Mahilig tayong magsagot ng mga puzzles.

Gustong-gusto nating nahahasa ang ating mga utak. Hanggang ngayon misteryo pa din kung paano gumagana ang ating pag-iisip.

Isang malaking Puzzle.

Bitiwan muna ang remote ng tv, ang psp, ang pagkain, at kung anu-ano pang hinahawakan mo dyan. Halika muna at tumambay dito at maglaro tayo.



Step 1. PUMILI NG SANDATA MULA SA DALAWA:

Espada. Paano humawak ng espada? Kaya mo ba ang bigat nito? Handa ka bang lumaban ng harapan at malapitan? Isang hampas, dalawang hampas, isang tusok, isang bayo. Ilan lang sa mga paraan para gamitin ang espada. Kailangan din ng bilis sa pagkilos. isipin mo na lang ang bagal-bagal mong sumugod. Nakapag-yoga na ang kalaban mo, ikaw itataas mo palang espada mo para humataw. Wala na talo ka na kid. Pwede rin ihagis para sa kahuli-hulihang kalaban para mas astig tignan. Cool. Espada ang gamit na sandata ng mga kawal. Espada rin ang gamit ng mga pirata na nagbalak sumalakay sa Titanic at Princess of the Barkong Lumubog. Espada rin ang gamit nila King Arthur, knights of the rounds, Three Musketeers Chocoyey at mga tao sa perya.

Pana. Mula sa malayo, ang isang taong may armas na kagaya nito ay magiging malupit sa labanan. Pero hindi ito basta-basta. Kailangan ng ibayong pag-iingat, tamang timing, buwelo, at talino. Kung baga sa isang tira, kailangan ay swak ito. Sigurado kaagad ang panalo. Kung hindi, malalapitan ka ng kaaway at ikaw ay magiging kaawa-awa. Isang tira mula sa pana, pataas para mas malayo, pababa naman kung nasa elevated na lugar, para mas malakas at mas pulido. Mabagal magkarga ng mga palaso o arrows dahil bubunutin pa to mula sa lalagyan sa likuran mo o sa backpack ni Dora the Explorer. Ito ang sandatang gamit ni Robinhood, at ng Green Archers.

Step 2. Mag-concentrate ka. Isipin kung ano ang lalabas sa loob ng kahon. Kung sino, ano, ang nasa loob ng mahiwagang kahon.

Ano ang nakikita mo? Kaaway ba? Kinatatakutan? Problema? Pulitiko? Ex? Halimaw? Alien? Kaopisina?

Step 3. ISALAYSAY ANG PAMAMARAAN KUNG PAANO MO GAGAMITIN ANG SANDATA LABAN SA KUNG ANUMAN ANG LUMABAS SA KAHON MO.

Step 4. HUMANDA SA EVALUATION

About jason

walang clue. nak ng

183 responses »

  1. tsiremo ay nagsabing:

    Kendeng na!!! Teka ako una no?

  2. tsiremo ay nagsabing:

    Gagamitan ko ng pana yung ex ko, mula sa itaas papanain ko siya…target ko ang puso niya upang muli syang bumalik sa kin haaaay lols – (mr cupido)

    Sensya sa comment /reax ko ha lols.

  3. patpat ay nagsabing:

    waahh…. halimaw po… gagamitin ko yung pana…

  4. Tutubi ay nagsabing:

    pana ang gagamitin ko.

    isang mansanas ang papanain ko na nakapatong sa ulo ng isang kupal at mayabang na tao.

    tama. kaaway pala tawag dun.
    haha. sori kapatid. na kerid awey si ate.
    tsk!

    • jason ay nagsabing:

      Hmmmmm

      ate tutubi…
      bilib ako sayo.

      Kahit na kaaway,mayabang na tao ang gusto mong panain, hindi mo ito inasinta sa kahit anong bahagi ng kanyang katawan.

      Nangangahulugang ayaw mo rin sya talagang saktan, may pag-asa na papatawarin mo sya at kayo ay magkaka-ayos. o-ha.

      Kung baga, sa mansanas mo papatamain, para takutin lang sya, para magbago sya.

  5. twistedisme ay nagsabing:

    attendance muna babalikan kitaπŸ˜†

  6. Ax ay nagsabing:

    Hm, Jezon, pwede bang hindi bow and arrow or sword?

  7. Monz Avenue ay nagsabing:

    gusto ko genie ang lumabas sa kahon. meron akong tatlong kahilingan.

  8. toni ay nagsabing:

    kaya magspin pero dapat kutsilyo nde espada.
    puso kaya ang target kapag espada hawak.

    kung maliit lang pana kakayanin at mas malayo aabutin kesa kutsilyong pangispin.
    hangga’t maari iwasan paggamit ng alin mang sandata dahil buhay ay mahalaga.
    kung maaring gumamit ng diplomasya o ibang paraan na maaring ipagtanggol sarili.

    • jason ay nagsabing:

      Ayun. Isa kang napaka sagradong babae, ni ayaw mong humawak ng sandata para sa karahasan.

      Mahal mo ang iyong sarili kaya gagamit ka ng sandata kung kinakailangan mo ng proteksyon.

  9. toni ay nagsabing:

    pano kung hamster lumabas mula sa kahon?
    wala ako masama balak.

  10. Vajarl ay nagsabing:

    Parang ganyan ganyan ang hirap na pinagdaanan ko nung Highschool, hirap na hirap ako magdecide kung anong job ang kukunin ko sa Ragnarok. Tsk. Nauwi ren ako sa gumawa ako ng sangkatutak na characters na iba iba ang jobs.

    Ang lalabas sa kahon ko..

    Si Robi Domingo. Tapos hug nya ko. Teka, bat dito ako nagkakalat? Hahaha.

    • jason ay nagsabing:

      Hahahaha talagang isiningit pa ang ragnarok. Ako rin dati, Swordman ang pinagamit sakin ni kuya, kasi daw Acolyte na ang gamit nya. Taga-Heal na lang daw sya, ako pinain sa golden Thief bug. ayun deds kami pareho. Dapat pala naglagay ako ng staff/rod para sa mga magicians o kaya knuckles para sa mga monk/billposter sa flyff. Ok tama na muna ang Online Games baka maadik na naman ako.

      balik tayo sa test.

