Yes. ala-sais na ng gabi.

Derecho sa bandi clock

at intay-intay kasi medyo

maaga ko lumabas.

Time-out ng card!!!

Pagkalabas ko. Nakasabayan kong maglakad ang maraming estudyante.

Putek yan. Parang di ako tumanda.

Ok. Sige. Irerephrase ko.

Putek yan. Parang di ako lumaki!!!

Ang getup ko kasi ay typical maong, puting chucks, white shirt… at beckpeck! peckpeck!

Habang naglalakad akong kasabay ang mga estudyante, nagmuni-muni-muni ako. Umistop ako ng 5 minutes habang naglalakad sila pasalubong at palampas sa akin. Parang sa pelikula lang. Shaks.

Paano kaya kung what if bumalik ako sa school ngayon?

1. Mapeperpek ko ang mga bwakanang-inang algebra at trigonometry subjects. Di ako maglalambitin sa 80-84 na grade sa class card.

2. Gagamitin ko ang aking likas na hidden charm sa mga teacher para sumipsip na neber eber kong ginawa. Bakit? Essential nowadays ang sumipsip sa teacher. pag close ka sa teacher, mataas grade mo! Pero kung matalino ka na sa klase, wag mo ng gawin. Ipaubaya mo na lang samen ang pagsipsip oke?

3. Hindi na ako magpapa-bubully na magbayad ng bente pesos sa paggamit ko ng isang bala ng stapler. Kaya ikaw, Bakulaw na maitim pa sa pwet ng baso kong kaklase nung hayskul… kung nasan ka man ngayon, mastapler sana kamay mo sa itlog mo!

4. Hindi na mangangati ang bibig kong dumaldal kapag may naglilista ng noisy sa one fourth. Tae kasi yang mga tagalista ng noisy. Noisy na pala yon kapag nangalabit ka at sumenyas na kakain. Takte.

5. Sasali ako sa lahat ng kontest na pwedeng salihan. Wala kasi akong self confidence noon. Ngayon naman, sobrang kapal na mukha ko. Pwede na yon. Marami akong kontests na pinalampas. Singing contest, dancing contest, drawing contest, story making contest… Asa naman na mananalo ko ngayon don. Ang mahalaga ay sumali! Tama? Tomoooohh!!!

6. Teka mag-iisp pa ko ng iba… May gagawin pa pala ko. Stop muna dito…

Pero napag-alaman kong… ayaw ko ng bumalik sa school!!!

Ok na kong nagtatrabaho para kumita ng pera. Kumita ng pera para sa kinabukasan ko at para sa kela mommy at daddy pati kela kuya at bunso. Happy ako ngayon. Yun lang.

BRB.

On the first day of Christmas my true love sent to me…

About jason

walang clue. nak ng

59 responses »

  1. Bino ay nagsabing:

    ayokong balikan ang highschool. yun ang saddest part ko eh. hehehehe. loner ako nun. mas ok pa ang gradeschool at kolehiyo sa plm ang saya!πŸ˜€

  2. Arnie ay nagsabing:

    secand base…

  3. Marvin ay nagsabing:

    Ako gusto kong bumalik at ipagpatuloy ang naudlot na pagsali sa vocal ensemble lols..pero minsan nakakatamad na rin. Bakit walang ulo? Peckpeck ka.

  4. Arnie ay nagsabing:

    wow ako parang gusto kong bumalik sa school…kumaen sa canteen…tumambay sa library as in tambay lang ah…hohoho ang ayaw ko lang ang ako ang pagtchecheckin ng mga test paper kasalan ko bang ako maging highest binigyan pa nila ako ng trabaho…takte!

  5. YanaH ay nagsabing:

    ako din… ayaw ko ng ang highschool part ng buhay ko hahahah wala lang.. may masabi lang lol
    talagang payb minits? sure ka? inorasan mo?
    hahahahaha

  6. Dorm Boy ay nagsabing:

    Cguro masaya kang classmate dude namimigay ka ng P20 sa bully. Sa amin mo n lang ibgay ipang treat mo n lang sa amin hehehe!

  7. Pong ay nagsabing:

    masarap mag-aral
    gusto ko ulit magschool
    umamin ka bro jason minsan naiisip mo din sana nag-aaral ka na lang, umamin ka lols

  8. glentot ay nagsabing:

    Ako gusto ko ring bumalik sa school, lalo na sa high school, pahihirapan ko lang yung mga classmates kong shunga-shunga at yung mga maagang mabubuntis naman wawarningan ko.

