Si Mais Part 3


Paki-click ito para sa Part 1 & 2

Masaya ng namumuhay si Mais
kasama ang kanyang pamilya
sa Maisan.
Pumunta sila sa
burol para magpiknik.

Bawat araw ay ginugugol nila
para mag-bonding.
Ang mais mais naman…



nagpipicnic sa burol ang pamilyang mais

Mais: Wow mommy ang sarap talaga nitong Bigote ng Hipon Barbecue the best!!!
Nanay Mais: Talaga anak? Marami pa nyan sa bahay. Sige pakabusog ka.
Tatay Mais: Pero mas masarap talaga tong Paru-parong Giniling, san ka pa ang bango bango.

May nakitang di kanais-nais ang dalawang mais na ito

Mais Citizen 1: Halaaaaaaaaa!!! Ano yan!!!!!
Mais Citizen 2: HA-Ha-Ha
Mais Citizen 1: Walang nakakatawa adik ka!!!! wahhh!!
Mais Citizen 2: Ha- HALIMAW!! Takte may halimaw!!!!

Umaatake ang Higanteng Suso

May halimaw na sumalakay sa Maisan. Isa-isa nitong kinakain ang
mga mais na kanyang madaanan. Hindi matukoy kung
saan nanggaling ang halimaw na ito.

Kinakabahan ang mga magulang ni Mais sa binabalak ng kanilang anak.

Nanay Mais: darling tignan mo ang Maisan dali!!! Nababawasan!!!
At teka!!!
Tatay Mais: Watda!! OO nga! At sa dulo! May… may.. Halimaw!!!
Mais: Tay, Nay, wag kayong mag-alala, ako po bahala. Dito lang po kayo.

Ako ang harapin mo Higanteng Suso!!!

Mais: Ako ang Harapin mo Halimaw!!!
Halimaw: Mais!!! Mais!!! Mais!!!
Mais: “Bakit mo kinakain ang mga Mais!! inubos mo ang lahi namin!!!”
Halimaw: “Mais!! Mais!!! Mais!!!
Mais: “Marami kaming Bigote ng Hipon sa bahay, baka gusto mo non!!!”
Halimaw: “Mais!!! Mais!!! Mais!!!

Talagang mais lang ang tanging kinakain ng halimaw.

Mais: “Hindi to maaari!!!…….. Mais Machine Gun!!!!”

Ahahay hindi natalab ang machine gun kO!!

Mukhang hindi tinablan ang halimaw.
Mais: “Matibay ka!! Eto sayo!!! Dahon Whip!!!!”

Hindi pa rin tumalab ang mga dahon ni Mais nakopo!!!!

Mais: “Eto pa!!! Mais Machine Gun!!!!”
Pero kinain lang ng Halimaw ang mga mais na tinira ni mais.

Nako kinain na ang machine gun. wahh epek nakopo.



Dahil nainis si Halimaw kay mais, imbes na kainin sya…
ay hinawi sya ng mabilis ng mabilis, sa sobrang bilis, nagising na lang si mais na nasa gubat na sya.

napadpad na sa gubat si mais. pag dilat nya...

Pitcher Plant: “Anong maipaglilingkod ko sayo kaibigang mais? ikaw ba ay nauuhaw? Dali, pumasok ka sakin at may maiinom ka dito.”

si Pitcher Plant ay gustong akitin si Mais na uminom ng kanyang lason

Mais: “Hindi ako nauuhaw. May halimaw sa bayan namin. Tulungan mo
ako. Kumakain sya ng mais. Inuubos nya kami.”

Pitcher Plant: “Ganun ba? kawawa ka naman pala. Balak pa naman sana
kitang biktimahin at painumin ng lason mula sa aking katawan.
O sige, kumuha ka ng lason ko at ipainom mo sa kanya.”

Mais: “Salamat na lang. Pero hindi nya iinumin yang lason mo. Mais
lang talaga ang kinakain nya.”

Pitcher Plant: “Kung ganon, wala na kong magagawa. Humayo ka na
at ipagdarasal ko na lang ang kaligtasan ng angkan ng mga mais.



Mais: “…”

Nagulat si Pitcher Plant sa ginawa ni Mais.

gumamit ng bendy straw si mais para uminom kay Pitcher Plant

Kumuha ng Straw si Mais at dali-daliang humigop ng lason mula
kay Pitcher Plant.
Pitcher Plant: “Anong ginagawa mo?? bakit mo ginagawa yan!!!”
Tuloy tuloy pa rin sa paghigop ng lason si Mais.

Dali-daliang tumakbo si mais papunta sa bayan nila, kahit na
sobrang sakit na ng katawan nya dahil sa lason.

Kumakalat na ang lason, pero sige pa rin sya sa pagbalik sa Maisan

Mais: “Ha.. halim..w, hara….p…in mo.. ko….”

Halimaw: “Mais!!! Mais!!! Mais!!!
Nanghihina na si Mais. Kumalat na sa katawan nya ang lason.

Mais: “Ano…ng hini…hin..ta…..y m……o.

Ang muling paghaharap ni Mais at ni Suso


Dali daliang kinain ng halimaw si Mais…
Munch
Munch
Munch

at isa pang munch..

Pagkatapos ng lima, sampung sigundo, bumagsak ang katawan ng
halimaw at ito ay namatay.

Bumagsak ang halimaw, ngunit si mais...

Nanay Mais: “Anong ingay iyon? Nagkakagulo ata sila dun sa Maisan.
Tignan mo!! Hinahatak na ang halimaw. Patay na ang Halimaw!!

Tatay Mais: ” Halika, puntahan natin si Mais. Siguro sya ang nakatalo sa
halimaw. Dalian mo darling, i congratulate natin si Mais.”

Mula sa burol ay tanaw nila Nanay at Tatay Mais ang pagbagsak ng Halimaw. Pero di nila alam, ang anak nilang si Mais...

