Palaging nagtutungo sa kanyang paboritong tambayan si Kerots.

Sa lugar na kung saan maaliwalas.

Tanaw ang dagat, tahimik at payapa.

Dito sya nagpupunta kapag nais nyang magmuni-muni, mag-isip-isip, o magpalipas ng oras.

At nagsimula syang kausapin ang sarili.

Nagbuntong hininga muna si Kerots…
.
.
.


Kerots: Hmmm Bakit ganon sila. Porke ba hindi ako taga-rito, at walang kaibigan, pagtritripan nila ko? Hayst. Ayoko na ngang bumalik doon.

Di nya napansin, may kung anong gumagalaw sa may tubig sa ibaba.



Sa isang iglap, may lumabas sa tubig. Isang… isang… hindi mapaliwanag kung ano sya. Hindi sya normal. Isa syang…


Dregon: Hohoho. Kerots ang pangalan mo diba?

Kerots: Am… Oo. Baket? At baket mo alam pangalan ko?

Dregon: Hmmm Kakaiba ka. Hindi ka natatakot sakin. Ayos ka a.

Kerots: Nyak. Bakit naman ako matatakot sayo? Ano ka ba? Mumu ka ba?

Dregon: Mu-ha-ha-ha. Nakakatawa kang gulay ka. Isa lang naman akong dragon.

Kerots: Dragon? Eh diba sa fairy tales lang yon? Tsaka mga dragon mga “Ferocious” sila. You know. Ferocious. Ay baka di mo alam ibig sabihin non.

Dregon:
Ah ganon…


Dregon: Naniniwala ka na ba Kerots? Hmmmmm?

Kerots: Ok Payn naniniwala na ko. Ikaw na ang dragon. Ammmm Mr. Dragon…

Dregon: Tawagin mo na lang akong “DREGON”. Dregon ang pangalan ko.

Kerots: Ano nga pala pakay mo dito? Bakit ka nandito? Bakit ka dragon? Tsaka bakit apoy binuga mo diba taga tubig ka?

Dregon: Nangingialam ka? Anyway, ikaw talaga ang sadya ko.

Kerots: Sige. Explain.


Dregon: Kasi, gusto kitang maging kaibigan. Napadpad ka sa kagubatan kaya wala kang kauri doon. Puro hayop ang nakapaligid sayo at mga ligaw na halaman.

Kerots: Kaibigan? Ako? Baka nagkakamali ka lang. Wala ngang gustong makipagkaibigan sakin, kaya ako na lang lumalayo.

Dregon: Kaya nga kita gusto maging kaibigan. Ang kulit mo naman. Basta magsimula ngayon magkaibigan na tayo. Baka gusto mong bugahan kita ulit ng matauhan ka?

Kerots: Hahahaha. Napatawa mo ko don a. Wow. Talaga? Wow. Di nga? Hindi na ko mag-iisa.

Dregon: Yan ang gusto ko sayo. Ngingiti ka paminsan-minsan. Masaya ang mabuhay Kerots. Lalo na pag may kasama. Kapag may kaibigan. O siya, aalis na ko. Bukas na lang ulit. Bumalik ka dito at magdala ka ng mansanas. Gusto ko noon eh.

Kerots: Yahey naman. Ok kaibigang Dregon.

Dregon: Ay oo nga pala, basta wag mo lang ipagsasabi na nakita mo ako. Na may Dragon dito. Sekreto lang natin to. Ok?

Kerots: Ay? Baket naman?

Dregon: Basta. O sya ingat.

At naghiwalay na nga ang dalawa. Umuwi si Kerots sa bahay at kumuha ng mansanas para kay Dregon sa susunod na araw. Kinabukasan…


Kerots: Dregoooooooon!!! Nandito na me. Where na you!!! May dala kong mansanas.
Hellllooooooo!!!!!

Inihagis ni Kerots ang mansanas dahil sa pagkainip. Maya-maya ay lumabas na si Dregon.

Dregon: Ang sarap naman ng mansanas… Sobra. Salamat Kerots.

Kerot: Hehehe. Marami pa ko nyan.

At nagkwentuhan ang dalawang magkaibigan…

Dregon: Sumakay ka na sa likod ko.

Kerots: Huh???

Kerots: Huwaw!!! Ang sarap sarap!!! Wag kang lulubog malulunod ako! Hahahaha!!!

Dregon: Ahh ganon!! Hohohohoh Eto na ko!!! Lulubog na tayo!!!

