Si Toge

Himbing na himbing na natutulog si Toge.

Napagod silang dalawa ni Higad na magpicnic at maglaro sa parke.

Maya-maya lang, ay may kumatok sa kanyang bintana.

.
.
.



Tok – Tok – Tok – Katok

Toge: ZzzzzzZZZzzzzz

TOK!- TOK! -TOK! Malakas na malakas na KATOK!

Sa sobrang lakas ng katok, nabasag ang bintana at…

Nagising si Toge at pagkakusot ng mata, Laking gulat nya sa kanyang nakita!

Toge: Arrrrghh!!! Sino ka!! Ano ka!!!

Sabay kuha ng itim na aspile mula sa cabinet at matapang na itinutok sa kanyang nakita.

Lumapit at sumilip sa bintana si Basura Monster.

Basura Monster: Bakit ka natatakot sakin? Ikaw kaya ang may gawa sakin.

Toge: Papaanong may gawa? Hindi ko maintindihan.

Puno ng Basura: Diba madalas kayong maglaro sa parke? Ang mga basura mo, mga pinagkainan mo, inihahagis mo na lang kung saan-saan. Hanggang sa nabuo ang mga ito at naging… Ako!! Ang Basura Monster!!! RAWRRR!!!

Toge: WAhhhhhhhhhhh Wag kang lalapit! Wag kang lalapit!!


Puno ng Basura: Halika, sumama ka na sa kin, tignan mo kung anong ginawa mo sa parke. Ang dami-dami namin. Halika!!!

Toge: WAhhhhhhhh!!!!


At nagising mula sa katakot-takot na panaginip si Toge. Alas Sais na ng umaga. Maaga pa, pero dumeretso sya kagad sa parke. Hinanap ang mga basurang kanyang ikinalat noong nakaraan.


Toge: Nasaan! Nasaan na mga basura ko!! Hindi sila pwedeng tumubo!!! Nasaan na!!

Pilit na hinahanap ni Toge ang kanyang mga basura dahil natatakot syang mabuo ang Basura Monster na kanyang napanaginipan kagabi.

Maya-maya lamang ay nakasalubong nya si Higad, ang matalik nyang kaibigan.



Higad: Eto ba hinahanap mo?

Toge: Ano yan? Hinahanap ko mga basura ko.

Higad: Eto na nga sila. Hindi mo ba alam na sa tuwing nagtatapon ka ng basura dito sa parke ay palihim ko silang pinupulot? Eto nga ginawa ko pang SARANGGOLA. Ayos ano?

Toge: Hala!!! Talaga!!! Salamat naman kung ganon!!!

Higad: Oh, anong nangyayare sayo? Bakit ganyan ka makangiti? Tara na paliparin na natin tong saranggolang gawa sa mga basura mo. Hahahahaha

Toge: Maraming salamat talaga sayo. Hindi na ko uulit pangako. Pangako. HINDI NA AKO MAGKAKALAT.

Higad: Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo, pero sa hitsura mo, parang natuto ka na ano?

Toge: Oo naman!!! Wala ng Basura Monster eh!

Higad: ???


LIKE this post

162 Comments Add yours

  1. Monz Avenue ay nagsasabing:

    base!

    galing ahh
    grabeh ang toge naka mejas!! haha

    1. Tsiremo ay nagsasabing:

      Tama, bakit naka medyas eh ugat lang naman ang mga paa…lekat, amoy entry to ah. Hahahaha san ko ila-like bakit di ko makita?

    2. Tsiremo ay nagsasabing:

      Nawala comment ko?

      1. jason ay nagsasabing:

        diko tsi, grabe nasa spam comment mo buti nag check ako..

        hahahaha nakamedyas kasi xmas na! yahey..

        yung like pala diko, kapag ka nakasign in ka lang sa wordpress tsaka ata lumilitaw so indi pwede mag like ang others?