Ang Kandila
Oras na para sindihan Ang Kandila.

Paalam kay Mais...

253 Comments Add yours

  1. machongbutiki ay nagsasabing:

    hampugi. pa base nga!!1

    1. jason ay nagsasabing:

      hampugi ka dyan.

    2. tsiremo ay nagsasabing:

      Bas ako! Mamaya ako mag detail reading ha.

      1. jason ay nagsasabing:

        sige k’tsi base ka rin haha

    3. Rozel Depacina ay nagsasabing:

      ahaha!ang galing ni mais aA….

    1. jason ay nagsasabing:

      sige lang. walang bayad ang base.

    1. jason ay nagsasabing:

      merry christmas base din kuya

  2. Mars ay nagsasabing:

    nakakaiyak naman ang iyong kwento

    1. jason ay nagsasabing:

      nakakiyak ba kuya mars? sorry…

  3. machongbutiki ay nagsasabing:

    takte sobrang ganda ng mga drawings!

    1. jason ay nagsasabing:

      weh talaga? apir!

  4. machongbutiki ay nagsasabing:

    waaaahhh. how sad….

  5. machongbutiki ay nagsasabing:

    giniling na paro paro pa. hahah.

    1. jason ay nagsasabing:

      oo masarap yun gusto mo makatikim?

  6. taribong ay nagsasabing:

    Base na din hehehehe

    1. taribong ay nagsasabing:

      Huhuhu nailaan pala kay Mais ang kandila huhuhu

      (Ang galing-galing naman!!!!! Ang ganda ng drawings…. Congratulations, jasonhamster. Pinabilib mo ulit ako!!!!!
      Gusto ko rin ng Mais machine gun at Dahon Whip hehehe)

      1. jason ay nagsasabing:

        aw. kuya taribong.

        opo para sa kanya ang kandila.

        dahon whip.

        meron pa sana syang Limit Break eh. kaso di na nabigyan ng chance. mala- omni slash o lionheart. hehe

        wow salamat nagustuhan mo gawa ko kuya taribong!!

  7. jongskie721 ay nagsasabing:

    ang cute tong mais.hehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      cute o cuto? hahahah

      salamat sa pagbisita dito jongskie!!

        1. jason ay nagsasabing:

          heheehhehee 😀

          merry xmas!! ho ho ho!! hahaha

  8. Sows ay nagsasabing:

    sacrifice for the common good..aw.

    gandang kwento, kakalungkot na ending..

    😉

    1. jason ay nagsasabing:

      nakakalungkot ano?

      hayssssttt

      1. Sows ay nagsasabing:

        pero my mgandang naidulot ang sacrifice nia..

        tama ng kaEMOhan na to!!

        meri xmas, jason!! 😉

        1. jason ay nagsasabing:

          hahahahahaha

          merry xmas din sows!!!

          1. Sows ay nagsasabing:

            ang lagay bati lng?

            gift ko?

            pengeng mais!! 😆

            1. jason ay nagsasabing:

              mais lang? sigurado ka sa hinihingi mo? yun lang?

              heheh

              😀

              1. Sows ay nagsasabing:

                ahm, lagyan mong butter and salt pra tasty!!

                😆

                eto 22o na, kahit anong gift pwede…BASTA TOTOO!
                😉

                1. jason ay nagsasabing:

                  pwede na ba ang spansish bread at crinkles

                  1. Sows ay nagsasabing:

                    smahan mong coke! 😆

                    1. jason ay nagsasabing:

                      at spanish bread ulit? haha 😀

                    2. Sows ay nagsasabing:

                      ah ewan!! hafi holidays nlng s lahat!!

                      gud morning hams!! 😉

  9. scofieldjr ay nagsasabing:

    ang ganda namn ng mga drawings, ikaw ba ang me gawa nyan…nice story too….

    meri krismas

    1. jason ay nagsasabing:

      wow talaga? ako po gumawa nito
      salamat nagustuhan mo
      hehe

  10. azul ay nagsasabing:

    nyahaha ang kulet…si mais pa din ang bida..sayang lang wala na cia..

    hmmm
    padaan jason…

    adbans meri xmas

    1. jason ay nagsasabing:

      oi azul! kamusta na!

      hehehe

      oo nga wala na sya, pinagtirikan ko na sya ng kandila

      merry xmas! hohohoho

  11. J.Kulisap ay nagsasabing:

    Buwis-buhay ang drama ng mais.

    Sinong mapagkalinga at dalisay na puso pa ang kayang gumawa nito para sa nakararami.

    Ang dambuhalang suso ay representasyon ng mga gahiganteng problemang kinakaharap natin na dapat hinaharap ng may tapang kahit na pinanghihinaan pa tayo ng loob.

    Maaring magkulang ang pagtingin natin sa ating mga kakayahan pero bayaning maituturing sa mas mahina pa ang loob sa atin.

    Mais, sinisindihan ko na ang kandila.

    Maligayang Pasko sa may ari ng sayt na ito. Jason Utoy.

  12. jason ay nagsasabing:

    waw napakalalim ng interpretasyon mo G. Kulisap.

    nakakatuwa naman at pwede rin pa lang paghugutan ng
    kabuluhan ang aking mga akda salamat sayo!!!

    maligayang pasko din!!!

    hohohoho

    santa clause is coming to town!!!

    1. J.Kulisap ay nagsasabing:

      Para kay J.Kulisap, ang isang sulatin payak man o pinadudugo ang aking ilong sa kalaliman at gamit na wika ay isang sining kung aking ituring. Pinapalagay kong ito ay isang sining ng sumulat, anumang hatid na pagkakaintindi ng mga mambabasa kaya nararapat lamang na tugunan ng tamang titik.

      Para sa akin lamang naman ‘yon dahil ako ay alipin ng mga titik.

