Tiktilaok!!! Tiktilaok!!!
Cock-a-doodle-doo! Cock-a-doodle-doo!


Alas 5 ng umaga, Tumitilaok na kaagad
si Manok para manggising.

Pero para sa iba, ito ay pambubulabog.



Zzz…. Zzzz… ZzzzZZz….

.
.
.


Patatas: (HIKAB) Ang aga-aga ang ingay-ingay!!! Grabe namang manok na yan kung maka-ungol!!! Grrrrr. Pano ba titigil yan… Batuhin ko kaya ng sneakers ko.



Gagamba: Araw-araw naman syang ganon eh. Hindi ka pa ba nasasanay?

Patatas: Hindi kasi nakokompleto tulog ko.

Gagamba: Ahhh ganon ba…


Manok: Tiktilaok!!! Isa pang Tiktilaok!!!

Patatas: Grrrr… HOY MANOK ANG INGAY MO!!! MAGPATULOG KA NAMAN!!!

Narinig ni Manok ang reklamo ni Patatas… Nalungkot ito ng bahagya…

Araw-araw ganito ang nangyayari. Tilaok ng tilaok si Manok araw-araw, at araw-araw ding nagrereklamo si Patatas.

Dumating ang araw na wala pang alas singko ng umaga, tilaok na ng tilaok si Manok.

Mga bandang alas dos pa lang ng madaling araw…



Manok: Tiktilaok!!! Kokorokok!!! ku-ku-ru-ku-ku…

Medyo umiiba ang tono at boses ng pagtilaok ni Manok. Nagising ang ibang mga hayop at mga gulay sa baryo. Isa na dito si Patatas.



Patatas: Grabe naman talaga oo. HOY MANOK!!! ANG DILIM-DILIM PA!!! ANG INGAY-INGAY MO NA!!! NATUTULOG KAMING LAHAT DITO EH!!!

Pero hindi ito pinansin ni Manok.

Manok: Tiktilaok!!! Kokorokok!!! ku-ku-ru-ku-ku.. ku-ku-ru-ku-ku.. ku-ku-ru-ku-ku.. Tiktilaok!!! Kokorokok!!!

Usap-usapan sa baryo ang pag-iingay ni Manok. Lahat sila ay nagising at nagtaka…

Kinabukasan…

Tahimik ang paligid. Alas otso y media na ng umaga ay tulog na tulog pa rin ang lahat. Nagising si Patatas…



Patatas: (HIKAB) Sarap matulog!!! Teka, bakit walang tumilaok? Asan si Manok?

Gagamba: Wala na si Manok. Kinatay na kahapon.

Patatas: Ganon? Kaya pala madilim pa lang, tilaok na sya ng tilaok. Nalulungkot ako Gagamba. Nalulungkot ako.

Gagamba: Namimiss mo sya no?

Patatas: Oo eh… Bakit naman kasi biglaan… Di man lang sya nagpaalam… T_T

Gagamba: Hayaan mo, gagawa ako ng paraan…

Patatas: Paraan? Anong paraan!!! Sabihin mo saken Gagamba!!! Pano!!

Gagamba: Irerekomenda kong isama ka sa lulutuing Mechado mamaya. You like? Magkakasama kayo dun.

Patatas: Nyewan ko sayo!

Gagamba: Seryoso… May mechado mamaya. At may patatas iyon.

Patatas: Yikes! Tatakas ako! Kelangan ko…

About jason

walang clue. nak ng

108 responses »

  1. lababo ay nagsabing:

    base?

    minsan may gagamba din na napapasama sa mechado ah. di ba?

  2. machongbutiki ay nagsabing:

    wow. base, bagong medium o. anong ngyari sa ms paint?

  3. Ax ay nagsabing:

    ako gusto ko lagi pang third.

  4. Joyo ay nagsabing:

    baka yung gagamba ang may dahil!

