O, Happy New Year na.
kunting araw na lang
year 2010 na diba.
Parang kelan lang ano?
Gumagapang pa ko
tapos nagsisimulang
lumakad. Ang bilis ng
panahon…


New year na, putukan na!!
Yahoo!! tambling tambling!!!



Naaalala ko nung BATA pa ako, sa bahay lang namin kami nagpapaputok. Sa tapat pala, sa bakuran. Bale watusi lang ang inaabot samin ni daddy para ikaskas sa pader, pero dahil sa takot ako sa watusi, nilalagay ko sya sa semento, tapos kakaskasin ko ng rubber shoes ko.

Nainis pa nga ko kay daddy kasi yung isang balot ng watusi sa foil, sinindihan nya ng kandila. Sa isang iglap, nagsayawan ang mga watusing ubod ng dami. Bat ako nainis? Kasi naubos na watusi wala nang natira para saken. Inabutan nya ko ng lusis.

Makulit din si Lola. Aabutan at aabutan kami ng tigitigitigisang tumpok-tumpok ng ubas ubas. Ipapakain at ipapaubos. Tapos ponkan, tapos mansanas. Basta bilog na prutas daw.

K
apag New Year naalala ko sa San Pedro Laguna, nagkakalat ng barya barya ang lola ko sa bahay nila. Kaya pag sapit ng Alas Dose, takbuhan kaming magkakapatid at magpipinsan. Nagsusuotan kami sa ilalim ng sopa, ref, kama, kabinet, furnitures at carpet. Paramihan pagkatapos.

Di nawawala ang mga fountain, labintador, plapla, sinturon ng hudas, at iba pa. Hindi ako nagsisindi ng mga ganun dahil… takot ako. yun lang. tama na ang pagiging audience ko sa mga fireworks. Di ko na gustong magparticipate sa pag-hihit and run na pagsindi sa mga paputok. Ayoko ng disgrasya mula sa paputok. Baka mabawasan pa ang six fingers ko.

Pero kelangang mag-ingay. Para daw magsilayasan ang masasamang elemento, at mga magnanakaw at mga holdaper at mga corrupt.
Kelangan may paputok pero dapat maingat. Inaamin kong naaaliw ako sa fireworks kaya gusto ko makakita ng maraming paputok sa langit.

Pagsapit din ng alas dose, tumatalon ako ng tumatalon para tumangkad. Kita naman ang epekto diba.

New year’s resolution ko ay ang hindi paggastos na parang walang bukas
at hindi na ko kakain ng madaming madami. Madami na lang. wahaha

Ang pinaka exciting part ay pag sapit ng alas dos onwards. Aakyat kami sa rooftop, tapos, mag ghoghost hunting. Takbuhan kami ng takbuhan at sigawan nung magpicture kami tapos may nahuling…

HAPPY NEW YEAR!!!



Time First muna
sa mga kwentong kahamsteran.

Eto muna ang ibabahagi ko.
Bakit ko nga ba ginawa to?
Eto na ang pramis ko.
Ang sound blogging. (thanks kay Ax)

Paki-click ito:
boses ng hamster

About jason

walang clue. nak ng

119 responses »

  1. redfieryheart ay nagsabing:

    Bagong Rizallllllll hapi bertdey hehe. Hayyyy ung hamster reminiscence ng kamusmusan iimaginin ko na lang ung sa akin nyahahaha. Happy New year!

  2. maligayang new year brother hamster…

  3. blakenwayt ay nagsabing:

    awts! di talaga ako makabase dito! ang hirappppppp! amp!

    • blakenwayt ay nagsabing:

      tuwang-tuwa ako sa watusi! dati-rati sinisindahan ko buong karton eh… tigtwetwentypayb ata yun! ayun sunog din ang twentypayb ko pero natuwa naman ako. tuwang-tuwa! tapos iniaaalog-alog ko pa sa mga palad ko! pero trip ko yung ilagay lahat ng watusi sa lata tapos sasaraduhan! wapak! ang ganda ng sound!

      yung lusis naman pinangdodrawing ko lang. ang boring eh. minsan pumuputok pa! kaya dapat yung bulacan na paputok talaga!

      naalala ko dati nagpaputok ako ng kwitis. minsan kapag nagsisindi sila ng whistle bomb, ang lapit lang sa akin. mga loko kasi! hahaha! pero wag ka buhay pa rin naman ako eh. maganda rin palang sindihan yung fountain. masaya din magpapicture dun! hakhak!

      naeexcite ako sa new year kasi gusto ko makakita ng maraming fireworks tapos pipicturan ko! kelangan talaga sa bubong ako eh! waaahoooo!

      happy new year kuya! waaahoooooooooo!