      Si Robi Domingo ba kamo? Bale sya ang apple of the eye mo sa mga panahong ito. In lab ka sa kanya walang duda. Di mo yon maitatanggi dahil sa dami-dami ng pwedeng lumabas sa kahon ay sya ang naisip mo.

      May nakalimutan ka. Espada o Pana? Chochop-chopin ba natin sya at isasama sa giniling na karne na ihahain sa mga konstruction workers sa labas?

      • Vajarl ay nagsabing:

        Bohaha. Gusto mo maadik ule? Tara Cabal tayo! Naiwan ko na character ko don, tagal ko ng di naglalaro.😦

        Anyenye! Hindi naman ako inlab ke Robi. Pinagnanasaan ko lang sya. Hahaha. teka ang kalat ko nanaman! Kahihiyan! Haha.

        PANA NALANG PARA MALA CUPID. Hahahaha. Palandian oh.

        • jason ay nagsabing:

          loko pinaganda ko nga ang word. ginawa kong “inlab” para iligtas ka sa pagkakalat anyeye ka. haha

          oi ayokko ng magcabal. naaalala ko dati grind ako ng grind para mag pa-skill-level. ang daming naubos na oras ko na sana nagkakawanggawa ako sa mga charities. lol

          HAHAHAHA natawa ko palandian. Oo pede kang cupid. Pero dapat naka pampers ka. Dr. P.

          tapos kunin mo ang pana ni Artemis.πŸ˜€

          • Vajarl ay nagsabing:

            Nung nagcacabal ako bumibili pa ko ng items na gamit yung load. tae ang gastos ko non! Haha. Tapos mga after 3 months tinamad na ren ako di ko na nilaro. May pet pa ko non na Red Garlie, ang mahal mahal!

            Ay patay ayoko mag Dr.P! Kaya ko pa naman umabot sa CR. Teka natatae ako. Ang kalat ko. Haha.

            • jason ay nagsabing:

              ay level 90 + na ko nnag iipon pa rin ako ng ingame gold para makabili ng pet. di ko pa natry magload dun.

              red garlie? gusto ko yung golem ang pet. ang laki laki. aw pede ba yun?

              WAhahahahha oo nga naman. Sige pempers kamfort na lang para no leaks. lol

              magandang tanghale vaj!

              • Ax ay nagsabing:

                Ako Ran Online. May naglalaro ba ng Ran sa inyo?

                Gagawin na siyang movie.. GMA Films ang may hawak. Di ko alam kung masisiyahan kayo pero sabi ko, okay naman siguro ang GMA Films.

                Tingin niyo?

              • Vajarl ay nagsabing:

                Nako pag naaaliw kase ako sa game gusto ko malakas ako don. Haha. Ayan napabili ako. Saka masyadong mahal pag navg ipon ka ng gold para sa pet.

                No leaks! Okay na saken yan kesa sa napkin! Hahaha.

                • jason ay nagsabing:

                  nalaro ko ran kaso hanggang level 9 lang. ayaw ko eh… di ko natrippan. talaga may movie? amm. no comment na lang.

                  hahahaha napkin talaga. gusto mo may pakpak pa? With wings! lol
                  anyeye!

  11. chingoy ay nagsabing:

    BASE 13 na naman!!!!

    • chingoy ay nagsabing:

      ilalagay ko si….. HAMSTER!!! nyahahah

      • jason ay nagsabing:

        Oo nga ano. Nawiwili ka sa number 13. Ayon sa numerology at astronomy, kapag daw nagtapat-tapat ang Saturn, Uranus, at Mars, ang numero trese ay magiging swerte lalo na sa mga taong ipinanganak sa taong nagtatapos sa even number. Kapag ka lumihis na ng posisyon ang mga nasabing planeta, huwag na huwag ng gagamitin ang 13 para sa iyong lucky number. Pauso ko lang yan.

        Teka san mo ko Ilalagay!!!

        • chingoy ay nagsabing:

          hahaha, i mean ikaw ang LALABAS sa kahon… ngayon, malamang, isusumpa ako ng animal rights groups kung malalaman nila ang gaagwin ko sa lumabas na hamster nyahahaha

          • jason ay nagsabing:

            HAhahah hoy kung ano man ang binabalak mo wag mo na ituloy! kasalanan sa diyos, kasalanan sa bayan, at higit sa lahat kasalanan sa sarili. hahahaha

            hmmm nababasa kong wala kang alagang hayop sa bahay?

  12. joan ay nagsabing:

    watah!! pwede ba yung lalabas ng kahon ay yung present?? hindi yung ex?! nyahhaha!!
    asteeg parang sa dota lang. isang long range at short range ang gamit.. hmm mas masarap gamitin ang long range dahil parang safe ka hanggat marunong kang tumakbo at lumayo sa kalaban. pero sa isang laban we must expect na masasaktan tayo sa huli parang pag ibig, sugal. Char! :p

    • jason ay nagsabing:

      ang dami kong nababasa sayo joan.

      1. ayaw na ayaw mo talaga kay gloria. pero hanggang dun lang ang gusto mong ipahiwatig sa pagka-ayaw mo sa kanya. Wala kang gustong gawin o balak na masama laban sa kanya. that’s good.

      2. gusto mo pana. long range kamo. ma-taktika kang bata. hindi susugod hanggat hindi handa. ikaw yung tipong NAG-IISIP muna bago GUMAWA. Galing mo.

      3. handa ka sa kahit anong outcome. alam mong masasaktan ka sa huli. hindi kasi laging panalo. pero minsan kahit panalo, may masasaktan at may masasaktan. pedeng ikaw, o sya. o yung minamahal mo. hala!

  13. shea ay nagsabing:

    hmm.. pana gusto ko.. tas si “FWB” lalabas, tas… wala na..

    • jason ay nagsabing:

      hmmmm pana. si FWB sino yon? baket acronym lang. parang lam ko to..

      Ok. ramdam ko ang poot at galit mo kay FWB. di kita masisisi sa mga ginawa nya. Kulang pa ang pana. eto pa ang tarpulin ng kandidato ibalot mo sya gamit to at sunugin.

      Hinay hinay lang shea. Sana humupa din ang galit mo sa kanya. di kita pinupuwersa na kaagad-agad na magpatawad o umokey ang lahat. Pero naniniwala ako in time, magagawa mo yan. OK?