      1. jason ay nagsasabing:

        talaga? salamat salamat 😀

        magandang umaga G. Kulisap

  13. bernardumali ay nagsasabing:

    kaiyak naman. may suicidal tendency pala ang bidang mais mo hu hu hu.

    1. jason ay nagsasabing:

      hu hu hu. sana mabuhay si mais.

      sino ba kase author nito. lol
      hahahaha

  14. yhen ay nagsasabing:

    ah yun pala yun… hehehe

    akala ko naging ibat ibang flavor ng mais si mais… ehhe…

    magsakripisyo daw ba ng di sinasadya? hehe…

    gandang araw hamster…

    1. jason ay nagsasabing:

      oo pandan flavor na mais o kaya avocado batik batik. hahahah

      magandang gabi ate yhen!!!

  15. taga-bundok ay nagsasabing:

    Hamstermdam! Amishu ah… Saan ka ba nagsusuot?! Basa mode muna… 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      Hamsterdam ka dyan. hahahaha kamusta mishu din ahahhaah

      gumaganon pa kuya tagabundok heheheh

      sige basa mode! timer starts now!!!

      1. taga-bundok ay nagsasabing:

        haha! ambagal ko magbasa noh… kasi naman binalikan ko pa parts 1 and 2 ng buhay ni mais. hehe…

        eto palang si mais ay isang payaso… isang anak na nagbalik sa pamilya… isang malinamnam na mais, este mabait.

        isinakripisyo ang buhay para sa maisan. ay teka, bat may butter si mais sa gamit? yun ba ang suntan lotion niya? hehe…

        seryoso na nga… “wala ng hihigit pa kundi ialay ang buhay sa dakilang bayan.” ang bayan ng mais nailigtas sa gahiganteng suso. ibinuwis ang buhay upang mailigtas ang mga kapwa mais. uminom ng lason upang ihandog ang katawan sa matakaw at buwakaw na halimaw.

        sino kaya sa ating mga Pilipino ang may katangian tulad ni Mais (+)? Handang mag-alay ng buhay (buong buhay, adhikaing magbago at magsilbi) para sa kapakanan ng Inang bayan… handang harapin ang mga halimaw sa kongreso, senado at palasyo. sino ang handang uminom ng lason ng kalaban upang magapi lamang ang kasamaan, ang katakawan sa salapi at katakawan sa pang-aapi sa kapwa? marami pa ang higanteng halimaw sa paligid…

        1. jason ay nagsasabing:

          wow. hehehe inantay ko nga ung pagtapos mong magbasa eh nakatulog na ko ahahha joke lang.

          nakakatats naman binalikan mo pa ang part 1 and part 2. hehe salamat!!!

          mahirap ng maghanap ng katulad ni maisa ngayon no?

          marami pa ang mga higanteng halimaw. ang bilis nilang dumami… pano natin sila susugpuin?

          Magandang umaga kuya taga bundok!

      2. taga-bundok ay nagsasabing:

        wahahaha!!! ngayon ko lang napansin… puede pa lang pakainin ang alaga mo…. wala lang. natuwa lang. sorry naman. walang muwang ang taga-bundok. bwhaha!

        1. jason ay nagsasabing:

          AHAHAHAHAHA bochog-in mo ung hamster ha!!!
          ang kulet heheheheh

  16. awwwww…

    “there is no greater love than to lay down your life for your friends…”

    nasa text base ko ito….

    1. jason ay nagsasabing:

      wow tama yan father

      1. hehe red lips si mother corn…

        1. jason ay nagsasabing:

          naka avon. parang reese witherspoon lang hehe

  17. brother hamster, may favorite kwento ako mula sa nanay ko noong maliit pa ako. pwede ba gawan mo ng illustration?

    ang title ay “si maria at ang kanyang alagang igat”

    1. jason ay nagsasabing:

      maria at alagang igat? hehehehe teka ano bang istorya nun father? si maria ba ay isang klase ng halaman? damong maria?

      1. (modernized version)

        si maria ay isang facebooker, taga pet society siya. ngunit nakikitira lamang siya sa bahay ng kanyang wicked stepmother. dedbol na kasi ang kanyang erpat. poor na poor sila. si maria ay may isang alagang igat na kanyang fishville aquarium.

        isang araw, wala silang makain…

        (saka ko na itutuloy)

        1. jason ay nagsasabing:

          ahahay. modern pala to father. at may aquarium sa fishville. ako rin meron. hhehehe natawa naman ako may igat. hehehe

          aabangan ko ang kwento father!!!

          1. hehehe isesend ko na lang soooooon ang karugtong niyan sa fb account mo para di mabasa ng iba. gagawin kitang guest illustrator sa blog ko ha….pero matagal pa.

            pang mother’s day post ko yan kasi…pero isesend ko sa u by march. lol.para mahaba ang preparation mo…hehe. thank you.

            1. jason ay nagsasabing:

              HAHAHAHA mahabang preparation nga yun father sige

              ill try my best na magawan ng illustrations yan.
              salamat sa pagpili saken .

              nyak

              hehehehehehe

              1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

                di ba yung igat mukhang giraffe.

                joke lang.

              2. hehehe para pag makakagawa ako ng book, isasama natin illustration mo.hehe.

                1. jason ay nagsasabing:

                  ang igat kaya yung electic eel. hahahah

                  waw talaga father? hehehe

              3. welcome…merry christmas brother hamster…

  18. Prinsesa ng Drama ay nagsasabing:

    sad naman nitong kwento mo jason! 😦

    musta ka na? merry xmas! 😉

    1. jason ay nagsasabing:

      sad ba ate ko? 😦

      MERRY CHRISTMAS!!!!

      kain tayo ng mais ate. hehehe 😀

  19. taympers ay nagsasabing:

    ang lungkot ng ending pare. pero lesson learned… bawal mag piknik ang mga mais. hehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      HAHAHAHA bat bawal! ang sasarap nga ng handa nila diba! hahahaha kamusta na taympers!

