Tirik na tirik ang araw sa labas
ng maisipan ni Gansa na maglakad
muna para magpa-tan.

Gansa: “La-la-la-la-la-la-la”.

SPLATTTT!!!!
.
.
.
Gansa: “Huh? Ano tong naapakan ko?”



Meron syang natapakan na kung ano. Napahinto sya sa paglalakad.

Titignan pa lamang ni Gansa kung ano ang naapakan nya ng biglang may dumating.



Ahas: “Ssssssss. Kaibigang bibeng mahaba ang leeg, pwede bang magtanong?”

Gansa: “Teka lang para kasing…”

Sumingit kaagad na parang nagmamadali at nag-aalala si Ahas…

Ahas: “Nawawala kassssssssssi yung alaga kong si Sssssalagubang. Nawawala kasi sssssya kahapon pa. Baka napadpad dito. Nakita mo ba sssssya?”

Biglang kinabahan si Gansa. May naapakan sya kanina. At may tunog na “SPLATTTT!”

Gansa: “Ah eh… wa-wala naman akong naki-tang.. ano.. salagubang na malutong. ah wala. wala. Ok thanks bye ingat ahas.”

Ahas: “Ano? anong sssinassssabi mo? Nakadrugsss ka ba bibeng mahaba ang leeg?”

Gansa: “D-drugs? Di ako adik ano. Sige na maghanap ka na.”

Ahas: “Hmmmmmm… Ok. Dito muna ko maghahanap sa pwessssto na to. Tulungan mo ko.”

Gansa: “Tulungan? O, o sige…”



Naghanap-hanap si Ahas sa paligid, kung saan malapit si Gansa. Para kasing may “something” na napapansin si Ahas na kakaiba. Lalo na kay Gansa.

Ahas: “Kala ko ba tutulungan mo ko? Bakit di ka gumagalaw dyan sa pwesto mo?”



Gansa: “Sssssh… Nagyoyoga ako.”

Ahas: ” Wateber!!!”

Gansa: “Awmmmmmm…. Awmmmmmmm…..

Ahas: “Weirdo talaga to. Ok, makapaghanap nga ulit. Hayssssssst.

Tila hindi umayon ang panahon kay Gansa. Umambon. Tuluyan na ngang umulan.



Ahas: “Malassssss.. Naulan pa. Baka hindi ko mahanap si Salagubang nyan. Haysssst. Sssssana tumila na ang ulan. Hachoo! Hachooo!

Kahit umuulan na, Hindi pa rin natinag sa pwesto si Gansa.

Gansa: “Malas naman talaga… Asar…” (Pabulong nyang sinasabi.)

Ahas: “Oi Weirdong bibeng mahaba ang leeg, halika na dito. Mabababasa ka. Baka magkapulmonya ka sige ka.”

Gansa: “Ayos lang ak-ko-ko dito.. U-ulan lang.. to.. kayang-k-kay-a ko to. G-gansa ka-kaya ako… ”

Ahas: “Ayos lang? Eh giniginaw ka na dyan. Ang adik mo talaga.

Gansa: “Awmmmm……. Awmmmmm…..”

Binalewala ni Gansa ang ulan. Tuluyan pa rin syang nag-yoga kunware.


Buti na lang at nakashades si Gansa. Hindi kita sa kanyang mata ang paghihirap. Medyo tago din ang luha dahil kasabay ng patak ng ulan. Naniwala naman si Ahas na ok lang ang Gansa na nagyoyoga sa ilalim ng ulan. Tumagal ang ulan ng tatlong oras.


Mabilis na sumikat ang araw pagkatapos ng ulan.


Ahas: Sssssa wakassss.. Natigil na ang ulan. Makapaghanap na nga sa ibang lugar. Mukhang wala nga talaga dito ssssi Ssssalagubang. Maraming ssssalamat na lang ssssssayo weirdong bibeng mahaba ang leeg na engot. Kahit wala ka naman natulong…

Gansa: Whew… Buti naman aalis na tong makulet na Ahas na to. (Pabulong na sabi ni Gansa)

Maya-maya lang bago pa makaalis si Ahas…


May kung anong bagay ang tumama sa ulo ni ahas.

Ahas: “Arekupo! Anak ng Tokwa’t baboy naman o! Sssino ba yang nambabato?



Gansa: “Hahahahahahahah”

Ahas: “Anong nakakatawa ang sssakit na nga!

Bigla na lang may sumingit na maliit na boses…

Salagubang: “Ahas!!!!!!!”

Ahas: “!!!”

Si Salagubang pala ang tumama sa ulo ni Ahas.


Salagubang: “Grabe. Naglalakad lang ako sa kakahuyan, ng bigla na lang ako dinampot ng mga batang nagfie-fieldtrip! Nakakainis. Ang malala pa, tinaliaan nila ko sa leeg.

