Si Kerots

Palaging nagtutungo sa kanyang paboritong tambayan si Kerots.

Sa lugar na kung saan maaliwalas.

Tanaw ang dagat, tahimik at payapa.

Dito sya nagpupunta kapag nais nyang magmuni-muni, mag-isip-isip, o magpalipas ng oras.

At nagsimula syang kausapin ang sarili.

Nagbuntong hininga muna si Kerots…
.
.
.


Kerots: Hmmm Bakit ganon sila. Porke ba hindi ako taga-rito, at walang kaibigan, pagtritripan nila ko? Hayst. Ayoko na ngang bumalik doon.

Di nya napansin, may kung anong gumagalaw sa may tubig sa ibaba.



Sa isang iglap, may lumabas sa tubig. Isang… isang… hindi mapaliwanag kung ano sya. Hindi sya normal. Isa syang…


Dregon: Hohoho. Kerots ang pangalan mo diba?

Kerots: Am… Oo. Baket? At baket mo alam pangalan ko?

Dregon: Hmmm Kakaiba ka. Hindi ka natatakot sakin. Ayos ka a.

Kerots: Nyak. Bakit naman ako matatakot sayo? Ano ka ba? Mumu ka ba?

Dregon: Mu-ha-ha-ha. Nakakatawa kang gulay ka. Isa lang naman akong dragon.

Kerots: Dragon? Eh diba sa fairy tales lang yon? Tsaka mga dragon mga “Ferocious” sila. You know. Ferocious. Ay baka di mo alam ibig sabihin non.

Dregon:
Ah ganon…


Dregon: Naniniwala ka na ba Kerots? Hmmmmm?

Kerots: Ok Payn naniniwala na ko. Ikaw na ang dragon. Ammmm Mr. Dragon…

Dregon: Tawagin mo na lang akong “DREGON”. Dregon ang pangalan ko.

Kerots: Ano nga pala pakay mo dito? Bakit ka nandito? Bakit ka dragon? Tsaka bakit apoy binuga mo diba taga tubig ka?

Dregon: Nangingialam ka? Anyway, ikaw talaga ang sadya ko.

Kerots: Sige. Explain.


Dregon: Kasi, gusto kitang maging kaibigan. Napadpad ka sa kagubatan kaya wala kang kauri doon. Puro hayop ang nakapaligid sayo at mga ligaw na halaman.

Kerots: Kaibigan? Ako? Baka nagkakamali ka lang. Wala ngang gustong makipagkaibigan sakin, kaya ako na lang lumalayo.

Dregon: Kaya nga kita gusto maging kaibigan. Ang kulit mo naman. Basta magsimula ngayon magkaibigan na tayo. Baka gusto mong bugahan kita ulit ng matauhan ka?

Kerots: Hahahaha. Napatawa mo ko don a. Wow. Talaga? Wow. Di nga? Hindi na ko mag-iisa.

Dregon: Yan ang gusto ko sayo. Ngingiti ka paminsan-minsan. Masaya ang mabuhay Kerots. Lalo na pag may kasama. Kapag may kaibigan. O siya, aalis na ko. Bukas na lang ulit. Bumalik ka dito at magdala ka ng mansanas. Gusto ko noon eh.

Kerots: Yahey naman. Ok kaibigang Dregon.

Dregon: Ay oo nga pala, basta wag mo lang ipagsasabi na nakita mo ako. Na may Dragon dito. Sekreto lang natin to. Ok?

Kerots: Ay? Baket naman?

Dregon: Basta. O sya ingat.

At naghiwalay na nga ang dalawa. Umuwi si Kerots sa bahay at kumuha ng mansanas para kay Dregon sa susunod na araw. Kinabukasan…


Kerots: Dregoooooooon!!! Nandito na me. Where na you!!! May dala kong mansanas.
Hellllooooooo!!!!!

Inihagis ni Kerots ang mansanas dahil sa pagkainip. Maya-maya ay lumabas na si Dregon.

Dregon: Ang sarap naman ng mansanas… Sobra. Salamat Kerots.

Kerot: Hehehe. Marami pa ko nyan.

At nagkwentuhan ang dalawang magkaibigan…

Dregon: Sumakay ka na sa likod ko.

Kerots: Huh???

