Dear Jason,

Itago mo na lang po ako
sa pangalang ano.
Wala po akong maisip.
May kwento po ako tungkol
doon sa kaibigan ng kapatid
ng kakilala ng kaibigan ko.

Dear Jason,

Kumusta ka na? Okay lang ako. Ikaw Okay ka lang ba? Ayun nga po, tungkol dun sa kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko. Medyo napansin daw po nya kasi na may eating disorder sya. Sa isang iglap eh lumobo sya at bumochog. Isang Linggo lang eh parang from 130 lbs eh naging 140 something lbs sya.

Madalas makuwento sakin nung kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko na kapag wala syang magawa ay kumakain lang sya ng kumakain. Magbubuka ng ref at maghahalungkat ng makakain. May biskwit, pancit canton, chips, cookies, at iba pa. Mabilis din daw syang kumain sa hapag kainan kaya napaparami ang kain nya. Sabay-sabay kasi dapat sila matapos lahat.

Dumating po ang araw na minsan sa opisina ay napuna ang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko na tumaba daw sya. Ang sabi pa nga daw sa kanya… “Nagvivitamins ka ba? Ang taba mo na ah! Nakakataba nga talaga pag pumasok ka dito sa kumpanyang to” Ang lakas lakas ng pagkakapuna daw nitong huklubang babaeng to na nadinig ng buong department. Nahiya daw yung kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko. Nadepress daw sya ng slight. Mga 5minutes.

Minsan naman ay naikuwento ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko na tuwing tatawid daw sya ng kalye ay medyo nag-aalugan ang mga alaga nyang baby fats. Hirap na rin daw syang mag-stomach-in kasi the whole day nya itong ginagawa.

Alam mo Jason, pinayuhan ko na nga itong kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko na mag-exercise pero di nya magawa. Kasi daw walang time. Sabi ko naman eh time management lang ang kailangan nitong kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko.

Isa pa pala, magpapasko na nga pala, tsaka marami ring paparating na events. Gusto ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko na mawala na ang mga taba nya sa katawan bago sumapit ang mga importanteng dates. Yun lang po. Sana po Jason eh matulungan mo po ang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko.

Lubos na Gumagalang,
Bespren ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan nya

About jason

walang clue. nak ng

67 responses »

  1. myfilthyroom ay nagsabing:

    uhmmmm… base? haha

  2. bino ay nagsabing:

    Try magakyat baba sa escalator para pumayat. O kaya naman eh tumakbo mula alabang hanggang magallanes.

  3. Ax ay nagsabing:

    Bakit ba niya gusto magpapayat?

  4. YanaH ay nagsabing:

    Dear Jason,

    parang feeling ko eh ako lang ung kaibigan ng kaibigan nung kapatid ng bespren ng kakilala mo.. anu daw? amf yun ba yun?! ah basta! hahahaha..

    madalas kong maramdaman na nag-aalugan ang mga nakastore na pananggalang ko sa katawan sa bawat hakbang ko. madalas din na hindi ako nag eexercise, bukod sa abala lang yun sa pag-upo ko sa harap ng taptap eh tamad talaga ako.. pagkatapos isama mo pa yung sunod-sunod na handaan. (kelangan talga madaming okasyon kapag desidido ka ng magpapayat).

    sa tingin ko jason eh hopeless case na ako.. kaya sa tingin ko rin eh ako nga yata yung kaibigan nung kakilala nung kaibigan ng bespren nung kakilala mo. ah ewan!

    pramis mo, kahit mukha akong isang mashobang-mashobang cow, papapicture pa rin tayo ha.. ;))

    **tae nag effort talaga sa comment hahaha**

    • jason ay nagsabing:

      effort nga ate yonoh!!! pero maraming points sa sinabi mo. na di nya dapat problemahin yon diba!!

      eh makulet kasi yon madaling magpaapekto sa mga naririnig nya at mga nakakapunasa kanya. hohohohoho

      maraming salamat po!

      excited na ko papicture with you ate yonoh!!

