May isang treasure chest sa ilalim ng dagat.
Ang kalahating katawan nito ay nakabaon
sa lupa at parang nakadikit na nga.

Nakita ito ng mga magbabarkadang
lamang-dagat at sila ay na-excite.

Ang magbabarkada ay sila Hipon, si Krab, si Isda
at si Starfish. Samahan nyo ko sa isang
Adventure sa ilalim ng dagat.

Hipon: “Hohoho ano itong baul na to? Ang swerte natin.”

Krab: “Panigurado, Golden Sipit ang laman nyan. Para mapalitan ang
mga kinakalawang kong ano. yung ano ko. Sipit. hehe”

Hipon: “Hohoho, oo nga ano, pero sana… Ang laman nyan ay
isang napakagandang coral na pwede kong tirahan.”

Krab: “Golden Sipit Golden Sipit!!!”

Habang nagtatalo si Hipon at Krab, dumating ang kanilang mga kaibigan.

Isda: “Anong Golden Sipit ang sinasabi mo….. Teka, Ayan ang sinasabi ni Haring Neptune, na huwag na huwag daw gagalawin.

Krab: “Yan na ba ang Forbidden Treasure Chest???”

Isda: “Oo yan na nga yung Forbidden Treasure Chest.. Hmmmm, baka naman, maraming bulate at uod ang laman nyan!!!”

Hipon: “Hinde!!! Coral Reefs ang laman nyan!!!” Basta WALANG magsusumbong kay Haring Neptune ha.

Krabs: “Mukha mo!! Coral Ree… GOLDEN SIPIT!! GOLDEN SIPIT!!!”

Isda: “Mga bulate nga ang kukulit naman ng mga hasang nyo!! Starfish hoy gising ka ba?”

Starfish: “Ang laman nyan … world peace…”

Pinagtinginan lang si starfish ng mga kabarkada nya.
Maya-maya, may nakita sila na bumababa sa tabi nila.

Isang hook, na may mga bulateng nakasabit.

Hipon: “Tignan nyo oh!!! ano yan?”

Isda: “Tignan mo nga naman ang swerte. Inyo na yang baul na yan. Nandito na ang hinahanap ko. Ang sarap nito!!”

Starfish: “nakakainggit ka naman Isda.”

Krab: “So, sakin na ang Golden Sipit? salamat!!”

Hipon at Starfish: “???”

Pagkagat ni Isda sa mga bulate…

Agad iniangat ang hook at naglaho na ng tuluyan si Isda.

Hipon: “wahhh? anong nangyari? bakit tumaas si Isda? asan na sya?”

Starfish: “isa itong delubyo. malapit na ang paghuhukom. manalangin tayo. si isda ay makasalanan at sya ay kinuha na. paalam isda.”

Hipon: “anong sinasabi mo dyan starfish? kawawa naman si isda kung sakali.”

Krab: “Tama si Starfish. Nakakita na ko ng ganyang eksena dati. Hook ang tawag dun sa tumaas na yun at paen naman ang mga bulate. Kawawang isda. Wala man lang akong nagawa. Masyado akong nagpokus sa baul na to.”

Maya maya ay may bumababa na namang Hook na may laman ulit na mga bulate.

Hipon: “May naisip ako!!!

Nagtipon ang tatlong lamang-dagat at may pinaplano sila.

Tinampal-tampal ni hipon ang mga bulate para mahilo at mahimatay.

SInugod naman ng mala-shuriken move ni Starfish ang mga bulate
at tuluyang tumalsik ang mga to.

Sinipit ni Krab ang hook at ipinasok sa keyhole ng baul.

Biglang umangat ang hook, at….

Bumuka ang BAUL!!!!!!

Umilaw ito.. Ngunit ang ilaw ay madilim.

nagulat ang lahat….

ang lumabas ay isang…..


Higanteng Pogita!!!

Krab: “Takbo!!!!”

Hipon at Starfish: “???”