Kerots: Huwaw!!! Ang sarap sarap!!! Wag kang lulubog malulunod ako! Hahahaha!!!

Dregon: Ahh ganon!! Hohohohoh Eto na ko!!! Lulubog na tayo!!!

At naglaro sa tubig ang dalawa. Lumubog, lumitaw, bumilis, bumagal, at nagpasirko-sirko pa. Ang saya saya nila. Nagpaalam na ulit sa isa’t isa ang magkaibigan.

Halos araw-araw nagkikita ang dalawa, nagkwekwentuhan, naglalaro. Nagbago na ang dating malungkuting Kerots. Masiyahin na sya ngayon at puno na ng pag-asa.

Isang araw, habang pauwi si Kerots,


Sawa: Hmmmmm.. Eto na pala si Kerots, ang gulay na weirdo.

Suso: Honga. Freak talaga yan tignan mo nakangete pa.

Linta: Hoy Kerots! Loser ka talaga. Wala kang friends!

Kerots: Anong pinagsasasabi nyo? Walang friends? Hohohoho Baka mainggit kayo pag nalaman nyo sino friend ko!!!

Sawa: Sino ba friend mo?

Suso: Sino? Bakit kami maiinggit?

Linta: Siguro nakahanap na sya ng isa pang Kerots. hohohoho

Kerots: May kaibigan lang naman akong dragon. Oha oha.

Sawa: Wehhhh? Di nga? Asan? Asan? Wow. Ipakilala mo naman kami.

Suso: Kapag nakita namin yang dragon na yan, baka isama ka na namin sa circle of friends namin.

Linta: Oo nga. Excited na ko makakita ng Dragon!

Kerots: Sige puntahan natin ang kaibigan kong si DREGON bukas.

Kinabukasan, nagkita-kita sila Kerots, Sawa, Suso, at Linta sa lugar na madalas tambayan ni Kerots. Inantay nila ang dragon, pero wala. Walang dragon na lumabas. Naghagis pa ng mansanas si Kerots. Pero wala talaga.


Sawa: Tatlong oras na tayong naghihintay. Ano ba?

Suso: Niloloko lang ata tayo nitong Kerots na to eh.

Linta: Sayang lang oras natin ano ba to…

Kerots: Totoo si Dregon! Totoo sya!!! Baka natutulog lang.

Sawa: Ayoko na!!! Eto sayo!!!

Sabay sabay na ginulat ng tatlong mokong si Kerots at…


Nahulog sa tubig si Kerots. At sya namang tawanan ng tatlong mokong. Umalis na sila at iniwan na doon si Kerots.

Kerots: Ano ba tong nangyayare saken? Asan ba si Dregon? DREGGGOOONNN Nasan ka na ba!!!!

Maya-maya lang ay umahon sa tubig si Dregon, at pasan-pasan na nya si Kerots.


Kerots: Bakit? Dregon! Bakit? Bakit di ka lumabas kanina? Napahiya na nga ako, nalaglag pa ko sa tubig. Ang daya mo!!!

Dregon: Tahan na kaibigan, huwag ka ng umiyak.

Kerots: Ikaw kasi…

Dregon: Makinig ka. Diba sinabihan na kita noong una pa lang, na huwag mong ipagsasabi sa kahit kanino tong tungkol sa akin?

Kerots: … Sorry.

Dregon: Nagtiwala ako sayo na isesekreto mo lang to. Pero nagpaapekto ka sa mga yun.

Kerots: Sorry na nga. Di na mauulit. Teka, bakit pala ayaw mong ipaalam sa iba ang existence mo?

Dregon: Existence? Haha! Kasi kasi…

Kerots:
Kasi ano? Bakit mo ko tinatawanan?

Dregon: Hindi. Kasi…

Ikaw ang may gawa sa akin. Parte lang ako ng sarili mong mundo.

Kerots: Hala!

