Dahil sa masaya ang bangon ko
ngayong araw…

Pagkwentuhan natin ang POKEMON!

Nung bata ka ba ay nahilig ka sa
pokemon?

Nakakapanood ka ba nito sa TV?

Nakapaglaro ka ba nito sa Gameboy?

Nagdadrawing ka ba ng Pokemon sa
kokomban o sa nokbuk?

Napanood mo na ba ang Movie nito?

Oo ang sagot ko sa lahat ng questions sa itaas. Except don sa Movie. Di ko pa napanood. Ang alam ko lang eh yung OST o official sound track eh yung kanta ng M2M (Marit and Marion) na Don’t say you love me… Na gagawan ng version ni daddy vajarl. Abangan.

Naalala ko naging student teacher ako ng mga grade one. Di ko alam anong gagawin ko sa harap.

Ang ginawa ko na lang…

Pinabasa ko ang buong klase ng blog ko story sa English Book. Grabe lang kasaket sa tenga, nagsisigawan at sobrang bagal.

Ganon naman diba pag buong klase nagbabasa… Sabay-sabay pero singbagal ng suso (snail).

Di ko kinaya… Ang ginawa ko, isa-isa ko na lang silang pinatayo para magbasa. Natapos din kami after recess. Di ko na pinagrecess ang mga bata.

Joke!

Pagkatapos, kumuha ko ng chalk. Nagsimula na kong magdrawing ng iba’t ibang pokemon sa blackboard.

May pokemong red, blue, green, at iba pa. May colored chalk kasi.

Ok class.. (Habang hinahampas ng libro ang blackboard, kaingay kasi)

Get one whole shit sheet of pad paper.

Art na tayo. Kupyahin nyo ang mga nasa pokemon sa blackboard.

Ginawa namin yun hanggang magtililing na ang bell ng 5:30 ng hapon.

Ay, basta nag recess din pala kami di ko lang maalala kung anong oras o imahinasyon ko lang na napakain ko ang mga bata. Ay oo. Nagrecess nga kami pramis peksman.

About jason

walang clue. nak ng

74 responses »

  1. bino ay nagsabing:

    mahilig ako sa pokemon lalo na kay jigglypuff kung tama ang spelling hehehe

    • jason ay nagsabing:

      opo kuya bino, si jigglypuff nga. yung nakanta ng nakakaantok tapos pag nakatulog lahat eh magagalit sya. tapos dodrawingan nya ng pentel pen sa face lahat.

      at kapag binigyan ng moonstone ay magiging wigglytuff na.

  2. Vajarl ay nagsabing:

    Check, check, check, check. Haha. Adik ako sa Pokemon noon. Nagdrawing pa ko, si Dragonite, at proud na proud ako. Bwahahaha.

    Meron akong movie ng Pokemon sa bahay. Kaso nasa bahay. Tsk.

    HOOOOY! Hahaha. Walanghiya ka! Bat magkakaversion ako ng M2M?! Hahaha. Ibang M2M ang alam ko! Nyahahahaha.

    • jason ay nagsabing:

      pareho tayong adik sa pokemon!!! ako nadrawing ko na ata lahat sa kaadikan. pati mga teks teks meron din kadame. haha

      yung alam mong m2m wag mo ng ishare dito. wahahahahah

      dali kanta na !

      • Vajarl ay nagsabing:

        Meron den akong teks, original at fake na trading cards, action figures, books, guide sa gameboy, stuffed toys, unan, at marame pa. Nasabe ko na bang adek ako sa Pokemon?

        At sa M2M? Bwahahahaha.

        • jason ay nagsabing:

          aw natalo mo na ko sa pagiging pokemon fanatic. wala akong collectors item.

          basta ang memorize ko lang ung numbering ng pokemon from 1 to 150!!!!

          sige nga kanta ka nga ng M2M songs.

          wag mo na kase ilihis sa ibang M2M! hahahahaha

  3. salbehe ay nagsabing:

    Akala ko yung suso (snail) na sinabi mo ay boobs. =)

    Marunong ka din bang mag drawing ng suso? Boobs?

  4. Arnie ay nagsabing:

    sige ikaw na ang lalaban…go Psyduck…toinks

  5. Vajarl ay nagsabing:

    ZETSUNA I CHOOSE YOU!!!

