Si Hipon ay nagmumuni-muni, na
kamakailan lamang ay isa sa
mga nakatakas mula sa mabangis
na Pogitang may tahi…

Nakaupo sa isang bato,
napag-isipan niyang bisitahin
ang kanyang matagal ng
nililigawan na si…

Balyena.


.


Hipon: Balyena, mahal kong Balyena, gusto na kasing ano, ammm. Gusto kita kasing maging gelpren. Nabihag mo kasi ng lambat ang puso ko, at nabingwit mo naman ng pamingwit ang katawang dagat ko.

.


Balyena: Ahihihi. Wag ka nga. Wag mo nga akong tinitirada ng mga ganyan-ganyan mo. Marupok lang ako, baka bumigay ako kaagad.

Hipon: Kung ganoon ba eh, may pag-asa ako sayo Balyena kong sexy?

Balyena: Ano ka ba. Ayeee…. Tumigil ka sabi eh… Eto na lang, bibigyan kita ng pagsubok.

Hipon: Kahit ano mahal kong Balyenang may labi ni Angelina Jolie. Hihi.

Balyena: Ahihihihi. Ahihihi…


Balyena: Ano ba… Naman eh… Ayun. Ammm… Kunin mo ang perlas ni Talaba. Gustong-gusto ko kasi ng perlas.

Hipon: Masusunod Miss Byutipul.

At humayo na nga si Hipon at pinuntahan nya si Talaba.


Hipon: Hi Talaba.

Talaba: Err.. Hello Hipon. Anong aten?

Hipon: Ammm Kasi ano, nagsasagawa kasi ako ng project. OPLAN PERLAS MO, LILINISIN KO.

Talaba: Ganon ba? O sige. Pakilinis mo naman tong perlas ko. Nanlilimahid na eh. Amoy malansa na din.

Hipon: Ok!!! Ibabalik ko na lang sya pag malinis na. May iba pa kasi akong lilinising perlas eh. Paalam!!!

Masayang dinala ni Hipon ang Perlas kay Balyena.

.

Balyena: Ang ganda-ganda naman nitong perlas na to. Kay Talaba nga ba galing to?

Hipon: Oo naman. Sinabi ko lilinisin ko lang. Pero sayo na yan mahal kong Balyena. Gawin mo tong hikaw. Bagay sayo.

Balyena: Hmmmmm…. Sige, pero… ammm.. may isa ka pang pagsubok Hipon.

Hipon: Sige lang. Lahat gagawin ko.

Balyena: Gusto ko nung sipit ni Krab.

Walang pag-aalinlangan pinuntahan ni Hipon si Krab.


Hipon: Hi Krab.

Krab: Oh Hipon napadaan ka.

Hipon: May ano kasi ako…ammm. ..ay project kasi ako. OPLAN PALIT SIPIT.

Krab: Ano namang project yan?

Hipon: Bali kukunin ko yung sipit mo. Tapos..

Krab: Ano? Nababaliw ka ba? Bakit yung sipit ko! Hoy!!

Hipon:… Pag nakuha ko na yung sipit mo, papalitan ko ng Golden Sipit.

Krab: Kunin mo tong dalawang sipit ko. Now na!


Hipon: Ayan, dalawang sipit galing kay Krab. Just por you babe.

Balyena: Huh? Pero pano mo nakuha yang mga sipit ni Krab?

Hipon: Kunware kase papalitan ko ng golden sipit. Oha.

Balyena: Ahhh…

Hipon: Oh, naibigay ko na ang perlas at mga sipit mo. Sasagutin mo na ba ko?

Balyena: Ammmm… Ano kasi… Baket mo sinunod yung mga gusto ko?

Hipon: Kasi mahal kita.

Balyena: Kahit mali ang mga gusto ko?

Hipon: Oo. Kasi mahal kita.

Balyena: Kahit may mga masasagasaang tao, kahit wala sa lugar yung mga pinagawa ko sayo kanina?

Hipon: Oo nga. Mahal nga kasi kitang Balyena ka.

Balyena: Mali eh. Nung kinuha mo pa lang yung perlas ni Talaba, nalungkot na kagad ako. Kaya binigyan pa kita ng isang pagkakataon. Yung sipit naman ni Krab.

Hipon: Ganon?

Balyena: Umaasa akong hindi mo yun susundin at mangangatwiran kang mali iyon, o kaya naman iba na lang sana ang ipahanap ko sayo. Yun ang gusto kong lumabas sa bibig mo.

Hipon: Sorry…

Balyena: Pasensya na Hipon, pero di ka pumasa sa mga pagsubok ko.

Hipon: Ok. Si Butanding na lang ang liligawan ko.

