May isang naliligaw na Tutubi.
Nagising na lang sya na
nakatihaya sa isang dahon.
Malakas kasi ang hangin sa
panahong iyon kaya
siya ay tinangay at napadpad
sa isang lugar na hindi nya
kabisado. Si Tutubi…


Lumipad si tutubi. Hinahanap ang daan patungo sa pinanggalingang lugar, sa gubat ng mga tutubi.


Pero para syang naliligaw. Lipad dito, lipad dyan.

Minarkahan nya ang mga puno na kanyang dinadaanan ngunit hindi ito nakatulong. Doon at doon pa rin sya paikot-ikot. Tila may misteryo sa lugar na kanyang napuntahan.

Nagpalit ng plano si Tutubi. Imbes na hanapin ang sariling tahanan, naghanap muna sya ng masisilungan. Ngunit ramdam nyang mapanganib ang kagubatan.

Si Tutubi ay napadpad sa isang puno…



Tutubi: Dzzz. dzzz. Kaibigang Gagamba… Magandang hapon.
Gagamba: Kaibigan? Who You?
Tutubi: Naliligaw kasi ako. Maaari lang sanang makituloy kahit isang gabi lang.
Gagamba: Pasesnsya na Tutubi. Wala ng espasyo dito. Tignan mo naman…
Tutubi: Ammmm…
Gagamba: … Puno na kami dito, no vacancy. At isa pa, hindi kita kilala, baka kainin mo lang ang mga itlog ko.
Tutubi: Ganon ba? Sige salamat na lang, magandang hapon…

Dumidilim na at gumagabi na…


Lumipad ulit si Tutubi at naghanap ng iba pang masisilungan.
Gabi na talaga. Maririnig na lang ang mga huni ng mga kwago, ang tunog ng mga kuliglig, at daloy ng batis.

May nakikita si Tutubi sa malayo…


May isang butas sa lupa at pinasok nya ito. Medyo mahaba ang tunnel. Naamoy nya na mga langgam ang nakatira dito.
Habang sinusuyod ang tunnel, nagsalita na kagad sya…

Tutubi: “Ammm.. Magandang….
Bago matapos bumati si Tutubi ay may narinig syang nag-uusap…

“Blah-blah-blah…”

Habang papalapit ay lumalakas at nagiging malinaw ang usapan.
Tinuloy-tuloy nya lang ang pagpasok hanggang sa makita nya ang dalawang mag-asawang langgam



Pink Langgam: Ano ka ba naman!! Ang laki-laki ng bills natin.
Gray Langgam: Eh ano kung malaki! Ikaw ba nagbabayad?
Pink Langgam: Ganon? Eh ikaw nga ang malakas gumamit ng telepono!
Gray Langgam: Ang kulit mo din ano? Ako naman nagbabayad!!!
Pink Langgam: Maski ikaw pa nagbabayad! Eh nahuli kita kanina may kausap ka!! Halinhing ka ng halinhing! May kalaguyo kang damuho ka!

Ratatatatatatatat…. Ratatatat…. Parang armalite ang bunganga ng Pink Langgam. Nakita nya si Tutubi.

Pink Langgam: Hoy! Sino Ka!!! Alis! Alis!!!

Takot na takot at lungkot na lungkot at pagod na pagod na umalis si Tutubi.

Lumipad-lipad na naman sya at naghanap ng matutuluyan. Hanggang sa mapadpad sya sa isang malaking bato na maraming Tutubi.

Tutubi: Yehey!!! Magandang gabi mga kapwa ko tutubi! Maaari bang makituloy kahit isang gabi lang?

Tutubi Citizen1: Hah? Hindi ka naman taga rito. Isa pa, sapat lang ang pagkain namin dito. Makikihati ka pa.

Lumungkot ng bahagya si Tutubi.

Tutubi Citizen2:
Masikip na kami dito. Marami na rin kasing nakikituloy dito. Siksikan na kami.

Tutubi Citizen 3:
Maghanap ka na lang ng ibang bato. Ibang bato na katulad nitong sa amin. Good luck na lang sayo.

