Disyembre 24,2010… May isang binatang nakatira sa isang apartment. Mag-isa lang sya dito. Ilang taon na syang SMP. Samahan ng malalamig ang pasko.

Alas Diyes na ng Gabi. Kumuha sya ng Oreo at naupo sa sofa. Tumayo ulit sya at nagtimpla ng gatas na Nido. Naupo ulit sya. Pinindot ang play sa malaking cd player. Tumugtog ang kanta ng The Carpenters.

“Chestnuts… roasting.. on an open fire… la la la la”

At kanyang isinawsaw ang oreo sa gatas.

Nguya, nguya, pikit… Pagdilat nya ay tumingin sya sa bintana. May christmas lights na patay-sindi. Ang ganda-ganda.

Nangangamoy lutong manok… Ay luto na pala ang turkey sa microwave oven! Dali-dalian syang tumakbo bago pa masunog ang turkey.

Kukunin na nya ang turkey ng biglang…

“Jingle bells! Jingle bells! Jingle all the way!!!”

May nangangaroling sa labas. Agad nyang binuksan ang pinto ng apartment at may dalawang cute na bata. Inabutan nya ng tigbente pesos. Pumasok sya ulit para asikasuhin at ihanda ang turkey.

“Last Christmas, I gave you my heart… the very next day… la la la”

May nangangaroling na naman… ay ringtone pala yun ng celphone nya.

“HELLO!!! Hello mama?”

“Hello Ham! Hamishuuuu!!”

“Mama ang korni mo naman hahahah”

“To naman. o kumusta ka dyan?”

Mga 5 seconds na blangko si Ham. Di nya ma explain kung anong nararamdaman. Umupo sa sofa, at hininaan ng kaunti ang Music Player.

“Eto ma. Ok naman. Pero mas ok kung nandito ka.”

“Ang drama naman ng anak ko.”

Natameme na naman si Ham.

“Kelan nga ba tayo huling nagkita?”

“Mama naman eh, fetus pa lang ako di na kita nakita. Mga 22 years na siguro. Ay basta. 22 years.

“Loko mo, fetus? Di kita inabort. Tong batang to talaga puro biro.”

“Mama alam mo ba pag nag wewebcam-chat tayo, nirerecord ko lahat yon. Nakompile ko na nga sa maraming cd’s/ Ipapadala ko sayo mga kopya.”

“Di nga? Na touch naman ako anak. Teka, yung carpenters nga anak patugtugin mo. ”

“Ma, tapos na po kanina. Hahaha. Sige po, patugtugin ko ulit.”

“Chestnuts.. roasting on an open fire…. la la la la”

“Anak, alam mo bang yung mga pictures mo sa facebook, pinapaprint ko. Tapos kinikiss ko yun at inaakap bago ko matulog. ”

“Talaga po mama?”

“Oo naman Ham, anak. Kami nga ni Daddy mo, panay ang pictorial namin dito sa Dubai. Kahit nahihiya sa camera daddy mo, sige pa rin kami. Para lang may maipost sa facebook na yan. Kita mo ba kami?”

“Hehe opo naman. Marami na kong pina frame na pictures nyo dito.”

“Tapos anak alam mo ba, ngayong paskong to, ang saya-saya namin ng daddy mo kase ano…”

Napahaba-haba ang kwento ng mama ni Ham. Halos di nga makasingit ang binata dahil sa bigat ng nararamdamang pagkasabik.

“Mama kelan po ba kayo uuwi?”

Di na napigilan ni Ham ang pagkalungkot. Tuloy-tuloy ng umagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Dinig na dinig ng mama nya ang kanyang pag-iyak at paghikbi.

“Mama. Mama. Mama. Gusto kitang mayakap. Gusto kitang i kiss. Araw-araw hinahanap kita. Lalo na tuwing pasko at tuwing birthday ko. Mama. Mama.”

Halos di maintindihan ng mama ang sinasabi ng kanyang anak dahil sa iyak. Parang nabubulol pa nga.