      1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

        siguro yun yung mais na kinain ko nung bumili ako ng pringles.

        1. jason ay nagsasabing:

          hahahaha pano ka nakasigurado na sya yun? at pede ba pagsabayin ang mais at pringles? heheh

          penge !

  20. aksoriyalmo ay nagsasabing:

    daming mais niyan..

    at may pitcher plant pa.

    parang plants and zombies lang. inspired by p&z?

    1. jason ay nagsasabing:

      ang dami nga nila eh kaso inuubos nung halimaw.

      hahahha plants versus zombies.
      sige next time may zombie na hahahah

      kamusta akso?

      1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

        oks lang ako. medyo aloof lang sa inyo. haha. ayos lang, may ganyang laro sa ipod ng kuya ko. plants versus snails, worms, etc. nakalimutan ko yung name ng laro. hehe.

        anyways, going back. ayos lang ako. lagi akong wala sa bahay.. kaya wala rin ang presensya ko sa blogrld. hehe.

        1. jason ay nagsasabing:

          talaga may ganyang game sa ipod? same ba ang gameplay sa PvsZ? mukang masaya yun ha!!!

          lagi ka wala sa bahay? busy kang makipag party-han siguro at gala-an sa gabi? disco boy ka ba?

          good ayos lang tayong lahat! haha

          1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

            siguro party animal na rin. hehe.

            uu, nakalimutan ko title eh.. nasa garden sila. tapos may mga worms, snails, bugs.. tapos yung mga halaman yung titira ng pellet, water, rocks.. kung ano ano. tadah.

          2. ngek PvsZ? yan ang fave game ng bestfriend ko! waaaaa!

            1. jason ay nagsasabing:

              ahahaha basta mukang PvsZ na game patok saken heheheeeheee. palaro naman ako nun ax hehe

              nakakaadik po talaga yun father!!!

              1. hehehehe ayokong maadik diyan. sabi ng friend ko itry ko daw, pinilit niya ako magpet society. ayun, ang pet na gawa ko wala ng taga alaga. hehehe di ko na nabibisita. hehe.

                ps. regards kay coco.

            2. aksoriyalmo ay nagsasabing:

              mas maganda laptop mo. dyan ka maglaro. haha.

  21. lababo ay nagsasabing:

    ang lungkot naman pre. >_<

    1. jason ay nagsasabing:

      nyaks. sorry naman

      >.<

    2. lababo ay nagsasabing:

      haha, dapat masaya! kasi pasko.. wahahahahaha

      1. jason ay nagsasabing:

        oo nga!!! kaso di pa naman pasko! hahahahah

      2. lababo ay nagsasabing:

        ganun na rin yun! masyado nang malungkot ang mga nakaraan kong blogs. kaya kahit malungkot pa rin, dapat masaya parin. huh? anu daw?????

        1. jason ay nagsasabing:

          HAHAHAH dinamay pa ung past blogs nya oh! hayan mo next post ko kwela naman. SANA

          hahahha

        2. lababo ay nagsasabing:

          eh kasi naman. anlungkot lungkot. wahahaha. parang engot lang. ayaw ng malungkot pero malungkot lahat ng sinusulat. Kelan na daw yung DQ?

          1. jason ay nagsasabing:

            hahahah pag magaling na daw si ate kaye. heheh

            kaya soon na!!!

            oo nga pansin ko nga malulngkot posts mo. ayos lang un kesa maipon diba

  22. jason ay nagsasabing:

    di ko nga alam kung kelan. excited na nga ko. di pa ko nakakatikim nun hahahahaha

    sanba si ate kaye

    1. lababo ay nagsasabing:

      wahaha.. nasa work? ako naman, bigyan ko na lang kayo ng moral support. kasi di ako mahilig sa ice cream. haha. Onga pal, di pako nakakareply kay kuya bong kung kelan pwede…

      1. jason ay nagsasabing:

        oo nga. gusto ko sana wednesday. hahahahhaha hmmmm kelan kaya..

        ako mahilig sa ice cream . hahaha

  23. lababo ay nagsasabing:

    this wednesday? sige, kayo kayo muna. wahahaha. Pass muna ako. Puno pa ang sched ko this december eh. hektik! (parang artista). Next year pwede na ko. txt txt na lang.

    1. lababo ay nagsasabing:

      este blog blog pala. blog blog na lang.

      1. jason ay nagsasabing:

        oo blog bloggan na lang hahahaha

  24. bongkito ay nagsasabing:

    hi jason! ang lungkot naman ng kinahinatnan ni mais. pero hanga ako sa ginawa nya. ikanga ni fads, no greater sacrifice compares with one giving his life for the greater good. nice story!

    DQ ba? hmmm… sige ask ko ate kaye nyo. kaso may sakit pa sya she couldnt go to work becuz of her slipped disc. paggaling nya sige set na natin. 😀

    hi lababs! *kawaying*

    1. lababo ay nagsasabing:

      yaik.. umatake na naman yung likod? kala ko meds na lang for that.. tsk tsk… pagalin pagaling… *kawaying too*

      1. jason ay nagsasabing:

        wahhh si ate kaye ko!!!

        nakopO!!!

        nasan sya?
        hala.

        nakakapanic naman. si ate kaye ayos na ba sya?
        kahit wala ng DQ basta gumaling lang ate kaye ko hala!!!

        1. davin ay nagsasabing:

          pagaling ka mami kaye…

          1. kaye ay nagsasabing:

            salamat, davin…

        2. kaye ay nagsasabing:

          shempre tuloy ang DQ pag magaling nako… kaso mostly confined to bed ako ngayon eh, bumaba na ang sakit sa right leg ko…sciatica=nerve pain na siya. si lang slipped disc 😦

          1. jason ay nagsasabing:

            awts naman ate kay. mawawala na yang saket na yan
            hehehehe

            lab lab ate kaye 😀

            pagpapray namen na umokey ka na hehehe 😀

            1. kaye ay nagsasabing:

              onga tama prayers talaga ang katapat nito… para kasing di umuubra ang gamot, corset brace, therapy at stretching exercises… ayoko pa naman maopera…katakot kasi spine yun eh…

              1. jason ay nagsasabing:

                opo.

                hahaplushaplusin ko po para mawala ang sakit
                😀

                Promise ate kaye within this week youll be perfectly fine.

