Dumako tayo sa isang sanga
sa hardin ni Prinsipe Jason.
Dito ay may isang nilalang
na pilit sinasabing ang kanyang
Pangalan ay Cocoon.
Magmula ng siya ay mapunta
sa Second stage ng kanyang
Metamorphosis, nagsimula na
siyang kausapin ang sarili.

Ang tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon.
Buong buhay ko kain lang ako ng kain sa mga dahon.
Gapang dito, gapang doon.
Lait dito, lait doon.
Naglipana ang mga ibon, manok, mga insekto.
Araw-araw nangangabib mawala, natatakot ako.
Di ko lubos matanggap na ako’y isang nilalang,
Na halos patayin, hindi pa man naaapakan.
Patayin ang puso sa pamamgitan ng talim,
Talim na hindi nanggaling sa kutsilyo o palakol.
Kundi sa mga salita, na syang sumusugat at bumubukol.
Ito na ang araw na aking pinakahihintay.
Nagulat na lamang ako na ako ay nakaratay.
Unti-unting nagbago ang aking anyo hindi ba?
Ako na si Cocoon, hindi na ako isang Higad na mataba.
Nakatago ang anyo, protektado ng todo.
Pagkat nasa dilim, malayo naman sa patalim.
Sa aking palagay ay mas gusto ko dito.
Tahimik, matiwasay at tunay na walang gulo.
Gaano katagal ang aking hinihintay
Upang ako ay makaalis mula sa pagkakahimlay.
Kung sakaling ako ay lalaya na,
Ang buhay ko ay manganganib sa tuwina.
Babalikan ko na naman ang nakaraang pamumuhay
Kung saan ako ay may tsansang mapatay.
Ayoko ng matakot o malagay sa peligro.
Anong gagawin ko natatakot nga ako.
Kaya masasabi kong dito na ko mananatili
Sa aking Cocoon ako ay ngingiti.
Teka nga pala ako ay naguguhulan.
Ako’y magiging paru-paro kapag panahon ay nagdaan.
Pero itong Cocoon na ang pinakamasayang parte ng buhay ko.
O nagkakamali lang ako?

Ikaw… matutulungan mo ba ako?

About jason

walang clue. nak ng

414 responses »

  1. Animsè ay nagsabing:

    beys?

  2. rllqph ay nagsabing:

    hindi ata… T_T

  3. Animsè ay nagsabing:

    nakakita ka na bah ng cocoon na drinowingan ng paru paro?…

  4. tsiremo ay nagsabing:

    Ganda ng post tsk..”A Life Within”

  5. aksoriyalmo ay nagsabing:

    Oplan Metamorph!

    Tapos paglabas niya ng cocoon magiging seahorse na siya.

  6. mtoni ay nagsabing:

    masyado kasing binabalot ng takot ang isip ni cocoon.
    sa kamay ng batang makulet, malakas na hangin o bagyo…anumang oras nanganganib sya.

    at tulad ng sabi sa taas((turo sa unang komento) layf is a process.

  7. lababo ay nagsabing:

    Base! Walang basagan ng trip! Base ako!!!!!

    O yan. Nagkakamali ka cocoon. Kala mo lang yan na ang pinakamasaya, pero hindi. Parang tayo rin yan. Laging may nararanasan na kala natin eh yun na ang pinaka-(insert adjective) pero sa totoo lang ay marami pang mararanasan na mas (adjective uli na binanggit mo sa taas). Kaya ayun, wag tumigil na umasa. Wag makuntento. Strive to be better.

    (ay pero minsan pala no, pangit pag hindi marunong makuntento ang isang tao.)

    • jason ay nagsabing:

      ok lababo base ka!!
      haha

      oo tama… ang mga tao talaga…
      iba iba ang takbo ng isip..
      at worse- hindi maintindihan o mahirap intindihin.

      may mga taong naniniwala sa sariling paniniwala.
      ayaw makinig.

      ayaw tanggapin ang reality.

  8. aninipot ay nagsabing:

    wow!….para ulit akong bumalik sa entomology subject ko… naalala ko yuloy ung alaga kong egg ng butterfly… more than 1 month ko syang inalagaan maging isang magandang butterfly lang.

    pero totoo, safe sila during chrysalis period pero nakakainip silang hintayin para lumabas at lumipad.

    • jason ay nagsabing:

      ikaw gusto mo ba na binabantayan mo lang sya palagi?
      kasi diba dadating ang time na kapag paruparo na iiwan ka na nito?

      • aninipot ay nagsabing:

        actualy pinalipad ko yong isa…yong isa tinusok ko sa leeg para i-preserve…. requirements yon…haha, nanghinayang lang kasi ako sa isa kaya pinalaya ko.

        cute nilang obserbahan from larva to adult period…
        natawa ako sa sarili ko, masyadong malayo ang pinag-sasabi ko sa totoong pinapahiwatig ng post mo…ayoko magseryoso ngayon.,..masakit pa ulo ko…haha

        • jason ay nagsabing:

          kinabahan ako sa pagtusok.. ipepreserve pala.

          maoobserbahan mo talaga ang PHYSICAL changes
          at ang BEHAVIOUR nila diba? Walang pag-kakaiba sa tao.

          bakit masakit ulo mo? anong ginawa mo?

