Alien Part 2


Kamakailan lang ay nagkaroon ng
kaunting kaguluhan sa isang
malapit na planeta.

Dito naman sa planetang XYU,
may isang haring gutom.
Para sa kanya, iyo ay isang
malaking kaganapan.

.

.

Siya si Haring Repken. Kitang-kita ang kanyang pagiging bochog. Halatang matakaw, kada minuto ay kailangang kumain, kada isang linggo, sya ay may espesyal na pinapagawa sa mga alalay nya.

Repken: Nagugutom ako! Nagugutom ako! Nasan na kayo mga alalay ko!?

Alipin Brown: Ano po yun boss? Mukhang kumukulo na naman ang bumobochog mong tiyan.
Alipin Green: Hohoho! Hindi yan kumukulo. Baka may bulate lang.


Tiyan ni Repken: Brrrrr… Grrr…. Trrrrr….
Maingay na talaga ang bochog na tiyan ng hari. Dinig iyon sa ibang karatig na kaharian sa buong planeta.


Repken: Magsitahimik kayo!!!

Nagugutom ako. Ihanap nyo ko ng pagkain.

Maliwanag?!

Kailangan magustuhan ko ang ihahain nyo sakin.

Mukhang maganda pa naman ang gising ko. Parang gusto kong
mamigay ng biyaya.

Ngunit…

Kapag di ako nasiyahan…


Alipin Brown: opo…
Alipin Green: … boss


Dumeretso kaagad ang dalawng alipin sa lugar ng mga pulang baging.

Alipin Brown: Saan kaya tayo kukuha ng pagkain?
Alipin Green: Basta ako, gagalingan ko. Nakaka-amoy ako ng promotion.
Malay mo tinetest nya tayo.
Alipin Green: Pano kung ano.. Baka may ma-evict sa tin kapag panget ang pagkain natin…

Alipin Brown: Ganon? Okay kaya itong pulang baging para kainin?
Alipin Green: Di ko alam. Maghanap pa tayo sa ibang lugar.

Daliang naghanap ng pagkain ang dalawang alipin, sa iba’t ibang panig ng planeta.
Hanap, hanap sa loob ng Kweba ng mga Mata…


Naghalungkat, nagkalkal, naghagilap… Ano kaya ang nababagay na pagkain para mapasaya ang hari? Yan ang nasa isip ng dalawang alipin.

Hanap, hanap, sa bundok ng mga basurang bakal…

At naghanap pa ng iba pang lugar ang dalawa…

Naunang nakabalik si Alipin Brown.


Repken: O, nandito ka na pala.
Alipin Brown: hinde wala pa. (pabulong)
Repken: Ano?
Alipin Brown: wala po, eto na po ang pagkain nyo.

Inabot ni Alipin Brown ang “grimball”, isang binilog na lamanloob.

Repken: Mahusay. Akin na nagugutom na ko.

Kinain ni Repken ang grimball at nagustuhan nya ito…





Dumarating na si Alipin Green.

Nakita ni alipin Green na kinakain na ni Repken ang grimball na galing
kay Alipin Brown… Di nya inaasahan…

Pareho silang grimball ang dala.

Alipin Green: Pano ba to? Hmmmmmmm… AHa! Alam ko na!!!

Tumalikod saglit si Alipin Green at isa, dalawa, tatlo…

SWOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSSSSSHHHHHHH

May kung anong likido ang lumabas sa mahabang ilong nito.
Isinahod nya ito sa grimball.

Dinagdagan ng kaunting sahog ang grimballs.
Pinatuyo ng sandali.
Tinapik-tapik na parang baby.

Alipin 2: Kamahalang Repken, eto na po ang pagkain nyo. Bagong tuklas
ko lang po ito. Ito po ang Sauced Gr… Sauced Meatball. Enjoy.

Dali-daliang itinabi ni Repken ang Grimball ni Alipin Brown at
inihain sa sarili ang Sauced Meatball ni Alipin Green.

Nguya.. Nguya… Higop ng sauce.. Nguya… Lunok…


Repken: Wala akong masabi. Kakaiba to. Ang sarap sarap.
Dahil dyan Alipin Green. Ikaw ay aking gagawi….

BLAGGGGG!!!!



Bumagsak sa sahig si Repken at nawalan ng malay.
Bumulwak ang berdeng likido mula sa kanyang bibig.


Alipin Brown:
Anong nangyare!!!
Alipin Green: Nahimatay ata sa sarap ng pagkain ko??
Baka ako na papalit sa pwesto nya?

About jason

walang clue. nak ng

161 responses »

  1. tito ay nagsabing:

    base??