“Huhuhuhu”

“Tahan na anak. Bumaba ka na sa apartment mo. paparada na namin ni Daddy ang sasakyan. Salubungin mo kami. Surprise!!!”

“Wahhh!!!”

Naihagis ni Ham ang cellphone sa kusina at swak na nashoot sa pwet ng turkey. Tumakbo sya ng matulin pababa ng apartment…

 

MERRY CHRISTMAS!!!

About jason

walang clue. nak ng

39 responses »

  1. meliza ay nagsabing:

    3rd base…kkkaibang kwento bunso… like it…hheheh.. mery christmas bunsooo.. parang ng pangalan mo bunso.. hamster..lol

  2. Jepoy ay nagsabing:

    nice naman.

    Penget gummyworms, baka meron sa balikbayan box.

  3. Bino ay nagsabing:

    buti na lang happy ending!!! naluluha na ko kasi naaalala ko mama ko. sad to say di ko na siya makakasama. siguro sa after life na langπŸ˜€ Merry Christmas JasonπŸ™‚

  4. YanaH ay nagsabing:

    nakakainis ka joson! hahahaha teary eyed na ko eh hehehe..
    at kelangan talagang mashoot sa wetpaks ng turkey ung ngelepowno? adik much ha.. hahahah

    have a meaningful christmas joson!

  5. Vajarl ay nagsabing:

    PUNYETA! Na hook na ko sa madrama dramang storya ni Ham. Nagmamarte much pala. Haha. Pero Jejeson, pwede ka palang writer sa Precious Hearts Romances. Lagyan mo ng konting ganyan at may future ka. Hohoho.

  6. metaporista ay nagsabing:

    tsktsktsk gandang surpresa nun..

  7. toni ay nagsabing:

    meri krismas Jason!

    maya na ko mgbabasa uli.

  8. nielz ay nagsabing:

    Maligayang pasko sayo! Hugs from your friendly neighborhood blogger. Sana masaya ka ngayon.πŸ˜€

  9. batanglate ay nagsabing:

    LOL! haha! Maligayang Pasko kuya Jeson!πŸ˜€
    Galing ng story. walang kupas! =))

  10. Sows ay nagsabing:

    happy holidays!! ingats!πŸ™‚

  11. lio loco ay nagsabing:

    fiction ba ‘to, pareng jason? akala ko kasi ako, mas bata lang ng isang taon. lol!

    meri krismas na lang sa’yo, pre! \m/

  12. lababo ay nagsabing:

    Anyamanyaman naman nun, may turkey.
    Madrama naman ngayon. Epekto kasi yan ng kakatrabaho mo during holidays! Bwahahahaha. Pero srsly, ang lungkot nga siguro having to spend every supposed family occasion without your family. Hindi mo naman pwedeng sabihing sanay ka na, kasi kahit papano andun yung pagkasabik. Pero tae talaga yung shumoot sa pwet ng turkey.
    merry Christmas at hapinyunyir!

  13. athena ay nagsabing:

    merry xmas… ganda nmn ng kwento.. ang ganda din ng surpresa….
    kaya lang anu na nagyari sa celfon ksi na shoot sa puwet ng turkey.. hehehhe

  14. hitokirihoshi jr. ay nagsabing:

    Merry Christmas tito! and Happy New Year.

    talagang supresahan ang drama ang ha!? hehehe

    Mabuhay!

  15. Arnie ay nagsabing:

    di talaga pumasok ung mga unang comments ko,,,hahaha :p

    pashoooot shooot pa kase…toinks

  16. Arkhut ay nagsabing:

    gusto ko to! amkulet. hahaha!
    nakakatats.πŸ™‚

    gusto ko ung last part. hahaha! sayang tung terepono, nashoot sa turkey. akala ko eh nangangamoy sunog na yung turkey. heka, naihain ba yun o tuluyan ng nakalimutan sa microwave?

    *nakikiblogroll lang, may dumaan bang gumugulong na dayami?πŸ™‚

  17. dumpao ay nagsabing:

    jejejeje,,, ag ganda naman ng kwentong ito.. hehehe maraming nakakarelate

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s