      Nakatulong ba kong pagaanin ang loob mo?πŸ˜€

  14. arnie ay nagsabing:

    base ako para sa numero disisais…

    edad ni nene…toinks

    • arnie ay nagsabing:

      wala akong gagamitin kasi walang lalabas sa kahon na masama…

      ayoko ng war at ayoko ng may kaaway at kung meron man it’s not good na gumanti pa…ahahahaha

    • jason ay nagsabing:

      tito parang nagbibinggo lang ah..

      meron pang bola..

      SA LETRANG “O!!!”

      Tumabalelong!
      69!

      • jason ay nagsabing:

        ok eto evaluation mo…

        Dalawa lang yan:

        1. pagod ka at di ka pa makapag-isip ng talagang lalabas sa kahon.

        2. napakadakila mo. pwede ka ng peace advocate. papagawan kita ng rebulto sa likod ng Edsa Shrine. Mapagpatawad ka and that’s the good thing kaya gusto ka ng marami mong mga kaibigan.

        Pili ka Tito. Pag di ka pumili titiradurin kita ng french fries.

  15. night crawler ay nagsabing:

    hmmm… wala naman lumabas sa kahon parekoy… meron pala, isang Hamster! wahaha… ano kay ibig sabihin nun parekoy? kinakabahn ka na ba? wahaha. peaceπŸ˜›

    • jason ay nagsabing:

      hala. oi bawal ako lumabas sa kahon delikado.
      magpuputukan ang mga bulkan kung saan ako pinanganak at magkakatsunami sa lawa ng mga undine. basta mag-isip ka pa kung ano ang lalabas sa kahon. haha

  16. eloiski ay nagsabing:

    wahahaha. parang exam naman ‘to ng ragnarok! hakhak! . Sige.
    gusto ko espada ang aking sandata. ayaw ko kasi nang pakikipaglaban sa malayuan na parang sa archery. dapat harapan. para sure kung talagang dedo. at saka mas yabangis ang dating. kasi kung yung pana mag-eeffort ka pa na hugutin ang arrow sa likod mo. bale parang sa narnia to eh. okay siyang pantaktika kaso paano kung malapit na kalaban. pero pwede ko rin namang gamitin ang sword sa malayuan. tipong itatapon ko na lang. wahahaha. yung sa pana kasi paano kung mahina ang iyong accuracy at precision eh di wala ring wenta baka di mo masapul. kung sa sword imposible namang hindi ka man lang makahit. matira matibay! wahahaha!
    bale gagamitin ko ang sword na parang si zorro. hakhak! pa-Z

    at ang nasa loob ng kahon. hindi siya kalaban. hindi siya kaaway. bale siya ang aking prinsipe na kinulong ng mga evil brothers niya. bale to the rescue ako at sisirain ko ang kahon gamit ang aking sword sa paraang pa-Z. baliktad ata ah! amp!

    Paano ba ‘yan. hindi naman kalaban. bale ginamit ko ang sword panira lang ng kahon. okay lang ba yun?

    ang haba ng koment ko sana maganda ang evaluation.

    • jason ay nagsabing:

      ok eloiski. hinga malalim. breathe in…. (hold your breath)

      Agresibo kang bata. Ang mga gusto mo ay mapapasaiyo dahil ikaw ay determinado. You stand strong in facing problems. Kahit gano kahirap, kahit matagalan, magtatagumpay ka.

      May mga problema ka ngayon pero hindi kasingbigat ng mga problema ng mga bata sa lansangan, mga adik sa kalye at kung anu pa man. Ang napipisil kong problema sa yo ay tungkol sa Pag-ibig. Nasa tabi tabi lang sya. Ayaw nya magparamdam kasi nahihiya sya sayo. Nabanggit mo rin ang tungkol kay Zorro na may maskara diba. Isip mabuti.

      Sa pag slash-slash mo ng pa-letrang Z dahan-dahan ka baka pati damit ng prinsipe mo madali mo, baka mag-walkout pa.

      • eloiski ay nagsabing:

        at dahil uto uto naman daw ako eh talaga namang sinunod ko ang breathe in hold your breath na yan! ang hirap!

        amen to that! agressive. determined. parang ito lang yung nababasa ko sa horoscope ko ah.

        walangyang pag-ibig yan. di ko naman niproproblema yan! sinungaling! wahahaha!

        hindi kaya yang zorro na tinutukoy ko eh yung si zorro ng UPD. wahahaha. merong may topak na zorro dun eh. nakamaskara din. wahaha!

        pinapaisip ako ng evaluation na to. gawa-gawa mo lang ba ang evaluation o talagang totoo ito na parang sa kokology?

        wahahaha! mali mali mali. baka pati siya mismo mahati hati ko. wala na si prinsipe! wafakels!

        • eloiski ay nagsabing:

          ay teka may mali sa evaluation. sa tingin ko.
          hindi naman ako ang namomroblema dun. “sya” ang namomroblema kasi tignan mo siya ang nahihiya. siya ang may problema.

          hindi ako ang inevaluate mo sa pag-ibig achuchu mo. “siya” at kung sinuman siya. bahala siya. mahiya siya habang buhay. puro siya hiya. mamaya buhay niya kahiya-hiya na rin.

          okay! masyadong magamit ang salitang “i” “a” at “y” ngayon.

          next blog entry na! wahahahaha!

          • jason ay nagsabing:

            oi di pa nga ko rumereply, dumoble comment ka na. oi depensib ka hahahah
            teka.. eto na,.

            mali-mali-mali –> na cancel na ang mga mali. so tama. hahahah teka.

            dahil sya ang namomroblema, damay ka syempre kasi di mo pede isnabin lang o isapag-walang bahala.

            oi di ka naman galit na galit dyan sa toootoooot na yan ah??

            Next entry ka dyan. di pa nga nag-iinit. hahahaha

            hi eloiski happy mother’s day sa mommy mo..

            (pinagpawisan akong magreply sa yo ah)

            • eloiski ay nagsabing:

              nakakakaba naman kasi eh no.
              eh nasa tabi tabi kamo.
              mamaya yung seatmate ko pala.
              o baka isa sa mga katropa ko.
              ui wag ganun. ayawwwwwwwww!

              hindi naman ako galit. hindi. promise. seryoso.
              pero bat naman kasi sa dinami-dami pa ng problema eh pag-ibig pa. wahahaha! pwede namang grades. wahahaha!

              belated happy mother’s day sa mommy mo din. hakhak!

