Para sa  Saranggola Blog Awards Part 2, gumawa na ako ng paunang entry. Tula muna. Tula as in Poem. Teka sa September pa pala ang submission. Eh ano naman. Excited ako. Pipilitin kong makasali sa kontest na ito ng respetadong si KuyaBernard. Pipilitin kong salihan lahat ng kategorya.

Habang nagbubunot ng mga buhok sa ilong, napag-isip-isip ko, gumawa kaya ako ng tula. Oo tama. Tama na intro. Eto na mga tula sa ibaba.

——————–
Puno at Ikaw
——————–

I

Nakalimutan mo na bang ako’y iyong itinanim
Nang minsan ikaw ay walang makain?
Kay tagal mong nag-intay ikaw man ay nainip
Panahon na lumipas ako’y di mo man lang sinilip.

II

Ako ay mag-isang lumalaki na ayon sa kapalaran,
Ikaw ay nainip, bumaling sa ibang halaman.
Hindi ko kaagad naihandog sayo ang aking prutas
Ikaw ay nagtampo, sa ibang puno ka namitas.

III

Marami kami ngayon na naglipana sa gubat,
Tignan mo muna ang hawak mong patpat.
Sa akin ba galing yang hawak mo?
O napapaisip lang ako ng todo-todo.

IV

Ang sa akin lang naman munting kaibigan
Maaari sana’y mga kababayan mo ay pagsabihan.
Putulin man nila kami ng walang habas
Palitan naman ng bagong punlang pupungas-pungas.

V

Inalagaan ka ng iyong inay tama ba ako?
Sana’y madama mo na ganoon din ang nais ko.
Mumunti ako noon sa iyong paningin,
Sa paglipas ng panahon ako’y iyong titingalain.

=========================================

——————————
Tubig, Tubig, Tubig.
——————————

I

Ako’y tumungo sa banyo at nagbukas ng gripo,
Laking gulat ko sa aking harapa’y may kung ano!
Maitim, marumi at mabaho ang sumorpresa
Gripong aking hawak ay agad-agarang isinara.

II

O Diyos ko, ano ba ang nangyayaring ito!
Saan man ako magtungo ang nakikita ko’y pare-pareho.
Sa kusina, sa kapitbahay, maging sa mga gusali.
Maruming tubig ay umaagos at tila nawiwili.

III

Ako’y hindi nawalan ng pag-asa sa aking nakita
Dalian akong dumako sa may ilog at sapa.
Ikinalambot ng aking puso at tuhod ang aking nadatnan.
Mga anyong tubig natin ay ginagawang basurahan.

IV

Nagtatakbo ako sa mga taong mga basura’y kinakalap,
Ngunit mga tao’y bingi-bingihan sa aking pakiusap.
Ako’y hinawi na parang laruan at tumilapon,
Nalaglag sa itim na tubig at hindi makaahon.

V

O Diyos ko, paano na ang tubig na walang kalinisan?
Pakiusap, mga taong iyon ay inyo pong tulungan…
Laking gulat ko ng ako’y magising sa higaan,
Huwag sanang maganap ang aking napanaginipan.

=========================================

——————
Hayop Ka?
——————

I

Kahapon lamang
Aking nabalitaan
Laman ng Pahayagan
Sari-saring kahayupan
Siopao ni Ate laman ay pusa
Aso nama’y pinulutan ni kuya.

II

Ngayon sa telebisyon
Pagkatapos ng aksyon
Isang palabas sa aki’y sumalubong
Mga tandang kanila’y pinagsasabong.
Sa kabilang dako naman ay may dokyumentaryo
Ang mga baboy, bago ibenta’y minamaltrato!

III

Bukas, hindi malabong mangyari
Tayong mga tao ay mayayari.
Kung ang mga hayop ay nagpapakatao
Bakit ang mga tao’y nag-aasal bato?
Mga hayop ba’y walang puwang sa mundo?
Tao ako, Tao ka, Tao tayo, kaya dapat ay matuto.

.
.
.


