Masyado nang nababagot si Cactus.
Bukod sa mainit, ay tahimik pa
doon sa kanyang kinatatayuan.

Sa isang desyerto na kung saan
doon ay tahimik at malungkot…

Minsan
may isang
Cactus…

Minsan…


Malayu-layo ang nalakbay ni Cactus… Mga dalawang araw ang itinagal ng kanyang paglalakad.

Napadpad sa isang medyo basang lugar si Cactus. Isa itong oasis. Napansin nyang may nagkakagulo doon sa isang tabi.



Damo1: Sige sayaw pa!!!

Bulaklak1: O igiling mo pa!

Damo1: wahahahahah!!

Bulaklak2: Grabe nakakaaliw ka talaga!

Damo2: Mamaya kumanta ka naman ah!

Lumapit si Cactus sa nagkakagulo doon sa isang tabi. Pagkahawi nya ng mga talahib, nakita nya ang mga damo at mga bulaklak, pinagkakatuwaan ang isang kabute.


Pssssssssssssst!!!

Cactus: Sino yung sumusutsot?

Pssssssssssssst!!! Mamang Tusok-tusok… dito sa ibaba!!!

Cactus: ????

Nakita ni Cactus sa lupa, may ipis.



Ipis: Oi… Nakikita mo ba sila? Nagkakatuwaan sila ano?

Cactus: Am… Oo…

Ipis: Si Kabute ang pinagkakatuwaan nila. Medyo ano kasi… May deperensya sa pag-iisip si Kabute. Kaya siya paglalaruan ng mga damo at mga bulaklak. Wala naman akong magawa.

Cactus: Ganon ba!

Ipis: Oo… Gusto kong tulungan si Kabute. Nakakaawa talaga.

Di nakapagpigil si Cactus. Nagalit sya. Naglabasan ang mga tinik mula sa kanyang katawan.


Damo: Wahhhhh may Cactus!!! Takbo!!!!

Bulaklak: EEeeeeek!!! Panira naman to oh!

Nagtakbuhan ang mga halaman at naiwan si Kabute na nagsasayaw pa din. Tinignan muna ito ni Cactus. Naawa sya. Kinausap nya ito.


Cactus: Ammm… Kabute?

Kabute: Asan na sila? Di pa ko tapos sumayaw eh! La-la-la

Cactus: Wala na sila. Halika sumama ka sakin ilalayo kita dito.

Kabute: Ano? San tayo pupunta po? Marami po bang mga halaman don?

Cactus: Ammm… wala masyado. Mga cactus lang din tulad ko.

Kabute: Waw. Cactus ka? Pasasayawin mo din ba ko ng magdamag? Wag po ganon ha. Napapagod na po ako sa ganon! Pakarga nga po ako. Dali. Dali.


Kinarga ni Cactus si Kabute at ipinatong sa kanyang ulo. Iningatan nyang huwag matusok si Kabute. Agad na naglakad si Cactus paalis sa Oasis.

Cactus: Kamusta lagay mo dyan sa taas?

Kabute: Grabe! Ang lamig dito sa taas. Ang hangin po! Brrrrr….

Cactus: Hehehe. Wag ka malikot baka malaglag ka.

Kabute: Hala! Baka hanapin ako ng mga halaman. Baka may ipapagawa pa sila saken. Nako. Ibaba mo po ako. Babalik po ako don. Nakakatakot. Yay.

Cactus: Hinde Kabute. Hindi ka na babalik don. Di sila mabubuting halaman.

Kabute: Ganon po ba Cactus? Ikaw, mabuti ka po ba? Ammmm… Palagi nga pong nagtatawanan ang mga halaman. Ang saya-saya nila lagi. Lalo na kapag may mga pinapasuot sila sakeng iba-ibang damit. Tapos, tapos, kumakanta rin ako, tapos, tumatambling din ako. Tapos po… di ko na maalala ang iba. Teka po Cactus. Ang… sarap pala ng kinakarga!

malayu-layo na rin ang inabot nilang dalawa. Ibinaba na ni Cactus si Kabute sa buhangin. At muli, sila ay nagkwentuhan dalawa.


Kabute: Ngek! Anong lugar to. Ang tahimik dito. Sarap matulog. Matutulog muna ko ha Cactus.

Cactus: Sige matulog ka muna, halatang pagod na pagod ka.

Pero bago pa matulog, nag-usisa naman si Kabute

Kabute: San ba ko galeng? Baket ako Kabute? Ginawa ba ko ng Diyos para pasayahin ang mga halaman? La-la-la-la Teka Cactus, sasayaw na ba ko?

Cactus: Hahaha. Tumigil ka nga at matulog kana.

Kabute: Ang init kasi. Di ako mapakale. Ano ba pede ko gawen… Hmmmm.. Nauuhaw ako! Ayun tama nauuhaw ako!!

Cactus: Ok sige halika, dumikit ka sa likod ko, sipsipin mo ang tubig sa aking katawan.

Daliang tumalon si Kabute sa likod ni Cactus at Sumipsip ng tubig…


Ilang araw ding naging magkasama ang dalawa. Pilit na inuunawa ni Cactus si Kabute. Ulila na kasi si Cactus, kaya itinuring nyang nakababatang kapatid si Kabute. Si Kabute naman, naging panatag na ang kalooban kasama ang kanyang bagong kapatid.

Hanggang sa isang araw…

Kabute: Cactus! Dalhin mo naman po ako dun sa isang mataas na buhangin doon o! doon o! dali dali!

Cactus: Ha? Sige ba.

Kabute: Yahey! Woohooo!!! Cactus Cactus!!!

Naglakad-lakad si Cactus, at si Kabute na nakadikit sa kanyang likuran. Mahaba-haba na ang nalakad ni Cactus. Pero sa ibang direksyon sya patungo. Maya-maya…

BLAAAAAAG!!!






Kabute: Anong nangyare po Cactus! Teka, hindi po dito ang itinuturo kong bundok ng buhangin! Balik tayo balik tayo!!!

Cactus: ……..

