Machu Picchu

Gusto kong magbakasyon. Pero hindi sa resort, at hindi sa beach. Ayoko sa mga tipikal na lugar, na palaging bukang-bibig ng mga bakasyunista. Tutal, “Dream Vacation” naman to, susulitin ko na. O-ha.

Ito nga pala ang MACHU PICCHU. Makikita to sa bansa ng PERU. Ngayon nyo lang ba nakita to? Ako din. Haha Joke lang.
.
.


Time-out muna sa mga kwentong kahamsteran. Para kasing gusto ko munang magbakasyon. Sino gustong sumama? Itaas ang kanang kamay! Magkwekwento lang ako saglit tungkol sa mga napagbakasyunan ko ng mga lugar.

Suki kami ng mga Swimming Pools. Mapa-public- hanggang sa private pools. Taun- taon, walang palya laging may swimming. Nahinto na nung past 3-4 years, nung nagkakasawaan na sila, nagkakaiba-iba na ng schedules, at iba-iba pang alibis. Ako, hindi ako nagsasawa. Adik ako sa tubig. Buong araw, buong magdamag makikita mo kong nakababad sa tubig. Walang kainan, walang ahunan. Sa Laguna kami laging nagswi-swimming. Maipagmamalaki ko rin na marunong akong magswimming. O-ha! Karera tayo?

Noong bata pa ako, hanggang ngayon, ang pinakamalayo ko lang napuntahan para magbakasyon ay ang Baguio City. Di ko na nga matandaan kung ilang taon ako nun. Siguro mga 12 years old. Batang-bata. Namsyal sa Mines View Park, Burnham Park, at iba pa. Tatlong araw din ang tinagal namin dun. Bale dalawang beses na kong nakapunta sa Baguio. Ang di ko malilimutan doon ay yung pinasakay ako sa kabayong nasa tabi ng bangin. Yung may picture taking. Di ako umiyak, pero namutla ako at nanginig. Di ako makapagsmile sa takot. Di ko na nga mahanap kung nasan yung picture kong yun.
.
.
.



Okay, balik na tayo sa aking dream vacation. Sa MACHU PICCHU. Ayoko ng idiscuss ang history na to. I-click na lang to: para sa history at official description. Basta ang alam ko lang, gustong-gusto kong pumunta dito. Parang ang hirap i-explain bakit sa dami-dami ng lugar na pwedeng puntahan eh ito ang napili ko. Sige na nga, magbibigay ako ng ilang dahilan kung bakit gusto kong puntahan tong lugar na to sa Peru.

1. Maganda. Byutipul.
2. Malayo sa bansa, hindi ordinaryo/tipikal na bakasyunan ng mga Pilipino.
3. May mga ruins dito. Parang sa mga computer games na nalalaro ko, ang sarap mag-explore.
4. One of a kind Experience ito panigurado.
5. Gusto ko lang maiba. Trip lang talaga. Trip na dream vacation.

May last question lang ako.
Kung sasama ka saken, anong dadalhin mo?”

Thanks nga pala sa mga sponsors:
* I Am Gab
* Mon de Nero
* Dan The Gardener
* Kelvinonian
* Blasting Mind
* Ark Hilario
* Facebook Tags
Monzavenue

254 Comments Add yours

    1. BatangMangyan ay nagsasabing:

      Pero ang dream vacation ng batangmangyan eh syempre sa sariling atin…sama kayo sa AMANPULO..sayang sana pala nakasali ako sa contest. haha.

      1. jason ay nagsasabing:

        huwaw. si kuya batangmangyan!!! BASE! persbeys!

        oo nga amanpulo, sabi mo kagabi. teka di ko pa na gogogoogle kung nasan ang amanpulo.

        ngeks. kahit ano atang blog entry mo pedeng isali. lalo na yung sa korea, yung may malaking pikchur ni andi coffeeprince haha

        1. Fiona ay nagsasabing:

          Use BatangMangyan in a sentece…

          1. jason ay nagsasabing:

            Fiona na lang..

            nakita ko si Fiona. Tapos hinampas ko ng Wrench sa noo. The end.

            1. Fiona ay nagsasabing:

              :)) de de de

    1. jason ay nagsasabing:

      second base. hehe

      nakanaks si Pat oh!

      1. Mon ay nagsasabing:

        Hey Pareng Jason,

        Poll voting is now going on for your entries. Please tell your friends to go to my site and vote for your entry.

        Thanks!
        Voting Ends on May 26 and winners will be announced on the 30th!
        http://www.monzavenue.com

    2. Fiona ay nagsasabing:

      cyberPat on the second base… maka-home run kaya ang susunod na batter

  1. the cyberpat ay nagsasabing:

    nice… hehehe e2 pala kuya yung machu picchu… parang langit kuya… hanep! hehehe… hayy… pasyal tayo kuya pag may pera na kayo.. hehehe…

    1. jason ay nagsasabing:

      oo tignan mo yung tuktok ng bundok abot na sa langit. sabi nila matamis daw ang clouds.

      sige pag sandamakmak na pera ko, pupunta ko dyan!! sama ko kayo yehey!

      1. Fiona ay nagsasabing:

        oo tignan mo yung tuktok ng bundok abot na sa langit. sabi nila matamis daw ang clouds. <<< konek?

        oi spaghetti ko ah! 😀

        1. jason ay nagsasabing:

          may connection yun. dadalhin kita sa tuktok. tapos pag medyo abot mo na ang cluds, ilalaglag kita. haha!

          1. Fiona ay nagsasabing:

            abude abude =))

            tapos may dala pala akong pang-Glide.. weeeeeeeee ang sarap pababa nun

            1. jason ay nagsasabing:

              ttapos sasalubong sayo sa baba si kuhol na ka kissing position.

              1. the cyberpat ay nagsasabing:

                hehehe… vanilla twilight kuya… kaso kabayo rin po ba gagamitin pataas??? nyay… parang ayoko na po maranasan ul8 un ah… hehehe

                1. jason ay nagsasabing:

                  hahaha nakakatakot ba pat? exciting nga! yey tutulak na kita ha! lol

                  1. the cyberpat ay nagsasabing:

                    waahh… wag po… masyado po kasing harsh yung nag guide po sa akin sa kabayo dati ehh… muntikan na ako malaglag…

  2. BatangMangyan ay nagsasabing:

    wow! ang ganda ng dream vacation ng hamster. gusto ko na din syang maging isa sa mga ultimate destinations ng batangmangyan. kakaibang ganda, basta nature, PANALO yan.

    kung sasama ang batangmangyan sa hamster papuntang MACHU PICCHU, eh syempre ang dadalhin ko ay ang aking kamera at ATM card 🙂

    good luck hamster. see you in Peru!

    1. jason ay nagsasabing:

      oo nga napaka wonderpool ng Machu Picchu!!! i sunod mo na to hah! next sa japan adventures mo!

      wow syempre di mawawala ang camera.
      ATM card na gagamitin para ilibre ang hamster? hohoho

      see you!

