Sinabi ko sa sarili ko, pagsapit ng alas-kwatro ng umaga ay nasa Postal Office na ang aking apat na paa. Oo. Hindi ako tao. Magkamatayan na basta ako ang una sa pila sa pagpapagawa ng Postal ID! Nangungulit na kasi si Ms. Minchin ng Personnel Department. Syempre hindi ako si Sarah. Sapakan na lang.

Para saan ang Postal ID? Kailangan daw kasi ng dalawang valid ID for the making of history of ATM sweldo-ing sa aming mga weak earthlings. Since nagpatulong ako sa SWS na magpasurvey sa mga helpful humans kong ka chat, Postal ID ang ala-Noynoy sa pagkapanalo. Ang SSS ID daw aabot ng isang buwan? Isdatru?

Ang mga susunod na eksena ay halaw sa totoong pangyayari. Alangan namang mag-imbento pa ako? Di kaya ako marunong magsinungaling at baka maging kahoy pa ilong ko at humaba at di ko maiwasang himas-himasin ng mabilis at umapoy ng tunay. Friction beybe!

1. Namasahe ako ng P15 para sa tricycle papuntang Baranggay. Sedula Gotcha!!! Pero Kutongbusog naman!!! P62.70 ang presyo ng tengengenengeng Sedulang to!!! Kung hindi lang urgent. Susunugin ko Baranggay namin!!! Yung hall lang pala.

2. Naglakad-lakad, pumasok sa dressing room, nagpa make-up sa bading, nagpapicture, at tada!!! 2×2 id 4 pcs. at 1×1 id 8 pcs. In short, pumunta ako sa Kodak at nagpapicture. P80 ang naharbat ni ateng palangiti. Hey baka maniwala kayo sa dressing room at bading na make-up artist.

3. Sumakay ng Jeep, P7 ang pamasahe, at naglakad ng mahaba-haba. Bumukas mag-isa ang payong ko at nagsabing SHIELD!!! kasi naman ang araw-araw. Dito na ko sa Postal Office. Pero nagkalabu-labo na ang pormasyon ng mga laman-loob ko ng makita kong Baranggay Clearance ay isa sa rekwayrments. Hinimatay ang ikalimang katauhan ko. Buti na lang may natira pang sampu. P.S. matatapos daw ang ID in 3 working days. Need ko urgent. Pano na?

4. Repeat step # 3 pero in reverse. another P7. Ang init talaga. Balik ako sa Baranggay Hall na buti na lang hindi ko sinunog. Sabi ni ale: “San ka ba nakatira? Ahh… Hindi dito kukunin yon. Doon sa “Blahblah”. Sumakay ka ng tricycle sa tabi at sabihin mong ibaba ka sa “Blahblah”.

5. Sinunod ko si aleng nagkaloob sa akin ng sedulang yari sa ginto. Ang tricycle fare mula sa amin hanggang sa “Blahblah” ay P40.

6. Nandito na ko sa “Blahblah”. Dito pala kami registered sa kung anumang kabulsheetan. Sabi ko: “Mam, kukuha po ako ng baranggay clearance.” Sabi nya: “Para saan?” Sabi ko: “Para sa Postal ID po.” Sabi nya: “Punta ka muna ng Post Office at kuha ka ng form kagaya nito” Sabi ko: “Ho? Gago ba you? Di you kita me? Super Oily pwede ng sahog ng Angel’s Burger? Galing na ko doon, and here ako pumunta to get naman my Brgy Clearance.” (Syempre in polite way ko sinabi, baka di pa ko makakuha ng brgy clearance)

7. Sinabi ni Mam na mayroon pang isang Post Office malapit dito sa “Blahblah”. Sakay lang daw ako ng jeep na may sign na “ikot” at ibaba ako sa Post Office. Ayan may clue na kung saan ang “Blahblah” P7 ulit for riding the jeep na may “ikot” na sign. Astig much. Feeling students me again with my kasamahan in the passenger seats.

