“…at si Dregon pala, ay gawa lang ng imahinasyon ni Kerots.” Ang pagtatapos ng kwentong pambata ni Aling Celing sa kanyang anak na si Cocoy.

Bakit ganoon? Wala syang mga kaibigan pero nakakagawa sya ng Dragon?” Ang sambit ni Cocoy.

Wala kasi syang kaibigan. Ikaw anak, minsan maglalabas ka naman para magkaroon ka ng mga kaibigan. Sige ka. Makakakita ka rin ng dragon. Hehe” Ang bahagyang pananakot ng mama ni Cocoy na si Aling Celing.

Mama, kontento na ko dito mag-stay sa kwarto ko. Ang dami-dami ko ng toys oh. Ano pa bang hahanapin ko?” Katwiran ni Cocoy.

O sya, sya, sya. Matulog ka na at papasok ka pa bukas” At pinatulog na nga ni Aling Celing si Cocoy sa pagtatapik at paghimas ng likod nito.

Lumipas ang mga araw, si Cocoy, walang mamatupag sa kanyang kwarto kundi ang maglaro ng kanyang mga laruan. May mga tau-tauhan, baril-barilan, kotse-kotsehan, dino-dinosauran, at iba pa.

May napapansin ang kanyang mama. Mabilis pala itong magsawa sa mga laruan kaya pabili ng pabili.

Nalalapit na pala ang kaarawan ni Cocoy.

Mama, mama, bili mo ko ng PSP. Sawa na ko sa mga laruan ko eh.” Pagpapacute ni Cocoy sa kanyang mama.

Anak… gusto mo ba talaga iyon? Mamaya magsasawa ka din doon. Tapos, magpapabili ka na naman ng iba pang laruan.” Malumanay na paliwanag ng kanyang mama.

Eh basta iyon ang gusto ko. Bili mo po ko noon. “ Pagpipilit ni Cocoy.

O sige anak. Sa kaarawan mo, may surpresa ako sayo, ayos ba yon?” Nakangiting sabi ni Aling Celing.

Halos hindi nakatulog si Cocoy gabi-gabi sa pagka-excite nya sa kanyang bagong PSP.
Dumating na ang araw na pmamakahihintay ni Cocoy.

O anak, buksan mo na tong regalo ko sayo. Nakapatong sa mesa.” Itinuro ni Aling Celing ang regalo sa ibabaw ng mesa.

Waw naman. Yehey. Thank You mama!!!” Pasigaw na sabi ni Cocoy habang binubuksan ang regalo.

Thank you… teka… di naman to PSP eh… Saranggola lang to!!! Mama naman!!!” Malungkot na ngawa ni Cocoy.

Agad-agad namang nagpaliwanag si aling Celing. “ Anak, hindi mo kailangan ng PSP. Iyang saranggolang yan ang magiging bago mong laruan. Dadalhin ka nyan kung saan mo gusto. Gagabayan ka nito papunta sa mga pangarap mo. Maiintindihan mo rin yan paglaki mo…

Tok-tok-tok

Oh, teka andito na pala yung mga kapitbahay natin. Inimbita ko sila para sa kaarawan mo. Sige na lumabas na kayo at maglaro nyang saranggola mo.” Nakangiting sambit ni Aling Celing sa anak habang ginugusot ang buhok nito.

Dumungaw sa bintana si Aling Celing. Ngayon lang nya nakita ang anak na may mga kaibigan. Ngayon lang din niya nakitang ganoon kasaya ang kanyang anak. Hindi hamak na masmasaya sya kumapara sa piling ng kanyang mga laruan.

Walang maririnig sa bakuran kundi tawanan at kasiyan ng mga bata. Ngayon ay naiintindihan na ni Cocoy kung bakit saranggola ang iniregalo sa kanya ng kanyang nanay.

Hinding-hindi nya makakalimutan ang kanyang kaarawan sa taong iyon. Bukod sa mayroon syang mapagmahal na mama, nagkaroon sya ng saranggola, at mga kaibigan.

Pagkauwi ng bahay…

I lab you mama“… Biglaang inakap at hinalikan ni Cocoy ang kanyang mama.