          • aninipot ay nagsabing:

            hmmm, oo para din silang tao.. galing sa egg, tapos on chrysalis stage tayo naman sa sinapupunan ng ating mga ina… sila lumilipad tayo hindi…hehe, naiinggit pa ako dahil nakakalipad sila…haha, mas mahaba naman life span natin.

            masakit ang ulo gawa ng demo ko kahapon… naluka ako sa question ng panel… puro chemical reaction… nosebleed tuloy ako…haha

          • Animsè ay nagsabing:

            walang pagkakaiba sa tao…, eh sa daga kaya?. meron?…

            • jason ay nagsabing:

              @ aninipot … ganun? ano ba dinemo mo? chemical compunds? chemical bonds? mahaba lifespan natin pero pinapaikli ng mga nakapaligid sa tin.
              Malalim ba? haha

              @ Animse … Pareho din. mula sa kulay pink na mga beybing daga – magiging itim paglaki!

              • aninipot ay nagsabing:

                hmm, photosynthesis ant topic ko….kaso medyo di ko kabisado ang convertion ng compounds na by product ng light reaction… ang alam ko lang ATP at NADPH…. di ko na-explain yong process…hehehe, pero ok lang naman daw…don lang naman ako pumalya, may demo ulit ako for the university next week… ibang topic nga lang..haha

                @animse: aw! di ko alam…haha…

  9. bernardumali ay nagsabing:

    aba aba aba, nag eemote ang prinsipe, hehehehe, ang masarap lang sa loob ng cocoon ay ang pag-asang matapos ang mahabang paghihintay ay magiging ganap kang paruparo! wag lang sanang mala-bebe gandanghari hehehe

  10. Animsè ay nagsabing:

    ang ganda ganda talaga ni Sharpay sa side bar muh…

  11. lambing ay nagsabing:

    bat nandyan picture ko sa sidebar wahahaha😆

    eka lang emo ka ba kapatid?

    Minsan masarap nalang sa lugar na alam mong safe ka, walang mananakit sayo… pero ang mga bagay bagay ay hinde natin kontrolado tulad ni cocoon, hindi nia kontrolado na dun nalang sya sa pagiging cocoon darating ang time na kelangan nya na maging isang paro – paro..

    ganon din tayo.. hindi tayo forever na bata.. kelangan din natin mag mature… at totoong ito ay isang proseso.. kaya hinay hinay lang..pwedeng madelay maging paro paro pero… magiging paro-paro pa rin sya.

    At kapag naging paro-paro na.. kelangan nyang tanggapin at harapin yun at i enjoy kung anong mgandang bagay ang naghihintay sayo bilang isang paro-paro. Wag matakot.

    • Animsè ay nagsabing:

      haha! hongah hongah! may naalala akong advice sa kaibigan: if you can’t stand the heat: stay out of the kitchen, pero out of the kitchen, walang food na mabubuo…

      • jason ay nagsabing:

        @ ate kong napakalambing at napakacute…
        di ako emo ate ko. hehehe si higad lang yang nag iinakting. pero may time talaga na gusto mong dun na lang tumambay. o kung nalampasan man, gustong balikan diba. hindi nga lang pwede dayain ang panahon.

        @ Animse …
        heat ng pagkagutom ba yan? haha

  12. Vajarl ay nagsabing:

    Hoooooooooooy! Hindi naman lahat ng higad mataba ah! Hahahahahaha.

    Gumuneng Hamsterman! Woooohooo! Sabi sayo efektib ang dala kong hamsterfood kahapon na expired na eh. Kitaaaaams.

  13. salbehe ay nagsabing:

    Kailangan ni Cocoon lumabas sa kanyang comfort zone. There is life outside your comfort zone, you just have to open your door, just give it a shot, just grab it.

    • jason ay nagsabing:

      Sana maraming mahugutan ng lakas si Higad para kaya nyang pagpatuloy ang kanyang buhay ano?

      Kahit may mga danger, risks, basta dapat tuloy ang buhay tama ba salbehe?

      sunugin si Higad! hahaha biro lang

      • Animsè ay nagsabing:

        aba! hindi ko napansin! may higad ba?… akala ko cocoon lang?… ibig sabihin… hindi mo pa napapansin nuon ang higad na yun? till lang maging cocoon siya?…

        wait! yung higad! yun yung kinain ng uwak na kumain sa okrayerang okra! tamatamatama?… hmn…

  14. Jiarel Rectin ay nagsabing:

    blogwalking. this reminds me of
    ‘hope for the flowers’. cocoon, butterfly.
    but in the end, hindi nagtatapos ang
    buhay sa madilim na kulungan. lalaya
    rin ang bukas, may pakpak man o wala.

    • Animsè ay nagsabing:

      waahhh! Hope for the flowers?… sila Stripes! saka si Yellow! aw! naalala ko ung story na yan! Grabe… Naiyak ako sa kwento na yan ah? (as if?) hhehehe…, lalo na nung naging butterfly si stripes..

      • jason ay nagsabing:

        @ Jiarel Rectin … binisita ko site mo bago lang? tama… at walang maganda sa kadiliman. kelangan mo lang talagang iprove na life is beautiful. Put all worries and doubts away. Kasama mo si God.

        @ Animse … Hindi ko pa naencunter ang story ni stripes. mukhang interesting, mahanap nga.. Ang alam ko lang istorya ay kay Bantay at kay Tagpi.