    3. jason ay nagsasabing:

      base ka panyero..

      yung like button ata is available lang kapag ka nakasign in ka sa wordpress e

  2. myfilthyroom ay nagsasabing:

    moral lesson: wag maglaro sa parke.. hehe

    1. jason ay nagsasabing:

      at magpipicnic! hohoho

  3. Leemi ay nagsasabing:

    Ang galeng pa rin ng bawat kwentong hindi lang pambata..

    ..isang simpleng basura, dumarami yun kapag naipon at nagiging panget na Monster. Pwede naman nating alagaan yung paligid, mas masarap laging langhapin yung hangin kapag malinis.

    **Ang tyaga pa rin talaga magdrawing.. galing galing BabaJason 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      ate lemi ko ate lemi ko… hohohohho

      parang sa plurk lang ah babajason naman ngayon! hahahaha

      kahit kwentong pambata po, sana maka relate din ang ibang medyo bata na lang hehehe

      thank youa ate

  4. beeftapa ay nagsasabing:

    hahaha! namiss ko to.

    1. jason ay nagsasabing:

      ako din!!!

  5. kasama ba talaga itong dcmi homes sa end ng post?

    yahooo!!!

    hello brother hamster!

    group hug!!!

    moral lesson: gayahin si higad na nag-re-reduce, nag-rere-use, at nag-re-recycle.

    1. jason ay nagsasabing:

      sponsor po sya father santino sa pakontest ni kuya bernbern 😀
      hi father!!!

      honga ang 3-R!!!! para sa ikalilinis ng paligid!!!

      grouo hug!!!

        1. salamat sa pagta-tags ni bern bern sa akin. narealize ko na ito pala ang pakontes niya, at ito ang entry mo.

          hmmmm, makasali nga rin. matagal pa pala ang deadline…hehe.

  6. wow! pang lima pala akong naka-base!

    1. jason ay nagsasabing:

      opo father!!! hohohohoh
      kmusta po!

      1. as usual, healthy, happy and handsome. yahooo!

        happy Sunday sa yo brother hamster!

        1. jason ay nagsasabing:

          ayun yun eh!!!! hohohoho aylayket!!! happy sunday din father 😀

  7. meliza catedral ay nagsasabing:

    ang galing nman ng kwento mo bunso..bwat kuwentong likha mo ay may aral at.hindi lng basta kwento.bilib ako sa iyo bunso… im proud of u..keep it up!

    1. jason ay nagsasabing:

      yehey opo! thank you ate liz at nabasa mo kagad tong gawa ko 😀 yehey thank you ate ko

  8. Pong ay nagsasabing:

    last honor beys, huhuhuhu

    basa mode

    1. jason ay nagsasabing:

      aw! hindi ka last honor!

      malayo pa ang umaga. lol

      sige basa mode ka muna habang nagpapatunaw ako ng kinain

  9. Pong ay nagsasabing:

    you never failed to deliver moral lessons sa mga stories mo bro jason

    buti nalang panaginip lang at mabait si higad at inililigpit niya mga kalat ni toge, magandang wake-up call ito.

    yehey

    magpalipad na tayo ng saranggola yehey!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha oo naman pong kelangan talaga may moral para maraming matuto. naks. naks. isa pang naks.

      thank you pong naapreciate mo tong gawa ko.

      o diba magandang halimbawa si higad.

      saranggola na !!!

  10. kaye ay nagsasabing:

    congrats, kapatid. Siguradong panalo ka na!

    Ang ganda ng kwento pati ang aral mula dito at shempre ang unique ng saranggola mo. Haha!

    1. jason ay nagsasabing:

      hala sana nga po ate kaye ko manalo. pero ang habol ko talaga dito ay makainspire… (ows)

      =))

      opo pinag isipan ko pong mabuti ang aral hehe

      yung saranggola may mga tagpi. sana lumipad ng maayos yahey! happy weekends ate kaye ko!

      hug

  11. Dorm Boy ay nagsasabing:

    Super like si toge na nakamedyas. Toge in the socks sya kung nagkataon. Nice story simple pero rock ang dating ng lesson.

    Maglilinis na rin ako ng basura ko.