Balyena: To naman bilis sumuko. May isa pang pagsubok. Oh, Alam mo na gagawin mo ha. Hihihihi.

About jason

walang clue. nak ng

93 responses »

  1. Arnie ay nagsabing:

    beys si teeto…hohoho

    • Arnie ay nagsabing:

      aw nakakalungkot na dahil sa bulag na pagmamahal nangyayari ang mga masamang bagay at nagdudulot ng di inaasahang resulta…

      hindi lang si Hipon ang may sala sapagkat si Balyena rin ay dapat din masisi…

      ang pag-ibig ay di dapat dumadaan sa mga ganitong pagsubok upang mapatunayan na ito ay totoo at walang halong biro ngunit salungat nga ang ginawa ni Angelina Balyena…

      bagay si Angelina Balyena at si Angelina di spoil brat na magsama gayundin si Hipon at si Yaya…hohoho

      hello there…

      ang haba na ba…teka asan si butanding sino ang kamukha nya??? hahaha

      • jason ay nagsabing:

        base nga si teeto fresh from cam sur!!! hohoho

        wow talagang may explanation si teeto.. ikaw kung papipiliian ka po? sino ang mas matimbang o ang mas lamang sa katwiran kay hipon o kay balyena?

        natawa ko sa angelina balyena at angelina spoil brat mo😀

        si butanding? gusto mo talagang makita? siya ay si..

  2. twistedisme ay nagsabing:

    aysus!!!natawa naman ako ang daming eklat ni balyena hahaha!..

    napaisip ako dun ah..kailangan nga bant patunayan ung love mo sa tao/hayop sa pamamagitan ng pag-subok?

    • jason ay nagsabing:

      si balyena kasi maraming pang pasikot-sikot eh gusto nya rin naman pala nya si hipon waahahahha

      minsan talaga may unexpected pagsubok. pero si balyena, malandi lang. lol joke. may gusto lang sya siguro pigain kay hipon

  3. Joyo ay nagsabing:

    ang lakas ng loob ng hipon ligawan ang balyena! kaloka! nga pala

    BASE!

  4. Joyo ay nagsabing:

    hmmm… pareho silang may point!

    pero napaisip ako sa pangatlong pagsubok… hmmmmmmm… kakatayin ba si butanding?

  5. busyok ay nagsabing:

    haha.akala ko ako una.pagdating ko madami na pala. di ako makabase!

    belib na talaga ako sa hamster. ang bilis makaisip ng mga kwento.

  6. Sphere ay nagsabing:

    Aahahaha ang dami kong tawa kay Balyena may pagsubok subok pang nalalaman🙂 pero may sa bandang kanan,kaliwa, dulo o unahan man may point si Balyena at may point din si Hipon basta parehas sila may point ahahaha🙂

  7. YanaH ay nagsabing:

    natuwa naman ako sa kwento ni hipon at balyena.. sana nga minsan pwedeng marendahan ung pagiging tanga ng mga nagmamahal hehehe

    napadaan lang po..

  8. lio loco ay nagsabing:

    ako lang ba o sadyang iba ang dating sakin ng oplan perlas mo, lilinisin ko?

    pwedeng mag-volunteer? expert ako sa paglilinis ng talaba. ahihihi!

  9. Pong ay nagsabing:

    palpak si hipon sa kanyang mga projects
    epic fail

    naalala ko pag nawawala ka sa sambablog
    parang HAMSTER MO iPATROL MO lang hihihih

    tama nga naman hindi kailan man pagmamahal ang gumawa ng masama sorry naman, hihihihi

    namula ang pisngi nung balyena
    tsaka pagsubok lang pala ni balyena kay hipon yun sana bumili na lang siya sa quiapo mura lang yun, tsaka anong gagawin niya sa pangipit ni krab?

    • jason ay nagsabing:

      honga eh… masyado kasi syang inlab. lahat gagawin nya. pano kung pinamili sya si balyena o ang pamilya anong kahihinatnan non?

      waahahaha may pagsubok talaga si balyena no!

      ay yung pang ipit, iiipit ka daw don pong lol

      wahahhahaha

  10. night crawler ay nagsabing:

    hndi ako masyado natuwa kay hipon! allergic ako sa hipon eh. hehe. pero di din ako natuwa kay balyena, ang dami pang pasakalye eh gusto rin naman pala niya. sus. hehe. peace😛

  11. Ax ay nagsabing:

    Just my two cents.

    In the first place, Balyena shouldn’t have made such test of love to Hipon.

    Mustache?