        • Animsè ay nagsabing:

          Hope for the Flowers by Trina Paulus, Matutuwa ka kase children story yun! haha! maikli lang pero full of lesson…

          All about purpose in life… check it out:

          http://www.hopefortheflowers.org/

          • Jiarel Rectin ay nagsabing:

            @ hamster, opo, bago lang. mag-attempt lang na mag-blog. life is beautiful, pero mas maganda ang buhay kung malaya ka with or without God.🙂

            @ animse’, agree, children story nga sina yellow at stripe. pero kapag binasa mo siya sa iba’t-ibang phase ng buhay mo, ma-appreciate at interpret mo siya ng iba’t-ibang paraan.🙂

            • jason ay nagsabing:

              @ Jiarel … opo ka dyan? matanda na ko? hahaha biro lang. masayang mag blog jiarel. masmasaya kung with God. OK?

              @ Animse … salamat sa link sige. clik ko puntahan ko si trina paulus

  15. Animsè ay nagsabing:

    Serious note:
    Ang cocoon na yan, para lang din siyang Maskara, madali nga namang magtago mula sa mundong puno ng sakit, ngunit hndi para sa sarili lamang nabubuhay ang isang nilalang…,

    sabi nga sa Genesis 2:19, “it is not good for man to be alone.” Kinakailangan nating makisalamuha sa ibang tao, harapin ang lahat ng klase ng relasyon na dapat nating harapin, we are all created in the image of God, a relational being… kaya kung sasabihin mo na mas gusto mo sa cocoon na yun dahil safe dun…, para mo na ring sinabi na mas gusto mo nang mahimlay dun sa sementadong 4×8 sa la loma o sa north cemetery…

    haiz… grow up! move on! strive hard!

    John 10:10 “the enemy comes to kill to steal and to destroy, but i have come for you to live life to the fullest…

    live life to the fullest!…😀

    • jason ay nagsabing:

      Wow.. nakakapangmulat ng isipan… kaya sana mabasa to ng mga mala-higad na mapapadpad dito..

      minsan lang tayo mabubuhay… tapos sasayangin lang?

      maraming gustong ipakita sa atin at ipaexperience si God. kaya go out and explore. hahayaan nyo na lang bang maging katulad ni Higad o hilain nya rin kayo/ hikayatin na magstay sa isang madilim at saradong lugar?

  16. Taylor Swift ay nagsabing:

    naku.. jiji isa ka nang butterfly ngeun!

  17. Taylor Swift ay nagsabing:

    JasOn! WoW! you suck

  18. thought-provoking….very psychological…ginagamit ang cocoon illustration ng mga psychologists when they talk about personality development. hehe, pero di ako magsasalita about personality development dito…

    that is really the challenge of life, we cannot afford to be always in our comfort zones…we have to go out of our cocoons, face the risks, joys and pains of the world…in that way, we become better individuals.

    like peter, james and john. they were with jesus during the transfiguration. kagaya ng cocoon, they also wanted to stay in the mountain because of their beautiful experience with the divine. sabi nila, “lord, it is good to be here. let us make three tents here.”

    but, no, from the mountain, they go back to the lowland. doon sa kapatagan, andoon ang greater call…andoon ang challenge…

    sa labas ng cocoon, andoon ang greater call…andoon ang challenge…

  19. shynyrd ay nagsabing:

    ang ganda naman nito…personally, nasa cocoon pa ako, ayaw ko pang lumabas. sabi ko nga sa mga friends ko pag nasa bahay lang ako, nag hi-hibernate ako. sabi ko rin sa sarili ko, minsan kailangan ko munang maging cocoon for a while, then I will fly and soar, pag ready na ako lumabas. Tama nasa comfort zone pa ako, nagmamatyag, nakikiramdam, wlang plano. And yet ang daming realization… lalabas na ako sa cocoon… sooner… bwahahaha.. Thanks jason…

  20. Taylor Swift ay nagsabing:

    wat was that again? I’m not a stalker!

    =)) cge nga ikaw magpalit ng pangalan ng Taylor Swift dito hahaha

  21. Jiarel Rectin ay nagsabing:

    @ hamster, sabi daw, stay positive and lend a listening ear and you will stay happy. yun ang trabaho ng dragon sa panahon ng tigre. at saka sabi pa pala, mag-aral.🙂

    • jason ay nagsabing:

      tama.. swak… magaling daw ako magpayo sabi nila..

      mag-aral.. ok… kaso nag tatarabaho na ko.. pag-aaralan ko na lang siguro ang sumayaw. haha thanks!!

    • Animsè ay nagsabing:

      Sabihin ako maniniwala sa mga tala kung pwede ko namang tanungin ang Siyang gumawa, hindi lang ng mga tala kundi ng buong langit at lupa?…

      • jason ay nagsabing:

        Guard Guard!!! Guard!!

      • etchosera ay nagsabing:

        Jay ang pag aaral ay di natatapos, habang buhay ka pa patuloy kang nag aaral, gets🙂

        • Jiarel Rectin ay nagsabing:

          @ hamster, huwag nating hayaan ang ating hanap-buhay ay maging sagabal sa ating pag-aaral dahil ito ang magtuturo kung paano tayo sasayaw sa ritmo ng buhay. ganun talaga, pero ang pagpunta sa mall, di iyan sagabal. malaking tulong yan. amen.