      1. tsiremo ay nagsasabing:

        Machu Picchu parang fud o panghimagas.

        1. jason ay nagsasabing:

          parang pichi-pichi? ang sarap pichi-pichilin?

  3. Monz Avenue ay nagsasabing:

    Wow naman! sa Peru yung trip! Astegg! Ako gusto ko sumama!!
    Kelan ba ‘to. lol

    Thanks for joining parekoy!

    1. jason ay nagsasabing:

      sige sama ka. magdala ka ng maraming pera. pambayad ng pauwi ko. haha!

      siguro next week. lol

      sus ikaw pa malakas ka saken pareng mon!

        1. jason ay nagsasabing:

          lolz.. hahaha jejeMON asan ka pareng jejeMON?

          loko ka talaga fiona

          1. Fiona ay nagsasabing:

            JAJAJAJAJA

            magandang araw jejeson

            1. Monz Avenue ay nagsasabing:

              hahaha di ako jejemon, di nga ako marunong nyan..

              x3nXa fpueh dih Q nUh uUl8tn.. lolz.. o ayan nagpatu;long pa ko jan ha.. hahah jejemon na jejemon dba!

              Hi Fiona!
              Pareng Jason! Jejeson daw oh! hahah

              1. jason ay nagsasabing:

                jejeMON! hahahah

                ayan oh expert ka pala eh. walang effort. parang normal na paghinga lang!

                ako nga si Jejeson. haha

  4. Ax ay nagsasabing:

    Machu Pichu.

    Punchahan mo yan kache pangarap mo. dapat ganun ang pananaw ng tao cha kanyang buhay para maging machaya.

    checheche.

    1. Monz Avenue ay nagsasabing:

      hahaha may na-alala akong artista..

    2. toni ay nagsasabing:

      kabsat ano nangyare sa dila mo?

      1. jason ay nagsasabing:

        @ax—hahahah natawa ko sayo ax adik ka isako kita eh padala kita sa mga arabo.

        @mon—sino naalala mong artista mon?

        @toni—baka may sugat sa dila si akso nakopo!

        1. toni ay nagsasabing:

          Jeson sya founder ng chechemon chiticzen.

          1. jason ay nagsasabing:

            hahahaha oo ang bagong organisasyong susgpo sa mga jejemoN!

            ang chechemons!

  5. meliza catedral ay nagsasabing:

    kkaibang blog nman ito jason at ang bilis mong gumawa ng blogs ha! bilib talaga ako saiyo!heheheh
    anyways ang ganda ng lugar nman yan jason! niresearch mo ba yan! gusto ko rin pumunta dyan ! punta tau!toinkzz. tama ka minsan nkkasawa rin sa tubig pero this may punta ako bora!hehehhe..sama ka!
    gusto ko rin makapunta ng ibang lugar or gusto ko ng adventure tulad ng mountain hiking.. kaso pangarap lng kasi wala akong kasama!toinkz
    well for u dear jason marrating mo yan kung anong man gustong mong puntahan at pangarap sa buhay! bata ka pa maraming ka pang marrating sa buhay!tulad nito paggawa ng blog my talent ka at malamang balang araw madiscover ka..heheh
    tama ba ako or hindi?! ateng ate ang dating ko sa iyo! toinkzz!
    sana makabase ako dito minsan..hihihi!

    1. jason ay nagsasabing:

      ay. hahaah ang gaganda nga ng mga sinabi mo at mga payo mo ate liz. heheeh ateng ate? syempre kapatid na kaya kita ate. heeh

      talaga this may magbobora kayo? sama ko hahaahah

      makakabase ka din po.. hohohoh

      thanks a lot!

      1. meliza catedral ay nagsasabing:

        tara sama ka!hehehe..mgsnorkling tau!hihihi
        tingnan mo jason ang dami mong avid fan sa blog mo!my future ka talaga bunso!hihihi

        1. jason ay nagsasabing:

          huwaw ate nahiya naman ako…. 😀 wala naman me fans, mga frends ko lang din po sila 😀

          hi ate ko!

    2. Fiona ay nagsasabing:

      teh, sa sinabi mong “minsan nkkasawa rin sa tubig” unang pumasok sa isip ko na ISDA ka… hahaha

      isda na gustong mag-hiking

      1. jason ay nagsasabing:

        adik ka pyona. gusto mong maging tulad ni Dory?

        1. meliza catedral ay nagsasabing:

          @fiona parang ganun na nga.. di ba hitech na isda!heheheh..nnkkasawa rin puro nakkita ko mga kaparehong isda ko!gusto ko nman galing sa lupa! toinkzzz!

  6. kayedee ay nagsasabing:

    hirap mkabase! ahaha..
    (taas ang kanang kamay!) sama aq!!
    kht hnd aq mhilig mag travel ssma aq kung kaw ang ksama q! ayieeee..

    aq rin dti nung s pinas p aq plge aq nsa beach! kya lge aq negra! ahaha..en every easter sunday s beach kme! haizzz i rily missed those days! haizzz..

    celpone q!! yan ang ddlhin q! dhil my camera,music,video,internet. ol in one pakage nah! ahaha..

    1. jason ay nagsasabing:

      KAYEDEE!!!

      yey may kasama na ko! yahooo!! aasahan ko yan. hoho
      ayeeee kaw talaga

      wow ako nga isang bbeses palang nakakapagbeach, wala pako sa tamang pag-iisip nun. haha!!

      teka ang dami dami mo namang dadalhin! pagpapatayuan kita ng computershop sa puppuntahan naten. haa!

      1. kayedee ay nagsasabing:

        uu sbhn u lng wen! ehehe.

        as in one tym plng un nag beach? seryoso? hmmm..bkt nmn ang sarap kya mligo sa tubig! (alangan namn sa buhanganin!) ahahhha.. pero seryoso aq nga hnd mrunong lumangoy mahilig sa beach or swimming pool e! 🙂

        ahaha.. cp ko nga lng ddlhin ko.. kc nandun n laht ng cnb q pra hnd mahirapan magbitbit! ehehe

        1. jason ay nagsasabing:

          sa quezon lang. kasi quezin city boy ako kaydee. walang probinsya probinsya, hanggang laguna lang talaga. hehe

          aw turuan kita libre lessons! yey!
          😀

          wow 10 in 1 na celphone!

          1. kayedee ay nagsasabing:

            ayy gnun.. eh kht nman wla bng swimming pool??
            ahahha… hindi ka mdalas mag beach pero mrunong ka lumangoy?!!! wahhhhh…
            xge xge..libre ha? ehehhe.. hahatingin tlga kta pag uwumi aq jan! ahaha

            uu nman! kya nga nd aq mbubuhay kung wla ang cp q! ahahha

            1. jason ay nagsasabing:

              sa swimming pool lang ako natuto kaydee. fastlearner naman ako. lol. hahaha oo basta ikaw libreng libre! hahaahha

              hanapin mo ko! hahahahahahh

              magandang hapon sayo kaydee mula dito s Pinas!

              yey!

