Naisip ko lang, tignan ko yung multiply account ko.

Dito pala kasi ako nagsimulang magblog. Ayun.

O eto nga nakita ko yung entry ko. Natatawa na lang ako habang binabasa ko.

Di ko rin maisip na naisulat ko talaga to. Parang lalungs(wala lang).
Eto…

Copy Paste Mode… ON!

Topicless Blog

Medyo nararamdaman ko na…..
Eto na naman,

Parehong pareho. Kung ganun din ang mangyayari. okey lang. as usual. Come and go lang naman talaga ang lahat.

Kaya magpopost na lang ako ng magpopost ng bulletin sa friendster kahit araw araw dahil hobby ko na yun. Salamat sa mga nag rereact sa mga bulletin ko. I really appreciate it.

Wala ng Prince Mackaroo sayang..
Sana ibalik ng Q TV.
Pati yung Heaven’s Coin na pinanood namin ni Marvin hahahaha

Change topic…

Naalala ko bigla ung highschool ko. Naisip ko sino ba mga kasama ko
dati nung highschool ako??
Wala ako maisip kahit itaktak ko pa sa sahig ung ulo ko, ang naalala ko lang na lagi ko kasama eh ung mga nagiging seat mate ko.

Mga naging kaibigan ko ay hindi ko na babanggitin ang pangalan dahil malamang kaunti lang. at wala ng komunikasyon.

Pero sabi ko nga kanina.. Come and GO.
Paalala lang bago ipagpatuloy ang pagbabasa ng BLOG na ito
Di ako Emo. Iyakin lang.

Kaya nung nakatungtong ako ng kolehiyo. ayan na, dahil di ako nasanay na humarap sa ibang tao, ayun na nga. tao na mismo lumalapit sa kin para makipag kaibigan. Para kong isang mailap na mouse deer na malapit ng maextinct.

At ang una kong kaibigan ay itatago na lang natin sa pangalang Arlene.
(palakpakan) ang una kong kaibigan sa PUP ang sintang paaralan nila.

Ayun nagkakkuwentuhan ng buhay buhay… ayun pinakita nya mga pictures niya ng mga basketball players na di ko kilalla kasi di ako mahilig manuod ng PBL o PBA. Kasama nya sila James Yap (na di ko rin kilala). Ayun tapos kwentuhan, bla bla bla, hamggang sa na bore kami sa lagoon at nakita namin si Christian, ang ikalawa kong kaibigan sa PUP. (Palakpakan uli)

Sa mga oras na to eh di ko alam kung bakit ko to sinusulat eh pwede naman akong Maglaro ng Flyff o Mag Job haunting na lang. Pero back to the story.

Meron na kong dalawang kaibigan, ang mga susunod na pangyayari ay di ko na ikukuwento kasi mahaba at medyo di ko na kabisado ang chain of events kaya jump na la lang sa next story line.

Marami ako nakilala, kinilala, nakipagkilala sa Sintang paaralan nila. (ayokong isinta ang PUP ayoko eh ayoko lang talaga)
Hanggang sa nabuo ang aking final barkada na binubuo ng mga sumusunod.
Jason(Ako), Kevin, Marvin, Denis, Benji, Jacque, Weng

Siyempre parang sa pagkain eh meron ding mga side dish. Eto ung mga kaibigan ko rin at besprends din na maituturing dahil sila ang kumukupkop sa kin pag may time na may problema ako sa tropa ko o sa kahit anu pang bagay. At ung mga tipong may time para makinig sa kin at magbuhos ng problema.
Rochelle, Jimcy, Richelle, Rose, Sheng, Jasper, Arlene,Reggie, Anna Margarita

Sa mga to minsan eh silent ako, kasi dadadada ratatatatatatat kala mo lahat ng problema pasan nila, di nga ako makasingit para mag comment or mag salita. para akong si lozada. (pede na po ako magsalita???) Ang ikinatutuwa ng aking halang na kaluluwa eh yung nagtitiwala sila sakin at di sila nag aalinlangan na pagsabihan ako ng mga problema at hinanakit nila. Ako ay isang malaking tenga kung baga. Kaya thank you talaga.

Ipinapaalam ko sa lahat na konti na lang space ng utak ko para sa problema. Yung sakin pa nga lang 3 fourths na ng hard disk ko.Yung sa iba naman 1 fourth. Papaextend ko pa sa pinakamalapit na veterinarian para makapag insert pa kayo.

