangistik ay nagsabing:

    maligayang pasko hamster.

    paano yan kinain na si Mais may part 4 pa ba?

    kawawa naman yung parents nya.

  55. tsenn` ay nagsabing:

    hey hey kuya julio heyπŸ˜€
    magandang gabi! ^_^

  56. happy innocents day brother hamster….

  57. bipolarsisa ay nagsabing:

    kawawa naman si Baby Mais. waha. pede mo ipublish mga kwento para sa mga bata, at isip-bata.πŸ™‚ kasama kami dun.. kalevel ng hope for the flowers saka jonathan livingston seagull.

    kudos! Happy Holidays!

  58. aksoriyalmo ay nagsabing:

    Ngayon ko lang napansin yung bagong picture mo sa sidebar. hehe.

  59. pinkdiaries ay nagsabing:

    magandang tanghali sa iyo!πŸ™‚

  60. yiN ay nagsabing:

    tol!!!!!!! perstaym ko yata magkomento dito sa blog mo, AMINUYIR TOL!!!!

  61. Prinsipe ng Pangarap! ay nagsabing:

    ayos. ka-cute naman. ahahahahaha!

  62. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    rated pg-13 pala ito for violence. bakit piantay si mais…di ba pwedeng pukulin nalang ng asin si halimaw?
    pati si mais eh pinag-initan…baka magtae ka nyan…

  63. tsenn` ay nagsabing:

    dumaan ako
    kase
    RIZAL DAY ngayon!
    hahaha :p
    happy rizal day sa bagong rizal! ^___^

  64. timangkey ay nagsabing:

    wehehehe… ayun pala ung kandila… mamamatay na si mais.

  65. orville ay nagsabing:

    hahaha… galing naman ng mais na yan..

    happy new year!!

  66. sandi ay nagsabing:

    ala na si super mais? abanganπŸ˜‰

    galing-galing!

    magandang araw sa iyo!

  67. FishVille ay nagsabing:

    I have become almost as addicted to Fishville as I was with Farmville! Theres something particularly calming about watching my Fishville empire grow. I wonder how long this craze will continue for though? What will be the next big thing to come along after Fishville, any ideas?

  68. Ravy ay nagsabing:

    nakakalungkot… ,

    nabigala ako sa katapusan ng istorya…

    pero naniniwala akong, lahat ng pagmamahal ay may katumbas na sakripisyo…

    at lahat ng nagsasakripisyo ay nagmamahal…

    sa likod ng kuwento…,

    nakita ko na naman ang emo na si mais na nagtatago sa makulay na larawan…

    …,

  69. jason ay nagsabing:

    napaghahabi mo ravy ang storya.. at ang buhay ni mais..

    ganun sobra kamahal ni mais ang mga magulang nya na hindi nya kakayaning maunang mawala ang magulang nya kaysa sa kanya,

    • Ravy ay nagsabing:

      kung nagawa mong isulat yun sa paraang pang komiks… naniniwala akong kaya mo ring gawin iyon sa totoong buhay… nakakabilib….,

      bihira na lang ang mga taong katulad mo…

      lubos ang pagmamahal para sa ibang tao…,

  70. jason ay nagsabing:

    opo.. kayang kaya..

    ginawa kong komiks para maakit ang lahat ng tao. mula bata, isip-bata, binata, dalaga, may asawa o wala, lolo, lola.. lahat…

  71. […] maraming beses na rin akong naantig at naaliw sa iba’t ibang kwento ng mga bloggers. Ah, si Mais! Sinubaybayan ko yon. Inalay niya ang kanyang buhay para sa lahat…Teka, malapit na pala ang […]

  72. fiel-kun ay nagsabing:

    Waah ang ganda po ng story nyo.. very original ^_^

    kakalungkot lang sa bandang huli dahil kailang magsakripisyo ni Mais upang mailigtas ang kanilang lahi.

    Wow first time ko dito sa inyong blogπŸ™‚

  73. Emarth ay nagsabing:

    hehe nakakatuwa naman si mais ang galing galing wew…

  74. Happy Pig ay nagsabing:

    everyone is a hero in there way..πŸ™‚

  75. kapatid ni geylii ay nagsabing:

    shet! ang sad naman ng ending…prang kereanovela lang ahh..laging patay ang bida!

    sorry mais napag-isipan kita ng masama. isa ka palang bayani!

  76. geylii ay nagsabing:

    gusto ko to!πŸ™‚ ganyan ang hanap ko sa istorya. patay palagi ang bida, wala naman kasing happy ending tlaga e. haha =p

  77. bungol ay nagsabing:

    anggaling ni mais

  78. bungol ay nagsabing:

    angaleng ng ginawa ni mais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s