  7. bonistation ay nagsasabing:

    goodluck jason! sana manalo ka ^^ parang maganda ang dating ng http://www.jasonhamster.com haha

    1. jason ay nagsasabing:

      ay…. may .com pa! hahaaha

      nakkahiya naman..

      acheche. ahaha

  8. lababo ay nagsasabing:

    pre anung kabayo yung sinakyan nyo sa bagyo? nakita nyo yuung kabayong so gay? haha. kulay pink ang buhok!
    may nakatira pa ba sa machu piccu?

    1. jason ay nagsasabing:

      estimated 5500 ang tao dyan

    2. lababo ay nagsasabing:

      mga buhay naman sila? gumagalaw at humihinga?

      1. jason ay nagsasabing:

        aba syempre!!!! kung isasama ang mga hindi na gumagalaw at hindi na humihinga, mga nasa 12000.

      2. lababo ay nagsasabing:

        waw! dami din pala! wahahaha. basta sama ko ah

        1. jason ay nagsasabing:

          oo. ano kalamo? land of the living dead yon? haha!!

          sige sige!!

  9. toni ay nagsasabing:

    maganda view jan sa lugar ng incas.
    magdala ng kamera at syempre pera.

    1. jason ay nagsasabing:

      oo nga yun ang napaka ok sa olrayt na gawen! mag photo shoot! yey!!!

      pera pambili ng pizza!

  10. Vajarl ay nagsasabing:

    BITTER AKO.

    GUSTO KO SUMALI SA KONTES NA YAN KASO WALA AKONG PIKS. I het mayself. 😦

    1. jason ay nagsasabing:

      EH BITTER KA PALA EH!!

      gawa ka picturean mo na sarili mo dali..

      anyenye!

      1. Vajarl ay nagsasabing:

        Bwahahaha. Pinilit ko gumawa ng post! Ayaw pa kase ipost ng kebigan ko yung peeeshurs kaya nagtyaga ako sa mga nasaken hahaha.

        1. jason ay nagsasabing:

          saan ba yong trip na yon? dali dedline ngayong 30. hehehe

          asan ba kebigan mo? nako. baka naman tinakbuhan ka na
          magkanno ba utang nya sayo?

  11. aninipot ay nagsasabing:

    wow! Incas empire… ako din gusto kung puntahan yan…kaso nakakatakot ang kultura ng mga incas buti nalang extinct na sila.

    gust kong pumunta ng Sagada.

    gusto kung akyatin ang Mt. Pulag.

    gusto kung libutin ang palawan.

    gusto kung pumunta ng batanes.

    wahahaha, ang dami no? pilipinas pa lang yan.

    1. lababo ay nagsasabing:

      Pilipinas aylabyu! =)

      1. jason ay nagsasabing:

        huwaw puro pinas nga..

        goodmorning ate ani ko!!

        oi lababo! bat ngayon ka lang ha

        1. lababo ay nagsasabing:

          naku mahabang kwento. =(

        2. aninipot ay nagsasabing:

          syempre…di ko pa afford ang lumabas…hahaha

          saka madami pang ng pilipinas ang di ko pa napuntahan.. malapit ko nang malibot ang mindanao…so luzon at visayas ang susunod.

          1. aninipot ay nagsasabing:

            oi lababo, nakamove on kana sa sweldo issue mo?

            tsk! lababo resign…hehehehe

            1. lababo ay nagsasabing:

              hindi pa maam, ayun nga at andiun pa rin ang post ko. may nangyari kasi. Pagkatapos ng krisis na ito, magreresign na talaga ako. Balitaan ko kayo…

              1. jason ay nagsasabing:

                pagnagkapera ko na limpak-limpak

                isasama ko kayong dalawa!!

                1. lababo ay nagsasabing:

                  libre lahat?

                  1. aninipot ay nagsasabing:

                    talaga? kelan pa yon jason?

                    na-excite naman ako…haha

                  2. lababo ay nagsasabing:

                    sabihan nyo lang ako, madali lang ako mag impake hahahaha

                    1. aninipot ay nagsasabing:

                      anong bang dadalhin?..may tent ako, sleeping bag o kaya airbed if pupunta tayo sa machu picchu….siguruhin mo lang jason na wala ng nabubuhay na mga incas ha…baka malitson tayo ng buhay dun.

                      hahahah..
                      ready na ako….wushum!!!!

    2. Fiona ay nagsasabing:

      GUSTO MO MAGING EROPLANO?

      1. jason ay nagsasabing:

        ammmm basta sasabihan ko kayo..

        hinde naman dangerous dun ate ani ko.
        masaya dun.

        puro gusali lang naman dun at mga antik.

        syempre marami na ring henerasyon ang lumipas don..

        expect na malamig don at nakakapanindig balahibo. naaalala ko manananggal sa ibabaw ng bahay mo creepy!

        1. lababo ay nagsasabing:

          may tent naman si aninipotpot.
          bat naman magkakaron ng manananggal? hahaha. may buntis ba?

          1. aninipot ay nagsasabing:

            may buntis nga sa kapitbahay namin….yay!

            di naman sigoro yon manananggal jason… wag nyo kung takutin, baka lalong di ako makatulog nito.

            o cge…magdadala ako ng tent…yong malaki…haha

            1. jason ay nagsasabing:

              oo tapos mag luluto tayo ng marshmallows at hotdog sa campfire!!

  12. tsenn` ay nagsasabing:

    waah astig! kala ko nung una parang lesson ng nat geo, un pala e dream vacation ng hamster. ayos ah! *thumbs up*

    ako, gusto ko sa.. hmm.. bermuda triangle! wahaha chos lang :p
    pero gusto ko makapunta sa south korea. wuhuuw kpop 😉

    1. Fiona ay nagsasabing:

      ano ba fave kpop-band mo?

      1. Fiona ay nagsasabing:

        5

        4

        3

        2

        1

        tooooot

        times up

      2. tsenn` ay nagsasabing:

        ambilis. hmm wala akong paborito dahil 2ne1 saka snsd lang alam ko. haha. gee gee gee gee 😀

    2. jason ay nagsasabing:

      @Julia

      talaga? parang nat geo lang? heheh may potential ba? hehehe

      awts. pag napunta ka sa bermuda triangle baka di ka na makalabas!! wahhH!!!

      awts. adik ka sa kpop tsenn?

      @Fiona

      anong hula mo sa favorite ni tsenn?

      1. tsenn` ay nagsasabing:

        hindi ako adik sa kpop, kuya julio. madalas lang ako maasar koreano kaya significant ang kpop. ahaha

      2. Fiona ay nagsasabing:

        LMB – I DON’T CARE

  13. Vajarl ay nagsasabing:

    Dadalin ko si Taylor Swift pala. Para maligayahan ka.

    Pero may twist.