At naglaro sa tubig ang dalawa. Lumubog, lumitaw, bumilis, bumagal, at nagpasirko-sirko pa. Ang saya saya nila. Nagpaalam na ulit sa isa’t isa ang magkaibigan.

Halos araw-araw nagkikita ang dalawa, nagkwekwentuhan, naglalaro. Nagbago na ang dating malungkuting Kerots. Masiyahin na sya ngayon at puno na ng pag-asa.

Isang araw, habang pauwi si Kerots,


Sawa: Hmmmmm.. Eto na pala si Kerots, ang gulay na weirdo.

Suso: Honga. Freak talaga yan tignan mo nakangete pa.

Linta: Hoy Kerots! Loser ka talaga. Wala kang friends!

Kerots: Anong pinagsasasabi nyo? Walang friends? Hohohoho Baka mainggit kayo pag nalaman nyo sino friend ko!!!

Sawa: Sino ba friend mo?

Suso: Sino? Bakit kami maiinggit?

Linta: Siguro nakahanap na sya ng isa pang Kerots. hohohoho

Kerots: May kaibigan lang naman akong dragon. Oha oha.

Sawa: Wehhhh? Di nga? Asan? Asan? Wow. Ipakilala mo naman kami.

Suso: Kapag nakita namin yang dragon na yan, baka isama ka na namin sa circle of friends namin.

Linta: Oo nga. Excited na ko makakita ng Dragon!

Kerots: Sige puntahan natin ang kaibigan kong si DREGON bukas.

Kinabukasan, nagkita-kita sila Kerots, Sawa, Suso, at Linta sa lugar na madalas tambayan ni Kerots. Inantay nila ang dragon, pero wala. Walang dragon na lumabas. Naghagis pa ng mansanas si Kerots. Pero wala talaga.


Sawa: Tatlong oras na tayong naghihintay. Ano ba?

Suso: Niloloko lang ata tayo nitong Kerots na to eh.

Linta: Sayang lang oras natin ano ba to…

Kerots: Totoo si Dregon! Totoo sya!!! Baka natutulog lang.

Sawa: Ayoko na!!! Eto sayo!!!

Sabay sabay na ginulat ng tatlong mokong si Kerots at…


Nahulog sa tubig si Kerots. At sya namang tawanan ng tatlong mokong. Umalis na sila at iniwan na doon si Kerots.

Kerots: Ano ba tong nangyayare saken? Asan ba si Dregon? DREGGGOOONNN Nasan ka na ba!!!!

Maya-maya lang ay umahon sa tubig si Dregon, at pasan-pasan na nya si Kerots.


Kerots: Bakit? Dregon! Bakit? Bakit di ka lumabas kanina? Napahiya na nga ako, nalaglag pa ko sa tubig. Ang daya mo!!!

Dregon: Tahan na kaibigan, huwag ka ng umiyak.

Kerots: Ikaw kasi…

Dregon: Makinig ka. Diba sinabihan na kita noong una pa lang, na huwag mong ipagsasabi sa kahit kanino tong tungkol sa akin?

Kerots: … Sorry.

Dregon: Nagtiwala ako sayo na isesekreto mo lang to. Pero nagpaapekto ka sa mga yun.

Kerots: Sorry na nga. Di na mauulit. Teka, bakit pala ayaw mong ipaalam sa iba ang existence mo?

Dregon: Existence? Haha! Kasi kasi…

Kerots:
Kasi ano? Bakit mo ko tinatawanan?

Dregon: Hindi. Kasi…

Ikaw ang may gawa sa akin. Parte lang ako ng sarili mong mundo.

Kerots: Hala!

About jason

walang clue. nak ng

128 responses »

  1. Tsi ay nagsabing:

    Base!!!!!! Ako ba? Yayks

  2. kayedee ay nagsabing:

    naunahan ako ni kuya tsi.. second base!๐Ÿ™‚

  3. meliza catedral ay nagsabing:

    2nd base!yehey.. ganda ng kwento bunso..tungkols sa pagkkaibigan..the best bunso..ang cute ng istory…

  4. Leemi ay nagsabing:

    Ang ganda..

    pero di ko lam kung tama pagkaintindi ko.. :))

    minsan sa sobrang pag iisa,, nagkakaron tayo ng imaginary fwends.. pero tayo rin yun.. parang alter ego, nabuo sa subconsciously or binuo natin talaga in some way na di natin napapansing kinakausap na natin sarili natin.. parang engot lang minsan pero kahit sino siguro or lahat tayo siguro alam yung ganitong moments kasama yung ibang senses na tayo rin ang bumuo.