8. Mega-pawis na ko all over. Tirik na tirik na parang galit na galit na manok pansabong ang araw. Nakakuha naman ako ng Form para sa application ng Postal ID. Sabi ni ate: “May ilalagay akong stiker ha, bayaran mo na P25 lang.”

9. Nakuha ko na ang form with magical sticker na glow in the dark at glow in the blood nya hinayupakshet sya ano kaya yon nilagay nya. Anyway, hindi ako pwedeng magalit sa kanila, madedelay ang Postal ID ko ng lightyears. Naman. Sakay agad me ng Jeep na may “ikot” na sign para makabalik sa “UPCampus” (Na kanina ay Blahblah). P7 ulit.

10. Parang iba na ang tinatahak ng jeep. Oo, maling signboard ang nasakyan ko sa malamanag sa malamang. I’m uber dead na sa inip dahil may banggaan. 12:20 na ng tanghali. Kainis na much. Umabot ako ng Quezon Ave. Palakpakan! Katangahan! Another P7 papuntang Philcoa. P30 na tricycle naman papuntang UP Campus. Ayoko atang isuma-total ang nagastos ko. So far, gutom na ang katawang lupa ko.

11. Gusto ko atang bigyan ng SPA treatment ang sarili ko, umabot na ko ng number 11 sa pagkwekwento. Naaawa na ko sa aking sarili. UP campus na. Fill-up ang form, thumbmark, pinapirmahan kay kapitana, nag-intay ng matagal dahil dora chikadora si kapitana. P25 ang clearance, P6 ang coke sakto para mahimasmasan ang lowbat kong katawan.

12. Sumakay ulit ng “Ikot” for P7. Nagpababa naman ako sa Shopping Center. Perstaym ko sa UP baket ba. Nagpaphotocopy at nagpaxerox at nagpakopya. P2. Maraming kainan pero dedma lang. Kung baga sa salitang balkita: “KIBER”. Busy ako. Bawal kumain, bawal magsaya.

13. Naglakad-lakad at nagtungo sa Post Office. Nagbayad ng P275 para sa Postal ID. Infairness naman sa Post Office na to. Kahit pinaghintay ako ng 40 minutes. Natapos ang ID ko. Thank you lord talaga. All my hardships ay napalitan ng kaligayahan.

14. Naglakad pabalik shopping center, kumain ng spicy chicken fillet. P60. May nadaanang Mister Donut. P120 para sa isang dosenang pasalubong. P30 Zagu baby size na watermelon. Pampaalis uhaw, at pampakalma.

15. Sumakay ako ng katipunan na signboard. P7. Isa pang jeep. P7. Isa pa ulit dahil naadik ako magjeep. P7. Nagpaphotocopy, nagpaxerox, nagpakopya ng ID, P7.50. Nagtricycle pauwi, P7. Time Check: 4:00PM

THE END!!!

TOTAL EXPENSES: P848.20

SWEAT LOSS: 15 kutsaras, 1 tabo, 32 pataks

BLOOD LOSS: N/A

BRAIN STATUS: Slightly used

REMARKS: Mission Accomplished.

P.S. hindi ako nawawala, wala akong kasalanan, wala akong sakit, at ako si Jason. ?

About jason

walang clue. nak ng

116 responses »

  1. Pong ay nagsabing:

    ahahahha ang tagal kong binasa naman
    ang adventure mo with the Postal ID
    nagpaikot ikot ka sa mga ikot jeep
    ahahhahah
    kumusta naman ang datos sa ibaba natuwa ako
    ahahaahhaah
    importante Mission Accomplished!
    next time dapat may outline procedure na ang gov’t agency para hindi nakakalito at magastos

    be blessed!

  2. Pong ay nagsabing:

    sinong nagsabing nawawala ka? hmmmmmmmmmm ahhahaha

  3. rllqph ay nagsabing:

    *sabit medal kay jason* grabe hirap mo tsong!