  5. TARAGIS ay nagsabing:

    awwww!! eto ang effort sa pagretype ng “kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko”

    exercise lang ang solusyon, ok lang naman kumain ng marami basta may regular na exercise walang problema. kamataran un ang problema nya hinid katakawan haha!

  6. glentot ay nagsabing:

    Ang adviseko lang eh ibahin nya ang definition ng mataba para manatili syang payat hahaha

  7. lio loco ay nagsabing:

    dear jason,

    ang taba mo na nga. wag ka sanang magalit. ikaw pa rin naman videoke blogger king na susunod na mapapansin ni kowpra sa iyottube,er…youtube pala. hihi!

    sana ibigay mo na lang ‘yung extrang baby fats mo sakin. :p

    lubos na gumagalang,
    lio \m/

  8. eloiski ay nagsabing:

    ohyes! teka! bagong-bago! mainit-init! pati ang ang blog bagong palit! cute! minimalistic ang dating! teka babasahin ko muna! hakhak!

    • jason ay nagsabing:

      wow kmusta ka eloiski hahahah salamat

      sige lang tmbay ka muna hohoho

    • eloiski ay nagsabing:

      teka lang! pansin ko yung mga oras puro 9:26 ng umaga???? why oh why!

      • eloiski ay nagsabing:

        hutahena lang! napamura ako sa “kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko”! naman eh! kehaba-haba! hindi lang diretsuhin! si ninong jason tinutukoy niya! hakhak! bale malapit na nga pala ang krismas at marami na namang kainan! bobochog na yan ng bobochog! wooo! kain na lang ng kain! mas masaya yun! at dahil nga krismas na… ehem ehem ehem ninong jason, namamasko po! hakhak!

        • jason ay nagsabing:

          wahahahaha walang pakundangan naman tong si eloiski na maka-ninong jason wahahahah

          masarap daw kasing kumain sabi ng Bespren ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan nya!

          wahahahah mangaroling ka lang samin may regalo ka saken

  9. Pong ay nagsabing:

    i-goal set iyan sabihin mo sa bespren ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ni kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan niya. kung hindi naman kaya wag pilitin baka kasi magkasakit magbawas na lang sa kinakain kumbaga imbes na di kumain, kumain na lang ng konti para mas ok.

    o kaya dahil nakaambang ang mga events like krismas parti at nyu yir parti diyan next year na siya magpapayat. isali na lang niya sa nyu yirs resolusyon niya lols

    seryoso na ito, mind-set at goal-set lang yan, kung gusto niyang magpapayat kakayanin niya. =)

    • lio loco ay nagsabing:

      dear pareng pong,

      may bago ka bang post? ayoko kasing mag-comment dun sa latest post mo. pag mga ganiyang usapang kabanalan kasi, nabobobo talaga ko. pramis.

      kaya sori na pag di ako nagkokoment sa mga kwentong kabanalan mo ha.

      walang relihiyon,
      lio

      • Pong ay nagsabing:

        dear boss lio,

        wala pa akong bagong post, nitatamad akong mag-update. oks lang yun alam ko naman orientation mo sa larangan ng pananampalataya kayo no problemo parekoi!

        basta harry potter na harry potter na ako pag-uwi yehey!

        wala ding religiyon,
        pong

  10. Pong ay nagsabing:

    base sa new header!

  11. Yvar ay nagsabing:

    kaibigan –> kapatid –> kakilala –> kaibigan ko ; kanina ko pa tinititigan kung mgakakaanu anu yan… isinulat ko pa sa papel… kung gaanu sila ka related sa isa’t isa: and I realized… hindi naman pala sila magkakakonekta… hahaha!!! weird nuh? but anyway…

    maraming paraan para makapagbawas siya ng timbang, pwede siyang mag lrt instead na taxi. pedeng maglakad.. imbes na sumakay ng lrt… o kay tumakbo na lang… instead na maglakad…

    pwede rin palag maglakad lakad sa loob na lrt habang tumatakbo ito… bakit ko dinagdag ang option na yun?… kase: mahirap maglakad sa loob ng taxi. ganun… try moh!