Kabute: Cactus? Ano pong nangyayare? Cactus?

Cactus: Kabute…

Kabute: Ay… Malungkot ka. Kita ko sa mata mo po. Sasayaw na po ba ko? Eto na po. Wag ka pipikit ha! Sasayaw ako! Yahey!

Cactus: Hinde… Kabute… Ano… pano ba to… Matutulog lang ako. nakikita mo ba yong ….gubat na yon? Nakikita mo doon sa dulo.. Malapit lang diba… Pumunta ka don…

Kabute: Gusto ko po doon sa buhangin!

Cactus: Wag ng makulet Kabute. Sundin mo na lang ako. Maliwanag ba yon?

Kabute: Ok po. Salamat po ha! Salamat po sa lahat! Babalikan po kita Cactus pag nagising ka na. Ay hinde. Puntahan mo na lang po ako doon kapag gising ka na po. OK! Paalam! La-la-la-la

Cactus: …

Halos masimot na ang tubig sa katawan ni Cactus para lang maisalba ang buhay ni Kabute sa disyerto. Buti na lang at nakaabot pa si Cactus na maihatid si Kabute sa kanyang magiging bagong tahanan…

About jason

walang clue. nak ng

431 responses »

  1. machongbutiki ay nagsabing:

    base?

  2. machongbutiki ay nagsabing:

    base nga,. wahahahha

  3. machongbutiki ay nagsabing:

    hay.. watta sad story..

  4. Ravy ay nagsabing:

    no comment… nakakalungkot…

    parang may naalala lang ako…

    • jason ay nagsabing:

      may comment ka eh.

      sige na share it.

      • Ravy ay nagsabing:

        “Pilit na inuunawa ni Cactus si Kabute. Ulila na kasi si Cactus, kaya itinuring nyang nakababatang kapatid si Kabute. Si Kabute naman, naging panatag na ang kalooban kasama ang kanyang bagong kapatid.”

        Darating ang isang panahon…
        Na may ituturing kang nakababatang kapatid…
        Tapos magiging “kuya” ka sa tao na yun…

        Dahil alam mo, na sa pagkakataon na iyon…
        Wala siyang ibang mapupuntahan…
        Wala siyang tahanan na maituturing…

        Pero pagdating ng isang araw…
        Kapag nakarating na kayo sa lugar kung saan alam mong doon na siya nararapat…

        Alam mong kailangan mo na siyang bitiwan…
        Dahil alam mong, hindi mo na maibibigay ang lahat ng bagay na kailangan niya…

  5. meliza catedral ay nagsabing:

    nakuw di pa rin base!
    ang lungkot nman! well saludo ako kay cactus nmatay dahil sa pagssakrispyo sa isang kaibigan…ang lesson dyan mallaman mo kung cno ang tunay na kaibigan kahit anong hirap andyan cya lagi para saiyo and issakripisyo ang kanyang sarili..
    wat a story! nkkaiyak!huhuhu.. parang naalala rin ako na masakit sa loob ko…

  6. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    hay! Akala ko, base na ko this time. hay. di ko tuloy nabasa…

  7. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    ay eto na ang comment kong serious. kawawa naman si Cactus. Martyr! Dakila. Bayani. Pano yan, siya na ang bagong Rizal?

  8. night crawler ay nagsabing:

    ay grabe… bakit naman sad ending parekoy? ayaw ko ng ganun. huhu. kawawa naman si cactus๐Ÿ˜ฆ

  9. runmdrun ay nagsabing:

    pa-Nth base muna!

    • runmdrun ay nagsabing:

      nakakalungkot naman. iba ang ineexpect kong ending pero naantig pa rin ang aking puso.

      teka, bakit ang mga kwento o mga pabulang pinoy ay laging nagsisimula sa “Minsan may isang…”, lagi talagang “Minsan”? hindi “lagi”? “madalas”?hehe
      pero mabuti na yan kaysa naman sa “Once upon a time”… mas maikli ang atin!hehe

      • jason ay nagsabing:

        Minsan ay babangon… <—- Tolits

        anong ineexpect mo? yung mabubuhay sila na magkasama poreber and eber amen?

        malabo yun.

        onga gasgas na ang once upon a time, sa ating buhay… parang palabas lang sa abs cbn

  10. busyokology ay nagsabing:

    galing naman ni cactus. ibinuwis ang sariling katas para maisalba ang buhay ni kabute. humihero si cactus.

    at syempre…galing uli ng wento. ito ang wento na may wenta๐Ÿ™‚

  11. melody ay nagsabing:

    anu ba naman yan..kawawa naman ang bida..lol

  12. toni ay nagsabing:

    “halimbawa lang yan ng pag gigive up ng something na nakasanayan, o luho kapalit naman ang kaginhawaan”..

    “shaks parang entry to the kingdom of God lang!!”

    eto Jeson kinopya ko lang ung kowment mo sa post ni Pong.

  13. arnie ay nagsabing:

    nakakalungkot naman eto…๐Ÿ˜ฆ

  14. arnie ay nagsabing:

    para bang meron kang pinaghuhugutan ka???

  15. kaye ay nagsabing:

    AWWW…bakit ang lulungkot ng mga kwento??? baket??? baket kelangang mawala si cactus? nalulungkot ako, kapatid na jeson…

  16. mindsturbator ay nagsabing:

    Ayos ah.

    Si kabute, “high”. nagsasayaw. kumakanta.

    Sinipsip pa ung “cac”tus.

    Bading ba dyan si kabute? nang-aagaw ng lakas gamit ang pagsipsip.hehehe

  17. J. Kulisap ay nagsabing:

    Kamusta Oton?

    Ilan pa sa naglipanang puso ang kayang isakripisyo ang sariling kaligayahan o mismong buhay para sa kapakanan ng iba?

    Ikaw? Ako? Siya?

    Tipunin at pag-isahin ang kapangyarihan na mailap ng masumpungan sa panahon ng pagtatawid sa sariling buhay.

    Isang maganda at medyo madamdaming umaga sa iyo.