128 Comments Add yours

  1. Tsi ay nagsasabing:

    Base!!!!!! Ako ba? Yayks

    1. Tsi ay nagsasabing:

      Toinks! Imahinasyon lang pala…ang galing mo naman pumili ng kontrabidang friends – isang linta, isang suso at isang ahas na kaibigan..yeah!!!! mga freak! hahahaha

      1. jason ay nagsasabing:

        yahey diko tsi base ka!

        hahaha bigla na lang lumitaw sa isip ko mga kontrabida. dapat kasi ilalagay ko sila max alvarado, bomber moran at mark gil

  2. kayedee ay nagsasabing:

    naunahan ako ni kuya tsi.. second base! 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaahahaha pangalawa ka naman kaye abad. hohohoho

  3. meliza catedral ay nagsasabing:

    2nd base!yehey.. ganda ng kwento bunso..tungkols sa pagkkaibigan..the best bunso..ang cute ng istory…

    1. meliza catedral ay nagsasabing:

      ay mali 3rd base pala ako

      1. jason ay nagsasabing:

        wow

        hahaha thanks ate liz 😀 where you ngayon? hehehe

        1. meliza catedral ay nagsasabing:

          andito pa sa bahay bunso…binoto na kita..mukhang ang daming fans dun ah

          1. jason ay nagsasabing:

            hahaah thanks ate liz 😀 yey thanks sa mga bumoto por me

            wow ano gusto mo kape gatas tsaa kahit ano :))

  4. Leemi ay nagsasabing:

    Ang ganda..

    pero di ko lam kung tama pagkaintindi ko.. :))

    minsan sa sobrang pag iisa,, nagkakaron tayo ng imaginary fwends.. pero tayo rin yun.. parang alter ego, nabuo sa subconsciously or binuo natin talaga in some way na di natin napapansing kinakausap na natin sarili natin.. parang engot lang minsan pero kahit sino siguro or lahat tayo siguro alam yung ganitong moments kasama yung ibang senses na tayo rin ang bumuo.

    1. jason ay nagsasabing:

      haahahaha walang mali sa pag iintindi ng gawa ko.. kung ano po pagkakainterpret mo, yon na yon! hohohohoho

      halos lahat tayo dumadaan sa ganyang situation. yung iba in denial lang. haha

      pero masaya may ganyan no?

  5. kayedee ay nagsasabing:

    ayy gnun? pde dn ba akong gumawa ng sarili kong coco martin at enchong dee 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      pwedeng pwede!!! ilagay mo lang sa cabinet mo para di makatakas. 😀

  6. telorie ay nagsasabing:

    ala may imaginary friend si kerots 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahah ate lorie youre here! 😀

  7. toni ay nagsasabing:

    mainam bunso na ung tema ng yong pagkukuwento at gamit ng mga salita ay naaayon sa kasalukuyan.

    1. jason ay nagsasabing:

      thank you ate mtoni. mas ok diba mas madaling ma adapt. 😀

  8. beeftapa ay nagsasabing:

    hahaha! sleng sila. kerots at dregon.

    1. beeftapa ay nagsasabing:

      ang galing ng twist ah. 🙂

      1. jason ay nagsasabing:

        oo uso eh hohohoho

        ay sang banda ang twist? abangan kita sa tv sa wansapanataym hohoho

  9. batanglate ay nagsasabing:

    Una. nalilinlang ako sa mga gumagalaw na nilalang sa sidebar mo. haha. lalo na si dudong. isolovehim!! =))
    Pangalawa. natatawa ko sa mag expression nila. merong hohoho at meron pang oha oha. hang galeng mo talaga kuya jason! wahahha
    At pangatlo. ang ganda ng kwento. kinilabutan ako sa katapusan. oo ganon ako kababaw. pero totoo, ang ganda talga. walang kupas! hehe. =p

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha karas m na si dudong daga? ang cute nya sumayaw no hahahaha

      hohohoh <— parang pamilyar ba yang tawa na yan hahaha

      thanks nagustuhan mo gawa ko batanglate. 😀 more to come more to come.

  10. Joyo ay nagsasabing:

    Sa totoo lang minsan kahit sobrang daming nakapaligid na tao sayo pakiramdam natin mag-isa tayo dahil hindi natin magets ang takbo ng mga utak nila, sila din hindi makuha ang tono ng utak mo… hindi ka makasabay sa kanila kaya ang tingin nila sayo iba… kaya minsan mas ginugusto na lang nating makapa-isa at bumuo ng mundong tayo ang nagpapasya kung anong gusto nating eksena.

    payakap nga… nabasa ko yung nakatagong kwento dito anak.