  9. aninipot ay nagsabing:

    ako din gustong bumalik sa school ulit, wag lang hayscul ayoko nun, mas gusto ko college ulit, pero napagkakamalan parin naman akong hayscul..huhuhu, pero ang masaya madalas pang estudyante parin ang pamasahe ko..πŸ™‚

  10. chingoy ay nagsabing:

    bitter??? hahahah

  11. salbehe ay nagsabing:

    bwakanang-ina. You’re a changed man. Hindi ka na estudyante.

  12. meliza ay nagsabing:

    gusto ko college.. kasi puro gimik kaso walang pera noon limitado.. pero gusto na mgwork kasi wala na kong iisipin na exams at di pagaaral aatupagin ko kundi facebook..wahahah…asan may pera pa akong panggastos kasi my sweldo..
    anong kaya kung ngclasmate taung lahat sa Ublog..cguro ang ggulo natin at saka pagalitan tau ng titser..lol

  13. J. Kulisap ay nagsabing:

    Ako naman baligtad Jason, nasobrahan ‘yata ang exposure ko noong nasa paaralan ako, kaya ngayon mas pinili ko ang mag-isa. Mag-isa talaga…ahahahaha.

    Never akong nabully sa school pero minsan na akong nabully ng bola (baseball) sa nguso ko nong highschool. Dumugo at kumapal ang labi ko. Kaya kung nasaan man ngayon ang nakatama sa aking nguso, wala lang.. Chill ka lang.

    Ahahahaha

  14. mangpoldo ay nagsabing:

    ako nga din e kahit sa tanda kong to gusto kong mag-aral ulit. para makapagbully. hehe

  15. busyok ay nagsabing:

    isa yata sa ayoko nang gawin sa buhay ko e ang mag-aral. hehe

  16. lio loco ay nagsabing:

    haays…buhay-estudyante. kung ako lang papipiliin, gusto kong bumalik sa panahong puro na lang hingi ng allowance at gimik kasama ang barkada ang pinagkakaabalahan. on sekon tot, masarap din ang nagwowork ka na dahil nabibili mo talaga kung ano ang gusto mo.

    pero masarap pa rin talaga ang magbulakbol at maging buhay-estudyante! hahaha!

  17. pusagandanglahi ay nagsabing:

    sabi ng tatay ko dati,”2 dekada lang ang pag-aaral. 5 ang pakikipaglaban sa buhay”

    pero kahit gaano katama at gaano kainspiring, eto pa rin ako..easy go lucky.hahahaha

    -pusagandanglahi

  18. p0kw4ng ay nagsabing:

    ayaw ko ng bumalik sa school..kahit minsan parang masarap!! ang hirap gamitin ng utak…hihihi

  19. barrycyrus ay nagsabing:

    LOL. Nostalgia, I’m feeling it too.:/

  20. Vajarl ay nagsabing:

    Peborits ko ang Algebra at Trigo. Bwahahahaha. Bwahahahahaha. Bwahahahahahaha. Isa pa, BWAHAHAHAHAHAHAHA!

  21. meliza ay nagsabing:

    hate ko ang math physics.. favorite ko filipino at biology..lolz ikaw bunso anong favorite mo

  22. Maldito ay nagsabing:

    fave ko ang trigo at algebra…hmmm…automatic naman siguro yun pag engineering ka..ahahaha..you have to like it, kahit na hindi mo pa gusto….

    wla na akong balak balikan pa sa skul….nagawa ko na kasi lahat..

    siguro kung meron pa yun ay ang dating barkada…no more…no less..

  23. Joyo ay nagsabing:

    ako pinakafave ko yung hayskul ko… kasi dun legal pa ang magpacute! at pwede pang kiligin nang walang pakundangan! mga panahong inosente pa “kuno” ako, yung lahat halos pwede idaan sa biro… na tanging problema mo lang ay hanapin ang value ng x! hintayin ang recess, kabisaduhin ang chemical symbols, kwentahin ang speed at velocity…

    hahaha… kung may babalikan ako sa hayskul life ko ay yung pinatayo ako ng teacher ko sa likod ng classroom… promise di ko hahayaang mangyari ulit yun…πŸ˜†

  24. Chad the Coffeeholic ay nagsabing:

    Wah, ako namiss ko yung high school days ko.