Tapos pinaikut-ikot.

Tapos binitiwan ang tali. Tapos akala ko matatanggal na leeg ko. Buti na lang hindi.

Tapos humagis na ko ng mabilis na mabilis na mabilis!!!”

“WAhhhhhhhhhh”

Ahas: Tahan na Sssalagubang… Ang mahalaga buhay ka. Tara na uwi na tayo.


Masayang umuwi si Ahas at si Salagubang.

Samantala, si Gansa..

Gansa: “Maygad! So buhay pala si Salagubang. Kung ganon, ano tong naapakan ko?

Unti-unting tinignan ni Gansa ang nasa paa nya…



Gansa: “SHAKS!!!! Ano to!!!! AMBAHO!!!!” T_T

Advertisements

About jason

walang clue. nak ng

276 responses »

  1. the cyberpat ay nagsasabing:

    waaah!!! yes!!! ako din nauna!! 🙂

  2. the cyberpat ay nagsasabing:

    yaaakk.. ! :)) adik nga kuya si gansa… hehehe… ayaw muna kasi siguraduhin eh… hehehe

  3. SISTAH ay nagsasabing:

    ang bibilis naman ng mag ito…

  4. SISTAH ay nagsasabing:

    hahaha ayan naku mahirap talagang paninndigan ang di pagsasabi ng totoo… mas nahahalata, mas nakukwestyon… bndang huli ikaw din nahihirapan… 😆

    • SISTAH ay nagsasabing:

      yan napapala ng mga naglalie 😀

      • jason ay nagsasabing:

        kala kasi nila maisasalba ang bataan kapag nanindigan sila sa white lies. Minsan oo pwede, pero di sa lahat ng pagkakataon lalo na kung tungkol sa ‘buhay ang nakataya” na ang pinag-uusapan.

        si dok kwak kwak. pwede ko ba sya pangalanan?
        joke lang. hahaha

        oo nga masama ang mag-lie.

        liar liar plants for hire.

  5. Ravy ay nagsasabing:

    napangiti naman ako nito..

    ang ganda ng kuwento..

    kawawa naman si gansa…

    ganun pala ang gansa…

    swan yun di ba?…

    o pato?…

    • jason ay nagsasabing:

      talaga? salamat nagustuhan mo!!!

      oo tama ang gansa ay swan. kaya nga nagtataka ako sa storya ng the ugly duckling. lumaki sya at gumanda naging byutipol swan. o baka nga kasi magic kaya nag-evolve sya into a different creature..

      kung baga sa pokemon, pikachu, magiging machamp. awts.

  6. Len ay nagsasabing:

    akala ko base nako! hehehe

  7. Len ay nagsasabing:

    wwaahhaha, sabi kona nga eh, yun yung natapakan nya… eoowww!!! 😛

  8. Nuno ay nagsasabing:

    Bwahaha! 10th place ako sa base. Di ako mahirapan mag-scroll sa keypad. Basa mode muna.

  9. twistedisme ay nagsasabing:

    ano kayang drugs tinira ng gansang yan?!

    sabagay kasi di mo naman masisisi kung takot ang laging nauuna..

  10. Nuno ay nagsasabing:

    Buhay nga naman. May pagkakataon na nagtitiis tayo para lang mapagtakpan ang inaakalang totoo. Kung saka-sakali ikamamatay pa ang maling akala. Bandang huli tae pa rin pala. Yaan na siguro yung isang buto sa stomach.

    Magandang gabi bunso!

    • jason ay nagsasabing:

      LOL natawa ko sa buto na galing sa stomach!

      kaya siguro malutong ang tunog nung naapakan nya yung tae kasi nandun yung isang buto na nalaglag sa intestines dahil nakipagtulakan.
      hahah

      magandang umaga na kuya.
      natulog na ko kagabi nung pagkapost ko eh

      have a nice day! 😀

  11. meliza catedral ay nagsasabing:

    di pa rin base!huhuhu! ang hirap makabase dito jason..hahaha..timbbrehan mo nman ako pag nlkasulat uli ka..
    nkkatuwa ang kwento ..saan ka ngyyoga pa c gansa dhil sa akala nya c salugubang ang naapakan nya… dhil di nya natingnan muna kung ano naapakan nya.. ang moral lesson ay wag assume sa mga bagay2..maraming nppahamak sa maling akala…hehe

    • jason ay nagsasabing:

      eh hinahanap kita kagabi sa fb. hoho ate melay, si jason po ito. lol
      naalala ko yung comment mo sa fb.

      oo nga. sabi nga sa kanta, maliit na butas lumalaki, konting gusot, gumagrabe… dahil sa maling akala. yey one more time! lol

  12. runmdrun ay nagsasabing:

    hahaha!
    bakit malutong yung naapakan niya?!

    napadpad na ba dito ang gamu-gamo ko?!hehe

    nice, maganda!