    • jason ay nagsabing:

      oo bale kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko. ayun. basta sya yun. ayaw magpakilala

      hahaha pano tatakbo sa loob ng lrt. mahuhuli sya ng gwardya!!!

      natawa ko pano maglalakad sa loob ng taxi! salamat sa payo mo sasabihin ko sa kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko.

  12. cheesecake ay nagsabing:

    seryoso ba to?😀

    • jason ay nagsabing:

      seryoso to cheeeeseee cakeeeee😀

      • cheesecake ay nagsabing:

        sorry di ako nakabalik agad…

        kung seryoso to sabihin mo sa… amf ang haba… kung sino man siya:

        DISIPLINA lang ang kailangan niya

        disiplina na magdiet
        disiplina na iwasan ang mga bawal na pagkain
        disiplina na magexercise

        yun lang. alam ko madali sabihin pero mahirap gawin. pero sabi ko nga sa wife ko, kelan mo pa to gagawin? kapag me sakit ka na?

  13. Joyo ay nagsabing:

    naiinis ako sa sumulat… kilala ko ata yan! punjabi!

  14. lababo ay nagsabing:

    Ayaw pa daw aminin kung sino yung mataba. Ayokong sabihin na ikaw yun. Pero may kwento ako. Last week sa isang meeting sa isang resto, itinuro ng teammate ko sakin ang tiyan ko. Umaalog daw. Nangunguyakoy kasi ako. Hoshet. Parang jello.
    Dahil sa pangyayaring ito, mag e-exercise at magda-diet na ako…sa wednesday. Para saktong 1 week mula nung nakita nya ang tyan kong umaalog.

  15. athena ay nagsabing:

    pa liposuction na lng po xa… .. vicky at manny.. pile lng xa… hehehe

  16. salbehe ay nagsabing:

    Langyang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo yan. Nauulol ako kakabasa sa kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo.

  17. Mon ay nagsabing:

    ahm pinilit ko i-trace yung Bespren ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan! dumugo ilong ko. hmpf!

    anyways pakisabi sa Bespren ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan (breath) mo, humingi ng payo kay kim chiu, try nya yung MWF diet. hehehe

    seriously madali lang yan, make at a point to jog at least 5 minutes a day. kahit sa kwarto mo lang. yung ilocomotor jogging. mas ok din magjogging sa park. di lang ako sure tama ba yang term ko. tapos 20 counts push up everyday. and 20 counts crunches. hahah seryoso yan comment ko ayan!

    • jason ay nagsabing:

      ang galing talaga magpayo ni panyerong mypren basta usapang health at exercise kaya kamuka mo na si taylor lautner eh.

      sige ililista ko sa thickler tong mga sinabi mo at iaabot ko sa letter sender ko

      maraming salamat! hanggang sa muli! paalam!

  18. aninipot ay nagsabing:

    Dear jason,

    pakisabi sa kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo na i-share nya sakin ang ibang fats nya, kung sya namomoroblema pano magpapayat, ako naman problema ang pagpapataba..hahaha

    ang nangangailangan ng fats,
    aninipot

  19. Arnie ay nagsabing:

    takte yang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo…lupet tumibag ng pagkaen…walang duda lalake ng napakalake ang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mong yan….

    siguro need na idare ni teeto ang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo…

    10 lbs in a week?? pwede na siguro yan noh…hohohoh

    pakisabi na lang yang dare ko sa kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo gayundin sa Bespren ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo…

    nalilito na ako….waaaah bahala ka na nga maeksplika sa kanilang dalawa….hohoho

  20. J. Kulisap ay nagsabing:

    Kansern na kansern ang bestriend ng kaibigan ng kapitbahay na naaankan ng kapitbahay na taga-ibang ibayo na kaibigan mo. Kansern na kansern.

    Nagbabawas ako ng timbang dahil nabibigatan na ako. Masakit sa talampakan.

    Mga isang buwan na at medyo may nagbago naman, magaan na ulit sa pakiramdam. heaven
    🙂

  21. Dorm Boy ay nagsabing:

    Ako ata ung tinutukoy hehehe! Waaaa!!!

  22. mangpoldo ay nagsabing:

    wag akong tularan. mataba ako.

