May isang batang gamot.

Ang pangalan nya ay Capsul.

Natutulog ng mahimbing si Capsul
sa kanyang bulak na higaan.

Kaso, bigla syang nagising
Dahil sa may narinig sya sa labas,
Mayroong nagkakasiyahan,
Nagkukulitan, at Nagtatawanan.

Capsul: Hikabbbbbbbbb

Dumungaw sya sa bintana at nakita nya ang ilan sa kanyang mga kaklase.


Nakasakay sila sa kariton, at parang may pupuntahang kasiyahan.

Capsul: Pambihirang Patis! At bakit di ako isinama ng mga yon? Ang daya nila. Sila lang ang gigimik? Di to pwede. O hinde!!! Bakeett!!! Sheeee…..


Lumabas ng bahay si Capsul. Ikinandado ito ng mabuti. Tinahak nya ang bakas ng kariton. Dinaanan nya ang eskuwelahan, ang bukid, ang tupahan, ang tapahan, at…

Sa wakas ay nakita na nya kung saan pumunta ang kanyang mga kaklase. Sa may Parke pala sila pupunta.

Dahan-dahang lumapit si Capsul sa mga kaklase. Nagtago sya sa likod ng damuhan with matching disguise.

Munggo: Waw Isaw!!
Lapis: Hongsorop-sorop!!!
Mga Ubas: Bolate ba tong isaw na to o intestines ng tipaklong?

Masayang nagpipiknik ang mga magkakakaklase.

Capsul: Ang daya-daya talaga ng mga mokong na to. Di talaga ko inimbita. Kala ng mga to maiinggit ako? Neber!!!!

Pagkatapos kumain ay lumipat ng pwesto ang mga magkakaklase.

Capsul: Shaks! Aalis sila. San naman kaya pupunta mga to!


Lapis: Ang sarap talaga mag-fishing-fishing!!!

Munggo: Korekorekorekok!!!

Mga Ubas: Shhhhhh!!! Makakawala mga dilis!!! Concentrate!!! Charge!!!!

Nakatago na naman sa likod ng damuhan si Capsul. Di maialis sa kanyang mukha ang pagka-inggit.

Lapis: Nyek! Wala naman akong mabingwit na dilis. Baka may janitor fish na dito. Mag swimming na lang tayo!!!

Munggo: Magswiswimming? Saan?

Ubas: Dun sa park. Sa Big Dipper. Sa tabo. Hohohohoho


Sinundan ulit ni Capsul ang mga mokong. Naabutan nya ang mga to sa Big Dipper. Naliligo. Di na lang sya naiinggit ngayon, nagagalit na rin sya. Para syang sasabog. Kaya naman…



Capsul: GRRRR!!!! Di ko na kaya to!!! Hiyahh!!! Eto na ko!!!!

Dali-daling nagsomersault si Capsul sa tabo…



Splasssssssshhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!

Swooooooooooohhhhhhhhh!!!!!!!!!!!

At nagrelaks…

Capsul: Hi there! Nandito pala kayo. Di nyo man lang ako inimbita.

Lapis: Hala! Baket ka nandito! Sino nag-imbita sa yo!?

Munggo: Hinde ako, hinde ako!!

Ubas: Capsul!!! Umahon ka na dali!!! Alis!!

Capsul: Ano? Pinapaalis nyo ko? Ayaw nyo talaga saken ano?

Lapis: Hinde naman sa ganon. Dali na umahon ka na dyan.

Capsul: Huh!?

Mga Ubas: Pag di ka pa umalis, MATUTUNAW KA!!!!

Pero makulit si Capsul. After 30 minutes na pagtititigan… at pagkukumbinsing paalisin ang makulit na gamot…

Capsul: …

Munggo: Oh noes!!!

Advertisements

About jason

walang clue. nak ng

89 responses »

  1. Arnie ay nagsasabing:

    ayun ang iklog…hahaha

  2. JOYO ay nagsasabing:

    BASE! =)) MAMAYA KO BABASA HAHAHA

  3. tsenn ay nagsasabing:

    hala, nasan na ung punchline para sa isaw? hahaha dun ako nagconcentrate e hakhak XD

    nice one kuya! sana sinamahan mo ng videoke vid mo para solb. nyahahaha wahahaha BWAHAHAHHAHHAHHAAH

  4. Tsi ay nagsasabing:

    Ay broken image sa kin, ibig sabihin mabagal ang aking internets..dahil nagbasa naman ako, mamaya na lang ang MS paint work mo. Ang aliwalas ng theme mo ah, wagas na wagas ang pagka red! Belentimes? Amp tatampalin!