    1. jason ay nagsasabing:

      oo nga minsan talaga, kahit alam mong ang dami dami nilang nandyan na sa tabi mo, e di mo pa sila maramdaman. kahit pilitin mong makibagay, parang meron silang sariling shield para ma deflect ang presensya mo. mama magkano bili mo sa mundo mo? ako naka discount ako saken buy one take one pa. hohohoo

      aw nakatago na nga eh. hahahaha joke

    2. beeftapa ay nagsasabing:

      gusto ko ng comment ni joyo.
      hi joyo! 🙂

      1. jason ay nagsasabing:

        gusto ko din. hohohooho oi beef oi

  11. Vajarl ay nagsasabing:

    Alam mo ba kung bakit antagal ko tong binasa bago ko matapos? NADIDISTRACT AKO SA NANDIDILANG IPIS ATA YUN SA GILID! Syet!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahahaah ang kyut nga nung ipis! hahahaah

  12. Vajarl ay nagsasabing:

    Leche imaginary friend hampotsa. Haha. Pero mas gusto ko na ren yun kesa sa Linta, Sawa, at Suso. Pero pero may question ako, bat yung mansanas eh binabato bato lang sa dagat pero di umaangal? I mean, si Kerots nagsasalita. Yung mga hayup nagsasalita. Pero si mansanas pagkain lang! Heksplayn!

    1. lio loco ay nagsasabing:

      may pagka-oc si vajarl pero may punto siya. :p

      1. jason ay nagsasabing:

        haahahah bat ba pinepekeelemen mo si mansanas. imaginary ko din sya eh. hahahaha!

        yan na explanation.. hahahah!

  13. lio loco ay nagsasabing:

    so parang si tyler durden lang pala ‘tong si kerots.

    mapanood nga ule ang fight club. lols!

    1. Vajarl ay nagsasabing:

      Excuse me, ako ang totoong Tyler Durden. Thank you.

      1. jason ay nagsasabing:

        wahaha kuya lio naman e pinag google at wikipedia pa ko kay tyler durden.

        aw ikaw yon vaj?

        1. lio loco ay nagsasabing:

          tae lang. ikaw si tyler durden? gusto ko atang magsuka. wahahaha!

          joke lang vajee. walang halong malisya, pakiss naman jan. *chupachups* muhahaha!

          tingen lahat naman tayo eh may parteng tyler durden sa buhay natin. ayaw lang nating aminin kasi nakakahiya naman talaga ‘yung ganun na sarili mo lang pala kinakausap mo di ba? lols@

          1. jason ay nagsasabing:

            hohohohoho mukang kontra si kuya lio sa pagiging tyler durden ni vaj.

            onga kuya lio, nakakahiya, kaya yung mismong si dregon na nagsabi na wag pagsasabi kahit kanino ang tungkol sa kanya.

            lahat tayo dadaan o dumaan sa ganyan hehe

  14. Pong ay nagsasabing:

    namiss ko yung mga ms paints mo ang ganda ng pagkakagawa mo kay dregon, kungrats naman!

    Ibig sabihin gawa-gawa lang ni kerots si dregon, parang tayo din pala minsn.

    1. jason ay nagsasabing:

      haah thank you pong:D

      oo parang tayo nga.. hohoho

      kmusta naman!!

  15. gogogopowerranger ay nagsasabing:

    siguro siguro, may imaginary friend ka din no, jason hamster?

    1. jason ay nagsasabing:

      hmmmmm power ranger.. hmmmmmm

      wala kong imaginary friend.

      sino you

  16. taribong ay nagsasabing:

    can relate much hehehehehe

    1. jason ay nagsasabing:

      heheeh oha oha

  17. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    ako may mga kaibigan na tao at mga kakilalang hindi nakikita ng ibang tao. hehehe!

    mahilig kasi akong mag-practice o kausapin ang sarili ko.

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahah pareho tayo!!! ako nga pati sila spiderman at ironman kong laruan eh!!!

  18. Mineas ay nagsasabing:

    Ouch, nagulat ako sa ending… hmn.. pero paano nga kaya kung may ganuon nga nuh?, all along akala mo may kaibigan ka, yun pala sa ending malalaman mo, imagination mo lang pala yun…

    gandang story… hindi ko alam kung tungkol ba sa tiwala.. o sa imahinasyon..

    pero mas iisipin ko tungkol sa friendship yung story nito..

