Si Tutubi

on


May isang naliligaw na Tutubi.
Nagising na lang sya na
nakatihaya sa isang dahon.
Malakas kasi ang hangin sa
panahong iyon kaya
siya ay tinangay at napadpad
sa isang lugar na hindi nya
kabisado. Si Tutubi…


Lumipad si tutubi. Hinahanap ang daan patungo sa pinanggalingang lugar, sa gubat ng mga tutubi.


Pero para syang naliligaw. Lipad dito, lipad dyan.

Minarkahan nya ang mga puno na kanyang dinadaanan ngunit hindi ito nakatulong. Doon at doon pa rin sya paikot-ikot. Tila may misteryo sa lugar na kanyang napuntahan.

Nagpalit ng plano si Tutubi. Imbes na hanapin ang sariling tahanan, naghanap muna sya ng masisilungan. Ngunit ramdam nyang mapanganib ang kagubatan.

Si Tutubi ay napadpad sa isang puno…



Tutubi: Dzzz. dzzz. Kaibigang Gagamba… Magandang hapon.
Gagamba: Kaibigan? Who You?
Tutubi: Naliligaw kasi ako. Maaari lang sanang makituloy kahit isang gabi lang.
Gagamba: Pasesnsya na Tutubi. Wala ng espasyo dito. Tignan mo naman…
Tutubi: Ammmm…
Gagamba: … Puno na kami dito, no vacancy. At isa pa, hindi kita kilala, baka kainin mo lang ang mga itlog ko.
Tutubi: Ganon ba? Sige salamat na lang, magandang hapon…

Dumidilim na at gumagabi na…


Lumipad ulit si Tutubi at naghanap ng iba pang masisilungan.
Gabi na talaga. Maririnig na lang ang mga huni ng mga kwago, ang tunog ng mga kuliglig, at daloy ng batis.

May nakikita si Tutubi sa malayo…


May isang butas sa lupa at pinasok nya ito. Medyo mahaba ang tunnel. Naamoy nya na mga langgam ang nakatira dito.
Habang sinusuyod ang tunnel, nagsalita na kagad sya…

Tutubi: “Ammm.. Magandang….
Bago matapos bumati si Tutubi ay may narinig syang nag-uusap…

“Blah-blah-blah…”

Habang papalapit ay lumalakas at nagiging malinaw ang usapan.
Tinuloy-tuloy nya lang ang pagpasok hanggang sa makita nya ang dalawang mag-asawang langgam



Pink Langgam: Ano ka ba naman!! Ang laki-laki ng bills natin.
Gray Langgam: Eh ano kung malaki! Ikaw ba nagbabayad?
Pink Langgam: Ganon? Eh ikaw nga ang malakas gumamit ng telepono!
Gray Langgam: Ang kulit mo din ano? Ako naman nagbabayad!!!
Pink Langgam: Maski ikaw pa nagbabayad! Eh nahuli kita kanina may kausap ka!! Halinhing ka ng halinhing! May kalaguyo kang damuho ka!

Ratatatatatatatat…. Ratatatat…. Parang armalite ang bunganga ng Pink Langgam. Nakita nya si Tutubi.

Pink Langgam: Hoy! Sino Ka!!! Alis! Alis!!!

Takot na takot at lungkot na lungkot at pagod na pagod na umalis si Tutubi.

Lumipad-lipad na naman sya at naghanap ng matutuluyan. Hanggang sa mapadpad sya sa isang malaking bato na maraming Tutubi.

Tutubi: Yehey!!! Magandang gabi mga kapwa ko tutubi! Maaari bang makituloy kahit isang gabi lang?

Tutubi Citizen1: Hah? Hindi ka naman taga rito. Isa pa, sapat lang ang pagkain namin dito. Makikihati ka pa.

Lumungkot ng bahagya si Tutubi.

Tutubi Citizen2:
Masikip na kami dito. Marami na rin kasing nakikituloy dito. Siksikan na kami.

Tutubi Citizen 3:
Maghanap ka na lang ng ibang bato. Ibang bato na katulad nitong sa amin. Good luck na lang sayo.

Sabay-sabay na nagtawanan ang mga Tutubi Citizens.


Tuluyang nalungkot si Tutubi at naluha. Nilisan nya ang bato…

Lipad…. lipad… lipad… ang kawawang tutubi.

Lumpad-lipad, sa ibabaw ng ilog.

Tahimik ang paligid. Maririnig sa paligid ng ilog ang kokak ng mga palaka…


“Kokak kokak kokak”

Maya-maya…



Tutubi:
Hala! Huwag mo kong kainin Palaka! huwag!!!

“KOKAK KOKAK KOKAK!!!”

Tutubi: Paalam malupit na mundo!!!!

Unti-unting humihigpit ang dila na nakapulupot sa katawan ni Tutubi. Pero sa isang sandali lang…

….

….

….

….

….


Ibinaba sya ng palaka sa isang Water Lily.

Tutubi: Wah? Di nga? Buhay pa ko?
Palaka: Oo. Buhay ka pa.

Tutubi: Eh? Bakit di mo ko kinain?

Palaka: Sa tingin mo bakit hindi kita kinain?