              (cool ka lang.)

              teka! sure ka ba talaga na totoo ito?

              • jason ay nagsabing:

                ok.hahahaha talagang pumatol ka kasi sa test na to kaya panindigan mo eloiski. hahaha

                tsaka wag ka nga kumontra kuya mo ko ok hahahahahahahah

                parang plurk lang ano? hahaha

                ok payn sa grades na lang. pero sa pag-ibig talaga ang nakikita ko. ok kung may bond kayo ng tropa nyo na walang talo-talo, sundin mo yung rules na yon.

                hakhak

                — ayan nahawa na ko sa tawa mo..

                ay oo nga pala bati nga pala tayo

                hohohohoohoh

                totoo talaga to!

  17. themizpah ay nagsabing:

    Base ako! I’m back!

    Gusto ko yung kukuha ng mga palaso sa bag ni Dora eheheeh (napatawa mo ako dito)

    Pero magaling ka kuya Jason!

    Balik ako.

  18. bendita ay nagsabing:

    ang nakita ko sa kahon ay si

    si

    si SPONGEBOB! palagay ko ibig sabihin nun hindi ako palaaway~ [bendita](heler)
    ESPADA ang napili ko..
    natawa tuloy ako nung nabasa ko na gagamitin ko pala ang mga sandatang iyon kay Spongebob. pipiliin ko sana ang Espada para feel na feel ko ang pagSlash sa kaaway pero gusto ko din yung Palaso kasi gagamitan ng math ang calculation kung san papatamain ang arrow… NAISIP KO LANG KAHIT ANONG GAMITIN KO SA DALAWANG IYON HINDI TATABLAN SI SPONGEBOB.. (Naisip ko lang)

    • jason ay nagsabing:

      Bendita, ihahagis kita sa kumukulong mantika. teka.

      Ano ba ang una mong binasa? ang pagpili sa sandata o yung kahon?

      Ok. Medyo apurada kang bata. Kung baga sa pagsosolve ng math problems, gusto mo ay sa utak lang nagsosolve, wala ng long method long method. Mas mabilis, masmakakarami. Tama ba ko bendita?

      Kat spongebob naman, ang adik mo lang talaga, puno ka ng hapiness sa buhay, lalo na ngayon, pumasok ka sa opis para makapagbungkal ng kayamanan ng walang sagabal na bisor o bos. Masiyahin kang bata walang duda yon, sinasalimin ni spongebob ang mga batang palangete at palatawa.

      nyaahahha nyahahah nyahahahha nyahahah x 100

      Kahit anong gawin mo kay spongebob, di sya madededo. imortal sya. sya ang god of the sea. ang original. nauna pa kay poseidon.

  19. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    bakit laging si megan fox lagi ang naiisip ko na nasa kahon na yan? at yung sarili kong ispada ang gagamitin ko.
    ay pucha! sa kakaisip ay pati tuloy ako ay natusok…

  20. bendita ay nagsabing:

    =)) pelekpeken…

    =))

  21. hitokirihoshi ay nagsabing:

    gusto kong armas ay pana. tama ka na hindi madali humawak niyan. kahit nga tirador akala ko ganun lang kadali pero hindi rin pala. kailangan ng concentration, body coordination and pasensya.

    dahil hindi ko natutunan ang mga yan. hindi na ako naglaro ng dart. buwahaha, labo ko ba.

    kung may lalabas sa kahon ngayon that would be me. i think the biggest opponent na makakalaban mo ay ang iyong sarili.

    mabuhay tito, mukhang ganado ka ngayon a.

    • jason ay nagsabing:

      Ok. handa ka na ba pamangkin ko?

      May problem ka sa sarili mo. Maaaring ito ay sa self-esteem o sa pagkakaroon mo ng inferiority complex…

      Handa kang harapin ang problema mo pero nag-dadalawang isip ka minsan. minsan lang naman.

      Tumama ba ko pamangkin?

      mabuhay ka din!

      • hitokirihoshi ay nagsabing:

        ah psychology test ba ito? hahaha hindi ko nakuha kaagad.

        well tumpak ka tito. tulad ng sinabi ko sa friend ko last night. nabuo ang word na inhibition because of me. wahahaha

        matagal akong mag-decide sa isang bagay because i wanna make sure kong okay sa sarili ko. kaso minsan hindi niya ako masagot. nagugluhan tuloy ako.

        hehehe

        • jason ay nagsabing:

          oo pamangkin test to. hahahaha

          talaga tumpak ako pamangkin ko? hmmmmmm

          walang masama kung matagal kang magdecide.. at least diba sobrang taas ng percent na magtatagumpay ka kasi parang sa basketball – nag time out muna para swabe.

          ay naguguluhan ka sa counterpart mo. hahahahah

  22. kayedee ay nagsabing:

    hmmm..pana ang pipiliin q!!

    at itatarget q sa puso!! nino??…… hmmm bigla aq nguluhan ahahha..
    unang tumama sa icp q c ex, pero bkt at bakit lumihis eto At sinabing sya pala, ngunit datapwat my kumaway at naicp kong pdeng rin xa subalit may kumalabit sa aking balikat at cnbing ako nalang ulit…. bwahahahha. anong meron?? ehehe

    • jason ay nagsabing:

      Nagdadalawang isip ka kung babalikan mo ang nakalipas mong pag-ibig, malinaw na malinaw sa yong pagsasaad. Ok simulan na naten kayedee.

      Litung-lito ka sa pag-ibig ngayon. Idinadaan mo madalas sa blog ang nararamdaman mo sa tao, este sa mga taon mahal mo… at sa taong minahal mo ngunit natapos ang ugnayan…

      Natatakot ka. Hindi ka pa handa pero gusto mo na. Ikaw ang makakapagpasya. Magdesisyon habang maaga. Kung kanino o alin sa mga yon ang papanaain mo. Nauuubos din ang oras!

  23. J. Kulisap ay nagsabing:

    Sarili ko ang nais kong panain at espadahin Ka Oton.

    Magulo pa sa bulbol ang sarili ko eh.

    • jason ay nagsabing:

      kahit magulo ka pa sa mga buhok na kulot at nasa liblib na lugar, eto…

      gusto mong panain ang sarili mo dahil may gusto kang baguhin sayo pero di mo magawa dahil nakasanayan mo na to. mayroon ka rin pansariling problema pero di mo rin maishare sa iba.

      teka wag mo ko espadahin di ako lalaban. good boy ako!