    1. jason ay nagsasabing:

      haha ikaw bahala kung anong main o focused aral na mapupulot mo dito.

      oo may tiwala, imahinasyon, pagkakaibigan, at iba pa!! hohohoho

      thanks mineas

      1. Mineas ay nagsasabing:

        magandang post.. yun na lang! haha!!

        1. jason ay nagsasabing:

          haha salamat salamat!!! 😀

  19. Joyo ay nagsasabing:

    akala ko ba tatay mo si bomber moran bakit gagawin mong kontrabida???

    1. jason ay nagsasabing:

      ay psychological tatay ko lang yun!!! kaw ba tanggap mo na asawa mo sya mama?

      1. JOYO ay nagsasabing:

        hahahaha isa lang gusto ko asawa kaso di nya ko matnggap 😆 !

        1. jason ay nagsasabing:

          tanggap ka nya kaya. magbibigay ba sya ng picture at ipinalagay pa sa wallet mo kung di ka nya labs. 😀

  20. Ax ay nagsasabing:

    Kakapanood mo yan ng human centipede! Pero natuwa naman ako sa istorya.

    Kaso dapat yata hindi dragon yan. Di mo ba naalala yung sinabi ko dati? Yung Lochness Monster. Nakow naman! ;]

    1. jason ay nagsasabing:

      oo yung lochness monster! hahahaha eh muka din namang dragon yun pag pina-identify mo sa bata!

      ay natanong din yang lochness sa who wants to be a millionaire last week ata. hohoho

      ay oo hawig nga ax!

      1. Ax ay nagsasabing:

        Hawig na hawig di ba! Kaso walang apoy. Ang ibinubuga niyan ang chocolate-flavored ice cream.

        Nagugutom na ako. Puro tubig lang iniinom ko.

        Kahawig ni Kerots si Ker-i Anderwood.

  21. salbehe ay nagsasabing:

    Hindi ko nagets dahil tiningnan ko lang naman talaga ang mga picture. Si Sawa mukhang bulate. HIhihihi. =)

    1. jason ay nagsasabing:

      hindi rin kita nagets hohohoho

  22. huweng ay nagsasabing:

    Magandang kwento, jezOng..

    habang binabasa ko ‘to wala lang.. naguluhan lang ako hahaha joke.
    pero mukha talagang iguana si dregon.

    1. jason ay nagsasabing:

      naguluhan ka kasi nadistract ka sa ipis na nandidila.

      iguana!!!! hahaha

  23. aninipot ay nagsasabing:

    yehey! ms paint ulit..hahahaha

    iniisip ko na may parteng ako si kerots, kasi naman isang taon na ko dito pero wala parin akong mahanap na circle of friends… tanging nakakausap ko ay yong housemate ko.

    kahit naman kasi walang ang iba na maging kaibigan ka pero di mo naman gusto ang trip nila, bakit ka sasama, kung di karin lang mag-eenjoy.. kaya gawa ng sariling mundo..walang complications..

    ang galing nito, little hamster ko.

    1. aninipot ay nagsasabing:

      i mean..willing ang iba na maging friends ka..typo tuloy…hehe

      1. jason ay nagsasabing:

        yehey.. syempre mspaint talaga dapat 😀 hohoho

        see!! sabi na there is carrot lurking in each one of us. haha

        may point ka, may point din si kerots. kaso magulo nga lang talaga ang ganon. hahaha dagdag pa si dregon

        thanks ate ani ko nagustuhan mo po to

        1. aninipot ay nagsasabing:

          nagustuhan talaga..ganda kaya ng story..saka yong twist sa hulihan, napaisip ako..

          galeng galeng ng little hamster ko.

          1. jason ay nagsasabing:

            thank you ate ani ko. pinaghirapan ko talaga yan eh… dito ko pa sa opis tinapos.. hohohoho

            nakakagulat ba ending?

            1. aninipot ay nagsasabing:

              hindi naman nakakagulat, ang tamang term sigoro ay nag-iiwan ng tanong sa bumabasa.. mapipilitan kang mag-reflect..haha

              1. jason ay nagsasabing:

                ay opo. tsaka di expected.. tama tama!! makakapagreflect. ayun pala hinahanap ko ng term eh..

                pengeng ulalo

                1. aninipot ay nagsasabing:

                  naku! baka kainin si kerots ni ulalo… pag may pakpak na saka ko mamimigay.