LIKE this post

About jason

walang clue. nak ng

92 responses »

  1. Joyo ay nagsabing:

    boom boom ley! mamaya ko magbabasa! andito ang impaktita!🙂

  2. teeto makata ay nagsabing:

    secan vase!!!

    tatlo tatlo talaga…hanep…

  3. night crawler ay nagsabing:

    nice job parekoy… hindi mo naman gusto pakyawin lahat? haha. btw, is it weird na hinahanapan ko na lahat ng posts mo ng illustrations?

  4. eloiski ay nagsabing:

    teka mainit-init na entry to!

    BASE BASE BASE BASE!!!!!

  5. Pong ay nagsabing:

    panalong panalo yung Hayop ka at yung Tubig x 3

    ang galing mo bro jason

    gusto ko yung concept ng past, present future!

    Yehey!

  6. juanlazzzy ay nagsabing:

    ang ganda sir!
    maganda ung rhyming pero mas maganda ung mensahe..

    favorite ko yung TUBIG, TUBIG, TUBIG

    goodluck sa pa-contest! bet ko toh..

  7. meliza catedral ay nagsabing:

    naks!bunso pwede maging poet or writer ng isang tula…..ganda nman entry mo.about kalikasan..thumbs ako dyan..keep it bunso…proud of u..yipeeee

  8. Pong ay nagsabing:

    naisip ko lang bro jason yung TUBIG, TUBIG, TUBIG mo pwedeng title ay TRIBIG aahahaha

  9. aninipot ay nagsabing:

    wow! ang galing mo little hamster ko…

    sobrang naa-appreciate ko..lalo na yong “puno at ikaw”..biglang napaisip ang ate ani mong manggugubat..

    mahusay promise!

  10. lovely ay nagsabing:

    wow panalo haha..
    mukang ikaw ang magkakamit ng 1st price ah haha.. basta isasabit mo ko sa bora ha ehhe..

  11. batanglate ay nagsabing:

    base ako! haha. ganda ng mga tula mo kuya jason. wala kang kupas.hihi. gudluck sa kontest! hugs.🙂

  12. Marco De Silva ay nagsabing:

    Teka makagawa na nga, galing ah..clap clap…ibang level na to, pinagana talaga ang natatanging “alam” makatungtong lang sa puting buhanginan, like me! You like it? I like it tooo!!!

    Like button –> 26 people like this

  13. Joyo ay nagsabing:

    ayun oh! parang ayaw ko nang sumali…

  14. Monz ay nagsabing:

    Huwaw! Amigo, ikaw na ang bantay ng kalikasan. Galing! makata!

  15. Bobby Añonuevo ay nagsabing:

    Magaling, datapwat hindi tula.

  16. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    ang galing… hilig ko din ang tula jason. hehehe

  17. foobarph ay nagsabing:

    nice entry jason! ako rin magpapasok ng entry to support bernard.😀 ^^ good luck sa ating lahat!

  18. hoshi ay nagsabing:

    ayos! maikli pero malaman at may mensahe. at dahil dito nai-inspire daw akong sumali sa pa-contest na ito.

    ewan ko lang kung kailan ko maisisimulan o matutuloy ba. hehe

    mabuhay tito.

  19. Pong ay nagsabing:

    Pilipinas Win na Winamster!
    Alam mo ba na nung bata ako hanggang college palagi akong nagpapalipad ng saranggola ni pong, tapos kinakanta ko yun,
    Matayog ang lipad ng saranggola ni pong2 (kantahin mo din yan)

    Matayog ang lipad ng saranggola ni hamster (kantahin mo din yan)

    tapos usmasali kami sa bear brand kite fest sa angeles, meron pa ba nun ngayon?

    tsaka dati nung highschool kami member ako ng Daigdig Kalinga yehey, tsaka nung nagtuturo na ako ang kinukuha naming Outbound Education ay Lakbay Kalikasan

    wala lang share ko lang may connect kasi sa Saranggola at Kalikasan ahahah

  20. Allen ay nagsabing:

    dami mong talent! umaapaw! nyahahahaha! sa susunod mag-haiku ka naman!😀

  21. katrinadanieles ay nagsabing:

    helow po.🙂

    ang ganda po ng tulang “hayop ka?”.🙂

    napadaan po ako dito at meron po palang ganyang patimpalak.🙂 yey! sali ako diyan pagkatapos i-copy ko tong gawa niyo. heheh. joke lang po.

    gandang araw sa’yo.🙂

    add po kita sa blogroll ko ha?🙂

  22. katrinadanieles ay nagsabing:

    salamat jason.🙂
    na-add na kita kaya mangungulit na ako dito. hahah

  23. J. Kulisap ay nagsabing:

    Malayang taludturan.