  24. Vajarl ay nagsabing:

    Nagkakaligaw ligaw ang comments ko!

    Nakakita na ko ng RAN na yan, di ko naman naeenjoy. Hindi ko gets para kaseng mga robot. haha

    HAMSTERMAAAAAN! Ano lalabas sa box mo?

    • jason ay nagsabing:

      nandun lang sa taas hanapin mo lang yung black and white na avatar ikaw yun..

      tama. ayaw ko ng ran…

      ayaw ko. mga estudyante ang characters tapos ang lalaki ng espada tapos nag aaway away ayoko ng ganon. ayoko ng violence.

      duke nukem na lang!!!

      oi vajarl – bawal ako sumagot. kasi ako may-ari ng kahon. kala mo ka ha..

      teka may nagtext.

      “Hi Jason… nakita ko blog mo kanina. Sa comments section, isa lang ang nakakuha ng pansin ko. Yung pangalan na Vaj ata. Vaj.. parang Vajarl ayun. Ayos ang blog nya binisita ko. pakilala mo naman ako sa kanya dude. ” – Robi Domingo

    • Ax ay nagsabing:

      Uy, Vajarl, kelan pa naging robot ang bida sa Ran Online?

    • Vajarl ay nagsabing:

      OI JESON WALANG GANYANAN KINILIG AKO! Hahahahaha.

      Tama puro violence nga yang RAN na yan! Saksakan ng saksakan, puro lightning lightning pa. Buti pa sa Ragna at Cabal, tayo tayo mismo nagpapatayan pati mga hayop pinapatay natin. Hahaha. Mild pa?

      @Boss, mukha kase silang robot! Iba iba kulay tas kung ano anong ilaw ang bigla biglang lumalabas. Hahaha. Parang Voltes V versus Mazinger Z na pinapaandar ng power rangers!

      • jason ay nagsabing:

        Hahahaha Kinikilig ka ba! hahahahah!
        oi yung may mga robot ata – yun yung online game na may mga race na tao at robot. nakalimutan ko yung title. basta ayoko nun.

        Hahahah hindi hayop ang mga kalaban dun, mga halimaw!
        Tapos sa RAN pa maraming batang estudyante ang naglalaro sa mga computer shop. Kakairita. lol arte haha

        Hi vajarl. hi ax

        • Vajarl ay nagsabing:

          Kikay ka Hamsterman. Hahaha. Monsters eh ang cute cute ng poring! Parang ansakit sa loob na saksakin sya ng Knife [3] nung Novice palang ako! Hahahaha.

          Ano yun, half robot half tao? Pano.. sila.. nagkaanak?..

          • jason ay nagsabing:

            OO ung poring meron ako unan non kulay blue. marin ata pangalan no? tama ba?

            hahaha

            oo yung knife[3] sakin naman yung Club[2] hahah club nga ba yon yung parang fried chicken? lol

            • Vajarl ay nagsabing:

              Oo Marin yun! Yung malameg na parang jelly ace. Haha.

              Fried chicken! Panalo! Lol.

              • jason ay nagsabing:

                lol natatandaan ko pala ang ragnarok days ko.

                naalala ko pumapatay ako ng Poporing tapos may sumasawsaw na magician..

                jasonhamster: “SAWSAW ka eh”

                magician: (dedma lipat kabilang target)

                kaya ayaw ko online game na may sawsawan.

                kaya napalipat ako sa FLYFF hehe

  25. Winkie ay nagsabing:

    nakita ko sa kahon ay si jason…

    ginamitan ko ng pana kaso sumablay ako…

    kaya kinuha ko naman ung espada para sure na walang mintis!

    whehehe!

    im so back, hamster!

    • jason ay nagsabing:

      di naman galet saken ate winkie at gusto mo kong pirapirasuhen.

      ok na eevaluate ko,na miss mo lang ang kakulitan ko kasi ang tagal mong nawala. pero alam mo bang mas super duper duper namiss kita talaga ate winkie ko!!! yehey!

      sana magtuloy tuloy na ang pagbabalik mo ate winkiw yehey!!!!

  26. […] Kung magkakaruon ako ng sandata, pipiliin ko ang… […]

  27. Len ay nagsabing:

    teka, may evaluation pa pala,kala ko basahin lang.. hehehe..

    hhmm, kanino nga ba mgamit ang sandata nayan?!

    Happy Mother’s Day to your mom jason! God Bless!

  28. duking ay nagsabing:

    mukhang astig ‘to ah?

    approved ba ‘to ng department of defense?ng CIA?ng NBI?mg baranggay tanod?

    susubukan ko.

    nasa loob ng kahon ang sarili ko.

    ilang taon na kaming nagtutunggali.papanain ko sya.

    paki evalutae na lang,jason.hehehe!

    happy mothers day sa mom mo!happy mothers day sa lahat ng mom ng mga narito sa site mo!magandang araw sa lahat!

    • jason ay nagsabing:

      Hmmmmm papanain mo? Saan mo aasintahin?

      Sarili. May conflicts ka sa sarili mo. May mga traits ka na gusto mong baguhin. Pinaplano mo na ito ngayon. Maaari ding habits.

      Mashashare mo ba samin yun? haha!

      Happy mother’s day din sa mom mo duking yey!

  29. toni ay nagsabing:

    pahabol…
    Happy Mothers day sa mommy mo kapatid na Jeson.

  30. Joyo ay nagsabing:

    pwede ba yung dalawa? naisip ko si kenshin! hihihihi! papanain ko yung mga paa niya para di makatakbo tapos iuukit ko sa balat niya gamit ang espada ang pangalan ko hohohoho!πŸ˜†

    sino si kenshin? he’s history!!!

    • jason ay nagsabing:

      Hmmmm… Ang tipo ni Kenshin ate ang hinahanap-hanap mo hanggang ngayon. Mga katangian nya ang dapat na magkaroon ang lalaking manliligaw sayo.

      Papanain mo ang mga paa – ibig sabihin, ikaw ang magiging boss sa relasyon, pero huwag namna sana umabot sa pagiging under the saya ni lalaki,

      Uukitan sa balat gamit ang espada – Selosa ka. Super Selosa. Selosa to the maximum level. Selosa. Ang kay Joyo ay kay Joyo lamang.