  5. salbehe ay nagsasabing:

    MS Paint pa din ba ito? Infairness mais, improving pating!

    Kaya hindi inimbita dahil matutunaw sya. Ang weird ng magkaklase kung ano anong species/bagay!

  6. blurosebluguy ay nagsasabing:

    kua jeson….hanep ka pa rin talaga sa kwentuhan at drawing!!!!! party! party!

  7. Arnie ay nagsasabing:

    bat ganon…lahat ng oras 9:26 ng Hapon…nyahaha

  8. the cyberpat ay nagsasabing:

    waahh… antibiotic po ba si capsule? hehehe…

  9. doon po sa amin ay nagsasabing:

    hello. ang gaganda ng drawings. ikaw mismo ang gumawa? 😀

  10. Vajarl ay nagsasabing:

    AKO ANG TUNAY NA BASE!!!

  11. Vajarl ay nagsasabing:

    Hontongotongonomon ni capsule. Hahahaha.

    Wait lang, natatawa pa ko sa bid dipper. =))

    At si ubas! Parang pupu ng kambeng na parpol. Hahahaha.

    Anak! May nakita ako oh!

  12. Vajarl ay nagsasabing:

    YARI KA KAY ZETSUNA! May ka tag team na si Lady Orc! Bwahahahahahahahaha!

  13. talying ay nagsasabing:

    nakakamatay pala ang katigasan ng ulo. haha.
    makikiraan po. 🙂

  14. p0ks ay nagsasabing:

    ayan inggiterong palaka kasi…di naisip ang kakahinatnan!!!

    ahahaha apekted naman ako sa kaengotan ni capsule…

  15. bino ay nagsasabing:

    yan! natunaw tuloy hehehehe. echosera kase hehehehe

  16. MPoy ay nagsasabing:

    ang sarap ng isaw. 😀

  17. davmel ay nagsasabing:

    Ang moral lesson dapat wag mainggit at isipin ang kalagayan, tatanga tanga si capsul ahihihihi… infairness ang cute at makulay po ang mga drawing i love it 😀

  18. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Na-confuse ako sa format ng comments… hehehehe… 🙂

    At mag-iisip pa ako ng moral lessons, kung meron man…. Pati na yung significance ng pagkakasama ng lapis, munggo, ubas at gamot sa isang paaralan… Mag-iisip ako kung paano ipapaliwanag sa bata… Pero napangiti ako sa Big Dipper… Sosyal na paliguan ang dating… Parang constellation… Tabo lang pala…

    O ayan, pang-ookray yan… Baka sabihin mo kasi di ako nagbasa kapag puro papuri ang nandito – kung gaano ka kagaling sa MS Paint, sa pagpili ng kulay at sa paghabi ng kwento… Heheheh…

    • jason ay nagsasabing:

      ung mga nakausog po sa kaliwa ang comments nyo, naka gilid sa kanan naman po mga reply. hahaha

      marami pong moral lesson yan kuya cool. wahahaha

      hoy kuya cool quiet po shhhhhhh hahahahahahaha

  19. eloiski ay nagsasabing:

    eh buti nga kay capsul. hakhak! inggitero. pero ayos yung big dipper, magiging healing big dipper. lahat ng makakaligo dun gagaling ang sakit. miraculous. hakhak!

    kuya natuwa ako sa grass mo. mas detailed na. may parang basta. ayun. hakhak! pero hindi mo naman kasi ipinagpatuloy o. yung iba wala ng grass epek. hakhak! pero maganda pa rin! idol master hamster! syaks! magkarhyme master=hamster

  20. Esmina ay nagsasabing:

    MoRaL LeSsoN?.. Wak kA ePaL!!! hAhaHa.. niCe oNE!

  21. kraehe ay nagsasabing:

    dumaan po at binitbit ang badge nyo. kung okay lang? ehehe

  22. Arkhut ay nagsasabing:

    amlabo ng timestamp ng mga comment! hahaha. 🙂 wasaaak!