    • jason ay nagsabing:

      haahahaha walang mali sa pag iintindi ng gawa ko.. kung ano po pagkakainterpret mo, yon na yon! hohohohoho

      halos lahat tayo dumadaan sa ganyang situation. yung iba in denial lang. haha

      pero masaya may ganyan no?

  5. kayedee ay nagsabing:

    ayy gnun? pde dn ba akong gumawa ng sarili kong coco martin at enchong dee๐Ÿ™‚

  6. telorie ay nagsabing:

    ala may imaginary friend si kerots๐Ÿ™‚

  7. toni ay nagsabing:

    mainam bunso na ung tema ng yong pagkukuwento at gamit ng mga salita ay naaayon sa kasalukuyan.

  8. beeftapa ay nagsabing:

    hahaha! sleng sila. kerots at dregon.

  9. batanglate ay nagsabing:

    Una. nalilinlang ako sa mga gumagalaw na nilalang sa sidebar mo. haha. lalo na si dudong. isolovehim!! =))
    Pangalawa. natatawa ko sa mag expression nila. merong hohoho at meron pang oha oha. hang galeng mo talaga kuya jason! wahahha
    At pangatlo. ang ganda ng kwento. kinilabutan ako sa katapusan. oo ganon ako kababaw. pero totoo, ang ganda talga. walang kupas! hehe. =p

    • jason ay nagsabing:

      hahaha karas m na si dudong daga? ang cute nya sumayaw no hahahaha

      hohohoh <— parang pamilyar ba yang tawa na yan hahaha

      thanks nagustuhan mo gawa ko batanglate.๐Ÿ˜€ more to come more to come.

  10. Joyo ay nagsabing:

    Sa totoo lang minsan kahit sobrang daming nakapaligid na tao sayo pakiramdam natin mag-isa tayo dahil hindi natin magets ang takbo ng mga utak nila, sila din hindi makuha ang tono ng utak mo… hindi ka makasabay sa kanila kaya ang tingin nila sayo iba… kaya minsan mas ginugusto na lang nating makapa-isa at bumuo ng mundong tayo ang nagpapasya kung anong gusto nating eksena.

    payakap nga… nabasa ko yung nakatagong kwento dito anak.

  11. Vajarl ay nagsabing:

    Alam mo ba kung bakit antagal ko tong binasa bago ko matapos? NADIDISTRACT AKO SA NANDIDILANG IPIS ATA YUN SA GILID! Syet!

  12. Vajarl ay nagsabing:

    Leche imaginary friend hampotsa. Haha. Pero mas gusto ko na ren yun kesa sa Linta, Sawa, at Suso. Pero pero may question ako, bat yung mansanas eh binabato bato lang sa dagat pero di umaangal? I mean, si Kerots nagsasalita. Yung mga hayup nagsasalita. Pero si mansanas pagkain lang! Heksplayn!

  13. lio loco ay nagsabing:

    so parang si tyler durden lang pala ‘tong si kerots.

    mapanood nga ule ang fight club. lols!

  14. Pong ay nagsabing:

    namiss ko yung mga ms paints mo ang ganda ng pagkakagawa mo kay dregon, kungrats naman!

    Ibig sabihin gawa-gawa lang ni kerots si dregon, parang tayo din pala minsn.

  15. gogogopowerranger ay nagsabing:

    siguro siguro, may imaginary friend ka din no, jason hamster?

  16. taribong ay nagsabing:

    can relate much hehehehehe

  17. hitokirihoshi ay nagsabing:

    ako may mga kaibigan na tao at mga kakilalang hindi nakikita ng ibang tao. hehehe!

    mahilig kasi akong mag-practice o kausapin ang sarili ko.

  18. Mineas ay nagsabing:

    Ouch, nagulat ako sa ending… hmn.. pero paano nga kaya kung may ganuon nga nuh?, all along akala mo may kaibigan ka, yun pala sa ending malalaman mo, imagination mo lang pala yun…

    gandang story… hindi ko alam kung tungkol ba sa tiwala.. o sa imahinasyon..

    pero mas iisipin ko tungkol sa friendship yung story nito..

  19. Joyo ay nagsabing:

    akala ko ba tatay mo si bomber moran bakit gagawin mong kontrabida???

  20. Ax ay nagsabing:

    Kakapanood mo yan ng human centipede! Pero natuwa naman ako sa istorya.