          • jason ay nagsabing:

            @ etchosera… tama tama yan… never stop from learning. ang sinasabi ko siguro sa taas ay pag-aaral sa school. ayoko nang bumalik sa school. hahaha

            @ Jiarel … tama ang sinabi mo,.. pag aaral kaugnay sa ritmo ng buhay, kung baga sasayawan mo kung anong tugtog ang tutugtog habang ikaw ay naglalakbay…

            WOW SM! SM! SM! hahaha

            • Animsè ay nagsabing:

              haha! tama! tama! sabi nga ng isang actibista sa university namen ng colege: (may hawak na megaphone) MAIKAKAHON BA NATEN?! SA APAT NA SULOK NG SILID ARALAN, ANG KARUNUNGAN? HINDI PO TAYO, NATUTUTO LANG SA PAG UPO UPO LANG SA ATING MGA ARMCHAIR! KUNDI SA ATING ARAW ARAW NA PAKIKIBAKA SA BUHAY! KAYA SA DARATING NA PEBRERO 18, SAMASAMA PO TAYONG MAG WALK OUT MULA SA ATING MGA KLASE…” … Rewind: Zip! “Anu daw?…”

            • Jiarel ay nagsabing:

              @ hamster,

              SM lang ng SM. Lahat ng SM, puntahan na habang kaya pang puntahan. lols.

  22. livingstain ay nagsabing:

    nakakita ako ng maraming maraming maraming maraming cocoon sa Davao Butterfly Farm… dami dami…

    • Animsè ay nagsabing:

      siguro akoy magtataka kung mga itlog ng butiki angmakikita ko dun sa butterfly farm…🙂 joke! peace stain!!

      • jason ay nagsabing:

        @ pareng alvin … sana nagdala ka ng pics!!! patingen kamI!!! tapos pati na rin mga shots mo sa taas ng puno. haahaha nanghuli ka ng butterflies?? ay bawal ata eh

        @ animse … loko ka. hahahah stain, igapos na natin to!!! hahaha

        • Animsè ay nagsabing:

          bawal nga yun! haha! pero ang ginagawa ko sa mga butterf;y farm: dadalhin ko ang children’s butterfly encyclopedia ng kapatid ko, tas pag may dumapo sa nakabukas na book ko.. bigla kong isasara… zzzupp! … o di ba?. may butterfly na ako pag uwi…

  23. Dorm Boy ay nagsabing:

    Me cocoon din ako sa buhay ko. Hindi ko lubos maiwan kasi masya sa lugar n yun pero at some point in time kahit di mo man pilitin kusang aalisin ka ng pahanon sa lugar at moment na yun… Hindi mo mapipigilan yun because life is a process… you will come and go to a certain period in the cyce so called life.

    • Animsè ay nagsabing:

      aw.. naka relate naman ako dito.. personal stor ko tong cocoon na toh ah?.. haiz anyways.. yaan mu.. makakalipad din ako…😀

      • Taylor Swift ay nagsabing:

        why do you want to fly?

        • Animsè ay nagsabing:

          mahabang kuwento, isang mahabang post, pero siguro, tama nang illustration ung comfort zone sa story ni cocoon…😀

          • jason ay nagsabing:

            @ Dorm Boy … may cocoon tayo… stage sa buhay natin na tayo lang ang makakadistinguish.. pede ito yung part na sobrang vulnerable natin kaya tayo sumusuot sa cocoon, instances na gusto mong mag stay in a certain time…. basta go with the life process, masmakabubuting huwag kontrahin ang flow.

            @ Animse … oo makakalipad ka rin. pero sa tamang panahon. hindi dapat magmadali.. Ang daloy ng buhay ay planado.

            @ Taylor Swift Kuno … Lilipad sya kasi magiging paruparo na sya!

  24. Taylor Swift ay nagsabing:

    aaaaaah… i think i know now… is that the reason why you have a mask?

  25. yiN ay nagsabing:

    yung dati kong notbuk-notbukan na naiwan ko sa bahay ang unang chapter niya:
    in bloom, just a cocoon
    hehehehe.. galing mo tol. patambay! whew, haba naman ng thread..

  26. joan ay nagsabing:

    Di nga?? watah.. may ibig ka bang iparating G. Hamster?? :p

  27. Mon ay nagsabing:

    Matapos ang makabagbag damdamin na tula ay natulog si cocoon.
    Nagising sya at bigla syang kinagahan dahil parang unti-unti may pagbabago sasarili nya.
    Tinubuan sya ng pakpak at magagandang balahibo.
    Tapos sumigaw sya ng..
    .
    .
    .
    “It’s Morphin Time!”

  28. huwanalberto ay nagsabing:

    ang kyut naman nung drowing, sa paint lang yan no? at mas lalong gumanda nung nilapatan na ng tula. haylabbit.

  29. Joyo ay nagsabing:

    base?!!! and it became coco crunch!😆

    If we never challenge ourselves to get out of the zone, we will never know how far in life we could have traveled. The success we dream about will just be a dream FOREVER. Live life with passion and verve once you break out of the boundaries that you’ve set for yourself.

    DREAM,BELIEVE, SURVIVE! STARSTRUCK!😆

    • jason ay nagsabing:

      Ikaw ang base sa lahat ng base ate joyoyo. slash bea alonzo

      gusto ko tong sinabi mo ate ko kahit english. 5 times ko binasa paulit ulit para magets ko.

      walang mangyayare nga naman kung mastock ka sa isang dimension. we need to break free!

      starstruck!