Sabay-sabay na nagtawanan ang mga Tutubi Citizens.


Tuluyang nalungkot si Tutubi at naluha. Nilisan nya ang bato…

Lipad…. lipad… lipad… ang kawawang tutubi.

Lumpad-lipad, sa ibabaw ng ilog.

Tahimik ang paligid. Maririnig sa paligid ng ilog ang kokak ng mga palaka…


“Kokak kokak kokak”

Maya-maya…



Tutubi:
Hala! Huwag mo kong kainin Palaka! huwag!!!

“KOKAK KOKAK KOKAK!!!”

Tutubi: Paalam malupit na mundo!!!!

Unti-unting humihigpit ang dila na nakapulupot sa katawan ni Tutubi. Pero sa isang sandali lang…

….

….

….

….

….


Ibinaba sya ng palaka sa isang Water Lily.

Tutubi: Wah? Di nga? Buhay pa ko?
Palaka: Oo. Buhay ka pa.

Tutubi: Eh? Bakit di mo ko kinain?

Palaka: Sa tingin mo bakit hindi kita kinain?

Tutubi: Siguro, sugo ka ni Lord. Nasaksihan siguro ng kalangitan ang sinapit ko sa mga kapwa kong tutubi. Sila mismo kasing mga kalahi ko, ano… nireject ako. Salamat sayo Anghel na Palaka! Salamat kay Lord!

Palaka: Nakadrugs ka ba?

Tutubi: ?

Palaka: Hindi ako kumakain ng tutubi.

Tutubi: Baket? Vegetarian ka ba? Diet ka?

Palaka: Ang dami-dami mong sinasabi, halika

dadalhin kita sa bahay ko, mukhang pagod ka na at kelangan mo ng magpahinga. Ipapakilala kita sa asawa kong tutubi.

About jason

walang clue. nak ng

153 responses »

  1. tsiremo ay nagsabing:

    Kendeng muna….VASE!!! belaaat

    • ??? ay nagsabing:

      :-O ngulat ako sa ending hahaha! awawa naman si tutubi, kahit yung mga katulad niyang tutubi ipinagtabuyan siya..:-D

      Hmn, anu kayang kuwento ni Palaka?…

      Bakit sa dinami dami ng palaka sa mundo… bakit tutubi pa ang napangasawa niya…

      huhulaan ko: Maging kapwa niya Palaka… ayaw sa kanya… kaya sa isang tutubi na lang siya napunta.πŸ˜€ hahaha!!!

      akalain mo yun?!!! hahaha!!

      • jason ay nagsabing:

        pwede! hahaha

        baka nga kaya may asawang tutubi si palaka, baka rejected din sya sa mga kalahi nya..
        πŸ˜€

        galing!

        • ??? ay nagsabing:

          naku, nakakatakot naman yun..πŸ˜€ hahaha!!

          anung magiging anak ng mag asawang palaka at tutubi?…

          tulaka?…

          patubi?…

          hindi ko din ma imagine yung magiging itsura nun, insectireptile?… kunsabagay, sa evolution isa lang ang pinanggalingan ng dalawa.. pero kahit nah..

          nang0aano tung post na to eh..πŸ˜›

  2. arnie ay nagsabing:

    lunch break muna…

    babalik ako to be to be…ahahaha

    tutubi nga!!!

  3. eloiski ay nagsabing:

    BASEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!

  4. tsiremo ay nagsabing:

    Hahaha asawa ng kokak ay tutubi? Natawa naman ako ang weird..u know what, si Dirk kaninang mga 11am, nagpapa drawing sa kin ng tutubi, naalala ko na may entry kang gagawen about it ayun, later papakita ko sa kanya ang illustrations mo hehe, masakit pa ang ngipin eh lol. May continuation ‘to sure na…Wonderrific!