    Kaso dapat yata hindi dragon yan. Di mo ba naalala yung sinabi ko dati? Yung Lochness Monster. Nakow naman! ;]

    • jason ay nagsabing:

      oo yung lochness monster! hahahaha eh muka din namang dragon yun pag pina-identify mo sa bata!

      ay natanong din yang lochness sa who wants to be a millionaire last week ata. hohoho

      ay oo hawig nga ax!

      • Ax ay nagsabing:

        Hawig na hawig di ba! Kaso walang apoy. Ang ibinubuga niyan ang chocolate-flavored ice cream.

        Nagugutom na ako. Puro tubig lang iniinom ko.

        Kahawig ni Kerots si Ker-i Anderwood.

  21. salbehe ay nagsabing:

    Hindi ko nagets dahil tiningnan ko lang naman talaga ang mga picture. Si Sawa mukhang bulate. HIhihihi. =)

  22. huweng ay nagsabing:

    Magandang kwento, jezOng..

    habang binabasa ko ‘to wala lang.. naguluhan lang ako hahaha joke.
    pero mukha talagang iguana si dregon.

  23. aninipot ay nagsabing:

    yehey! ms paint ulit..hahahaha

    iniisip ko na may parteng ako si kerots, kasi naman isang taon na ko dito pero wala parin akong mahanap na circle of friends… tanging nakakausap ko ay yong housemate ko.

    kahit naman kasi walang ang iba na maging kaibigan ka pero di mo naman gusto ang trip nila, bakit ka sasama, kung di karin lang mag-eenjoy.. kaya gawa ng sariling mundo..walang complications..

    ang galing nito, little hamster ko.

  24. J. Kulisap ay nagsabing:

    Hmmm. Pakikipagrelasyon ito sa kapuwa.
    May nagsosolo, merong mga taong hindi kaya na nag-iisa. Kailangan nila ng mas marami para mas maging strong sila, pero lahat o bawat isa may kahinaan.

    Isa lamang ang panuntunan ko sa pakikipagkapuwa tao. Maging magalang sa kanila anumang antas o kahit sino sila.

    Pwede akong si Kerots, pwede rin akong linta, ahas o ang dragon, pero isa lang ang totoo. Ako si Kulisap

  25. myfilthyroom ay nagsabing:

    shet..akala ko pa naman:Kerots + Dregon = bromance na.. haha..

  26. Traveliztera ay nagsabing:

    HAHAHAHA ang kuletttttt!!!

    Okay, fan na ako hahaha!!!!

  27. Sphere ay nagsabing:

    sabi ko nga ba ganun ang magiging wakas ahahahaha
    ๐Ÿ™‚ Bunsoy!!! em back!!!

  28. duking ay nagsabing:

    kung tama ako,ang moral ng isttorya ay huwag magyayabang na may kaibigan kang dragon kahit walang maniniwala at hindi totoo?

    hehehe!huwag ipagkalat ang sikret.tama ba ko?

  29. night crawler ay nagsabing:

    ngek… loko naman yung twist! parang si barney lang ah! nyahaha.

  30. Monz Avenue ay nagsabing:

    ang galing naman ng storya, kaka-iyak, walang sinabi ang “One More Chance” movie.. hehehe

    so yung part 2 nasa mental si kerots? tama, hehehe joke lang.. ^_^

  31. Pong ay nagsabing:

    siguro dating KING si kerots kasi may korona siyang kulay green

    hohohohoho

    andito na ako

  32. Pong ay nagsabing:

    ganun ba palagay ko kung si kerot ang laman ng basket ni little red riding hood
    malamang kaya may carrot cake ang Red Ribbon

    yehey!

  33. Frankie ay nagsabing:

    Hahahaha… Ano ba yan bossing Pong… Bkit nman naisali si kerot sa Red Ribbon… Pero okay din yan huh… Para may carrot cake na… Sarap kaya nyan…๐Ÿ˜€

  34. blurosebluguy ay nagsabing:

    waaah umiral na naman ang makalikhaing kaisipan ni kua jason…magaling! magaling! magaling!!!!!

  35. geylii ay nagsabing:

    weeee! para palang si mitchii si dregon๐Ÿ™‚ pero mas asteeg sya, kasi un nakakasakay pa sya. next time pala gagawin kong ganun si mitchii . hoho.