Tutubi: Siguro, sugo ka ni Lord. Nasaksihan siguro ng kalangitan ang sinapit ko sa mga kapwa kong tutubi. Sila mismo kasing mga kalahi ko, ano… nireject ako. Salamat sayo Anghel na Palaka! Salamat kay Lord!

Palaka: Nakadrugs ka ba?

Tutubi: ?

Palaka: Hindi ako kumakain ng tutubi.

Tutubi: Baket? Vegetarian ka ba? Diet ka?

Palaka: Ang dami-dami mong sinasabi, halika

dadalhin kita sa bahay ko, mukhang pagod ka na at kelangan mo ng magpahinga. Ipapakilala kita sa asawa kong tutubi.

153 Comments Add yours

  1. tsiremo ay nagsasabing:

    Kendeng muna….VASE!!! belaaat

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw! panalo ang pagkendeng mo kuya tsi!!

    2. machongbutiki ay nagsasabing:

      hahah naimagine kong kumendeng ang author. whahaha dito na lang ako magkoment natatamad akong pumunta sa babae. hehehe. minsan tlga iniisip ko, ano ba tlgang pinainum sau ng mga magulang mo at ang taba taba ng utak mo, hahaha. mamahagii ka na nman.

      1. jason ay nagsasabing:

        wag mo imagine na kumendeng ang author. di mainam sa mata. daya nito oi pumila ka sa baba. joke.

        pinainom nila ko ng bearbrand, birch tree, nido, at cerelac.

        wosho ka ikaw nga magaling dyan!

    3. Mon ay nagsasabing:

      Off topic: TSI and Jason, dba sabi nyo sasali kayo sa pakontest ko? awts.

      1. jason ay nagsasabing:

        sasali po ako! nag hahanda pa lang mon!! wiiii!!

        1. tsiremo ay nagsasabing:

          Wala pa kase akong summer vacation na mai she share sayo Mon haha next month pa lol..

  2. arnie ay nagsasabing:

    base

    1. arnie ay nagsasabing:

      awww!!! naunahan ako ni kuya tsi…jajaja

      1. tsiremo ay nagsasabing:

        belat haha, lakas ng radar ko ano Arnie haha, better luck next time dude, next time ….

        1. arnie ay nagsasabing:

          ahahaha…late nman kasi ung radar ko…meron peboritism sya… :-p

          1. jason ay nagsasabing:

            hala.. wala akong peboritism wala talaga wala!!!

            second base si tito!

    1. ??? ay nagsasabing:

      :-O ngulat ako sa ending hahaha! awawa naman si tutubi, kahit yung mga katulad niyang tutubi ipinagtabuyan siya..:-D

      Hmn, anu kayang kuwento ni Palaka?…

      Bakit sa dinami dami ng palaka sa mundo… bakit tutubi pa ang napangasawa niya…

      huhulaan ko: Maging kapwa niya Palaka… ayaw sa kanya… kaya sa isang tutubi na lang siya napunta. 😀 hahaha!!!

      akalain mo yun?!!! hahaha!!

      1. jason ay nagsasabing:

        pwede! hahaha

        baka nga kaya may asawang tutubi si palaka, baka rejected din sya sa mga kalahi nya..

        😀

        galing!

        1. ??? ay nagsasabing:

          naku, nakakatakot naman yun.. 😀 hahaha!!

          anung magiging anak ng mag asawang palaka at tutubi?…

          tulaka?…

          patubi?…

          hindi ko din ma imagine yung magiging itsura nun, insectireptile?… kunsabagay, sa evolution isa lang ang pinanggalingan ng dalawa.. pero kahit nah..

          nang0aano tung post na to eh.. 😛

          1. ??? ay nagsasabing:

            pero bilang isang kritiko.. magandang post ito. 😀 hahaha!! andamine sequence eh. haha!!

            apat na bagsak,.,,

            clap. clap clap.

  3. arnie ay nagsasabing:

    lunch break muna…

    babalik ako to be to be…ahahaha

    tutubi nga!!!

    1. jason ay nagsasabing:

      tapos na lunch. anong lunch mo?

      ako chicken balls. sarap. mura lang 30pesos.

  4. eloiski ay nagsasabing:

    BASEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!

    1. eloiski ay nagsasabing:

      4th base lang! okinawa,japan naman oh.

      sige basa mode muna… hakhak!

      1. jason ay nagsasabing:

        yehey congrats! galing ka kasi okinawa. at least diba malapit lapit sa simula! yehey!

  5. tsiremo ay nagsasabing:

    Hahaha asawa ng kokak ay tutubi? Natawa naman ako ang weird..u know what, si Dirk kaninang mga 11am, nagpapa drawing sa kin ng tutubi, naalala ko na may entry kang gagawen about it ayun, later papakita ko sa kanya ang illustrations mo hehe, masakit pa ang ngipin eh lol. May continuation ‘to sure na…Wonderrific!

    1. jason ay nagsasabing:

      talaga? pakita mo kay dirk to ha! parang how to draw a tobitubi.
      hahahah

      nyak baket masaket ngipen ni pamangkin ko?

      thanks sa- wonderrific!