    • jason ay nagsasabing:

      kasi yung pinanggalingan ng popo ay yung squirrel. buo buo pa yung mga butong nakain nya.

      hahahah yung gamu-gamo mo, iba ang nakahuli. abangan. hoho

      thanks nagustuhan mo!

  13. chingoy ay nagsasabing:

    lucky #15…

    sabi ko na nga ba eh heheh

  14. Ax ay nagsasabing:

    At umulan ng three hours.

    At nandon pa rin sa paa ni Gansa yung natapakan niya.

    Hardkors.

  15. toni ay nagsasabing:

    kahit malayo alam ng ahas kung ano ung naaamoy nya kaya nga sangang dila sya. siguro nga nakadrugs lang.

  16. themizpah ay nagsasabing:

    Ipapaimbestigador kita kasi hindi ako base humanda ka sa touchssssssssssssssssscreen namin ni mang enriquez…

    bakal ba si ssssssssalagubang at nabuwal ng tamaan niya si ahasssssssss?

    wahahahahahaha

    basta hindi na ako manood ng wowamster. sa eat bulagamster nalang ako.

    • jason ay nagsasabing:

      hala sorry naman pong! wala akong magawa. sinubukan kitang kontakin. pero sabi naglalaba ka daw. kanina naman nagsasaing ka. tapos bukas magshoshopping ka. pano na?

      hahaha sobrang lakas lang siguro ng batang naghitsa sa kanya. ok payn. masyado ngang malakas ang pagkakatama ayon sa drawing ko.

      oi baket puro hamster! ang dami ko namang show! hahahah

      • themizpah ay nagsasabing:

        O sige hindi na ako magsasampa ng TRO

        napakalakas naman ng bata na nagtapon kay salagubang.
        Bakit hindi ito agad inaksyunan ng Insect Society of Jakulandia.
        Nag-apila na din ba ang Kulisap Mo I-Patrol Mo!?

        bakit ganun porket isekto lang ba sila.

        At bakit nagkalat ang tae? Kawawa naman ang nagyoyogang bibeng mahaba ang leeg? Sino ba ang pumalit kay Bayani Fernando?

        wahahahahahahahaha
        ang kulit

        • jason ay nagsasabing:

          Hala may ganyan talagang samahan pong? kinabahan naman ako bigla. mamaya ihabla na nila ko sa mga pinagsususulat ko.

          hahahah marami talagang tae. Kasi marami ring aso, kambing, squirrel, balyena ang mga di makapagpigil ng nararamdaman kaya sa kalsada na napapa ire.

          sino nga ba papalit kay bayani fernando? si fernando fernando yung komedyante dati sa home along da riles.

          • themizpah ay nagsasabing:

            wahahaah ang kulit.

            Alam mo ba na ang samahang iyon ay meron silang ipinapasabi sa iyo ako nalang daw magsasabi.

            Insect Society: Hamster ka hindi ka namin tatantanan! Kaming mga insekto ay 24 oras din nagbabantay sa iyo! Humanda ka!

            Pong: Magpupublic apology na siya sa kanyang nagawa.

            Insect Society: Kung hindi yan paalisin sa Sambablog kami ang aalis.

            Pong: H’wag naman ganun, sige magleleave nalamang siya sa Wowamster.

            Insect Society: Sige na nga pinapatawad na namin siya. kaso may request kami. Pwedeng nextime bida naman si salagint.

            Hamster: ________________________

            • jason ay nagsasabing:

              grabe.. mamaya nasa mga tabloid na ko. ako na papalit sa mga malalaswang front page ng tiktik.

              (sign of the cross)

              aba yang mga insektong yan talagang nagpoprotesta. di ako aalis. pero kung sumama na ang samahan ng mga reptiles at amphibians baka magresign na ko.

              april fools! kahit may.

              teka si salaginto? mailap sya. mantis na lang pwede?

              • themizpah ay nagsasabing:

                nagpupulong pa ang IPP Insect Party of the Philippines kasi hindi pwedeng istorbuhin si mantis kasi nagpepray pa siya. wahahahahahahahah.

                Wowamster magandang umaga

                napanood mo ba ang interview ni Kris A. sa The Buzzamster? Ang ganda ng mga sinabi niya di ba. Full of hope for the Philippines.

                • jason ay nagsasabing:

                  pati yung pagpapray ng mantis pinagdiskitahan mo hahahaha

                  oi di ko napanood yung the buzz eh.

                  teka baket lagi may amster sa dulo? hahahaaahaa

                  basta may hope ayos na saken! yahoo!!