  18. rllqph ay nagsabing:

    ang drama naman!

    si machongbutiki talaga, hilig mag base… haha!

  19. chingoy ay nagsabing:

    lucky number 19!!!

  20. kuhracha ay nagsabing:

    hindi happy ending… =(

  21. Lambing ay nagsabing:

    hmmmmm wawa naman si cactus…

  22. Pong ay nagsabing:

    Base,
    Gumaganda ang mga drawings.
    Ganda din ng story.
    Naalala ko lamang ang mga kalaban nina bioman, maskman at iba pa nung pinalabas ni cactus yung mga tinik.
    Kung ako hindi ako iilag kasi akyupanktyur din yun ahahaha

    beri beri nice!

    hmmmmp base!

  23. taribong ay nagsabing:

    1. Si Cactus may lahing porcupine?
    2. Hindi ba’t nabubuhay ang cactus sa disyerto? Buhay pa ba si Cactus?
    3. Si Kabute, kamusta na?

    • jason ay nagsabing:

      1. improved self-defence ng mga cactus. parang plants vs zombies lang! malayong kamag-anak nya po

      2. kaso nasimot na ni kabute ang tubeg nya sa katawan.. Hmmm buhay pa? di ko alam…

      3. si kabute, ayon… abangan.. lol

      • Mr. Nonsense ay nagsabing:

        1. hindi sya porcupine. si cactus ay isang suicide bomber.
        2. nanlata lang si cactus. sobra kasi sa chupa…(haha cencored ba?)
        3. si kabute ay nasa playboy mansion na. bagong girlfriend ni hugh hefner.

        • jason ay nagsabing:

          1. hahaha kamikazee? diba sa final fantasy 8 yun. si cactuar? alam mo ba yung game na yon sir nonsense?

          2. ang adik mo! huhulihin tayo ni laguardiya dito lalagyan ka ng posas

          3. hahaha di naman ata papasang maging playboy model si kabute. oi nalaro mo na sa PC yung the playboy mansion? Ang galeng non

  24. Len ay nagsabing:

    wwaaahh, so late! shaks!

  25. Vajarl ay nagsabing:

    Hindi kopa naeexperience maka base dito Jason! Haha.

  26. Vajarl ay nagsabing:

    Nkaakatuwa yung pagkadrawing kay kabute, parang nakahithit den ng kabute. High ata sya. Hahaha.

  27. Vajarl ay nagsabing:

    Ay shet may ipis! Kumakaen pa naman ako! Hahaha.

    Teka ang flooder ko. Lol.

  28. Vajarl ay nagsabing:

    Parang gusto naman ni kabute ng nagsasayaw, lagi nya tinatanong. Teka, parang kilala ko yang kabute na yan! Sya ba yung kabute sa Mario Bros? Anong pangalan non?

  29. Vajarl ay nagsabing:

    Tsk. Kawawang Cactus. May pagkatanga ren kase.

    Goodmorning Hamsterkid! Nagkakalat lang! :p

  30. timangkey ay nagsabing:

    Siguro matinik din si Cactus pagdating sa chicks.

    Nakakatats naman. Ginawa nya un para sa ikakabuti ni kabute.

    Ang cactus ay parang konserbatibong babae. Ayaw ng nadidiligan. =P

  31. tsiremo ay nagsabing:

    Nakakalungkot naman ang istorya.Pero natawa naman ako sa kakulitan ni kabute..haha sasayaw na ba ako? tamang kulet ah adik..may sayad nga pala siya..bakit naputol si cactus?

  32. the cyberpat ay nagsabing:

    wow 5 comments sa taas.. :)) … kuya!!! sorry kung nahuli…๐Ÿ™‚ nice story kuya… naks naman kuya… bago na naman po pla header nyo… then animated na yung award nyo dun kuya ah… hehehe…

  33. joyo ay nagsabing:

    kasi naman kasi! bakit kasi! si kabute ang may dahil! (engri)

    dapternun!

  34. joyo ay nagsabing:

    YUNG TOTOO jason… bakit ang hyper nung kabute? nakatira ba yan ng baygon? mukhang high e!

    aha aha aha!

  35. joyo ay nagsabing:

    pero seryoso, bihira na sa panahon ngaun ang mga kagaya ni cactus… na uunahin ang kapakanan ng iba kesa sa kapakanan niya… so sad lang kasi di niya nakita happy na si kabute…

    eh baket kase!

  36. Pong ay nagsabing:

    parang ikaw si kabute, hyper.

    tsk..tsk…
    ——
    akala mo nakalimutan ko na ang usapan natin na magpopost ka dapat yungmay chance kaming makabase, iba kaya ang timezone natin.
    —–
    proud naman ako sa kwento mo kasi may touch ng kadisyertuhan nakakarelate kami.

    • jason ay nagsabing:

      oi hyper ka din naman POng!

      ano!

      ay.. oo nga next time pramis…

      syempre kayo talaga nisip ko nila mama joyo at iba pa na nasa desyerto

      nako deds na naman ako sa “at iba pa”

      • Pong ay nagsabing:

        pramises ar meyd tu bi broken kaya,

        Pong: H’wag ka ng mangako, dahil napapako naman ang mga ito. buti pang hindi na kita tinulungan nung itinali ka ni chicher.

        Hamsterman: Hindi ko naman sinasad….yang makalimutan ang pramis ko ha (paawa ang tinig)

        Pong: Sinasadya mo, ikaw na ang nagsabing nung ginagawa mo ang post mong ito ay kami ang naiisip mo, dito sa disyerto. Di ba?

        Hamsterman: ahhh, ehhhh… oo naman.

        Pong: E bakit mo nakalimutan? Gusto mo ng pruweba?
        “syempre kayo talaga nisip ko nila mama joyo at iba pa na nasa desyerto”

        Hamsterman:….