    Naku, eto na naman ako. Muli akong nabuhay mula sa pagkakabaon sa trabaho, so dito na naman ako magpaplug. Me bago na kong site (tingnan mo na lang yung bagong pupuntahan ng pangalan ko Pareng Jason). Pakidagdag na lang sa blogroll mo please.πŸ˜€

    Yung sagot sa tanong mo sa akin dati kung paano magdo-drawing, e gusto kitang turuan kaya lang, saang lupalop naman kita makikita? Hehe. Me bago kong drawing kung gusto mo makita.

  25. BON ay nagsabing:

    ay dpa pala ako naka pag comment dito kasi na redirect ako sa christmas song! =) anyway, naisip ko din yang mga naisip mo parang ang dali lang pala ng mga lessons dati sa school, kung babalikan natin malamang nga ay honor tayo hehe!

    masarap pading mag aral talaga at nakakamiss!!

  26. ianyce ay nagsabing:

    ahahaha parang nasa romantic film ka naman nung begla kang 2megel sa daan aruuuuuuuuuuuuy! hehehe ou noisy na yun alam ko kasi tagalista ako ng noisy at lumilipat ng upuan. ou din, essential na yung sumipsip hanggang mauubusan ng dugo yung teacher mo hahahaha joke tae madaya yung mga teacher na ganyan………hindi ko man lang ngawang sumipsip nuon, masarap ba? hehehehe………..masaya sa skul pero boring ang classe hahahaha math? hay naku nagtodo effort ako jan pumasa lang ayun ahahhaaa….love this postπŸ˜›

  27. Reesie ay nagsabing:

    Gusto ko rin bumalik ng high school. This time, gaya mo, may confidence na rin ako. Sobrang mahiya-in ko kasi noon kaya mga opportunities na pwede ako mag excel pinapalampas ko lang.

    Pero oh well, we can’t really turn back time.πŸ˜‰

    Nice to be back here in your blog.πŸ˜‰

  28. tsina ay nagsabing:

    sarap mag-school. sarap makipag-daldalan sa mga classmates. =)

  29. nielz ay nagsabing:

    Hi! I’ve enjoyed reading your posts.. Nakakatuwa at nakaka relate ako. Xlinks tayo.πŸ˜€

  30. busyok ay nagsabing:

    tao po..asan kana jason?

  31. xander ay nagsabing:

    hey..ang cute at kulit ng blog mo.. nice one.. babalik ulit ako dito para magbasa…

  32. myfilthyroom ay nagsabing:

    ampota.. san ba pede bumili ng beckpeck? hahaha

  33. Sows ay nagsabing:

    stat naman ang pinroblema ko nun. recess lng ang enjoy. haha!

    maligayang pasko ham ham! musta?

  34. Pong ay nagsabing:

    Maligayang Pasko sa iyo bro jason.

  35. hitokirihoshi ay nagsabing:

    ako gusto kong mag-aral pero ibang bagay naman at sa ibang level.masayang balikan yung mga alala na masasaya pero i dont think na kaya o gusto ko pa yung natapos ko ng journey. chuz!

    lambing naman ni Tito! mabuhay!

  36. coolwaterworks ay nagsabing:

    At nagreminisce ang bata… hehehehe…πŸ™‚

    I’ve had good and bad experiences in high school… More bad experiences in college…

    Pero mas gusto kong binabalikan ang high school… Kasi natatawanan ko yung mga kabulastugan kong ginawa nun…

    High school was memorable for me because puro ako gala noon… I have toured the entire region 6 noong high school ako…πŸ˜€ Contest dito, contest doon… Sa dami ng contest, napuno din ako ng tension at pressure kaya di ko na gustong sumasali sa mga pakontes kahi dito lang sa blogosphere…πŸ˜€

    Kungsabagay, kung binalasubas ka nga naman ng taong nagpapaarkila ng sobrang mahal sa stapler, parang di nga kanais-nais na experience yun… Bullied ka pala Jason…

    Ako kasi bullied at the start, pero rumesbak, naging bully rin sa huli… hehehehe…

    Btw, tapos na pala akong maghakot at kakalipat bahay ko lang. Eto na ang bago kong address:

    http://www.travelandsnaps.com

  37. n3tte ay nagsabing:

    i love school….less complications haha..parang mag aaral ka lang…tapos na!!

  38. Jag ay nagsabing:

    Mas gusto ko ang college kesa HS hehehe…maraming favoritism…hndi ko nmn ugali magsipsip…tumitindig balahibo ko sa mga estudyante na gumagawa ng gnun just to survive hahaha…

    Pero sa totoo lng gusto ko pa uing mag aral…kaso walang time at opportunity hays!

  39. Marco Paolo ay nagsabing:

    Natawa ako sa parang di ka lumaki.πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s