About jason

walang clue. nak ng

311 responses »

  1. machongbutiki ay nagsabing:

    base. maya ko to bashin maige. hehe. basta base ako.

  2. machongbutiki ay nagsabing:

    base

  3. taribong ay nagsabing:

    Base. Hehehe nasa laot pa ako…

  4. taribong ay nagsabing:

    Ayos ah! Galing talaga… Lumabas ang higanteng pogita na may zipper sa mukha waaaaahahaha

    • jason ay nagsabing:

      hindi po yun zipper. tahi yun. hahahaha

      • davin ay nagsabing:

        bket un pogita may pangil??? ahehehe…๐Ÿ™‚

        si isda madaling natukso, ayun. napahamak.
        gusto ko ng tempura saka spicy crab. dampa tayo. ahahaha๐Ÿ˜€

        • jason ay nagsabing:

          kasi yung pogita ano… nag mumutate na kasi matagal na sya sa loob LD

          si isda kasi pabigla bigla ano…

          teka ano dampa??

          Ginutom ka na naman hahahaha kaw talaga! ๐Ÿ˜€

          • davin ay nagsabing:

            dampa sa pque, ung may fresh seafoods market tas papaluto. malamang nandun si isda. hehehe… meron din sa seaside along macapagal, ganun din fresh seafoods market tapos papaluto. kaya dapat mahuli na din si hipon. hmmmm… sarap ng tempura!๐Ÿ˜€

  5. Mon ay nagsabing:

    Ayun! Pogita lang pala ang laman nun. haha

    ang kukulet kasi ng mga laman-dagat na yan!! kakatuwa.. ehehe ^^

  6. Lionheart ay nagsabing:

    Naks naman! Cute ng story…

    Akala ko spongebob! Hehe๐Ÿ™‚

    Love it! First time ko sa blog mo…๐Ÿ™‚

  7. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    Ay, parang may kasunod na kabanata pa ito ah… Ooops, bago ko malimutan, makiki BASE na rin ako. BASE! Ayan. Galing pa kasi ako sa kagubatan para mamitas ng maraming pera kaya ngayon lang ako nakarating dito sa dagat. Ako sa Sunday ang post ko. Abangan abang ha?

    Ang ku-cute ng mga drawings at astig ang mga moves ni Starfish ah! Parang nanood ako ng Naruto!๐Ÿ™‚

  8. mtoni ay nagsabing:

    tama hinala ko, kontrabida laman ng baul.

  9. J.Kulisap ay nagsabing:

    Mga inosente de ti ba sila starfish, isda, crab at hipon? O, sila ang salarin kung bakit may tahi sa ulo si Pogita?

    Sino ang pumukol sa ulo ni Pogita? Tahanan niya ba ang baul o ikinulong sya don dahil siya ay kriminal?

    Abangan..ngan..ngan.ngan

  10. Allen ay nagsabing:

    Haha! akala ko naman Pandora’s box yung baul. :))

    kawawang isda. di nakita si pogita. wahahahaha!

  11. Ax ay nagsabing:

    Jezon, magandang umaga! Teka yung boss medyo ginugulo ako, pagsasabihan ko muna! Hehe.

  12. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    ano ulit ang moral lesson nito?
    hmmmm………………..?

    kung may kalawang ang iyong ano–
    si jkul ang tawagan mo?

  13. arnie ay nagsabing:

    hmmmm…nakakarelax tignan ng mga kulay sa larawan…hahaha

    sinisisid pa ng aking isipan ang naging aral ng iyong magandang likha…hahahahaa๐Ÿ™‚

  14. ahmmmmm…..mayroon ba silang three wishes?

  15. Junice Lopez ay nagsabing:

    wEew! pogita pala!