  37. aninipot ay nagsabing:

    nalungkot ako little hamster ko…

    pwedeng buhayin si cactus?… minsan may ulan din sa disyerto mabilis naman makarecover ang cactus kasi kakaiba sila…hmmmm

    • jason ay nagsabing:

      ate ani ko….

      hmmm minsan lang ang ulan.. makakasahod ba si cactus? o kakainin na sya ng mga vulture?

      • aninipot ay nagsabing:

        makakasahod sya jason, yon ang purpose ng mga tinik nya sa katawan…saka ginawa ang balat nya for survival sa disyerto kaya may energy pa syang matitira…basta..haha

        ayaw ng vulture sa cactus, carnivore sila diba?

        dali na hamster, buhayin na natin sya..plsssssssssssssss..

        • jason ay nagsabing:

          ahh nagmimistulang daan pala ang mga tinik para masmadaling maabsorb ng cactus ang once in a while na pag-ulan…

          ay.. malay naten mag change of heart ang mga vulture at maging herbivore!

          ay… ate ani ko. wala namang pilitan. haha!

          • aninipot ay nagsabing:

            waah! little hamster di kakainin ng vulture ang cactus, matitinik sya at malamang sya pa ang mamamatay kesa kay cactus… special nga ang mga cactus diba?

            cge na…………..plsssssssssssssss…hahahahaha

            • jason ay nagsabing:

              wahahaahh natatawa talaga ko ate ani sa plssssss mo. hahahhaha

              ehhh

              tutukain po ung sa ulo. tapos mabubuka.

              tapos kakainin ang laman. sasairin

              • beeftapa ay nagsabing:

                onga naman jason. lagyan mo to ng sequel.

                dahil sa pinaramdam na pagmamalasakit ni cactus kay kabute, muling nagbalik si kabute mula sa kagubatan upang dalawin ang kaibigang si cactus. ngunit nagulat sya sa nakita, malapit nang matuyo si cactus at halos wala nang buhay. sa tagpong iyon ay di napigilan ni kabute ang sarili at dali daling tumakbo palapit kay cactus, at tuluyan ngang bumuhos ang kanyang mga luha… o dugtungan mo na to ha, tubig pa din naman ang luha.๐Ÿ˜€

                • jason ay nagsabing:

                  wahhahaha oi baket mo dinuktungan. hahahahah

                  Kabute: la la la la la cactus. magaling ka na ba? di ka na ba malungkot? ay tulog ka pa den. ang tagal mo kase kaya ikaw na pinuntahan ko dito. mababait mga hayop dito sa gubat lagi nila kong kinakarga. pero iba parin po ang pagkakarga mo po saken.

                  may bago nga po pala ko kanta. pero di ako kakanta hanggat hindi ka po gumigising. la la la la la

                  cactus?

                  • beeftapa ay nagsabing:

                    kabute: la la la la… cactus gumising ka na. namimiss ko pagkarga mo saken. cge na please… cactus, cactus…

                    hindi pa din kumikilos si cactus, at kinabahan na si kabute. nangingilid ang luha. pinipigilan ang pagtulo…

                    kabute: la la la la.. (repeat 3 times, back to stanza 2)

                    wala na sa tono si kabute, unti unting nababasag ang boses nya, at tuluyan ngang umagos ang luha nang wala pa ding pagkilos mula sa walang malay na si cactus… kasabay ng pagpatak ng luha ni kabute sa mukha ni cactus, ang pagkulimlim ng paligid…

                    • jason ay nagsabing:

                      kabute: shaks! gumagabi na. teka… cactus. di ka ba talaga sasama? nako iniintay na ko ng mga armadillo at mga aardvark. teka.. la la la la

                      ano tong tubig galing sa mata ko. baket parang nanginginig ako magsalita.. kakaiba tong nararamdaman ko.

                      cactus cactus ayoko ng gantong pakiramdam. pano ba to cactus naman kase.

                      hala.

                      T_T

                    • beeftapa ay nagsabing:

                      epal ka jason. nagiging drama na to masyado. buhayin mo na kase.

                      cactus: uhmmm… ang alat, anu ba un? kabute…

                    • beeftapa ay nagsabing:

                      anini asan ka na? buhay na si cactus.๐Ÿ˜€

              • taribong ay nagsabing:

                …… magmumulto si cactus ……………………..

  38. Sphere ay nagsabing:

    Mabuhay ang bagong bayani!!! Mabuhay!!!

    Si Cactus lng pala ang papalit sa pwesto ni Jose Rizal tsk:-)

    Si Cactus naman di nagiisip kailangan pang mamatay aahhhh alam ko na kailangang nyang mamatay muna bago maging saint o santo diba? after 100 years o higit pa kasama na sya sa dadasalan at pupunasan para makapagpagaling o maging tagapagligtas ng mga nauuhaw na kaluluwa na nakadstino at ska kainit kaya sa m m mpyerno:-) i for mpyerno๐Ÿ™‚

    • Sphere ay nagsabing:

      shaks! mali m for impyerno pwede bang hell na lng ahahaha

      • jason ay nagsabing:

        Shaks andito na ang reyna ng mga foremen – si ate britney

        ay ganon? papatayuan naten ng rebulto si cactus?

        hmmmm siguro malayo ang kapasidad ng utak ng mga cactus sa mga tao.. pero ang paraan ng pag-iisip nya ay masnakalalamang ng higit sa mga nakararami sa atin

        m! m! mperno! saksak puso tulo ang dugo!

        • Pong ay nagsabing:

          alam ko din ang game na yan hamsterman.

          yehey!

          Langit lupa, mperno, m, m, imperno, saksak pso tulo ang dugo. Patay, buhay alis ka na hamster!

        • Sphere ay nagsabing:

          Matagal nako d2 sa Disyerto pero di pako nakakakita ng totoong cactus๐Ÿ˜ฆ

          • jason ay nagsabing:

            ay. ganon?

            baka dyan sa desyerto mo ate britney ay extinct ang mga cactus? o kaya naman itinago na ni Pong lahat!