  6. taribong ay nagsasabing:

    post-hibang post? hehehe

    i. Anong gagawin ni palaka kung ma-tutubi-han si mrs. tutubi palaka, at ma-inlab kay tutubi?

    ii. Bakit red shoes kay tutubi, blue shoes kina langgam, no shoes kay palaka? ipaliwanag.

    iii. Alam din ba nina tutubi magsalita ng jejemons?

    1. jason ay nagsasabing:

      teka baket may questionnaires!! teacher ka ba?

      i. am… di ko rin kasi kabisado ang utak ng palaka. kung magseselos ba sya o baka kainin na lang nya ang sarili para walang gulo. awts.

      ii. hinde shoes yun. mga paa talaga yun sa maniwala ka’t sa hinde!

      iii. walang nagjejejemons sa kanila! walang jejemons! kathang-isip lang ang mga jejemons!

  7. eloiski ay nagsasabing:

    may anak na si tutubi at si kokak? ano kaya itsura?
    hakhak!

    parang ano lang ‘to eh. yung sila mama mary at daddy joseph habang naghahanap ng matutuluyan. ang dami nagrereject sa kanila kaya sa manger tuloy pinanganak si baby jesas!

    siraulo din ‘tong si kokak ano… bat niya ipapakilala. mamaya magkadevelopan sila eh di deads na. wasak!

    sabagay madali lang siya magrerevenge. labas dila sabay lunok! eh di tapos!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha kasi nga na-aadikan sya kay tutubi. kaya ipapaalam lang nya reason bakit di sya nakaen ng tutubi..

      wow na elibs naman ako sayo elly. talagang naipasok mo ang kwento ni baby jesus! ayee!!!

      oo takot lang nlang maglampungan, takot lang nila sa palaka. haha!

    2. J. Kulisap ay nagsasabing:

      Maligayang Pasko Eloi Buendia.

      1. jason ay nagsasabing:

        malayo pasko nako!!!

  8. Ax ay nagsasabing:

    ayawan na! bakit ganon yung twist ng kwento? haha.

    1. jason ay nagsasabing:

      walang aayaw adik ka. haha!

  9. Lambing ay nagsasabing:

    errrrr.. ewan ko kung bakit ako nalulungkot sa binasa ko ahhhhmmmm siguro minsan naging kagaya din ako ni tutubi… anubayan… huhuhu… jason hug mo ko naiiyak na ko 😥

    galing mag guhit ang galing din ng kwento.. ang bait naman ni palaka.. ganyan kasi kadalasan.. yun hindi natin ine expect na tutulong saten yun pa ang mga mababaet 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      hala eto hug ate lambing

      shaks sorry naman!!! 😀

      salamat ate nagustuhan mo ang gawa ko..

      wow.. natumbok mo po. 😀

  10. arnie ay nagsasabing:

    oo nga bakit naging ganun ang takbo ng mga pangyayari…??? hahahaha

    o marahil dating tutubi c palaka at isinumpa lang ng isang malupit na bruhang tipaklong upang siya ay maging isang palaka???hahahaha

    nakakaawa nga c tutubi…nakakalungkot ang mapadpad sa isang lugar na wala ka man lang kadamay o kakilala na syang gagabay sa kanya…tsk tsk tsk

    —PS:

    dagdag lang ba talaga ang mag asawang langgam sa istorya o may pinariringgan ka dyan sa opis nyo hamster????wahahahaha

    1. jason ay nagsasabing:

      ganon talaga ang takbo. wala ka ng magagawa. lol.

      ikaw kung ano ano naiiisip mo, masmalikot pa isip mo saken. pati sa opis ko. hahahah hindi sila kasale dito! lols

      1. arnie ay nagsasabing:

        ahahahaha…talagang ganon..

        1. jason ay nagsasabing:

          hinde.. namamalikmata ka lang.

          hohohoho

  11. Alitaptap ay nagsasabing:

    astig na tutubi mo..nakasapatos pa haha

    Nike ba yan? yung Lebron James na shoes?

    at
    at

    PALAKA!!!
    hahaha
    sa book 2 nito pakantahin mo si palaka ha ;D

    1. jason ay nagsasabing:

      adik ka alitaptap. ilaga kita e.

      walang sapatos dyan! bare foot na nila yan.

      teka hanapin mo sa alulod baka na istock si…
      ay yung palaka pala

      hohoho

    2. J. Kulisap ay nagsasabing:

      Aning may kapatid tayo dito pero taga Luzon siya.

      Hi Alitaptap, patingin ng ilaw mo sa wetpaks

      1. jason ay nagsasabing:

        alitaptap, magpakilala ka na sa mga kalahi mo dito.. antayin natin si aninipot.

        1. Alitaptap ay nagsasabing:

          huhLOL! ano yung Aninipot? never heard

          @J.Kulisap, WEIRDO! sabi ni Wowa, surot ka daw

          1. jason ay nagsasabing:

            takte ka alitaptap ang aga-aga.

            hahhaahha!!!

            1. J. Kulisap ay nagsasabing:

              Lahat ng insekto ako ‘yon, pwedeng surot, kaya kakagatin kita sa wetpaks mo Alitaptap.

              1. jason ay nagsasabing:

                alitaptap lumabas ka na!!! eto na hinahanap mo lagot ka!