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha opo don sya natutulog sa medyas.

      kelangan talga simple para madaling maadapt ng mga bata. 😀

      thanks kuya dormboy

      hahaha

  12. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Napakasimple pero tonelada ang impact.

    1. jason ay nagsasabing:

      opo target ko talaga mga bata.

      i mean target ng story ko mga bata. haha

  13. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Ito lang ang tanong ko.

    ‘Yong mga basurang saranggola, pagkatapos gamitin, saan dapat itinatapon?

    1. jason ay nagsasabing:

      ay hindi na sila itatapon kasi kusang mapipigtal tapos liliparin na ng hangin. hehe

      1. J. Kulisap ay nagsasabing:

        Ay,basura pa rin.

        1. jason ay nagsasabing:

          sige na nga. irerecycle sila gagawing knapsack

          1. J. Kulisap ay nagsasabing:

            Knapsack lang? Matibay ba? Ahahaha

            1. jason ay nagsasabing:

              iba na lang. replacement ng pakpak mo hohohho

  14. Pong ay nagsasabing:

    winner na winner na to bro jason, saan pa sila di ba?
    may toge na, may higad pa
    with matching basura monster pa,
    at heto pa ang matindi may saranggola pa.

    creative ka talaga!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha oo kulang na nga may toge may higad may saranggola, kulang na lang mahinang sikmura para masuka. joke lang hahahaha

      kelangan ko lang pigain tong utak ko para may ilabas pang katulad nito pong

      thanks pong

  15. Maldito ay nagsasabing:

    at talagang naka medyas ang toge..ahaha..ang social..sana mag scarf din siya…tapos gloves..ahahhaa..kidding.

    1. jason ay nagsasabing:

      pasko na kasi maldito.. ay lalagyan ko ng costume tama hahahahaha pwede!

  16. arnie ay nagsasabing:

    yey! wala ng Basura Monster! kala ko gagawin na syang lumpiang toge ng monster…ahahahaha

    bora…bora..bora…isama mo si teeto sa BORA!

    🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaahah yung basura monster papunta na raw sa bahay nyo. lol

      sana manalo suportahan mo ko teeto ha 😀

  17. geylii ay nagsasabing:

    hmm . opo kuya . dna kami magkakalat 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      good good girl ka geylii 😀

  18. joan ay nagsasabing:

    ang kyut ni toge aheks. pero mas cute ka. hahaha. 😛
    ang ganda ng story. gudluck ulet sa kontes! 🙂 panalo na to. 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha hewan ko sayo! hahahah sige sige may jollibee ulet hahahaha

      thanks joan 😀 sana manalo sana manalo! hohohohoho thanks sa pagsupport support. gawa ka din ha para support support din kita

  19. Sphere ay nagsasabing:

    namiss ko to ng sobra Bunso:-) ipriprit ko pala tong mga kwento mo para kung sakali man na magkaanak ako pwedeng pang bedtime stories ahahaahaha

    1. jason ay nagsasabing:

      yahey ikaw naman ang namiss ko ate britney!! ayee natuwa naman ako sa sinabi mo 😀

      yehey yehey

  20. Vajarl ay nagsasabing:

    Potek, BASURA MONSTER! Hahaha. Si Duking lang ata yan eh. Hahahaha.

    Ang cute ni Toge mag tutok ng aspile! Haha.

    Jason, naaalala ko ang Mario Brothers dun sa nakasakay sya sa sapatos. Yung may stage na tatalon talon si Mario sakay ng sapatos.

    1. jason ay nagsasabing:

      HAAHAHAH ang dami mong na pipicture sa toge ko ha

      sa mario oo naalala ko yun yung sa super mario 3 world 5, sky land

      yung may nakasakay na goomba sa sapatos tapos pag napatay mo, ikaw naman sasakay.

    2. Vajarl ay nagsasabing:

      Ayun! Huli ka!

  21. lio loco ay nagsasabing:

    bat hinde gawa sa ms paint? mas gusto ko ‘yung drawing mo sa paint, pareng jason. lols!

    pero nakakatuwa pa rin ‘yung kwento. pwede kang author ng mga kids’ short stories. hehe.