            • Pong ay nagsabing:

              shaks wala pa din akong nakitang cactus dito
              sabi sabi lang na maraming cactus sa disyerto ahaha
              hindi ang totoo talaga ay may part na madaming cactus sa disyerto. city kasi ang kinalalagyan namin ni ate britney.

              at bakit ko naman itatago ang mga cactus?

              • jason ay nagsabing:

                nasa mojave ba kayo at nagpapaka-city kayo? grabe.. may mga city na rin pala sa desyerto. kala ko kase pag desyerto – literally deserted ang place… di pala

                ang mga cactus itinatago mo kasi ginagamit mo yon sa araw-araw. pangkudkod ng likod

                • Pong ay nagsabing:

                  wahhhhhhhhhhhhhh

                  may city din dito, naglalakihang mall sa disyerto, mga kung anu-ano pa name it they have it.

                  sige na aaminin ko ng itinago ko ang mga cactus kasi gagawin kong bala ang mga tinik para sa iyo!

                  cactus thorn blast target completed….
                  fire…………………………………………..

                  target in 3…2…1… hamsterman

  39. nalaine ay nagsabing:

    aww. ang lalim. ang daming pumapasok sa isip ko habang binabasa ‘to. ang mga mentally-challenged…ang mga prostitutes…ang mapanghusgang lipunan…likas nga kaya talagang mapagsamantala tayo? pero sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin akong napakarami pa ring cactus dyan na handang maglingkod para sa kabutihan ng mas nakararami…

    pinipigilan kong mapahaba kasi baka maging emosyonal na naman ako. mahusay Kuya Jason. maraming matutunan ang mga bata, at matatanda, sa mga kwento at artworks mo.

    kumusta na si Kuya Jason? *o ayan na, kinumusta na rin kita. hehe.*

    • jason ay nagsabing:

      kinabahan nga ko baka mapaluha kita dito sa aking entry na to chicher nalaine. kahit ako nagulat din kung paano sumibol sa aking utak ang ganitong istorya sa mundo nila cactus at kabute.

      oha oha proud ka ba saken chicher nalaine? behave na po ako diba po chicher!๐Ÿ˜€

      kamusta ako? mabuteng mabute kase dumalaw ka na at kinamusta mo ko. yahey!

  40. barrycyrus ay nagsabing:

    Do you remember this cactus-Digimon Togemon? hahah he used to amuse me.

  41. Pong ay nagsabing:

    TARGET COMPLETED PONG’S CLONE SHOT DEAD!

    wahahahahaah

    clone ko ang na skunk mo…

    Kabute Sulpot Palusot Power Activate…. completed
    Battle Gear Level Up… completed

    Target Confirmed: Hamsterman
    Visibility: 100%
    Target Point: Head Shot
    Accuracy: Perfect

    Kabute Sulpot Palusot blasts away!

    woooohhhh

    Talo ka na… Game over na… Round two naman!

    • jason ay nagsabing:

      ok…. eto… homing missiles na may palamang mantikilya
      at may surprise na champoradong bulok coming up!!!

      Homing missile: WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSHHHHHH

      PONGSOLDIER: Di ako tatablan meron akong kaserola armor at kawali shield.

      JASONBOSSCHIEF: Tegnan naten ang mga panganggalang mo.

      WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSHHH

      KABOOOOOOMM

      SPLAAAAAAAAAAAAT

      (HUGE MUSHROOM CLOUD)

      TIN SOLDIERS: BOSS CHIEF, WE THINK… AM…. HOW TO SAY THIS…… COUNTRY PONG HAS BEEN DELETED!!!

      Red alert! Red alert!

      • Pong ay nagsabing:

        COUNTRY PONG HAS BEEN DELETED
        Checking….
        Verifying…
        Acccess Code Checking…
        Confirmed COUNTRY PONG HAS BEEN DELETED

        JASONBOSSCHIEF: This calls for a celebration! Cheers! Pop! RC! Coke! Sprite! Royal! C2! Lipton Iced Tea!

        Main Server Computer: Jet Ejected From Country Pong has sighted….

        JASONBOSSCHIEF: Verify it! Now na if Pong is in the jet.

        Main Server Computer: Verifying Data Images……………………..
        ………………………………
        ………………………………

        Confirmed PONG is alive!

        • jason ay nagsabing:

          PONG is kicking and alive
          it cannot be!!

          send army to the maguindano, in riyadh, in abu-dhabi, even to the river of Nile

          Bring him to me… DEAD or ALIVE!

          100pesos ang patong

  42. Len ay nagsabing:

    ahahaha, ang kulit oh! ahaha

  43. coolwaterworks ay nagsabing:

    Ang layo ng nilakbay ng mouse ko bago nakarating dito sa dulo… hehehe…

    Tragic story, parang hindi bagay sa mga bata… hehehe…

    Napaka-self-sacrficing naman ni Cactus, manhid naman itong si Kabute… hehehehe… Mga alter-egos ba sila? Joke!

    La lang, para maiba naman Jason… hehehe…

    • jason ay nagsabing:

      grabe. ok yan kuya cool.. para kahit mga fetus pa lang, mamulat na sa reality ng mundo. kung ano talaga ang mga nangyayari ngayon, ang mga posible at mga imposible. oha

      oi di naman manhid si kabute. mentally challenged nga! hahaha

      salamat kuya cool sa pakikikulitan mo dito ha! hahaha

      • coolwaterworks ay nagsabing:

        Oha nga… hehehe…
        At siniraan mo talaga si kabute, mentally challenged…

        —-

        Seriously, you have this talent of weaving stories in the form of disarming art…๐Ÿ™‚

        Ipagpatuloy mo yan…๐Ÿ™‚ Hopefully, in the near future baka makita ko na ang pangalan mo sa kids section ng national bookstore – wanted, este, author pala… hehehe…๐Ÿ˜†

        • jason ay nagsabing:

          wahahahahaha natutuwa talaga ko sa comment mo. habang binabasa ko nangingite, tapos sa dulo nagfafade !hahah gawin mo ba naman akong wanted! hahahahah๐Ÿ˜€

          eh mentally challenged nga. mentally illed? ano ba tawag basta๐Ÿ˜€

          waw magdilang anghel ka sana kuya cool! yehey!