  30. superlolo ay nagsabing:

    Pabisita Jason.

    Ang ganda nito. Naalala ko tuloy yung istorya…yung kaibigang insekto ng isang Cocoon…Tinulungan ang Cocoon para makalabas ang butterfly sa Cocoon…pero hindi nagtagal at namatay yung butterfly.

    Dahil isang normal na proseso ang paghihirap at paglabas sa Cocoon para maging masiglang butterfly.

    Ganyan din ang tao…walang shortcut para makamit ang tagumpay sa mundo…malamang dadaan sa mga mabibigat na pagsubok…upang marating ang walang hanggang kaligayahan….parang ang mga Santo…lahat sila ay dumaan sa mabibigat na pagsubok para mapalaganap ang pagmamahal kay Kristo.

    • jason ay nagsabing:

      hi superlolo !!

      ang lungkot naman ng storya ni cocoon at kaibigang insekto…

      Opo.. tama… isang proseso.. Si Kristo ang nagtakda ng lahat. kaya sumunod lang tayo sa normal na takbo ng buhay.
      hindi sya magbibigay ng pagsubok na hindi natin kayang lampasan.

  31. Vajarl ay nagsabing:

    Goodmorning Hamsterman! May dala akong giniling na Taylor Swift para sayo! Ayan medyo buo pa ang mata. Hahaha.😛

  32. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    next time wag mong lalagay pic ni taylor swift dahil nakakailang. yun tuloy uuod ko ay gustong lumabas ng cocoon nya!

  33. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    si kulisap ay matagal na sa cocoon at nabura na kaya mukha na syang mummy

  34. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    “naburo”

  35. lovely ay nagsabing:

    ui peram psp hehe..

    si coco crunck ba yan si cocoon hehe..
    hamish u jason..

    nice entry ..

    • jason ay nagsabing:

      sige lably. pag nagkita tayo dadalhin ko.. laruin mo loco roco maganda. mag eenjoy ka!!

      hahah si cocoon ay salamin ng
      mga dumadaan at nakiki-riot dito!

      miss you more lably!!
      thanks nagustuhan mo entry ko!

  36. kengkay ay nagsabing:

    penge drawing, ibebenta ko sa fund drive ng school ng mga little kengkays, hehehe. seryus to ha😀

  37. arsean ay nagsabing:

    kumusta pamangkin kong Ham ham???

    ahm mukhang nagugulimihanan si Higad este Cocoon ah…

    Isa lng ang tama at talaga nmang mangyayari bawat nilalang ay kailangan dumaan sa ganitong proseso gustuhin man nila o hindi…you don’t have to confine yourself from something that you really like(for now) coz you need to experience something different, something new may it be good or bad…

    gano kaya kaganda c Cocoon pag naging isang Paro Paro na sya??? Kasing ganda ba ni T.S.??hahahaha

  38. joycee ay nagsabing:

    Mas masaya pag butterfly na hihi!

  39. yhen ay nagsabing:

    ang tagal ko ng di nakadalaw sa bahay mo hamster… namis ko to.. namis ko mga graphics mo…

    nwei, nakakatuwa lang isipin na kapag isang cocoon ka palang, sa kabila ng pagkakakulong mo sa iyong lungga, sa kabila ng hindi magandang itsura, mas protektado ka kesa kung magiging isang paru-paro na sadya namang napakaganda at pilit hinuhuli ng iba.

    pero isa lang ang alam kong sigurado, mapa cocoon man tayo o paru-paro lahat yan may dadaanang hirap na tadhana nalang ang makapagsasabi kung malalagpasan ito…

    mwahugs hamster…

    • jason ay nagsabing:

      onga ate yhen! namiss kita ng sobra sobra.

      sa anut ano pa

      ay isa lang ang tuloy ng lahat ng mga ito diba ate yhen?

      tadhana.. fate.
      hmmmmmmmmmm

      mag-antay tayo.
      hehehe

      mwahugsmwahugs x 100 ate yhen!😀

  40. The Rookie Blogger ay nagsabing:

    pagkatapos ay lalabas ang butterfly… ahehehehe colored sana… LOL

  41. taribong ay nagsabing:

    Wow! Nagbukas na si cocoon?! Yehey!!!

  42. arsean24 ay nagsabing:

    wow nagbukas na din…hehehehe

    magandang araw pamangkin…

  43. Animsè ay nagsabing:

    buti na lang, nagbukas na ulit ang blog mo, haha! ok.. asan na kaya ngayon si Vajarl?, wala aqng kakulitan, haha!

  44. J.Kulisap ay nagsabing:

    Subukan mo munang maging paru-paro. Saka mo sabihin kong ano ang pagkakaiba, hangga’t hindi mo nararanasan hindi mo masasabi kung alin ang mas bagay sayo.

    Sabi ko sa blog ni Axie, si jason ba ay parang si Jolina na nagtago kuno pero pagbalik magpapakita rin ng isang pilikmata na kulay orange/pula?

    Nahuli tuloy ako sa komento, akala ko ayaw mo na.

    Transformation for a better life. Not too easy to handle but at least the courage to face the transformation process will let you enable to conquer the “what ifs” question.

    How are you Hamham the Butterfly?