  16. Eli ay nagsabing:

    Haha.pugita pala.kaya pla nagdilim.ang galing uli ng bgong kwentong hamster.hehe nice! 1.0 grade mo ngaun๐Ÿ™‚

  17. tsenn` ay nagsabing:

    napakamakulay!
    may part two to..
    pupusta ako ng, hmm, iced gem! hahaha!
    at may shuriken ang starfish..why not choknat haha!
    thumbs up kuya julio!๐Ÿ˜€

    off topic: napansin ko ang tattoo ko sa sidebar. naks naman. salamat kuya. nakakatouch ^_^

  18. Ax ay nagsabing:

    dude, pinatay mo si isda.

    2 days from now, sarado na’tong blog mo.. lagot ka sa animal rights group. tsk.

  19. Ax ay nagsabing:

    umilaw ito.. ngunit ang ilaw ay madilim.

    hanep! naiyak ako.

  20. dhyoy ay nagsabing:

    may bagong mga bida?

    ayan ang napapala ng mga batang mahilig makialam… hihihi

  21. taga-bundok ay nagsabing:

    kawawang isda… pakunwari pang walang interes sa baul.
    ang nasa isip naman niya ang mga uod… eh yun ang gustong-guto niya.
    ng makakita ng uod, hayun at sinunggaban… tepok, siya na ngayon ang laman ng tiyan ng taong gutom.

    ang pagkukunwari sa isang bagay hindi maitatago ng panghabambuhay.
    darating ang isang pagkakataon na uudyokin ka ng iyong pagnanasa at dadalhin ka nito sa kapahamakan… o kasawian ng iyong buhay.

    ako nae-excite sa kwento ni starfish… world peace. hmmmnn… ?!๐Ÿ˜€

  22. rllqph ay nagsabing:

    asteeeegggggg!

    go pogitaaaaaaa! kainin mo silaaaaaaaaaaa

  23. J.Kulisap ay nagsabing:

    Hindi ka perfect sa pagsusulit tungkol kay J.Kulisap pero natuwa ako ng labis.

    Matsala

  24. etchosera ay nagsabing:

    at ang susunod na sasalakayin ng pugita ay si Jay..duduraan nia ng kanyang tintang itim๐Ÿ™‚

    akap ko Jay, san na ?

  25. dencios ay nagsabing:

    yun pala si pogita, mabait naman pala.kala lang nila na masama. at magiging kasa-kasama din nila sa kanilang adventures.

    pede namang mangyari yun diba kuya jason?

    malay ba natin na nagulat lang si pogita kaya ampanget nya paglabas? haha
    ๐Ÿ˜€

  26. nhickole ay nagsabing:

    Bibisita lang po bagong blogger po ako hi kuya jason๐Ÿ™‚

  27. Sows ay nagsabing:

    moral lesson:

    curiousity could kill..

    gud morning hams!!

  28. lababo ay nagsabing:

    anung pangalan nung pugita na scarface? haha.. gusto ko ng pet na pugita!!!!! bagay kami, pugita ang pet, pogito ang owner. LOL

    Gud Morning, Gud Morning.

  29. timangkey ay nagsabing:

    wehehe bakit ung kanta na tong tong tong nangangagat daw ung alimango? eh naninipit naman.

    hipon, narinig ko na expression na yan ah.hahaha

    teka, ung isda ba kung galing sa ilog considered pa ring seafood?

  30. aninipot ay nagsabing:

    naa-alala ko friend ko sa story mo…hehe, mahilig ding mag-imbento ng kwentong pambata yon…. cute ng mga drawing, yoko ng magcomment sa sinulat mo baka sabihing pang miss universe din observation ko..haha

  31. walongbote ay nagsabing:

    natatawa ako kay starfish eh, parang TOOD LANG.. haha,.pero may sense..comedy eh.. pugita pala ang loob ng baul. yay. kala ko mga golden chuva..