Lab you too anak, nagustuhan mo ba ang gift ko?” Sabay akap din at haplos ng buhok ng kanyang anak.

Opo. Dabest ka talaga!” Sigaw ni Cocoy at lalo pang napahigpit ang akap ng isa’t isa.

LIKE this post

About jason

walang clue. nak ng

85 responses »

  1. Joyo ay nagsabing:

    parang nagkaidea ako sa gagawing kwento hihihi… pinalipad mo utak ko nak… ako di ko pa naranansan magpalipad ng kite kahit marami ko kalaro hihihi…

    • jason ay nagsabing:

      yahey. yun yon eh.. matatapos na ni mama ang kanyang entry🙂

      ako din po hindi pa… kahit nga nung school project eh taga sukat lang ako nung pisi at taga sukat ng velocity at acceleration. lol

  2. taribong ay nagsabing:

    waw!!!! (nakanganga hanggang ngayon)

    [note: may screen kaya hindi makakapasok ang anumang bagay na hindi kanais-nais)😀

  3. beeftapa ay nagsabing:

    naks! sequel pala to ni kerots at dregon…
    galing ng kwento ah!🙂

  4. Ax ay nagsabing:

    Inspired by Coco?! Pinasok mo na lahat. Storge and Philia love. Isama na natin ang Agape.

    ;]

  5. lipadlaya ay nagsabing:

    ayos din to… bilis mo talaga kay kuya bern. dapat me award ka… hehehe. ilakad natin yan…

  6. barrycyrus ay nagsabing:

    the best talaga tong mga posts mo🙂

  7. meliza catedral ay nagsabing:

    magaling ka talaga bunso gumawa ka ng kwento.wala ka pa ring kupas pagging writer mo…my lesson na nman.. great post bunso…

  8. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    galing ni jason. tiyak may lulugaran ka sa saranggola awards. di ako excited manalo excited akong makita kayong lhat sa wards night. uy nakalimutan mo akong idagdag sa blogroll mo…

  9. aninipot ay nagsabing:

    paningin ko ikaw si cocoy little hamster ko, gusto mo gawan kita ng sobramg daming sarrangola, para madami karing friends… magaling si ate ani gumawa ng saranggola..😀

  10. joan ay nagsabing:

    Si Coco-y!! hahaha. galeng galeng! ayos.🙂

  11. Leemi ay nagsabing:

    ….
    pero sana ganyan lahat bg bata… nakakalimutan yung psp para sa mas masayang laro sa labas.. yung maiitakbo nila yung tuhod sa labas..🙂

    galeng BabyJason

  12. kayedee ay nagsabing:

    ang galing jeson..
    naku kelangan nako bgyan ng saranggola ni mama kc wala na kong gnwa kundi tumitig sa komputer! ahahaha..
    ilove ur entry jeson. bgla ako naiingit dahil wla akong entry s saranggola😦

    • jason ay nagsabing:

      ahahay… oo kelangan mo ngang lumabas at magbanat-banat ng buto! baka maging tokwa na katawan mo pag di ka nagexercise🙂

      gawa ka na ng entry

      thanks a lot kaye abad sa pag aappreciate nitong gawa ko

  13. Pong ay nagsabing:

    ang galing relate na relate si cocoy kay kerots, malamang ginawang pampatulog ni mama niya yun kay cocoy

    tama ang sa isang saranggola nagkaroon ng pagkakataon si cocoy na lumabas at makipaglaro
    gusto ng PSP

    Palipad Saranggola (sa) Parang

  14. Sows ay nagsabing:

    c joyo ba ang mama ni cocoy?

    musta na hamsterman?! may i bother u?

    char.🙂

  15. r.mysterio ay nagsabing:

    Ang cute may karugtong pa plah yun.
    Nice story..