  17. kayedee ay nagsasabing:

    magaling magaling! my moral lesson at yan ay bad ang nag li lie! Bad karma really exist!

    pero in reality, gnun naman tlga ang reaction madlas sa ginawa ni gansa.. lalo na dahl sa takot!

  18. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Base ako. Shaks talaga?

    Sandali lang, bakit ang katribu namin na si Salagubang ay tsinochorva niyo mga bata, hmmmmm?

    Ano ang hatid na aral na naman?

    Huwag tapakan ang tae, may karapatan din silang maamoy ng iba pa.

  19. Sphere ay nagsasabing:

    adik si gansa lumabas para magpa tan at ang lufet nagyoga sya habang umuulan ng 3 hours 🙂

    buti naman nakaligtas si salagubang sa mga kamay ng mga nagfifield trip na mga bata eh sa sangang dila kaya ng ahas makakaligtas sya?

    • jason ay nagsasabing:

      si spheres!!! sphere bukas pa ko magboblog hop ha abangan mo ang pagkakalat ko sa site mo. maghanda ka narin ng pameryenda para maging hyper ako buong araw. thanks!

      ako po nagturo magyoga sa kanya. marami kasing benifits ang yoga. tignan mo pa sa wikipedia.

      nako yun lang. pero alaga naman sya ni ahas. tsaka mukha naman maamo si ahas diba. 😀

      • themizpah ay nagsasabing:

        wahhhhhhhhhhhhhh
        maghanda ka talaga kay kuya jason.
        wahhhhhhhhhhhhhh

        panigurado mag-iiwan yan ng kahindik-hindik, kagilagilalas at kamangha-mangha sa Believe it or Hamster it.

        ang dami mo ng shows. Talo mo na si willie

  20. Vajarl ay nagsasabing:

    Andito na ko Hamsterman! Nakaangkas pa ko kay IronMan!

    Vagooom!

  21. Vajarl ay nagsasabing:

    Malutong na mabaho? Ano yun? Itlog ng ipis? Hahahaha.

    TENGENE NATAWA AKO SA NAGYOYOGA! WAHAHAHAHAHA!

    Hamstermaaan! Dati nantatali ren ako ng salagubang!

  22. eloiski ay nagsasabing:

    wahahaha. bat ganun? malutong ang jerbaks. bakit di niya naamoy agad?
    tapos umulan-ulan pa. hakhak! di man lang ba ano nanlambot. wahahaha.

    tapos may payoga-yoga pa siyang nalalaman.

    peram ng shades ni gansa. hakhak.

    • jason ay nagsasabing:

      di nya maamoy kasi naman di nya inangat yung webbed-foot nya. hehe

      di lang yoga ang kaya nya. nag-ta-taebo din sya at dirty dancing exercise. lol

      bawal heramin ang shades eloi,

      bili ka na lang saken mura lang pede pa drop-drop

    • eloiski ay nagsasabing:

      may bagay na background song dito…
      MALING AKALA by eraserheads. ohyeah ohyeah.
      hakhak!

      marami ang namamatay sa maling akala.
      dapat kasi nisilip man lang.
      di ba naghahanap-hanap si snake, dapat itong si swan pasimple, nisilip niya sana. hakhak!

      • jason ay nagsasabing:

        nadali mo ang themesong! husway!

        naghanap-hanap naman si snake pero dahil sa ayaw nga kasing gumalaw sa pwesto ni gansa.. ayun. hahah sya tuloy ang nagtiis.

        buti pa si salagubang cool lang. nag aair gliding lang! haha

  23. Mr. Nonsense ay nagsasabing:

    parang eleksyon sa pinas. maraming kahirapan at maraming kasinungalingan at maraming namatay…..para ano? puro tae ulit ang mga resulta. change daw kuno…pero sila sila lang ulit. tse!

    • jason ay nagsasabing:

      pwede pwede.

      tapos si ano mukhang tae. kilala mo na yun sir non sense. yung nasa dilim na sinasabi ko. hohoh

      tama sila sila na lang, tapos yung mga kamag-anak. tapos, sila na naman ulit. tapos sila na naman. tapos yung mga anak tapos yung mga asawa. tapos sila sila na lang palagi. wala ng change.

  24. bayne ay nagsasabing:

    nice story… ang galing…

  25. blu.sparks ay nagsasabing:

    natawa ako kay gansa..ang engot kasi..
    hahaha..

    kasi feeling guilty siya agad.
    yan tuloy.

  26. themizpah ay nagsasabing:

    magbabantay ako baka may bagong post para makabase ako, tahimik kasi si wowamster eh. wag ka maingay ha.

    • jason ay nagsasabing:

      hahahaha loko ka pong. hahaha medyo marami kasing phone calls ngayon sa opis,

      tsaka kakapost ko pa lang hahahah pahinga muna ko pong. lol

      kamusta naman dyan sa desyerto?