  44. Mars ay nagsabing:

    ano ng balita dito

  45. Certifiedr0cker ay nagsabing:

    Wala akong masabi… Elibs ako sa blog site mo Jason!!! Isa kang talentadong henyo… Apir!!!

  46. Monz Avenue ay nagsabing:

    nakaka-iyak naman tu. parang MMK lang. =)

  47. twistedisme ay nagsabing:

    waaaaaaaaaaah pabase pwede pa rin diba?

  48. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    May STD si cactus!

  49. Maldito ay nagsabing:

    eh hindi kasi nagdala ng tubig..haleer…toink!
    ayan tuloy…na heat stroke si cactus…ahhaa

  50. Vajarl ay nagsabing:

    BWAHAHAHA. Ganyan pala ang paraan para madali ko maiispatan ang comments ko dito! Mula ngayon, magkakalat ako lage! ahahaha. Balik ako sa taas!

  51. nhix ay nagsabing:

    nakakalungkot naman ang ending.. well hindi naman always ay may happy ending. ganyan ang tunay na pagmamahal.. willing magsacrifice. kahit di pa niya masyadong kilala. binigyan niya na ito ng unconditional love gaya ng ginawa sa atin ni Jesus..

  52. Pong ay nagsabing:

    magandang umaga cactus
    magandang umaga kabute
    magandang umaga Pilipinas
    magandang umaga Sambablog
    Magandang umaga Mundo.

  53. Pong ay nagsabing:

    la la la la la — sabi ni kabute

  54. beeftapa ay nagsabing:

    nabasa ko na to kagabi pa, di ako nakapag-comment. ang lungkot nman kase ng ending. bakit nga ba ganun? kaylangan may masakripisyo para lang may mailigtas?

    • jason ay nagsabing:

      busy ka kase gumawa ng entry. hohohoh

      prrrrrrrrrrrrt

      prrrrrrrrrrrrrrrrrrttt

      hmmmm di naman palagi, may mga instances lang. may taong kayang saluhin ka wag ka lang mapahamak

  55. Pong ay nagsabing:

    Ako ay may cactus
    Lumipad sa disyerto
    Hindi ko nakita
    Kasama pala si kabute
    Sayang lang ang pera ko
    Pambili ng cactus
    Kung pagkain sana nabusog pa ako.

    Very Heroic ang ginawa ni Cactus, tamang tama sa Araw ng Kalayaan at Kagitingan!

    • jason ay nagsabing:

      grabe napakanta ka pa hahahah

      ayos ah

      oo araw ng kalayaan malapit na! hanggang don tong post ko. joke lang.

      teka kakanta kanta ka walang props?

      hohohoho

      • Pong ay nagsabing:

        Ang mga cactus/kabute
        Na naglalakbay
        ay mahal ng Diyos
        hindi kumukupas
        Ang mga cactus/kabute
        na naglalakbay
        minamahal ng Diyos hindi kumukupas wag ka ng malungkot
        O thank you Lord!

        • jason ay nagsabing:

          It’s I, it;s I, It’s I
          who build the community…

          Roll over the ocean, roll over the sea,
          roll over the ocean and the deep blue sea!!

          Yon ang kelangan ni cactus para mabuhay ulet. lol

          • Pong ay nagsabing:

            shaks alam mo ang kantang yan! bilib na ako!

            ibig sabihin may sequel si cactus

            reminder: ingat ka kay kuya vajarl kasi yung kay Shrek minurder niya baka marderin niya rin si Cactus, please huwag, gandahan mo ang Sambablogdrawingnography (Cinematography), Sambablogscript, Sambablogedit, Sambablogtheme song, Sambablogdirecting

            gawin mo to para hindi maapi si Cactus ha…. please!

  56. Len ay nagsabing:

    bro jason, wer na u ditu na me!๐Ÿ™‚

  57. goyo ay nagsabing:

    kaka-touch naman si cactut. :,(

  58. eloiski ay nagsabing:

    this is sadness.

  59. duking ay nagsabing:

    anu nga kaya ang kahulugan at katuturan ng buhay?

    karamihan sa atin,parang si kabute.karamihan parang si kaktus.karamihan,taga masid lang at taga hanga at naglilibang na gaya ng mga bulaklak at damo.may nagbibigay ng sobra,may kumukuha ng sobra.

    tol jason…ok lang ba?pwede bang pagtapos nung kwento….lagyan mo ng review ayon dun sa personal mong interpretation?wala lang.kase…kase…pagtapos kong umalis dito….nag iisip na naman ako ng kahulugan nung kwento at mga karakter.sino ako don?asan ka don?asan sila?

    anu’t anuman…ang ganda pa rin ng mga gawa mo.laging nakaka-gising ng diwa kong natutulog.salamat.

    • jason ay nagsabing:

      ganon! hayaan ko kayo mag-isip. kakapagod kaya mag paint. haha biro lang.

      kasi lam mo minsan kahit ako eh naguguluhan sa mga pinaggagagawa ko, nakahit ako hindi mabigyan ng tiyak na kahulugan ang mga gawa ko. hinahayaan ko lang mga tao dito na pasukin ang kwento, at ilagay ang sarili kung saang karakter aakma ang buhay nila.

      salamat duking!

      • duking ay nagsabing:

        whahaha…parehas tayo,ako rin i got that feeling na pagtapos kong gumawa ng post at nailagay ko na yung message,napapatanga ako.iniisip ko kung anu nga ba ang nangyari dun sa pinag gagawa ko.

        yung iba,they can relate to what i’m saying,yung iba,either they just love the gifs.

        pero sa kaso mo,i think dapat kang magpaliwanag.hahaha!!!

        ako dun si kaktus.may katas ng kadakilaan yung pagkatao nya.hahaha!