                1. kaye ay nagsasabing:

                  galing mo talga, kapatid. ikaw ba si santino? kasi mejo umokey na siya at nakakatayo at upo na ako ng mejo matagal tagal. hmmm…salamat sa mga dasal. 🙂 at salamat shempre sa haplos.

              2. davin ay nagsasabing:

                sama ko sa magppray mami kaye… wag mo muna buhatin mga piglets mo ha, baka ma-stress lalo likod mo. pahinga ka na lng muna and pray…

                1. jason ay nagsasabing:

                  baket mga piglets! hehehehe

                  1. kaye ay nagsasabing:

                    Jason, piglets ang tawag ko sa mga toddlers ko. backread ka sa blog ko para makita mo. ehehehe

                  2. davin ay nagsasabing:

                    wahahahaha!!! natawa ko sa tanong mo jason. bwahahaha!
                    sila ay piglets, ikaw ay b@3_y! peace! 😀
                    merry christmas hamham!

                2. kaye ay nagsasabing:

                  salamat… di ko nga pwedeng buhatin na ang mga piglets. long story kasi… pero di ko na nga gagawin yan kasi gumagrabe ang likod ko eh…

                  1. jason ay nagsasabing:

                    @davin

                    takte ka loko hahaha ngayon ko lang nabasa comment mo humanda ka saken! haha

                    @ate kaye

                    pakwento ha ate!! hehehe merry christmas!!!!

  25. rhedzyie ay nagsasabing:

    naiyak ako…

    namatay ba si mais?…

    nakow can’t wait to read the part four…

    sana maging bampira narin si mais…

    or werewolf ( andami nga nyang abs eh buong ulo )

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaha

      may part four pa ba?
      hahahaha

      hindi yun abs. hahahahaha

      kaw talaga o 😀

  26. davin ay nagsasabing:

    waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh! bakit mo pinatay c mais?
    Bat di mo pinagamit kay mais un butter? Dapat tinawag mo c Cherry Bomb para sabog agad un giant suso! An dami daming tropa ni mais walang bumak-ap. 😦

    1. jason ay nagsasabing:

      hala!!!

      sorry naman.. teka.

      yung mga tropa ni mais nasa Gulay village. di nila alam nangyayare dun

      tapos yung ibang mais naman, mga duwag.
      ayaw sya tulungan, ayaw umisip ng paraan.

  27. kaye ay nagsasabing:

    ang layo ko na tuloy… di kasi pumasok yung comment ko kagabi… naunahang madisconnect ng globe. boohooo…

    anyway, ang sabi ko, parang religious naman ang dating ng sacrifice para saken… sacrifice ni Lord, at ang panahon ng kanyang pagsilang ay magandang paalala sa ating lahat na malaking sakripisyo din ang ginawa Niya para sa atin kahit di naman tayo karapat-dapat.

    Merry Christmas and happy new year, kapatid na julio hamster. 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      wow may pagka ala-christmas pala tong post ko
      thanks ate kaye!!

      HOHOHOHHO
      dahil ikaw ay good girl
      anong gusto mo sa pasko?-SANTA

      😀

      1. kaye ay nagsasabing:

        ang gumaling na…

        1. jason ay nagsasabing:

          talaga po? Weeeee

          happy!!

  28. dhyoy ay nagsasabing:

    😦 patay na ba si mais?

    1. dhyoy ay nagsasabing:

      tapos na ba ang karir nya?

      1. dhyoy ay nagsasabing:

        bakeeeeeeeeeeeeeet?

        1. jason ay nagsasabing:

          hala ate joyo.. yun po
          kase ang kapalaran ni mais.. huhu
          pasensya na ate joyo.

          kamusta?

  29. ana_banana ay nagsasabing:

    Kawawang mais ): pero maituturing nga syang isang bayani dahil sinacrifice nya ang buhay nya para sa kaligtasan ng nakararaming mais.

    Para sya yung ordinary citizen na nagligtas ng mga tao noong kasagsagan ng bagyong Ondoy… pero hindi nya nailigtas sarili nya… so sad!

    1. jason ay nagsasabing:

      oo para sa sangkamaisan.

      isa syang bayani. kung marerecover lang sana ang katawan nya pede sya libing sa libingan ng mga bayani.

  30. tsenn` ay nagsasabing:

    kuya julio! magandang hapon 🙂

    nalungkot ako. waah bakit si mais pa! 😦 di ako makamove on sa paglisan ni mais kaya babatiin ko na lang ang illustrations..

    tulad ng dati, ipinamalas mo na naman ang iyong aking talento sa mspaint, aking kambal. (naks parang talent show lang haha) kaya ka siguro pasmado hane? tsktsk. ngayon ko lang nalaman na may special powers pala si mais! asteeeg! pero mas asteeeg ang cameo role ni bendy straw. wahaha aliw 🙂

    panu yan wala na si mais? magrereencarnate ba sya para sa Si Mais Part 4?

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha kaw talaga julia hehe

      😀

      kawawa naman si mais ano?

      si bendy straw gawan natin ng story

      1. tsenn` ay nagsasabing:

        so hindi na pala babalik si mais. ah teka, baka me mais part4, kea lang sa heaven na ang setting. bwahaha got u! hehe joke lang :p gudmorning kuya! tuesday ngaun oh, tuesday! wala kang pasok bukas! hehe. apir! 🙂

        1. jason ay nagsasabing:

          wow heaven.. try ko. awts

          wowow opo julia walang pasok bukas ehehehe
          makakapag tulog ako sa wakas
          hahahahaa

          GOOD AM!!!!!

          apir!! 😀

  31. lovely ay nagsasabing:

    sinisindihan ko ang isang kandila para kay mais..
    isa syang bayani..
    ipaglaban ang kanyang hustisya..