                1. bendita ay nagsasabing:

                  hello~ di ako takot noh.. kahit dalhin pa nya lahat ng barkada nyang insekto EEEEwww talaga

              2. Alitaptap ay nagsasabing:

                PERVERT! ambaho mo pa.. wag kang lalapit sa’kin!

                @jason, hello

                EEEeew to J.Kulisap

                1. J. Kulisap ay nagsasabing:

                  Ang choosy mo naman Alitaptap, anak ka sa labas ng Jakulandia.

              3. aninipot ay nagsasabing:

                naku! may kapatid na akong tutubi… mas mabait yon.

      2. aninipot ay nagsasabing:

        kuya, andito na ako…woooow!

        hello my little hamster

        1. jason ay nagsasabing:

          nako nandyan na ang pwersa ng kagubatan. lagot ka alitaptap..

          hi ate ani ko 😀

  12. chingoy ay nagsasabing:

    lucky #13… base…

    wawa tutubi… ano konek ke palaka? hmmm, mukhang may episode 13… 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw. lucky 13 ka nga kuya!

      hanggang episode 75 to, last namber sa Bingo!

  13. joan ay nagsasabing:

    Yay! happy ending ahhh.
    Ahha ang kyuuuuuuuuuuut ng palaka ampunin ko na lang pwede??

    1. jason ay nagsasabing:

      o syempre naman dapat happy ending lagi. kung hindi man, pilitin natin. haha

      bawal joan. may nagmamay-ari na sa kanya…

      yung isa pang tutubi. 🙂

  14. rllqph ay nagsasabing:

    walastik! kala ko kung ano na! yun pala, tirador pala yang si palaka. tirador ng mga tutubi. hahaha!

    1. jason ay nagsasabing:

      awts.. parang tirador ng kaning lamig lang!

  15. ianyce ay nagsasabing:

    naks naman may bills ang mga ants, at no vacancy sa house ni mother spider 2loy left alone si tutubi, at eto ang malupit si palaka may asawang firefly san kapa! he he padaan lang po! salamat sa isang nakakawiling kwento!!!!!!!!!!!1:)

    1. jason ay nagsasabing:

      yey mukhang nagustuhan mo ang gawa ko..

      salamat naman kung ganown at napasaya kita!

  16. Vajarl ay nagsasabing:

    Una sa lahat, napahalakhak ako sa Pink na lamgam! Shetness ang kikay! sana makakita ako ng ganyan dito sa bahay! Pramis di ko sya titirisin! Hahahahah

    Pangalawa, san mo ba nakukuha yang makukulit na ideas mo? TUTUBI CITIZEN?! Hahahahaha. Adeeek ka hamsterman. Adeeek.

    Pangatlo, ang galeng mo mag drawing. Penge nga ng talent.

    Pang apat, pwede ka na gumawa ng children’s book. Tago ang mga lessons. Pang adik. Haha. May kaibigan akong mgaaling magdrawing ng palaka. Ewan ko ba bat yun lang ang kaya nyang idrawing. Yung boyfriend kase nya mukhang palaka.

    1. jason ay nagsasabing:

      reregaluhan kita ng pink na langgam na staptoy. haha!

      eh sa adik nga ako. kaya ko nakakabuo ng ganto. lol

      hahahaha natawa ko sa palakang boypren ng kaibigan mo. haha!

      awts… salamat nagustuhan mo drawing ko!!! di naman ako magaling, maalam lang. anyenye!!!

      1. Vajarl ay nagsasabing:

        Marunong ka na mag anyenye! Kungreshemeleyshens!!

        May staptoy na pink na lamgam? OMG what’s happening to da world?! Ang kikaaaaay!

        1. jason ay nagsasabing:

          HAhahah magandang umaga vajarl!!!!

          sabi nga sa kanta ng black eyed peas:
          “what’s wrong with the world, momma?”

  17. sows ay nagsasabing:

    na22wa nmn ako at madalas kang mg blog nowadays. nkk aliw. pgpa2loy mo yan.

    nga pla, ung pink na langgam, rare yan kya maswerte kami at pinakita mo samen to. palaka at tutubi? wow. love moves in mysterious ways..
    😆

    congrats pla sa pagkapanalo sa contest ni kuya bernard ha! 😉

    1. jason ay nagsasabing:

      yehey! nagbalik na talaga ko, at namiss ko talaga to, at kayo sympre.. gusto ko rin kasi maka-inspire ng mga bloggers, at mga readers. nyak. 😀

      ang saya ng kwento no? may aral. may love din. haha

      thanks panalo nga ako!!! YEHEY!

  18. themizpah ay nagsasabing:

    kung sino pa ang mortal enemy ng mga insekto siya ang nagligtas sa kanya…

    ang mga kapwa tutubi..tsk..tsk…tsk…

    at uso din ang krisis sa mga langgam kahit sobrang sinop at agap nila…

    nadala ako ng kwento eheh…

    again a very beautiful post!

    ham, ham, ham

    1. jason ay nagsasabing:

      thanks.. bytipool talaga? thanks!!!

      natawa nga ko sa mga langgam di ko alam bakit sila nasingit dyan. gusto rin atang magkaroon ng exposure tulad nung paru paro ni strawberry. hehehe

      nadala ka nga ano?

      hehehe ham ham ham ka dyan 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      20th base! not bad! haha!