      • themizpah ay nagsasabing:

        mabuti naman dito sa disyerto kuya jason. dapat kapag nagpopost ka yung may chance akong makabase like mga 8:00 dito 1pm diyan para fair wahaahahahahahah

        madami bang calls sa opis o madami kang kino-call?

        bossssss si jason ho, nagtetelebabad.

        • jason ay nagsasabing:

          HOhohohoho

          ganon ala una ng hapon? sige t-try ko sa next post ko.

          teka susumbong mo ko sa boss?

          ok 11:00P.M. na ko magpopost.

          • themizpah ay nagsasabing:

            joke lang iyon kahit anong time ka pa magpost dapat fair tayo diba. dahil wala kang kinikilingan, pinoprotektahan, serbisyong kahamsteran lamang, dahil hindi natutulog ang balita, at ikaw ang patrol ng sambablog, panig sa katotohanan, panig sa sambablog. wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

            • jason ay nagsasabing:

              hohoho kulet mo pong! variety shows at nat geo planets pa lang ang mga shows ko. ayoko pa sumabak sa pagbabalita. baka walang maniwala

              sambablog pa. hahaha

              woahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

              • themizpah ay nagsasabing:

                wahahahaha
                pasensya nalate ng konti ang reply may ginawa lang ako.

                ganun ba ayaw mo sa news and current affairsamster pala eh. di bale dadating ka din diyan wahahahahahah

                • jason ay nagsasabing:

                  hinde ang bilis mo nga makareply, ako nga ang matagal makareply!

                  sige pag-aaralan ko yan pong. gusto kong palitan si howie severino. wag lang ako i aasign sa sementeryo at dun sa mga kumakain ng bachoy. di pa ko handa sa mga ganon.

                  hanggang election watcher pa lang ang kaya ko. turuan mo kaya ko

  27. arnie ay nagsasabing:

    shaks ampupu…aahhaha

    ang bangis mo talagang magmspaint…

    kinarma c gansa…hahaha

  28. neil ay nagsasabing:

    at tinapos ko talagang basahin tong entry mo. nice one. 😀

  29. eser ay nagsasabing:

    awwww. i love ur posts.
    nice drawing din…

  30. rubisara ay nagsasabing:

    tae pala.. hahaha

  31. themizpah ay nagsasabing:

    ako din gusto ko howie, kara david, abner mercado at ang probe team ang galing nilang gumawa ng documentary. mahilig ako sa mga ganun.

    ahahahaha bakit ayaw mo sa sementeryo? lapit na akong mag-out bukas nalang ulit ako makikipagkulitan or pagdating sa bahay kung maaga kaming makakrating galing ng bayan.

    Be blessed kuya Jason.

    • jason ay nagsasabing:

      oo mahilig din ako sa mga doucmentaries… yung mga batang boksingero, mga batang drug addicts, mga supoltorero, yung sa selda, yung pagkain ng tira-tira sa fastfoods… interesting panoorin talaga.

      takot ako sa patay. lol

      ok ingat ka sa pag-uwi!!!

      have a blessed trip pong! good night!

  32. nhix ay nagsasabing:

    hahaha.. astig talaga jason..naaaliw talaga ako..

  33. nhix ay nagsasabing:

    sobrang haba ng bibig mo dahil sa haba ng ngete mo.hehehe

  34. themizpah ay nagsasabing:

    matulog ka na kuya jason. nakarating na me sa house. Be blessed!

  35. goyo ay nagsasabing:

    hahaha. ang cute. hehe.

  36. adaytodaylife ay nagsasabing:

    my daughter love to read your blog. 🙂
    thanks for the post. god bless

  37. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Shaks, di nga, today is tuesday? waw.

    Good morning pips

  38. bendita ay nagsasabing:

    KADERDER AHAHAHA UMULAN UMARAW NASA PAA NYA ung poop! EEEEEWWWW

    naalala ko tuloy nung nakatapak ka ng tae ==========))

  39. hisnameisdencios ay nagsasabing:

    i can relate this story sa tipikal na ugali pinoy. ayus kuya jason!

    minsan nag try akong gumawa ng ganyang style ng illustration. kaso napagod agad ako haha

    • jason ay nagsasabing:

      oo diba. karamihan saten ganyan. takot mapagalitan, takot aminin ang kasalanan, at kung anu-ano pa!

      salamat kuya dencios!

      sige try mo. awts. di ka pa nga nagsisimula pagod na hahahahaha 😀

  40. themizpah ay nagsasabing:

    nakita mo ba yung reply ko dun sa The Last Prince? natawa ako dun sa Maalaalamster Mo Kaya?