Bale ang pinagtyatyagaan kong gawin sa aking past time lagi ay ang friendster. Or minsan ung YM kasi may kausap ako. Wala akong kaibigan dito sa Apartment. HAy…

Pwede kaung mag apply na kaibigan. libre lang walang bayad. except lang sa mga… business is business.. heeheh

Kaya naman minsan napapaisisp ako kung emo ako o iyakin nga lang. Wala naman kasi

To be continued…

About jason

walang clue. nak ng

16 responses »

  1. kamila ay nagsabing:

    pwede mag-apply na kaibigan? ang galing noh? pag nababasa mga lumang blog… ako sa friendster unang nag-blog.. parang hard-disk ko kase multiply.. photo album hehe.. pero may kaunting blog din ako dun….

    pero kung anong natutunan ko sa mga lumang blog kahit nakakahiya.. wag buburahin… kase binura ko yung dati ko eh.. pinagsisisihan ko na ngayon..wala kase ako mapagtawanan..hehehe

    • jason ay nagsabing:

      ay sayang dapat di mo binura! hahaha hayaan mo yung archives mo ngayon eh pagtatawanan mo pag lola ka na. maiisip mo, ganto pala ko nung bata ako, sulat ako ng sulatπŸ™‚

  2. Vajarl ay nagsabing:

    Palakpakan! Hahaha.

    Natuwa ako ng bonggang bongga sa post na to nak.πŸ˜€

  3. bino ay nagsabing:

    taga PUP ka pala ? kapatid ko dyan nag-aral!πŸ™‚

  4. empi ay nagsabing:

    *palakpakan*

    naalala ko ang college days ko… mukang tanga lang ako doon. lols

  5. Arnie ay nagsabing:

    Di ako Emo. Iyakin lang. <—LIKE

    yey talagang dapat bigyan ng masigabong palakpakan…

    namiss ko na din mga hinaupaks (mababaet kami!) kong kabarkada…hohoho

  6. salbehe ay nagsabing:

    Sa Multiply din ako nagsimulang magblog. Nasabi ko lang din, ayun.

    Paano ba mag-apply na maging kaibigan mo? Hindi ako interesado katulad ng hindi ko pagkainteres sa Fireworks dahil kinanta mo na. Hahaha! Ito ang pinakataeng koment dito. Halatang una at huling paragraph lang ang binasa. Booyeah!

  7. busyok ay nagsabing:

    teka lang. maalala ko. may multiply account nga rin pala ako.
    kaso..ano na?…ano na password ko?

  8. hitokirihoshi Jr. ay nagsabing:

    ako tambakan ko talaga ng pics ang multiply na matagal ko na nga rin palang hindi nadadalaw. ang gusto ko sa multiply siya yung kung gusto mo ng mag-post na madali kang makakapamili kung sino ang makakabasa.

    may dalawa akong post doon na ako lang ang nakakabasa. hehehe. at doon ko rin nakausap si nyoy volante at ang isang magaling na writer.

  9. Davin ay nagsabing:

    at talagang may listahan ka ng kaibigan ah. parang may level-level pa. hehehe… parang bata lang. wag mo sya bati ah. hahaha!

  10. azul ay nagsabing:

    kamusta ang hamster ang tagal kong hindi nakabisita hmmmm…mahigit isang taon..ahahay..anfg dami ko ng namis..

    natatawa ko kasi friendster pa ang uso ng una mong ipost to sa multiply

  11. boybochog ay nagsabing:

    repost sa multiply? at buhay pa ba ang multiply? este multiply mo?

    nakikiraan lang po

  12. topexpress ay nagsabing:

    Naalala ko sa FS ako una nagblog. Nakakatawa balikan kung paano tayo nagsimula at nakakatuwa kung paano tayo yumabong bilang isang nangangarap na manunulat!πŸ˜›

    Kudos Makabagong Rizal! (walang hilig sa pagkanta at picture!) lolz

  13. doroastig ay nagsabing:

    Tomorrow, Saturday, we will be observing EARTH HOUR. Show your support here.

  14. coolwaterworks ay nagsabing:

    Palakpakan! Hehehehe…

    Sa blogger ako nagsimula… Nakigaya, para masabi lang din…πŸ™‚

    Aba, nakalink na pala ako dito… Salamat Jeson…

    Naalala ko tuloy ang mga kabarkada ko sa college…

  15. Joyo ay nagsabing:

    namiss ko tuloy ang blog ko sa friendster, at sa i.ph haha! naisip ko din mga barkada ko, mga kagagahan ko and evrthing!πŸ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s