  23. toni ay nagsabing:

    Jeson pakisabi don sa kaibigan ng kaibigan mo na kung ayaw nya tumaba lubayan nya pagkain.
    minsan di naman talaga gutom nararamdaman, kundi uhaw kaya dalasan ang paginom at limitan pagkain.

  24. chen ay nagsabing:

    un naman oh hahahaha helloooooooooooooo~ wululung hahaha😄

    hindi na ko marunong magcomment. pano nga ba ulet? haha basta yung regalo namin ni bata ha. omg ka wag wow ulam ibibigay mo samen okey. bale oks na ko kahit candies lang na nasa supot at may pulang ribbon. yehey! merry xmas coco!😀

    ps. namiss ko dito. totoo. :3

    • jason ay nagsabing:

      hi chen im so happy kasi nakakapuslit ka para bumisita dito sa kuya julio mo :))

      thank you

      wahahahahahhaha nyewan ko sayo kung ano ano sinasabi mo at nauwi pa sa xmas gift at coco

      :))

      miss ko na kayo ni joan

  25. ester ay nagsabing:

    tama wag problemahin ang problema ng iba

  26. meliza ay nagsabing:

    haist lagi na lng huli ako sa comment dito bunso..lol..
    tama clang lahat sipag at tiyaga ang kailangan. para mglose ng weight.. bunso dapat kumain ka ng kanin sa lunch pero sa wag gabi na fruits na lng

  27. Leah ay nagsabing:

    Dear Jason,

    Sabihan mo ang bespren ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo na hikayatin niya ang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo na talagang mag exercise. Hindi pwedeng tumanggi.. dahil para na rin sa kanya yun. Kung medyo nahihiya na ang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo nang slight, eh talagang kinakailangan nang magpapayat siya. Kailangang mahalin ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo ang kanyang sarili…

    Eto na lang.. isipin lagi ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo na.. kung hindi naman mahal ng kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo ang kanyang self, eh paano siya mamahalin ng ibang tao? Diba? Kapag mahal na nya ang kanyang self, lumalabas na rin ang confidence nya.. mas okay yun kesa sa lagi maging conscious ang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo sa kanyang figure.

    At dahil nga papalapit na ang pasko, at madami na ring mga okasyon na darating.. eh dapat magkaroon ng disiplina sa sarili ang kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo, para makontrol nya ang kanyang pagkain.

    Yun lang.. pakisabi na lang sa kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo na ito ang aking suhestyon. hehehe.. =))

  28. haven overdose ay nagsabing:

    naku po!!! parang supresang sapok to ah hamster… nahurt much aketch. (biglang tingin sa beltbag) kinokondisyon ko din sarili ko na maging slim na kasi di ko magkasya sa kama, hirap ng gumalaw, pero pagnakahapag na ang pagkain nawawala ako sa wisyo…

    pagsinabi sau ni lolo kulisap ang sekretong malupet ng pagpapapayat i timbre mo agad sakin… kahit mataba ka kyut ka pa rin. (ay oo nga pala di pala ikaw to, pero kahit mataba ka kyut ka pa rin) hohohoho…

  29. Raymond ay nagsabing:

    Perstaym ko pong mapadaan dito. Para kong malalagutan ng hininga tuwing matatamaan ng mata ko yung “kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan ko”. Hahaha!

    Gayunpaman, salamat at itong post mo ang siyang nagpasaya ng malungkot kong araw. Pakipadala mo na rin ang pasasalamat ko sa kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo.😀

  30. duking ay nagsabing:

    total stranger sa madaling salita. kay kulet mong bata!!! hahaha!

  31. doon po sa amin ay nagsabing:

    aliw ang post na ‘to…

    akalain mo, nakarating ang life story ko dito. pag pala di na maitago ang katabaan, nagiging paksa na sa blog -ba’t gano’n? :]

    nakikikulet lang po. panlimang beses ko nang mag-lurk dito sa site mo, jason. ngayon lang ako napilitang humirit.

    tawa ako nang tawa sa kaibigan ng kapatid ng kakilala ng kaibigan mo.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s