  6. Pong ay nagsabing:

    wow chicher jason!
    bakit naman po hanggang 5:30pm ang klase? overtime sa kakadrowing ng pokemonssssssssssssssssss?
    hahaha
    gusto ko ang team rocket kasi palagi silang lumilipad bwahaha tsaka sila yung kakaaliw sa pokemon lalo na ang litanya nila sa tuwing mag-aappear sila…
    di ko pa napapanood yung movie na pokemon…
    gusto kong maging kontrabida sa pokemon ako si Pokebuster!
    ihanap mo ako ng match.
    =)

    • jason ay nagsabing:

      kala nyo ha kayo lang nila chicher nalaine at chicher pinkee ang naging chicher. hahahaha

      12:30PM to 5:30PM ang pasok ng P.M. classes samen nung gradeschool. hehe

      sila jessie at james laging ng bablast off.

      pokebuster ka? kakalabanin ka ng jejebusters.

  7. YanaH ay nagsabing:

    natatawa ako! hahahahahahahahahahahahahahahaha
    ayan nakatawa na ko.
    aababangan ko ang version ni Vaj sa kanta ng M2M lol

    ayaw kitang maging teacher! hindi mo ko papakainin! lol

  8. ricodebuco ay nagsabing:

    kawawa naman iyong mga bata..di mo sila pinakain bad teacher hehehe joke lng

  9. aninipot ay nagsabing:

    bakit kaya wala akong maalala na naging fanatic ako ng pokemon?. baka wala yon sa kabundukan namin…hahaha

  10. Joyo ay nagsabing:

    ayaw ko ng kulay blue na pokemon… gusto ko pink!

  11. lababo ay nagsabing:

    Bata pa lang ako, pansin ko na na hindi ako mahilig manood ng tv. Pagmamahal lang talaga hilig ko.
    Bat mukang doraemon yun?
    Yung babaeng itim ang buhok sa m2m, hot. Ahihihi. Parang ambango bango ng pawis niya sa batok.

  12. J. Kulisap ay nagsabing:

    Buhay pa pala ini. Ang dami palang karakter sa Pokemon.

    Kala ko isa lamang.🙂

    Mema lang din

  13. red06 ay nagsabing:

    sa intramuros ka pa rin ba?

  14. MidNytDriver ay nagsabing:

    yung pokemon games yan.. yung may blue, yellow, red… amhilig din ako sa pukimon.. este, pokemon pala🙂

  15. MPoy ay nagsabing:

    haha.. akalain mong pokemon ang pinadrawing.

    siguro iniwan mo ang mga bata at ikaw ang nag recess. bad! Lols

  16. Vajarl ay nagsabing:

    Memorized ko ang Pokemon by number!

  17. jobologist ay nagsabing:

    paborito kong pokemon si jigglypuff..pasweet lang hehehe

  18. Ax ay nagsabing:

    Naging student teacher din ako, first year high school nga lang. Required kase sa pilot section na magturo ng class subject for two days pag teacher’s day. Yey!

  19. busyok ay nagsabing:

    diko nasubaybayan yang pokemon mabuti pa si doraemon close kami.hehe

  20. myfilthyroom ay nagsabing:

    mahilig din ako sa pokemong malaki/malaking pokemon.. ah basta, gusto ko sila. period.

  21. BM ay nagsabing:

    noong napagala ako sa pokemon museum sa tokyo, isang damukal na pokemon ang nakita ko doon hahaha, dapat punta ka doon🙂

  22. BON ay nagsabing:

    may pokemon ako! si picachu!! bleh!

  23. Goyo ay nagsabing:

    Gotta catch ’em all!

    Wala akong gameboy. Pero nanonod ako ng pokemon dati. Hangganga ngayon, mahilig pa din ako sa poke — walang mon. Hehe.

  24. jay ay nagsabing:

    nakakaaliw naman ito json hehehe

    i love pokemon🙂

  25. hitokirihoshi Jr. ay nagsabing:

    natawa ako sa alaala na yan. kasi fter ng pokemon pa yung fushigi yuugi so hinihintay ko pa. ang nangyayari ang nanonood yung kuya ko at mga barkada nya.

    tas maglolokohan sila ng o what’s day today? friday! meaning? Pokeday! kalooka!

    medyo mas nahilig ata ako sa monster rancher kaysa dyan. pero di ba may gumaya pa dyan yung Digimon.

  26. davmel ay nagsabing:

    sa totoo lang yan lang ang pinaka madaling idrawing ahihihihii… sir Teacher kapala ng mga bata galing naman, dati gusto ko magturo pero naisip ko madali pala maginit ang ulo ko at baka hindi ko rin sila maparecess lalo na ang makukulit na mga bata hehehe😀

  27. Allen ay nagsabing:

    kawawang mga bata. tsk tsk

  28. july e bagual ay nagsabing:

    pakita ka yo ng mga legendary na ficture

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s