    1. jason ay nagsasabing:

      ay kase… pasmado ko ngayon, hindi ko macontrol ang mouse! hahahaha

      thanks kuya lio! 😀

  22. tsenn` ay nagsasabing:

    ahmm may kontes ba kuya? sana manalo ka! 🙂

    itatanong ko rin sana kung bakit nakamedyas si toge. tapos nabasa ko na ung explanation sa taas. haha. omg magxmas party tayo nila batang joan! monito monita FTW 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      FTW!!! oo tama yan monito monita!! nakakaexcite julia!! shaks! masaya to pramis! lols

      sana manalo ko support mo ko ha 😀

      syemper boblow out ko kayo sa ibang level na resto na! 😀

  23. Pong ay nagsasabing:

    nag-iisip ako ng theme song/official sound track ng post mong ito bro jason

    hmmmmm… Anak ng Toge naman kayo, kalat doon, kalat dito, di niyo alam ang tinatapon niyo, ay bukas ko at ng buong mundo.

    O kaya naman ay SinesToge
    Bawat toge, may tanong, bakit ganito, bakit ganoon, hayaang buksan ang isipan, sa science o agham, tayo na sa Sinestoge, tuklasin natin ang syensya, buksan ang pag-iisip…

    O kaya, Itoge, toge toge niyo, basura niyo…

    ahahah, adik lang pinasasaya ko lang sarili ko, eheheh

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahhaha ang galing sige lalapatan natin ng kanta yan.. at syempre ikaw ang kakanta. aantayin ko ang casette sample mo para dito ha ipadala mo na lang dito sa opisina! ok?

      hhohohoooh

  24. ravy ay nagsasabing:

    hmn… medyo napapanahon…

    tungkol sa basura…

    1. jason ay nagsasabing:

      oo napapanahon. lagi kasing may basura

  25. kayedee ay nagsasabing:

    hmm.. entry mo paran sa saranggola? 🙂
    gusto ko sumali pero wala akong maicp na maisulat =(

    gnda ng moral lesson.. =)

    1. jason ay nagsasabing:

      ay may maisusulat ka. cheer kita dali dali gogo

      😀

      thanks kayedee

  26. bonistation ay nagsasabing:

    i love it~!! astig ng idea!! =) sana manalo ka dito!~!

    si basura monster sobra nakaka iskeri iskeri. magiging conscious nako s amga basurang itatapon ko! or kaya naman hahanapako ng bespreng tulad ni higad para maigawa din ako ng sarangola!!!

    ayos!! aprub t0. TARAGIS!

    1. jason ay nagsasabing:

      yey thanks bon. pinag-isipan kongmabuti yan!!!

      hahaha si basura monster 5 days ko dinrawing. joke.

      si higad, paru-paro na! hohohohohoo

      thanks bon bon

  27. Pong ay nagsasabing:

    nag-iisip pa ako ng soundtrack

    pwede sa hirayamanawari at wansapanataym

    yehey!

    1. jason ay nagsasabing:

      o kaya- awit titik bilang!!! at iba pa!!

  28. juanlazzzy ay nagsasabing:

    at natuto na nga si toge sa kanyang pagkakamali..

    magandang halimbawa si higad!

    may pakialam sya sa kanyang paligid..

    ayus toh ayus toh! may nasesense ako. parang entry dun sa kwentong pambata ng saranggola blog awards. hihi..

    1. jason ay nagsasabing:

      oo si higad na mataba. ang matabang higad.

      oo entry to kelangan ko manalo. lol

      thanks juan lazzy

  29. ELIment ay nagsasabing:

    gusto ko ng toge.hehe baka pwedeng ipagamit yan kay busyok para matalo nya ang zombies.

    1. jason ay nagsasabing:

      opo!! gagamitin nya tentacles nya este mga roots at stem para pansalakay! ma-stranle mga zombies!