      • joyo ay nagsabing:

        una sa lahat napakalawak ng saklaw ng pagkakalahad mo ng interpretatsyon mo sa mga sinabi ko hehehe mejo natawa ko kasi pang hinaharap yung naging tema mo samantalang nakaraan ang tinutukoy ko hohoho… maaring tama ka pero ayaw ko lang umamin hahaha!πŸ˜†

        • jason ay nagsabing:

          yehey! ok na saken na kahit papano nakatama ako.

          eh “psycho” lang naman kasi talaga ko. hahahaha

          teka wala ka dapat tinutukoy sa kenshin kasi “kenshin” lang sinabi mo. bawal mag interpret ng sagot! ako lang ang pwede! hahahahahah

  31. yoshke ay nagsabing:

    pana yung pinili ko. ayoko nga ng close encounter sa kung sinuman nasa kahon. haha

    • jason ay nagsabing:

      yoshke, kaibigang yoshke, salamat napadalaw ka dito sa site ko., perstaym mo ata?

      ok simulan ko na.

      May tanong ako.. Marami ka bang alam na mga taong may lihim na galit sayo? May mga patago ka bang kaaway?

      Yun kasi na-aassess ko sa comment mo. Ayaw mo ng close encounter. Malayo palang sila, gumagawa ka na kagad ng taktika para sure-win ang laban.

  32. themizpah ay nagsabing:

    Nagbalik ka, kumusta kuya jason? Ikaw naman ang eevaluate ng sambablog. Ano ang sagot mo sa puzzle?

    Nagdate ka siguro no, kasama mo ba siya? si mama mo?

    A blessed mother’s day to your mama.

    kwentuhan niyo ako sa eleksyon diyan bukas ha. Let’s hope for the best and God’s guidance.

    Nabalitaan mo ba lumindol ng 7.4 diyan sa ibabang bahagi ng Pilipinas, tama sa may Indonesia.

    Ingat po tayong lahat!

    • jason ay nagsabing:

      hinde naman sambablog. masyadong marami yon hahahahah

      nag swimming kami pong. yehey family reunion.
      syempre kasama si mommy nag-enjoy sya, lahat kami!

      happy mother’s day sa mommy mo hah!

      kwekwentuhan kita about the election. may pasok pa nga ko bukas.

      aw di ko pa nabalitaan ang lindol.. googoogle ko muna hehehe

      Ingat din palagi! god bless!

      • themizpah ay nagsabing:

        magandang umaga kuya Jason.
        Congrats nakaboto ka na.
        Nakamonitor kami sa TFC at sa i-net dito sa office regarding sa eleksyon.
        We are praying for the smooth flow of elections. God bless!

        • jason ay nagsabing:

          wow may TFC. ako sa gmanewstv naman nakaantabay. kaso nakakairita yung mga nagchachat sa kanan- awayan pa rin ng awayan about presidents.. nakakalungkot.

          sana nga po successful

  33. themizpah ay nagsabing:

    Nasaan si kuya Jason?

    Atin pong balikan si kuya jason para sa kanyang pagpapatrol sa halalan. Kuya jason pasok………….

    • jason ay nagsabing:

      hahahahaha loko ka

      ok payn…

      ayon sa mga balita, running smoothly ang ilan sa mga precints sa iba ibang lugar. Meanwhile… mapapansing may ibang deperensya at problema. Ang ibang picos machine sa iba pa ay naghahang, o nagrereject ng ilang balota kahit wala namang makitang damage o pinsala sa papel

      inaasahang hindi makakaboto ang lahat ng rehistrado dahil sa mabagal na proseso. Hindi naman lahatan.

      Iniextend ang pagboto hanggang alas syete ng gabi

      • themizpah ay nagsabing:

        Maraming salamat Kuya Jason sa iyong pagpapatrol.

        Sa mga ulat na nakalap ng ating Patroller Kulisap ay maari di umanong ma-ekstend pa sa hanggang alas 11 ng gabi bilang katugunan sa mabagal na proseso. Sa kabila ng mga aberya ay tuloy parin ang pagdagsa ng mga Pilipino sa kani-kanilang presinto para itiman ang mga itlog.

        Sa ibang balita nangunguna sa turnout ng OAV ang Hongkong, sumunod ang Riyadh (yehey dito ako nagboto) at iba pa, at mga ilang oras nalamang ay bibilangin na ang mga ito na siya namang ipapadala sa Pilipinas.

        Si PGMA ay nakaboto na alas 7:05 ng umaga sa Lubao, Pampanga (district mate ko siya).

        Babalikan kita katotong Jason para sa mga iba pang sariwang balita.

        • jason ay nagsabing:

          salamat Katotong Pong.

          ayon naman sa aking hamster,

          si Noynoy Aquino ang nangunguna sa pangmalawakang partial results sa pagkapresidente, at si Jejomar Binay naman ang sa pagka bise presidente.

          Bale katotong Pong, ang mga kandidato ay lumalamang ng sobra sobra sa sariling mga precints. Magbabalik ako mamaya. Jasonhamster, nag-uulat

  34. J. Kulisap ay nagsabing:

    Kamusta Pilipinas?

    Sino sa kandidato ang nais mong ilagay sa kahon Oton?

    • themizpah ay nagsabing:

      Maraming salamat katotong Jason sa iyong napakagandang ulat.
      Para sa showbizzzzzzzzz balita tunghayan ninyo ang bagong model ngayong summer, kung friends nyo ako sa FB at maging kuya Kulisap ang ating reporter na si kuya Jason ay may pictorial. (hahaahah)

      Para naman sa mas seryosong balita, 24% lamang ang naging turn-out ng mga bumoto sa OAV hinihikayat ng pamahalaan ang mga Pilipino n amakilahok sa susunod.

      Lamang na lamang si GMA sa 2nd District ng Pampanga (districtmate ko siya) haaaaaaaaaaaaaaaaaay. Masungkit niya kaya ang speakership sa kongreso o hindi ating abangan sa susunod na mga kaganapan.

      Para sa mga kakatuwang balita. Aso binaril pulgas 50/50.

      Isang magandang umaga sa Pilipinas. Pilipino mabuhay ka!

      Balikan natin ang ating fying reporter na si Kulisap maya-maya lamang.