    LIKE.:) hi jason

    • jason ay nagsabing:

      hohohohoo <—–

      thanks geylii na appreciate mo tong kwento ko.. yahey,.. gagawan din kita ng gulay character. :))

      • geylii ay nagsabing:

        haha. naisip ko nga pala bakit puro gulay ? haha mahilig ka dun ? napaka lusog mu naman๐Ÿ˜€

        mas naappreciate ko po ang author hahaha!รผ

        kumplikado karakter ko. overall? la kwenta.haha

        merii krismas 100 days to go.โ™ฅ

        • jason ay nagsabing:

          ammm…. ang gulay kasi, bukod sa masustansya, may kaakibat na lesson talaga once na gamitin sya as subject sa mga kwento… oha

          thanks geyli sa support support mo ha.

          aw… sigurado ko ang character mo ay cute at charming. hohohohoh

          merry christmas din geylii!!!

          • geylii ay nagsabing:

            inuuto mu ako.malaki na ko, 20 na ko dina ako naniniwala sa ganun. (pero totoo nga? cute at charming ako?) hahaha

            magtatayo na ko fans club para maging ganap na ang pagsuporta ko sayo.:)

            sinu pa bang gulay ang wala ka? nexxxt na^^

  36. metaporista ay nagsabing:

    siga si kerots amp! “weh di nga?” “Ikaw na ang dragon..”
    hahaha.. imaginary friend pala si dregon.. kewewe nemen si kerots..

  37. dlysen ay nagsabing:

    Enjoy talaga dito… ayus ang mga kwento nang gulay.

  38. Bonbon ay nagsabing:

    hala imaginary friend! ang galing naman ng kwentong to!! na surprise akos a ending! =)

    galing galing…

    ung snail magpapalit daw sya ng pangalan hahah kase hindi daw pambata! lols!!

  39. katrinadanieles ay nagsabing:

    oi kuya jason!๐Ÿ™‚ heheh. ang cute2 ni kerots,parang may pa-maldito effect yung mukha.๐Ÿ™‚ kawawa naman si kerots..:( may pagkabaliw. heheh. pero totoo namn yung sea dragons diba?๐Ÿ™‚

    magandang araw kuya jason,magandang arw din kay kerots at dregon!๐Ÿ™‚ tse kena suso,ahas at linta.hahah as usual, ang cute nung drawings!๐Ÿ™‚

  40. redfieryheart ay nagsabing:

    anak ng batengteng e me kilala akong gaya ni kerots a, anyway walang basagan ng trip, dun siya masaya e di keri niya.

  41. เฒž badet เฒž ay nagsabing:

    ganda naman ng message๐Ÿ˜€ hihi
    minsan ganun din ako. may mga imaginary friends (ay lagi pala.) ahaha

    Sila lang kasiang nakaka-intindi saken sa kung paanong paraan ko gustong maitindihan๐Ÿ˜€

    hindi halatang mahilig ka sa gulay๐Ÿ˜€

    hehehe

    be blessed

    MOA

  42. kaye ay nagsabing:

    hala talaga! hay… ikaw na ang maging kerot na may imaginary friend! ano nga bang movie yun ni johnny depp? yung secret window. hehe. imagination lang pala lahat…

  43. Approximately 65 percent of young children befriend imaginary companions, and nearly one-third continue to play with them through age 7, new research shows.

    However, Many children outgrow imaginary friends early in life.

    Dr Paula Bouldin of Deakin University shows that children with imaginary friends also tend to have more “mythical content” in their dreams. They spend more time daydreaming and have an ability to “almost … see and hear the contents of their daydream in front of them”.

    Imaginary friends function as sort of “super peers” or the “perfect playmate.” they can also be a sign of emotional disturbance. There are some cases in which children have those companions because they might be lonely, distressed or unable to put into words things that are concerning them.

    But in some cases an imaginary friend can emerge in adulthood, usually in response to trauma, inability to cope with stress and sometimes psychotic illness.

  44. nova rivera noble ay nagsabing:

    huhu..ganda ng kwento ..grabeh ang tatlong mukong yun ..!! ?? freak talaga sila..!! heheii..ayun tuloy nadala rin ako sa mahinasyon ko ..!!

  45. wahahahhah!!!!!!!!!! Dregon? grabe ung spelling pang 1st honor!!! buwahaaaaha chaka karots kerots? natatawa ako!!!! hihihihihihi!!!!!!!! ko din sana may friend na dregon! ^_^

  46. […] Ang Istorya ni Kerots <—– i click ang link […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s