    • jason ay nagsasabing:

      Pong di ko na makita kung san ko ikinomment ang panonood ko ng the last prince sorry naman eto hinahanap ko! haahaha

      ayon oks na kita ko na hehehe

      • themizpah ay nagsasabing:

        wahahahahahah

        Alam niyo ba ang alzheimer’s disease ay isang sakit sa pagkalimot. At base sa Psychology ay meron tayong tinatawag na tabula rasa kung saan inihalintulad na ang brain ay parang isang blank slate na kung saan habang lumalaki ang tao ay napupuno ito. Gayundin naman ang selective amnesia ay kusang paglimot sa mga bagay-bagay na partikular na nangyari sa buhay ng isang tao kadalasan mga bagay na masasaklap. At sinasabing ang panaginip ay pagdidischarge ng utak.

        At si kuya jason ay walang alzheimer’s disease, selective amnesia, at hindi siya nananaginip. sa katunayan nakita niya ang koment na hinahanap niya.

        Ito po si Jason Hamster na may talas ng isip at mata para sa Matanghamster!

        wahhhhhhhhhhhhhhhhhh

        Shaks!

        • jason ay nagsasabing:

          ahahahahahahaha

          buti lumabas boss nagmeryenda kunde tatanungin na naman ako:

          “Anong tinatawa mo dyan?” Sabay abot ng mamahaling kendi (mag-aalok lang pala ng pagkain) kinabahan ako nun kasi akita ko tumatawa sa harap ng pc.

          oi ang galing ah ayos sa info.
          hahahaha ang kulet mo pong panalo tong comment mong to hahahahahahaa

          nawala antok ko loko hahaha

          • themizpah ay nagsasabing:

            ahahhahaha holy hour na kasi diyan sa atin, kahit ako nun kapag nagtuturo ako ng 1-3pm madalas akong nagccr para maghilamos kasi inaantok ako ahahahah

            wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
            ako buti sarili ko opis kaya nakikita ko ang mga dumadaan kaya pwede kong pigilan ang pagtawang mag-isa wahahahahhaahah

            wahhhhhhhhhhhh
            pengeng kendi? meron ako dito galaxy chocolate gusto mo?
            Mcdo daw tayo nina ate anne!

            wahhhhhhh
            paorder extra large shaks!

            • themizpah ay nagsasabing:

              malugod po naming ipinababatid na ang tunay na may-ari ng ABS-CBNamster at GMAmster at malapit na din po niyang mabili ang TV5amster, walang iba kundi si matanghamster, wahhhhhhhhhhhhh

              • jason ay nagsasabing:

                awts kasama ba ko sa treat ni ate spheres? hehehehe 😀 sana kasama ko lol hahahaha

                ako kasi nasa likod ko ang mga dumadaan kaya kita nila ko sa lahat ng ginagawa ko tulad ngayon hahaha kulet mo kase eh! lol

                wahahahhah ang dami ko ng pagmamay-ari ah! shaks!!! sayo na ang RPN at IBC. generous naman ako eh lol

                hahahahah

                • themizpah ay nagsasabing:

                  cge pwede na sa akin yang RPN at IBC kasi ipapirate ko mga stars mo. bwahahahaahahaah!

                  • jason ay nagsasabing:

                    AWts.. hahahaha itatali ko sila. ipapa frame ko ang mga kontrata nila saken para di mo mapirate,,

                    sige sayo na si willie revillame. magtayo ka ng sarili nyang channel. cahnnel W. kasunod ng channel V music chanel. nyak. hahahahaha

                    • themizpah ay nagsasabing:

                      gusto ko si willie pero yung attitude pwede pa namin mapag-usapan for the mean time sa iyo muna siya ahahahahah

                      alam mo bang sa buong accomodation namin ayaw nila si willie maging dito sa opis ako naman ayoko lang yung ugali

              • jason ay nagsasabing:

                ako din naman gusto ko pa si willie non dun sa pelikula dati nakalimutan ko na title basta probinsyano sya ganon.

                nako kung ayaw mo ugali, edi ayaw mo sa kanya. hahaha

                mgandang umaga pong!

  41. aninipot ay nagsasabing:

    hello my little hamster, bukas na ang matinong comment di ko pa kasi nabasa…

    pati din sayo kuya mizpah…di ko pa nabasa ang mga entry mo.

  42. Vajarl ay nagsasabing:

    Hindi ko nanaman makita comment ko!

    Jason! Vrrroooom vrroooom! Hahaha.

  43. kaye ay nagsasabing:

    yuck!!!!!!!!!!!!!

    baket ang malas naman ni gansa? may balat ba sya sa pwet?