  5. taribong ay nagsabing:

    post-hibang post? hehehe

    i. Anong gagawin ni palaka kung ma-tutubi-han si mrs. tutubi palaka, at ma-inlab kay tutubi?

    ii. Bakit red shoes kay tutubi, blue shoes kina langgam, no shoes kay palaka? ipaliwanag.

    iii. Alam din ba nina tutubi magsalita ng jejemons?

    • jason ay nagsabing:

      teka baket may questionnaires!! teacher ka ba?

      i. am… di ko rin kasi kabisado ang utak ng palaka. kung magseselos ba sya o baka kainin na lang nya ang sarili para walang gulo. awts.

      ii. hinde shoes yun. mga paa talaga yun sa maniwala ka’t sa hinde!

      iii. walang nagjejejemons sa kanila! walang jejemons! kathang-isip lang ang mga jejemons!

  6. eloiski ay nagsabing:

    may anak na si tutubi at si kokak? ano kaya itsura?
    hakhak!

    parang ano lang ‘to eh. yung sila mama mary at daddy joseph habang naghahanap ng matutuluyan. ang dami nagrereject sa kanila kaya sa manger tuloy pinanganak si baby jesas!

    siraulo din ‘tong si kokak ano… bat niya ipapakilala. mamaya magkadevelopan sila eh di deads na. wasak!

    sabagay madali lang siya magrerevenge. labas dila sabay lunok! eh di tapos!

  7. Ax ay nagsabing:

    ayawan na! bakit ganon yung twist ng kwento? haha.

  8. Lambing ay nagsabing:

    errrrr.. ewan ko kung bakit ako nalulungkot sa binasa ko ahhhhmmmm siguro minsan naging kagaya din ako ni tutubi… anubayan… huhuhu… jason hug mo ko naiiyak na koπŸ˜₯

    galing mag guhit ang galing din ng kwento.. ang bait naman ni palaka.. ganyan kasi kadalasan.. yun hindi natin ine expect na tutulong saten yun pa ang mga mababaetπŸ™‚

  9. arnie ay nagsabing:

    oo nga bakit naging ganun ang takbo ng mga pangyayari…??? hahahaha

    o marahil dating tutubi c palaka at isinumpa lang ng isang malupit na bruhang tipaklong upang siya ay maging isang palaka???hahahaha

    nakakaawa nga c tutubi…nakakalungkot ang mapadpad sa isang lugar na wala ka man lang kadamay o kakilala na syang gagabay sa kanya…tsk tsk tsk

    —PS:

    dagdag lang ba talaga ang mag asawang langgam sa istorya o may pinariringgan ka dyan sa opis nyo hamster????wahahahaha

  10. Alitaptap ay nagsabing:

    astig na tutubi mo..nakasapatos pa haha

    Nike ba yan? yung Lebron James na shoes?

    at
    at

    PALAKA!!!
    hahaha
    sa book 2 nito pakantahin mo si palaka ha ;D

  11. chingoy ay nagsabing:

    lucky #13… base…

    wawa tutubi… ano konek ke palaka? hmmm, mukhang may episode 13…πŸ™‚

  12. joan ay nagsabing:

    Yay! happy ending ahhh.
    Ahha ang kyuuuuuuuuuuut ng palaka ampunin ko na lang pwede??

    • jason ay nagsabing:

      o syempre naman dapat happy ending lagi. kung hindi man, pilitin natin. haha

      bawal joan. may nagmamay-ari na sa kanya…

      yung isa pang tutubi.πŸ™‚

  13. rllqph ay nagsabing:

    walastik! kala ko kung ano na! yun pala, tirador pala yang si palaka. tirador ng mga tutubi. hahaha!

  14. ianyce ay nagsabing:

    naks naman may bills ang mga ants, at no vacancy sa house ni mother spider 2loy left alone si tutubi, at eto ang malupit si palaka may asawang firefly san kapa! he he padaan lang po! salamat sa isang nakakawiling kwento!!!!!!!!!!!1:)

  15. Vajarl ay nagsabing:

    Una sa lahat, napahalakhak ako sa Pink na lamgam! Shetness ang kikay! sana makakita ako ng ganyan dito sa bahay! Pramis di ko sya titirisin! Hahahahah

    Pangalawa, san mo ba nakukuha yang makukulit na ideas mo? TUTUBI CITIZEN?! Hahahahaha. Adeeek ka hamsterman. Adeeek.