  30. p0kw4ng ay nagsasabing:

    ang galing galing naman ng kwento..napaka invironmentalist! hihihi

    1. jason ay nagsasabing:

      hohohoho syempre syempre naman ate pokwang! salamat! :p

  31. katrinadanieles ay nagsasabing:

    hahah.:) ang cute ng toge, may medyas! hahah. 🙂
    kwentong pambata kung saan may natutunan rin ang matanda. 🙂

    magandang istorya. 😉

    gandang araw kuya jason! 🙂 magandang araw din kay toge,at higad! 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      huwaw naman. salamat nagustuhan mo katrina yahey!

      ay kinakamusta ka din ni toge.. at ni coocoon.. coocoon na daw si higad. haha!

  32. night crawler ay nagsasabing:

    togeng naka medyas? hmmm… sige na nga. hehe. buti naman at happy ending, sana gumawa ka naman ng istorya na ang bida ay sibuyas. hehe.

    1. jason ay nagsasabing:

      pasko na kasi. susuksukan din ng chocolates at pera yung medyas. hahaha

      oo happy ending. ay next kwento ko nga sad ending para masaya. aw.

      sibuyas? hmmmm

  33. -=cuteberl=- ay nagsasabing:

    wala kang katulad kapatid. hehehe…

    1. jason ay nagsasabing:

      hehehe salamat berl salamat

      1. -=cuteberl=- ay nagsasabing:

        hehehe parang ayaw ko ng sumali…

        1. jason ay nagsasabing:

          sumali ka na. sayan ang prizes! 😀

  34. Pong ay nagsasabing:

    pwede mong isama sa toge sa Christmas Station ID ng channel 2 kasi may socks na sya ahahah

    magandang araw bro jason!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaah oo kaya nga may socks para may essence ang pasko! yohooo hohohoho

      magandang araw pong!!!

      merry christmas eve!

  35. Ax ay nagsasabing:

    Toge o munggo pa lang?

    Teka, bat may naaalala akong tula na ginawa mo about sa saranggola awards na nasa feeds ko? O bangag lang ako (kahit kailan).

    1. jason ay nagsasabing:

      oo meron din akong tula na ginawa ax!!! maikling kwento naman sunod kong niluluto! hohohoho

  36. huweng ay nagsasabing:

    waw! san ka nagdrawing nito? ;))

    ganda ng epek. blurr epek…

    magandang kwento jason! si Toge at jollibee

    1. jason ay nagsasabing:

      sa kokomban yan.. hewan ko sayo blur ka dyan

      jollibee!!! hahahahah hahahaha

  37. Pong ay nagsasabing:

    meron na ding bagong bugtong

    nagtago si juan nakalitaw ang ulo
    sagot noon: pako
    sagot ngayon: toge na nakasuksok sa socks see pics 1,2 & 5

    ahahahah

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahahhahaahahahahahahahahahahah

      ang dami kong tawa dito

      si toge nakalitaw ang ulo. hala

  38. Pong ay nagsasabing:

    meron pa

    hayan na hayan na si kaka bubuka-bukaka

    sagot noon: gunting
    sagot ngayon: toge na may hawak na aspile

    ahahah

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaha tinatawanan mo ba si toge na may aspile!!!!

      hahahahahahaa

  39. Pong ay nagsasabing:

    pwede din siyang isama sa tv show na kabuhayang swak na swak

    o kaya, ating alamin!

    1. jason ay nagsasabing:

      pwede sya sa jollitown tsaka sa tropang potchi! lols

      1. Pong ay nagsasabing:

        wahahahah

        hindi ko naman tinatawanan si toge naaliw lang ako

        kamukha pa nga niya si tinker bell eh, hindi nga lang magic dust ang hawak niya
        magic aspile pangontra kay vajura este basura monster

        1. jason ay nagsasabing:

          oo na!!! aspile lang ang kayang hawakan ni toge! hahahahaha

          tinkerbell naman ngayon! hahhhahahaha

          halaka naman pong!