    1. jason ay nagsasabing:

      ang hustisya? hahaha
      haha

      bayani nga si mais lovely.
      nasan ang kandila?

  32. tsiremo ay nagsasabing:

    Munch, munch, munch!!! naku may Part 4!!! Baka busil na lang si mais hehe..yo jezon!

    1. jason ay nagsasabing:

      aw. pano k’tsi kung wala ng part 4? nakopo.

      yo tsi!!!!!!!!!!!

      rakenrol!!!!!!!!!!!!
      hahahhaa

  33. livingstain ay nagsasabing:

    oooohhhhhh napaka heroic naman ng ending…

    1. jason ay nagsasabing:

      o shempre! di ako papayag na basta basta ang ending sa buhay ni mais. hahaha

      1. rowena ay nagsasabing:

        dapat sinubukan mo yung laban nasa may nagbabagang lava tapos mahuhulog si mais at magiging inihaw na mais..
        tapos uuwi xang maitim at magtatawanan ang mga mais dahil sa kakaibang pakikipagsapalaran at kabayanihan ni mais… ;))

        [wala lang ako magawa je] ;))

        1. jason ay nagsasabing:

          hahaha ayos ang storya mo hahaha

          kaso lava. baka malusaw si mais dun. hahahahah

          adik hahahahaha

  34. rowena ay nagsasabing:

    aw…

    isang kandila para kay mais..

    wag kayong kakain ng suso baka may lason

    jOwk hehe

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaha susong may lason.

      loko hahaha

  35. kyut na rowena ay nagsasabing:

    si sUsU hahaha

    halimaw na sUsU

    malaking sUsU

    hahaha LOL

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha LOL!

      ROFL
      hahahahahah

    2. lababo ay nagsasabing:

      dahil jan, kaibigan ko na si rowena… wahahaha. rotflmao!

      1. kyut ko talaga [rowena] ay nagsasabing:

        mukhang magkakasundo naman tayo e..

        kaya PRENS na tayo 😀

        1. lababo ay nagsasabing:

          hala. nakakatakot ba si kyut na rowena? Pareho kasi kaming natuwa dun sa monster. lol

      2. jason ay nagsasabing:

        hahahahah sigurado ka lababo? wahahahha

        ei wena. hahaha

        1. kyut ko talaga [rowena] ay nagsasabing:

          LOKO! anong nakakatakot! haha awooo

          1. jason ay nagsasabing:

            hahaha kulet nyong dalawa!

  36. eda ay nagsasabing:

    cute naman ng mga mais..
    ang galing.

    1. jason ay nagsasabing:

      wow salamat eda sa pagbisita dito sa kaharian ko.
      wahahah

      balik balik ka ha

      1. eda ay nagsasabing:

        oo naman. ilalagay kita sa blogroll ko sa ayaw at gusto mo ha? 😀

        1. jason ay nagsasabing:

          ahahahah parang may pagbabanta. ahha

          na aadd na rin kita. bisitahin kita mamya. 😀

  37. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    naks ang ganda naman ng kwentong kamaisan este kabayanihan nito.

    mabuhay Tio Jason!

    1. jason ay nagsasabing:

      talaga pamangkin?

      mabuhay tayo pareho! merry xmas! sayo! hahaha

  38. Junice Lopez ay nagsasabing:

    anlungkot naman…

    pero nakakabilib talaga si mais!!

    pinakita nya ang kanyang katapangan!!

    1. jason ay nagsasabing:

      oo nga. magbigay pugay tayo kay mais. joke lang
      hahaha

      😀 tapang nya no?

      pero pano mga magulang nya..

  39. Junice Lopez ay nagsasabing:

    mapait man ang kinahantungan ni mais!

    Di pa din mapantayan ang pinakita nya para sa lahi nya!

    1. jason ay nagsasabing:

      sana mabuhay si mais.

      nyah

  40. ricodebuco ay nagsasabing:

    hay.. bat namatay si mais..maganda ung plot ng story sayang sad ending..dpt sana masaya kasi christmas na..hay..parang ampatuan massacre ang kuwento tuloy ..

    naiyak ang buco.

    1. jason ay nagsasabing:

      merry christmas

      1. rico ay nagsasabing:

        merry christmas din hehee

  41. jex009 ay nagsasabing:

    anakngtipaklong si mais naglason para lang matalo si suso…

    MABUHAY SI MAIS! 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      yep naging kulay greeng batik batik san kapa 😀

  42. pinkdiaries ay nagsasabing:

    hello jason! tagal walang post ah?! 🙂

    merry xmas!

    1. jason ay nagsasabing:

      oo nga ate pinkee. matagl tagal din ang hibernation kow haha

      😀

  43. gudang ay nagsasabing:

    grabe. super effort. hahah! hay kuya jason! naalala mo pa ko?! hahahaha! ge merry xmas!

    –gudang!

    1. jason ay nagsasabing:

      heheh oo naman gudang naaalala pa kita. isa ka kaya sa pinakauna kong nakausap at nakablogroll
      hahahaha

      ;D

      merry xmas toO!

  44. p0kw4ng ay nagsasabing:

    ang hero hero naman ni mais! kakaiyak!

    ano kaya ang lasa ng bigote ng hipon bbq..parang ang sarap,hihihi at ang higanteng suso..nawindang ako..kung walang petyurs eh parang higanteng boobs lang,hihihi

    hapi pasko jason!

    1. jason ay nagsasabing:

      hapi pasko dina te pokwang
      hahahaha

      buti may pictures diba hahaha

      kung nagkataon kumakalaban si mais ng dambuhalang ano.
      suso. ahaha

      suso – snail.
      suso – snail

      ahahahhaha

      merry xmas!!!!