    Na blender ko na sya. Taylor shake? Haha. 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      hano!!! bakit mo ginawang shake!!!

      lalatiguhin kita gamit ang buntot page anyeye ka!

      1. Vajarl ay nagsasabing:

        Haha. Hindi ako familiar sa bendita! Takot ako dyan diba pang katoliko yan? Hahaha.

        1. jason ay nagsasabing:

          hinde. si bendita yung maldita na kambal ni aguang walang emosyon

          1. Vajarl ay nagsasabing:

            Ay. Hindi na ko nanunuod ng tv. Haha.

            Hamstermaaan! Mongneng 🙂

            1. jason ay nagsasabing:

              Good morning helefant!

              hefofotamus Here! lol

    2. bendita ay nagsasabing:

      nyay~ SHAKE your Face Loser!

      1. jason ay nagsasabing:

        hala ka vajarl lagot ka kay bendita. hahaha!

  14. busyokology ay nagsasabing:

    ang ganda ng place. bagay na bagay sa isang hamster yan.hehe
    sama mo kami ni busyok!

    1. jason ay nagsasabing:

      opo. gagawin kong playground ko ang machu picchu…

      gawan na naten ng passport si busyok.

      marami naman sya pede kalaro. may mga llamas don. weeeeeee

  15. shea ay nagsasabing:

    hmmm… mga blogger para masaya.. tas pag uwi ng pinas, iisa lang yung mga pics.. yung trip nyo nila lovely, ax at alvin.. =D

    hmmm syempre camera, para makunan ko yung mga kalokohan mong gagawin..

    ang tanong? isasama mo ba ako? nakow baka itulak mo lang ako sa bangin. hehe

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaha kaming tatlo lang talaga ang nasa pics? hahahaha!

      oi wala akong kalokohang gagawin shea. behave kaya akong hamster. lol

      sasama ka syempre.!!!

      dala ka lang ng pizza ha!

  16. Fiona ay nagsasabing:

    di ba sa machu picchu nagtaping yung movie na shrek?

    kung panaginip ito..ampanget =))

    peace jason

    1. jason ay nagsasabing:

      loko. cartoons lang ang sherek. walang locations locations. gusto mo dun kita ibaon!!!

      kasama mo si abude abude

      1. tsenn` ay nagsasabing:

        natawa ko dun sa ibaon. hahaha =)) *rofl mode hahaha*

        1. jason ay nagsasabing:

          hahahahahahaha

          makakarami na naman tayon rofl chen lalo na kung sa YM. nako. wag mong ipiprint mga conve naten hahahahaha puro =)) ang nandoon!

          1. tsenn` ay nagsasabing:

            tama, puro rofl na naman pag nagharar harap tayo nila bata. hahaha

            nakakatawa pa rin un ibaon moment. hahaha. kawawa naman un ibabaon pero astig talaga e hahaha =)))))

            1. jason ay nagsasabing:

              hindi pa tapos yun pag nabaon ko na. magpapamisa pa ko. haha joke.

              Julia!! >: D<

              1. tsenn` ay nagsasabing:

                kuya! i’m back >:D<

                aba, may misa pa ah. pede rin mag-rofl don? hahahaha =))

                1. jason ay nagsasabing:

                  bawal don julia. huhulihin ka ng mga knights of the altar haha

                  1. tsenn` ay nagsasabing:

                    natawa ako sa knights of the altar. hahaha. sakristan ba un sa tagalog?? hahaha omg =)))))

  17. Fiona ay nagsasabing:

    pero kung ako SASAMA sayo.. magdadala ako ng sketch pad at lapis ^_^
    tapos pampicnic na rin.. tapos iddrawing ko ang view.. tapos magdadala ako ng kumot.. dun na rin ako matutulog sa ilalim ng magandang kalawakan ^_^ wala nmn sigurong lamok dun pero para sigurado magdadala na din ako ng Off lotion..
    hhmmmm :-/ ano pa ba dadalhin ko? magdadala na din ako ng bote lalagyan ko ng insect pag may nagustuhan ako 😛

    invite mo ko pag pumunta ka ha.. 😀 kahit sa panaginip lang din

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw magdodrawing ka? idodrawing mo ang machu picchu?

      masarap nga mag camping dun, sa tabi ng mga RuINS. exciting!!

      walang lamok dun. hula ko lang.

      ang dami mong plano!! sige sasabihan ko kayo pati sila mah at mah. lolz

      1. bendita ay nagsasabing:

        =)) sina jejemah

        sige :-/ sana bago mag 2030 nakapunta na tayo jan

        1. jason ay nagsasabing:

          loko. 2030? mayaman na tayo. meron na nga tayong tig piptipesos sa bangko. pagsamasamahin na lang naten. siguro before 2011 nandun na tayo. kaso ipapatapon na tayo dun. mga gambling/drug lord na tayo.

  18. arnie ay nagsasabing:

    wow kaganda nman dyan….sama mo si tito at lola glaiza dyan…hohoho kaso dapat nitreat mo kami ah… :))

    cge kuha na ako ng passport ko…hahahaha

    teka andyan ba c picachu?? nagpapamachu sya dyan??? lalaki ba yon??toinks

    1. jason ay nagsasabing:

      oo naman. awts. lagot ka na naman kay glaiza. hahaha nagkwentuhan nga kami. kuya jason na nga tawag nya saken kaya di ko sya pedeng tawaging lola.

      sabay tayo kuha passport tito. wala pa ko eh. 😀

      wala si picahu dito. lols. nagpapamachu? hinde. namamaschu. nyaks

  19. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Kung sasama ako sayo magdadala akong kwarta.

    1. jason ay nagsasabing:

      anong bibilhin mo don?

      1. bendita ay nagsasabing:

        bakit yung mga sumasama sayo puro pera dadalhin…

        pag sumama sama na din ako ah

        1. jason ay nagsasabing:

          puro pera. kasi alam nila wala akong pera. hahahahaha

          1. bendita ay nagsasabing:

            basta pag sumama sila sama ako lolz jejeje

            1. jason ay nagsasabing:

              pero magdadala ka rin ng pera. ok?

              1. bendita ay nagsasabing:

                cge..pero tumatanggap ba sila ng isang milyon? buo kasi pera ko e

      2. J. Kulisap ay nagsasabing:

        Yong Machu Pichu, para hindi ka na magtravel, pa-gift wrap ko for you.

        Hamsweet

        1. bendita ay nagsasabing:

          ang sweet mo naman @kulisap sana naging tubo’ ka na lang

          1. jason ay nagsasabing:

            huwaw talaga??? gusto ko yung di ko alam. tapos sa isang araw may kakatok na kartero.

            tapos sasabihin… ser jeson… SUrprays prens prays!

            tapos makikita ko ana ng machu picchu yehey!

            1. J. Kulisap ay nagsasabing:

              @Bendita, gusto mo tubo (sugarcane) ako para ngangatain mo ako? Pwede rin.

              Oo Sir Jason…surprays prens prays

              1. bendita ay nagsasabing:

                hindi.. para ipapagiling kita

                1. jason ay nagsasabing:

                  gagawing asukal? haha!