  2. tito ay nagsabing:

    pa base ulit…ahahaha

  3. tito ay nagsabing:

    yehey!!! ano premyo ni tito??? yuhhoooooooooo…

  4. salbehe ay nagsabing:

    Walang Aliping Sagigilid?

  5. tita ay nagsabing:

    AHAHAHA MAGANDA ‘tong kwento na to..πŸ™‚
    medyo kaderder nga lang ng konti HAHAHA

  6. meliza catedral ay nagsabing:

    hi jason! daan ako d2 sa blog mo! intresting ang iyong blog.. kkaiba! artistic ang paggawa at saka my kwento pa! ang galing mo mgdrawing.in fairness intresting ang kwento mo dito!hehehehe

  7. happypig ay nagsabing:

    yuckiness.. mganda sana.. kaso nga lang.. yuckiness talga.. hehehe.. tpos bitin..

    • jason ay nagsabing:

      hahahahah!!!! πŸ˜€

      yuckinesss ba ms. happy. hehehe

      oi gagawa kadin ba sa wordpress?

      πŸ˜€

      bitin!!! nako.. malay mo may part 2.1 hanggang 2.10 awts.

  8. ??? ay nagsabing:

    8th base?… tma ba?.. hmn.. hindi pa din ako nakakabase sa bahay mo.. haha!!πŸ˜€

    eniweis.. maya na totoong comment… wprx muna.

    • jason ay nagsabing:

      ayos lang pasok pa naman sa tough ten!!!

      sige sige wait ko ang real comment!

      • ??? ay nagsabing:

        wala.. Sumakit lang ang ulo ko..πŸ˜€ hindi ko alam yung ending.. abangan ko na lang yung part 3 hahaha!!

        ilang araw ko nang binabalik balikan..πŸ˜€

        sumasakit lang ang ulo ko.. hahahaha!!!

        ayun…

        • jason ay nagsabing:

          awts! hahahahahaha kung may part 3 paπŸ˜€

          salamat sa pag alik balik mo aw..

          baket naman nasakit ulo mo! nakow!!!

          • ??? ay nagsabing:

            Sows.. ispageti sows.. siyempre may part 3 yan! hahaha!! hindi ko nga alam kung anung nanyare ke haring repken eh..

            hahha/1 i pressure daw ba?.. hahaha!!

            ewineys.. maganda yung drowing.. ung kuwento.. kinapulutan ko ng aral..

            tas tinapon ko sa basurahan.. kung san dapat nakalagay.. (biro lang jeson) mas gusto ko pa rin yung Mais saga mo. hahaha! Uwi muna ako sa amin.

  9. hoshi ay nagsabing:

    daya mo tito! bitin ang istorya.wahhhh

    pero alam ko na kung ano yang green na yan. hehehe
    tama yang sa masibang hari! boooh

    hehehe

  10. orville ay nagsabing:

    wahahahaha.. natatawa ako habang kumakain ang reyna ng galing sa ilong ni aliping green.. hehehe..

    galing nga naman ng naisip nya at biglang napa sa kanya ang trono.. haahaha.. galing!

  11. lhen ay nagsabing:

    hi jason miss uπŸ™‚
    katuwa yung hamster na nag sa soundtrip heheheπŸ™‚
    kita ko nanaman yang mga astigin mong drawingπŸ™‚

    • jason ay nagsabing:

      ate lhen mas miss kita!!! yahoo!! ung HAMSTER na nagsosoundtrip medyo pagod na sya, papalitan na sya ng bago.

      huwaw thanks at astigin mga drawing ko!πŸ˜€

      yahoo ate ko!

  12. mtoni ay nagsabing:

    una sa lahat…tapos na easter.
    ala akong ibig sabihin.

    ung dala ni alipin brown na greenball este grimball pala eh parang pinilipit na…teka di ko maisip.

    jesoooon magiisip muna ako ok?

    • jason ay nagsabing:

      HAhahah baket easter? nakow.. merong ibig sabihin yan. kelangan ba kitang plitin ha mtoni? hohoho

      parang pinilipit na??

      timer starts now!!

  13. otep ay nagsabing:

    Hahahaha yuckness nga.. mukhang panis na yung sipon ni alipin na green.. parang di naman sipon yun, parang plema. NYahahahahaπŸ˜€

    sa episode 2.1 siguro babait na si haring Repken sa mga alipin nya. hehehehe

    o kaya magtatae sya sa kinain n’ya, sa huli papayat na ang hari.. na dehydrate kasi. hehhee at magpapasalamat sa mga alipin kasi hindi na sya gutumin.

    kewl. \m/

  14. otep ay nagsabing:

    hahahaa puwede.

    o kaya sakaling dedo na s’ya, tanggalan nila ng laman-loob si haring repken tapos gawing maskot ni aliping green.

    oha! edi instant hari s’ya. heheheheheπŸ˜›

    Hahahahaha parang maskot lang ni jollibee..