  5. Pong ay nagsabing:

    mga chismoso at chismosa ang mga kababaryo ni manok
    at isasahog sa mechado si patatas

    sabi nag nila “we will never miss the water until it’s gone”

    kaya dapat i-treasure natin mga bata ang ating mga friends habang andiyan pa sila, at kung wala naman sila sa Pilipinas, tawagan i-text o kaya naman iemail niyo sila mga bata.

    tapos yung pag-iingay ni manok wake up call kasi yan lalo na sa baryo kaya wag din kayong puputak putak sa kaak tik-tik laok ni manok kanya-kanyang role iyan.

    ok mga bata kakanta tayo ha

    tik-tik laok sabi ng manok
    gising gising batang tulog
    ang araw ay sisikat
    ang bulaklak ay bubuka.

    yey! paalam kids bukas ulit!

    • jason ay nagsabing:

      ayos ka din pong ah!

      talagang naiconnect connect mo sila manok patatas gagamba at iba pa sa buhay natin🙂 nakakatuwa naman.

      teka gusto kong makita pano bubuka yung bulaklak na yan

      • Pong ay nagsabing:

        Action Song yan sa nursery bro jason
        yung ang bulaklak ay bubuka iposisyon mo yung mga daliri mo nakatiklop (kanang mga daliri) tapos yung left hand naman ilagay mo sa mga nakatiklop na daliri tapos unti-unti mong ilulusot parang nagii-sprout lang.

  6. Pong ay nagsabing:

    parang wind vane lang si manok sa taas ng bubong hihihihihi
    baka naman kasi mali yung direksyon niya ng pagtilaok? heheeheh

  7. machongbutiki ay nagsabing:

    wahahah nadala ko sa kwento ah. hahah adik kaya ba ayaw ko kay spider man ksi sutil. hehehe nice twist. hamster!! apir!

  8. Leemi ay nagsabing:

    ahahha.. ayos na usapan.. wawang manok.. kinatay na pala.. si patatas kaya makatakas pa? sarap ng mechado.. papaluto ako bukas🙂

  9. Vajarl ay nagsabing:

    Cock-a-doodle-doo FTW!!

    Wait, pano nag sneakers si Patatas? At pano nya babatuhin? Kamay at paa! Si Spider marame! Haha.

    Mechado! Haha. Pero bakit nga kaya ang hilig tumilaok ng manok sa umaga? Meron kayang unexplainable force sa loob nila na nag uudyok sa kanila tumilaok? Di kaya nila kayang pigilan yon or else matatae sila ng bigtime?

  10. Arnie ay nagsabing:

    ako ang bigaTENg pang sampu..yaiks

    natawa ko much sa suggestion ni gagamba parang nangaasar lang ah..

    pero same with your other post the lesson within is very much appreciated…you’ll know the value of a thing or someone when they’re already gone….tsk tsk..
    🙂

    • jason ay nagsabing:

      sorry teeto arnie. wala napong wowowee kaya invalid na bigaten ka. lol

      si gagamba maloko. may kilala ka bang kapareho nya?

      yun nga eh people come and go. di mo alam when is the time na kelangan mo na palang mag go para mag start ng friendship before it’s too late. at pagiging appreciative oha.

      kainan na ng chicken !!

      onga pala…

      hi there!

      • Arnie ay nagsabing:

        >:p teka parang meron kang pinariringga na pang-asar…

        ako ba yon???? teka chiocken??? inaasar mo ata ako…hmp!!!

        diet muna ako sa chicken ngaun…

        P.S.

        Hello there!!!

        :-p

  11. huweng ay nagsabing:

    tot-tot-tot
    😐 nekeketewe nemen jezong…

    ;)) [hihihi]

    • jason ay nagsabing:

      hohohohho ang sarap ulit-ulitin ah. tot tot tot. isa pa nga. tot tot tot

      p.s. mag-ingat sa manong na may timbang mani sa bus na biglang lilingon at sasabihing… “ang yayabang nyo!”