                  1. J. Kulisap ay nagsasabing:

                    Oo, pwedeng pwede, kahit ano pang gawin mo sa akin Bendita.

  20. tsiremo ay nagsasabing:

    Mukhang maganda diyan hams, Peru hmmm sana maranasan ko rin makapunta tulad sa ganyang lugar bago pa man ako bawiin ni Lord hehe…magdadala ako ng psp kung isasama moko haha lol.

    1. jason ay nagsasabing:

      maganda talaga takte! haha

      loko ka hindi ka naman babawiin ni lord. ipapahiram ka lang sa iba. joke!

      masarap nga mag psp!

      sama ka syempre kaw pa!

  21. salbehe ay nagsasabing:

    Sasali din ako dito. 🙂 Sana manalo uli tayo Jason!

    1. lababo ay nagsasabing:

      kontes to (ate) salbe? anung mechanics?

      1. jason ay nagsasabing:

        salbe sali ka ulit yehey panalo tayo diba. panalo ung machete mo. akin si ponkan/strawberry. hehehe sali ka din. ngayon dedline

        ung mechanics lababo clik mo to:

        http://www.monzavenue.com

        hanapin mo dyan yung post. hehe

        1. lababo ay nagsasabing:

          ah. sablay naman ang mga summer posts ko, hindi summer lovin eh. Summer problem. Si machete nga naman ni salbe, winner!

          1. jason ay nagsasabing:

            HAhaha baket naman problem lababo!!!

            gawa ka ng summer lovin _______ o diba panalo kagad yun.
            fill in the blanks lababo…

            asan si salbe!

            1. lababo ay nagsasabing:

              si salbe ay kasama ni vajarl, nagsashopping.

              fill in the blanks ba? patay tayo jan. hahahahahaha.
              *erase erase erase*
              madumi ang naiisip ko eh.

              1. jason ay nagsasabing:

                HAHAHAHAAAH san nagshoshopping ang dalawa? parang iba naiisip ko din. lol

                oi baket erase? ayaw mo na ba talaga??

                kamusta opisina? hindi na ba blocked ang google at yahoo? lol

                1. lababo ay nagsasabing:

                  blocked pa rin yung mail. pero dahil dito ako nakatira (see recent post) ay pc ng boss ko ang gamit ko kaya may access ako sa yahoo mail at gmail. pero blocked parin ang fb at twitter.
                  Ayoko na ngaaaaaaaaa!
                  San nagshopping? sa trinoma ata. haha
                  Ewan basta iba naisip ko. un na un. haha

                  1. jason ay nagsasabing:

                    huwaw buti may access ka sa pc ng boss mo! yahoo!

                    ay di ka na rin maka FB! sayang

                    baket ayaw mo na! hahaha

                    sa trinoma? anong gagawin nila dun? maliligaw lang sila don. maze ang trinoma

    2. Vajarl ay nagsasabing:

      Salbe! Kala ko maglalakwatsa ka? Lakwatsera!

      1. jason ay nagsasabing:

        salbe-dora the explorer!

        1. lababo ay nagsasabing:

          hindi sila maliligaw kasi kapiling nila ang isa’t-isa… yikeeee. ahahaha

          may fb ako ha, di nga lang makacomment haha olats. ako ngayon ang boss dito sa department. eto ang kwarto ko eh.

          1. jason ay nagsasabing:

            ayon nga..
            hahahah

            wow tuwang sabado pala ikaw ang boss dyan! huwaw..

            teka frend mo ba sa fb si ano? awts.. hahaha!

            1. lababo ay nagsasabing:

              nde.. di kami friends. wahahahaha

  22. arnie ay nagsasabing:

    eto na ulit ako…

    ang layo ng napuntahan ko…pumunt na nga pala ako dyan kani kanina lang…grabeh… :))

    balik tayo sama ka…toinks

    1. jason ay nagsasabing:

      antagal mo nga nawala. tagal mo iniintay kita tito..

      shaks di nga? nakapunta ka na? ok may tanong ako.

      Location : It is located in the southwestern Andes, in the Valley of _____________…Machu Picchu is at Southern Latitude 13°09’23” and at 72°32’34 ” West of Greenwich Meridian.

      ano!

      1. arnie ay nagsasabing:

        ahahaha…ano daw yun???

        hula lng toh ah…

        Huatanay River???

        hahahaha

        ang premyo if tama c tito???

        1. jason ay nagsasabing:

          abude adude that’s all folks!!!

          wala akong maalala. sino ka nga ulet?

          1. bunsoi ay nagsasabing:

            nagtatampo na si tito…

            :-p

            1. jason ay nagsasabing:

              hala pakisabi eto na, papadala ko na sa kanya ang kanyang premyo!

              isang one way trip ticket to Peru.

              Peru, random kung san sya ibabagsak ng plane.

              1. bunsoi ay nagsasabing:

                hala cge samahan mo na din daw ng parachute para exciting…

                hahahaha

                1. jason ay nagsasabing:

                  oo kaso

                  sa bermuda triangle ka ibabagsak.

                  1. arnie ay nagsasabing:

                    nakow di mo naman gustong mawala ako noh…ahmmmp

                    bago pa ako bumagsak dun ihahagis muna kita friday na ngayon mr. tharsday….wahahahaha

                    1. jason ay nagsasabing:

                      takte pinaalala na naman ang tharsday. haha!!!

                      basta ipapatapon na lang kita sa north korea. diba taga don ka? diba koreano ka tito?

                    2. arnie ay nagsasabing:

                      hindi ako taga don…grrrrr.

                      adik ka…hindi ko na sya makakalimutan…

              2. jason ay nagsasabing:

                hahahaha sorry na talaga bunsoi! hahahaha!!!!

                sige sige di na po ako maglilikot..

                ayaw mo ba talaga bumalik sa korea?

  23. machongbutiki ay nagsasabing:

    hahahaha. siguro kasi its where hamster belongs. hahaha. ano daw? di ko mabasa pa. mabagal magload eh. hayun.. pati pix bagal.. bahay na lang ako kument maganda.

    1. jason ay nagsasabing:

      oo nandyan ata ang mga ancestors ko.

      ay baket mabagal ang net dyan sa opis? patawag mo mga IT dyan.

      sige antayin ko.

      mag sight seeing ka muna dyan sa bintana mo sa opis. para ka na ring nasa machu picchu. pikit ka lang pala dapat. mag imagine.

      balik ka !

  24. ianyce ay nagsasabing:

    ang ganda naman niyan wish ko makapunta din ako wahehehe. padaan lang po

    1. jason ay nagsasabing:

      hehehe sige lang.

      makakapunta ka din dyan! ipon ipon lang muna. hehe

      gandang hapon!