  19. themizpah ay nagsasabing:

    paging kuya kulisap,

    kailangan ng seminar sa good manners ang mga “Sangkainsektuhan”

    kawawa si tutubi.

    1. J. Kulisap ay nagsasabing:

      Nangyayari din ito sa mundo naming mga Kulisap, parang mga Pilipino ba, iisang lahi pero ang nais mag kaniya kaniya.

      Oton, pakipadala mo ang lahi ng mga tutubi na nang isnab kay Tutubi, baka gumamit lamang yan ng Olay Total Epek kaya hindi naman tutubi at isang uri ng dinasour…aba hindi na namin kalahi yan.

      Ito kasi yan, wala na kasi kaming makain dahil pinapabayaan na ng mga tao ang kanilang kapaligiran, may buhay rin po kami, hindi lamang po kayo.

      1. themizpah ay nagsasabing:

        meron din palang Olat Total Epek sa inyo kuya kulisap.
        ang ganda ng mga punto mo sa ibabang bahagi. pare-pareho pero kanya-kanya.

        sige po simula ngayon aalagaan na namin ang kapaligiran.

        1. J. Kulisap ay nagsasabing:

          Oo meron, Olay Total Epek, gawa sa mga piling katas ng bulaklak, prutas na sinahugan ng alikabok, laway ng gagamba na pinainitan sa araw ng panaginip.

          Butiful. Epektib.Superb

          1. themizpah ay nagsasabing:

            ganun pala ang epekto ng Olay Total Epek sa mga ibang tutubi hindi na nila pinapansin ang mga tutubing may kaligatang kulay.

            nasaan na si kuya oton? baka inaalam pa niya kung tutubing karayom o kalabaw ang mga umapi kay Tutubi.

            1. jason ay nagsasabing:

              ayan na ang olay total epek mo K. Kulisap. hahahaha

              ganon ba ang mga sahog non? sahog na katas ng kalikasan?

              ay nasa opis kasi ako kahapon. ang daming iniutos sa akin. ang dami kong ginawa lalo na sa engineering department ng opis. hasel!!! shaks di nga ko nakareply sa lahat ng mga nandito

              paumanhin naman 😀 babawi ako. asan na ba tayo?

              1. themizpah ay nagsasabing:

                basta ba magsend ka ng cheese burger sa aming lahat from 1st to 20th base ha. yun makakabawi ka na nun ahahaah

                ibigay na kay kuya oton ang mga address niyo para sa delivery ng cheese burger, sa Angel’s Burger nga ba iyon?

  20. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Magkokomento muna ako bago mangialam sa mga komento ng iba.

    1) Bading ba si tutubi at nangangain ng itlog ng gagamba?
    2) Tutubing karayom o tutubing kalabaw ba ito?
    3) May mga nilalang na akala natin ay sila na ang kasuyo o kasundo sa buhay at kung sino pa ang inaayawan ay siya pala ang makakaunawa. Parang sa mundo ng blogging may maangas, may nagkukunyaring mabait, may simple, merong rock ang fez…doesn’t matter…ang mahalaga ay importante, natanggap ka regardless of your status (staytus)..something like that (det)..

    1. jason ay nagsasabing:

      sige pipilitin kong sagutin..

      1. Ang kasarian ng tutubi ay naaaayon sa mambabasa. KUng gusto nya bang ilagay ang sarili sa katayuan ng tutubi, o kaya naman kapareho sya ng mga nararanasan ng insektong yan.

      2. tutubing kalabaw ata. kasi medyo mataba.

      3. yep. natumbok mo. minsan nga kahit pilitin mong makibagay, iba iba kasi talaga ang mga tao sa paligid. ang akala mong tutulong sayo ay hindi naman pala, at vice versa.

      1. J. Kulisap ay nagsasabing:

        Ok. Gusto ko bading na bading ako ngayon. May nagtext, bading na bading na beautiful bading si Jakuli..Hi Miss Jakuli

        1. jason ay nagsasabing:

          HAhahahh oi K. Kulisap. pigilan mo sarili mO! hahah

          1. J. Kulisap ay nagsasabing:

            tSE. ePEK NG olay TOTAl Epek.Ahahaha

  21. jongskie721 ay nagsasabing:

    palaka at tutubi mag asawa? eheheh

    1. jason ay nagsasabing:

      sa huwes pa lang sila kinasal.
      next week pa ang official sa simbahan

  22. Joyo ay nagsasabing:

    Dear Jason,

    Nagpatawag ng meeting si Haring Lion… lahat daw dapat umattend. Pakidefrost si elephant, isama mo dun kay agua para matunaw. Pkidala yung manokl nandon sa may tambutso. Isama mo na rin yung pating. May salo-salo na magaganap di na mahalaga kung nakadress to kill o nakayapak ka, ang mahalaga nandon ka. gagantimpalaan ata si kokak. Galing ata sa mayamang angkan ng balunbalunan si tutubi. Isusurprise natin si kokak, nahanap na yung nawawala niyang kapatid… si kero keroppi 😆

    Gumagalang,
    Baboy na Sexy 😆

    1. Joyo ay nagsasabing:

      May mga taong darating at aalis sa buhay natin. May mga mapapadaan lang, ang iba nama’y magtatagal. Minsan yung inaakala nating tatanggap sa atin tayo ay siya pang unang maglalaglag sayo. Ang akala nating kakapitan natin ay siya pang bibitaw sau at yung mga taong hindi mo lubos maisip na magiging parte ng buhay mo ang siya pang sasalo sau.