  16. Bon Bon ay nagsabing:

    nakaka drawing kadin pala ng mga tao hihi kala ko puro gulay at hayop lang kaya mo lols! =)

  17. arnie ay nagsabing:

    wow namiss ko yung ms paint na gawa moh hamham…

    naks nman kinareer mo na talaga lahat ng categories ah…

    nice..aylabet!!!
    🙂

  18. Pong ay nagsabing:

    hello kaway tumbling
    PEBA support #18 tirahin na yan
    ahahahah
    salamat pakivote ako
    pakikampanya nadin ahahahah

    pwersahan yan eheheh

  19. Sphere ay nagsabing:

    Bunsoy, super like it! san ako pwede magvote para sayo pwede bang paulit ulit na magvote?…

  20. Pilosopo Tacio ay nagsabing:

    wah, dipa ako nakagawa ng entry ko para dito.
    ang galing mo magkwento kuya jason.

  21. night crawler ay nagsabing:

    at talagang may kasunod pala. hehe. cheesy😛

  22. Pong ay nagsabing:

    Cocoy meron ba kayong coco y jam?
    hihihihi

    kumusta bro jason?

  23. J. Kulisap ay nagsabing:

    Maganda ito.
    Sa mga umuusong online games,nakakalimutan na ng mga bata ngayon ang mga laro ng lahi.

  24. myfilthyroom ay nagsabing:

    Loner talaga si cocoy, napilitan lang sya mkipag-friends kasi nasa pinto na nila yung mga kapitbahay.. haha..

  25. hitokirihoshi ay nagsabing:

    naka naman si cocoy.

    tama ang ginawa ng kanyang mama. as in tamang-tama lang. hindi kinokonsente at binigyan ng saktong solusyon.

    mabuhay ka Tito Jason!

  26. machongbutiki ay nagsabing:

    mwuhahahaha akoy nagbabalik.
    hayun o!!! pareng jason pag nanalo ka pwede bang
    isama mo ko sa pangarap mong makapg bora!!
    oh yeah!!🙂

  27. Choneun ay nagsabing:

    This story sound good. Salamat🙂

  28. sandi ay nagsabing:

    napadaan lang..kamusta?
    ang dami comment.. galing talaga ng imahinasyon mo jason🙂

  29. lio loco ay nagsabing:

    naks! talagang kinakarir ang pagsali sa sba ah! panalo na ‘to, sigurado!

    ako rin jason, sasali. pero sa maikling kwento naman. naghahanap pa ko ng oras para makapagsulat nang maayos. lol!

  30. Pong ay nagsabing:

    Cocoyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!

  31. TDB ay nagsabing:

    you’re character are always interesting.
    anyway, jason i launched an advocacy in my blog called project headshot: R.A.W. i hope you could find the time to check it out and perhaps join! =)
    it would mean a lot and your blog could reach a lot of people! thanks!!😉

  32. TDB ay nagsabing:

    PS. details on my blog =)

  33. Pilosopo Tacio ay nagsabing:

    nice. pang sarangola blog award uli ito. astig mo haster.

  34. kaye ay nagsabing:

    ang ganda ng kwento. hindi mo ba gagawing career ang pagsulat ng mga kwentong pambata? i am proud of you, kapatid ko!

  35. jubertjohn@yahoo.com ay nagsabing:

    hoy pareng hamster, ang ika-limang pinakagwapong pinoy blogero para sa taong ito ay nagbabalik.

    pasensya na ngayon lang ulit nakadalaw ha. medyo busy kasi. pero hayaan mo, tuloy-tuloy na ito. :)))

    musta na ikaw parekoy?

  36. duking ay nagsabing:

    mura na,environment frienly pa!

    jason,payag ka bang palitan ko ang PSP mo ng boka-boka?hindi kasi ako marunong gumawa ng guryon o kahit pa nga saranggolang yari lang sa papel de hapon eh!

    hahaha!ang galing…napagdugtong mo na ang kwento!

  37. katrinadanieles ay nagsabing:

    grabe, ang galing ng transition eh, mula sa parang fictionpapuntang creative fiction,papuntang non-fiction.🙂 galing2!🙂

    sori, ngayon lang ako nakapagbloghop kuya jason..T.T

    gandang araw sayo!🙂

  38. […] katrinadanieles.The_empr3ss. batang istik. livingstain. maskara. forbiddenlei. aboynamedxander. jasonhamster. punlaangpanulat. iheartf. fielsvd. princessnins. kwentotpaniniwalanihitokirihoshi. goyo. […]

  39. jay ay nagsabing:

    ang galing galing :))

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s