    Pangatlo, ang galeng mo mag drawing. Penge nga ng talent.

    Pang apat, pwede ka na gumawa ng children’s book. Tago ang mga lessons. Pang adik. Haha. May kaibigan akong mgaaling magdrawing ng palaka. Ewan ko ba bat yun lang ang kaya nyang idrawing. Yung boyfriend kase nya mukhang palaka.

    • jason ay nagsabing:

      reregaluhan kita ng pink na langgam na staptoy. haha!

      eh sa adik nga ako. kaya ko nakakabuo ng ganto. lol

      hahahaha natawa ko sa palakang boypren ng kaibigan mo. haha!

      awts… salamat nagustuhan mo drawing ko!!! di naman ako magaling, maalam lang. anyenye!!!

  16. sows ay nagsabing:

    na22wa nmn ako at madalas kang mg blog nowadays. nkk aliw. pgpa2loy mo yan.

    nga pla, ung pink na langgam, rare yan kya maswerte kami at pinakita mo samen to. palaka at tutubi? wow. love moves in mysterious ways..πŸ˜†

    congrats pla sa pagkapanalo sa contest ni kuya bernard ha!πŸ˜‰

    • jason ay nagsabing:

      yehey! nagbalik na talaga ko, at namiss ko talaga to, at kayo sympre.. gusto ko rin kasi maka-inspire ng mga bloggers, at mga readers. nyak.πŸ˜€

      ang saya ng kwento no? may aral. may love din. haha

      thanks panalo nga ako!!! YEHEY!

  17. themizpah ay nagsabing:

    kung sino pa ang mortal enemy ng mga insekto siya ang nagligtas sa kanya…

    ang mga kapwa tutubi..tsk..tsk…tsk…

    at uso din ang krisis sa mga langgam kahit sobrang sinop at agap nila…

    nadala ako ng kwento eheh…

    again a very beautiful post!

    ham, ham, ham

    • jason ay nagsabing:

      thanks.. bytipool talaga? thanks!!!

      natawa nga ko sa mga langgam di ko alam bakit sila nasingit dyan. gusto rin atang magkaroon ng exposure tulad nung paru paro ni strawberry. hehehe

      nadala ka nga ano?

      hehehe ham ham ham ka dyanπŸ˜€

  18. themizpah ay nagsabing:

    paging kuya kulisap,

    kailangan ng seminar sa good manners ang mga “Sangkainsektuhan”

    kawawa si tutubi.

    • J. Kulisap ay nagsabing:

      Nangyayari din ito sa mundo naming mga Kulisap, parang mga Pilipino ba, iisang lahi pero ang nais mag kaniya kaniya.

      Oton, pakipadala mo ang lahi ng mga tutubi na nang isnab kay Tutubi, baka gumamit lamang yan ng Olay Total Epek kaya hindi naman tutubi at isang uri ng dinasour…aba hindi na namin kalahi yan.

      Ito kasi yan, wala na kasi kaming makain dahil pinapabayaan na ng mga tao ang kanilang kapaligiran, may buhay rin po kami, hindi lamang po kayo.

      • themizpah ay nagsabing:

        meron din palang Olat Total Epek sa inyo kuya kulisap.
        ang ganda ng mga punto mo sa ibabang bahagi. pare-pareho pero kanya-kanya.

        sige po simula ngayon aalagaan na namin ang kapaligiran.

        • J. Kulisap ay nagsabing:

          Oo meron, Olay Total Epek, gawa sa mga piling katas ng bulaklak, prutas na sinahugan ng alikabok, laway ng gagamba na pinainitan sa araw ng panaginip.