  45. mtoni ay nagsabing:

    aba tinaon sa bertdey ng Ate naming maganda..
    sino sino kaya andon.

  46. bonistation ay nagsabing:

    jason! astig ng mga salitang ginamit mo, pang libro talaga!!!

    bow ako syo

  47. Suckingbird Keller ay nagsabing:

    base? ! —-> tama naman. nasa base ako. haha.

    kaibigang ham2x. bakit hindi ko maview ang blog mo pag nakalogout ako?

    “Ako na si Cocoon, hindi na ako isang Higad na mataba.”

    natawa ako dito. haha. on a diet pala si Cocoon ngaun? haha

  48. beeftapa ay nagsabing:

    “Ako na si Cocoon, hindi na ako isang Higad na mataba.
    Nakatago ang anyo, protektado ng todo.” -time will come that you will need to get out of that cocoon jason. by that time, mas matapang at mas ready ka na sa tunay na mundo. mapanganib pa din, higit pa sa manok o ibang insekto ang haharapin mo, ibang level na ng mga monsters. habang nasa loob ka pa ng cocoon, get your self ready, pag-aralan lahat ng pwedeng matutunan, para paglipad mo sa reyalidad ng buhay hindi ka matakot. enjoy ur “cocoon” stage…

  49. Sows ay nagsabing:

    hmm. tagos sa puso ah..may pinaghuhugutan..

    lika kaibigan, usap tau.. gud morneng jason!😉

  50. kayedee ay nagsabing:

    yeheyy!!! gracias jason🙂

    hnd q xdo getz. ang lalim kc ng mga words u e.. makatang makata🙂

  51. sixto ay nagsabing:

    hi sir jason. nakita ko tong blog mo sa site ni sir Ax.
    I hope you could visit my site. Chat room ata d2 tol? backread mode.

  52. orville ay nagsabing:

    hehe minsan mas gusto ko pang maging cocoon.. simple lang ang buhay.. nakasabit lang. pag humangin pasayaw sayaw lang.. pag nahulog ok lang di nasasaktan. naks.. ano ba tong pinagsasabi ko?? pabisita..

  53. yvarro ay nagsabing:

    haha! one month ko nang hinahanap sa thread yung jolina comment mu: haha! hindi pa ako nakakita ng higad na nagchuchuvachuchu… haha!🙂

    at yung isa pa.. tama, salamin nga si cocoon ng lahat ng mga dumadaan dito: yung iba nakikita nila, yung past… bilang wealang kuwentang matabang uod, ung iba naman, hopeful sa future bilang makulay at malajolens na paruparo… ung iba, natatakot sa change, ung iba excited. ung iba, nakikita ang transformation, sa iba naman, nakikita yung lang yung dilim… isang cocoon pa langyan..😀 andami nang views.. pede nang maging isang theme ng isang buong blog..😀 haha!

    pero ako.. ang nakikita ko sa cocoon alam mo kung ano?… ano yan.. ahm.. ang laman niyan… ah… world peace… 😀 nyahaaha!

  54. darrel ay nagsabing:

    hello there! I added you in my blogroll.=] Check it out!

    Llama’s Journal

    Add me up to please…=]

  55. Pseudonym ay nagsabing:

    galeng… the world within and outside are bound of sorrows, fears, hopes, freedom and self-exile. a time for hibernation, reflection and preparation for another stage of existence. life may be frail and yet chances and risks are there, so get a grip and fly away with your wings spread out in the vast sky of your limited life span.

    a worm, a cocoon, a butterfly… in all stages, death is just a blink away. enjoy every moment though it gives you suffering and pain. soon, die with a smile and ease… may it be in your own path, in the fragile hands of humans… all by God’s will. may He who created you deliver you to paradise.

  56. nhickole ay nagsabing:

    hmmm…!! my y lesson!! ang ganda ahh!!!
    tama nga naman lahat ng bagay may proseso!! di pwedeng madaliin
    di ba???

    congratz nag pala!!!
    top 4 ka!!

  57. bipolarsisa ay nagsabing:

    wow. parang tagalized version nang Hope For The Flowers. naalala ko bigla si Yellow. pero nakakatuwa. ang galing nang pagkapresent..Kuya Jason, pwede ko bang mahiram ang mga gawa mo para sa mga bata?🙂 nauubusan na kasi ako ng materials. hehe.

    • lababo ay nagsabing:

      I love that book.🙂 As a kid, it really sparked my love for reading. At ngayong nabanggit mo yun, ang unang pumasok sa utak ko ay yung Lola ko na kakamatay lang. Sa bahay niya kasi, dun ko nakita yung libro. At dun ko yun binabasa every weekend night tuwing nakikitulog ako sa kanila kasama ang mga pinsan ko.

      Wow, haha. salamat sa pagpapaalala nung librong yun. =)

  58. mtoni ay nagsabing:

    jeson namber por ka sa pbb?

  59. jeniffer ay nagsabing:

    sabagay parang isang baby lang, natatakot at umiiyak pagkalabas sa ating mundo. Ilang taon niyang dadanasin ang buhay sa outside world..

  60. yvarro ay nagsabing:

    bakit ka nga pala nagsara ng blog mu?.. haha! akala ko pa naman nirerenovate mo to.. tas pag bukas ulit: butterfly nah…

  61. richard ay nagsabing:

    like a butterfly coming out from his cocoon..life is beautiful! full of twist.