  4. beeftapa ay nagsabing:

    hindi ako kukuha ng postal period.
    hahahaha!

  5. bendita ay nagsabing:

    GAGA!

    =))
    inabot ka ng alas-kwatro dats ridiculous much

  6. busyok ay nagsabing:

    akala ko makaka-base na ako.hehe

    balik ako. diko pa nabasa๐Ÿ™‚

  7. J. Kulisap ay nagsabing:

    Bakit wala ka pang SSS ID?

    At least, nabawasan ang calories. Ayos.

  8. eliment ay nagsabing:

    ako rin nadalaw. hehe
    nag-update nga pala ako.ahihi.

  9. aninipot ay nagsabing:

    waah! laki ng gastos.. 20 pesos lang yong cedula ko nung kunin ko.. pang-estudyante pa yon…hahahaha

  10. rubisara ay nagsabing:

    galing mo ha.. sa lahat ng hirap.. may sayang katumbas.. lalo na ang pawisang kili-kili mo.. buti na lang naging mabait ka sa kanila.. kung hindi.. lagot ka.

  11. Arnie ay nagsabing:

    yoko na di ako ang base…huhuhu

  12. Lambing ay nagsabing:

    ahahahaha kapatid nalunod ako sa haba hindi ako humihinga hanggang di ko natapos.. nalunod din ako sa 7

    masaya ako kasi may id ka na yiiii ang mahal na pala ng postal id ngayon dati 150 lang yun eh .. saka ang panget ng postal id promise haha kulay dilaw tapos malaki pa.. oh maliit na ba ngayon ? ewan ko lang.. hahayzz haymishuuuu

  13. timangkey ay nagsabing:

    tatandaan ko yan pag kumuha na ako ng postal ID.hehehe

  14. livingstain ay nagsabing:

    bagpagawa din ako ng ganya pero 350 lang ang ginastos ko.

    parang hindi si hamster ang nagsulat. lol

  15. twistedisme ay nagsabing:

    bakit kaya ganun ang daming kaechusan pag kukuha ka ng mga blah blah blah ng gobyerno .. la pa rin pinagbago..

    mas mahal pa pamasahe kesa sa bayad ng i.d ko.. :L

  16. Tsiremo ay nagsabing:

    Ganyan talaga pag kumukuha ng identification churva, ma-trabaho..konting tiis, dumaan din ako sa ganyan nung 21 years old din ako, eh kumusta naman si ATM? kinain na ba ni machine? LMAO

    Aba hows life nga pala Jezon? Keep in touch.๐Ÿ˜›

    • jason ay nagsabing:

      oist diko tsi. haha sorry mali ka. 22 na ko.

      LOL teka yung ATM machine sinesetup pa sa tabi ng Cashier, tapos meron pang isa sa tabi sa labas.

      How’s life? at keep in touch? Di nga?๐Ÿ˜€ WAHahahahahha Oi P.E. daw ni Dirk bukas

      In summary, ayos naman ako palagi!

  17. Sphere ay nagsabing:

    kakatuwa naman ang naging lakad mo sa pagkuha ng postal ID at pagkatapos ng lahat ng ngyari na yan sarap cguro matulog ano? ahahahaha

    kmusta naman ang bunso kong kapatid na nawala ng matagal? san kaba nagpupunta?

  18. Vajarl ay nagsabing:

    Lecccch natulog lang ako andami ng comments. Sa opis ko na babasahin.๐Ÿ˜ฆ

  19. etchosera ay nagsabing:

    meryenda u like๐Ÿ˜†

  20. kaye ay nagsabing:

    kaloka naman yan. matapos ang isa na namang hiatus dito sa blog e pampagulat ang istoryang ito.

    ang post office ay nilalakad ko lang noong estudyante pa ako mula sa kolehiyo kong pangmadlang komunikasyon na katabi ng kolehiyo ng musika kung saan marami kang iba’t ibang tunog, tono at ingay na maririnig (bakit ko kinuwento? ala lang. gusto ko lang)

    nasa shopping center ka na pala…sana kumain ka sa rodic’s. tapsilog, para bawi ang pagod.

    magulo talaga pag andun ka…gobyerno eh. hahahah! nung huli kaming nandun ni daddy bong, kumuha kami ng kopya ng aming lechugas na diploma at humingi na rin ng translation sa english (dahil sa filipino nakasulat ang aming diploma). ayun. kung saan saan din kami nagpaikot ikot. ang masasabi ko lang, hindi ka nagiisa. hahahha!

    kmusta ang ATM?