  40. sheila ay nagsasabing:

    hai jayson mf fb qa ba./

    1. jason ay nagsasabing:

      oo meron sheila 😀

      1. arnie ay nagsasabing:

        nakow talagang pinagisipan ang kanyan isasagot….

        hahahahahahahahahahahahahaha

        1. jason ay nagsasabing:

          oh syempre teeto

  41. arnie ay nagsasabing:

    wooot woooot…

    jeson sagutin mo si sheila oh…

    ayeeeeeeh..

    1. jason ay nagsasabing:

      anong sinasabi mo dyan teeto!! hohohoho

  42. aninipot ay nagsasabing:

    uy! galing nito little hamster ko ha…panalo ka talaga sa mga kwentong pambata…

    nakakamiss tong mga kwento mo na may drawing… pero next time sa MS paint na sana ulit….mas makulay..hehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      aY HAHAHA

      thanks ate ani ko.

      ay ayaw ko ng mag ms paint. joke :p

  43. glaiexpress ay nagsasabing:

    hi po.. bago lang sa blogging..

    pacomment na din po…

    ang kulet ng kwento n toge..

    ang cute ni higad… =)

    1. jason ay nagsasabing:

      hi bago ka? welcome!!!

      thanks sa pag bisita mo dito! bisitahin din kita at add sa blog roll

      keep on blogging!

  44. ಞ badet ಞ ay nagsasabing:

    galing mo talaga pre.
    astig yung drawings and story.
    idol na tlaga kita 😀

    nakakatuwa, dapat may publisher na makakita ng stories mo at mapublish para sa mga bata 😀

    keep it up !

    MOAMOA

    1. jason ay nagsasabing:

      hi badet

      wow nakakahiya naman na i idol mo ko. 😀

      thanks thanks

      naks may moa moa pa 😀

      1. ಞ badet ಞ ay nagsasabing:

        ang galeng-galeng mo kasi 😀 hehe

        say it oh !

        MOAMOA

        1. jason ay nagsasabing:

          hiya na tuloy ako

          =)) hahaha

          1. ಞ badet ಞ ay nagsasabing:

            aw. may hiya ka poh pla? hehe peace 😛

            1. jason ay nagsasabing:

              meron. once in a blue moon nga lang. kaya sinusulit ko na!

  45. Arnie ay nagsasabing:

    bat and2 si xhine asan naman si chacha???ahahaha

    morning \…

    1. jason ay nagsasabing:

      morning teeto… wala ako lang mag-isa. si chacha nasa going bulilit, hohoho

  46. shea ay nagsasabing:

    wow…ang galing naman jason… aprub…kita kits sa awards night.. nyahaha

    1. jason ay nagsasabing:

      kitakits!! sana makarating ako. mag leleave ako non. hohohohoho

  47. Pong ay nagsasabing:

    totoge-toge, totoge-toge, tototototototoge, dubidubidudu
    ahhhhhhhhhhhhhh

    kumusta bro jason.

    pwede rin si Basura Monster sa Sesame Street
    si ano naman si toge pwede din siyang maging endorser ng bench hair fix salon, yung buhok niya ang kyut kasi eh, ahahahah

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha ok naman ako,…

      ay si basura monster ipapalit natin kay oscar the grouch?

      hahaha oi buhok naman ni toge pinagdiskitahan mo! hahaa

      1. Pong ay nagsasabing:

        diba si toge ginagawang lumpiang shanghai?
        ano ang masasabi ni toge sa hostage taking bilang bahagi ng shanghai china? ahahhaha

        1. jason ay nagsasabing:

          ni hao ma.. pengeng kendi

          1. Pong ay nagsasabing:

            walang kendi, tikoy lang.

            1. jason ay nagsasabing:

              eh kung ibalot kaya kita sa lumpia wrapper at ilagay sa microwave

  48. blurosebluguy ay nagsasabing:

    katulad ng dati…kakatuwa pa rin ang mga kwento mo kua jason…..ayos to…ako rin may entry rin…visit mo haws ko…

  49. kayedee ay nagsasabing:

    bakit wlang koment back ung sakin? bakit? =(

    1. Arnie ay nagsasabing:

      magalit ka kayedee bibigay ka ni jeson kay Basura Monster….hahahaha

      1. jason ay nagsasabing:

        hala nalaktawan lang kasi minsan kaye abad, nag rereply ako sa comment galing sa ilalim or sa itaas. hohohoho

        i am

        sorry

        (tears)

  50. Vajarl ay nagsasabing:

    taragis di ko makita comment ko! Haha.