  25. chingoy ay nagsasabing:

    lucky number 27 BASE!!!

    kung sasama ko sayo, ang dadalhin ko ay:

    1. ang aking private erpleyn…
    2. ang aking private secretary…
    3. ang aking private masahista…
    4. ang aking magic lamp…

    gusto kong dalhin to, baket pala??? hmmm???

    la lang.. heheheh

    1. jason ay nagsasabing:

      Hahahaha lahat ng base mo, lucky. nakakaingget ka naman penge naman pampaswerte kuya ed. hehe

      hang yaman naman may private airplane!!!

      private nurse na lang kulang…

      oi wlang dayaan bawal ang magic lamp!!
      wala.. di kita isasama!!

      belat ka! kala mo ka!!!

  26. livingstain ay nagsasabing:

    wala namang tulugan sa machu pihu, ang pagkakaalam ko jan, natuklasan yan ng maraming taon na ang nakakalipas, nagulat ang mga tao dahil may roong village sa gitna ng mga kabundukan ng peru, halos 7 bundok ang lalakarin para marating yan, at jan nagsimula ang kasabihang “matatagpuan mo sa ikapitong bundok” oha trivia yan….

    1. jason ay nagsasabing:

      eto pala si kuya kim..

      oi salamat sa mga trivia mo. ngayon ko lang nalaman yan. at hindi ata kaya ni google at wikipedia yan mga trivia mo. shaks..

      taga machu picchu ka umamin kaka jejestain!

  27. bunsoi ay nagsasabing:

    umalis muna c tito arsean…..masama loob kay hamster wala ung premyo nyang trip to Peru….

    pwede din bang sumama c bunsoi dyan???

    mr. tharsday…hohoho

    1. bunsoi ay nagsasabing:

      hang cute ng gravatar….ilabet…hahahaha

      1. jason ay nagsasabing:

        hala.. eh kasi naman.. di ko akalain na masasagot nya ang question ko :((

        hahahahaha

        huwag mo kong tawaging mr. tharsday. nahihiya ako. buti hindi nag call back yung babae. para sabihing -shungangots! friday ngayon mr. hamster!

        1. arnie ay nagsasabing:

          ah basta hihintayin ko yang premyo ko na yan….

          ang tapang mo kasing magbigay ng tanong ah…hahahaha yan tuloy napasubo ka ng di oras..

          1. jason ay nagsasabing:

            hala! wala naman ako tito na sinabing may prize! kaw kase sabi mo nakarating ka na. kaya tinest kita..

            sige na nga may prize. prenz prize.

            hohoho

            1. arnie ay nagsasabing:

              cge pede na yun…madami dapat…hehehe

              1. jason ay nagsasabing:

                pede na xtra large sa jollibee?

                1. arnie ay nagsasabing:

                  pedeng pede….hahaha

                  1. jason ay nagsasabing:

                    okey!!!! meron naman akong survivor carmoan! color black yahoo!

  28. sows ay nagsasabing:

    astig. umabot pa sa kontes oh. at ang dameng comments. hihi.
    pa berger nmn jn!

    machu picchu. now ko lng narinig yan. mkhang mganda.

  29. bendita ay nagsasabing:

    si agua di pa naliligaw dito, noh?

    malayo kasi toh sa dagat

    1. jason ay nagsasabing:

      hindeh,,mali kah benditah.
      nasan si woah-woah? hinde ka na ba bad bendiitahh?

  30. Joyo ay nagsasabing:

    wow ang saya nyan machu picchu… mas ok yung mga ganyan lugar parang malapit na malapit sa ulap… fresh ang hangin masaya…
    ako ciguro kapag magbabakasyon gusto ko magmountain climbing, tapos bungee jumping, tapos yung sasakay sa hot air balloon or papasok sa cave hahaha… gusto ko yung mga ganon. 😆 kahit sa pinas lang ok na yun… sagada, subic, bohol, palawan ang dream vacation ko kung sa pinas… pag abroad gusto ko sa New Zealand, Egypt at sa Disneyland hahaha walang pakialamanan!

    kapag ako sasama sayo magdadala ako ng video oke, kakanta tayo ng bonggang-bongga… sa machu picchu? 😆

    1. jason ay nagsasabing:

      parang gusto ko din puntahan ang new zealand mo ate..

      pero ayoko sumabay sa bungee jumping. kayang-kaya nga kong talunin ni anchor’s away sa enchanted. haha

      Egypt.

      ate alam mo bang half filipino, half egyptian ako?

      videoke yan! maririnig na din kitang kumanta. nagpramis ka kaya na kakantahan mo ko sa YM. di nga ko makatulog kakaintay.

      tara na sa machu picchu!!

      yehey

      angkas na ate. magbabike tayo..

      awts.. half filipino half court lang pala ko. hohoho

  31. bendita ay nagsasabing:

    bat lagi na lang ako ang bad!

    si agua naman talaga ang may kasalanan.. wowa wowa oh

    1. jason ay nagsasabing:

      oo bendita. ikaw talaga ang bad. ipapatapon kita sa dapitan.

    1. jason ay nagsasabing:

      ako den! yey!

  32. barrycyrus ay nagsasabing:

    Try looking for a virgin island!

    1. jason ay nagsasabing:

      mahirap barry. one in a hundred ang chance!

  33. ??? ay nagsasabing:

    interesting…

  34. ??? ay nagsasabing:

    interesting.

  35. arnie ay nagsasabing:

    magandang machu picchu!!!!

    🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      achuchu! 😀

  36. kaye ay nagsasabing:

    ako ang dream vacay ko ay Rome…parang ang sarap at maganda dun eh…pero dahil di ko pa naman yun mapupuntahan sa near future kahit sa mga malalapit lang muna na lugar ako mapunta basta kasama si kuya bong at ang mga kids. 🙂

    good luck sa iyong dream vacation…sana marating mo ang machu picchu.

    hello, kapatid ko. last base ulit ako as usual. hehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      wow.. sasabihin ko kay father rhett yan. parang ang peaceful kasi sa rome no? tapos nandun pa yung tabingeng building. Weeee

      “basta kasama si kuya bong at ang mga kids., and my kapatid na hamster”

      makakapunta rin po ako sa machu picchu. isasama kita ate kaye ko!

      ok lang kahit di ka base. base ka naman po sa puso ko.. yey!

      Tugon

    2. jason ay nagsasabing:

      wow. sa rome. aabisuhan ko si father rhett! yey! opo peaceful nga dun ate kaye. hula ko lang..

      tapos nandun din po ang nakatabingeng tower hohoho!!

      ate may kulang ka po ng sinabi: “mapunta basta kasama si kuya bong at ang mga kids. at si kapatid na hamster” dapat hohoho

      ok lang po kahit di ka base, base ka naman sa puso ko ate ko! ayeeee

      1. kaye ay nagsasabing:

        ay sorry nameyn. typo lang yung di nakasama ang kapatid na hamster sa dream vacay ko. hehehe

        ayiiiii! base sa puso mo. <—- Kaye likes this. 🙂

  37. themizpah ay nagsasabing:

    ang dream vacation ko ay sa Petra at Israel.

    di ba nasa 7 wonders ang Machu Picchu?

    mga macho (machu) daw lahat ang nandiyan tapos libre ang magpapicture (pichhu-r) — patawa si kuya pong eheheh

    kung sasama ako sa iyo magdadala ako ng parachute or paraglide baka kasi maisipan mong tumalon sa Machu Picchu maganda na ang ready.