          Butiful. Epektib.Superb

          • themizpah ay nagsabing:

            ganun pala ang epekto ng Olay Total Epek sa mga ibang tutubi hindi na nila pinapansin ang mga tutubing may kaligatang kulay.

            nasaan na si kuya oton? baka inaalam pa niya kung tutubing karayom o kalabaw ang mga umapi kay Tutubi.

            • jason ay nagsabing:

              ayan na ang olay total epek mo K. Kulisap. hahahaha

              ganon ba ang mga sahog non? sahog na katas ng kalikasan?

              ay nasa opis kasi ako kahapon. ang daming iniutos sa akin. ang dami kong ginawa lalo na sa engineering department ng opis. hasel!!! shaks di nga ko nakareply sa lahat ng mga nandito

              paumanhin namanπŸ˜€ babawi ako. asan na ba tayo?

              • themizpah ay nagsabing:

                basta ba magsend ka ng cheese burger sa aming lahat from 1st to 20th base ha. yun makakabawi ka na nun ahahaah

                ibigay na kay kuya oton ang mga address niyo para sa delivery ng cheese burger, sa Angel’s Burger nga ba iyon?

  19. J. Kulisap ay nagsabing:

    Magkokomento muna ako bago mangialam sa mga komento ng iba.

    1) Bading ba si tutubi at nangangain ng itlog ng gagamba?
    2) Tutubing karayom o tutubing kalabaw ba ito?
    3) May mga nilalang na akala natin ay sila na ang kasuyo o kasundo sa buhay at kung sino pa ang inaayawan ay siya pala ang makakaunawa. Parang sa mundo ng blogging may maangas, may nagkukunyaring mabait, may simple, merong rock ang fez…doesn’t matter…ang mahalaga ay importante, natanggap ka regardless of your status (staytus)..something like that (det)..

  20. jongskie721 ay nagsabing:

    palaka at tutubi mag asawa? eheheh

  21. Joyo ay nagsabing:

    Dear Jason,

    Nagpatawag ng meeting si Haring Lion… lahat daw dapat umattend. Pakidefrost si elephant, isama mo dun kay agua para matunaw. Pkidala yung manokl nandon sa may tambutso. Isama mo na rin yung pating. May salo-salo na magaganap di na mahalaga kung nakadress to kill o nakayapak ka, ang mahalaga nandon ka. gagantimpalaan ata si kokak. Galing ata sa mayamang angkan ng balunbalunan si tutubi. Isusurprise natin si kokak, nahanap na yung nawawala niyang kapatid… si kero keroppiπŸ˜†

    Gumagalang,
    Baboy na SexyπŸ˜†

    • Joyo ay nagsabing:

      May mga taong darating at aalis sa buhay natin. May mga mapapadaan lang, ang iba nama’y magtatagal. Minsan yung inaakala nating tatanggap sa atin tayo ay siya pang unang maglalaglag sayo. Ang akala nating kakapitan natin ay siya pang bibitaw sau at yung mga taong hindi mo lubos maisip na magiging parte ng buhay mo ang siya pang sasalo sau.

      • joyo ay nagsabing:

        minsan nakakasama ng loob at atay at balun-balunan… pero ganon ata talaga, nasa sayo kung magpapaapekto ka.

        • jason ay nagsabing:

          ang haba ng liham mo mahal kong ate. hayaan mo at replayan ko.

          Dear ate E… Joyo, a.k..a. baboy na sexy,

          Yung figurine sa tabi ng grotto inilipat ko na po sa tukador. Yung manikurista, pinaalis ko na po. Si kuya naman, hindi pa rin umuuwi, hinahanap pa din yung manok. Yung fish pond po natin sa thirdfloor medyo madumi na po, nagkakagulo na po ang mga coy at mga arwana. Yung mga buwaya nasa meeting na po nauna na sila.

          SI kerokeropi? asan sya? Dalhin mo na sakin. Andito na rin si badtzmaru.