  32. beeftapa ay nagsabing:

    hahaha ang gulu gulu nman dito jason, hahaha! ang saya.๐Ÿ˜€
    ibang iba sa kabila.๐Ÿ˜‰
    bket nman kase sa treasure chest kinulong si pogita. khit ako bubuksan ko un eh. wahahaha๐Ÿ˜€
    pede sya ibenta sa perya!๐Ÿ˜‰

  33. kaye ay nagsabing:

    ang tanong ko, sinong tumahi at nagopera sa sugat ni pogi-ta!?

    Hello kapatid ko!

    • jason ay nagsabing:

      Hahahaha hinde po operada si pogita, malay natin baka pa epeks nya lang yana te kay para maging maton ang dating nya. hahaha

      ANG ATE KAY KO!! ANG ATE KO!

      WALANG MAGULO ANDITO NA ATE KO

      AM SO HAPPY!!

      • kaye ay nagsabing:

        hehe sorry na, me hangover pa sa pagkakaopera kaya akala lahat operado. hahahaa!

        sige dapat walang magulo. AKO LANG DAPAT! hahahaha!

        And I am so happy. nakabasa na naman ako ng mga makulit na kwento. ang galing galing mo talaga, mapasulat ng kwento o mapadrowing.๐Ÿ˜‰

  34. machongbutiki ay nagsabing:

    hang ganda o. san napunta si hipon at starfish?
    hahaha pogita ba? hahaha adik, wala na talaga
    kong masabi magaling ka tlgang magsulat
    at napaka galing ngpagkakaugnay ng mga
    sinaryo sa maikling kwento pero asan na nga ba sila hipon at starfish? siguro kinain sila ni pogita no?

  35. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    Ops, ngayon ko lang napansin — mali spellingko sa nauna kong comment. Yung “nag teorya,” dapat “ang teorya.” Hala. Pati sa comment nag-eedit.

    Isa pang ops. Napansin ko, yung pugita, may pangil. Nakakatakot dahil parang di nagtutoothbrush. Andilaw ng ngipin niya. May rabies kaya siya? Dahil may pangil siya, ang apelyido ba ng pugitang iyan ay “Cullen”?

    • jason ay nagsabing:

      ung pogita matagal na kasing nakakulong kaya naging twilight. hahahaha

      pag nakagat ka nun magiging pogita ka rin.
      nakakatakot….

      im sceurd, lol

      hehehehe kamusta chad

  36. hitokirihoshi ay nagsabing:

    saya ng mga pics ang kukulay. i like star fish!

  37. Reesie ay nagsabing:

    jason, pwedeng pang children’s book to. hehe. galing ng artworks mo. two thumbs up!

  38. Dorm Boy ay nagsabing:

    Oo nga gawin mo ng children book mga kwento mo! Invite mo kami sa launching ng book!

    Speaking of book gusto nyo bang magkaroon ng libro ng compilation ng mga blog articles from different bloggers?

  39. w3ng_cute ay nagsabing:

    HAHAHA nakakatawa ang kwento na ‘to jiji =))

    sobra…

  40. livingstain ay nagsabing:

    ang ganda ng treasure chest parang muslim na robot..

    gumagaling ka na sa pagdodrawing ha, at sa pagkukulay, gusto ko yung unang larawan,,,,

    kala mo hindi kita pinapasyalan noh… ingat lage

  41. pruelpo ay nagsabing:

    ang galing ng iyong imahinasyon. musta na?

  42. pinkdiaries ay nagsabing:

    late na pala ako, peru late man, may comment padin!๐Ÿ™‚

  43. orville ay nagsabing:

    ngayon lang ako naka comment.. galing naman ng mga kwento mo.. isang kasama ko dito tawa ng tawa lalo na kay mais.. hehe. hindi boring ang site na to.. sarap tumambay..

  44. sterndal ay nagsabing:

    wow

    kakainggit naman, daming koments

    ex links naman jan!

    hehe๐Ÿ™‚

  45. blurosebluguy ay nagsabing:

    SURPRISE!!!!!!

    yan tuloy!!!!!!!

    pugita!!!!!