      1. joyo ay nagsasabing:

        minsan nakakasama ng loob at atay at balun-balunan… pero ganon ata talaga, nasa sayo kung magpapaapekto ka.

        1. jason ay nagsasabing:

          ang haba ng liham mo mahal kong ate. hayaan mo at replayan ko.

          Dear ate E… Joyo, a.k..a. baboy na sexy,

          Yung figurine sa tabi ng grotto inilipat ko na po sa tukador. Yung manikurista, pinaalis ko na po. Si kuya naman, hindi pa rin umuuwi, hinahanap pa din yung manok. Yung fish pond po natin sa thirdfloor medyo madumi na po, nagkakagulo na po ang mga coy at mga arwana. Yung mga buwaya nasa meeting na po nauna na sila.

          SI kerokeropi? asan sya? Dalhin mo na sakin. Andito na rin si badtzmaru.

          Lubos na gumagalang,
          hamster

          1. jason ay nagsasabing:

            P.S. ate medyo nakakaiyak naman yung sinabi mo…

  23. patpat ay nagsasabing:

    kawawa naman po yung tutubi… di na tinatanggap ng ibang tao… pero yung pang di kalahi at yung di inaakala na tumulong yung tumulong sa kaniya.. hehehe… buhay nga naman…. nice story kuya ham

    1. jason ay nagsasabing:

      oi patpat! hahahah

      ganon kasi talaga ang buhay. expect the unexpected. haha!

      thanks pat nagustuhan mo ang story.

  24. night crawler ay nagsasabing:

    at kailan pa naging magasawa ang palaka at tutubi? parang ang weird ata nun parekoy! nyahaha… uuy, bumabawi siya… ang daming posts kasi ang tagal nawala! nyahaha. good to have you back jason hamster 😛

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahah talagang sinabi pang matagal ako nawala. hahahahaha

      im so happy din na makabalik night crawler 😀

  25. Mr. Nonsense ay nagsasabing:

    anong drugs na ba ang inihithit mo? pati tutubi ay pinagtripan mo…
    so ang part 2 nyan ay nagtaksil si mrs tutubi at si tutubi ang pinatulan. in the end pareho silang kinain….habang magkadikit pa ang dalawang taksil.

    1. jason ay nagsasabing:

      hoy di ako nagdadrugs! haha!

      pagtataksilan din ng palaka ang mahaharot na tutubi. kakabit si palaka sa tuko na may kalaguyong cheetah

  26. toni ay nagsasabing:

    ala na pede itanong dahil nasabi na nila lahat. ayawan na.
    di bale basahin ko na lang kowments nilang lahat.
    hmpt!

    1. jason ay nagsasabing:

      awts. oi walang ayawan mtoni. hahaha

      magandang umaga sayo!! 😀

  27. hitokirihoshi_kawaii ay nagsasabing:

    hahhaah pinakagusto ko ang last line ni froggy! akalain mong may asawa siyang tutubi. buwahahaahha

    tama ba ang punto mo dito tito ay minsan kung sino pang hindi inaasahan na tutulong sa iyo. siya pa ang magkakaloob sa iyo ng biyaya. wahhh

    galing-galing!

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw natumbok mo pamangkin ko! hahahah galing mana ka talaga sa ken!!!!

  28. busyokology ay nagsasabing:

    aba. bumalik na talaga ang dating hamster. balik ang magagandang kwento at drawing. 🙂

    kawawa naman si tutubi. nakain ni palaka.pero sa isang banda kung walang tutubi..kawawa rin si palaka kase wala siyang pagkain.

    1. jason ay nagsasabing:

      yey… ang dating hamster talaga? 😀

  29. meliza catedral ay nagsasabing:

    panalo ang ending! di ko akalain na pwedeng magasawa ang palaka at saka tutubi! magaling ang author na gumawa ng story pwede na ipublish! grabe talaga imagination mo sa paggawa ng story jason!taas ang kamay ko sa iyo! ipagppatuloy mo yan… lagi ako bbisita dito..kkatuwa ang mga blogs mo!

    1. jason ay nagsasabing:

      talaga ate liza!! natutuwa naman ako!! lagi ka dito 😀

      thanks! thanks ate liza!! yahoO!

  30. aninipot ay nagsasabing:

    wow! daming twist…gusto ko to… dalhin ko dito si kapatid na tutubi… sad kasi sya ngayon… im sure matutuwa sya dito.

    magaling little hamster ko…. basta natuwa tlaga ako pagkabasa ko nito…mwuah!

    1. jason ay nagsasabing:

      pakilala mo naman ako sa kapatid mong tutubi..!

      salamat nagustuhan mo! ate ani kO! magandang hapon!!!

      kulang pa nga ang twist. 😀

  31. Vajarl ay nagsasabing:

    Hamsterman ngayon ko lang napansin ang itlog ng gagamba! WAHAHAHAHAHAHAHA! Akala ko dumi lang. Hahahaha.