  45. .poOt! ay nagsasabing:

    ay another sad ending…

    pero ang ganda ng kwento. 🙂

    MERRY CHRISTMAS pareng hamster.

    1. jason ay nagsasabing:

      merry christmas pareng poot!!

      hehehe

  46. ... ay nagsasabing:

    kuya jason… merry christmas po… sorry… sorry…

    1. jason ay nagsasabing:

      walang dapat ipagsorry ok?

      merry christmas din sayo.

      1. ... ay nagsasabing:

        ksma rin cguro kau sa nagplan nun…

  47. Mon ay nagsasabing:

    it’s like i’m watching/playing plants and zombies. hahah.. what a heroic act! hats off for Mais! ang galing. thumbs up to Jason Hamster for a great story and nice drawings! great job dude! ^^,

    1. jason ay nagsasabing:

      salamat BoB.
      hehehe

      talaga nagustuhan mo?

      haha
      pinaghirapan ko rin yan 😀

      thanks thanks!!!

  48. It is Christmas in the heart that puts Christmas in the air.

    merry christmas brother hamster…

    1. Ax ay nagsasabing:

      merry christmas guys!

      1. jason ay nagsasabing:

        Merry Christmas father at ax!!!

        YahooO!!!

        1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

          nakikinikinita ko na ang new year natin. puro greetings ulit. aw.

          1. jason ay nagsasabing:

            oo kaya ihanda mo na comment section mo saken
            at ang email mo. haha

            1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

              haha! di pa pala ako nakakapagbukas ng email ngayong araw!

              1. jason ay nagsasabing:

                hahahaha mag eemail ako baka bukas.
                kase hectic ako ngayon lol
                (kelan pa ko naging busy hahaha)

                may debut kasi mamaya. perstaym ko umatend hahaha

              2. hehehe bati lang ng bati mula facebook hanggang blogs…

                1. jason ay nagsasabing:

                  HAHAHAHAHA

                  antayin mo newyear at three kings father.
                  😀

                  1. hehehehe ang dami pang celebrations!!!

  49. asterisk ay nagsasabing:

    first time ko dito.. i’ve linked your page.. cool.

    1. jason ay nagsasabing:

      talaga asterisk? salamat ah!!

      cool talaga? 😀

  50. blakenwayt ay nagsasabing:

    awww hero pala itong si mais!
    teka parang may kamukha yang si pitcher plant eh
    yung dun sa plants vs zombies
    hakhak!

    sad ng ending pero nagustuhan ko yung ending…
    hakhak!
    ang labo ba? basta!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahah salamat sa pagdalaw blakenwayt a.k.a. Ms. E
      hahaha

      anong plant sa plants versus zombies? yung Chomper ba o yung Peashooter hahahahaha

      salamat nagustuhan mo ha 😀

      1. blakenwayt ay nagsasabing:

        hahaha! hala!naglalaro din pala siya ng plants vs zombies!
        pero ui may bago akong nadiscover na laro na naman…
        marami naaadik ngayon dun!
        parang counterstrike! hahahaha!

        1. jason ay nagsasabing:

          anong laro yun ?? dali bigay mo saken ahahahah
          ano yan 😀

  51. arsean24 ay nagsasabing:

    weh nanakatats naman ang kabayanian ni Mais…mabuhay!!!!!!

    C pitcher Plant…Who’s that Pokemon???

    HAHAHAHA

    1. jason ay nagsasabing:

      WAhahahahh whos that pokemon nga! hahaha ikaw ang unang nakakita. dahil dyan. may premyo ka

      prents prize wahahahah

  52. night crawler ay nagsasabing:

    aba, at may kasunod na pala ang iyong compelling saga. hehe.can’t wait for the next installment(pelikula?) haha. merry christmas to you and your family. at sa lahat na rin ng nakakabasa nito 😛

    1. jason ay nagsasabing:

      merry xmas din night crawler!

      hahahaha ginawa mo namang pelikula ang buhay ni mais.

      ang tanong. may kasunod pa nga ba? hahahaha

  53. aksoriyalmo ay nagsasabing:

    oh, nasan na ang soundblog? hehe.

    1. jason ay nagsasabing:

      pramis ax next post ko audio blog. haha

      1. aksoriyalmo ay nagsasabing:

        sige, maraming magaabang niyan.

  54. batangistik ay nagsasabing:

    maligayang pasko hamster.

    paano yan kinain na si Mais may part 4 pa ba?

    kawawa naman yung parents nya.

    1. jason ay nagsasabing:

      maligayang pasko sayo istik!! tumalon ka sa newyear para tumangkad ka ha.

      may part 4?

      mangangalap ako ng 100 pirma para matuloy ang part 4 hahahah

  55. barrycyrus ay nagsasabing:

    happy holidays yo!

    1. jason ay nagsasabing:

      yo barrycus!!! merry xmas din sayo at sa iyong pamilya!!
      happy three kings na rin advanced lol

  56. tsenn` ay nagsasabing:

    hey hey kuya julio hey 😀
    magandang gabi! ^_^

    1. jason ay nagsasabing:

      magandang umaga na sayo Juia! 😀

      >:D<

      1. tsenn` ay nagsasabing:

        magandang hapon na kuya Julio! 😀

        >:D< back

  57. happy innocents day brother hamster….

    1. jason ay nagsasabing:

      ano innocent’s day father santino?

      1. ang december 28 ay innocents day — feast in honor of the children murdered by king herod in his search for the child jesus.

        1. jason ay nagsasabing:

          wahhhh… i did not know that.
          parang ang lungkot naman..
          wahhhh

          pero dahil may feast, game ako dyan.
          isulong natin para maging holiday!!!