          Lubos na gumagalang,
          hamster

  22. patpat ay nagsabing:

    kawawa naman po yung tutubi… di na tinatanggap ng ibang tao… pero yung pang di kalahi at yung di inaakala na tumulong yung tumulong sa kaniya.. hehehe… buhay nga naman…. nice story kuya ham

  23. night crawler ay nagsabing:

    at kailan pa naging magasawa ang palaka at tutubi? parang ang weird ata nun parekoy! nyahaha… uuy, bumabawi siya… ang daming posts kasi ang tagal nawala! nyahaha. good to have you back jason hamsterπŸ˜›

  24. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    anong drugs na ba ang inihithit mo? pati tutubi ay pinagtripan mo…
    so ang part 2 nyan ay nagtaksil si mrs tutubi at si tutubi ang pinatulan. in the end pareho silang kinain….habang magkadikit pa ang dalawang taksil.

  25. toni ay nagsabing:

    ala na pede itanong dahil nasabi na nila lahat. ayawan na.
    di bale basahin ko na lang kowments nilang lahat.
    hmpt!

  26. hitokirihoshi_kawaii ay nagsabing:

    hahhaah pinakagusto ko ang last line ni froggy! akalain mong may asawa siyang tutubi. buwahahaahha

    tama ba ang punto mo dito tito ay minsan kung sino pang hindi inaasahan na tutulong sa iyo. siya pa ang magkakaloob sa iyo ng biyaya. wahhh

    galing-galing!

  27. busyokology ay nagsabing:

    aba. bumalik na talaga ang dating hamster. balik ang magagandang kwento at drawing.πŸ™‚

    kawawa naman si tutubi. nakain ni palaka.pero sa isang banda kung walang tutubi..kawawa rin si palaka kase wala siyang pagkain.

  28. meliza catedral ay nagsabing:

    panalo ang ending! di ko akalain na pwedeng magasawa ang palaka at saka tutubi! magaling ang author na gumawa ng story pwede na ipublish! grabe talaga imagination mo sa paggawa ng story jason!taas ang kamay ko sa iyo! ipagppatuloy mo yan… lagi ako bbisita dito..kkatuwa ang mga blogs mo!

  29. aninipot ay nagsabing:

    wow! daming twist…gusto ko to… dalhin ko dito si kapatid na tutubi… sad kasi sya ngayon… im sure matutuwa sya dito.

    magaling little hamster ko…. basta natuwa tlaga ako pagkabasa ko nito…mwuah!

  30. Vajarl ay nagsabing:

    Hamsterman ngayon ko lang napansin ang itlog ng gagamba! WAHAHAHAHAHAHAHA! Akala ko dumi lang. Hahahaha.

    Goodafternoon yo yo yo!

  31. aninipot ay nagsabing:

    o cge ba… iniwan ko ang bakas mo sa site nya… eto ang sa kanya

    http://tutubiii.wordpress.com/

    matutuwa yon pag nakita to..

  32. kayedee ay nagsabing:

    ang ganda! ang ganda!!πŸ™‚

    in real lyf totoo un, kung cnu p ang akala mong tutulong sau un p ang tatalikod sau. (emo mode e2!) ahahaha..

    kalahi pla ng aswa e! galing mo jason!πŸ™‚

    • jason ay nagsabing:

      maganda? sing ganda mo?πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€

      opo talagang in real life, sobrang ganyan talaga ang mararanasan natin.

      aw di naman emo, nagrereflect ka lang hehehe
      πŸ˜€

      • kayedee ay nagsabing:

        ayieee yun nman daw oh! ahahhah.
        hnd nman bolero c santino ah? eheheh

        i knw datz lyf! watudo!

        kelan kya aq makaka base sau? s tingin u?eheheh.

        • jason ay nagsabing:

          ahahahaha opo. ako si santino po. pero di po ako marunong mambola po!!
          hahah!!

          gagawa ko ng entry kung saan exclusive ikaw makakabase kaydee malakas ka saken ehπŸ˜€

  33. miss.dr4g0nfLy ay nagsabing:

    weeeeeee ang kyut ah.

    adik ang tutubi pero di ata yan marunong mag drugs eh wahaha.
    tama nga si kapatid Ani, masaya dito sa kuwarto mo.

    padaan jason ha!πŸ˜‰

  34. doroastig ay nagsabing:

    galing mong gumawa ng kwento!
    akala ko kakainin na ni palaka si tutubi, yun pala, iimbitahan lang sa kanyang bahay at nang makilala na rin ang misis niyang tutubi.
    thumds up!