  12. weng ay nagsabing:

    ur so fanny serrano..
    kumekerloo vonggang vongga!

    woju moja..chenes chenes

  13. aninipot ay nagsabing:

    hahahawa, manghihingi nalang ako ng mechado, teka, may patatas ba talag ang mechado?..hahahaha

    may naalala ako sa manok.. c tulog manok..hehehe

  14. barrycyrus ay nagsabing:

    haha naingayan sa manok eh

  15. livingstain ay nagsabing:

    isama na din si gagamba sa lulutuin, wawa naman si manok, anyway napansin ko na hindi na ata sa computer gawa ang mga drawing mo, parang gawang kamay na, leveling na kay kuya eli.

  16. myfilthyroom ay nagsabing:

    hahaha pano kaya kung lahat ng manok sa pinas eh cock-a-doodle-doo ang sinisigaw at ang mga aso naman eh arf arf arf… haha sowsyaaaaaal…🙂

  17. neil ay nagsabing:

    hehe kakatuwang kwento jason.🙂

  18. -=cuteberl=- ay nagsabing:

    ang babaw ko talaga. napaluha ako dito. siguro masyado lang akong naging emosyonal. tama si kuya pong. mamimis lang natin ang isang tao pag wala na siya sa tabi natin…

  19. Pong ay nagsabing:

    Dapat pala mechado ang taytol nito hihihihi

  20. Sphere ay nagsabing:

    D2 hindi tilaok ng manok ang gigising sayo kundi ang malakas na AAALLLLAAAAHHHHHHH!!! 4:30am yta tpos 5:15 yung isa pang AAALLLLAAAAAHHHH!!! yon babangon nako di na kailangan ang alarm clock malapit ako sa mosque kami ni Arnytwisted ahahahhaa ewan ko lng si Arny kung yon din alarm clock nya ahahahha

    mabalik tayo sa manok Bunso: Noong unang panahon may isang tamad na tamad na patatas ayaw gumising ng maaga kahit anong gawing kagat ni gagamba sa siko nya ayaw tlga gumising. may family business sila Patatas ang ‘karnehan ni Aling Patat” sinunod sa pangalan ng nanay ni Patatas yung pangalan nong karnehan nila.

    Hindi na nakatiis si Jolina gumawa na sya ng hakbang para bigyan ng leksyon ang tamad na si Patatas ‘Hindi pwede ang ganyan na tatamad tamad ka kailangan mong 2lungan ang nanay mo sa pagtinda ng karne sa bayan’ ang sermon ni Jolina kay Patatas pero dedma lng si Patatas kaya umaksyon na si Jolina, nagulat na lng ang baranggay Clinton sa isang umaga may isang hayup na may sunong na kung ano na parang may nilalako dhil sa may sunong sunong ito na paninda. after 24 hours diniklara na missing in action si Patatas at ayon sa DOJ yung hayup na may sunong sunong na parang karne ay walang iba kundi ang bunsong anak ni ALing Patat.

    Napagkasunduan sa Senado sa pangunguna ni Miriam Santiago na tawaging Manok ang naturang hayup at gawing legal ang pagtilaok nya sa umaga para hindi makasuhan ng Obstruction ang kawawang manok🙂

    The End.:-)

  21. J. Kulisap ay nagsabing:

    May kaniya-kaniyang role sa buhay. Minsan badtrip sa iba pero kailangang maitawid.

    Kamusta Oton?

  22. Nortehanon ay nagsabing:

    Hi hamster, salamat sa muling pagdaan sa bahay ko.

    Ang mga kwento mo, unti-unti nang nadadagdagan ang mga character ha. Kung noong una mga kwentong gulay lang na parang gusto kong tawaging The Vegetarian Tales hahaha! Ngayon, may kasama nang mga animals. May sahog na yung mga gulay hahaha!