                  1. jason ay nagsasabing:

                    sige sige. pero hindi na ulalo name nya pag nagka pakpak sya!

  24. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Hmmm. Pakikipagrelasyon ito sa kapuwa.
    May nagsosolo, merong mga taong hindi kaya na nag-iisa. Kailangan nila ng mas marami para mas maging strong sila, pero lahat o bawat isa may kahinaan.

    Isa lamang ang panuntunan ko sa pakikipagkapuwa tao. Maging magalang sa kanila anumang antas o kahit sino sila.

    Pwede akong si Kerots, pwede rin akong linta, ahas o ang dragon, pero isa lang ang totoo. Ako si Kulisap

    1. jason ay nagsasabing:

      nakakalungkot na may mga taong mahina ang pang intindi sa mga taong kagaya ni kerots ano?

      ay teka ayaw mo si Suso? di mo sya nabanggit. hohohoho

      thanks kuya kulisap sa pagbabahagi

      1. J. Kulisap ay nagsasabing:

        Nakalimutan ko si Suso. Pabiglang basahin,baka iba ang maging kahulugan.

        Ang suso, mabagal pero masarap itong gawing ulam, anong karakter ang pwedeng maitapat sa Suso?

        1. jason ay nagsasabing:

          ay oo.. Dapat ang stress sa pagbasa ay nasa -SO.

          ay di pako nakakatikim ng ulam na suso. inaasinan daw yon o kaya pinapakuluan?

          mmm karakter ng suso? mabagal/tamad/malagkit?

          1. J. Kulisap ay nagsasabing:

            Nabasa mo ba ‘yong Slowdown Culture?

            Will try to find the artics.

            Ang punto lamang, kahit mabagal, may purpose, dahil hindi sa lahat ng oras, kailangang magmadali.

            1. jason ay nagsasabing:

              di ko pa nababasa…

              pero ganon talaga ang pagkakadescribe o pag naihalintulad ka sa suso. parang sa pagong. pag sinabihan ka na pagong… ibig sabihin mabagal ka o tatamad-tamad.

  25. myfilthyroom ay nagsasabing:

    shet..akala ko pa naman:Kerots + Dregon = bromance na.. haha..

    1. jason ay nagsasabing:

      hinde hinde prends lang sila… hohohoho

  26. Traveliztera ay nagsasabing:

    HAHAHAHA ang kuletttttt!!!

    Okay, fan na ako hahaha!!!!

    1. jason ay nagsasabing:

      makulet? saang banda? hi traveliztera. waw hiya naman ako. thanks po

  27. Sphere ay nagsasabing:

    sabi ko nga ba ganun ang magiging wakas ahahahaha

    🙂 Bunsoy!!! em back!!!

    1. jason ay nagsasabing:

      wahahahah bunsoy talaga 😀

      wow kaw lang nakahula ah!!!

  28. duking ay nagsasabing:

    kung tama ako,ang moral ng isttorya ay huwag magyayabang na may kaibigan kang dragon kahit walang maniniwala at hindi totoo?

    hehehe!huwag ipagkalat ang sikret.tama ba ko?

    1. jason ay nagsasabing:

      hahahaha tama syempre kuya duking. one of the precious learnings yan from kerots and dregon. hohohoho

  29. night crawler ay nagsasabing:

    ngek… loko naman yung twist! parang si barney lang ah! nyahaha.

    1. jason ay nagsasabing:

      aw!!! ayoko si barney!!!

      (amok mode)

  30. Monz Avenue ay nagsasabing:

    ang galing naman ng storya, kaka-iyak, walang sinabi ang “One More Chance” movie.. hehehe

    so yung part 2 nasa mental si kerots? tama, hehehe joke lang.. ^_^

    1. jason ay nagsasabing:

      aw part 2.. naikwento ko na sa chat kung ano mangyayari. lol

      ewan wag na lagyan ng part 2!!!

      -popoy

  31. Pong ay nagsasabing:

    siguro dating KING si kerots kasi may korona siyang kulay green

    hohohohoho

    andito na ako

    1. jason ay nagsasabing:

      hinde yon korona pong. buhok nya yon!