  35. pruelpo ay nagsabing:

    Napuna ko kay Jason ang husay niya magbigay ng buhay sa kaniyang mga kuwento.

    Puwede hirit…eh, paano magloving-loving ang palaka at tutubi?

    • jason ay nagsabing:

      thanks!!

      awts.. pano nga ba… magloloving loving, basta sa ibabaw sila ng water lily, kakanta ang palaka , tapos iikot ikot ang tutubi tapos mag lalanding sa likod ng palaka. sweet no?

  36. jex ay nagsabing:

    Ang bait naman ni palaka para si jasonhamster lang

    bwahahah kininaman tinakwil si tutubi ng kapwa tutbi niya?

  37. BatangMangyan ay nagsabing:

    wow naman, ibang klaseng kahamsteran. astig ng istorya, at astig ang galing ng mga kamay, walang sablay!

    basta PANALO ang kwento. PANALO ang PAINT ART. pwedeng paint mo naman ang batangmangyan? haha

  38. tsenn` ay nagsabing:

    hindi nga ba kumakain ng tutubi ang frogs?? di ko alam un ah??
    hehe may part two ba to. asan na? dali eksayted akong mapunta sa lungga ng frogs. hahaha!

    malapit na mag-May. haha parpol!πŸ˜€

  39. kaye ay nagsabing:

    nyay! last base na naman!

    kaaliw na naman.

    kaso di ko maisip o siguro ayoko isipin kung pano naging magasawa si palaka at ang kanyang tutubing misis. ang tanong, di kaya siya mtakot na baka may sumulot sa kanya sa misis niyang tutubi kung patutuluyin niya ang nawawalang tutubi? baka magkainlaban sila e. kawawa ang palaka…

    tsaka kung wala naman pala siyang balak na kainin si tutubi, e bakit nya pa hinuli at sinakal? sana tinawag at inimbita na lang niya…palagay ko e may maitim na balak ang palaka. hahahha!

    kala ko pa nga e may religious significance ito…parang si Hesus lang na tinakwil ng kalahi niya. hay.

    jeson kapatid ko!!!

  40. duking ay nagsabing:

    nakakatuwa talaga yung mga kwento mo,jason.this have meanings i presume.yung mga karakter at eksena.ang husay.

  41. bonistation ay nagsabing:

    ay ang sweeetttt!! may asawa syang tutubi! love story pala to! haha ang ganda ng kwento, feeling ko bumabalik ako sa bed time stories, jason gagawa kanadin ba ng book?!~ mukhang magiging mabili to pag pinagsama sama mona ang mga kwento mo pramis!!!

  42. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    J., naku, nahilo ako sa ending…

    Akala ko matetepok na si Tutubi dun sa gagamba pa lang. Ahaha! Ok. Tuyo, daing, at tinapa na ang utak ko, so hanggang dito na lang ulit (although gusto ko sana itanong kung masaya ang buhay mag-asawa ni Palaka and Mrs. Palaka).

  43. krisha ay nagsabing:

    haha .. kawindang ang ending ..πŸ™‚

    nakakatuwa.. hehe

  44. lea_dizon ay nagsabing:

    katuwa namn story nyo..very inspiring..hehehe…

  45. ehsie ay nagsabing:

    nk2twa story shock me sa ending akalain u asawa ng palaka tutubi……… pno un????? he he he…….. prng adik lng nuh!!!!!!!!!

  46. windy ay nagsabing:

    nakaka2wa ang kwento…………………..

  47. kimvirliegarin ay nagsabing:

    ang cute je…….je………je……….kaso ung nagsulat lang ung nde cute
    je je je

  48. michaela castaneda ay nagsabing:

    nice .. ang galing nan ng gumawa nito ..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s