  23. myfilthyroom ay nagsasabing:

    oh noes. hahaha

  24. Pong ay nagsasabing:

    akala ko hindi water soluble si capsul
    ang ganda ng kastilyo (bahay ni capsul)
    si munggo ba kamag-anak niya si kokey, korekorekok hahaha
    bakit naman kasi napunta si big dipper sa water dapat sa kalawakan lang siya, malamang pinalayas siya ni Ophiocus! =)

    kung sinadya nilang di isama si capsul ng mag friends niya malamang ayaw lang nila itong malusaw o kaya naman sana nagschedule na lang sila ng pamamasyal dun sa hindi tubig para naman di na nagdisguise si capsul at yun nalusaw tuloy

    Splassssshessssssssssssssss!
    alam ko na pang summer post ito dahil malapit na ang summer

    • jason ay nagsasabing:

      yung bahay ni capsul, kubo lang sa kanila yon. hahahaha

      nakakatuwa ka naman katotong pong ang dami mong binigyang pansin sa gawa ko. salamat. hahaha

      si ophiocus kasi kinuha mga stars ni big dipper. nahirapan magformation ng mga ahas.

      hahaha tama!!! kapakanan lang ni capsul ang inisip nila kung ganon. pero kung di naman nila inisip talaga yon, malamang, di nila close si capsul kaya di nili inimbita.

      SUMMER NA NGA!!!!

  25. Pong ay nagsasabing:

    Moral of the story, dapat wag magpuyat para maagang magising sa lakad ng barkada para di malusaw
    XD

  26. hitokirihoshi Jr. ay nagsasabing:

    yan napapala ng gate crusher. hehehe

    matunaw ka, matunaw!

  27. lio loco ay nagsasabing:

    maganda ang intensyon pero sa maling paraan. kung sa simula pa lang eh sinabi na nina munggo, lapis, at ubas na hindi pwedeng sumama si capsule dahil maboboljak lang siya eh di sana hindi nga naboljak si capsule. kawawang bata! XD

    p.s. congrats pala sa pagkapanalo ng libro ni kuya tarbs. naiinggit me. tsk!

    • jason ay nagsasabing:

      kawawa nga si capsul. baka kaya hindi inimbita si capsul, kasi hindi naman talaga nila kaibigan to. kaklase lang talaga.

      ay thanks kuya lio. excited na ko sa book 😀 may mababasa na ko!!! yahoo!

  28. busyok ay nagsasabing:

    haha. ayos. isa nanamang kwentong nakakatuwa at kapupulutan ng aral.

  29. meliza catedral ay nagsasabing:

    ang ganda ng kwento bunso..pangmasa ang aaral nito yan ang nappala sa mga mattigas ang ulo..nkkatuwa bunso ngsama ang lapis monggo,ubas at gamot..hehehhe

  30. BON ay nagsasabing:

    oh nose!!! hahahaha makulet makuleeet!!!

  31. Goyo ay nagsasabing:

    Bobo ni vortex. Haha. Ay capsule pala, kala ko pokemon pa din. Di nya naisip na malulusaw sya. Hehe.

  32. partofyou ay nagsasabing:

    at nabangag si lapis, naging toge si munggo at sina ubas ay nalamog, prozac pala si capsul, bwahahaha!

  33. alecnad ay nagsasabing:

    grabee…ang kulit but i love the story…..

  34. nieco_whacky ay nagsasabing:

    kakatuwang kwento. ^___^
    napadaan lang po at napatambay. ehehhehe

  35. Jan Ashley Comedia ay nagsasabing:

    ganda ganda ganda ganda ganda gnafachgvbxbchnjcjnmsncnnms

    meyd a rong tourn wans or tways dag may wey i blad end fayr bad desishon dats alrayt welcAM tO MaY SiLi lAyF MiS JiNs mIs pLeCs MiS An dOr sToOd lAyK A kA SiM SaCh a DaYaPeR

  36. xorine mae ramat ay nagsasabing:

    sa sobrang inggit at kakulitan tgnan mo nangyari sau.
    jajajajaj pero ok narine cute ng story eh love it jajajaj natawa naman daw ako .

  37. Charmie Ramat ay nagsasabing:

    cute no padaan lng ako eh
    natawa na
    🙂

  38. marivec ay nagsasabing:

    nu byn ang kulit kc sayang nmn di na nainom sayang bili sa gamot

  39. maechille ay nagsasabing:

    oo nga eh ang kulit kc eh

  40. briccio ay nagsasabing:

    pero may katuturan ung kwento no

  41. mariza ay nagsasabing:

    hindi nakalgay kaharian eh no kb marunong kbng tumingin

  42. pamaecute ay nagsasabing:

    Ang ganda ng kwento makakapulot ka ng aral at ang aral ay: wag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw ka

  43. shiella dao-wan ay nagsasabing:

    tama.dahil tayo din ang mahihirapan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s