  60. kayedee ay nagsabing:

    waaa. jason uber nasad ako.. wag gnitong wento! ehhee…

    ang bait nman ni cactus. meron p kyang nilalang na gaya nya? hmmm

    muzta jason? uber late nako๐Ÿ˜ฆ

  61. arnie ay nagsabing:

    kumusta c cactus, kabute at c buteteng jason????๐Ÿ™‚

    magandang umaga!!!

    Cheers!!

  62. elysplanet ay nagsabing:

    Base numero Sisenta! Hahaha!

    Sorry ngaun lang uli ako nakadalaw. Great Cactus! Wahaha.

  63. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ako ang base? Shaks naman. So happy together

  64. hisnameisdencios ay nagsabing:

    ang ganda ng kwento!

    sana pagbalik ni kabute eh hindi na sya bulihin ng mga damo na yun!

    nice one kuya jason!!

    =P

  65. lio loco ay nagsabing:

    san ka pa? san ka makakakita ng kabuteng nakatuntong lang sa cactus? dito lang sa bulagspot na ‘to. ilang oras bago mo natatapos ‘tong mga ms paint caricature mo tol?

  66. Pong ay nagsabing:

    andito na ako hamsterman
    magandnag hapon cactus
    magandnag hapon kabute
    magandang hapon sambablog

    hindi ko alam yung video streaming.

  67. yhen ay nagsabing:

    gandang gabi jason…

    gumawa n km ng proposal for the publication of ur comics re rice… hehe

    sana ma approve… hehe

  68. Dorm Boy ay nagsabing:

    Alam ko sad ang ending pero masaya ako at nasave si kabute… Gusto ko ganun mag-end ang buhay ko yung me isasave akong buhay, not physically gaya ng pagtulak sa isang tao malapit nang masagasaan pero yung mga malulungkot na taong wala ng pag-asa sa buhay tapos biglang tantantaran… Dorm Boy is here to help!!!

    Pero sana me cactus din ako at sya rin magsasave sa akin…

  69. lee mi ay nagsabing:

    ang haba at naSAD ako..

    ang haba dapat ng sasabihin ko pero wala na lumabas sa isip ko.. nalungkot na ko bigla..wahhh!!

    **tyaga mo magpaint BabyJesong

  70. neil ay nagsabing:

    the essence of real friendship….

  71. dBlah ay nagsabing:

    bakit naman na-dehydrate pa sa cactus? tsk, tsk

  72. hisnameisdencios ay nagsabing:

    nakitambling kasama ang si petchay!

    hahahahah

  73. yhen ay nagsabing:

    jason, goodnews… wee

    tuloy na project natin… contact kita one of this days for the project ha… maybe after nxt week kc byahe ako whole week nxt wk… para mabigay din nmn pwede mong idagdag sa story ha neh?

    bt basically same story line ng gnwa mo…

  74. Chevy ay nagsabing:

    Anggaling naman, wala akong alam pagdating sa komiks. Pero nagusutuhan ko ito. Medyo malungkot nga lang ang istorya, subalit may aral namang hatid.

    Papuri po ako ha, pakoment narin! Yehey! Ang saya! La-la-la-la…๐Ÿ™‚

  75. Nashyboy ay nagsabing:

    Hi!

    THE WAIT IS OVER!!!!!

    I โ™ฅ N The Official Blog Launch!

    my new blog is UP NOW!!! I hope you can drop by and leave some comments๐Ÿ˜‰

    Follow the link thanks!
    http://ilovenashyboy.blogspot.com/

    LOVE,
    N

  76. geylii ay nagsabing:

    anu ba yan .. nalulunkot ako .๐Ÿ˜ฆ
    lagi nalang ako apektado ng mga kwento mo
    nun pa man ..

    • geylii ay nagsabing:

      teka lagay ko link mo sa blog ko aus lan ba ?
      ok lang un diba ?
      tagal na kita hinahanap. nakalimutan ko kasi
      may jason nga pla un hamster.๐Ÿ˜€

      • jason ay nagsabing:

        wahahaha talaga? salamat naman kung ganon geylii at salamat talaga nabibisita ka dito at naabsorb mo mga stories ko๐Ÿ˜€

        link na din kita!๐Ÿ˜€

        wahahahahah hinahanap talaga hiya me๐Ÿ˜€

        • geylii ay nagsabing:

          totoo! laging hamster lang un naaalala ko :((
          tagal na din un . una kong nabasa un pipino at petchay
          d ako maka move on dun .. naiiyak talaga ko
          (umiyak nga ko e. sshh)

          dapat may warning un mga stories mo
          para lam ko dapat at d dapat basahin . haha
          auko na maging malunkot . eh nalulunkot ako sa storya mu
          haha

          nabasa ko un strawberry at orange ba ?
          aun . kainlove , haha

  77. Pong ay nagsabing:

    Magandang umaga hamsterman at Sambablog
    Hindi ka na mareach, puma-project ka na at the same time dot com ka na.

    • jason ay nagsabing:

      Magandang hapon Pong! Pong! at isa pang Pong!

      wahahaha kahit ano pa man ang kinabubusyhan ko, dito pa rin sa wordpress kong to ako nakatira at kayo lagi ang aking mga kaibigan.

      awts

      ung dot com ko nga di ko pa mapolish ang hirap!

  78. sors88 ay nagsabing:

    nalungkot ako dun ah๐Ÿ˜ฆ

    ang bait ni cactus sinakrispisyo nya sarili nya para kay kabute…

  79. Vajarl ay nagsabing:

    Jason bat mo ko pinatay! Karate-hin kita eh! Waaataaaaa! Bagoom! Vrooom!

    Anyenye!

  80. Pong ay nagsabing:

    sina hamster at cactus ay laging masaya
    kaibigang kabute ang kalaro nila
    sila ay sama sama kahit na may problema (B1B2 song)

    magandang umaga hamsterman at sambablog

    nag on line lang me sandali

    sige mamaya sa opis ulit.

  81. Jason ay nagsabing:

    meron bang bakante sa opisina? taga timpla ng kape?

  82. Pong ay nagsabing:

    e-mail alert.

  83. J. Kulisap ay nagsabing:

    Pumapagaspas lang.
    Ulam ko ngayon me mushroom.