  62. arsean ay nagsabing:

    magandang umaga pamangkin….

  63. arsean ay nagsabing:

    inaantok ka pa ata eh….hahaha

  64. pinkdiaries ay nagsabing:

    hmm, hindi maari na hindi ka pwedeng hindi makawala sa kung anu man ang nakasanayn natin, aalis din tayu doon, magkakaroon ng pakpak para makawa at magkaroon ng bagong pagkatao.

    yayks, anu daw?! hehehe

    good noon jason!🙂

  65. Vajarl ay nagsabing:

    Magandang hapon Hamsterman!😀

    Shawarma tayo! Sushaaleeen. Hahahaha.

  66. lovely ay nagsabing:

    grabe ang comment dito jampak ahha..

  67. etchosera ay nagsabing:

    tambling tambling kasabay ni coco🙂

  68. rico ay nagsabing:

    hindi sa lahat ng oras mapipigilan mo ang panahon sa mga bagay na gusto mo lng..araw araw may nagbabago..laging umiikot..laging gumagalaw..hindi ka pwde sa comfort zones mo palagi..kasi pag mananatili ka sa cocoon mo hindi ka magbabago..hindi ka uunlad..

    kmusta na?nadalaw lng uli..

  69. lee mi ay nagsabing:

    “mas masaya ang paglalakbay kesa sa pagdating sa destinasyon”..
    pero laging may destinasyon pagkatapos makarating..”

    ___
    -nakidaan lang=)

    • jason ay nagsabing:

      depende rin…. iba iba kasi mga sitwasyon..

      sa paglalakbay kasi maraming makikilala, maraming makakasalamuha, maraming pagsubok, maddapa, babangon, kakain, dudumi,

      sa destinasyon naman, nandun ang fulfilment, ang ginto, ang prutas, ang bunga,

      kaya masaya pareho! diba!😀

  70. kayedee ay nagsabing:

    yelow jeysen! (naks slang)🙂
    wla lng pprmdam lng.. wla p bng bago jan (ung mas malalim kesa d2 pra wla n nman aq masbi! hhehe )

    tc.

  71. wentu ay nagsabing:

    “hindi naman ibig sabihin ng paglayo at pag-iisa ay kalungkutan. madalas, ginagawa natin ito dahil gusto nating mag-isip, magnilay kung nasaan na ba tayo at ‘ano’ o ‘sino’ na ba tayo sa ngayon? kung minsan pa, pansamantalang itinatago natin ang ating sarili sa mundo dahil gusto natin na magkaroon ng mabuting pagbabago, hindi upang makipagsabayan sa lahat, ngunit upang humanap ng kaunting pagkalinga at pagmamahal.” hehe’ nice article jason!

    = nakidaan lang..=D

  72. J.Kulisap ay nagsabing:

    Kamusta?

    Handa ka na ba?

    Yes na yes

  73. Junice Lopez ay nagsabing:

    sabe nga jason kanina sa misa.. lahat tayo binigyan ng pagkakataon para mapaghandaan natin ang mga maaring mangyari satin.. at sa tingin ko sa pagdating mo sa pagiging cocoon ay isa na ding paghahanda para sa iyong muling paglabas sa totoong mundo..🙂

  74. gudang ay nagsabing:

    WAAAAAAAAAH!😀 Kuya jasonn!!! Haha. Namiss mo ko no? Ayy, naaalal mo ba ko? Haha. Si Gudang?! Haha xD Nagrelocate pala ako. gudangmo.wordpress.com.

    HENIWEY! haha. Kapag talaga napapadpad ako sa E-bahay mo, laging may bagong drowing na kakaiba at sobrang lalim na pinaghugutang text ang mababasa ko.

    “Ikaw… matutulungan mo ba ako?”

    Gusto sana kitang tulungan eh, pwede ba? HAYUN EH!😀

    • jason ay nagsabing:

      Aba syempre kilala kita! ikaw kaya ang isa sa mga unang pumansin sakin dito sa blogosphere!!! kala mo hah! hahahahah!!!!

      GUDANG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hehehhe

  75. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    Ay magaling. Napaka-deep naman ng post nito at lalong gumaganda ang drawing ah! Napaisip tuloy ako kung ano nga kaya… Hmmm… naalala ko dito yung dalawang episode ng Pokemon. Yung ayaw mag-evolve ni Bulbasaur papuntang Ivysaur at yung away maging Raichu ni Pikachu. Mahal na mahal kasi sila ni Ash. Hay… Walang kwentang comment. Nag-paparamdam lang. Wehehehe!

    • jason ay nagsabing:

      huwaw chad… makapokemon ka din pala…

      wag mo pagkalat na si metapod yan! hahahaha

      pero tama ang sinabi mo. meron mga taong ayaw i let go ang isang instance dahil sa kapag pinabayaan eh magbabago.

  76. bubwit ay nagsabing:

    ang hirap naman makipag-siksikan dito. napakaraming tao…

  77. orville ay nagsabing:

    teka hamster ang tagal mo atang mag post ng bago.. hehe.. kumusta?

  78. aksoriyalmo ay nagsabing:

    may hinahanap akong comment ng isang specific na blogger.. sabi ko, saan ko ba nakita yon..

    tsk. dito lang pala siya nagcomment. hehe.