    Malayang panawagan para sa kalikasan, pangangalaga sa mga hayop at sa ating mga anyong tubig.

  24. fdaray ay nagsabing:

    Magtanim nga mga kahoy, para maalagaan ang kalikasan. Hindi masama ang pagputol nga mga kahoy basta magtanin muli, (reforest the area)

  25. lhen8 ay nagsabing:

    PANALO TOH!!! PALONG PALO!!! jason muling blogsikat ka nanaman at may bagong OBRAgazine ka nanaman sken netoh malamang🙂 galing galing ni hamham sa tula i shashare ko nga toh bilang patunay hehehe🙂

  26. Tsiremo ay nagsabing:

    Bakit walang like button, di ko makita???

  27. blurosebluguy ay nagsabing:

    daming comment iba na ang magaling at sikat! hahahha….go Jason!!!!

  28. bernardumali ay nagsabing:

    jason, humahatak ka na ng audience hehehe
    buti na lang hindi tayo hayop hehhe
    salamat sa pagsali sa saranggola blog awards 2010 at sana ay salihan mo rin ang maikling kwento.

  29. duking ay nagsabing:

    ahaha!!!may entry ka na rin!

    goodluck bro jason!!!kita tayo sa get together ng saranggola ha?

    nice meeting you in advance!hehehe!

  30. livingstain ay nagsabing:

    ayyy pusa…. lika lika kainin naten….

  31. lipadlaya ay nagsabing:

    goodluck sa entry mo, hamster…

    natawa naman ako dun sa puno, hehehe. nagtampo nung sa iba pumitas ng prutas. pero kidding aside, tama ka sa sinabi mong kung paano tayo inalagaan ng ating ina, pagmamahal din ang isukli natin sa inang kalikasan.

    sa tubig 3x nakakalungkot pero hindi lang ito panaginip. Simulan na lang natin ang pagbabago.

    hayop sa galing ang ikatlo. ang tao nga naman,lahat na lang ng hayop, pinaglalaban. mula saa gagamba, kabayo, tandang, kalabaw, hmmm ano pa ba… me hamster wresting ba? naalala ko tuloy yung isang documentary na nagmamaltrato nga ng mga hayop bago katayin. Hayop nga rin ang mga tao!!

  32. Sa Likod Ng Ulap ay nagsabing:

    Igan Jason, ang ganda. may aral. ang galing at bilis mong maghanap ng idiya. love it.

  33. batangmangyan ay nagsabing:

    ‘di ka lang pala artist ang hamster, makata pa. ayos to. malamang masungkit mo naman ang unang pwesto. winner! mag-aya sa boracay ha. goodluck hamster. sali din kaya ako. haha.

  34. secret ay nagsabing:

    whew!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! thanks nakatulong

  35. cyree c. aquino ay nagsabing:

    thank you!!!.for posting this!!

  36. Hazel ann e.esteban ay nagsabing:

    kawawa naman ang mga puno

  37. jhonaliza ay nagsabing:

    oo nga eh tayong mga tao din ang dahilan kung bakit nasisira ang ating kalikasan,
    kya dapat na ting alagaan ang ating kalikasan

  38. kathleen ay nagsabing:

    sayang pwede na sana

  39. kathryn ay nagsabing:

    hi guys

  40. Helena Gellya ay nagsabing:

    Nice!!!!You are the NOW ADAYS Dr.Jose Rizal and your poems was great.yeah!!

  41. tolits ay nagsabing:

    May I borrow one of your piece to be recited on our contest called speech choir. Hope you give us permission. I found out that your poem is very interesting.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s