    • jason ay nagsabing:

      Hhaahaha so taga UP ka ate kaye ko :p dapat pala ikaw muna kinontak ko. yung kapatid ko kasi pag kinokontak ko nasa large class daw sya. hahah

      masarap don sa tapsihan ni rodic?

      thank you ate ko sa pagpapalakas ng loob. hohoho

      di ko pa po natatry. baka bukas๐Ÿ˜€

  21. Joyo ay nagsabing:

    parang nabasa ko na ito ah senyor… (BOO!) at natanong na rin kita sa mga nabasa ko jan… di na ako magkocomment bwahahaha

    mema!๐Ÿ˜† alam mo na ibig sabihin nyan! MEMA!

  22. barrycyrus ay nagsabing:

    “at ako si jason…”

    haha onga naman. congrats!

  23. kuhracha ay nagsabing:

    try mo mag apply ng SSS id sa makati. mabilis daw. un saken kasi inabot ng mahigit isang buwan.

    at mag-aral ka magdrive para may driver’s license ka na.

    ang ginawa ko pagkagraduate ko was nangolekta ng mga IDs. it helped.

    masayang experience, jason! para di lang puro FB prinoproblema mo. ;p

  24. meliza catedral ay nagsabing:

    helo bunso..ang tagal mo ngpahhinga sa blog ah….nmiss ko ang bahay mo ah! cympre nmiss rin kita bunso… hehehehe๐Ÿ™‚
    well anyways ang dami mo nman nadaan para makakuha ng postal id at saka magastos..hayzzz.. di na ko kkuha ng postal id..iba na lng..heheeh

  25. Vajarl ay nagsabing:

    Yung SSS ID ko January ko inapply hanggang ngayon wala pa. So maganda ang choice mong mag postal.

  26. Vajarl ay nagsabing:

    Jason, ikaw ba talaga nagsulat neto? Naninibago ako sa way mo ng pagsulat. As in nagugulat nalang ako. Hahaha. Jason anyare anyare?

  27. Vajarl ay nagsabing:

    Araw araw ako sa Philcoa pero hindi ko paren namememurays ang UP. Kase nga sa Philcoa naman ako araw araw hindi sa UP. Huh?

    Haha. Pero dahil dyan, at dahil uber tagal dumating ng SSS ID ko, magkukuha naren ako ng Postal ID. Oye.

  28. salbehe ay nagsabing:

    Sa haba ng entry na ito akala ko boring. Wala kasi akong nakitang Paint drawing. Pero okay sa olrayt naman pala. Medyo kakaiba lang ang style mo sa pagsusulat, medyo mahalay. Hahahaha.

  29. Arnie ay nagsabing:

    ayan sa wakas nabasa ko na din ng buo…..whahaha sa email lang ako base…hanep na Postal ID yan..hinding hindi ako kukuha ng ganya..wahahahaha :-p

    1. Cedula: wag magalit at wag manunog rich kid..ang presyo ng cedula mo ay mura pa kung tutuusin…sa tulad mong mayaman e dapat humigit pa yan sa isang daan o isang libo…toinks

    2. Picture: Baka madiscover ka at maging manager mo pa ang bading na make-up artist…hohohoho pwede ka ng model ng ano ngaun…ng make-up!!! lol

    3. Barangay Clearance: Ang diwara nman baket kelangan pa toh…Buti di ka nahirapan kasi db palipa lipat ng tirahan ang mga hamster???hahahaha

    4.Oily Face and Magical Sticker: wala lang…bili ka ng polbo…toinks o humingi ka kay….! alam mo na…lol anong sticker yan kamahal nman ng hinayupak na yan!!! wahaha

    5.Kapitana at ID: ano ung chismax ni kapitana??hahaha Yey sa wakas nakuha mo din ang ID mo…Kongratyuleytions!!!!