    1. jason ay nagsasabing:

      nandyan lang. baka nagtampo lang. hohohoho

  51. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    wow naman, ang creative naman tito! pasadong-pasado na. ayeee

    naku what if magkaroon ng basura monster. mamatay ka sa baho at dumi. ang bantot ng pagkamatay naman noon. hehehe

    can not be- can not be

    1. jason ay nagsasabing:

      yikes sana naman di magkaroon nyan kakatakot!!!!!

      cannot be talaga!!!!

      thanks pamangkin nagustuhan you 😀

  52. Pong ay nagsasabing:

    Tayo’y magtoge-toge
    toge-toge
    toge-toge na
    Tayo’y magtoge-toge
    toge-toge
    magtoge-toge na

    Otso-otso yan! ahahah

    be blessed

    1. jason ay nagsasabing:

      gusto ko pong yung pito-pito ni willie revillame!
      hohohoho

  53. netsnooper ay nagsasabing:

    Madre que lio, no entiendo nada !

    I don´t understand 😦

    But I´m sure you will do with me

    Regards

    1. jason ay nagsasabing:

      oh….

      this is a stort about a sproutling, throwing garbages at the park.

      At night, he was haunted by the garbage monster that was formed because of his doings.

      He woke up in the morning and checked the park for his garbages. He planned to clean it before it turns into a monster.

      Luckily and happily, his bestfriend-caterpillar was picking all the sproutling’s garbages all along.

      He even didn’t noticed it.

      Surprisingly, caterpillar made a kite from the garabages.

      There will be no garbage monster, as sproutling sighed quietly and happily. He learned his lesson now.

      –Ok my english is not good. i hope this will help you understand my short story.

      1. swimmer weng ay nagsasabing:

        jezong, ;))

        1. jezong ay nagsasabing:

          swimmer weng =)) langya hahahaha

  54. coffeebreak ay nagsasabing:

    wow ang daming mensahe madaming nag-komento. Nice story. Pagnagseryoso ka na sa ganitong mga kwento pwede ka ng sumali sa Palanca.

    Paghusayin mo pa Jason.

    Ako ang bago mo nga palang kapitbahay sa site..

    1. jason ay nagsasabing:

      grabe naman. palanca awards. hoohoho

      thanks coffee break. ay di ka nag iwan ng link mo. 😀

  55. coffeebreak ay nagsasabing:

    by the way Jason, you site is so cool and impressive..most particularly yung mga animation…

    Congrats
    -coffeebreak-

    1. jezong ay nagsasabing:

      thank you coffee break. this means a lot to me

  56. barrycyrus ay nagsasabing:

    haha antaba ni higad

    1. jezong ay nagsasabing:

      hongtobo tobo ngo no hogod. lols

  57. bernardumali ay nagsasabing:

    naku mukhang magkakaroon na ng official mascot ang basura hehehe. iba talaga ang mga ideas mo.

    salamat muli at hanggang sa susunod. gawin mo na ang maikling kwento!

    1. jezong ay nagsasabing:

      opo mascot ng basura with matching DNA and mitochondrion from plants. lol

      ay teka naman. hahaha sige to-follow na ang maikling kwento. hohoho

      thanks kuya bernard sa mga gantong contests. di mo lang alam kung gano mo kami pinapasaya. ayee

  58. Lambing ay nagsasabing:

    panalo nanaman ito

    ang ganda ng kwento pasok na pasok!

    sa katulad kong bata haha

    pasalubong ko galing ng bora ha???