    • jason ay nagsabing:

      aba syempre naman bibisita ko sayo🙂 oha oha

      una gulay, tas may prutas, tas may hayop, tas may alien. tao naman next at angels and demons😀

      kain tayo ms N

      • Nortehanon ay nagsabing:

        hmn, pati aliens at demons? hay, sumakit na ulo ko sa kaiisip kung anong itatawag ko sa mga serye ng mga kuwento mo hahaha!

        Ay, sori pala sa inihanda kong hamster food para sa yo. Di na mauulit hehehe. Sa susunod mong dalaw, vegetables na lang ihahanda ko para sa yo, tapos sasamahan ko ng prutas at hayo…at alien at tao at sasahugan ko pa ng angels at demons lolz!

  23. ROSE ay nagsabing:

    hello po… pwed p bng mkipg link exchange? kung ok lng… slmt

  24. kayedee ay nagsabing:

    ahahha! takbo patatas! lolz!

  25. Pilosopo Tacio ay nagsabing:

    pagkain ang pumasok sa isip ko nung nabasa ko yong title mo.hehe
    adobong manok na may patatas! type ko yun!pero mechado pala ang kinalabasan. ayos narin.hehe

  26. night crawler ay nagsabing:

    hahaha.. mechado talaga? kawawa naman si manok…

  27. p0kw4ng ay nagsabing:

    ganda ng lesson Jason! isang mabasa basang kiss para sayo!! muahh…

  28. bonistation ay nagsabing:

    waahhaah tapos kang reklamador na manok!! haha!! yare!!!

  29. twistedisme ay nagsabing:

    huli na nama ko😦

    oo nga naman wag malungkot kung pwede namang samahan ni patatas si manok! =))

  30. Pong ay nagsabing:

    luto na ba ang mechado? tomguts na ako bro jason!

  31. poot ay nagsabing:

    Haha, ano ba yun? Akala ko senti, bakit naging mukhang joke sa huli. Haha. Just kidding!

    love you hamster.

  32. shea ay nagsabing:

    nakatikim ka na ba ng sopas na may itlog ng ipis? masarap un.. crunchy.. nyahaha…

  33. shea ay nagsabing:

    at juicy.. hehe

  34. Pong ay nagsabing:

    yung video ba yun? hohohoho

  35. ianyce ay nagsabing:

    adobo! wa he he he srap haluan ng patatas. kagutom hmmmm padaan po🙂

  36. Nortehanon ay nagsabing:

    hi jason, napadaan lang uli para kumuha ng mga gulay para sa niluluto ko. dami mong gulay dito eh haha!

  37. lio loco ay nagsabing:

    nyahaha! ’till death do us part pala ‘tong si manok at papatas eh.

    at bakit hindi ms paint ang mga pekpektyur dito pareng jason?

  38. Richard ay nagsabing:

    wahahaha! ang saya.. manok plus patatas.. sarap nyan.. hehe

  39. Mars ay nagsabing:

    hooops! nakarating din ulit dito, napadpad muli, teka saglit ha, sa mga nagnanais na magkaroon ng saliring portfolio website, ito na yun http://www.orphicpixel.com/premium-accounts-from-wix/

    kumusta naman dito?

  40. zack ay nagsabing:

    ganda nito

  41. kaye ay nagsabing:

    ayan kasi. di man lang pinansin ang pagtilaok ni manok.

    masarap kaya ang mechado? teka bakit di na lang afritadang manok? me mechadong manok pala. hehehe

  42. Tsi ay nagsabing:

    ginutom naman ako sa mechado,why you chose gagamba? hehehe ask lang…

  43. Tsi ay nagsabing:

    Pumasok ba ang comment ko?

  44. idealectra ay nagsabing:

    cute..

  45. eser ay nagsabing:

    shet! ang galing mo talaga!

    hanep! kudos!

  46. bervrein ay nagsabing:

    grrrrrrrrrrrrrrr

  47. ralph ay nagsabing:

    utut kaba?…….bakit kaya kasi you blew me away

  48. ralph ay nagsabing:

    sssssssssssssssssssssssssssssssss

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s