  15. Joyo ay nagsabing:

    bwahahahabagay sa kin ito… katakawan at its best hahaha! ayun mukhang sinabotahe ang hari… di mo ba alam na mga goons ko yang mga alipin na yan hahahah!πŸ˜† ako ang mastermind!

  16. shea ay nagsabing:

    ang gross naman nito.. napakarami naman niyang snot nyahaha at may lason pa.. wakekek

  17. kaye ay nagsabing:

    yaaaaakkkkkkk! yaaaaaaaaaaaiiiiiikkkkkkssss!

    ano ba naman kasing kakaiba ang green sauce na yun at nakakamatay…teka namatay ba siya sa sarap?

    bitin eh. bilisan ang kasunod, kapatid! ayoko ng nabibitin. hahahahha!

    • jason ay nagsabing:

      yung green sauce – baka.. abokado juice lang o kaya bayabas shake. awts…

      hala si ate ayokong naiinip pano na to!!

      (panic mode ang hamster)

      • kaye ay nagsabing:

        haha magpanic ka tapos sundan mo na ang kwento, bilisssss!!!

        gusto ko yung avocado shake… pagsamahin na lang sila. pero kung nanggaling yun kay alipin green, wag na lang. di bale na lang. hahahh!

  18. Len ay nagsabing:

    hello, sobrang dami ko ng nalagpasan, senxa po, wala pang gana.. hehehe..

    musta na hamster? ang galing mu talagang gumuhit!πŸ™‚

    • jason ay nagsabing:

      dalawa lang naman ata nalampasan mo ate ppinkee!!πŸ˜€
      buti nakabalik ka na.. nanggaling ako sa post mo.,.. sana maging ok ka na hah!!!

      thanks ate lhen! thanks!!

  19. superlolongpinoy ay nagsabing:

    Haha…ayos ito Jason…may ngiti at busog pa ang mata sa iyong magandang drawing. Pasensiya ka na Jason ngayon lang nagawi ulit ang Lolo…makupad na…hehe. Ingat lagi & God Bless!

    • jason ay nagsabing:

      huwaw… ok lang po lolo!! ayos na sakin basta magustuhan mo tong entry ko!πŸ˜€

      Godbless too superlolo!!!!

      flying kick! hayahh!!!πŸ˜€πŸ˜€

  20. bonbon ay nagsabing:

    ewww! uhog ba un!? hahah! napakaexciting ng mga kaganapanngayon dito! parang mukhang madAdalas ang dalaw ko!! haha daming update eh!! bumalik ka na nga! yey!!!

    • jason ay nagsabing:

      hinde un uhog… ammm.. basta.. haha!!!!!

      nakakaecite ba???
      :D:D

      madaming update, samantalahin mo na habang nag-iitnit pa ko. awts..

      salamat sa palaging pagbisita bonbon! HAhaha!!

      oo nagbalik na ko!!! YEY!

  21. J. Kulisap ay nagsabing:

    Pagalingang, patusuan, pautakan para sa kaepalan.

    Hindi ko alam kung sino ang nagwagi at talo sa kwento mo pero parang gusto kong gamitin ito sa sistema ng ating pulitika ngayon.

    ano pe, nagustuhan much ni Jakuli ito.

    The choice of color combination, the unusual characters and setting. Hey I don’t know…kakainggit.

    • jason ay nagsabing:

      awts… pwedeng lasunin na rin ang mga nangunguna sa katiwalian?

      huwaw salamat naman at nagustuhan much mo ito!πŸ˜€

      salamat K. Kulisap!!!

  22. ELIment ay nagsabing:

    yey..kapanapanabik ang kwento. at ang mga mspaint art..ang gaganda! alien! hehe

  23. tita ay nagsabing:

    ^ALIEN! malupit talaga! di ko nga kaya gawin yung mga ginagawa ng pamangkin ko e..

    ELIment magpacheeseburger ka naman!

  24. lababo ay nagsabing:

    BASE!!!! Paatras na ang base ngayon. hahahaha
    Anu yun, sipon? aaaaack. >___<

  25. eloiski ay nagsabing:

    tongenuh! nadugyutan ako dun ah. ano kaya lasa nun? maalat-alat. baka may toppings pa na kulangot at buhok buhok. ayos!

    yang pagkain na yan dadalhin ka pala sa langit ano. parang tinapay lang sa yakitate japan! Ahay!

    • jason ay nagsabing:

      huwag mo na alamin lasa! tsaka mga alien naman sila.. hindi sila tao. malay natin, hahahahahahahhahha!!!!

      awts yakitate! aakyat sa langit, tapos sasabog bulkan, mahahati ang dagat sa sarap!