  12. meliza catedral ay nagsabing:

    hi bunso.! sandito nman ako. tagal ko di nkabisita sa bhay mo..mis ko to ah
    kkatuwa nman ng kwento. bunso.. its test of love.dhil sa pagibig ginawa lahat ni hipon ang mga gusto ni balyena..
    para sa akin kanyakanaya pananaw or diskarte wen it comes sa love.pag love na pinguusapan nggawa natin mga bagay para saa ting mhal na di natin nggawa sa sarili natin..
    pero infairness about namaan lamang dagat ang kwento mo bunso. my favorite. pagkain…my part 2 ba to bunso?

  13. batanglate ay nagsabing:

    Kuya jejeson! haha. hanggaleng galeng mo talaga kahit kelanss.
    Natatawa naman ako kay hipon masyadong pumapag-ibig. haha. at gusto ko yung point ni balyena. hmmmm. may tama sya!
    “Hipon: Oo nga. Mahal nga kasi kitang Balyena ka.”—andame kong tawa dito. LOL. =)) wahahha.napapaisip ako kung ano ang ikatlong pagsubok. hihi.

  14. malikhain ay nagsabing:

    HAHAHA oishi!

  15. davin ay nagsabing:

    wahahaha! anlande ng Balyenang yun. nagbblush pa!

  16. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ito na ang pinakakaaliw na adbentyur Jason.

    Bakit?
    * Nagustuhan ko ang linisan ng “perlas”
    * Uto-uto silang lahat.
    * Malanding malandi ang balyena na may labi ni Angelina Jolie
    * Ang hipon, ang lakas ng loob ligawan ang “higante”, potah..ano ang magiging anak nila?
    *Basta, napressure ako sa linisan ng perlas.

    Ang tao, kapag inaalipin ng pag-ibig, kahit ano, nagagawa, kahit maging kapalit pa nito ay dignidad o buhay, ang mahalaga naipadama ang wagas at tunay na pagmamahal.

    Ang ayaw ko lamang, bakit nagbibigay pa ng pagsubok para lang makuha ang matamis na oo? Lintek lang.

    • jason ay nagsabing:

      di ka makaget ober sa perlas wahahahahahha

      ibig sabihin lang pala, ay makapangyarihan ang lab na yan. it can move mountains din. lol

      yung iba dyang mga babae.. aminin nyo, mahilig kayo mag test ng lab. pinapahirapan nyo kami. hohohohoho

  17. aninipot ay nagsabing:

    gusto ko ding magvolunter ba taga linis ng perlas, este tag-harvest nalang pala… hahaha, para madami na akong magawang pearl earings.

    hmmmm, sususukatin ang pagmamahal,aba! duon nalang sya sa palengke maghanap..walang sense ang sinasabi ko, erase mo nalang little hamster..wahahaha

  18. bonistation ay nagsabing:

    ahahah! astig sa moral lesson! talagang pedeng pede ng pang aklat!! =)

    galing nakakaaliw padin!!

    ** kamukha ni cookie monster si talaba ahihihi!!

  19. Mineas ay nagsabing:

    ahihihi.. natuwa ako sa ending.. hahaha! natatawa pa din ako hanggang ngayun.. kulet lang.

  20. Vajarl ay nagsabing:

    BWAHAHAHAHAHHAHAHAHAA.

    TAWA AKO NG TAWA SA MUKHA NI BALYENA!

    HINDI.AKO.MAKAHINGA.

    BWAHAHAHAHAHHAHAHA!

  21. Vajarl ay nagsabing:

    Wait di talaga ako maka get over. May kamukha syang artista! WAHAHAHAHAHAHAHAHA!

    HAHAHAHAHAHAHAHA!

  22. Vajarl ay nagsabing:

    Wait lang paisa pa.

    BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

    SHET! HEBI! HAHAHAHAHAHA!

  23. Len ay nagsabing:

    ang ganda ng lips ni balyena, pang AJ talaga.. hehehe

  24. kaye ay nagsabing:

    hala. ang adik lang ni hipon. ano yung huling pagsubok?

    tsaka pano naman sila magiging bagay ni balyena, e madaganan lang yan pisak na si hipon e. palagay ko ang susunod na gawin mo a pagsalaminin mo si hipon. baka malabo lang ang mga mata niya.

  25. poot ay nagsabing:

    Haha, naman. Pakipot pa kasi itong si balyena. Pwede naman niyang sabihin na “Sige na, tayo na” ang dami pang satsat. Haha.

    Anyway highway, namatay ba si krab?