    • blakenwayt ay nagsabing:

      at may audio blog pa pala! gusto ko rin mag-audio blog! matry nga next year! wapak!

      • jason ay nagsabing:

        hahaahha nawili kang magsulat Ms. E. hahaha
        kamusta ka na??
        Kamusta schooling? malapit na matapos bakasyon ah

        buti naman di ka nadisgrasya salamat kung ganown.

        may mga lusis talaga na pumuputok sa kamay. nakopo..
        ingat ingat..

        sige mag akyatan tayo sa roof top.
        pagandahan tayo ng mga pictures na makukunan mamayang new years eve

        yaho!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

        HAPPy new YEAR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. tsiremo ay nagsabing:

    Gusto ko rin mag sound blogging lol para di na ko mag po post haha..Happy New Year Jezon, 2010 na!!! [magbago na!]

    Ang ganda ng hamster ah detailed ang pagkaka hulma..hanef!

    • jason ay nagsabing:

      magbabago na ko k’tsi!
      hahahaha
      2010 na eh kelangan ano…

      basta..
      behave na ko pramis
      haha

      talaga nagustuhan mo ang hamster na drawing?
      pinaghirapan ko yan. haha

      hanef talaga!!!

  5. blu.sparks ay nagsabing:

    happy new year jason!
    may sound blogging din..hehe

  6. Sows ay nagsabing:

    psst..ok na ung dating theme bat mo pinalitan..dhil new year?

    hafi new year! pag uwe ko pkikinggan ko yang sblog mo.

    God bless!

  7. aksoriyalmo ay nagsabing:

    woi. napakinggan ko na.

    teka lang. ilang seconds yun?

    “hi bale, sound blogging, ito ang pinakaunang blog ko na gamit ang boses ko. ahh. teka lang..”

    ayos ah! panalo nga eh.

  8. mtoni ay nagsabing:

    HAPPY NEW YEAR po!

    nipakinggan ko ung sblog mo at ang masasabi ko……………
    bagay kayo magsama ni ax dahil kung anong hinay mo pagsasalita eh sya namang bilis non.

  9. naglalambingnacute ay nagsabing:

    happy new year hamster cute cute

    pa tambling din!!

    mwaah!

    bakit ako talon ng talon pag bagong taon .. hmmmm cute pa din ang hieght ko ahehe๐Ÿ™‚

  10. Mon ay nagsabing:

    o asan na yung soundblog mo Jason? heheh

  11. lio loco ay nagsabing:

    happy new year parekoi! hula lang ah. etong soundblog ekek na ‘to eh pauso na naman ni akso aka lex. huhlolz!

  12. machongbutiki ay nagsabing:

    waaaahhh hape new yer. hamster,,..
    kmusta? tagal din di nakadalaw dito ah.
    tgal din ndi nakapag kita ah..
    musta musta!!! pati si ax din!!!

  13. machongbutiki ay nagsabing:

    ang galing galing nmn ng new year mo.. hahhaa.

  14. happy dreamer ay nagsabing:

    ang cute nman ng hamster.. happy new year po =)

  15. dhyoy ay nagsabing:

    hmmm bakit parang nag-iba boses mo… parang 21 years old na, d na 12… ehehehe… happy new year naman, next time kanta na ha, gaya nung nikanta mo sa akin hihihi…๐Ÿ˜› yung masterpiece ko di mo na napakinggan๐Ÿ˜†

    • jason ay nagsabing:

      21 years old naman talaga ko! hahaha

      tsaka yan ang boses ng stressed! wahahahahah๐Ÿ˜€

      yung kinanta ko dati?

      OO nga ate tagal ko na iniintay ang masterpiece mo.!!!