      This just in! Live po si kuya kulisap…. Pasok…………..

      • jason ay nagsabing:

        Maraming salamat katotong Pong. Ok balitang hayop muna tayo. kagabi lamang habang ako ay naglalaptop, biglang may kumalabit sa binti ko. Nakatakas pala ang alaga kong hamster na si coco. Buti na lang at ako ang kanyang nilapitan kaagad para ipagbigay alam na sya ay nakatakas.

        Para sa balitang pampulitika…
        Bong Revilla nangunguna pa din sa hanay ng mga senador! Sa bayan ng marikina naman, si Del De Guzman ang nangunguna para sa pagiging Mayor (Na hindi ko kamag-anak).

  35. J. Kulisap ay nagsabing:

    Pupungas pungas po ako mga katoto, binantayan ko ang boto magdamagan, ehem..walang tulugan.

    Nakakatuwa naman pong isipin na ang ating mga kababayan sa labas ng bansa ay nakatutok rin 24 oras.

    Showbiz na showbiz nga, may larawan si Oton na hindi ko maunawaan kung Emongoloid ang kaniyang emote talaga.

    Samantalang nagconcede na po si Manny, Gordon, Gibo at Delos Reyes?

    Palaisipan, saan kaya magbabakasyon si Sir Manny Villar?

    • jason ay nagsabing:

      Oo emote kung emote talaga.. Yun ang dinirek saken ng pinsan kong photographer na ang gamit ay celphone.

      Samantala, nagconcede man ang ibang mga talunan, si Mar Roxas ay hindi pa rin humaharap sa camera. Sila ay nagbabakasyon no Korina Sanchez.

      Isa pang maintrigang balita. Bakit tinatanong ng mga taga ABS CBN/ANC ang whereabouts ngayon ni Noynoy. Confidential yon, for safety reasons.

  36. themizpah ay nagsabing:

    Maraming salamat sa ating fying (but not lying) and reliable (again not lie) and respectable kulisap.

    Para sa mga light news.
    Dahil sa puyat sa pagbabantay ng mga boto ang mga reporters napag-isipan nilang magkakaroon ng holiday para sa mga media personnel tatawagin itong news block out day (gawa-gawa ko lamang po ito).

    Saludo ang sambablog sa mga reporters, volunteers, mga pulis at ordinaryong Pilipino pero nagpakita ng extra-ordinaryong kontribusyon para sa kauna-unahang otomatikong halalan.

    Para sa balitang Leisure: Napag-alamang sa Dagat ng Basura yata magbabakasyon si MV (Manny Villame, joke gawa-gawa ko lang din po ito).

    Sa mga artistang nagkislapan sa araw ng halalan iilan sa mga ito ay sina Lucy Torres na humalili sa kanyang kabiyak, si Ate Vi, Herbert Bautista at marami pang iba, gayundin naman may mga hindi pinalad na magkislapan ang kanilang bituin sa larangan ng pulitika.
    Iisa lamang po ang ibig sabihin nito hindi square or rectangle ang bola, ito ay bilog, anybody’s ball game at syempre ang PInoy ay matalino na rin sa Pagpili.

    Sa seryosong balita naglandslide sa 2nd District ng Pampanga gawa ng boto na umapaw para kay Presidente cum Congresswoman Gloria.

    This just in! Ubos na po ang kopya ng magazine na ang centerfold ay si kuya Oton.

    Magbabalik po kami para sa karagdagang ulat.

    Kuya Oton, nasaan ka na?

    • J. Kulisap ay nagsabing:

      Ayon, nilalagare ang Adobe Photoshop para sa mga nakaka-intrigang kuha niya.

      Huwag pala nating kalimutan ang mga nagutom na guro na talaga namang may pinakamalaking kontribusyon para sa masasabi kong matagumpay na halalan.

      At sa mga Pilipinong, unti-unti nang binabago ang pananaw tungkol sa pulitika.

      Marami ang nakiepal este nakiisa.

      jakuli, nangungulit ay nag-uulat..ay nagugulat..ay mulat

      • jason ay nagsabing:

        ahahahah angkulet mo Katotong Pong. Hahahah dahil dyan may isang kahon ka ng french fries saken pag uwi mo sa pinas.

        Oi K.Kulisap walang photoshop-photoshop yun! Kaya nga ko naglagay ng mga drawing na Avatar sa FB ng ilang araw para itago ang aking metamorphosis. Hohohoho

        Samantala, isang kagila-gilalas na kabayanihan ang ipinamalas ng isang guro sa isang probinsya. Sinugod sila ng mga goons na diumano ay under ng isang natatalong kandidato. Itinago ng teacher ang PCOS machine at ito ay pinorotektahan para hindi masabotahe ang mga nakasave na files. kahanga-hanga talaga.

        Magbabalik po ang inyong Katotong totoo. Jason.

        • themizpah ay nagsabing:

          Isang bayani ang gurong iyan! Mabuhay!

          Patuloy parin ang kalamangan ni Binay kay Mar.
          Samantalang sigurado na si Noynoy bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas. Tuloy parin ang Laban sabi ni Erap at Perlas. Gayundin naman si Mar.

          Salamat sa iyong ulat kuya oton.

          • jason ay nagsabing:

            Ayaw pa ring magconceide nila era at perlas.

            ito ang kasalukuyang partial result ng eleksyon para kay Noynoy, Erap, at Perlas.

            Noynoy:13, 593, 033
            Erap: 8, 616, 269
            Perlas: 48, 343

            –Partial, uinofficial bilang ng Comelec, as of 11:06, Miyerkules

  37. themizpah ay nagsabing:

    Tama katotong kulisap sa pagpapaalala na ang mga guro ay may malaking kontribusyon para sa naganap na halalan.

    Sa mga iba pang balita, nagpalabas ng statement ang dating Pangulong Estrada na hindi siya magku-concede kung hindi ang Kongreso ang magdedeklara dahil ang kongreso lamang daw ang pwedeng magproklama. Pinayuhan din niya ang Comelec sa isyung ito. Samantala nagbigay-pakumababa narin si Ms. Loren Legarda para sa pagkapangalawang presidente. Mabuhay ka mam! Maging si Yasay man! mabuhay ka sir!

    Magbabalik po ang official coverage ng Sambablog para sa Halalan 2010.

    Kuya Oton ikaw na niyan magbalita.