    Napansin ko parang di ka nman ginutom masyado sa iyong paglalakabay at pagkuha ng Postal ID…

    Parang bading ung nagsulat nito hamster. lol :-p

  30. neil ay nagsabing:

    hmmm… marami rin akong karanasang ganyan. kakapagod lang isipin.๐Ÿ˜€

  31. gnehpalle02 ay nagsabing:

    sobrang mahal naman nun cedula P20 lang un samin… ehehe, ung iba Police clearance at baranggay clearance ay free lang… (dhil sa mga superfriends ng tito ko) buti na lang sa north kami nakatira madali ang mga paraphernalia’s na kailangan… ang kulit ng adbentyure mo, ngayon lang ulit ako napadpad here…

    • jason ay nagsabing:

      sana pala dyan na lang ako nakatira sa inyo. este dyan sa north. hehe honga makulet talaga at pinakulet pa sa the way na pagsusulat. salamat sa pagbalik mo here.

  32. Vajarl ay nagsabing:

    Boom boom boom!

    Ninja shuriken attack! Lols.

  33. yakee ay nagsabing:

    congrats ng maraming million times kasi nakuha mo postal id mo!!! hahahah masyado plang mahirap ang kumuha nian..bilib ako nameasure mo ung pawis mo hahaha

    • jason ay nagsabing:

      thank you maraming billion times sa pag cocongrats saken yakee! yung pawis dapat nga meron pa, sa pag gulpi ko sa mga nagpahirap saken. hohoho

  34. Len ay nagsabing:

    hello, musta kana????????

  35. duking ay nagsabing:

    hahaha!

    alam mo bang pinanawagan ka na ni pong sa mga blog?

    gandang misadventure yan,jason.

    nakakaasar di ba?dapat pag dating mo dun sa baranggay hall,nag ask ka kung saan kumukuha ng death certificate.

    patayin nyo na lang po ako,kamo kesa hiluhin nyo ko at patayin sa gutom,pagod at gastos.

    hehehe!

  36. Monz ay nagsabing:

    naniniwala ako sa lahat ng nakasulat dito.. haha

  37. toni ay nagsabing:

    nasira bigla ang hulsam imeeds mo at mamatay ako katatawa habang nagbabasa. normal na tao ka nga Jeson. wahahahaha!

    grabe, bumalik alaala ko nong panahong nagaayos kami ng papel.
    mas mahirap dahil umabot ng 4 kapangalan ng nanay ko. buti ung kuya ko 2 lang sila na pati date at oras ng kapanganakan pareho pa.
    2 naman sa tatay ko.

  38. Pong ay nagsabing:

    magandang umaga bro jason
    salamat sa mga prayers!

    be blessed po!

    ang postal id ginagamit lang yan para kumuha ng sulat sa post office ahahah

  39. night crawler ay nagsabing:

    ang tagal mong nawala parekoy! it’s good to be back ba? haha. grabe naman yang experience na yan. pag ako yan, baka naglulupasay na ako sa kalye hanggang may mag-offer na tumulong sa akin! nyahaha. naubos pa ata pera mo sa pamasahe ha. leche sila. pwede naman kasi sa isang place na lang lahat para hindi magulo, di ba? hehe

  40. taga-bundok ay nagsabing:

    Ah… Jason?! LOL
    Parang hindi kita mamukhaan sa ID Pic mo ah. :]

    Musta na Hamsterdam Bunso?

  41. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    “Parang iba na ang tinatahak ng jeep. Oo, maling signboard ang nasakyan ko sa malamanag sa malamang.”

