Sobra talaga kong ninerbyos nung isang gabe. Bigla na lang nagising sila daddy at mommy. Tapos may maingay. Pinakinggan kong mabuti yung tunog. Habang papalapit ako sa pinanggagalingan ng tunog….

Meow.. meow… meow…

Sa sobrang takot ko, mga ten seconds bago nag sink in sa utak ko na pusa pala yung maingay na nakabulabog sa pagtulog nila daddy na syang kinatakot ko at syang kinacurious ko kaya hinanap ko ang pinanggalingan ng tunog tapos masyado lang pala kong matatakutin pusa lang pala.

Kuting pala. Maliit na kuting. Nakakita na kasi ako ng malaking kuting kaya may maliit na kuting. Dali-dalian kong nilabas.

Bago ko pala nilabas, nagsuot muna ko ng tsinelas. Tsinelas lang sinuot ko bago ko nilabas yung pusa. Yung kuting pala.

Ay! Sarado ang gate ng likod-bahay namin a.k.a. backyard na may putol na puno ng nyog o buko o coconut. Pero may arateris din don (ano ba spelling). Naalala ko nung bata ako eh naisipan naming kainin yon. Kaso yung katulong eh pinagsabihan kami:

Mga batang etu, hinde nyo ba alam maga-lason kayu kapag nitikman yan arateris na yan ay! mga hendut! pagalitan ako ni ser mam ser.

Ng dahil don, hindi na ko nakatikim ng arateris. Poreber and eber amen. San ba nakakabili nito?

Speaking of the katulong..

Nasabi ko bang mapang-alipusta yung katulong naming yon? Kasi pag sobrang likot namin ng bunso ay kinukulong kami sa cr. Tapos bubuksan lang pag umiyak na kami ng umiyak.

May mga panahon pa na kinukurot kami sa nguso, sa tagiliran, may palo, at kung anu-ano pa. Baka dinidisiplina lang kami kasi malilikot kami? Eh?

Dahil sagad ako sa pagka damunyito nung bata pa ko, na syang kabaliktaran kasi anghel ako ngayon…

Gumagawa ako ng letter. Sa papel. Gamit ang bolpen. Tapos magdodrawing ako ng bampira, dregon, damunyo, babuyramo na may pangel tapos ipapadala ko ilulusot ko sa ilalim ng pintuan ng mga katulong namen na mapang alipusta.

Eh ilang taon lang kami nun para ganunin kami diba. At wala pa kaming malay nun na na bad kids pala kami.

BACK TO THE STORY…

Kinuha ko yung susi para sa kandado ng backyard naming may grape vines at hazelnut. Joke. Ayun nga, nakita ko yung kuting na maliit, iyak ng iyak. Nasa batuhan. Hindi meow ang boses nya. Ganto…

Nyeow! Nyeow! Nyeow! Nyeow! May 2 seconds interval bawat nyeow.

Dinakot ko sya gamit ang tiklupin kong mga kamay according to some people na nandyan sa tabi tabi.

Binitbit ko ang maliit na kuting sa kanyang katawan, hindi sa leeg dahil ma isstress sya. Teka, alam nyo ba ang tamang paghawak sa mga pusa, aso, o hamster? Kung hindi pa, basahin link sa baba…

DIRTY GIRLS DANCING

Ayun nga dinala ko na yung maliit na kuting sa bahay. Iyak ng iyak. Ang ingay. Nakatulog na sila mommy at daddy ulet. Pero maingay yung kuting na maliit

What to do what to do! Ang haba na ng post na to! What to do!

Edi ayun na nga, kumuha ko ng shoe box. Kumuha din ako ng mga retaso ng mga lumang damit. Ipinamigay ko na lang sana sa poor people. Pero kawawa si maliit na kuting.

Pinagtimpla ko pa ng gatas ang hayup!
Uminom naman. Nauuhaw. Tumahimik. Pero nag-ingay na naman! Hala talaga! Pero di naman nagising sila mommy at daddy. Nananaginip ata sila.

Tinakpan ko yung shoebox ng takip din ng shoebox. Tumigil ang pag-iyak. Dinala ko sa kwarto, sa tabi ng kama ko. Tahimik na.

Tahimik talaga. Walang sound. Tahimik talaga eh, wala talagang sound…

Chineck ko yung kuting na maliit kung anong nangyari. Inangat ko ang takip ng shoe box…

Natutulog lang sya. Mahimbing. Napagod ata sa pag-iyak.

Kinaumagahan, ayun na, dumating si daddy. Nakita shoebox. Nagtaka. Ano daw yun. Magpapaliwanag sana ko na magpapalusot kaso biglang nagising yung maliit na kuting.

NYEOW! NYEOW! NYEOW! NYEOW!

Ayun tiklo na may kuting sa bahay. Pinagsabihan ako ng maraming bagay. Mabaho tae nyan, mabalahibo, malikot, marumi…

Pero ang sinabi talaga eh – Kawawa naman yan, ibalik mo na sa labas hinahanap na yan ng nanay, tatay, ate at kuya nyan.