    • jason ay nagsasabing:

      yung balat nya po nandun sa may parteng di ipinapakita. hahha

      hi ate kaye ko.. nako bat ngayon ka lang po? nako nako 😀

      • kaye ay nagsasabing:

        nakow. naligaw na ako dito sa comments section muntik ko na di makita ang post ko. hahahha!

        sorry at ngayon lang ulit ako. may nilelayout ako kaya di makababad sa mga blogs. at di ko pa rin maintindihan kung anong theme ang gagamitin ko kasi kainis laging me problema sa mga theme na iniinstall ko. hahaha!

        ano yung parteng di pinapakita??? 😀

  44. duking ay nagsasabing:

    ayan kase….nag conclude agad.

    hak hak hak.

    nakakatuwa na gumagawa ka ng fables.i think you can make a living sa pagsususlat ng librong pang semi-bata.

    tuloy lang,jason!!!mahusay!

    • jason ay nagsasabing:

      oo mahirap yung basta basta na lang nagcoconclude diba?

      wow talaga? oo inspiration ko si anonymous sa mga kwentong pambata dati. lol hahahahah

      ay ano pala ano nga ulit pangalan non?

      thanks kuya duking!

  45. bernardumali ay nagsasabing:

    sabi na nga ba e hehehehe

  46. Suckingbird ay nagsasabing:

    palaging huli ako sa karera ng pgkokoment. eto, base na naman ako. in fairness, ang ganda ng ilustrations ha.. lmlevel up ka na ham2x!

  47. aninipot ay nagsasabing:

    hehehe, lesson learned…tingnan muna ang naapakan kaysa maulanan…

    ano ba tong comment ko…hehehe

    magbabackread pa ako.

  48. busyokology ay nagsasabing:

    ayun.maalamat ang kwento ni gansa at ahas. baka sa susunod eto na ang mga kwento sa libro ng mga bata sa elementary. hehe

    • jason ay nagsasabing:

      gusto ko yung “maalamat!”
      pero di ko pa din matatalo sila aesop at granny basyang.

      wow bigla akong kinabahan sa pagiging libro ng mga elementary. wahh

  49. themizpah ay nagsasabing:

    Magandang umaga matanghamster
    first time kong nanood ng Aguamster Benditamster kagabi habang hinihintay ko yung kasamahan ko para tulungan akong bumili ng celphone, talagang halos walang tigil ako sa pagtawa imaginin mo ba namang sumasayaw yung mga sharks, yung penguin at may clown fish pa na ang pangalan ay otep wahahahaahahahah
    as in yung last part eksena talaga nila. wahahahah

    naisip ko lamang na mas baduy ito kumapara sa Last Prince na pinapanood mo.

    Magandang araw matanghamster, wahhhhhhhhhhhh
    mabuhay and God bless!

    • jason ay nagsasabing:

      magandang umaga pong! ayon, medyo humaybernate ako kahapon kasi day off, tsaka may kahati sa internet sa bahay, tig 2 hours lang kami tapos may rotation..

      WAhahahaha aguamster benditamster. hahaha loko ka talaga ginawa mong hamster si andi anggoyman.

      lol sa mga isda hahaahhaha

      oo masbaduy talaga. pero wag ka.. gumaganda ang mga eksena sa the last prince kagabi! si Lara naging hamster na pute san ka pa! hahahaha

      God bless pong!

      hohohooh

    • bendita ay nagsasabing:

      weirdo lang talaga si agua

  50. How to earn real money online? ay nagsasabing:

    haha! ang ganda na ng drawing mo kuya hamster.. =)) Ngaun lang uli naka bisita sa mga frends ko dito sa wordpress. =))

    • jason ay nagsasabing:

      wahhhh baket ka nga pala busy palage? hmmm hulaan ko…

      facebook? madalas kita makitang mag-update sa fb kala mo ka hahahahahah

      TAMBAY ka ulit d2 sa wordpress masaya 😀

  51. themizpah ay nagsasabing:

    Gansa: Dapat yata ang name ko ay Gansamster. Ewan ba kay matanghamster bakit gansa lang ang ibinigay niyang name.

    Ahassssssss: Ako nga din dapat Ahasssssssssamster di ba? Nakita mo ba si matanghamster Gansa?

    Gansa: Hindi eh, sige mauna na ako ha (sabay tingin sa paa at naglakad ng marahan).

    Shaks, naapakan ba ni Gansa si matanghamster?

    Matanghamster saan ka na?

    • jason ay nagsasabing:

      oi! magiging comedy bar tong entry ko kapag nagmukang hamster lahat ang bida tapos katawan ni gansa at ni ahas ang gagamitin! dadaigin pa nito ang SPECIES at PREDATORS hahahaha

      SHAKS ka! bakit mo ko pinaapakan kay gansamster!!!
      nandito lang ako sa tabi tabi… nagmamasid

      lol

  52. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    oh naalala ko tuloy ang tawag sa akin ng friend ko sa akin.
    alin sa tatlo
    a. ganza
    b. ahas
    c.salagubang

    siguro naman out na roon ang ahas, kasi barkada ko siya. tsk tsk
    wawang ganza tinapaktapakan kasi ang katotohahan.