  79. barrycyrus ay nagsabing:

    yes naman!

    haha wala akong macomment

  80. .poOt! ay nagsabing:

    Ang ganda ng pagkakasulat. Galing talaga ng hamster. Tirisin kita dyan eh.

  81. good morning!

    nagblog-hopping sandali habang wala pang brownout. haha.

  82. arsean ay nagsabing:

    nadalaw lng…musta sa mga nandito…
    🙂

  83. otep ay nagsabing:

    Huwaw.! ngayon na lang uli nakabisita at tulad ng isang punong hitik sa bunga, hitik pa rin sa comment ang bahay mo parekoy. daming comments hehehe.

    malaman ang nilalaman ni Cocoon ha.

    Tulad ng isang paru-paru maiksi lang ang buhay, kaya i-enjoy lang ito sa maayos at kasisiyang paraan.🙂

    Madami pang excited na araw na pagdadaan pag naging paru-paru na kung sino man yung nasa cocoon. pero sabi mo nga enjoy your stay muna dyan.🙂

  84. tsenn` ay nagsabing:

    cocoon for coco?? ahaha!
    hi kuya julio! namiss ko namaan dito aww :3
    basta sagot ko na moral support. hihintayin ko ang araw na magiging isa kang mariposa. bwahaha >:)

    • jason ay nagsabing:

      mas namiss kita tsenn!! nako ikaw na lang ang kulang kompleto na ang secret eb natin ni joan. hohohoo

      abangan mo next post ko hah..

      oi ayoko maging mariposa! HAHAHAHAH!

  85. sors88 ay nagsabing:

    ang daming comment hehehehe

    padaan lang po

  86. rocco mocco ay nagsabing:

    madami nagkokomento ah hehehe..wow sikat

  87. gerald ay nagsabing:

    new post new post new post new post! [nagwewelga]

  88. hahahahaha.

    ano itong nakita ko sa sidebar: “mabalahibong mga panauhin”????

    hahahahaha.

  89. Ax ay nagsabing:

    Nasaan si Hey!

  90. night crawler ay nagsabing:

    salamt mr.hamster. natutuwa kasi ako sa mga kuwento mo. ituloy mo lang yan parekoy… peace out😛

  91. jex009 ay nagsabing:

    hindi parin ligtas si cocoon maari parin kasing maputol ang sanga ng puno -_-

    hintayin na lang natin maging paru-paro tsaka lang s’ya magiging ligtas at malaya:D

  92. Yvarro ay nagsabing:

    Magandang umaga!!! may bagong bahay na po ang mga maskara…🙂

    http://mgamaskara.wordpress.com

    daan po kayo!!!

  93. Allen ay nagsabing:

    ngayon, ikaw na si cocoon. at malapit ka nang maging….

    …butterfly. WAHAHAHAHAHA!

  94. bipolarsisa ay nagsabing:

    Kuya Jason, may hihingin akong malaking pabor sa’yo…maari ko bang hiramin ang drawing mo ng cocoon? saka yung iba mong kwentong pambata? please. hindi ko naman kakanyahin. hehe. gagamitin ko lang materials para sa mga bata. please, please….thanks.

  95. kaye ay nagsabing:

    hay… kelangang lumabas sa cocoon dahil ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas nito…

    kumusta, kapatid ko??? namiss na kita ah at pati ang bloghopping. karami ng trabaho eh…😦

  96. Bryan Karl ay nagsabing:

    Si Metapod ay magiging Butterfree bukas!😛

  97. aninipot ay nagsabing:

    little hamster ko, tagal mo ng natulog sa cocoon mo ah! ayaw mong lumabas?…musta?

  98. Vajarl ay nagsabing:

    Tao pooooooooooooooo?

  99. gerald ay nagsabing:

    grabe na dami ng comments mo dito ah..

    mag post ka na ulet.. !

  100. Sows ay nagsabing:

    wla na ko sa link..awts

  101. yhen ay nagsabing:

    minsan kasi kelangan nating lumabas sa ating comfort zone para matuto tayo sa mga bagay bagay…

    kung nasa loob lang tayo ng ating cocoon panandalian lang ang gandang makikita natin din…

    fly smoothly into the air, dear butterfly…

  102. joan ay nagsabing:

    master jeeson. asan kana? =))

  103. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    busy kasi nagsha-shopping pa sya. bumili ng pambiyak ng cocoon…

  104. Sows ay nagsabing:

    ei can u do me a favor? i badly need ur help. about SEO stuff. its work-related so..hmm, can i email u? bc kb? cnxa na h..

    tnx! i know ur one of d experts w/this.
    gud morneng..😉

    • jason ay nagsabing:

      aw di ako expert… slight lang lols… hahahaha napag usapan na naten to sa email..

      oi sows hah balik ka sa next entry ko. aabangan kita don!😀

      good pm!

  105. Miss N ay nagsabing:

    What the caterpillar calls the end of the world, the master calls…a butterfly. Sabi yan ni Richard Bach. Paki-konek na lang. Di ko ma-explain kasi nagloloko keyboard ko hahaha!

  106. iamronel ay nagsabing:

    wow may kwentong bata pla dito..:) galing

  107. cruxrifter ay nagsabing:

    cocoon ba talaga yan? :))

  108. tito erNs ay nagsabing:

    malapit na malapit na malapit na ba talaga????

    ahahahaha….

  109. Happy Pig ay nagsabing:

    matatalinhagang mga salita.. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s