  46. tsiremo ay nagsabing:

    Intresting story..however…na confuse ako kase pugita yung lumabas hahaha!!! come on??

  47. bonistation ay nagsabing:

    haha isa na namang blockbuster komiks ang aking nabasa! the adventures of lamang dagat!

    WORLD PEACE talaga ha dun ako natawa sa hirit ni starfish lols!! nakakabitin!! anong mangyayare jasooooon!!!? ngayong nalawala ang pogita!?!? ano na?! ano?!?!

    si isda?! totoo bang nahuli sya!? tsk kawawa naman

  48. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    di ba si ax ay serena? pwede nyang i-rescue sila.

  49. Czarina Cleopatra ay nagsabing:

    Yay! Ang cute naman!๐Ÿ˜€ Kaw po ba nagdrawing ng mga pics sa site na toh?๐Ÿ™‚ galing!๐Ÿ˜€

  50. joan ay nagsabing:

    ikaw kuya jason ang may gawa nung pain noh?! whaha. lols.
    isa pang window ang paint sa ofis maliban sa fb,wp etc…. wahhaha! :p

  51. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    Jason. Naku, ayun nga. Hindi ako nakasulat ng bagong kwento pero may kwento pa rin. Repost mula sa namatay na blog. Ibig sabihin, nag-mumulto yung post. Hahaha. Bilis… Last time na nagcheck ako, ala pang nag-cocoment dun as a reader ng Coffeeholic. Wehehehe!

  52. rllqph ay nagsabing:

    PLUG: Join 50×50 WP Pinoy Project! Visit http://bit.ly/50x50wppp for more information!

  53. coolwaterworks ay nagsabing:

    Grabe, sobrang layo ng nilakbay ko bago ako nakarating dito sa dulo… Hehehehe…

    Nice story Jason… Aabangan ko ang karugtong…๐Ÿ™‚

  54. mr. sleepyhead ay nagsabing:

    kuya jason! Kuya jason! sali ka naman oh!

    please join my first blog contest!
    You are invited to Llama’s Choice Award 2010

  55. bongkito ay nagsabing:

    ang kulit talaga ng mga storya mo jason! kakaaliw! at teka, sino nagkulong kay pogita sa loob ng baul… intriga yan. hehehe

    aabangan ko to ha, kapatid ni kaye ko!

    *kaway-kaway*

  56. Pinoy ay nagsabing:

    Curiosity kills the cat ika nga. Maganda ang kasunod nito hehe. Tagal nako dito nagbabasa. Nahihiya lang ako mag-comment.

  57. .poOt! ay nagsabing:

    Pareng hamster, musta? Pasensya na ngayon lang ulit nakadalaw. Nagmamadali ako kaya di ko muna binasa post na ‘to. Next time na lang.

    I have been busy with my thesis these past few weeks that I failed to visit your blog every now and then. Btw, watch out for my new entry tomorrow. For sure, it will be a โ€œlove-me-or-hate-meโ€ post. Want a clue? Okโ€ฆ Noynoy

  58. arsean ay nagsabing:

    em back em back ham ham….hahahaha

    cheers!!!

  59. yvarro ay nagsabing:

    haha!.. ang kulit ng blog na toh!..๐Ÿ™‚

  60. dhyoy ay nagsabing:

    in fairness ang benta ng “Sa Dagat” bunso… ate is so proud of you… hihihi๐Ÿ˜†

  61. aksoriyalmo ay nagsabing:

    woist. na-spam ba ang comment ko?

  62. Reesie ay nagsabing:

    aantayin ko ang susunod na mga drawings mo jason! galing mo talaga.

  63. jason ay nagsabing:

    waw talaga

    di naman siguro dabest. hahaha

    ayos naman ako joyce!!!! ikaw ang kamusta!!!