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw petra at israel… google ko muna ang Petra…

      oo pong, nasa 7 wonders sya. hehe

      awts. hahaha natawa naman po ako. hohohoho

      hahahha baket naman tatalon! nakaktakot kaya! haha ayko tumalon don! pero parang masaya ang gliding ano!!!

      tara na bakasyon na!!

      1. themizpah ay nagsasabing:

        tara na bakasyon na tayo!

        naigoogle mo na ba?

  38. twistedisme ay nagsasabing:

    isasama ko ang ate mo ha!ha!ha!almo na un!

    wow!ang ganda ng bakasyon na trip mo, ahahay!nature nature!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahah bale tatlo na tayo twistedme! yahoo.. ate na din ba kita? 😀 payag ka ba? payag ka na. hohoho

      hahaha natutuwa ako sa inyo.

      lalo na sa plurk 😀

      1. twistedisme ay nagsasabing:

        muwahaha!sabi mo eh.. 😆

        salamat naman at natuwa ka sa sabog kong mundo, ung iba kasi di nakakatagal sa amin nila joyo lalo na kung sasalubungin ka ng mga goons nya..

        1. jason ay nagsasabing:

          yey! hahaha

          hinde naman sya sabog totally..

          slight lang po. joke..

          eh marami naman akong alagad na mga ewoks!! walang panama ang mga goons nya! yehey!

  39. eloiski ay nagsasabing:

    parang isang malaking joke ang pangalan niya. parang pikachu lang. anyways, thanks sa info at nalaman kong may ganyan palang kacute na lugar sa peru.

    sosyal! swimming pool pa ang trip o. kami kasi dagat. masikip ang swimming pool sa amin. hakhak!

    wahahaha. di nga? ang tagal na ah. pero sasabihin ko na. hindi na masyadong maganda ang baguio. overpopulated na. hindi na fresh ang hangin. pero masarap pa rin maglakad sa session paakyat habang may kinakain na ice cream.

    kung summer vacation o summer getaway lang rin naman…. isa lang ang destinasyon at pinapangarap ko JAPAN! TOKYO,JAPAN! seryoso! waaaah! puro mga anime yun. tapos kahit saan may cosplay. tapos tapos maraming mga bishounen. hallelujah!

    ah bale sasama ako basta libre. hakhak! at anong dadalhin ko, walang iba kundi si Uno, my beloved camera!

    1. eloiski ay nagsasabing:

      teka contest pala to? anong premyo???

      oi pagnanalo libre libre libre. naging parte ako ng pagkapanalo mo. wag kang selfish! (pinapangunahan na eh! sorry nemen)

      1. jason ay nagsasabing:

        kyut nga ng pangalan machu picchu yehey!

        ay… parang ayoko na tuloy pumunta sa baguio sa mga sinabi mo. parang ayoko nga kung overpopulated, imbes na mag sight seeing ako eh puro turista lang makikita ko.

        tara punta tayo sa japan.

        Japan, Japan, sagot sa kahirapan!
        wow si camera talaga ang uno sa mga dadalhin. hehe

        Pagnanalo ako, hindi pwedeng hindi ka kasama sa maaambunan ng grasya! naaalala mo nagsusuportahan pa tayo sa kontest dating libre lang mangarap! yahoo!!

        plurk plurk na!

  40. pruelpo ay nagsasabing:

    Sabi nga lahat ng bagay na puwede gawin ng tao ay binubuo muna sila sa isipan. Huwag kang titigil na mangarap – sa takdang panahon mararating at maabot mo ang pinapangarap mo. Salamat sa greetings.

    1. jason ay nagsasabing:

      Opo. hindi man ngayon, hindi man bukas, basta pinlano, ito ay matutupad balang araw! yehey tama ka kuya pruelpo!!!

      happy bday ulit!!! blow your candles na po!!

      WOOOOHHHHHHH!

  41. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Tara na, gayak na ako.

    Machu Pitso ng manok

    1. jason ay nagsasabing:

      Ang bilis mo naman gumayak. teka lang kumakain pa ko K. Kulisap. Machu Pitso hahahaah!

  42. the cyberpat ay nagsasabing:

    huwaw… hehehe… kuya.. buhay pa ba yan pag pumunta na tayo??? hehehe…

    1. jason ay nagsasabing:

      oo naman.. tayo ang iniintay nyan! yehey!!!!

      bihis ka na aalis na tayo dali maiiiwan tayo ng chopper!

  43. the cyberpat ay nagsasabing:

    waahh w8 lang po kuya… handa ko pa po gamit ko… hehehe…

    1. jason ay nagsasabing:

      cge lang!!!! basta pagbalik mo dapat may dala kang pizza. nagugutom na naman ako e

  44. the cyberpat ay nagsasabing:

    hehehe…. baka mas masarap po yung pizza dun kuya…

    1. jason ay nagsasabing:

      baka nga! kaso baka walang pizza stand don!

      magpapa franchise na lang siguro ako ng pizza hut bistro sa machu picchu! yehey!

      1. the cyberpat ay nagsasabing:

        hehehe… nu pong pizza kuya??…

  45. Vajarl ay nagsasabing:

    Mongneng hamsterman kaen ng kaen! Haha.

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw ang aga!! goodmorning!! gutom pa nga ko!

      1. Vajarl ay nagsasabing:

        Mongneng ule! Lagi nalang ako inuumaga dito! Hahaha.

        Cereals yalayk? Saraaaap. 😀

        1. jason ay nagsasabing:

          Yeah I like asan na? alok ka ng alok ng pagkain wala naman ako natatanggap kahit pictures ng pagkaen solb na ko!]

          anyeye happy wednesday vajarl! 😀

  46. gudang ay nagsasabing:

    Kung sasama ako sayo, magdadala ako ng apple! Tama ba? Laro ba yan Kuya? Hahaha. Yan ba yung Logic game? Haha. Sorry na umepal na ko. 😦 haha. 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      HAhahahaahh logic game! ikaw ang unang nakaisip!! 😀 galing! hahaaha

      Ako, magdadala ko ng Brick Game! yes!

  47. Len ay nagsasabing:

    haha, oo nga noh? Beach nalang ang bukang bibig kapag sasapit ang summer, at yun kasi ang common na pinupuntahan.. hehehe.
    Peru kung mapera ako gustu kong mag bakasyon sa PARIS, o diva?! wala lang.. hehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw PARIS!!! grabe. tapos sa itaas ng Eiffel Tower yahoo!!!

      Summer na !!