  26. tsiremo ay nagsabing:

    Hahahaha!!! Lagot si alipin Green, ano yung nilagay niya uhog? haha one of your best posts, napatawa mo ko, muntik pang masamid dahil sa grimballs.

    Pero let me ask you something, kathang isip mo ba ‘to or may katuturan, i mean humahalintulad?

    Colorblind ako di ko ma identify which is brown and green.

    • jason ay nagsabing:

      one of your best posts,— parang simon cowell lang against an american idol contestant!! (THANKS)!!!!

      amm… kathang isip lang.. bahala ng magkaroon ng katuturan. lol

      awts… colorblind… kuya tsi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  27. aninipot ay nagsabing:

    ewwwwwwwwwwwww….. waah! ayoko nang balikan…basta kaderder yong green…haha

    nabitin ako, asan na ang kasunod?…haha, demanding.

  28. the cyberpat ay nagsabing:

    nyay… 2 pala kuya yung kadugtong nung alien na nasunog….

  29. tsenn` ay nagsabing:

    nice kuya julio! at kadiri un greenish something (arte e hahaha). parang nalimot ko na un episode 1, mabalikan nga. di ba un ung may kamukha si patrick star? hehe.

    ps. habang binabasa ko kinakabahan ako na baka may lumabas na “KU~” yayks @_@

  30. kayedee ay nagsabing:

    bwahhhhh…eiww eiww..lason pla!
    bakit bitin?
    w8 q ang part 2 ha?! eheheh..
    natutulog aq, ngcng aq sa sigaw u sa bahay q!!! hahahaha

  31. cruxrifter (Edz) ay nagsabing:

    dali kuya magproduce tayoo ng comicsπŸ˜€ takte. yayaman tayoo!!πŸ™‚

  32. Ax ay nagsabing:

    parang political story ito ah. woosh.

    green for gibo? joke lang. alam ko naman kung sino iboboto mo. hehe.

  33. cruxrifter (Edz) ay nagsabing:

    hahaha :)) go NOY2πŸ˜€

  34. J. Kulisap ay nagsabing:

    Maraming salamat sa iyong kontribusyon Oton. Haylabyu.

  35. themizpah ay nagsabing:

    ang galing drawing. ibig sabihin ba ay nilason ni aliping green si haring repken? o nahimatay lang siya?

    kaya bawal talagang abusuhin ang kapangyarihan.

    good morning kuya jason!

  36. machongbutiki ay nagsabing:

    wow. ganda ah. apir!!!!

  37. Sows ay nagsabing:

    poteks hnd pla ako nkpag comment d2. ayown. ang bochog ah.

    moral lesson:
    wg kumain ng tooot tooot ng ibang tooo tooot!πŸ˜†

    • jason ay nagsabing:

      hahaha super late ka na sows!! nako naman! hahahaha

      ano yung toot tooot na sinasabi mo ah!
      maaraming toot tooot ang tao.

      lol

      • sows ay nagsabing:

        uo nga sori. nabasa ko nga to mga 2 pa lng comments tpos biglang may dumaan sa likod ko kya na close ko bigla.

        ang haba kc. pero aliw factor nmn.
        aktwali, ikw tlg may kasalanan.πŸ˜†

  38. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    kung puti ang sauce ay r-rated na to. lalo na at nasa lips nya pa yung sauce…wow x-rated

  39. Vajarl ay nagsabing:

    Hamsterman! Andito na ko! TATAK! Woooo!

  40. Vajarl ay nagsabing:

    Si hari parang sampalok! Hahahaha. :p

  41. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    Oh my gulay! Naku, parang tepok na is Haring Repken. Kawawa naman. Hay, tuyung-tuyo ako ngayon kaya ala akong ibang ma-comment kahit may ka-greenan yung sauce. LOL.

  42. J. Kulisap ay nagsabing:

    Magandang umaga rin po Utoy Jason Hamham.

    ‘Yong tinuro ko sayo ha?

    Para mapabilis ang diskarte sa buhay.

    Ahahaha

  43. Ax ay nagsabing:

    Gandang umaganess!

  44. aninipot ay nagsabing:

    magandang araw little hamster ko.

  45. pruelpo ay nagsabing:

    Igan Jason, saan mo hinuhugot ang idiya sa ganitong pagkukuwento? Powerful ang imahinasyon mo. Galing mo sa fiction.

  46. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    parang hawig ni kulisap yung reyna….
    reyna insekta. yun ang alter egoi nya

  47. yiN ay nagsabing:

    Ay nawala yung komento ko..

  48. ben 2lfowh ay nagsabing:

    ang galing naman!
    nakakatuwa at nakakatawa, may vice ganda banat pa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s