    Goodafternoon yo yo yo!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahahaha ang lalaking dumi naman non at bilog bilog! mabuti pa sana kung napagkamalan mong tadpols.

      anyeye ka!

      good afternoon din!

      1. Vajarl ay nagsasabing:

        Tadpols anak ng gagamba? SILA BA ANG MAY RELASYON NI PALAKA??

        Again, WHATSHAPENINGTODAWORLD?!

        1. jason ay nagsasabing:

          hinde ung itsura lang ng mga itlog! sabi mo kase dumi lang!!

          anyeye!

  32. aninipot ay nagsasabing:

    o cge ba… iniwan ko ang bakas mo sa site nya… eto ang sa kanya

    http://tutubiii.wordpress.com/

    matutuwa yon pag nakita to..

    1. jason ay nagsasabing:

      ahh sya pala kapatid mo.. hehehe inadd ko na sya sa blogroll para mavisit ko na din sya palagi…

      edi ate tutubi ko na rin sya? 😀

      1. aninipot ay nagsasabing:

        oo ba, ate mo narin sya dahil kapatid ko sya… ako ang bunso…si kuya kulisap ang panganay….haha

        1. jason ay nagsasabing:

          yey!! puro pala talaga kayo mga insects. hehehe

          ang kyut!

          1. aninipot ay nagsasabing:

            kaya nga magkapatid…haha, saka may sinusulat akong adventure naming tatlo kaso nakakalimutan ko, medyo busy ng kunti kaya nakakalimutan na…medyo mahaba narin kasi, di ko alam parang magiging libro na sigoro yon….haha

            1. jason ay nagsasabing:

              ay gusto kong mabasa yun..

              may illustrations din? 😀

              gusto ko kayo makita ni ate tutubi at kuya kulisap na naglalaro!! haha

  33. kayedee ay nagsasabing:

    ang ganda! ang ganda!! 🙂

    in real lyf totoo un, kung cnu p ang akala mong tutulong sau un p ang tatalikod sau. (emo mode e2!) ahahaha..

    kalahi pla ng aswa e! galing mo jason! 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      maganda? sing ganda mo?
      😀 😀 😀

      opo talagang in real life, sobrang ganyan talaga ang mararanasan natin.

      aw di naman emo, nagrereflect ka lang hehehe

      😀

      1. kayedee ay nagsasabing:

        ayieee yun nman daw oh! ahahhah.
        hnd nman bolero c santino ah? eheheh

        i knw datz lyf! watudo!

        kelan kya aq makaka base sau? s tingin u?eheheh.

        1. jason ay nagsasabing:

          ahahahaha opo. ako si santino po. pero di po ako marunong mambola po!!
          hahah!!

          gagawa ko ng entry kung saan exclusive ikaw makakabase kaydee malakas ka saken eh 😀

  34. miss.dr4g0nfLy ay nagsasabing:

    weeeeeee ang kyut ah.

    adik ang tutubi pero di ata yan marunong mag drugs eh wahaha.
    tama nga si kapatid Ani, masaya dito sa kuwarto mo.

    padaan jason ha! 😉

    1. aninipot ay nagsasabing:

      o diba kapatid?…masaya ka na? yehey!…hahaha

      1. miss.dr4g0nfLy ay nagsasabing:

        waaaaaaa. uu kapatid
        buti nalang naipasa mo ang mapa papunta dito.

        galeng ni jason magkwento ah.
        ganda ng illustrations.

        1. jason ay nagsasabing:

          yehey may bago na kong kapatid? ayos lang ba yon miss dragonfly ate na din kita? balik balik ka dito ah!

          thanks napasaya kita 😀

          thanks din kay ate ani ko! 😀

          1. miss.dr4g0nfLy ay nagsasabing:

            salamat din kapatid! 😉

            weeee ang saya saya…
            syemperds, add din kita sa blog ko
            ayusin ko yun mamaya..

            1. jason ay nagsasabing:

              yey may ate na kong tutubi! lol

              hahahah
              😀

              may ate nakong aninipot, may tutubi pa,
              may kuya pa kong kulisap. magpapaconvert na ata kong maging insekto joke.

  35. doroastig ay nagsasabing:

    galing mong gumawa ng kwento!
    akala ko kakainin na ni palaka si tutubi, yun pala, iimbitahan lang sa kanyang bahay at nang makilala na rin ang misis niyang tutubi.
    thumds up!

    1. jason ay nagsasabing:

      yey talaga po!!! 😀 thanks!!!

      maski ako nagulat sa sarili kong kwento! hahahaha kung ano ano po kasi pumapasok sa isip ko 😀

  36. pruelpo ay nagsasabing:

    Napuna ko kay Jason ang husay niya magbigay ng buhay sa kaniyang mga kuwento.

    Puwede hirit…eh, paano magloving-loving ang palaka at tutubi?

    1. jason ay nagsasabing:

      thanks!!

      awts.. pano nga ba… magloloving loving, basta sa ibabaw sila ng water lily, kakanta ang palaka , tapos iikot ikot ang tutubi tapos mag lalanding sa likod ng palaka. sweet no?