  48. Prinsesa ng Drama ay nagsasabing:

    huwaw naman! pwede ba kong sumama sau Jason? hehe. dito sobrang init na naman talaga sa disyerto! grabe! hayyy.

    ingatz.. 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      ikaw pa! pwedeng pwede!!! magpapatawag pa ko ng banda.

      hala. nagrereklamo ako ng init dito, di ko naisip mas mainit dyan sa inyo ate ko! 😀 god blesss!!!!

  49. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Ang sarap sa matso pitso, may alak, may inihaw na mais, may mapulang tumbong ng unggoy..ang saya talaga di ba Oton.

    Babalik kami ni oton don..oo, babalik talaga kami

    1. jason ay nagsasabing:

      matso pitso talaga!!!

      masaya nga dun nag-enjoy talaga ko! yahoo!!!

      magandang hapon K. Kulisap!

  50. duking ay nagsasabing:

    sama mo ko sa machu pichu,tol.

    hanga din ako dun sa mystery at history nung lugar nung napanood ko yan sa national geographic.

    samantalahin mo ang bakasyon.ingat lang lagi!

    1. jason ay nagsasabing:

      aba! basta marami kang dalang pizza pwedeng pwedeng sumama kuya duking! yehey!

      hahanapin ko po sa youtube ang mga episodes na may machu picchu!! YEY!

  51. How to earn real money online? ay nagsasabing:

    Ang ganda naman pala niang machu pichu..Very relaxing..For sure malamig jan..=)

    1. jason ay nagsasabing:

      Maganda talaga ang machu picchu! walang katulad…

      tinitignan ko pa nga lang ang mga pixtures narerelax na ko.

      gusto kong magrelax habambuhay. lol

  52. nhix ay nagsasabing:

    pagsasama ako saiyo. dala ako cam para maibida ko rin sa iba kung gano kaganda ang machu picchu

    1. jason ay nagsasabing:

      yey! tapos pag napicturean mo na, picture din tayo tapos papa autograph ako sayo

      1. nhix ay nagsasabing:

        naks naman… artistahin ba?nyahahaha.

  53. jex009 ay nagsasabing:

    yung name niya parang hindi nga pamilya “Machu Picchu” kaya siguro madalang lang mga bakasyunista jan ehehe kahit sakin bago lang din sa pandinig ko 😀

    isa lang mapapayo ko kapatid kung mangangarap ka tuparin na! wag kang umasa sa libre lang

    hehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      Machu Picchu-pag narinig mo talagang mapapa- HAH? ka.

      hehehe

      oo tutuparin ko talaga to!! di pedeng hinde nasimulan na, tatapusin ko yahoo!!! see you all there!

  54. Sows ay nagsasabing:

    teka, rare na lugar to. search ko nga rin.

    morneng!! 😆

    1. jason ay nagsasabing:

      morneng sows! click mo na lang ung link na sa wikipedia.

      marami rin sa youtube hehe

  55. arnie ay nagsasabing:

    madami siguradong treasures dyan hano…hehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      oo marami.

      nagpapraktis nga ko sa teasure isle.. add mo ko neighbor dun tito hah! 😀

  56. aninipot ay nagsasabing:

    magandang araw little hamster ko…

    haha, tagal kung nawala may outing kasi kami ng mga officemate ko..

    swimming at nag zipline…yahoooo.

    1. jason ay nagsasabing:

      magandang hapona te ani ko!! awts ako rin medyo pahinga, naaaadik kasi ako sa treasure isle..

      wow zipline!!! exciting yan!

  57. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    hmmm ayos din sa trip tito. pero aliw ako sa name. akala ko balwarte ni pikacchu ( pokemon). heheheh

    last year ata nakapag-swimming kami kaso nightmare. nagkasakit ata kaming lahat. buti kamo ako sakit lang sa tyan (eh normal naman sa akin yun hahaha).

    hmmm kung sasama ako sa iyo dyan ang dahilan ko ay kasi ililibre mo ako. hahahaha

    1. jason ay nagsasabing:

      ay. ililibre kita kaw pa eh pamangkin kita. hahahah!!

      nako baka madumi ang tubig sa pinagswimmingan nyo at nakainom kayo ng tubig lol

      parang pokemon nga pichu pikachu hahaha!

  58. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Kung makapunta ka man ng Peru, ang masasabi ko lang ingat ka dun… Hehehe… Isa din kasi ito sa mga lugar na napakaraming tourist related violence… Marami-raming rin ang abductions dun… 🙂

    Pero talagang napakaganda niya… High school pa ako nang malaman ko ang lugar na ito…

    At napatawa naman ako na Baguio ang pinakamalayo mong napuntahan… Naku Jason, ischedule na ang paglalakbay mo…

    Batanes 2011, gusto mo? Hehehe…

    1. jason ay nagsasabing:

      ay talaga? kakatakot naman..

      may abductions pa? parang alien? o kaya gagawing slave? 😦

      opo kuya cool sa baguio palang talaga pinakamalayo ko. di kasi ako mahiliig talagang gumala hehehe

      wow BATANES? huway nat! kasama ka naman diba?

  59. Monz Avenue ay nagsasabing:

    wow andami nang comments! o kelan lakad natin?

    1. jason ay nagsasabing:

      yey!! oi mon kasali ako sa contest mo hah!

      lakad natin next week!

  60. themizpah ay nagsasabing:

    chatroom alert kuya jason i need help
    God bless!

    1. jason ay nagsasabing:

      napuntahan ko na, sana nakatulong ako yehey!

      1. themizpah ay nagsasabing:

        yung song paano? kapag may code na ako saan ko ilalagay yun? pasensya na po.

        1. jason ay nagsasabing:

          nalagay ko na sa chatroom nandon na hehehe 😀

          talagang nag-alert alert ha 😀

  61. kcat ay nagsasabing:

    ang sosyal naman macchu picchu.. alam ko to, ung parang malaking city na nakakapagtaka na nasa taas ng bundok tapos parang mysterioulsy deserted ng mga tao dun (edi ako na ..) hahaha. anyway, ang ganda ng dream vacation mo… ako sa france ,.. da vinci code tour. anyway, keep me posted. good luck sa pagsswiming mo ngayong summer.

    Flor
    kcatwoman
    ldspinay
    Bookneneng

  62. Chad the Coffeeholic ay nagsasabing:

    Ay, sarap magpuntang Machu Pichu…

    kung sasama ako sayo, sa tingin ko, pokeball ang dadalhin ko… di ba, maraming pikachu sa Machu Pichu? Seriously, credit card. Magshashopping ako dun. Ahahah! Sana, kahit sa talipapa ng Machu Pichu, tumatanggap ng Visa. Bwaheehehe!

  63. elysplanet ay nagsasabing:

    Sama ako kung pupunta ka jan Jason ha. Gusto kong magpapicture sa tabi ng bangin. hehe.

  64. ardee sean ay nagsasabing:

    i like to travel to machu picchu (i was like dreaming :P)

Mag-iwan ng tugon sa jason Pindutin ito para bawiin ang tugon.