    • jason ay nagsabing:

      Katotong Pong, ito iuuulat ko lang na handa ng mag-impake ng mga gamit si Pangulong GMA sa Palasyo.

      May bago na ring Chief Justice. Si Renato Corona.

      Magbabalik ako mamaya para sa updates naman sa resulta ng eviction sa American Idol.

      Maraming salamat

  38. kaye ay nagsabing:

    anong klaseng pagsusulit ito?

    at natawa naman ako sa pana na gamit ng green archers. parang de la salle lang ano?

    teka, ano ba sagot ko? ang sagot ko e espada. parang mas madali siya gamitin kesa sa pana. magkamali pa ako ng pagpana ganitong malabo na ang mata ko. ngek.

    at sino ang naiisip kong espadahin? e di mga kaaway. sino yun? sikreto. at ang mga magugulong pulitiko. yun.

    anong grado ko?

    • taribong ay nagsabing:

      20/20 hehehe perfect!

      • jason ay nagsabing:

        hmmmm mga kaaway…

        may mga problema ka ngayon ate kaye regarding people around you. masyado kang mabait kaya di mo mapoiy-out sa kanila. nahihiya ka rin kasi baka sabihin nila namumuna ka ng mali.

        eespadahin-not literally hahampasin o sasaktan. You will use it in a way na mareresolba mo ang iyong mga problems, very soon. Malapit na.

        Sa pulitiko naman na gusto mong espadahin, you can use the sword literarilly. lol

        aw

        hehehe

        grado – 99/100

        P.S. Yung blizzard ate kaye ko hohohooh

        • kaye ay nagsabing:

          @Tarbs: ang galing, salamat at perfect ako. hahah

          @Kapatid na Jeson: bakit 99/100 lang? hahahaha!

          kow. mabait ba ko? mahabang istorya eh. pero kapag bigla ka na lang di kinibo, nagsorry ka kahit di mo alam kung bakit: sa text, sa email at sa personal, at ayaw pa rin tanggapin ang sorry mo na di mo rin naman alam kung para saan, talagang maiirita ka na rin sa kaartehan. so di mo na lang siya papansinin ever.

          sige salamat naman kung mareresolba ko ang mga problema ko very soon…pero ayoko na yun isipin kasi tatanda ako. di naman ibig sabihin na pag di mo inisip tinatatakasan mo, i just want to let time take its natural course. hehe

          yang mga pulitiko na yan, talagang i will use the sword literally. dadanak ang dugo! hahaah! gun ban lang naman ang meron di ba, hindi naman sword ban?

          yung blizzard, anytime na puntahan mo ko dito sa alabang, ready yun…yung pinakamalaking baso pa!

          • jason ay nagsabing:

            99/100 kasi wala pang blizzard hahaha joke lang ate ko

            awts. ate ko kahit mag-isip ka ng mag-isip di ka naman nagmumukang matanda. everyoung ang itsura mo eh

            tutulungan kita ate sa mga plano mo sa mga politikong yan. mga congressman na mandurukot, mga senador na korap at iba pa.

            wow pinakamalaking baso? aasahan ko yan yehey angsaya ko naman…

            all in all. naisyahan ka po ba sa resulta ng assesment ko sayo ate kaye ko?

            • kaye ay nagsabing:

              oo kasi parang totoo…sana nga totoo…at espadahin na nating yang mga korap na pulitiko…

              e kasi ikaw na lang ang iniintay kong magclaim ng dq na nasa pinakamalaking baso.πŸ˜‰

  39. neil ay nagsabing:

    ang kulet.πŸ˜€

  40. meliza catedral ay nagsabing:

    hayz jason sakit sa ulo tong puzzle na ito1!parang balik ako sa zero ang utak ko..di gumagana ngyn!
    sa pana na lng ko at saka wala sa choices mo ang gustong kong gamitan ng pana.yung crush ang ppanain ko para magising sa kattohanan na andito ako para sa knya! at saka gusto maging kupido!wahaha…

    anyways ang mga tao dito ngkkagulo sa blog mong puzzle!mabenta heheheh!
    di pa rin ako nkabase laging huli..hayst

    • jason ay nagsabing:

      hahaha si ate liz lumalabing-labing..

      ok..

      eto na ready??

      sa lovelife itong napipisil ko sayo ate liz. may gusto ka pero may traits sya na medyo tagilid sayo. Yun ang gusto mong asintahin sa kanya. Kung baga defense-mechanism mo yung iniiisip mong gisingin sya sa katotohanang pansinin ka nya. Kasi… Ikaw na lang ang iniintay nya! yehey!

  41. yhen ay nagsabing:

    ano ba to? psych test ba ito hamster? hehe

  42. orville ay nagsabing:

    naku paano ko gagamitin ang sandatang napili ko laban sa mahal ko?
    magpapatalo na ako kung ganun at isa pa wala rin akong kalaban laban sa kanya.. hehe paglabas nya ng kahon baka mabitawan ko lang ang sandata ko. hehe

    • jason ay nagsabing:

      yung sandatang napili mo, dalawa lang yan…

      gagamitin laban sa mga umaapi sa kanya, o panungkit para sugpuin ang mga bad traits na di nya maalis na nakakasama sa kanya.

      wag na wag mong bibitawan ang sandata mo dahil essential ito orville.πŸ˜€

  43. kaye ay nagsabing:

    hindi ko pa tapos lahat basahin ang analysis mo sa iba’t ibang sagot namin pero nacucurious ako, kapatid. teka, isa ka na bang pyschology tulad ni marian rivera? hahahaha!

    • jason ay nagsabing:

      am may tendency lang po.. minsan kapag nagoo-goosebumps ako, lumalalakas ang aking psychology powers tulad ng kay marian. hahaha
      πŸ˜€

      ate kaye namiss talaga kitaπŸ˜€

      • kaye ay nagsabing:

        namiss din kita, kapatid. di ako makapagbloghop palagi o kahit makasagot agad sa mga comments sa site ko kasi dami gawa sa work…

        ayun o, di mo pa sinagot ang reply ko sa comment mo dun sa taas…

        • jason ay nagsabing:

          aw ako din po busy din ako sa work. nakopo. awts parang di naman bagay saken maging busy hahahahaπŸ˜€

          nareplyan ko na po! sorry sa stomach po kasi ako naktambay kaninang hapon!πŸ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s