    1. jason ay nagsasabing:

      HAla ate lambing. basta support support mo po ako para manalo hohohohoho

      miss you ate lambing :p

  59. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Nice work here Jason… At crayons na pala ang medium mo ngayon…

    I am recommending my friend’s blog:
    http://carolinescrayons.blogspot.com/

    She did all here entries in crayons… 🙂 Perhaps may makukuha kang mga ideas dito… Sadly, she decided to stop updating her blog…

    1. coolwaterworks ay nagsasabing:

      She did all her* …. wrong grammar tuloy… hehehe…

      1. jason ay nagsasabing:

        bale kuya cool colorpencil po yan. nakita ko lang sa baul. hohoho sige visit ko po.

        thanks po sa pagvisit. 😀

  60. Pilosopo Tacio ay nagsasabing:

    hello po. nakibasa lang.hamster, prens tayo ha. dalaw ka naman sa blog ko.

    1. jason ay nagsasabing:

      nakibasa ka? nag-iwan ka po ba ng piso? joke

      prens kagad? oke. sige dadalaw ako

  61. eloiski ay nagsasabing:

    ay namiss ko ang drawing mo. pero bat hindi siya nakamspaint.
    bakit andito na naman si toge? di ba naging karkter na dati siya sa kwento mo? hakhak!
    anyways. ang ganda ng istorya. naisingit pa talaga ang saranggola. pambata talaga.

    gumagawa din kasi ako ng kwentong pambata. sumuko na ako sa tula. ang dami na kasi. hakhak. pero hutahena lang. pagkabasa ko ng kwento mo, dead na ako. eh medyo pareho kasi ang kwento natin though hindi naman toge ang bida ko. may ano lang monster basura din. kaya pinalitan ko na lang. mahirap na maikumpara kay jasonhamster-sensei. hakhak!

    pero namimiss ko si mspaint. T_T

    1. jason ay nagsasabing:

      nagpahinga lang kamay ko sa kaka click sa mouse sa mspaint eloiski hayaan mo sa susunod mspaint na ulet.

      ay patingen muna ng story mo 😀

      sensei ka dyan

      patingin na ng story mo dali dali hohohoho kmusta na?

  62. bernardumali ay nagsasabing:

    wow ang haba na ng comment. patok na patok.

  63. non-sense etc.. ay nagsasabing:

    galing naman.. napakcreative..

  64. siyetehan ay nagsasabing:

    ayos! matutuwa ang mga batang makakabasa nang kwento mo.

  65. Darwin T. Flores ay nagsasabing:

    maraming salamat sa mensahe nitong kwento.nagamit ko rin kase ito sa clase ko sa filipino 3. ito kase ang aking ginamit na kwento…..

    dapat pahalagahan natin ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagtapon sa tama ng ating mga basura…

  66. Darwin T. Flores ay nagsasabing:

    ang galing talaga ng message sa atin nitong kwento;;;

  67. ianyce ay nagsasabing:

    .,isa na nmang nakapagandang kwento ang nabasa ko ngayun at me aral kang mapupulot., try mu keang icomplie at gawing moduleng mga kwentong pambata ito at yung ibang kwento mo? he he he he. panigurado daming bibili nito. ;p

  68. princess ay nagsasabing:

    oo nga tama kailangan matuto taung mag tapon ng basura sa tamang basurahan kc babalik at babalik sa atin iyon,,malaking pangaral itong maikling kwentong iyon sa mga bata .. 😉

  69. maryjade ay nagsasabing:

    dapat talagang magtapon sa tamang basurahan dahil babalik at babalik parin ito sayo … haha akin napanaginipan ko kaya yan pero maganda dahil nanatuto ako nung nabasa ko ung maikling kwento .. !! :*

  70. jenesis ay nagsasabing:

    🙂
    🙂

  71. imaw ay nagsasabing:

    alam nio bobo c toge dhil natuto pa cia na itapon un sa tamang basurahan dapAT SA kaLye lNg ..>.<
    :p boboooooooo

  72. imaw ay nagsasabing:

    :p
    :p
    :p
    :p
    haha

Mag-iwan ng tugon sa Ax Pindutin ito para bawiin ang tugon.