    Natawa ako dito jason. Parang perstym mo atang magapply ng POSTAL ID. Buti ka pa. Ako wala pa.

  42. shea ay nagsabing:

    aw 350 lang nagastos ko nung kumuha ako ng postal id.. gwabe naman yang nagastos mo…

  43. melody ay nagsabing:

    ahahhaha..ang cute naman ng picture sa ID..lol ang laki naman ng gastos mo..grabeh!!

  44. redfieryheart ay nagsabing:

    kaherap ng dinanas ng lalaking ito grabeee! Iyan ang mga experiences na di malimutan pero kasarap kalimutan sa kabwisitan hehe. niwey nakuha mo naman e pero supermahal ha at ano kaya amoy mo nun nyahahaha! juk!

  45. geylii ay nagsabing:

    ahahahahaha ! ang mahal! – di bale sulit naman sa sweldo na di-atm na^^ . balato =p

  46. nhix ay nagsabing:

    hello kuya jason.. nakabisita uli ako dito.. nagstick sa mind ko yung pagsakay mo ng jeep, at ng tricycle.. haay pagperstaym talaga, daming pinagdadaanan, adventure nga eh diba? pero atleast accomplisment yan at sa susunod di na tayo eng-eng..hehehe =)

  47. Allen ay nagsabing:

    may mas gagrabe pa ba sa proseso ng enrollment at graduation sa ating sintang paaralan? hahaha!

    pero naramdaman ko yung pagod mo kahit binabasa ko lang. sumikip yung dibdib ko pramis. hahahaha!

  48. bonistation ay nagsabing:

    taragis! naalliw ako sa kwento mo jason haha nakarelate ako sa ganyan haha.! ang daming pagkakakitaan talaga sa mga opisina ng gobyerno hahays! =) kanya kanyang pakulo lang hihi

    anyway, mainam at na accomploish mo din pagdating ng hapon! ang laki ng gastos para sa isang postal ID awwwts!!

    pero oks yan charge to experience, next time alamin muna ang bawat requirements, planuhing mabuti ang bawat hakbang para hindi na mag pabalik balik,. click!

    nice post to! kahit na late ako pakiramdam ko fresh padin hehe kahit oily kana

  49. joan ay nagsabing:

    848.20 lahat yuns??? Nasa Pilipinas ka nga ginoong jason, haha!! nako di ko maimagine itsura ko kung magaganyan din ako in da pyuttyur. owemgee.๐Ÿ˜ฆ

  50. Chad ay nagsabing:

    Wow! Grabe. Dapat, nagpatayo ka na lang ng sarili mong post office para makalibre ka. P848.20? Gosh. KEMAHAL! Matagal na rin akong di nakabasa dito, nakapag-comment, at nakapag-post sa sarili kong blog (na patay na bago pa maghingalo). Hehehe!

  51. blu.sparks ay nagsabing:

    mahal ng sedula mo jason..malaki siguro sahod mo?hehehe

    nag enjoy naman ako sa kwento mo..bad ba ako?

  52. Lai ay nagsabing:

    Haha. You made my day. Galing mo magkwento. Katuwa.๐Ÿ™‚
    Nagsesearch ako kung paano magparenew postal ID kasi change ng marital status kaya napadpad ako dito sa blog mo.๐Ÿ˜„ Good day!

  53. haha.. ang saya naman till the end..๐Ÿ™‚ super detailed ang kwento mo ha.. love it!๐Ÿ™‚

  54. jay2804 ay nagsabing:

    haha kulet nito. tawa aq ng tawa.. lalo na un no. 3, 6, 8 saka 9. hehe..

  55. TOYANG ay nagsabing:

    gaLing buti naLang sa araw ng o1.18.2013 maayos ang Nang yari sakin Nahirapan LAng ako sa TROPIC AT XEROS Hahahaa๐Ÿ™‚ BINasa Ko tALAGA GAlLing :* TOYANG๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s