  58. bipolarsisa ay nagsasabing:

    kawawa naman si Baby Mais. waha. pede mo ipublish mga kwento para sa mga bata, at isip-bata. 🙂 kasama kami dun.. kalevel ng hope for the flowers saka jonathan livingston seagull.

    kudos! Happy Holidays!

    1. jason ay nagsasabing:

      wow talaga sisa? thank thanks!!!
      😀

      HAppy threekings bipolarsisa!! 😀

      isip bata ba ? hahaha pasok na pasok nga tayo!!!

  59. aksoriyalmo ay nagsasabing:

    Ngayon ko lang napansin yung bagong picture mo sa sidebar. hehe.

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha kalimutan mo nang may nakita ka haahahaha

  60. pinkdiaries ay nagsasabing:

    magandang tanghali sa iyo! 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      mas magandang tanghali para sayo ate pinkee!! 😀

      tumbling tumbling!!!

  61. yiN ay nagsasabing:

    tol!!!!!!! perstaym ko yata magkomento dito sa blog mo, AMINUYIR TOL!!!!

    1. jason ay nagsasabing:

      happy new year din. dalasan mong bumisita
      at sana mawili ka sa mga kwentong kahamsteran!!

  62. Prinsipe ng Pangarap! ay nagsasabing:

    ayos. ka-cute naman. ahahahahaha!

    1. jason ay nagsasabing:

      wow talaga? haha

  63. Mr. Nonsense ay nagsasabing:

    rated pg-13 pala ito for violence. bakit piantay si mais…di ba pwedeng pukulin nalang ng asin si halimaw?
    pati si mais eh pinag-initan…baka magtae ka nyan…

    1. jason ay nagsasabing:

      wala namang blood! at Gore! haha

      oi sir non sense bat ngayon ka lang?

      1. Mr. Nonsense ay nagsasabing:

        busy noong pasko…..ipanapanganak pa lang ako…

        1. jason ay nagsasabing:

          wahahah nasubsob sa sabsaban hahaha

          kaya naman pala.

          tagal na kitang iniintay dito.

          regalo namin ni ax?
          haha

          1. Mr. Nonsense ay nagsasabing:

            inaantay ko yung balato ko galing sa three kings….baka hatian ko kayo.

            1. jason ay nagsasabing:

              hahahahaahha may three kings bonus kayo?
              nakanaman!!

  64. etchosera ay nagsasabing:

    Happy New Year!!!!

    1. jason ay nagsasabing:

      manigong bagong taon!!

  65. tsenn` ay nagsasabing:

    dumaan ako
    kase
    RIZAL DAY ngayon!
    hahaha :p
    happy rizal day sa bagong rizal! ^___^

    1. jason ay nagsasabing:

      wooohooooo!!!

      happy rizal day

      salamat din julia
      na binati m ko 😀

      ahahaha

  66. timangkey ay nagsasabing:

    wehehehe… ayun pala ung kandila… mamamatay na si mais.

  67. orville ay nagsasabing:

    hahaha… galing naman ng mais na yan..

    happy new year!!

  68. sandi ay nagsasabing:

    ala na si super mais? abangan 😉

    galing-galing!

    magandang araw sa iyo!

  69. FishVille ay nagsasabing:

    I have become almost as addicted to Fishville as I was with Farmville! Theres something particularly calming about watching my Fishville empire grow. I wonder how long this craze will continue for though? What will be the next big thing to come along after Fishville, any ideas?

  70. Ravy ay nagsasabing:

    nakakalungkot… ,

    nabigala ako sa katapusan ng istorya…

    pero naniniwala akong, lahat ng pagmamahal ay may katumbas na sakripisyo…

    at lahat ng nagsasakripisyo ay nagmamahal…

    sa likod ng kuwento…,

    nakita ko na naman ang emo na si mais na nagtatago sa makulay na larawan…

    …,

  71. jason ay nagsasabing:

    napaghahabi mo ravy ang storya.. at ang buhay ni mais..

    ganun sobra kamahal ni mais ang mga magulang nya na hindi nya kakayaning maunang mawala ang magulang nya kaysa sa kanya,

    1. Ravy ay nagsasabing:

      kung nagawa mong isulat yun sa paraang pang komiks… naniniwala akong kaya mo ring gawin iyon sa totoong buhay… nakakabilib….,

      bihira na lang ang mga taong katulad mo…

      lubos ang pagmamahal para sa ibang tao…,

  72. jason ay nagsasabing:

    opo.. kayang kaya..

    ginawa kong komiks para maakit ang lahat ng tao. mula bata, isip-bata, binata, dalaga, may asawa o wala, lolo, lola.. lahat…

  73. fiel-kun ay nagsasabing:

    Waah ang ganda po ng story nyo.. very original ^_^

    kakalungkot lang sa bandang huli dahil kailang magsakripisyo ni Mais upang mailigtas ang kanilang lahi.

    Wow first time ko dito sa inyong blog 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      wow.. sobrang thank you fiel-kun at na appreciate mo tong gawa ko.. sana bisita ka lagi ha 😀

      thanks thanks..

      mamimiss mo ba si mais?

  74. Emarth ay nagsasabing:

    hehe nakakatuwa naman si mais ang galing galing wew…

  75. Happy Pig ay nagsasabing:

    everyone is a hero in there way.. 🙂

  76. kapatid ni geylii ay nagsasabing:

    shet! ang sad naman ng ending…prang kereanovela lang ahh..laging patay ang bida!

    sorry mais napag-isipan kita ng masama. isa ka palang bayani!

  77. geylii ay nagsasabing:

    gusto ko to! 🙂 ganyan ang hanap ko sa istorya. patay palagi ang bida, wala naman kasing happy ending tlaga e. haha =p

  78. bungol ay nagsasabing:

    anggaling ni mais

  79. bungol ay nagsasabing:

    angaleng ng ginawa ni mais

Mag-iwan ng tugon sa kaye Pindutin ito para bawiin ang tugon.