  84. Pong ay nagsabing:

    shaks maghapon akong naghintay para makabase sa new post, huhuhuhuhuhu

  85. Len ay nagsabing:

    hello hello!!๐Ÿ™‚

  86. Vajarl ay nagsabing:

    Gumuneng Jason! Watta!

  87. Pong ay nagsabing:

    magandnag umaga hamster kid!
    mabuhay!
    Sambablog!
    Talent Fee!

    • jason ay nagsabing:

      hamster “KID”??????

      baket naging kid kelan lang hamsterman ah!

      hahahahah

      magandang hapon!

      • Pong ay nagsabing:

        Ganun talaga kailangan nagiiba ka ng ALIAS kasi sikat ka na:
        1. dot com
        2. palaging nanalo sa mga kontes
        3. talent fee
        4. expose ka sa mga marami mong shows
        5. at marami pang iba

        hindi naman nila ikaw makikila eh
        1. jasonhamster
        2. hamsterman
        3. hamster kid
        4. maalaalamster mo kaya?
        5. wowamster
        at madami pa

        hindi ka nila makikilala

        alam mo bang may kaguluhan sa bahay ni kuya kulisap.

        shaks kumusta ang resume ko?

  88. hoshi ay nagsabing:

    ayos!

    dalawang bagay ang naalala ko si Koala ng Tinimbang ka NGunit Kulang sa karakter ni Kabute at si Ginoong Vitalis ng Remi kay Cactus. mas mabait nga lang si Cactus.

    biriun mo ipainom lahat ng tubig niya sa katawan.

    mabuhay!

  89. Pong ay nagsabing:

    BASEball
    BASEment

    ham2 kumusta naman? Ano ng balita?
    Maipoproklama na pala niyan si Noynoy shaks nanalo ang ibinoto mo
    Si Erap daw quit na siya sa politics at showbiz, diba sinabi din iyon ni Edu (insert Edu’s dance move)

    • jason ay nagsabing:

      papaya!!!

      oo panalo si noynoy, aking ibinoto. wahahahahahahah yahey

      may video ako nasayaw ng papaya kaso naibaon na sa limot

      balita…

      ammm

      di pa ko nakakpagbasa ng dyaryo! hohoho

  90. Len ay nagsabing:

    hello bro! musta kanaman? misshu!

  91. arnie ay nagsabing:

    sakto pang 90…

    magandang umaga!!!!

  92. J. Kulisap ay nagsabing:

    Nasaan na ang Kamalayang Malaya, Wakwak Paniki?

    Bilis at magsasabong pa ako ng mga paniki sa kabayanan

  93. Pong ay nagsabing:

    naka 1 day leave ako hamster kid nag sing in lang ako sandali kailangan ko lamang magrefresh

    konsesya mo na kung magpopost ka ng bago huhuhu

    mabuhay ka!

  94. nalaine ay nagsabing:

    may nagbigay sa’kin ng cactus nung Friday.๐Ÿ™‚ mas naappreciate ko sya dahil naalala ko ang kwentong ‘to.

  95. Vajarl ay nagsabing:

    JASON! Gising! May trabaho ka pa! Haha.

    Mungneng๐Ÿ™‚

  96. Ax ay nagsabing:

    Tsk, borlogs ka ngayon! Pabati muna ng magandang umaga!

    Basta ako, I believe the grass is no more greener on the other side. Alam mo na, baka walang cactus dun sa kabilang side ng bakod. Baka walang green don!

  97. Vajarl ay nagsabing:

    Jason?๐Ÿ˜ฆ

  98. J. Kulisap ay nagsabing:

    Good morning lang.

  99. Pong ay nagsabing:

    hamster kiddo!

  100. .poOt! ay nagsabing:

    Owww, how touching. Sana may mga ganung tao pa talaga no. Someone you can really depend to, yung parang gagawin ang lahat for you to be happy without you knowing. Thank God, I have my mom.

    I know what I like about your stories hamster is that, I can relate to it. Sobrang gaganda and mapupulutan pa ng aral. Its funny nga na were reading this supposed-to-be for kids stories.

    I’M BACK HAMSTER! Did you miss me?

    • jason ay nagsabing:

      waw salamat naman pareng poot… at talagang nakakrelate ka pa ha.

      syempre gusto ko makainspire ng mga tao.. tamo kahit bata,. mapamatanda eh nakakarelate..

      thanks a lot…

      namiiss? baket nawala ka ba? hahaha๐Ÿ˜€

      maligayang pagbabalik

  101. Len ay nagsabing:

    pang 100! hehe.. wala lang

    may sasabet?! lol

  102. Allen ay nagsabing:

    Kawawa naman si Cactus. Wala bang medic? haha.

    maganda ang moral. sasabihin ko sa mga barumabado kong pinsan na basahin tong blog mo para magtino naman sila kahit papano. Kung di pa, ewan ko nalang. :))

    P.S. para akong si kabute. Hindi autistic ha! pero pasulpot sulpot sa blogosphere. :))))))

  103. leemi ay nagsabing:

    goodmorning beybiJesong..=)

  104. .poOt! ay nagsabing:

    Hey, pakendeng lang sa blog mo.๐Ÿ˜›

  105. Dorm Boy ay nagsabing:

    Wala na bang part 2 kay Cactus?

  106. Pong ay nagsabing:

    kumusta ka na cactus?

  107. yhen ay nagsabing:

    hamster tawag ako bukas ha… hehe…

    la lang baka magulat ka lang… hehe

  108. toni ay nagsabing:

    Happy Birthday Jasonhamster!
    sana maibahagi at magamit mong mabuti ang iyong talento.
    haylabyu kapatid!

  109. eser ay nagsabing:

    kakatouch naman.
    may nalalaman ka din palang ganyan ha…

  110. kupido ay nagsabing:

    2nay na kaibgan ka cactus gusto ktang magng kaibgan!!!If ok lang sau aalagaan kta bsta magsalta ka!!!!Jowk

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s