  37. jex ay nagsasabing:

    Ang bait naman ni palaka para si jasonhamster lang

    bwahahah kininaman tinakwil si tutubi ng kapwa tutbi niya?

    1. jason ay nagsasabing:

      awts… ginawa talaga kong palaka! hahahaha

      kaya nga eh ano, tustahin na natin ang mga tutubi citizens? haha!

  38. BatangMangyan ay nagsasabing:

    wow naman, ibang klaseng kahamsteran. astig ng istorya, at astig ang galing ng mga kamay, walang sablay!

    basta PANALO ang kwento. PANALO ang PAINT ART. pwedeng paint mo naman ang batangmangyan? haha

    1. jason ay nagsasabing:

      oi kuya batangmangyan! hahahaha
      salamat nagustuhan mo!!!

      paint ko ang batang mangyan? anong klaseng gulay ka ba? hohoho

      1. BatangMangyan ay nagsasabing:

        waaaaaaaah gulay. taragis ka. hahaha.

        1. jason ay nagsasabing:

          okey payn.

          frots na lang

  39. tsenn` ay nagsasabing:

    hindi nga ba kumakain ng tutubi ang frogs?? di ko alam un ah??
    hehe may part two ba to. asan na? dali eksayted akong mapunta sa lungga ng frogs. hahaha!

    malapit na mag-May. haha parpol! 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      aw.. baka nga diet yung palaka. ayaw ng calories mula sa mga dregonflies. hehehe

      may na! may na! ihanda ang parpol at ang pag rofl!!!

      =))

  40. kaye ay nagsasabing:

    nyay! last base na naman!

    kaaliw na naman.

    kaso di ko maisip o siguro ayoko isipin kung pano naging magasawa si palaka at ang kanyang tutubing misis. ang tanong, di kaya siya mtakot na baka may sumulot sa kanya sa misis niyang tutubi kung patutuluyin niya ang nawawalang tutubi? baka magkainlaban sila e. kawawa ang palaka…

    tsaka kung wala naman pala siyang balak na kainin si tutubi, e bakit nya pa hinuli at sinakal? sana tinawag at inimbita na lang niya…palagay ko e may maitim na balak ang palaka. hahahha!

    kala ko pa nga e may religious significance ito…parang si Hesus lang na tinakwil ng kalahi niya. hay.

    jeson kapatid ko!!!

    1. J. Kulisap ay nagsasabing:

      Ganyan talaga pag matanda na Kaye, napaghuhuli dahil sa rayuma.

      1. jason ay nagsasabing:

        ate kaye super late ka na nga po. nako. hehehe
        pero labs pa din kita ate ko!

        ehhh.. mabait po si palaka. hahahah
        tsaka may point din kayo ate kaye. medyo may laman din pong story about kay Jesus. ayeeee

  41. duking ay nagsasabing:

    nakakatuwa talaga yung mga kwento mo,jason.this have meanings i presume.yung mga karakter at eksena.ang husay.

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw duking salamat napabisita ka dito…

      meanings?

      PLENTY. hehehe kung baga malalim talaga to heheheh

      thanks kuya duking!!

      1. themizpah ay nagsasabing:

        wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

        ang dalawang artists nagsama na!

        saan na yung burger?

        1. jason ay nagsasabing:

          artist talaga? kaw talaga pong. hahaa

          teka yung burger, don ko lang ihahain sa bahay ni K. Kulisap yon! hahaha shhhhh!!

  42. bonistation ay nagsasabing:

    ay ang sweeetttt!! may asawa syang tutubi! love story pala to! haha ang ganda ng kwento, feeling ko bumabalik ako sa bed time stories, jason gagawa kanadin ba ng book?!~ mukhang magiging mabili to pag pinagsama sama mona ang mga kwento mo pramis!!!

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw natuwa naman ako bon at naibabalik kita sa pagkamusmos na

      mami mami read me stories 😀

      talaga? book? yey

      thanks bon!!

  43. Chad the Coffeeholic ay nagsasabing:

    J., naku, nahilo ako sa ending…

    Akala ko matetepok na si Tutubi dun sa gagamba pa lang. Ahaha! Ok. Tuyo, daing, at tinapa na ang utak ko, so hanggang dito na lang ulit (although gusto ko sana itanong kung masaya ang buhay mag-asawa ni Palaka and Mrs. Palaka).

  44. krisha ay nagsasabing:

    haha .. kawindang ang ending .. 🙂

    nakakatuwa.. hehe

  45. lea_dizon ay nagsasabing:

    katuwa namn story nyo..very inspiring..hehehe…

  46. ehsie ay nagsasabing:

    nk2twa story shock me sa ending akalain u asawa ng palaka tutubi……… pno un????? he he he…….. prng adik lng nuh!!!!!!!!!

  47. windy ay nagsasabing:

    nakaka2wa ang kwento…………………..

  48. kimvirliegarin ay nagsasabing:

    ang cute je…….je………je……….kaso ung nagsulat lang ung nde cute
    je je je

  49. michaela castaneda ay nagsasabing:

    nice .. ang galing nan ng gumawa nito ..

Mag-iwan ng tugon sa doroastig Pindutin ito para bawiin ang tugon.