Sa aking pagnanais na ipaanod ang damdamin at kaisipan, napagtanto ko na ang pananahimik sa batuhan ay hindi naaangkop sa ganitong kaganapan.

Maaaring bukas o sa makalawa, ako man ay ipaghehele ng hangin, buong buhay ko namang papasanin sa aking likuran ang bigat at pighati.

Minarapat kong pag-isipan ng mabuti. Ang banayad na lamig na dumadampi sa aking balat ay nakatulong para mahaplos ang utak kong kumabig. Kinalabit nya ang damdamin at sya namang bumulong sa mga ugat ng aking bisig patungong palad.

Bahagya ko lamang inilabas ang isang kasangkapan sa aking harapn. Nagsimula akong pumindot ng pumindot sa aking hinahawakang bagay – na likha ng tao at teknolohiya. Unti-unting nabuo… ang larawang nasa itaas.

Masasabi kong napakatumpak naman ng aking mga nasilayang artikulo man o mga kuro-kuro. Mga patungkol sa ganitong likhain. Anuman ang siyang binibitbit ng puso’t damdamin, siya namang iniluluwal ng pisikal nating kaanyuan.

Guhit dito! Isang bagsak ng pahalang na linya! Isang patagilid na pagtabig sa basong babasagin! Isang dagok sa batang makulit at sipunin! Guhit diyan! Tatlong kulay ng liwanag, bakit ayaw papasukin!

At sa huli’y isang mahinang huni ng ibong nawawala. Nawawala? O Sadyang iniwala?

Err…

About jason

walang clue. nak ng

29 responses »

  1. Chad ay nagsabing:

    Wow! Base! Nauna ako ngayon. First time! Hehehe!

  2. Vajarl ay nagsabing:

    Yan na ba pinag kakaabalahan mo ngayon Jejeson?

  3. bino ay nagsabing:

    gawa mo? abstract! la kong alam sa visual arts pero masasabi ko pa rin na maganda ang pagkakalikha🙂

  4. athena ay nagsabing:

    anu yan abstract? errrr.hehehhe

  5. Ax ay nagsabing:

    six colors lang?

  6. lio loco ay nagsabing:

    psblo picasso, isdachu? \m/

  7. Lara ay nagsabing:

    i see grasshopper😀

  8. J. Kulisap ay nagsabing:

    Happy New Year.🙂

    Kung anuman yang obra na ‘yan…. Er nga.

  9. Pong ay nagsabing:

    blessed new year broi jason!

  10. doroastig ay nagsabing:

    How’s your blog doing in 2010? How many visitors viewed it and which of your post was most read? All of these , and many more, are emailed to you by WordPress. And to top it all, you can directly post these data to your blog as I just did. Click on this We, WordPressers must have this on our blog.

    Go to your email now and look for this: Your 2010 year in blogging [your blog URL]

  11. kaye ay nagsabing:

    what the…er?

    happy new year, kapatid!

  12. Marco Paolo ay nagsabing:

    err….

    ang lalim ng tagalog…para akong lumangoy sa pacific ocean. Hehehe!

  13. duking ay nagsabing:

    nakanang,pagpapahayag ng damdamin gamit ang abstract painting.

    happy new year jayson!!!

  14. coolwaterworks ay nagsabing:

    Nice artwork bata…

    And without any doubt, I think that this is perhaps you best post so far, ang galing ng Filipino mo dito…

    Pero parang iba ka na ngayon… Di ka na nagrereply sa mga comments… Ganyan ba talaga pag sikat, isnabero? hehehehehe… Just kidding…

  15. Arnie ay nagsabing:

    now it makes sense…hoho

    ang galing managalog…
    😀

  16. duking ay nagsabing:

    errr…nilagay ko yung plaka mo sa sulok sa widget area ko. yun lang muna…asan ka bang bata ka?

  17. taympers ay nagsabing:

    gusto ko yong visual art. kaso ayoko ng ending ng post mo.sorta melancholic. anyareh?

  18. Vajarl ay nagsabing:

    Eherm eherm. Jejeson may pusa na dito sa bahay hamham mo.

  19. timangkey ay nagsabing:

    hindi na lang sa english dinudugo ilong ko… pati na tagalog. amp

  20. myfilthyroom ay nagsabing:

    ok, ikaw na talented, artistic, lahat na! haha

  21. nielz ay nagsabing:

    waw.. nice abstract painting. may future ka! heehhehe

  22. busyok ay nagsabing:

    wow. kakaibang jason hamster ang nakita ko sa post na to ah.
    magaling kang sumulat at gumaling kapa lalo. gusto ko yong pagtatahi mo ng salita para mabuo ang bawat pangungusap dito.
    at ang artwork, super deep din!

    great!

  23. jay ay nagsabing:

    ang galing naman ng mga likha mo hamster..

    gud day sau!!:))

    (bloghopping)

  24. Joyo ay nagsabing:

    di matarok ng jutaks ko… errrrrrrrr😀 ipapadecode ko to kay peanut😀

  25. Nortehanon ay nagsabing:

    hmn, ano kaya yung pinipindot? ahahahaha!

    Gandang artwork, iho. Makulay. Mahilig ako sa makukulay na likhang-sining😉 And I love the text that goes with it. Keep ’em coming!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s