  64. naglalambingnacute ay nagsabing:

    nakooo ang haba ng comments

    pag dating ko dito sa dulo nakalimutan ko na i cocomment ko hahaha

    galing talaga ni bunso gawa ka na ng libro ng bata para may babasahin mga anak ko pag sinilang na wahahaha…

    nga pala may tag ako sayo๐Ÿ™‚

  65. lhen8 ay nagsabing:

    ay grabeh landslide nanaman ang comment section ng brother hamster namin ah umariba nanaman ang childrens book mo hehehe LOVE IT!!!
    GO JASON!!! Mwaaahhh!!! ๐Ÿ™‚

  66. p0kw4ng ay nagsabing:

    iniimagine ko pa yung ilaw na madilim,hihihi..ang aral ng kwento…wag gagamitin ang hook sa pagbubukas ng baul! hihihi

    saludo talaga ako sa mga drawing mo jayson..ang gaganda!

  67. topexpress ay nagsabing:

    ahahaha tawa ako ng tawa!!! ayan kasi pakialamerong talangka!!! ahehehe at ang isda, ayun timawa! ahahah napala!!!

    pa tumbling!!! ish your show ish your time.. isshhhhhh showtime!!!

    ahihihihih ^_^

    • jason ay nagsabing:

      hahaha salamat kuya top mukang nagenjoy ka d2!! hahaha

      teka krab yun alimango! hindi yun talangka kuya top! hahaha

      timawa pa hahahahahahah natatawa ko sa comment mo kuya top hahahaha

      issssssshowtaym!!!!!

  68. frances ay nagsabing:

    ayos ah! galing.. :)) blog walking

  69. Esmina ay nagsabing:

    hey may nakita akong hamster.. sa iyo ata to…

  70. Esmina ay nagsabing:

    may hamster ako dito: sayo yata to:

    [clearspring_widget title="Hamster" wid="4921d1bbde64b665" pid="4b67fd2d7929515b" width="133" height="100" domain="widgets.clearspring.com"]

  71. Ube ay nagsabing:

    aba, at ikaw pla c hamsterdam!

  72. pinkdiaries ay nagsabing:

    hello jason! moooorrnniinngg!!!

  73. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    nalunod na yata sa dagat si jason. ayaw nang baguhin ang post. di marunong lumangoy ang daga?

  74. J.Kulisap ay nagsabing:

    Jasonnnn…yahooo..labas ka na. Wala na si jess

    • Esmina ay nagsabing:

      haha! hinahabol pa niya ang starfish at alimango. (siya pala ang pugita?) hehe.

      • jason ay nagsabing:

        nandito lang ako K.Kulisap. nagmamasid.. wala lang talaga kong time nung mga nakaraang linggo.. ngayon medyo nakakabawi bawi na ko..

        nag sisimula na kong sumalakay sa mga kweba nyo

        Esmina, hindi ako pofita hahahaha

      • jason ay nagsabing:

        nandito lang ako K.Kulisap. nagmamasid.. wala lang talaga kong time nung mga nakaraang linggo.. ngayon medyo nakakabawi bawi na ko..

        nag sisimula na kong sumalakay sa mga kweba nyo

        Esmina, hindi ako pogita hahahaha

  75. barrycyrus ay nagsabing:

    HAHA ang effort lang nito

  76. blu.sparks ay nagsabing:

    kawawang isda..wala na sya sa susunod na sequel..ahaha

  77. sors88 ay nagsabing:

    padaan po

  78. Vajarl ay nagsabing:

    ‘Ang laman nyan… world peace!’

    Powtek mehn sumaket chanko kakatawa! Hahahahaha.

  79. rhiashiela ay nagsabing:

    ikaw po ngdadrawing ng graphics mo?๐Ÿ˜€

  80. Happy Pig ay nagsabing:

    ayan ang nagagawa ng mga lamang dagat na nde sumusunod sa utos..

  81. ANGELIE FAE ay nagsabing:

    ito ba tlaga ung totoong pabula????

  82. asa ay nagsabing:

    ^
    \
    /
    \
    /
    hahahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s