  16. night crawler ay nagsabing:

    ako ayaw ko na magpaputok parekoy. mahal ko pa mga daliri ko eh. hehe. happy new year sayo at sa pamila mo… pati na rin sa mga mambabasa mo. nga pala, hanep ang recording. sa susunod, kumanta ka naman para masaya. haha

    • jason ay nagsabing:

      tama tama wag magpapaputok. hehehe

      happy new year din sayo night crawler at sa lahat ng mahal mo sa buhay..

      oha oha

      kakanta ko?

      gusto mong magsara ang bagong rizal? wahahahah
      ๐Ÿ˜€

  17. happy dreamer ay nagsabing:

    ako nlang ka2in ng foods you para matupad new year’s resolution natin..ehe =)

  18. Allen ay nagsabing:

    naaalala ko nung BATA pa ako, nagpapaputok ang tatay ko ng baril. haha. brutal diba.

    Happy new year Doding…. hamster? :))

  19. Bryan Karl ay nagsabing:

    Happy New Year Jason!

  20. batangmangyan ay nagsabing:

    happy new year hamster! more hamsterfulness this 2010. Explore!

  21. richard ay nagsabing:

    napadaan.. hehe.. happy new year! putukan, tambling, tambling.. lol

  22. etchosera ay nagsabing:

    ganda ganda ng boses hehe halatang kabado at nahihiya pa pero bka sa sunod na sound blog mo eh DJ n ang dating hmmm.

  23. bipolarsisa ay nagsabing:

    Happy New Year Kuya Jason!๐Ÿ™‚

  24. bipolarsisa ay nagsabing:

    halatang halata na nainggit ka lang.๐Ÿ™‚

  25. bonistation ay nagsabing:

    HAPPY NEW YEAR! sana dumami pa ang alaga mong hamster! para next Christmas makakabuo ka na ng malaking HAM!! wiiiiiiiiiiiiii!!!

  26. pokw4ng ay nagsabing:

    may ganyan din ang nanay kong kaanikan…mga barya sa mga kung saan saan,hihihi…pero iniimagine ko kayo sa magsuot sa ilalim ng ref,hihihi

    happy new year jayson!

  27. p0kw4ng ay nagsabing:

    hala bakit yung email na yun naisulat ko sa name…ahahaha!! sowee naman at mali!

  28. jheiphoe ay nagsabing:

    HAPPY NEW YEAR!! ^^

  29. doroastig ay nagsabing:

    munting pahabol: MANIGONG BAGONG TAON!!!

  30. rllqph ay nagsabing:

    happy new year sa hamster ng pinoy wp! yay!

  31. joycee ay nagsabing:

    Nyahahaha uso soundblogging nagyon? Ahihi happy new year hamster! Di totoo na pag tumalon ka sa bagong taon, tatangkad, baket ako???

    Waaaah happy nu year!

  32. topexpress ay nagsabing:

    HAPPY NEW YEAR TOL!!!

    natatawa ako sa sound blogging mo! ahahahaha

    ang dami mo nasabi! ahahahaha

    wishing u all the best for 2010

  33. taga-bundok ay nagsabing:

    ahahahaha!
    hindi muna ako mag-comment sa post mo.

    inuna ko ng pakinggan ang boses mo…. nagsasalita pala ang hamsterdam.๐Ÿ™‚ ayos! panalo… at ako naman ang naiinggit. ahaha!

  34. J.Kulisap ay nagsabing:

    hindi ko pa binasa. dumadaan para mangamusta sa poging bata.

    papogi ng papogi lang para ayos ang mga susunod pang taon.

  35. aLps ay nagsabing:

    Pagsapit din ng alas dose, tumatalon ako ng tumatalon para tumangkad. Kita naman ang epekto diba.

    Pahinging height! Kaunti lang! Haha. Happy new year!

  36. bonistation ay nagsabing:

    Happy New Year!! na inggit ka lang pala eh! haha inggiterong daga!! waaaa!

  37. lababo ay nagsabing:

    Papasko ko!!! Happy Nyunyir pre. Haha

  38. ahkong ay nagsabing:

    HAPPY NEW YEAR ssa inyo !!!

  39. eli ay nagsabing:

    happy 2010 sa ‘yo hamster!

  40. Sows ay nagsabing:

    ayown. napakinggan ko rin!! haha..compared sa boses ni ax na pang col sener telege, ung boses ni hamster ay parang inosenteng totoy! (totoy ha, hindi patotoy! oooopsss…)

    hat list cute! oha oha! bumawi!!
    ๐Ÿ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s