Pero syempre , given na yung ayaw nila ng hayup sa bahay. Bukas nga mag-aalsabalutan na ko. Joke.

Di ko naging pet si maliit na kuting, di ko man lang sya napangalanan. Kung napangalanan ko yun eh baka umiyak ako pag pinakawalan ko na sya.

Dinala ko nga pala sya sa tabi ng chapel. Doon sya nag

NYEOW! NYEOW! NYEOW!

 

THE END

About jason

walang clue. nak ng

31 responses »

  1. Vajarl ay nagsabing:

    Gusto ko dreon. Oh!

    Pusa person na ko ever since nakilala (close na kame) ko si Jessie. Mygaad sana saken mo nalang binigay yung kuting. Bibigyan ko sya ng pagmamahal na wala ng sasarap pa sa Century Tuna.

    Oh! The dregon!

  2. Momel ay nagsabing:

    Dapat nilagay mo na lang sa plangganita. Na may tubig. Para kung mauhaw siya, diba? Ow ey, first time kong mag comment dito, morbid pa. Anyway, heto na ko, at ang haba mo pala mag kuwento. Balik na lang ako ulit.

    Muahness from Pasig Citehh!

  3. kamila ay nagsabing:

    hallow dalaw. di naman nakakalason arateris.. (di ko din lam spelling) kase nung bata ako umaakyat din kame sa puno para kumaen nun… pero feeling ko yun pagkaen ng paniki…

  4. khanto ay nagsabing:

    di nagfamily planning yung magulang ng maliit na kuting. :p

    may umampon na ba sa kuting after mong dalin sa chapel?

  5. Glentot ay nagsabing:

    Haha buti hindi ka sinundan nung pauwi ka na sa inyo, diba mahirap iligaw ang mga pusa hehe…

  6. BON ay nagsabing:

    nyeoww! nyeoww! ang gandang kwento naaliw ako! hehe. pramis!!

  7. doroastig ay nagsabing:

    Words to ponder on this season of Lent here

  8. salbehe ay nagsabing:

    Wow! Nakapagbasa uli ng kwento mula sa iyo Jason. Nakakamiss.

  9. Pong ay nagsabing:

    Agree ako kay ate salbe, nakakamiss ang mga kwentong MS Paint dito. Tandang-tanda ko pa Ate Charo, paunahan kaming magbeys dito, kasi ang hirap naman talaga makapagbeys dito. Kaso nawala na lang bigla.
    xD

    ikaw na ang nag nurse sa kuting for one day. At sa chapel mo pa dinala yehey!
    salbahe yung yaya niyo nun,
    natawa ako sa damunyo.xD
    familiar yung MS Paint mo.
    Ikaw na!

    • jason ay nagsabing:

      sa totoo lang pong namiss ko din magdrawing pero may mga aukward moments talaga sa mga tao basta pano ba to.

      ayun.. example si aiza seguerra. nung naging chubby sya nung nagdalaga/nagbinata sya eh nawala sya sa showbiz.

      parang ganon namahinga lang.

      miss ko din yung dati pong🙂

  10. shea ay nagsabing:

    aratiles. sige aakyat ako ng puno ng aratiles para ipatikim sayo. hindi yun lason. pagkain nga yun ng ibon eh.

    ayoko ng pusa.

  11. Arnie ay nagsabing:

    ang haba nman…inantok ako…:))))

    OK!

  12. Yvarro ay nagsabing:

    hahaha!! ok.. wawa naman ung kuting..😀 hahaha!!! anyway.. hindi mo na nakita ung kuting pagkatapos nun?…

  13. kaye ay nagsabing:

    meron kaming binabasang children’s story nina Jeremy at bebe Cassie, ang title, ang itim na Kuting. Ang name ng black kitten ay Ignacia. At pag nakita ni Cassie ang libro, sisigaw na siya ng maraming beses nang Black kitten! black kitten! black kitten! yun ang palagay ko e mas nakakatorete kesa sa pagngiyaw ng mga pusa. Anlakas kasi ng boses ni bebe Cassie at di niya pansin na siya lang ang batang gising kahit hatinggabi na.

    kainis talaga ang ibang yaya. ako nagkaron ako ng UTI at naconfine pa sa ospital dahil kinukurot ako ng madalas ng yaya kapag wiwiwi ako. ang ginawa ko, nagpigil ako ng wiwi. ayun ospital ang kinalabasan ko at napalayas ang salbaheng yaya.

    nga pala, ayokong ayokong ayoko ng pusa. o kitten. maliit man o malaki.

  14. kraehe ay nagsabing:

    ang cute naman ng hamster sa isang link ahihi. na-iistress ba ang kuting pag sa likod ng leeg mo sya binitbit (tulad ng pagbitbit ng inang pusa pag nilipat sila)? buti di na-suffocate si little kitteh nung tinakpan mo ang shoebox😄

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s