  26. metaporista ay nagsabing:

    witwew! pakipot si balyena amp. Gusto rin naman pala si hipon. Kung minsan talaga kelangan mangatwiran at hindi sa lahat ng panahon ay susundin mo na ang gusto ng mga tao. dapat, kapakanan ng mas marami ang iisipin. kawawa naman si krab. Pano na ngayon yun mangsisipit ng pagkain nya. Si perlas naman, bobo bears, tamad maglinis ng sariling perlas. haha

    • jason ay nagsabing:

      kaya nga pano na si krabs? magpapasubo na lang sya ng pagkain sa mga isda. wala na syang mga claws.

      oo importante ang pag-iisip. hindi yung padalos dalos

  27. toni ay nagsabing:

    walang kinikilalang hugis o anyo, kulay at uri..talagang hahamakin ang lahat.

    sana palaging me pagkakataon para itama ang mga pagkakamali.

    • jason ay nagsabing:

      oo tama. hipon at balyena. napaka swak. lol

      sabi nga eh… hindi kelanman naging huli ang pagsisi, at pagtatama ng nagawang mali. ang mahalaga ay natuto

  28. livingstain ay nagsabing:

    sa lahat ng kwento mo ito na ata ang pinaka nagustuhan ko, lalo na yung wakas. tsaka ung muka ni balyenang parang sinuntok nung nagblush ang fufu.

    good job

  29. cheesecake ay nagsabing:

    nagugutom ako…

    nung mabasa ko ito lalo akong nagutom.

  30. eloiski ay nagsabing:

    ang landiii! naman kuya jason hipon at balyena pa ang pinagpair mo. iniimagine ko ang magiging bebi nila. hakhak!

    parang gloves lang na kinuha ni hipon kay alimango ang sipit ah.

    si kuya jason, pumapag-ibig? witwiw!

    *pasingit lang: ANG ULAM NAMIN AY HIPON! HOHOHOHO!*

  31. duking ay nagsabing:

    hohoho!!!idol jeson…ang ganda ng kwentong ‘to.like ko ‘to.totoong nangyayari ito sa sangkaragatan at sangkalupaan.

    at ang mga paghahambing na ginawa mo,napakaaaaaaa…pakaaa…pakaaaa-husayyy!!!

    1.bulag ang pag-ibig
    2.ginagawa natin ang lahat kung nakararamdam tayo ng pag asa
    3.at ganun na lang isuko kung wala nang maaasahan.

    ang galing!like na ‘to!

  32. coolwaterworks ay nagsabing:

    I am back at last! Pahamak ang fesbuk! hehehe…

    Medyo malandi si Balyena… hehehe…
    Bulag ang pag-ibig ni Hipon…🙂
    Ngunit parang mali naman ang mga pagsubok ni Balyena… Ang pagsubok niya ang nagbuyo kay Hipon para gumawa ng masama…😦

    At hindi pambata ang kwentong ito… Pero all thumbs up for your painting skills!🙂

    • jason ay nagsabing:

      yehey thank you kuya mark sa mga pointers. ayan kasi fb ng fb. ako nga din po dahil sa fb di maka updaet masyado.

      wahahahaha

      pambata naman eh :)) (Pinagpipipilitan ko)

      thank you!!

  33. barrycyrus ay nagsabing:

    wow size doesn’t matter! :))

  34. zeb ay nagsabing:

    galing sa mundo ng blogspot … at napadpad dito sa wordpres😀 nice xlink? ok lang ba? peace out😀

  35. LordCM ay nagsabing:

    Pag ibig nga naman, sasagasaan ang lahat masunod ka lamang lolzz kahit na mali sige pa rin!

    Luko-luko rin si balyena enoh, magbibigay pa ng pagsubok eh gusto din naman😀

    napadaan dito, galing sa fb lolzz

  36. athena ay nagsabing:

    ganun tlga ang pag ibig hahamakin ang lahat…heheheh

  37. glentot ay nagsabing:

    Pa-girl naman si Ateng Balyena hahaha si Hipon naman kasi obsessed… ganyan naman mga tao ngayon eh kahit mali dadanasin mapasaya lang ang mga jowa…

  38. Mr. Nonsense ay nagsabing:

    bakit may buni sa pisngi ang balyena? teka, gonorrhea ba yan? ay sus, maluwag na eh may germs pa….pagsinagot si hipon ay amoy bagoong na rin..KADER!

  39. Allen ay nagsabing:

    Wahahaha! Landian to the max! Lecheng balyena at hipon. Ulamin ko kayo e! :DDDDD

  40. preety loco ay nagsabing:

    where is dyesabel…in the story?
    i saw her she is a true mermaid hahhah….ok thats a joke hmmm

  41. joannrock ay nagsabing:

    masaya na ako
    kasi nagustohan
    ko ang kwentong
    ito
    nice!!!!!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s