  53. the cyberpat ay nagsasabing:

    gud eve kuya… huwaw nakapagbago na po pala kayo ng header..

  54. pusang kalye ay nagsasabing:

    ang cool namna dito—me mga illustrations pa—ikaw rin ba gumagawa nyan?

  55. Len ay nagsasabing:

    hello jason!! patambay… 🙂 *hugs*

  56. aninipot ay nagsasabing:

    good morning little hamster ko.

  57. arnie ay nagsasabing:

    magandang hapon sa lahat… 🙂

  58. kayedee ay nagsasabing:

    elow jason!
    how’s ur day goin’?

    gud day po! 🙂

  59. inspirememore ay nagsasabing:

    wow ang kulet ng storya

  60. themizpah ay nagsasabing:

    tara na papunta na kami sa mcdo. bilis! tawagin mo sa sakakyan mo ang battle hopperamster.

  61. tsiremo ay nagsasabing:

    Ayun nabasa ko rin ang entry na ‘to. Aba akala ko naman naapakan nga yun pala poopoo lol. Naalala ko nung mga bata pa kame, 80’s yun (80’s baby ako) yung kinakalog namin yung punong mangga na di naman kalakihan, ang daming nang lalaglag na salagubang, lalagyan namin ng sinulid, tapos paliparin minsan nakakaawa pero masaya LMAO..

    • jason ay nagsasabing:

      nako hahahah #65 ka na hohoho

      talagang naka plug ang 80’s baby ah! nakita ko na rin yan ginagawa ng kuya ko. naalala ko pa nga may manong na naglalako isang net na malaki ang daming salagubang wahhh

  62. barrycyrus ay nagsasabing:

    Panalo ang salagubang!

  63. Pong ay nagsasabing:

    matanghamsters!

    • jason ay nagsasabing:

      hoy pong hahahaha ang energetic mo ngayon ah! 😀 day off nyo nga pala ano? Fridays and Saturdays?

      • ngop ay nagsasabing:

        hindi thurs and fris ang dayoff ko
        kayo naman diyan sa Pinas week-end pero tahimik ang Sambablog. dahil ba nawawala si kuya kulisap?
        shaks napakatahimik ng sambablog.
        paano kasi nakakainip dito sa opis eh.
        sabi ni ate arny nagpo-pole dancing ka daw?
        edi may new occupation ka na: macho danceramster ka na aahahaha
        ang image mo niyan masisira baka mawala ang latest show mo na Umagang Kay Gandamster, wahhhhhhhhh

  64. BONISTATION ay nagsasabing:

    hahahan taragis! tatlong oras!! tatlong oras yang hnidi gumalaw dun dahil lang sa akala nya si salagubang ang naapakan nya!

    waaaaa!!

  65. ladyinadvance ay nagsasabing:

    hahaha ohmegash natawa ako ng bongga…kac naman si gangsa dapat nicheck muna nya kung ano naapakan nya, ayun tuloy mapupulmonya xa… 😆

  66. Chad the Coffeeholic ay nagsasabing:

    Oh! Tama ata yung ahassssss… Engot ang bibeng mahaba ang leeg. Hay! Buti na lang, happy ending para kay Salagubang at Ahas. May reunion sila. 🙂

  67. Chevy ay nagsasabing:

    Anggaling talaga, hehehe. Walanjo! kala ko natapakan na si Salagubang. Hahaha. Nakalimutan kong sabihin na maganda yung pagkakagawa sa mga drawings. Hirap nun ah, kung sa paint mo yun ginawa..

    Ingat!

  68. marvic ay nagsasabing:

    galing! You deserve a hug! thanks ha?

  69. christian bogacia ay nagsasabing:

    ang ganda nito guyz

  70. metaporista ay nagsasabing:

    nakakatuwa naman to! ngayon ko lang nabasa madami ka palang kwentong pambata.

  71. michelle marinas ay nagsasabing:

    sama naman ni gansa buti nga sakanya nakatapak sya na tae jokejoke lng hehehe
    🙂

  72. hannah ay nagsasabing:

    wow ganda talaga!!! meron akong natutunan… hulaan niyo!!!

  73. […] Maya-maya lamang… May dumating na Gansa. […]

  74. princess ay nagsasabing:

    si gansa at si ahas lupit ahhhhhhhhhh!

  75. ADAM ay nagsasabing:

    juleaman naman yan no hahahahahahahahahaahaha! 😀

  76. marzah ay nagsasabing:

    hahaha :-)nakakatawa ung kwento nkarelate aq dun ah grabe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s