      1. Pong ay nagsasabing:

        sorry naman buhok pala yun,
        sorry kerots ha napagkamalan kong korona.

        pero mukhang korona talaga eh. ahahaahah

        ok buhok yun, baka instyle lang sa gel di ba?

        1. jason ay nagsasabing:

          bangs nya talaga yon, naka brush up lang pong.kulay green kasi… kakualy ng utak nya. hohohoho

          1. Pong ay nagsasabing:

            ok sige bangs na kung bangs
            pero mukhang korona talaga ahahaah

            pero magaling yung pagkakapaint mo kay dregon, parang pastel paint siya.

            mabubusog ba si Dregon sa isang mansanas? hindi kaya si kerot ay yung wicked step mother lang ni snow white?

            1. jason ay nagsasabing:

              wow talaga? nilawayan ko pa nga yang gawa ko para mag mukang artistic lalo.

              hahaahha si kerot yung laman ng basket ni red riding hood!

  32. Pong ay nagsasabing:

    ganun ba palagay ko kung si kerot ang laman ng basket ni little red riding hood
    malamang kaya may carrot cake ang Red Ribbon

    yehey!

    1. Pong ay nagsasabing:

      bakit wala si kerots sa bahay kubo?

      1. jason ay nagsasabing:

        wala daw kasing tagalog na pangalan si kerots. sleng pe.

  33. Frankie ay nagsasabing:

    Hahahaha… Ano ba yan bossing Pong… Bkit nman naisali si kerot sa Red Ribbon… Pero okay din yan huh… Para may carrot cake na… Sarap kaya nyan… 😀

    1. jason ay nagsasabing:

      huwag nyong pagdiskitahang kainin si kerots. sila suso sawa at linta na lang. hohohohoho hi frankie

      1. Frankie ay nagsasabing:

        Hello Jason.. Salamat sa tugon mo dito sa comment namin nina bossing pong… 😀

        1. jason ay nagsasabing:

          hahahaha walang anuman po yon frankie!!! 🙂

  34. blurosebluguy ay nagsasabing:

    waaah umiral na naman ang makalikhaing kaisipan ni kua jason…magaling! magaling! magaling!!!!!

    1. jason ay nagsasabing:

      hahaha kua jason talaga. kaw ang kuya ko kuya blu 🙂 thank you sobra

  35. geylii ay nagsasabing:

    weeee! para palang si mitchii si dregon 🙂 pero mas asteeg sya, kasi un nakakasakay pa sya. next time pala gagawin kong ganun si mitchii . hoho.

    LIKE.:) hi jason

    1. jason ay nagsasabing:

      hohohohoo <—–

      thanks geylii na appreciate mo tong kwento ko.. yahey,.. gagawan din kita ng gulay character. :))

      1. geylii ay nagsasabing:

        haha. naisip ko nga pala bakit puro gulay ? haha mahilig ka dun ? napaka lusog mu naman 😀

        mas naappreciate ko po ang author hahaha!ü

        kumplikado karakter ko. overall? la kwenta.haha

        merii krismas 100 days to go.♥

        1. jason ay nagsasabing:

          ammm…. ang gulay kasi, bukod sa masustansya, may kaakibat na lesson talaga once na gamitin sya as subject sa mga kwento… oha

          thanks geyli sa support support mo ha.

          aw… sigurado ko ang character mo ay cute at charming. hohohohoh

          merry christmas din geylii!!!

          1. geylii ay nagsasabing:

            inuuto mu ako.malaki na ko, 20 na ko dina ako naniniwala sa ganun. (pero totoo nga? cute at charming ako?) hahaha

            magtatayo na ko fans club para maging ganap na ang pagsuporta ko sayo.:)

            sinu pa bang gulay ang wala ka? nexxxt na^^

  36. metaporista ay nagsasabing:

    siga si kerots amp! “weh di nga?” “Ikaw na ang dragon..”
    hahaha.. imaginary friend pala si dregon.. kewewe nemen si kerots..

    1. jason ay nagsasabing:

      hindi siga si kerots… amm..
      nagtatapang-tapangan lang, hahaha

      oo kahit ako, naawa din ke kerets. hi there

  37. dlysen ay nagsasabing:

    Enjoy talaga dito… ayus ang mga kwento nang gulay.

