Tandang-tanda ko pa nun, Filipino Subject, 1st year college. Habang nagdidiscuss ng lesson yung teacher naming mukhang bisugo, kami naman tatlong magbabarakda e busy sa maitim na balak sa mga classmates.

Dahil sa mukha akong mabait at katiwa-tiwala at uto-uto inutusan ako nung isang teacher na gumawa ng seat plan. Kaya habang bored na bored na bored kaming tatlo sa lesson, nilabas ko yung ginawa kong seat plan.

Ang nangyari, parang time-out sa basketball. Parang nakakumpol kami sa likod at iniisa-isa ang mga pangalan sa seatplan na ginawa ko nga.

Napagkaisahang bansagan ng mga pokemon ang mga classmates. Ang dahilan? Pamatay oras, laugh trip, at tawanan. Tsaka laughtrip ulet.

Habang nagbabansag kami ng pokemon sa isang classmate, may karugtong na hagikhik, bungisngis at orgasm. Di naman kami naririnig ni Ms. Bisugo kase matinik kami pumuslit sa discussion nyang boring talaga.

Yung kaklase ko, kapag nagsasalita, mapapansin mo lang talaga ang letter S sa mga salita nya. Parang kumakawala ang laway. Puro s talaga. Tinawag namin syang EKANS.

Yung isa naman naming classmate, na di kaputian, eh binansagan naming JYNX. Alam mo yung sound ni Jynx sa pokemon games? YUng “Tenenenen – tenenen” Kakaiba. Yung ibang pokemon nag gogrowl at nag roroar. Sya – “tenenenen – tenenenen”.

 

Syempre may pakner yan. Yung maitim na lalake naman. Tinawag namen syang Gastly.

Eto di ko alam, pero halos lahat yata ng sections na napasukan ko sa buong schooling life ko eh laging may mukhang kabayo. Tinawag namin syang Ponyta.

Sunod naman ay hayop din, mukha namang bulldog na nagmamakaawa ang itsura neto. Di ko alam kung puyat na di maintindihan. Parang Math Problem ang mukha. Ang gulo-gulo. Kaya sya si SNUBULL.

Oke hayop pa din, taong malaki ang hinaharap… na ngipin. Yung dalawang magkatabi sa ilalim ng labe. Yung kahit nakasara bibig eh exposed sa kapaligiran ang front teeth. Sya naman si RATTATA.

Yung isang kaklase naman nameng babae eh cute naman, kaso malaki ang muscles. Pwede magpart time sa pier paglaki. Kaya sya si Clefairy.

May nagprotesta bigla. Sinabi nya na baket si Clefairy? Bago pa nya matapos ang sinasabi nya, sinabi ko na: “Clefairy nga pero pag nag evolve… MACHAMP.

Yung isa naming jumbo classmate eh singkit. Saktong description para kay SNORLAX.

Yung iba di ko na matandaan. Pero syempre kasali din kami. Kami ang magugulang, kami may pasimuno kaya dapat superior pokemon kaming tatlo. Kami ang legendary birds.

ARTICUNO



.

ZAPDOS



.

MOLTRESS

 

Secured naman akong walang kaklase ko ang nagbabasa nitong blog ko. Tsaka wala namang namedrop akong ginawa diba. Tsaka wala namang clue. Tsaka ano fiction lang yan pramis.

Psychological analysis: Nagawa ng may-akda ang mga ganitong bagay dahil sya ay nakaranas na ng pambubully ng mga dayukdok at mukhang taong-grease nyang kaklase nung highschool pababa hanggang prep.

Pakiconnect na lang.

Sa mga naglike ng video kong dynamite sa facebook…

di ba kayo naumay? hahahaha!

About jason

walang clue. nak ng

18 responses »

  1. salbehe ay nagsabing:

    Natawa ako sa “magpart time sa pier paglaki”. Babae yan ha!

    Hindi naman kasalanan ng mga kaklase mo na i-bully ka, kasi sa totoo lang, mukhang masarap ka ngang gaguhin. Bohahah! Haylabyu Jason.

    Tae ka, fave ko ang Dynamite. Ayaw ko panoorin ang video mo, baka isuklam ko din yun katulad ng Fireworks.

    • jason ay nagsabing:

      oo babae yun.

      ewan ko ba sal, paborito nila ko bullyhin alam kasi nilang di ako lumalaban,.

      pero pag ngayon nila ginawa yun, dadanak na ang dugo sa pamamagitan ng screwdriver at hardisk sa noo

  2. Yvarro ay nagsabing:

    tsk.. that’s way too mean! hahaha!! pero .. ok lang… laitero din kase ako..😀

  3. Vajarl ay nagsabing:

    SI JYNX!!! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

    Sa YM ako magcocomment. Wafuckels.

  4. sphere ay nagsabing:

    ahahahha ang adik mo bunso kakaloka ka🙂 kakatawa si rattata kc may classmate din akong ganyan sumosubra ung ngipin nya sa bibig nya pero nong makita ko sya sa FB ibang iba na ngipin nya manipis narin ang lips nya nakapekpek short sya Renato pangalan nya dati ngayon Rain na…

  5. bino ay nagsabing:

    nasa pokemon school ka ya joson eh hehehehe

  6. kamila ay nagsabing:

    hahaha..eto yung mga naunang pokemon talaga.. nakakmiss lang.. di ko na kase alam mga pokemon na bago ngayon eh…

  7. hitokirihoshi ay nagsabing:

    ahahaha, tito naramdaman ko raw na malamang ginaganito rin ako ng mga kaklase kong lalake. hahaha

    pa-star kasi nung high school baka dino-drawing na rin ako. buhehehe. ngayon ko lang napagtanto na cute pala ang mga pokemons. nung ipinalabas kasi yan, iba ang gusto kong anime.

    mabuhay!

  8. weng ay nagsabing:

    hahahahaha di ka nga nag-namedrop =)) at walang clue. konti lang may alam :))

  9. myfilthyroom ay nagsabing:

    if i know, may orgasm talagang naganap nung mga oras na un, so no need ng lagyan ng guhit. hoho

  10. Pong ay nagsabing:

    Tenenenenen
    Halaka naman may Ms. Bisugo! xD
    Gusto ko si Zapdos
    ang tanda ko lang sa Pokemon nilalaro ko it osa gameboy yehey!
    At yung team rocket.
    xD

  11. khanto ay nagsabing:

    waheheheh. kahit saan ata, laging may mukang ponyta, pag mas matured lookin, rapidash na :p

  12. dyanpul ay nagsabing:

    gandang post neto. naalala ko tuloy ang hayskul days ko. Ms Bisugo—> MAGIKARP…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s