    1. jason ay nagsasabing:

      salamat dlysen!!! enjoy din ako dito!!

  38. Bonbon ay nagsasabing:

    hala imaginary friend! ang galing naman ng kwentong to!! na surprise akos a ending! =)

    galing galing…

    ung snail magpapalit daw sya ng pangalan hahah kase hindi daw pambata! lols!!

    1. jason ay nagsasabing:

      wahahahahahhaah hinde, sa abogado sya magpaliwanag. basta suso pa din pangalan nya!!!! hahahah

      thanks bonbon

  39. katrinadanieles ay nagsasabing:

    oi kuya jason! 🙂 heheh. ang cute2 ni kerots,parang may pa-maldito effect yung mukha. 🙂 kawawa naman si kerots..:( may pagkabaliw. heheh. pero totoo namn yung sea dragons diba? 🙂

    magandang araw kuya jason,magandang arw din kay kerots at dregon! 🙂 tse kena suso,ahas at linta.hahah as usual, ang cute nung drawings! 🙂

    1. jason ay nagsasabing:

      hi katrina danieles thanks ah 😀 babalik ka

      si kerots eh medyo maldito nga wahah pero sa muka lang naman

      salamat nagustuhan mo to

  40. redfieryheart ay nagsasabing:

    anak ng batengteng e me kilala akong gaya ni kerots a, anyway walang basagan ng trip, dun siya masaya e di keri niya.

    1. jason ay nagsasabing:

      opo. hahaha at maraming kagaya ni kerots. nasa tabi- tabi lang 🙂

  41. ಞ badet ಞ ay nagsasabing:

    ganda naman ng message 😀 hihi
    minsan ganun din ako. may mga imaginary friends (ay lagi pala.) ahaha

    Sila lang kasiang nakaka-intindi saken sa kung paanong paraan ko gustong maitindihan 😀

    hindi halatang mahilig ka sa gulay 😀

    hehehe

    be blessed

    MOA

    1. jason ay nagsasabing:

      sige papakilala kita kay kerots at dregon one of these days 🙂 oha oha

      MOA din hohohohoho

      😉

  42. kaye ay nagsasabing:

    hala talaga! hay… ikaw na ang maging kerot na may imaginary friend! ano nga bang movie yun ni johnny depp? yung secret window. hehe. imagination lang pala lahat…

    1. jason ay nagsasabing:

      ano po yata yun yung swiney todd ba? yung naggugupet?

      1. kaye ay nagsasabing:

        haha! iba pa ang sweeney todd. hanapin mo yung secret window…kasama si john turturro. 🙂

  43. Approximately 65 percent of young children befriend imaginary companions, and nearly one-third continue to play with them through age 7, new research shows.

    However, Many children outgrow imaginary friends early in life.

    Dr Paula Bouldin of Deakin University shows that children with imaginary friends also tend to have more “mythical content” in their dreams. They spend more time daydreaming and have an ability to “almost … see and hear the contents of their daydream in front of them”.

    Imaginary friends function as sort of “super peers” or the “perfect playmate.” they can also be a sign of emotional disturbance. There are some cases in which children have those companions because they might be lonely, distressed or unable to put into words things that are concerning them.

    But in some cases an imaginary friend can emerge in adulthood, usually in response to trauma, inability to cope with stress and sometimes psychotic illness.

    1. kaye ay nagsasabing:

      there’s a movie about this ah…yung kay robert de niro. title is hide and seek. 🙂

      group hug, fads!

  44. nova rivera noble ay nagsasabing:

    huhu..ganda ng kwento ..grabeh ang tatlong mukong yun ..!! ?? freak talaga sila..!! heheii..ayun tuloy nadala rin ako sa mahinasyon ko ..!!

  45. нєℓℓσ кιтту ay nagsasabing:

    wahahahhah!!!!!!!!!! Dregon? grabe ung spelling pang 1st honor!!! buwahaaaaha chaka karots kerots? natatawa ako!!!! hihihihihihi!!!!!!!! ko din sana may friend na dregon! ^_^

Mag-iwan ng tugon sa jason Pindutin ito para bawiin ang tugon.